He Loves Me, He Loves Me Not...

Von belovedhaste

4.7K 236 35

College Series #2 (Previously titled as After the Heyday) Avril Heather Gomez is a household name in Sherwood... Mehr

He Loves Me, He Loves Me Not
Beginning
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29 (Special Chapter)
Chapter 30

Chapter 1

258 7 0
Von belovedhaste

Chapter 1

"Ito, try mo 'tong black na ipangkulay diyan!" Pangingielam ni Leigh sa gilid ko.

Nakaupo lang kami dito sa open space ng university kung saan may ilan-ilang mga lamesa't upuan. Nagpahinga ako saglit mula sa paggawa ng plates para sa isang subject at sinimulan na lang magkulay sa adult coloring book na binili ko.

Pakiramdam ko kasi ay mahina ako sa paggamit ng watercolor, kaya pina-practice ko talaga. Isa pa, napaka-therapeutic kaya ng pagkukulay. It feels good to be able to practice something I'm bad at...hoping it would soon improve.

"E, flower 'tong kinukulayan ko tapos black? Parang ang pangit naman 'nun?" Tugon ko sa kaniya habang nakatingin sa palette. Pink kaya, or red?

"Pink na lang para kakulay ng buhok ko?" Tanong ko.

"Ano ba yan, ito nga black, oh! Para unique."

"Gusto ko bright and colorful, 'wag kang desisyon diyan." Pabiro niya akong inirapan kaya naman tinawanan ko siya.

"Alam mo, ang conventional and liberated mo at the same time. Tignan mo, ayaw mo ng black kasi ang unusual, pero tignan mo 'yang buhok mo, pink na pink."

"Para naman kasi yan sa role ko last time diba." Noong sigurado na ako sa napiling kulay na watercolor ay agad kong isinawsaw doon ang aking brush.

Pink at yellow ang napili kong kulay. Balak kong gawing gradient ang bulaklak.

"Oo nga. Pero Aver, mahigit isang buwan nang tapos yung play niyo. Wala ka na bang balak ibalik 'yan sa itim?"

"Sayang naman kasi yung ginastos dito, noh. Ine-enjoy ko lang yung buhok ko. Tsaka, para worth it naman yung hirap si sisteret sa parlor sa pagkukulay sa'kin."

Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkukulay ko sa coloring book nang biglang may narinig akong kumanta mula sa likuran.

"Wow! Bubuka ang bulaklak, papasok ang reyna. Sasayaw ng cha-cha, ang saya-saya!" Napabaling agad ako sa lalaking kumakanta at siyempre, sino pa ba kung hindi ang unggoy na si Ceres.

Binigyan ko siya ng masamang tingin. Pero hindi pa rin talaga siya natapos at nag-hum pa habang sumasayaw.

"Para kang tanga diyan! Nakakahiya 'to!" Sigaw sa kaniya ni Leigh.

"Pogi naman." Tugon lang ni Ceres at tinigil na rin ang pagsasayaw.

"Busy ka ba M'lady?" Ah, kaya pala ako nilapitan, may kailangan ang unggoy.

"Oo." Simpleng tugon ko.

"Weh? Grabe naman prof niyo, pati pagkukulay ng bulaklak ina-assignment? Hanggang kailan ka ba busy madame? Baka naman, hehe."

"Hangga't walang..." Ipinagdikit ko ang hinalalaki at panturong daliri, tsaka ito ikinuskos sa isa't isa. Agad namang natawa si Ceres.

"Siyempre naman M'lady! Name your price, and I'll provide!" Malakas ang pagkakasabi niya kaya't napansin ko ang iilang babae na napadaan at tila nagulantang pa sa sinabi ni Ceres.

"Tumahimik ka nga! Gagong 'to! Kaya ako nai-issue eh!" Tinawanan niya lang ako at umupo na sa kaharap kong upuan. Tanging lamesa ang pagitan namin.

"Ano bang ipapagawa mo? May rough sketch ka man lang ba? Baka mamaya wala ah! Ako na nanaman pag-isipin mo. Mas mahal ang fee kapag sa akin din galing yung idea. Sinasabi ko sa'yo Ceres!"

"Meron kaya akong idea! Kahit last time kaya mayroon akong idea, hindi ko lang nagawan ng rough sketch!"

"Ulol mo! Kaya pala oo ka lang ng oo sa mga suggestion ko noon."

"Ano ka ba, Aver! We have the same braincells kasi! Kung anong naiisip mo, naiisip ko rin!" Tawang-tawang sabi niya.

"Kapal naman ng mukha nito! Diyan ka na nga! Alis muna ako, Aver. Punta lang ako library, napaka-ingay ng isa diyan! Tsk." Tumayo si Leigh at iniwan na kami ng unggoy na 'to na tuloy pa rin sa pagtawa.

"Kabagin ka sana." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkukulay.

"Tss. Basta M'lady, ah. Digital art sana kasi ipo-post ko sa page ng business ko. Ise-send ko na lang sa'yo yung additional information mamaya. Tinatamad pa ako mag-isip."

Alam ko namang kung hindi lang siya busy sa pagiging nursing student ay magagawa niya na 'yung digital art. Marunong din naman kasi 'yang si Ceres. Wala lang talagang oras dahil laging nasa hospital.

Bihira ko na nga lang din siya makita sa university. Kapag may mga ipapagawa siya sa akin na mga ganito ay madalas sa message lang kami nakakapag-usap.

Kaya ayun, kahit hindi nakakapagkita, nanantili pa rin yung closeness namin. Madalas kasi siyang mangulit lalo na't alam niyang hindi ko talaga matatanggihan 'tong mga commission na 'to. Isa sa mga dahilan talaga doon ay dahil mataas magbigay si Ceres. Natawa ako nang maalala ko kung magkano ang naging huling bayad niya sa'kin. Nakaya kong bayaran yung isang buwan kong renta sa dorm.

Tinanong ko na lang si Ceres kung wala na ba siyang pasok ngayong araw. Kagagaling niya lang pala sa hospital kung saan kinailangan niyang mag-assist sa isang resident doctor. Tapos dumiretso na lang siya dito sa university para hintayin ang susunod na oras ng klase.

"Kumain ka man lang ba muna?" Tanong ko. Malapit nang matapos ang kinukulayang bulaklak.

"Duh! Siyempre! Makakalimutan ko ba 'yon?"

"Tss. Patay-gutom." 

Inirapan niya lang ako.

Nang natapos ko ang bulaklak ay inangat ko ang coloring book at sinubukang tignan mula sa malayo.

"Wow! Ganda niyan, Aver. Pwede mong i-post yan sa art page mo." Binigyan ko lang siya ng ngiti. Ibinaba ko na muli ang coloring book at isinandal ang dalawang siko sa lamesa. Ang baba ko naman ay nakapatong sa aking nakayukom na mga kamay.

"Ay! Oo nga pala! Kailan ulit yung sunod niyong laro?"

"Akala ko ba avid fan ka ni Leon? Bakit 'di mo saulo schedule ng mga laro niya?"

"Fan ako, pero 'di nasusukat yung pagkagusto ko sa kaniya sa kung saulo ko man yung schedule niya o hindi." Sumuko na lang si Ceres at sinabing sa Thursday na iyon ng hapon.

Dalawang araw mula ngayon. Napa-isip tuloy ako kung may mababangga bang extra-curricular ko sa oras ng laro nila.

"Aver!" Naputol ang pag-iisip ko ng may tumawag sa akin. Sinundan ko ng tingin kung saan nanggaling iyon at nalamang si Sage pala, kasama si Leon. Napa-ayos tuloy ako ng upo.

Hindi ko sinagot si Sage at lumipat agad ang paningin sa katabi niyang si Leon. "Hi! Leon! Upo ka dito, oh!" Sabay turo sa katabi kong upuan. Pero hindi niya man lang siya nagbigay ng kahit na anong tugon at diretsong tinignan si Ceres para mangamusta.

"Aver, gusto mo sumama sa'kin sa hospital bukas? Pa-check ka ng mata mo, nagiging hangin kasi mga tao kapag nakikita mo si Leon." Seryosong sabi ni Ceres sa gilid ko kaya binatukan ko siya. Natawa naman siya sa ginawa ko.

"Kawawa naman si Sage hindi pinansin ni Aver." Dagdag na pang-aasar ulit ni Ceres nang makalapit na sila sa amin.

"Aver, favor!" Bungad sa'kin ni Sage. Ha! Buti nga't 'di niya pinansin si Ceres.

Tumabi si Sage kay Ceres, habang si Leon naman ay nanatiling tahimik na nakatayo lang sa gilid.

Hindi pa ako nakakasagot kay Sage nang muli siyang magsalita.

"May rough sketch na ako as a draft. Kailangan ko lang talaga i-transfer sa maayos na papel." Mukhang seryoso kaya ibinaling ko ang buong atensyon ko sa mga sinasabi niya.

Ipinakita niya sa akin ang rough sketch at nakitang blueprint ito ng isang bungalow house. Kailangan niya na daw ito sa Thursday, pagkatapos ng game nila.

Pumayag ako dahil bukod sa galante rin ang isang 'to. Madali lang naman ang gagawin dahil isang floor lang naman.

Engineering student 'tong si Sage, at dahil archi student ako, madalas rin talaga siyang magpagawa sa akin ng mga sketches para sa mga plates niya. Minsan nga, pakiramdam ko ginagawa lang nila 'to para matulungan ako sa mga gastusin ko, e.

Habang busy si Sage sa page-explain, medyo nakaramdam ako na parang may nakatingin sa akin kaya itinaas ko ang ulo mula sa pagkakayuko at iginala ang paningin.

Wala naman.

Ang tanging nakita ko lang ay si Leon na nakatungo sa cellphone niya at naglalaro yata ng ML. Akala ko pa naman...Chika!

Huwag kang masyadong asado, Aver! Nakakamatay yan.

Narinig kong tumawa si Ceres sa tapat ko pero lagi naman yang wala sa sarili at tumatawang mag-isa kaya hindi ko na lang binigyang pansin.

Ibinalik ko ang tingin kay Sage at sa sketch na ine-explain niya. Nang matapos na siya ay hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at tinawag si Leon. Dapat may interaction kami ni Leon ngayong araw! Hindi pwedeng matapos ang buong araw na ito na walang ganap. Baka makalimutan niya ang existence ng beauty ko.

"Ikaw, Leon? Wala ka bang ipapagawa?" Malaki ang ngiti ko habang nagtatanong.

"Wala." Simpleng sagot niya. Tsk. Sungit talaga. Kaya mahal kita, e. Chika!

Ang hirap naman magsimula ng conversation, beb.

"Punta ka ba ng game sa Thursday, Aver?" Tanong ni Sage.

"Gusto ko, pero titignan ko pa sa schedule." 

Kinuha ko ang sketch ni Sage sa lamesa at ipinasok iyon sa blueprint tube na lagi kong dala. 

"Punta ka, ikaw laging inaabangan ng team dahil sa mga pasabog mo every game, eh." Dagdag ni Sage. Nagdadala kasi ako lagi ng mga malalaking posters at minsan pati pom-pom na self-made pa.

"Ano nanaman? Pinag-pustahan niyo nanaman kung ano dadalhin ko?" Tinaasan ko siya ng kilay. May sinabi pa ulit si Sage pero nawala na ang atensyon ko sa kaniya dahil sa nakitang babaeng palapit kay Leon. Mabilis kong isinara ang blueprint tube at inilagay na rin ang coloring book at watercolour sa bag, para sa kay Leon na lang talaga yung atensyon ko.

Lumapit yung babae at nakita kong si Luisa pala iyon. Nag-usap sila ng saglit at ngumiti pa ng bahagya si Leon. Kaya rin kitang pangitiin ng ganyan, Leon.

Dahil nararamdaman ko na ang pagka-bitter ay iniwas ko na ang tingin ko. "Alis na ako." Sabi ko kina Ceres at Sage na nag-uusap na pala. "May klase ka na?" Tanong ni Ceres. Sinenyas ko na lang na meron na kahit sa totoo lang ay wala pa naman.

Kainis kasi 'tong si Leon, eh.

Pumunta na lang ako sa library para ituloy na ang plates. Hindi ko na hinanap pa kung saan nakaupo si Leigh dahil hindi ko rin naman siya makakausap ngayong bibigyang oras ko na talaga ang pagtapos sa mga plates ko.

Puno ng mga tao ngayon kahit na malaki naman ang library ng Sherwood. Nahirapan tuloy akong maghanap ng mauupuan. Kailangan ko ng malaking table space para sa mga plates ko. Pero nakakainis dahil kung meron mang empty seat, puno naman ng mga bag ang mga lamesa! Ang aarte kasi ng mga estudyanteng 'to eh! Hindi na lang ilagay sa baba yung mga bag, takot na takot madumihan, tsk.

Kung kailan naman talaga ginanahan gumawa, tsaka pa hindi makahanap ng lugar.

Tinuloy ko ang paglalakad hangggang sa dulo ng library at natuwa na meron akong nahanap na pang-isahang lamesa. Nanlaki agad ang mga mata ko at naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso.

Alam kong madaming naghahanap ng upuan, kaya kailangan maunahan ko sila!

Madali akong naglakad papalapit doon. Naririnig ko pa ang mga reklamo ng mga taong nakakasalubong ko dahil natatamaan ko yata sila ng dalang blueprint tube. Pero wala na akong paki!

Ilang hakbang na lang sana ay mahihila ko na ang upuan nang biglang may umupo roon.

Tangina talaga! Nakakainis! Naiinis ako dito kay kuyang matangkad pero hindi ko naman pagmamay-ari yung lamesa kaya alam kong mali na sinisisis ko siya.

Pero infairness ang gwapo niya, 'di mukhang fuckboy katulad ni Ceres. Chika! Loyal ako kay Leon, noh.

Tatalikod na lang sana ako ng bigla kong marinig na tumawa yung lalaking nakaupo. Luh! Hindi kamukha ni Ceres, pero mukhang mag-kaugali sila.

Hindi ko tuloy maiwasan na ibalik sa kaniya yung tingin. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Noong ibabalik ko na ang tingin sa kaniyang mukha ay nanlaki ang mata ko noong tumingin din siya sa akin habang nakangiti pa rin.

"I was kidding Ms." Sabi niya sa akin. Ano daw? Natatanga na ba ako? Bakit 'di ko gets...kidding daw? Nagpatawa ba siya? Dapat bang tumawa rin ako para 'di ako magmukhang tanga na 'di naka-gets sa kung anong joke niya?

Hindi ko alam putek. Tumawa na lang ako kunyari! Tangina, mukha siguro akong tanga.

Habang tumatawa ay nakita ko ang biglang pagbawi ng malaking ngiti ng lalaki. Uhm, nagmukha yata akong weird? Shit, awkward!

Mabilis kong tinapos ang pagtawa. "Uhm..." Panimula ko, ilang saglit. Pero 'di ko pala alam ang sasabihin ko kaya tinalikuran ko na lang siya. Nakakahiya ka, Aver! Anong pinag-gagagawa mo!

Hahakbang na sana ako pero naramdaman kong may humawak sa braso ko. Nilingon ko iyon at napansin ang medyo may pagka-morenong braso na pumipigil sa akin.

Tinignan ko ang mukha ng pumigil sa akin at siya pa rin yung lalaki. Mas na-appreciate ko yung mukha niya lalo na't ganito kalapit. Tangina, nasa langit na ba ako? Joke.

Napakagwapo naman kasi nito? Kapag ito matalino rin, sure na ako na talagang unfair ang life.

"Yes po?" Arte ko, para kunyari demure. Chika! Naramdaman kong tinanggal niya na yung hawak sa braso ko.

"I said I was kidding. Sa'yo na yung lamesa." Sabi niya sa akin at nagbigay pa ulit ng isang matamis na ngiti. Shit, gwapo talaga bakit naman ganito, Lord.

"Ah. Hindi na po. Nauna ka na 'dun, e." Pagpapakipot ko.

"Hindi sa'yo talaga 'yun. Uunahan ka sana nung tropa ko pero mukhang mas kailangan mo kaya I reserved it for you." Tinalikuran niya ako at bumalik sa lamesa. Sinundan ko naman siya.

"Paano po yung tropa niyo?" Tanong ko noong makita na kinuha niya yung iniwan niyang bag sa lamesa. "I lent my seat for him. Paalis na kasi ako."

"Ah. Salamat po..." Hindi ko madugtungan kasi hindi ko pa alam yung pangalan niya. 

"Val. Just call me Val." dugtong nung lalaki. 

"Thank you, Val." Nginitian ko siya.

Umupo na ako sa upuan pero hindi ko naman masimulan yung gagawin ko dahil nakatayo pa rin siya sa gilid. Tinignan ko tuloy siya. Hinihintay niya ba na magpakilala rin ako? Ano ka ba Val, ang harot naman e. Chika!

"Uhm. Aver pala yung name ko." Sabi ko na lang kasi mukhang di pa talaga siya aalis hangga't 'di ko sinasabi.

Akala ko aalis na siya pero napakamot siya sa batok niya. "May problema ba?" Hindi ko na matiis.

"Can you stand up for like a second?" Nag-aalangang tanong si Val. Naguguluhan man ay dahan-dahan akong tumayo sa pagkakaupo habang nakatingin pa rin sa kanya.

Lumakad siya palapit sa akin at nang makalapit ay bahagyang tumungo. May kinuha siya sa inupuan ko at tangina! Naupuan ko pala yung panyo niya!

Naramdaman ko ang pagkapula ng mukha ko. Gago! May period pa naman ako, mangangamoy kaya iyon? Pero saglit pa lang naman akong nakakaupo!

Nang medyo nakalayo na si Val ay nakita ko ang maliit na ngiti sa labi niya. Ibang ngiti kumpara sa binigay niya kanina. Halatang pinagtatawanan ako! Ilang beses ko bang ipapahiya ang sarili ko sa lalaking 'to?

Hindi na lang ako nagsalita. "I'll have to go now. See you soon, Aver." sabi niya at tuluyan na akong tinalikuran.

---

Don't forget to Vote and Comment! Thank You! 🖤

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...