CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART...

By MadamWitty

6.8K 134 6

CUBH Season 2 After going through a lot of pain and feeling abandoned, Zen was almost at the point of giving... More

CUBH Season 2
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97

Chapter 98

136 6 1
By MadamWitty

Aly's POV

Sa tuwing lumilipas ang mga araw, tila ba may pagbabago sa pagsibol ng hangin sa paligid. Sa bawat hakbang ko sa mga daan at pasilyo ng unibersidad, napapansin ko ang mga titig ng iba't ibang mga tao na tila ba'y sinusubaybayan ang bawat galaw ko. Maingat kong iniwasan ang kanilang mga mata, nagmumukmok sa aking mga gawain sa paaralan.

Sa kabila ng mga titig na iyon, walang hanggang layunin kong manatiling malayo sa anumang gulo. Kahit pa kailangan kong magkunwaring bingi upang mapanatili ang katahimikan, handa akong gawin ito nang walang pag-aalinlangan.

Ang pangunahing layunin ko ay huwag madamay ang pangalan ni Mr. Richard sa alinmang kaguluhan na maaaring maging sanhi ng bawat magiging aksyon ko. Ipinangako ko sa sarili ko na kahit na ako ay inosente o walang kinalaman, ay hindi ko hahayaang mawalan siya ng kapanatagan dahil sa akin.

Sa bawat hakbang ng aking pag-aatubiling mangyari, mas pinipili ko na lang ang tahimik at payapang buhay kaysa sa anumang uri ng kaguluhan na maaring magdulot ng sakit sa ibang tao. Ayokong mangyari muli ang nangyari na noon sa Pilipinas. Kaya hangga't maaari ay sisikapin kong ilayo ang sarili ko sa gulo o kung ano pa man 'yan.

"Sir Nick, may ideya po ba kayo patungkol sa mga Konseho?"

Natigil naman ako sa pagsusulat dahil literal na naantig ang tenga ko sa usaping iyon. Dahan-dahan ko namang iniangat ang paningin ko at nagtama ang mata namin ni Sir Nick. Base sa kaniyang mga titig, alam din niyang may ideya siya sa kung anong mayroon sa akin.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Narinig ko lang po sa mga magulang ko, Sir. Hindi ko naman po sila matanong. Nakaka-curious po kasi sila."

Narinig ko naman ang bulong-bulungan sa paligid kung ano at kung sino ang mga Konseho. Gayunman, parang kaming dalawa lang ni Sir Nick ang may ideya at alam kung ano ang itinutukoy nila.

"Ang mga Konseho ay may malaking papel sa pagpapabuti ng ating komunidad. Ang mga Konseho ay nagbibigay ng masusing pag-aaral at pagsusuri sa mga patakaran at polisiya na dapat ipatupad sa ating lugar, maging sa kabuuang bansa. Sila ang nagtutok sa mga isyu at pangangailangan ng mga mamamayan, at nagiging boses ng mga hindi napapakinggang opinyon. Sa pamamagitan ng kanilang trabaho, naipapahayag ang mga bagay na kailangan ng mga tao at naaangkop na mga solusyon. Ang mga Konseho rin ay nagbibigay ng direksyon at gabay sa tamang pagpaplano ng mga proyekto para sa kaunlaran ng komunidad. Ipinapakita nito ang halaga ng kolektibong pagkilos para sa ikabubuti ng lahat. Sa madaling salita, ang mga Konseho ay nagiging tulay ng mga mamamayan tungo sa mas maunlad at mas maayos na pamumuhay."

"So, sila po ang namumuno sa atin dahil monarchy tayo?"

"Parte lamang sila. Pero ang Hari at Reyna ang pinakamataas na namumuno sa atin."

"Akala ko po, Sir, ay namatay na sila? Sino na po ang papalit sa kanila?"

"Mayroon silang anak, at iyon ang susunod sa yapak ng kaniyang mga magulang."

"Paano kung wala po silang anak? Paano naman po kung nag-ampon sila, makapapayag kaya ang mga Konseho kung siya ang susunod sa yapak?"

"Para sa una mong tanong, puwedeng ilipat ng Hari at Reyna ang responsibilidad sa pamumuno sa kalapit nilang pamilya. Pero magiging depende kung may last will testament ang Hari kung kanino niya puwedeng ipasa ang kaniyang katayuan at kapangyarihan. Gayunman, pagdating sa sitwasyon kung nag-ampon ng anak ang Hari at Reyna, medyo magiging kumplikado iyon sa mga Konseho. Pero depende na lang, hindi natin alam kung ano ang takbo ng kanilang mga isip patungkol sa usaping iyan."

"Sir, parte po ba kayo ng Konseho?"

Tumingin naman siya sa akin.

"Bakit mo naman naitanong?"

"Kasi po parang alam n'yo po ang ganitong usapin."

"Sapagkat nanonood ako ng balita at nagbabasa ako ng mga libro patungkol sa mga nangyayari ngayon. Malalaman n'yo rin ang gano'ng bagay kung hindi puro TikTok ang inaatupag ninyo, 'di ba?"

"Luh! Si Sir pasmado. Nagtatanong lang ako! Huhuhu!"

"Hahahaha!"

Tumawa naman sila. Samantalang si Sir Nick ay pasimpleng tumango sa akin. Pagkatapos no'n ay nagsimula na muli siyang magturo. Gayunman, may parte pa rin sa akin na naguguluhan, pero kahit papaano ay nagkaroon na ako ng sapat na kaalaman patungkol sa Konseho. Ang iniiisip ko na lang ay kung paano ako makakakuha ng sapat na impormasyon patungkol sa Parlyamento.

Pagkatapos ng klase ay niligpit ko na ang mga gamit ko. Bago pa man ako makalabas ay lumapit si Sir Nick sa akin.

"Hi."

"May kailangan ho kayo?"

"May gusto lang akong ibigay sa'yo. Alam kong makatutulong ito saga bagay na gusto mong malaman.

May inilahad naman siyang itim na libro sa akin. 'Parlyamento: Ang Kabilang Bahagi' ang nakaukit sa harapan ng libro. Hindi naman ako umimik at tinitigan ang librong hawak niya.

"Bakit n'yo ho ako tinutulungan?" diretsahang tanong ko sa kaniya.

"Hindi mo ako kalaban, Aly. Pareho tayo nang pagnanais na mangyari. Gusto lamang kitang matulungan."

Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ang librong inaalok niya. Ngunit may nag-uudyok sa akin na tanggapin iyon dahil alam kong matutulungan niya akong masagot ang mga katanungan bumabagabag sa isip ko.

Napansin ko naman sa orasan na malapit ng mag-alas tres ng hapon, oras na para ako'y magtrabaho.

"Salamat ho." Kinuha ko naman 'yong libro sa kaniya.

"Kung may katanungan ka na nais mong malaman, puwede kang lumapit sa akin." Napahinto naman ako nang ilang sandali. Huminga muna ako at tuluyan nang umalis.

Habang naglalakad ako sa pasilyo ay nakasalubong ko naman si Damian. Agad ko namang napansin ang nakalasulasok niyang tingin sa akin. Liliko naman na sana ako nang hatakin niya ako sa isang kwarto na walang tao.

"H-Hoy, ano ba?"

Hindi naman ito umimik. Seryoso lamang siyang nakatingin sa akin. Hindi naman din gano'n kadilim dito, sapat lang ang liwanag sa bintana upang makita namin ang isa't isa. Napansin ko naman na storage room ito.

"Do you think I will forget what you did?" saad ng lalaking ito kaya nabaling naman ang paningin ko sa kaniya.

Napalunok naman ako dahil sigurado ako na 'yong aksidenteng pagpasok ko sa banyo ang tinutukoy niya.

"A-Ano bang ginawa ko?"

"You just entered the bathroom where I'm taking a bath," sarkastikong wari nito.

"A-Anong 'you just entered'? Aksidente lang 'yon dahil may humahabop sa akin. Magkaiba 'yon."

"I'm saying I'm taking a bath and not wearing anything. What if you see me naked?"

Napalunok naman ulit ako dahil diretsahan niya talaga itong sinabi sa akin na walang pag-aalinlangan.

"W-Wala naman nga akong nakita..." Iyan na lamang ang sinabi ko at baka mapunta pa kung saan-saan.

"That's what you get. On the first day of school, you're already picking a fight."

"Nagtago ako para umiwas sa gulo. Hindi ko na nga ipinagtanggol ang sarili ko kahit sila naman talaga ang mali."

"Don't complain. Your dad asked me to keep an eye on you. Because of that, I need to advise you and tell you what you should do."

"I know what I'm doing. Hindi mo na ako kailangang bantayan."

"I don't think so."

"Tch. May sasabihin ka pa ba? Kung wala na, aalis na ako."

Pagdating ko sa pinagtatrabahuhan ko ay kinumusta naman nila ako at gano'n din ako sa kanila. Ma'am Faith pala ang pangalan ang Manager namin. 'Yong asawa naman niya ay taga-rito sa UK. Mga limang tao na rin silang nananatili rito.

Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa istasyon ko. Nabasa ko naman na 'yong job description ko at pamilyar na ako sa iba kaya hindi na gano'n kahirap sa akin ang mga gagawin ko.

Bale ang posisyon ko ay Sales and Admin Assistant. Mayroon din akong maliit na puwesto malapit sa opisina ni Ma'am Faith. May kompyuter sa gilid at doon ako mag-o-organize at magma-manage ng mga files. Hindi naman mahirap sa akin iyon dahil itinuro naman na sa amin. Tech savvy naman din ako pagdating sa MS Office kaya advantage ko na rin siguro ito sa trabaho.

Inabot naman ako ng kalatahating oras sa pag-aayos. Naka-organize iyon sa hardcopy and soft copy. Nang matapos ako roon ay sunod ko namang inayos ang mga plan meetings at mga scheduled appointment. Inilagay ko iyon sa Google Calendar. Nag-print din ako at inilagay ko iyon sa bulletin board.

Pati rin 'yong ibang task ay tinapos ko na rin dahil tatamarin lang ako kapag wala akong ginagawa. At saka, ito ang unang araw ko sa trabaho kaya kailangan produktibo ako sa mga ginagawa ko.

"Huwag mong i-pressure ang sarili mo, Aly," saad naman ni Ma'am Faith kaya ngumiti naman ako.

Pagkatapos ay tumungo muna ako sa labas upang tumulong pagdating sa pagbebenta. Nakalimutan ko rin pa lang sabihin na parang resto bar. Pero parang mas dominate ang pagka-resto nito.

Habang tumutulong ako ay nakakausap ko na rin 'yong ibang employee at staff ng Midnight Bean and Bar o MB&B. Ang mga foods and drinks naman dito ay more on pizza, pastries, pasta, chicken wings, at iba pang mga snacks. Tapos sa drinks naman ay coffees, cold beverages, at light alcohol drinks. Parang tambayan lang siya kapag wala kang magawa o gusto mong mag-relax lang. Peaceful lang naman din ang environment kaya sakto siya sa mga estudyante o gusto ng tahimik na lugar.

Agad ko namang napansin sa dulo na may mga estudyante ng Harvard University na kumakain sa dulo. Hindi ko kilala 'yong crew namin pero halatang pinagti-tripan no'ng mga estudyante na 'yon. Panay utos sa kaniya at pinababalik-balik siya sa lamesa.

"Hay, naku. Nandiyan na naman sila para manggulo," ismid na sabi ni Xyra na Cashier dito sa MB&B.

"Sino?"

"'Yong mga estudyanteng nandoon sa dulo. Mga sophomore 'yan sa University of Oxford. Palagi silang tambay rito na akala mo may sarili silang katulong. Siguro ay dalawang buwan na silang sakit sa ulo. Hindi ko alam kung bakit ganiyan ang pag-uugali na mayroon sila. Naawa na nga ako kay Jerwin dahil kanina pa siya inuutusan ng mga loko-lokong 'yon."

Dumaan naman 'yong Jerwin sa harapan namin at ngumiti lang. Maya-maya lang ay may dala-dala siyang dalawang order ng pizza. Napatingin naman ako sa grupo na maingay na nagtatawanan sa dulo kaya walang pag-aatubiling kinuha ko sa kamay no'ng Jerwin 'yong isang pizza na hawak niya.

"Huwag na. Ako na lang ang maghahatid," aniya.

"Ayos lang. Wala naman akong ginagawa," sagot ko.

"Ako na lang. Kahit ito lang, hehe. B-Baka kasi..." Hindi naman niya maituloy ang sasabihin niya at napalingon na lang kay Xyra.

Kahit na gusto akong pigilan ni Jerwin ay wala na siyang nagawa kun'di ang hayaan ako. Pagkahatid namin ng pagkain sa lamesa nila ay umangat naman ang tingin nila sa akin.

"Bago ka rito?"

Tumango naman ako. Nagkatinginan naman sila at nagtawanan.

"May nawala, pero may bago na naman."

"Hahaha!"

"Wait... Kaya naman pala you look familiar."

Napatingin naman ako roon sa nagsalita. Siya 'yong kaklase kong nakabangga ko at 'yong nagsabi na hindi raw sa Asia matatagpuan ang Philippines.

"E-Excuse me. May aasikasuhin pa kasi kaming ibang customer."

Napatingin naman ako kay Jerwin nang hatakin niya ang kamay ko paalis doon.

"Bakit?" tanong ko.

"K-Kilala mo sila?"

"Hindi ko sila kilala. Kaklase ko 'yong babae, pero hindi naman kami close."

"Basta. Huwag ka na lang lalapit sa kanila," saad nito nang makalapit kami kay Xyra.

"Bakit?"

"Baka pag-trip-an ka nila."

"Sa true. Masyadong sutil at spoiled brat ang mga taong 'yan. Kung hindi lang ako employee rito at hindi ko kailangang magtrabaho, baka kanina pa nakarating sa kanila itong tray na hawak ko. Mga walang modo. Kung alam mo lang kung ilang employee at crew na ang binatos nila rito. Sa University of Oxford pa sila nag-aaral niyan, ha? Apakagaling! Perfect!"

Napansin ko naman na parehas nga kami ng mga uniporme. Maya-maya lang ay tapos nang kumain 'yong mga estudyanteng iyon. Maingay naman silang nagtatawan habang naglalakad. Nasa harapan kasi namin ang pintuan kaya paniguradong madadaanan nila kami.

Napansin ko naman na mukhang ibabato niya ang hawak niyang can ng soft drinks sa amin. Bago pa man ito tumama sa mukha ni Jerwin ay agad ko na itong nasalo habang nakatingin lang sa kanila.

Bumalatay naman ang gulat at pagkamangha sa itsura nila habang nakatingin sa akin. Kahit 'yong mga kasama ko ay gano'n din ang naging ekspresyon. Tiningnan ko naman sila isa-isa habang tinatandaan ko ang mga itsura nila.

"Hindi rito ang basurahan," saad ko.

"Paano ba 'yan? Basura ang tingin ko sa kasama mo..."

"V-Vince..." pag-aawat ni Jerwin doon sa lalaki.

Mariin naman akong tiningnan no'ng nagngangalang Vince bago ito tumingin kay Jerwin.

"Thanks ulit sa libre, Jerwin. Tandaan mo, hindi ka pa bayad. Sisingilin pa kita," ani no'ng isang lalaki na hindi naman nakaligtas sa akin.

"O-Oo. Gagawa ako nang paraan."

"Good."

Ngumisi naman sa akin 'yong Vince. Pilit naman akong kumalma saka ako tumalikod sabay pisil sa hawak kong can ng soft drinks na ibinato no'ng lalaki. Pagdating ko sa loob ng opisina ay agad ding sumunod si Jerwin.

"P-Pasensya nga pala sa iniasal ni Vince. Huwag mo na lang siyang pansinin. Gano'n lang talaga 'yon."

"Magkano ang utang mo sa kaniya?"

"H-Huh?"

"Magkano?"

"H-Huh?"

"Harurot. Ang sabi ko magkano ang utang mo sa kaniya?"

"B-Bakit gusto mong malaman?"

"Wala lang. Gusto ko lang."

"Basta, hayaan mo na 'yon. Gagawan ko na lang iyon nang paraan."

Magsasalita pa sana ako nang tawagin ako ni Ma'am Faith. Tumingin naman ako kay Jerwin na natatawa na lang.

"Usap tayo mamaya."

"Mauuna akong uuwi sa'yo."

"Edi, mag-overtime ka."

"Hahaha!" Natawa naman siya na parang ayaw niyang maniwala.

Tumalikod naman na ako at pumunta sa office ni Ma'am Faith. Sinabi naman sa akin na mag-tsek ako ng lebel ng imbentaryo ng mga stocks. Magpasama na lang daw ako kay Jerwin dahil siya raw talaga ang isa sa gumagawa no'n. Sinabi ko naman na pauwi na rin si Jerwin dahil hanggang alas singko lang ito. Kaya sinabi naman ni Ma'am Faith na mag-overtime na lang daw siya ng isang oras.

Pagkalabas ko sa opisina ay hinanap ko naman si Jerwin na abala sa pag-aasikaso ng mga kustomer sa labas.

"Overtime ka raw hanggang alas sais."

"Huh?"

"Samahan mo ako sa storage room."

"Wait. Seryoso ka ba?"

"Hmm."

"Huwag mo akong niloloko. Naloko na ako noon."

Nandidiri ko naman siyang tiningnan.

"Pinagsasabi mo? Do'n ka sa far away."

"Hahaha! Seryoso nga kasi."

"Mukha ba akong hindi seryoso?"

"M-Medyo? Hahaha!"

Natatawa naman siya nang lumapit sa amin si Ma'am Faith.

"Jerwin, puwede bang mag-overtime ka hanggang 6:00 PM? Mag-che-check kasi si Aly ng inventory level sa storage room, samahan mo sana."

Tumingin naman sa akin 'yong isa pero nginiwian ko lang.

"Yes po, Ma'am Faith! Oks na oks sa guwapong 'to."

"Hahaha. Sige-sige, thank you ulit, Jerwin and Aly."

"You're welcome po."

Umalis naman na si Ma'am Faith.

"Seryoso ka pala hehe."

"Tch."

Naglakad naman ako.

"Hindi riyan ang daan. Dito sa kabila."

"Maghuhugas lang ako ng kamay."

"Palusot pa hahaha!"

Nilingon ko naman ito kaya natigil sa pagtawa.

"Ganiyan ba ang mga Pilipino? Palaging masusungit?"

"Oo. Nananakit din kami nang biglaan."

"Hahaha! Nice."

Umakyat naman kami sa ikalawang palapag para makapagsimula na kami sa trabaho. Habang nag-iimbentaryo kami ay nag-iisip naman ako kung paano ko siya tatanungin muli patungkol sa nangyari kanina.

"Aly pala ang pangalan mo," ani nito habang abala sa ginagawa, pero hindi ko naman siya sinagot.

"Matanong ko lang, Aly, galing kang Pilipinas, 'di ba?"

"Hmm."

"Bakit mo naisipang pumunta rito sa UK?"

"Para magpahangin."

"Wow! Wala akong masabi! Hahaha!"

"Hindi ka na naman naniniwala?"

"'Yong tono kasi ng pananalita mk ay parang wala kang choice."

"Wala nga. Maraming problema sa buhay kaya kailangan ko munang magpahangin."

"Grabe ka naman magpahangin. Sa UK pa talaga ang nais mo."

"Sinama lang ako ng Tatay ko."

"Ahh. Kaya naman pala."

"Pasensya na kung panay tanong ako nang tanong. Ang tahimik mo kasi masyado."

Medyo marami-rami pa ang gagawin namin kaya sakto na rin iyon para ako naman ang magtanong sa kaniya.

"Paano ka pala nagkaatraso sa mga estudyanteng iyon?"

"Hanggang ngayon ay iniisip mo pa rin iyon?" nagtatakang tanong nito.

"Hmm."

"Hayaan mo na."

"Magkano ang utang mo sa kanila?"

"Bahala na ako roon. Si Jerwin the pogi yata ito!"

"Tch."

Pasimple naman akong napangiti dahil medyo magkaugali sila ni Michael. Pagkatapos ay sabay na rin kami ni Jerwin nag-out. Si Beth naman ay naunang umuwi sa amin dahil hanggang 5:00 PM lang din ito.

"Mauuna na akong umuwi, Aly. May dadaanan pa kasi ako. Salamat ulit."

Tumango naman ako. Nakita ko naman na may dalawang lalaking lumapit kay Jerwin at sabay-sabay na silang naglakad palayo.

Napatingin naman ako sa harapan ko nang may humintong sasakyan. Bumaba naman ang bintana nito sa harapan at bumungad doon si Damian.

"Hey."

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Get in."

"Huwag mo sabihing hanggang dito ba naman ay binabantayan mo ako?"

"I'm not."

"So, ano ang ginagawa mo rito?"

"Get inside the car."

"Bakit?"

"Tch. Just get in."

"Ayoko nga. Si Mr. Richard daw ang susundo sa akin."

"Mr. Richard is requesting to pick you up because he still has something to attend to."

Mukha namang hindi siya nagsisinungaling. Pakiramdam ko lang.

"Hindi na. Magco-commute na lang ako."

"You know that public vehicles are not allowed there. So, get in so we can leave."

Umukit naman sa mukha niya ang pagkairitado, ngunit hindi ko na lang iyon pinansin. Pumasok na lang sa loob at saka naman niya pinaandar ang sasakyan.

"Your working?"

"Hmm."

"Why?"

"Ayokong umasa lang kay Mr. Richard?"

"But he is your Dad."

"Kailangan ko ring matuto hindi 'yong palaging nakaasa ako sa kaniya hindi dahil mayaman siya. I'm a strong independent woman."

"Tch."

Medyo mabilis naman ang pagpapaandar niya kaya mabilis lang din kaming nakarating.

Pagdating sa bahay ay nauna na siyang maglakad. Ngunit habang naglalakad ito ay halatang iritado pa rin. Paniguradong ako na naman ang dahilan. Palagi naman. Kung ayaw niya sana akong sunduin, puwede naman kasi siyang tumanggi. Hindi 'yong mag-iinarte rito.

Pagdating ko sa loob ng bahay ay naabutan ko namang magkausap sila nila Mr. Richard.

"Aly... anak, puwede ba kitang makausap sandali?"

"Sige ho."

"Ayos lang ba kung sa susunod ka na lang lumipat?" pakiusap nito sa akin. Mukha namang may sasabihin pa siya kaya hindi muna ako sumagot.

"May kailangan kasi akong asikasuhin dahil biglaan ang lahat. Kaya habang wala ako ay si Damian muna ang maghahatid sundo sa iyo. Siguro ay aabutin lang naman ako ng dalawang Linggo. Kapag nakabalik na ako, puwede mo nang ituloy ang pagkuha mo ng apartment."

Napatingin naman ako sa isa na nakabusangot na nakatingin sa akin.

"Kaya ko naman hong mag-isa. Pauwiin n'yo na ang isang 'yan."

"Can you stop being stubborn and headstrong and just follow your dad's instructions?"

"Kaya ko naman kasing mag-isa. Hindi ko kailangan ng bodyguard o magbabantay sa akin. Hindi naman ako bata."

"You may not be a child, but your mindset is like that of a child."

"Abay siraulo 'to, huh?"

Nilapag ko naman 'yong bag ko sa lapag. Kunwaring makikipagbanatan sa lalaking 'to.

"Gusto mo tayong dalawa, e. 'Yang laki mo na 'yan, patulan kita! Ano? Gusto mo tayong dalawa?"

"Tch."

Si Mr. Richard naman at 'yong mga kasama namin dito sa bahay ay natatawa na lang sa amin. Magsasalita pa sana ako nang umalis na 'yong isa sa harapan namin.

"Duwag ka pala, e."

"Shut up."

"Shut up. Akala mo may toyo," panggagaya ko sa kaniya.

Humarap naman ako kay Mr. Richard.

"Kailan ho pala ang alis ninyo?"

"Mamaya pang alas nuebe."

"Sige ho. Mag-ingat ho kayo. Makikibalita na lang ho ako kung ano na ang ganap sa paghahanap n'yo sa Mama ko."

"H-Huh?"

"Hindi ko ho sinasadyang madinig kayo kaninang umaga."

Ngumiti naman ito sa akin.

"Magbihihis lang ho ako."







_______________________________________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

17K 1K 23
"That's because.. you're weak!" "I'll surpass you! I certainly will!" [Kaiju no.8 various x !Gojo reader] Gojo Y/n , despite her silly demeanor there...
73.5K 2.7K 104
Coming Into Your World I Fell In Love With You| "I'm...In love with someone who's in a TV show?! And he's not even in the show he's supposed to be a...
37.3K 3.1K 11
الأدعج" قـاع الظلام " تنـتظـِركم لـيالـي قاسيه وعيـُون لاتنـّام وأيـام سوداويه فـْي أعـماق قــاع الضلام هـيا يـا رِفـاق انـتـّزعو ثـُوب النجاة ل...
76.1K 6.3K 145
Admin ဆီက ခွင့်ပြုချက်မရသေးပါဘူး free တင်တဲ့ အတိုင်း တင်ပေးပါ့မယ် admin တွေ လာပြောရင် ဖျက်ပေးပါမယ်။ Start date -21•4•2024(Sunday) End date-