CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART...

נכתב על ידי MadamWitty

6.8K 134 6

CUBH Season 2 After going through a lot of pain and feeling abandoned, Zen was almost at the point of giving... עוד

CUBH Season 2
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98

Chapter 95

106 6 0
נכתב על ידי MadamWitty

Nicholas Thaddeus Montclair
Punong Ministro / Prime Minister

Aly's POV

Natapos ang pagpupulong na iyon, ngunit ang mga salita ng Punong Ministro tungkol sa Papa ni Mr. Richard ay nag-iwan sa akin ng malalim na pagmumuni-muni. Gusto ko sanang pigilin ang aking inis at galit, subalit hindi ko mapigilang maulit-ulit na balikan ang kaniyang mga sinabi.

Ano nga ba ang tungkol sa Papa ni Mr. Richard na iyon? Bakit tila may kaugnayan ito sa kayamanan niya at sa pagnanais ng ibang tao na patayin siya?

Maaaring may mga lihim at mga kwento sa likod ng kanyang kayamanan na hindi pa nabubunyag sa publiko. At sa pagkakataong iyon, naramdaman ko ang pag-uudyok na kailangan kong malaman ang katotohanan.

Minsan, sa gitna ng kaguluhan at paglalaban para sa katarungan, kailangan nating lumapit sa mga taong may malalim na kaalaman at maaaring magbigay-linaw sa mga katanungang bumabagabag sa ating isipan. Hindi ito madali, at maaaring humantong sa pag-aalala at pag-aatubili, ngunit sa paglalakbay ng pag-unawa, mas malalaman natin kung paano at bakit nangyari ang mga bagay.

Ang pag-unawa sa konteksto ng buhay ni Mr. Richard ay mahalaga para sa akin. Dahil kung tunay nga na mayroon siyang mga bagay na kailangan pang lutasin, maaaring higit pa itong magbigay ng motibasyon sa akin upang patuloy na maging boses ng katarungan. Hindi ko alam kung paano ako makakalapit sa kanya, pero alam ko na hindi ko ito dapat ipagwalang-bahala.

Sa paglalakbay ko patungo sa katotohanan, tila ba may mga pwersa sa paligid na naghihigpit at nagpapahirap sa aking hakbang. Ang bawat galaw, bawat desisyon, ay pilit na hinahatak pabalik sa kadiliman ng pag-aalinlangan. Nakakaramdam ako ng pagkabahala at pangamba sa mga maaaring malaman ko sa proseso na ito.

Sa bawat hakbang ko, lumalakas ang kaba at takot na nagmumula sa loob ko. Natatakot ako na ang paglalakbay na ito ay magiging isang hadlang sa mga pangarap at mga plano ko sa buhay. Iniisip ko kung paano ito makakaapekto sa mga landas na gustong tahakin at mga pagpapasyang nais kong gawin.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, alam kong hindi ko maaaring tumigil. Hindi ko maaaring isantabi ang paglalakbay patungo sa katotohanan dahil lamang sa takot at pag-aalinlangan. Sapagkat sa pagharap ko sa mga ito, mas nalalapit ako sa mas malalim na pag-unawa at pagkakaroon ng kahulugan sa buhay.

Ang pagtuklas ng katotohanan ay isang hamon at pagsubok sa aking determinasyon. Ngunit hindi ko maaaring pabayaan ang sarili ko na maging bihag ng mga takot at pag-aalinlangan. Kailangan kong maging matapang at patuloy na magtahak sa landas ng pag-unawa.

Sa bawat pagharap sa mga katanungan, mas lalong lumalim ang aking pang-unawa sa sarili at sa mga bagay na may kinalaman sa aking pagkatao. Nauunawaan ko na ang pagtuklas ng katotohanan ay isang daan patungo sa pag-unawa at pagtanggap sa mga bahagi ng aking pagkatao na maaaring hindi ko pa lubos na natutuklasan.

Maaaring magkaroon ng mga hamon at pagsubok sa aking landas, ngunit sa pagharap ko sa mga ito, mas nagiging matatag ako. Mas nauunawaan ko ang halaga ng pagtitiwala sa sarili at pagmamahal sa bawat aspeto ng aking pagkatao.

Nais kong isipin na ang pagharap sa katotohanan ay isang pagkakataon upang maging mas bukas at mas malalim ang pag-unawa sa sarili ko. Ito ay isang proseso ng paglago at pag-unlad na nagbubukas ng mga pintuan sa mas malawak na kaalaman at kahulugan.

Tuluyan na ngang nagsipaglabasan ang mga Konseho palabas ng Sentro. Hindi naman mahanap ng mata ko kung nasaan na sila Mr. Richard, marahil ay nauna na silang lumabas. Bago pa man ako tumalikod, tiningnan ko naman muli ang ang Punong Ministro na kasalukuyang nakatingin din sa akin. Pagkatapos no'n ay umalis na ako at naglakad palabas.

Paglabas ko ng pasilyo ay naabutan ko naman sila Mr. Richard na may kausap. Napansin ko naman na nandoon rin 'yong lalaking nakita ko kanina. Naramdaman naman nila na ang presensya ko kaya lumingon naman sila sa akin.

Pagdating ko sa kanila ngumiti naman sa akin ang mga kasama ko ngunit nanatili lamang akong tahimik. Napansin ko naman na nakangiti rin sa akin 'yong kaedad ni Mr. Richard. Mukhang Tatay no'ng lalaki. Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon ko dahil hindi ko naman siya kilala o matandaan, pero kung ngitian niya ako ay daig pa niya ang mga kilala ko sa Pilipinas.

---

Sumandal muna ako sa pader sa likod ko habang hinihintay si Mr. Richard dahil may kausap pa ito. Tiningnan ko naman muli 'yong isang lalaki dahil pamilyar sa akin 'yong itsura niya. Paglingon naman niya sa akin ay tinaasan naman ako nito ng kilay na para bang tinatanong niya kung bakit ako nakatingin sa kaniya.

Bigla namang bumukas 'yong isang pintuan sa kabilang pasilyo at iniluwa roon ang Punong Ministro. Naramdaman ko naman na papalapit ito sa gawi namin kaya napangiwi na lang ako sa inis. Akala ko pa naman ay makakauwi na kami ngunit may part 2 pa yata ang pagpupulong niya.

"Magandang umaga po, Punong Ministro. Mayroon po ba kaming maipaglilingkod sa inyo?" tanong ni Mr. Richard.

Hindi naman ito sumagot. Sa halip ay tumingin naman ito sa akin. Ako naman ay nakatingin lang sa kabila na kunwari ay wala akong nakita. Tumikhim naman si Mr. Richard para pukawin ang atensyon ko. Pasimple naman akong ngumiwi bago ako lumingon sa Punong Ministro.

Ngayon ay kitang-kita ko na ang buong itsura at pagkatao ng Punong Ministro. Kung sa malayuan pa lang ay mararamdaman mo na ang kakaibang presensya niya, ngunit mas iba kapag mismong kaharap mo na siya.

"Bakit ho? May kailangan ho ba kayo?"

"Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko kung bakit hindi mo pinapalitan ang apelyido mo. Sa katunayan, maaari mong gamitin iyon para sa yaman ng Ama mo."

"Bakit gustong-gusto n'yo hong malaman ang rason ko?" pinigilan ko namang huwag itaas ang boses ko.

"Gusto ko lang usisain dahil sa pagiging kursyonidad. Gusto kong malaman ang rason mo."

"Hindi ho puwede."

"Bakit?"

"Kasi nga ho hindi puwede. Huwag ho kayong desisyon sa desisyon ko, Punong Ministro."

Kuha niya ang gigil ko. Do'n ka sa far away.

"Hindi naman ho yata patas na may alas kayo laban sa akin kapag nalaman n'yo ang mga rason ko kung bakit. Katulad ho ng sinabi ko kanina, nasa panganib ang buhay ni Mr. Richard. Konti lang ang may alam, kaya konti lang din ang tiyansa na malagay ang buhay niya sa kapahamakan. At saka,
pinagdudahan n'yo nga ako kanina lamang kung kaya kong protektahan si Mr. Richard. Kaya mas mabuti rin na pagdudahan ko rin kayo."

"Kapag sinabi ko sa'yo ang naging kasunduan namin ni Alejandro, ipagpapalit mo ba iyon sa dahilan mo?"

Napakamot naman ako sa ulo dahil napakakulit ng isang 'to. Paulit-ulit. Hindi matigil sa isang eksplanasyon. Gusto palaging may kaakibat na pangangatwiran para lang tumigil na sa katatanong.

"Kahit malaman ko man ho ang tunay na dahilan patungkol sa naging kasunduan ninyo, wala ho akong pakialam, okay? Wala na rin naman hong magbabago. Nandito na ako at ito na ang kasalukuyan ng buhay ko.

"Puwede kitang bigyan nang mataas na posisyon dito sa Konseho. O kaya gawing kanang kamay ko. Puwede kong ibigay lahat sa'yo: kayamanan, luho, at maging buhay na pinapangarap mo."

"Mawalang galang na ho, ano, Punong Ministro. Ayoko ho sanang sanang sirain ang imahinasyon o ano pa mang tumatakbo riyan sa isip n'yo.... Siguro nga ay lumaki ako sa mahirap na pamilya, wala ho kami ng mga bagay na mayroon kayo, hindi kami nakaranas ng mga bagay na dinanas ninyo, at hindi namin nakagisnan ang buhay na hinahangad mg iba. Subalit hindi ibig-sabihin ay bulag na ako sa mga bagay na mayroon ako sa buhay ko. Hindi ho ako materyalistikong tao. Kahit bigyan n'yo ho ako ng pera, wala ho akong balak na tanggapin iyon. Hindi ko kailangan ng luho ng iba para mapunan ang ibang bagay na wala ako. Kontento ho ako sa mayroon ako at kaya ko namang gastusan ang sarili ko sa mga bagay na gusto na hindi kailangang umasa sa iba. Hindi ko ho kailangan ng ibang tao na gagawa no'n, lalo na kung may kapalit din pala ang pagtulong." Umayos naman ako ng tayo.

Tumingin naman ako kay Mr. Richard bago ako tumalikod. Ngunit nakakailang hakbang pa lamang ako ay nang makarinig ako ng salitang ikatitigil ng mundo ko.

"Carlo Buenavista ang pangalan ng nobyo mo, 'di ba?" Napakuyom naman ako habang hindi lumilingon sa kaniya.

"Gusto ko sanang sabihin sa iyo ang napagkasunduan namin ng Lolo mo, ngunit nagkaroon ako ng ideya na kaniya ko na lang sabihin. Ano sa tingin mo, Aly?"

"Pakialamanan mo na lahat, huwag lang si Carlo. Kapag nalaman ko na hinawakan mo siya, ultimo damit o hibla man lang ng buhok niya ay madikitan mo, at may ginawa kang hindi maganda..." Dahan-dahan naman akong tumingin sa Punong Ministro at ipinagpatuloy ang sasabihin ko. "Ako ang makakalaban mo."

Nawala naman ang ngisi sa labi ng Punong Ministro habang nakatingin sa akin.

"Anong magagawa ng isang tulad mo sa Punong Ministro na katulad ko?"

"Marami ho... Marami ho akong kayang gawin."

Malumanay naman akong tumingin sa kaniya.

"Patas ako lumaban. Alam ko kung ano ang dapat at hindi. Pero kung patalikod kayo lumaban, kaya kong sirain lahat ng sinimulan ng pamilya mo sa hindi magandang paraan. Kahit sino pa ho kayo, hindi alintana sa akin kung Punong Ministro ang kaharap ko."

Nanaig naman ang matalim na titig namin sa isa't isa.

"Kung wala na ho kayong itatanong pa, Punong Ministro, lalabas na ho ako," dagdag ko pa bago ako tuluyang lumabas ng Sentro.

Nang maramdaman ko ang malamig na hangin sa labas ay medyo guminhawa at kumalma na ang init ng ulo ko. Kahit na buong tapang akong nakipag-usap sa Punong Ministro, hindi ko maiwasang kabahan at matakot kung si Carlo na mismo ang madadawit.

Alam ko maman na sinusubukan lang ng Punong Ministro ang pasensya ko ngunit nakakapag-init lang talaga ng ulo. Nararamdaman ko naman na hindi siya ang mga gustong pumatay kay Mr. Richard. Ngunit hindi ibig-sabihin no'n ay magtitiwala na lang ako kung kani-kanino.

Kahit mismo kay Carlo, kahit nandito man siya, hindi ko puwedeng alam niya lahat. Hindi sa wala akong tiwala, ayoko lang na madawit siya sa kapahamakan dahil sa akin. Hangga't maaari, mas ayos sa akin na hindi muna kami magkita kung nasa ganitong uri ako ng sitwasyon. Mas maigi ito upang hindi nila gamitin si Carlo laban sa akin o kay Mr. Richard man lang.

Sa bawat hagupit ng hangin, tila ba humuhuni sa aking mga tainga ang mga tanong na kailangang masagot. Hanggang sa makamtan ko ang mga kasagutan, hindi ako titigil sa aking paglalakbay patungo sa pag-unawa at pag-alam. Ipinapaubaya ko ang aking sarili sa proseso ng pagtuklas at pag-unawa, at sa pag-asang matatagpuan ko ang mga sagot sa tamang panahon.

Kailangan kong maging handa sa mga posibleng katotohanan na aking matutuklasan. Ito ay maaring maging makabago, masakit, o kahit nakakatakot. Ngunit sa kabila ng lahat, alam kong ang pag-unawa ay magbibigay-linaw at magpapalalim sa aking pagiging tao.

Ako ay patuloy na magiging boses ng pagbabago, ngunit sa ngayon, mahalaga na unahin ko rin ang sarili kong pagbabago. Ang paglalakbay na ito ay magiging pagsubok sa aking pagkatao, at ang mga kasagutan ay maaaring magbago ng aking pananaw sa buhay.

Tulad ng isang manlalakbay na naglalakbay sa kawalan, handa akong harapin ang mga pagsubok na magdadala sa akin sa mas malalim na pag-unawa. Hindi ko alam kung anong kalalabasan ang naghihintay sa akin, ngunit mas pinili kong humakbang patungo sa liwanag at katotohanan kaysa manatili sa kadiliman ng pag-aalinlangan.

Ang mga tanong na bumabagabag sa aking isip ay maaaring magbukas ng mga pintuan sa mga bagong oportunidad at pagkakataon. Kaya't sa pagtahak ko sa landas ng pag-unawa, mas lalo akong naging determinado na maging mas mabuting tao, hindi lamang para sa sarili kundi pati na rin sa lahat ng mga taong aking natutulungan.

At sa paglalakbay na ito, isang bagong simula ang aking natatagpuan. Isang paglalakbay na puno ng pag-asang matutunton ko ang mga bagay na nagpapalaya sa aking puso at isipan. Isang paglalakbay na magbubukas ng pintuan patungo sa pag-usbong ng isang mas mabuting tao sa loob ko.

Kaya't sa pagbabalik ng araw, handa akong yakapin ang mga pagbabago na darating sa aking buhay. Handa akong magbukas ng puso't isipan sa mga aral na darating, at higit sa lahat, handa akong tanggapin ang sarili kong pag-unlad at pagbabago.

Napalingo naman ako sa gilid ko nang may tumabi sa akin.

"Ang gaan sa pakiramdam ng hangin, 'no?" sambit nito habang may hawak pang tasa ng kape.

Ngumiti naman ito sa akin. Mukhang kaedad lang din ito ni Mr. Richard, ngunit hindi ko nararamdaman sa kaniya na banta siya sa pamilya ko. Ewan ko ba, malakas ang pakiramdam ko sa ganiyang bagay. Naririnig ko kasi sa boses, nakikita ko sa mata, nararamdaman ko ang daloy ng pakikisama sa akin kung totoo ba o hindi ang isang tao.

"Magandang umaga sa iyo. Ako pala si Ben. Pero puwede mo akong tawaging Bimby."

Naalala ko naman na isa siya sa mga Ministro kanina. Inilahad naman niya 'yong kamay niya sa akin ngunit tiningnan ko lamang iyon.

"Hindi ho ako nakikipagkamay sa kung sinu-sinong lalaki."

"Hahaha." Natawa naman ito.

"Kaya naman pala na-intriga ang Punong Ministro at iba pang mga Konseho dahil sa kakaibang personalidad mo."

Hindi naman ako umimik sa kaniya. Nanatili lamang akong nakatingin sa paligid.

"Mukhang nahanap na ng Konseho ang kanilang katapat."

Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Ikaw mismo ang tinutukoy ko."

"Bakit naman ho ako?"

"Siguro dahil ikaw lamang ang kauna-unahang naglakas ng loob upang magsalita pabalik sa mga Konseho, maging sa Punong Ministro, patungkol sa ipinaglalaban mo. Ang iyong tapang at dedikasyon ay nagbibigay inspirasyon para sa iyong prinsipyo. Sa isang lipunang kung saan marami ang takot magsalita at tumindig, ikaw ang naging liwanag na nagpapakita na ang bawat isa sa atin ay may boses na dapat marinig. Ang pagiging boses ng mga walang tinig ay napakahalaga sa isang demokrasya. Sa pamamagitan ng iyong pagsasalita at pagkilos, nagiging tagapagtaguyod ka ng tunay na kalakip na boses ng mamamayan. Buo ang aming tiwala na ang iyong pagkilos ay hindi lang para sa sarili mo, kundi para sa lahat ng nagnanais ng mas mabuting kinabukasan para sa ating bansa. Alam ko na hindi madali ang iyong hakbang na gagawin, subalit ang pagtanggap ng hamon at ang paglakad sa landas ng katotohanan at katarungan ay nagpapakita ng iyong tapang at integridad. Huwag kang mag-alinlangang ipagpatuloy ang labang ito. At huwag kang papatinag sa mga balakid, at patuloy kang manguna sa pagtahak ng tama at makatarungang landas."

"Hindi naman ho ako nandito para maghanap ng gulo. Nandito ako para ayusin ang patakaran nilang hindi ko maintindihan."

"Malaking pasasalamat talaga ng bansang ito na may taong kagaya mo na kaya at may lakas ng loob upang sabihin iyon sa harapan kanina.

Nakita ko naman na lumabas na ng pinto sila Mr. Richard.

"Nandiyan na ang Papa mo," saad nito.

"Sige ho."

Naglakad naman na ako papunta sa sasakyan.

"Mag-ingat ka, Aly. Ngayon pa lang ay nakamasid na ang mga mata nila sa'yo."

Itinaas ko naman ang isang kamay ko bilang pamamaalam sa kaniya habang nanataling naglalakad.

Nauna naman akong sumakay sa Chinook na sinakyan namin at naupo. Maya-maya lang ay sumunod naman na sila Mr. Richard kasama 'yong dalawang lalaki at naupo na rin sa loob. Bago sumara ang dulong pintuan nitong Chinook, ay kitang-kita ko sa inuupuan ko sina Bimby at ang Punong Ministro na seryosong nakatingin sa akin.

Nang tuluyang sumara ang pintuan ay isinandal ko muna ang ulo ko dahil inaantok ko. Narinig ko naman silang nag-uusap pero nanatili lamang ako sa postura ko.

"Damian, nakapag-apply ka na ba sa unibersidad na gusto mo?" tanong ni Mr. Richard.

"Hmm," tipid na sagot nito.

Bigla tuloy sumagi sa isip ko na 'yong batang kasama ko noong nasa DEFENSE Headquarters pa ako. Kaya pala pamilyar siya sa akin. Saka ko lang kasi naalala no'ng binanggit ni Mr. Richard ang pangalan niya.

Pagdilat naman ng mata ko ay saktong nagtama ang mga mata namin, ngunit agad din siyang umiwas.

"Ikaw, Aly? Nabanggit kasi ni Richard na gusto mo pa ring ipagpatuloy ang pag-aaral mo." tanong ni Mr. Eric sa akin.

"Nag-aasikaso pa lang ho ako ng mga requirements at papeles."

"May unibersidad ka na bang napili o balak mong ipagpatuloy iyon sa Pilipinas."

"Balak ko ho sa Oxford."

"Parehas pala kayo ni Damian."

Napatingin naman ako roon sa isa na hindi naman nakatingin sa amin.

"Ano pa lang kurso ang kukuhanin mo?"

"BS in Office Administration ho. Balak ko ho sanang lumipat ng iba pang kursoEducation, pero ipagpapatuloy ko na lang ho ito. Baka mahirapan lang ako kung lilipat pa ako."

"Si Damian naman ay Medicine. Gusto raw niya maging Doktor. Patapos na siya sa internship, baka baka sa mga susunod ay mag-board exam na siya."

Hindi naman ako sumagot. Hinayaan ko lamang siyang magsalita.

"Nga pala, naaalala mo pa ba si Damian? Siya 'yong dating kalaro mo no'ng unang dinala ka ni Richard dito."

"Hindi ko na ho masyadong matandaan 'yong iba," naramdaman naman namin na parang dumilim 'yong awra ng isa. "Pero natatandaan ko naman ho siya," dagdag ko dahilan para tumingin siya sa akin.

Ipinikit ko naman muna ang mata ko at naidlip muna. Inaantok na talaga ako dahil wala pa akong tulog. Naramdaman ko naman na may tumatapik sa balikat ko. Pagtingin ko ay nakabalik na pala kami sa amin, tapos wala na rin sila Mr. Eric dito sa loob ng Chinook.

Bago ako umakyat sa taas ay tinawag ko naman si Kuya Alex.

"Kuya Alex."

"Bakit ho, Aly?"

"Puwede hong makisuyo?"

"Oo naman. Ano ho iyon?"

"Makikisuyo lang ho sana ako na kunin n'yo ho ang mga requirements ko sa Pilipinas."

"Ang alam ko ho ay naayos na ho ni Mr. Richard iyon. Saglit lang ho, kunin ko lang sa opisina po niya."

Nakaramdam naman ako ng sigla sa dibdib ko matapos kong marinig ang pahayag na iyon. Wala rin talaga kasi akong ideya at wala namang nabanggit si Mr. Richard. Gayunman, literal na gumaan sa pakiramdam ko ang bagay na iyon.

Naghintay naman muna ako sa sala dahil umakyat pa si Kuya Alex. Mga ilang minuto lang ay may dala na siyang malaking sobre na kulay kahoy.

"Bakit nandito ka pa sa ibaba? Hindi ka na ba inaantok?" tanong ni Mr.. Richard na kapapasok lang.

"Nakisuyo lang ho muna ako kay Kuya Alex. Salamat pala sa pag-aasikaso nito."

Bigla naman siyang napahinto sa paglalakad at namutawi ang pagkagulat habang nakatingin sa akin. Gayunman, mababakas ang saya sa mga mata nito matapos ko siyang pasalamatan. Hindi naman dahil hindi pa rin maganda ang sitwasyon namin bilang mag-ama, ayoko naman maging masamang anak. Hindi naman ganoon ang itinuro sa akin. At saka, hindi rin mahirap magpasalamat.

Ang namin ni Mr. Richard ay tila isang pagkakataong muling mabuo ang isang mahabang kahulugan. Bawat hakbang at titig ay naglalaman ng mga bagong simula at mga pagkakataong magbago ang mga bagay. Napawi ang anumang pag-aalinlangan sa aking puso nang makitang nagbabalik-tanaw siya sa akin nang may ngiti. Sa mga simpleng ngiti na ito, nararamdaman kong hindi pa nawawala ang pag-asa na magkakaroon pa ng pagkakataon na magkaayos kami.

Naging mas malinaw sa akin ang kahalagahan ng pagiging bukas sa mga simpleng pagkakataon ng pagbabago. Hindi ko maitatangging nagiging matigas ang aking loob sa pagharap sa mga bagay na may koneksyon sa aming nakaraan. Subalit sa bawat pagpapakumbaba at pasasalamat, natutunang muling buksan ang pinto ng pag-asa para sa isang mas maayos at makulay na kinabukasan.

Hindi ko hahayaang mabahiran ng galit o pag-aalala ang bawat araw na dumarating. Sa halip, tatalima ako sa mga aral ng nakaraan at magsisikap na magbunga ng mga positibong pagbabago. Maaaring hindi agad-agad, ngunit sa bawat hakbang, sa bawat salita ng pasasalamat, at sa bawat pagtanggap ng pagkukulang, unti-unti kong nararamdaman ang init ng pag-asa at posibilidad ng pagkakaayos.

Siguro nga ay hindi pa ngayon ang tamang panahon, pero umaasa rin ako na balang araw ay dumating iyon.

"Kapag may kailangan ka pa, puwede kang magsabi sa akin mismo," saad muli niya.

Hindi na lang ako nagsalita pa.

"Akyat na ho ako."

Pagpasok ko sa kwarto ko ay inilapag ko naman muna sa lamesa 'yong sobre. Pagkatapos ay pabagsak naman akong nahiga sa kama at hinayaan ang mata kong lamunin ako ng antok.



_______________________________________________________________________________________________________

המשך קריאה

You'll Also Like

32.6K 730 22
Naruto Uzumaki is the eldest of four siblings, born into the Uzumaki family, renowned for their strong chakra and their special connection to the Nin...
61.3K 1.3K 35
Luliana, isang babae na puno ng misteryo, nagising sa isang hospital na walang maalala sa kanyang nakaraan. Ang kanyang mundo ay biglang naglaho, ngu...
158K 6.9K 30
!Adult/Possessive and Asshole!
367K 13.9K 26
"မောင် မဆိုးစမ်းနဲ့ကွယ်" "ကျုပ်ကိုမချုပ်ခြယ်နဲ့"