CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART...

By MadamWitty

12.2K 361 7

CUBH Season 2 After all the pain and the feeling of being abandoned, Zen stood on the edge of giving up. But... More

CUBH Season 2
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112
Chapter 113
Chapter 114
Chapter 115
Chapter 116
Chapter 117
Chapter 118
Chapter 119
Chapter 120
Chapter 121

Chapter 100

144 8 0
By MadamWitty

Aly's POV

Ang klase namin ngayon ay tungkol sa Economics and Management, at ito ang unang araw namin na makikilala ang aming bagong propesor. Wala namang nakaupo sa unahan kaya doon na lamang ako umupo. Halos lahat kasi ay nasa itaas na bahagi.  Parang theater ang mga silid—maluwang at maayos ang pagkakaayos.

Habang naghihintay ay naramdaman ko naman sa tabi ko si Damian. Lumingon naman akosa kaniya ngunit irap lamang ng mata ang natanggap ko mula rito.

"Huwag mong isipin na umupo ako rito dahil binabantayan kita. Wala nang ibang upuan," masungit na wari nito.

"Wala akong sinasabi.""

"Tch."

Pagpasok ng Propesor namin, agad kaming binati ng kaniyang ngiti. Napansin ko na kahit bago pa lang siya, mukhang madali siyang makilala at magaan ang pakiramdam sa kaniya.

"Good day, everyone. I'm Ms. Lenie Pangilinan, and I will be your professor for Economics and Management this semester. I'm excited to get started and see what you already know about the subject. Today, we'll have a surprise quiz to assess your current knowledge and understanding of key concepts in our field. This will help me tailor the course to your needs and ensure everyone is on the same page. As an added incentive, the student with the highest score will earn additional points on their exam at the end of the month. So, give it your best shot! Remember, this is just a way to gauge where we all stand, so don't worry if you're not familiar with everything just yet. Good luck, and let's get started!"

Habang nagsasalita siya, nakikita ko ang mga estudyante sa paligid ko. May mga tila nagrereklamo o nag-aalala dahil sa biglaang quiz, habang ang iba naman ay mukhang masaya dahil sa oportunidad na makakuha ng dagdag na puntos.

"Ngayon araw," sabi ni Ms. Pangilinan, "ang quiz natin ay hindi lang para sukatin ang inyong kaalaman. Layunin nito na malaman ko kung saan tayo magsisimula at kung ano ang mga paksa na kailangan nating pagtuunan ng pansin. Kasama dito ang mga pangunahing ideya tulad ng supply and demand, at mga estratehiya sa pamamahala."

Habang ibinibigay ang mga papel para sa quiz, narinig ko ang tunog ng mga ballpen at lapis sa paligid. Ang bawat tanong ay tila isang pagsubok sa aming mga natutunan. Hindi ko alam kung paano ko huhusgahan ang lahat, pero sinusubukan kong manatiling kalmado.

"Ang quiz na ito," dagdag ni Ms. Pangilinan, "ay para malaman ko kung paano ko dapat ituro ang mga susunod na leksyon. Pagkatapos ng quiz, magkakaroon tayo ng pagkakataon na pag-usapan ang mga sagot at mga ideya na hindi pa natin naiintindihan."

Habang nakikinig ako, iniisip ko kung gaano kahalaga ang pagsusulit na ito para sa aking pag-aaral. Kahit na kinakabahan ako, ito ay isang magandang pagkakataon para mas malaman ko ang mga bagay na kailangan kong pagtuunan ng pansin. Lumapit naman siya malapit sa harap ko banag may hawak-hawak itong maliit na papel. Tumingin naman ito sa akin at ngumiti.

"1. Identify the economic theory that suggests markets are the most efficient way to allocate resources."

Market Efficiency Theory

"2. Name the concept that refers to the total value of goods and services produced in a country in a given period."

Gross Domestic Product (GDP)

"3. What is the role of supply and demand in determining prices in a market economy?"

They balance the quantity of goods available with consumer desire, influencing price levels.

"4. Identify the principle that examines the trade-offs involved in allocating scarce resources."

Opportunity Cost

"5. What economic measure is used to assess the overall economic activity of a nation?"

Gross Domestic Product (GDP)

"6. Name the management theory that emphasizes the importance of task specialization and division of labor."

Scientific Management

"7. What are some factors that contribute to economic growth?"

Capital accumulation, technological advancements, and labor force expansion.

"8. Identify a management strategy focused on achieving long-term goals and objectives."

Strategic Management

"9. How does inflation affect consumer purchasing power?"

Inflation reduces purchasing power by increasing the price of goods and services.

"10. What management approach involves motivating and leading employees to achieve organizational goals?"

Transformational Leadership

"11. Identify a key challenge in balancing short-term profits and long-term sustainability."

Efficient resource management while considering environmental impacts.

"12. What role do interest rates play in influencing economic activity?"

They affect borrowing costs and consumer spending, thus influencing economic activity.

"13. How does globalization impact management practices?"

It requires adaptability to diverse cultures and international markets.

"14. Identify the economic system where the government plays a significant role in resource allocation."

Mixed Economy

"15. How does fiscal policy influence economic growth?"

Through government spending and taxation decisions.

"16. What are the implications of technological innovation for management?"

Introduction of new processes and enhancement of productivity.

"17. Identify the economic concept that examines how individuals make choices under conditions of scarcity."

Microeconomics

"18. How does the study of consumer behavior contribute to economic analysis?"

By understanding purchasing patterns and preferences.

"19. What is the impact of leadership style on organizational performance?"

It affects employee motivation and decision-making, influencing performance.

"20. Identify a management challengerelated to adapting to rapidly changing market conditions."

Innovating and responding quickly to changes in consumer demand and competition.

Tamang sagot lang ang ginagawa ko sa pagsusulit. Hindi rin naman ako sigurado sa ibang sagot ko. Ginagawa ko na lang ito base sa common sense, depende sa kung ano ang naitindihan ko sa mga tanong. Kung sakali mang bumagsak, okay lang, babawi na lang ako sa susunod na pagkakataon. Pagkatapos naming ipasa ang mga papel namin, pinanood muna kami ng isang maikling video clip tungkol sa pangkalahatang ideya ng subject namin. Sa totoo lang, medyo mahina ako pagdating sa Economics. Kaya naman kailangan kong maglaan ng mas maraming oras para pag-aralan ang asignaturang ito. 

"The two of you got the perfect scores. Hindi ko na sasabihin kung sino iyon para wala kayong ideya sa iskor ng bawat isa," wika ni Ms. Pangilinan habang isa-isang ibinabalik ang mga papel namin. "Doon sa dalawang naka-perfect score, mag-e-email ako sa inyo sa Outlook para ibigay ang additional point at iba pang mga info regarding sa incentives."

Habang binabalik ang papel ko, naisip ko na siguro mababa ang makukuha ko o baka hindi ko maabot ang perpektong iskor. Kaya nang makita ko ang aking papel na may perfect score, hindi ko maitago ang gulat at kasiyahan. Nagtaas ako ng kilay at nag-isip kung paano nangyari iyon, at sa kabila ng pagiging masaya, may kaunting pagkabahala sa isip ko kung paano ko mapapanatili ang mataas na resulta sa mga susunod na pagsusulit.

Habang tinatanong ko ang sarili ko kung paano ko naabot ang perpektong iskor, narinig ko ang boses ni Damian sa tabi ko. "You only got a perfect score because you copied off me."

Tumingin ako sa kanya, tila may halong pagtataka at inis. "Ba't naman ako mangongopya sa'yo?" tanong ko, ang boses ko ay may halong pagtataka at diin.

"Because you needed to pass," sagot niya, na tila nagtatangkang ipaliwanag ang kanyang punto. "I saw you glancing at my paper a few times."

"Actually, I could pass even without your help. I'd probably just fail if I copied from you," sagot ko, sinadyang magmukhang matatag. "I studied hard for this quiz, and I believe that effort paid off."

Nakaramdam ako ng konting pag-angat ng kilay mula kay Damian, at tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit trip ako ng isang ito. Ang iba sa paligid namin ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga iskor at kung paano nila hinanda ang kanilang sarili para sa quiz. May mga nagtatanong kung paano nila mapapabuti ang kanilang mga marka sa susunod na pagkakataon, habang ang iba ay mukhang mas lalong nalugmok matapos nilang makita ang iskor nila sa biglaang pagsusulit na ito.

Ang pakiramdam ko ay halo-halo dahil sa natanggap kong perfect score. Sa kabila ng kasiyahan, mayroon ding kaunting kaba na nararamdaman ko dahil sa pressure na maaaring idulot nito. Parang nagkaroon ako ng mataas na ekspektasyon sa sarili ko, at iniisip ko kung paano ko maipapakita ang aking kahusayan sa mga susunod na pagsusulit. Baka kasi umasa ang aming propesor na ganito pa rin ang makukuha kong iskor sa mga susunod na pagkakataon, at natatakot akong hindi ko ito magagampanan. Ang pagkakamit ng perfect score ay hindi lang dapat magbigay sa akin ng kasiyahan at kampante na pakiramdam, kundi isang mahalagang paalala sa akin na ang pagsusumikap at dedikasyon sa pag-aaral ay magbubunga ng magagandang resulta.

Siyempre, hindi ko naman inaasahan ang ganitong tagumpay dahil alam kong may kahinaan ako sa asignaturang ito. Sa halip na magbigay sa akin ng sobrang kumpiyansa, nagbigay ito sa akin ng bagong motibasyon. Napagtanto ko na ang bawat tagumpay, maliit man o malaki, ay isang hakbang patungo sa aking layunin na magtagumpay sa kursong ito. Nagbibigay ito sa akin ng inspirasyon na magpatuloy sa pag-aaral, at magsikap pa lalo sa mga asignaturang mahirap para sa akin, tulad ng Economics and Management. Ang makakuha ng perpekto sa isang pagsusulit ay isang maganda ngunit panandaliang tagumpay. Ang tunay na hamon ay ang patuloy na pagsusumikap upang mapanatili ang mataas na antas ng pagganap sa lahat ng aspeto ng pag-aaral.

Noong mga nakaraang taon, kaya ko pang mag-aral nang mas mahaba at maaga dahil mas kaunti ang mga sagabal sa aking buhay. Ngunit nang magbago ang aking sitwasyon, at nagkaroon ng iba't ibang problema at pagsubok, nahirapan akong ipagbalanse ang lahat. Mas lumala pa ang mga problema ko ngayon, at ang mga responsibilidad ko sa trabaho ay nadagdagan pa. Kaya kapag magkakaroon ako ng ekstrang oras, sisiguraduhin kong ilalaan ko ito sa aking pag-aaral. Napagtanto kong hindi sapat ang basta't pag-aaral lamang; kailangan ding maging maayos ang pamamahala ng oras at pagtatakda ng tamang priyoridad. Ito rin ang ipinangako ko sa Mama ko, na kahit gaano man kahirap, magtatapos ako ng pag-aaral at magiging matagumpay sa aking piniling larangan. Kahit wala na siya, kailangan ko pa ring tuparin ang mga ipinangako namin sa isa't isa. Ang pag-aaral at pagtupad sa aking mga pangarap ay hindi lamang para sa akin, kundi para sa alaala ng Mama ko at para sa aking sarili. Hindi ko dapat mawalan ng pag-asa sa mga dumarating na unos at bagyo sa buhay ko. Kailangan kong ipagpatuloy ang aking pagsusumikap at panatilihin ang aking determinasyon kahit gaano man ito kahirap.

Nagpaalam na si Ms. Pangilinan. Sabik na akong lumabas ng silid nang lumapit sa amin ang isang pamilyar na babae. Siya 'yung babaenh madalas kong makabangga kahit saan. Siya rin ang babaeng nakikita ko sa lugar kung saan ako nagtatrabaho, kaya't medyo hindi ko maiiwasang makaramdam ng iritable.

"Hi, Damian!" bati niya sa katabi ko.

"Hey," sagot ni Damian, na tila walang ganang makipag-usap.

Pagkatapos, sumama rin sa kanya ang kanyang mga kasama, na may mataas na kilay na tumingin sa akin. Parang may hindi magandang pakiramdam ako sa mga tingin nila.

"What's your score?" tanong ng babae na tila may halong pang-uusisa at pagkakagalit.

"Perfect," sagot ni Damian nang walang emosyon.

"Wow! Sinabi ko na nga ba na isa ka sa mga nakakuha ng perfect score. Congratulations!" sabi ng babae na tila nagmamalaki sa sarili.

"Thanks," sagot ni Damian na mukhang hindi interesado.

Hindi ko alam kung paano ko mararamdaman ang situwasyon. Pakiramdam ko ay parang hindi ako welcome, at tila ba nagpapakita ng kaunting pagkasuya ang babae sa akin.

"17 lang kasi ang nakuha ko and I didn't even study," sabi ng babae na tila ipinagmamalaki ang kanyang sarili.

"Congrats," tugon ng isa na hindi na rin nag-abala pang magpanggap na interesado.

"Oh! Thank you! Ang sweet mo naman, Damian!" sagot ng babae habang pilit na ngumiti kay Damian.

Ngumiti naman si Damian sa kanila, ngunit hindi ito tila totoo o may saya. Pagkatapos ay ibinaling ng babae ang kanyang atensyon sa akin.

"Hey. What did you get?" tanong niya na parang naasiwa siya sa aking presensya.

"Perfect," sagot ko na walang ganang pagbigay ng sagot.

Mukhang nabigla ang babae at ang kanyang mga kaibigan sa sagot ko. Napansin ko ang pagbabago sa kanilang ekspresyon.

"P-Perfect? Hindi ka naman siguro nangopya kay Damian, 'no? Valedictorian kasi siya simula grade school hanggang high school," sabi ng babae, na tila nagtataka.

"Hindi ako nangopya sa kanya. Hindi rin naman kami close," sagot ko, na nagbibigay linaw sa sitwasyon.

Nagkibit-balikat siya na parang wala siyang pakialam sa sinabi ko. Mukhang hindi siya interesado sa aking paliwanag.

"Anyway, 17 ang score ko. There-point difference. Same thing. Hindi pa ako nag-aral, huh?" sabi ng babae, na tila sinusubukang i-downplay ang aking tagumpay.

"Hindi 'yun same thing. You got 17 because that's all you could get. I got a perfect score because that's all there was to get," sabi ko, na hindi na nag-atubiling ipakita ang aking pagdududa sa kanilang pahayag.

Napaawang ang bibig ng babae sa sinabi ko, at hindi rin nakaligtas sa akin ang malaking ngisi sa labi ni Damian, na tila natutuwa sa pangyayari. Para bang ang kanyang ngiti ay naglalaman ng kasiyahan sa panonood ng palitan namin ng salita.

Hindi ko na hinintay pang may sabihin pa ang babae dahil tila wala na akong pakialam sa kanyang mga reaksyon. Agad akong umalis ng silid dala ang aking mga gamit, na naglalakad palayo mula sa mga taong nagdadala ng kapangitan sa araw ko. Napahinga na lang ako nang malalim dahil mukhang ganito rin talaga ang nangyayari noong nasa Pilipinas pa ako.

Kailangan ko pang habaan ang pasensya ko dahil mabilis talagang mag-init ang ulo ko sa mga gano'ng ugali. Ang pakiramdam ko ay kumukulo ang dulo ko sa kanila, at kahit na anong pagsisikap kong manatiling kalmado, mahirap talagang pigilan ang pagtaas ng init ng ulo ko. Kapag nakikita mo ang mga taong ganoon, parang may instant na pagbaba ng gana mo, at tila nawawalan ka ng interes sa anumang nangyayari sa paligid mo. Ang kanilang mga kilos at ugali ay tila nagbibigay sa akin ng sobrang pagkapagod at pagkairita.

Sana ay matutuhan ko ang tamang paraan ng paghawak sa mga ganitong sitwasyon nang hindi nawawala ang aking pagkapayapa. Ang kanilang mga komentaryo at pagkilos ay tila nagsisilbing pagsubok sa aking kakayahan na manatiling mahinahon, ngunit kailangan kong matutuhan pa kung paano pamahalaan ang aking mga emosyon sa mga ganitong pagkakataon. Hindi ko dapat hayaang maapektuhan ako ng kanilang mga ginagawa, at kailangan kong manatiling pokus sa aking mga ginagawa at sa pagpapabuti ng aking sarili sa kabila ng mga negatibong sitwasyon sa paligid.

Iba na ang era ngayon. Kailangan ko nang maging nonchalant. In 3, 2, 1... Nonchalant na ako. Eyy!

Tinatawag ako ni Damian, ngunit pinili kong huwag siyang lingunin. Kahit ano'ng bilis ng paglalakad ko, tila hindi ko maiwan ang mahabang hakbang ng mga binti niya kaya agad niya akong naabutan.

"Where are you going?" he asked, seemingly unbothered by my haste.

"Magtatrabaho," sagot ko nang walang pag-aatubili.

"Okay. I'll come with you," tanong niya, tila hindi alintana ang aking pagmamadali.

Inis na nilingon ko siya, hindi ko na napigilan ang pagka-irita ko.

"Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho?" tanong ko, medyo iritable ang boses.

"Why would you lose your job because of me?" tanong niya, may pagtataka sa boses.

"Dahil naiirita ako sa inyong lahat. Hindi n'yo ako maintindihan sa mga sinasabi ko. Huwag mo nga akong bantayan dahil malalaman nila kung sino ang malapit sa akin," sagot ko, sinusubukang ipaliwanag ang alalahanin ko.

"Why? They don’t know you’re Mr. Richard’s child. As far as they know, he has a daughter. So, they definitely won't suspect anything if they see us together. Relax; you look tense, and that’s how they’ll notice something’s up. Though, I have to admit, you're hard to read—too serious and mysterious," mahabang paliwanag niya, na parang sinusubukan akong pakalmahin.

Napabuntong-hininga ako, iniisip ang sinabi niya. Alam kong may punto siya, ngunit hindi maikakaila na ang mga bagay na hindi ko maipaliwanag ay pilit na umaaligid sa akin, tulad ng mga tanong na walang kasagutan.

"Alam mo, hindi ganun kadali ang sitwasyon ko," sabi ko, sinusubukang ipaliwanag pa. "Maraming bagay ang hindi ko kayang kontrolin, at mas mahirap pa kapag may ibang taong sangkot."

"I get it," wika niya habang tumatango. "But you're not alone. If you need help, I'm here."

Tumigil ako sandali, nararamdaman ang bigat ng kaniyang sinabi. Totoo nga na kahit gaano kahirap ang sitwasyon, ang pagkakaroon ng kakampi ay malaking bagay. Ngunit sa parehong oras, kailangan ko ring pangalagaan ang mga taong mahalaga sa akin.

"Salamat," sabi ko, bahagyang ngumiti. "Pero mas mabuti na sigurong mag-ingat tayo."

Ngumiti si Damian, tila sumasang-ayon sa akin. "No worries, I got your back. But if you ever want company, you know where to find me."

Nagpatuloy kami sa paglalakad, tahimik na pinapakinggan ang paligid. Habang papalapit na ako sa aking pinagtatrabahuhan, naisip ko ang lahat ng nangyari at ang mga sinabi ni Damian. Sa kabila ng lahat ng alalahanin at problema, alam kong may mga taong handang umalalay sa akin, at sa huli, iyon ang nagbibigay sa akin ng lakas upang magpatuloy.

Ngunit hindi pa rin ako mapalagay dahil pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin sa bawat sulok ng lugar kung nasaan ako. Napansin ko nga na masyado akong tense. Kailangan ko pang sanayin ang sarili ko na maging kalmado.

Habang nagtatrabaho ako ay naroon nga lang si Damian sa sulok. Nag-order naman ito nang makakain. Naglabas din siya ng laptop at papel at mukhang aasikasuhin na rin niya ang pagsagot sa mga takdang aralin namin. Pinagsabihan ko naman siya na mamayang hapon pa ako uuwi, ngunit matigas talaga ang ulo niya.

Maya-maya lang ay dumami na ang mga tao kaya naging abala na ako sa trabaho ko. Marami rin akong kailangang i-encode. Nakapag-inventory naman na kami last week kaya konti na lang ang gagawin ko.

Hindi ko naman namalayan ang oras at tapos na ang shift ko. Sabay naman kaming lumabas ni Damian ngunit ramdam ko ang seryoso sa mukha niya.

"Bakit?" tanong ko nang paandarin niya ang sasakyan pauwi ng bahay. May halong kaba at pag-aalala ang aking boses, hindi ko alam kung anong klaseng balita ang maririnig ko.

"I didn't know that Ms. Lenie Pangilinan is also part of the Konseho," sabi niya, at kita ko sa mukha niya ang pag-aalala. "Honestly, it's unsettling. We thought we only had to watch out for Sir Nick."

"Ayon din ang hinala ko. Iba ang pakiramdam ko sa kaniya nang magtama ang paningin namin kanina. Ngunit sigurado ako na mapagkatitiwalaan si Sir Nick," sagot ko, sinusubukan kong ipakalma ang sarili. "Pakiramdam ko ay bawat araw ay mas lalo akong nakakaramdam ng pangamba. Para bang unti-unti nang lumalabas ang totoo." Hindi ko maalis ang pag-aalala na unti-unti nang nalalantad ang mga bagay na mas mabuti sanang hindi nalalaman.

Lumingon siya sa akin, saglit na tinitigan ang mga mata ko na para bang may hinahanap na kasiguraduhan, bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. "You look tense, Aly. I know this isn't easy, but we're in this together."

"Paano mo pala nalaman na parte ng Konseho si Ms. Pangilinan?" tanong ko, nais malaman kung paano niya nadiskubre ang impormasyong ito. Alam kong hindi basta-basta nakukuha ang ganitong klaseng impormasyon.

"I asked my dad. She looked familiar to me, so I confirmed it," paliwanag niya, tila sinisikap gawing normal ang sitwasyon sa kabila ng seryosong usapan. "I thought only Sir Nick was part of the Council here at the University of Oxford. But my dad said he wasn't sure if Ms. Pangilinan is on our side or not."

Nagulat ako sa narinig ko. "So kailangan walang pagkatiwalaan. Mas magiging kumplikado ang lahat."

"Exactly. So as much as possible, we need to be more careful, especially you, Aly," dagdag niya, ang tono ng boses niya ay puno ng pag-aalala. "You need to be more careful. You're the target of the Council now. They’re watching your every move. I know you feel like someone is watching you, and you're not wrong about that. Most of them want to see you fail, especially since they believe Mr. Richard has a lot to answer for with the Council. They think that by bringing you down, they can somehow get back at him."

Hindi ako umimik. Tumingin na lang ako sa bintana ng sasakyan niya habang kinakain ako ng samu't saring mga isipin. Ang mga tanong na walang kasagutan ay tila naglalambitin sa isip ko. Ano ba talaga ang intensyon ng Konseho? Bakit ako ang target nila? Paano ko mapoprotektahan ang sarili ko at ang mga taong mahalaga sa akin?

"Are you okay?" tanong niya sa akin. "I know this is a lot to take in."

Napabuntong-hininga ako, sinusubukan kong ayusin ang mga nasa isip ko. "Natutuliro lang ako. Pero ayos lang. Sa tingin ko ah kailangan ko nang magsimula. Kailangan ko nang may gawin. Ngunit hindi ko alam kung paano ako magsisimula."

"It’s okay to feel that way. Just know that you’re not alone in this. We’ll figure it out together," aniya para sabihing may kakampi ako sa labang ito.

Tumingin ako sa kaniya, ramdam ang bigat ng sitwasyon ngunit sa kabila ng lahat, ang pagkakaroon ng kakampi ay nagbibigay sa akin ng kaunting ginhawa. Alam kong hindi ko ito kakayanin mag-isa, at ang pagkakaroon ng tao na maaasahan ay malaking tulong.

"Kaya ko ‘to," sabi ko sa sarili ko, habang papalapit na kami sa aming bahay. Kailangan kong maging matatag at harapin ang mga hamon na ito, hindi lang para sa sarili ko kundi para rin sa mga taong umaasa sa akin.




_______________________________________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

3.1K 387 52
πŸ’œα—·α—©α‘ŽΗ€δΈ…α—©α‘Ž || π™†π™„π™ˆ π™π˜Όπ™€π™ƒπ™”π™π™‰π™‚ 𝙁𝙁 || He called it a game. She believed it was love. ﹒❝ Now - it's her turn to play. βžοΉ’ ⋆q° After he walked aw...
1.3K 34 4
Five centuries ago a fierce battle raged on in the Zhiling City where the dark spirits gather and evil play together, for unknown precise reasons. Al...
7.7K 1K 17
06, May 2023 | kriingkles "Let's go home, Yeonjun. Someone's waiting for you outside this dream." "Can't we stay here... a bit longer? Soobin?" ...
152 0 15
A story of a runaway heartbeat and the found family it dragged along. They move from place to place-half-lost, half-chosen-chasing quiet, hiding from...
Wattpad App - Unlock exclusive features