CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART...

By MadamWitty

10.5K 186 7

CUBH Season 2 After going through a lot of pain and feeling abandoned, Zen was almost at the point of giving... More

CUBH Season 2
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112

Chapter 86

127 6 0
By MadamWitty

Zen's POV

[Continuation of Flashback]

Bigla naman silang nagsipag-alisan nang dumating si Mr. Richard. Malayo pa lang ay nasa akin na agad ang paningin niya. Hindi naman ako makalingon kay Damian dahil sa kaba.

Pagkalapit ni Mr. Richard sa amin ay nagulat na lang ako nang yakapin niya ako.

"M-Mr. Richard?"

Humarap naman sa akin si Mr. Richard

"Pinag-alala mo ako, Zen... Thank God you're okay."

Imbes na kabahan ako ay napalitan naman ito nang pagkamangha. Ito kasi ang unang pagkakataon na nakita siyang ganiyan.

"Please accept my apologies for this, Mr. Richard. He came here on my own dime, not his own."

Lumingon naman ako kay Damian, gano'n din si Mr. Richard.

"It's okay. I'm glad he's with you."

"M-May problema po ba, Mr. Richard?"

"Nothing. Let's go."

Tumingin naman muna ako kay Damian bago kami lumabas. Pagdating namin sa labas ay mas lalo naman akong nagtaka dahil ang daming tao at mukhang nagkakagulo.

Maya-maya lang ay dumating na sina Ate Sarah at Kuya Alex na mukhang nag-aalala rin, ngunit nang makita nila ako ay para bang nabunutan sila ng tinik sa kanilang lalamunan.

"Z-Zen..."

"Po?"

Taka naman akong tumingin kay Mr. Richard ngunit ngumiti lang ito sa akin para sabihing wala akong dapat ikabahala.

Umakyat naman kami sa office ni Mr. Richard. Naupo na lang ako sa gilid dahil mukhang importante ang pinag-uusapan nila. Bigla naman tuloy akong nakokosensya. Hindi ko man alam kung ano ang pinag-uusapan nila, pero alam ko na isa ako sa naging dahilan kung bakit nagkagulo sila kanina.

Bumalik naman si Mr. Richard sa upuan niya kaya lumapit ako sa kaniya.

"G-Galit po kayo sa akin?"

Mukha namang nagulat sila sa sinabi ko.

"No. Why did you say that?"

Hindi naman ako makasagot. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin ko. Hindi ko lang kayang tiisin kaya naglakas-loob na akong magsabi sa kaniya.

"Tumingin ka sa akin, Zen."

Hinawakan naman niya ang kamay ko.

"Wala kang kasalanan. Nag-aalala lang si Papa dahil bigla kang nawala kanina. Akala ko ay may nangyaring masama na sa'yo. Huwag mo nang isipin iyon. Maayos na ang lahat."

"Pasensya na po kung hindi po ako nakapagpaalam kanina."

"Wala iyon. Hangga't maaari ay ipaalam mo rin kay Papa kung aalis o saan ka pupunta. Puwede ba 'yon?"

"S-Sige po..."

Naupo naman ako muli sa sopa. Tinanong naman ni Mr. Richard kung nagugutom ako pero wala naman akong gana.

"He's here, Mr. Richard."

May tumabi naman sa akin kaya nilingon ko naman siya. Ngunit nanlaki na lang ang mata ko kung anong ginagawa ni Damian dito.

"A-Anong ginagawa mo rito?"

"I just want."

Tumingin naman ako kay Mr. Richard pero ngumiti lang ito sa akin.

"He called me here," wika ni Damian.

"P-Pinagalitan ka ba ni Mr. Richard?"

"Nope. Why would he scold me?"

"W-Wala naman. Akala ko lang na pinagalitan ka dahil sa akin."

Hindi naman siya sumagot. Napansin ko naman na bagong ligo siya at iba na rin ang suot niya. Kinuha naman niya 'yong remote mg telebisyon at prenteng humiga sa kama.

Napatingin naman ako kay Mr. Richard na napapangiwi ngunit tinawanan lamang niya ako.

"Zen, dito ka lang muna. May aasikasuhin lang ako."

"P-Puwede ho ba akong sumama?"

"Bakit? Ayaw mo ba rito? Ayaw mo bang kasama si Damian?"

"H-Hindi naman ho. Mas gusto ko lang pong nasa bahay."

Ngumiti naman siya sa akin.

"Pagkatapos kong asikasuhin 'yong mga gagawin ko ay uuwi rin tayo agad, okay?"

"S-Sige po."

"Sige na. Babalik din agad ako."

Tumango naman ako.

"Damian."

Napaayos naman siya ng upo matapos siyang tawagin ni Mr. Richard.

"I trust you."

"Yes, Mr. Richard."

Ngumiti naman sa akin si Mr. Richard bago ito tuluyang lumabas ng kwarto.

"There's nothing to worry about. He'll return soon."

"Gusto ko nang umuwi sa amin..." malungkot na saad ko sa sarili ko.

Lumingon naman siya akin.

"Sandali. Paano mo pala naiintindihan ang sinasabi ko?" tanong ko muli.

"My Dad brought me to the Philippines."

"Ahh..."

"Mr. Richard and my Dad are friends."

"M-May alam ka ba patungkol kay Mr. Richard?"

"You're his son," diretsong sagot nito sa akin.

"A-Alam mong anak niya ako?" gulat na tanong ko sa kaniya. Hindi ko kasi inaasahan ito. Wala naman kasing binabanggit si Mr. Richard sa akin.

"Hmm."

"P-Paano mo nalaman na anak ako ni Mr. Richard?"

"I know it from the very start."

Kahit marami akong gustong itanong sa kaniya ay hindi na lang ako umimik pa. Para kasing uhaw na uhaw ako sa impormasyon na malaman ang mga bagay sa Papa ko. Alam ko naman na karapatan ko iyon bilang anak niya. Parang naninibago lang ako. Hindi ko lang din kasi maiwasan na makaramdam ng inggit. Para kasing mas madalas pa niyang nakasasama ang batang ito kaysa sa akin.

Bigla na naman kasing sumagi sa isip ko kung bakit ngayon lang siya nagpakita. Kung bakit ngayon lang ang lahat-lahat.

Ilang oras na ang nakalilipas ngunit hindi pa rin bumabalik si Mr. Richard. Ayoko namang magtanong kay Damian dahil parang tinamad na talaga akong magsalita.

"You haven't eaten anything yet," wari nito pero iling lang ang isinagot ko.

"I am aware that you feel bewildered and that you have many questions, but you need to eat first."

"Hindi nga ako gutom."

"Tch."

Tumayo naman ito at sinandukan ako nang makakain. Pagkatapos ay lumapit naman ito sa akin habang hawak ang plato na may lamang kanin at manok.

"H-Hoy! Ano bang trip mo? Hindi mo ba naiintindihan na hindi ako nagugutom?"

"You need to eat."

"A-Ayoko nga, 'di ba? Makulit ka?"

Napaatras naman ako nang ilahad niya sa harapan ko ang kutsara para subuan ako. Ngunit wala na akong nagawa kun'di kainin iyon dahil mapilit siya.

"A-Ako na. Masyado kang desisyon."

Ngumisi naman ito kaya nairita lang ako. Pagkatapos kong kumain ay inabutan naman niya ako ng tubig at siya na rin ang naghugas no'ng pinagkainan ko.

"If you want to sleep, go ahead. I'm just here."

Hindi na lang ako nagsalita pa. Umayos na lang ako ng higa sa may bandang dulo. Bigla kasi akong nakaramdam ng antok pagkasabi niya no'n. Pinatay naman niya ang telebisyon at naupo na lang ulit sa gilid ko.

Pagkagising ko naman ay namalayan ko na lang na nasa kwarto na pala ako at nasa tabi ko rin si Mr. Richard na natutulog din. Dahan-dahan naman akong kumilos upang pero mukhang nagising naman siya sa pagbangon ko.

"P-Pasenya na ho kung nagising ko po kayo."

"Okay lang, Anak. Anong oras na rin kasi nakauwi si Papa."

Ngumiti naman ako nang pilit.

"May problema ba? May gusto ka bang sabihin sa akin?"

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin ito sa kaniya. Baka kasi masaktan ko ang damdamin niya, pero hindi rin ako matatahimik kung ikikimkim ko lamang ito sa sarili ko.

"N-Noong pumunta ho kami sa inyo sa Maynila, kayo po 'yong nasa loob ng kotse, 'di ba po?" Mukha namang nagulat siya sa sinabi ko.

"M-May sakit ho no'n ang Mama ko. Narinig ko pong nag-uusap ang pamilya ko kung puwede kaminh humingi ng tulong sa inyo dahil wala po kaming pera. Humingi ho ako nang tulong no'n kay Lola, hinanap ko ho kayo, nilakasan ko ho ang loob ko kahit na hindi ko naman kayo nakasama at wala naman ho akong alam sa lahat. Pero hindi ko lang po maintindihan kung hinayaan n'yo lang po ba akong pagtabuyan nila. Hindi man lang po kayo bumaba ng sasakyan para tulungan ho ako. Hindi man lang kayo lumapit para tanungin ako kung bakit ako nandoon. Hindi ko rin ho alam kung alam n'yo po bang may anak kayo at ako 'yon..."

Napahikbi naman ako dahil ang tagal ko na itong gustong sabihin sa kaniya. Gusto ko ng sagot. Gusto kong malaman ang kaniyang mga dahilan.

"Pero naguguluhan po ako kung bakit n'yo ako kinuha at dinala rito. Kung bakit ngayon lang ho kayo nagpakita sa akin. Kung bakit ngayon n'yo lang ho kayo dumating sa buhay ko kahit na noon ko pa tinatanong sa sarili ko kung nasaan kayo. May mga araw na naiingit ako kasi ako lang ang walang Tatay. Sanay na ho ako na wala kayo sa buhay namin. At tanggap ko na po na kung hindi n'yo na kami babalikan. Pero pilit ko pong inintindi ang lahat kahit na ang hirap."

Hindi ko naman maaninag nang maayos kung umiiyak si Mr. Richard dahil natatabunan ito ng mga luhang pumapatak sa mata ko.

"Z-Zen..."

"Kahit na nandito na ho ako ay pakiramdam ko ang layo-layo ko sa inyo. Pakiramdam ko po ay parang hindi ko pa rin kayo kilala. Alam ko pong may mga rason kayo, pero hindi ko po maiwasang masaktan. Pero kailangan ko rin po ng Tatay. Kailangan ko rin po kayo..."

Pinunasan ko naman ang mga luha ko.

"Kung ayos lang po, Papa, ibalik n'yo na lang po ako sa amin. Ibalik mo na lang ako sa Mama ko. Pasensya na po pero nasasaktan po talaga ako kapag kasama ko ho kayo..."

"G-Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ni Mr. Richard. Mababakas naman ang lungkot sa boses at pananalita niya.

"O-Opo."

"Sige. Bukas na bukas din agad ay ihahatid na kita sa inyo. Magpahinga ka na ulit, okay?"

Tumingin naman ako kay Mr. Richard dahil hindi ko alam kung bakit bigla siyang pumayag sa sinabi kong iyon. Mabigat namang bumuntong-hininga si Mr. Richard habang nakangiti sa akin.

Tahimik namang lumabas ng kwarto si Mr. Richard. Malungkot ko naman siyang sinundan nang tingin dahil ang bigat-bigat sa dibdib ko.

Alam ko na mali ang ginawa kong iyon, pero gusto ko lang talagang malaman ang dahilan niya. Ayoko 'yong parang nangangapa na lang ako sa bawat sitwasyon. Na palaging wala akong makuhang sagot sa kanila. Na para bang wala man lang nagsasabi sa akin ang bawat dahilan sa dapat kong malaman.

Maiintindihan ko naman. Pipilitin kong intindihin.

Nahiga na lamang ulit ako sa higaan. Gusto ko lang muna itong iiyak hanggang sa hindi ko na maramdaman ang sakit at tuluyan na itong mawala.

Pagkagising ko kinabukasan ay hindi ko alam kung paano ko pa kauusapin o haharapin si Mr. Richard. Nadala lang talaga ako ng emosyon ko. Pagkababa ko ay naabutan kong nag-aasikaso sila Ate Sarah.

"Good morning, Young Master."

Ngumiti naman ako kahit pilit. Napansin ko naman na may mga gamit sa sala.

"Kaninong gamit po iyon?"

"Sa inyo po. Nabanggit kasi ni Mr. Richard na iuuwi ma raw pp kayo sa Bicol."

Hindi naman ako nakapagsalita agad. Bumigat naman ang dibdib ko sa katotohanang iyon. Dapat nga ay matuwa at maging masaya ako dahil sa wakas ay makauuwi na ako. Ito naman 'yong gusto ko, e. Ito 'yong hinihiling ko noong pumunta ako rito. Ito 'yong matagal ko nang inirereklamo lay Mr. Richard, na ayoko rito, na ayokong umalis sa amin.

Pero ngayong alam ko na, bakit pakiramdam ko ay hindi ako masaya? Bakit iba sa pakiramdam? Bakit pakiramdam ko ay labis akong nasasaktan sa desisyong ito?

Hindi ko na alam ang nangyayari. Siguro nga ay sumusobra na ang ugali ko. Mali ang ginawa at sinabi ko kay Mr. Richard.

"N-Nakita n'yo po si Mr. Richard?"

"May pinuntahan lang po siya, pero babalik din po agad dahil siya raw po ang maghahatid sa inyo."

Napansin naman ako ni Ate Sarah kaya lumapit siya akin.

"Tara. Kumain ka na muna."

Naupo namam kami sa hapag-kainan.

"Young Master, puwede akong magtanong?" tanong ni Ate Sarah na kasalukuyang pinagsasandukan ako nang makakain.

"Ano po 'yon?"

"Paano kung nasa panganib ang dalawang mahal mo sa buhay, pero isa lang ang puwede mong iligtas, sino iyon at bakit?"

Napatigil naman ako sa pagnguya at nagtatakang tumingin kay Ate Sarah. Hindi ko kasi masyadong maintindihan 'yong tanong niya pero mabigat siya sa pakiramdam.

"Po?"

"H-Huwag n'yo na lang pala iyon pansinin, hehe. Ito na lang po pala ang tanong ko."

"Ano po iyon?"

"Kailan ho kayo babalik dito?"

"H-Hindi ko rin po alam kay Mr. Richard."

Umiwas na lang ako nang tingin. Hindi ko naman talaga alam kung makababalik pa ako rito. Baka nga hindi na kasi alam ko nasaktan ko ang damdamin ni Mr. Richard.

"Sana bumalik kayo rito ulit, Young Master."

"B-Bakit naman po?" kursyonidad na tanong ko.

"Sa katunayan po, Young Master, bihira lang po naming makitang ngumiti si Mr. Richard. Palagi lang po siyang seryoso. Palagi lang pong tutok sa trabaho. Nalilipasan na pong kumain. Minsan ay hindi na po kumakain. Pero hindi naman po masungit si Mr. Richard. Sa katunayan ay sobrang bait pa nga po niya. Lahat kami sa Headquarters ay labis na pinahahalagahan ni Mr. Richard kahit na hindi niya kami kadugo. Ngunit no'ng dumating ka po rito, halos araw-araw na po siyang nakangiti. Parang hindi na maalis ang ngiti sa kaniyang mukha. Sinisigurado po niya na kailangan po niyang makauwi agad para mabantayan po kayo. Lagi rin na kayo ang bukang-bibig ni Mr. Richard. Palagi po kaming tinatanong kung kumain ka na, kung nakaligo ka na, kung ano raw po ang ginagawa ninyo. Kaya nakakapanibago lang po sa amin dahil nakasanayan namin na palaging seryoso si Mr. Richard. Kaya bilang nakasasama ni Mr. Richard sa trabaho, masaya rin po kami para sa kaniya."

"P-Pupunta lang po ako ng taas..."

Pigil-luha naman akong naglakad pabalik sa kwarto ko. Dito na lang ako nagpalipas ng oras dahil wala talaga akong sapat na eksplenasyon dahil sa sinabing iyon ni Ate Sarah.

Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa sobrang pag-iisip. Nagising na lamang ako dahil katok sa pintuan. Pagbukas ng pinto ay bumungad naman si Ate Sarah.

"Young Master, aalis na raw po tayo."

"S-Sige po."

Pagkatapos kong maggayak ay bumaba na ako at tumungo sa sala. Mag-aalas tres na rin pala ng hapon.

"Malapit na raw po si Mr. Richard. Wala ka na bang nakalimutan, Zen?"

"Wala na po."

"Nagugutom ka ba? May gusto ka bang inumin?"

"Busog po ako. Salamat po."

"Sige. Pero kapag may kailangan ka, tawagin mo lang ako. May kukunin lang ako sa taas."

"Sige po."

Umakyat naman na si Ate Sarah kaya naiwan naman ako mag-isa sa baba. Nakita ko naman na may salansanan sa gilid kaya lumapit naman ako para tingnan iyon.

Kinuha ko naman 'yong litrato ni Mr. Richard habang kasama 'yong ibang mga bata sa Headquarters nila. Napangiti naman ako dahil mukhang malapit siya sa mga batang iyon.

Hindi ko naman maiwasang mainggit dahil mukhang mas madalas nilang makasama siya. Napapatanong na nga lang ako sa sarili ko kung bakit puwede sila tapos ako ay parang hirap na hirap sa atensyon niya. Pero ngayong nandito ako ay naninibago talaga ako. Siguro nga ay nagtatampo ako sa kaniya at hindi pa ako gano'n kakomportable sa presensya ni Mr. Richard.

"Y-Young Master!"

Bigla ko namang nasagi ang isa sa mga litrato dahil nagulat ako sa sigaw ni Ate Sarah.

"B-Bakit po?"

"We need to go. Hurry up."

Napatingin naman ako sa sahig dahil litrato iyon ni Mr. Richard. Mag-isa lamang siya sa litrato at kitang-kita mo ang napakagandang ngiti niya. Ngunit imbes na mapangiti ako ay napalitan iyon ng takot at kaba.

Nabigla naman ako nang marahan akong hatakin ni Ate Sarah at itinago sa likod ng sofa. Kahit naguguluhan ako ay sumunod na lang ako sa kaniya at naupo sa gilid. Nagulat naman ako dahil biglang naglabas ng baril si Ate Sarah habang nagmamasid sa gilid.

Ngumiti naman siya nang malumanay sa akin. Kahit hindi siya magsalita ay parang sinasabi niya sa akin na wala akong dapat ikabahala at ikatakot sa nangyayari.

Nabigla naman ako nang pumasok Kuya Alex sa loob ng pintuan. Hingal na hingal naman ito na para bang tumakbo ito pauwi rito.

"W-Where is Zen?" tanong agad ni Kuya Alex kay Ate Sarah.

Tumingin naman sa akin si Ate Sarah kaya nakita ni Kuya Alex na nakaupo lamang ako sa likod ng sofa. Ngumiti naman ito na akala mo'y nabunutan ng tinik sa kaniyang lalamunan.

Kasalukuyan din siyang nakahawak sa balikat nito dahil dumudgo. Napansin naman niya na nakatingin ako sa sugat niya kaya ngumiti na lang ito sa akin.

Tahimik naman silang nag-uusap sa gilid. Hindi ko naman marinig kung ano ang pinag-uusapan namin pero halata sa itsura nila na para silang nagtatalo at hindi alam kung ano ang gagawin. Samantalang ako naman ay nakaupo lang sa gilid dahil naguguluhan pa rin ako sa nangyayaring ito.

Naputol na lamang ang pag-iisip ko nang lumapit si Kuya Alex sa akin. Bumuntong-hininga naman muna siya at lumuhod upang magkapantay kaming dalawa.

"Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari, pero balang-araw ay maiintindihan mo rin ang lahat ng dahilan ni Mr. Richard."

Hinaplos namam niya ang ulo ko.

"Let's go, Zen. Kailangan na nating umalis. Babalik ka na sa inyo."

"K-Kuya Alex... Nasaan po si Mr. Richard? Ang sabi po niya kasi sa akin ay siya ang maghahatid sa akin pauwi."

"S-Susunod na lang si Mr. Richard."

"G-Gano'n po ba..."

Hinawakan naman niya ang kamay ko. Paglabas namin ay parang ang bigat sa pakiramdam ng hanging tumatama sa katawan ko. Parang hindi ako makahinga.

Mabilis naman kaming naglakad palabas. Pagpasok pa lang sa kotse ay may inabot naman sa akin si Ate Sarah na headset.

"Zen, puwede bang isuot mo muna ito?"

"S-Sige po."

Pagkasuot ko ay rinig na rinig ko agad ang malakas na tunog, 'yong tipong hindi ko na marinig kung ano ang nasa paligid ko. Umandar na ang sinasakyan namin. Hindi pa man nakalalayo ay nakarinig na ako ng iba't ibang mga ingay sa paligid. Hindi ko naman maipaliwanag kung ano iyon dahil nakasuot pa rin ako ng headset.

Napahawak na lang ako sa bag ko dahil masyadong mabilis ang pagmamaneho ni Kuya Alex. Si Ate Sarah naman ay panay tingin sa bintana ng kotse sa tabi niya. Hindi ko maiwasang kabahan dahil alam kong may hindi tama. Nagulat naman ako dahil bigla na lang nagkaroon ng maliit na basag ang bintana ng kotse sa tabi ko.

Mukha namang hindi iyon napansin nila Ate Sarah. Inilapag ko naman 'yong bag ko at sumilip. Nagulat na lamang ako dahil ang daming kotseng nakasunod sa likod namin. Hindi iyon kotse ng Papa ko at hindi rin sila pamilyar sa akin.

"Z-Zen!"

Lilingon pa lang sana ako kay Ate Sarah nang malakas na huminto ang sasakyang sinasakyan namin.

"A-Alex..." pagtatawag ni Ate Sarah kay Kuya Alex.

Tumingin naman si Kuya Alex sa salamin. Seryoso naman itong nakatingin sa aming dalawa ni Ate Sarah, parang hindi mo siya kakikitaan ng takot sa kaniyang mga mata. Niyakap naman ako ni Ate Sarah dahil mukhang may nagkakagulo sa labas.

Inangat naman ni Ate Sarah 'yong upuan kaya at bumungad dito 'yong likura bahagi ng sasakyan. Tinulungan naman niya akong makapasok sa loob at inayos ang paligid.

"Stay here. Kahit anong mangyari ay huwag kang lalabas o gagawa ng ano mang ingay, okay ba 'yon, Young Master?"

"A-Ano pong nangyayari?"

"Everything will be fine, okay?"

Ngumiti naman sa akin si Ate Sarah bago niya ibinaba ang upuang nagsisilbing harang sa akin.

Hindi naman masikip ang puwesto ko. May maliit din na siwang na napaglalagusan ng paningin. Nakaupo lamang ako habang naghahantay. Wala rin kasi akong ideya at sapat na hinuha kung bakit ako nandito. Natanggal naman ang headset sa ulo ko at hindi ko na muli itong sinuot pa sa kadahilinanang natatakot akong gumalaw at makagawa ng ingay.

"Where's the kid?" May narinig naman akong nagsalita sa labas. Boses lalaki at hindi iyon si Kuya Alex.

Dahan-dahan naman akong sumilip sa siwang na iyon upang makita kung ano ang nangyayari sa labas. Pagsilip ko naman ay napakaraming sasakyan at mga taong nakapaligid sa amin. Halos lahat naman sila ay lalaki. May mga babae rin ngunit iilan lamang ang bilang nito.

Napakunot naman ako ng noo marahil ay hindi ko naman sila makilala, gayunman ay hindi ko rin sila namumukhaan sa Headquarters nila Mr. Richard.

"What kid?" nagtatakang tanong ni Ate Sarah doon sa lalaking kausap niya na prenteng-prenteng nakaupo sa harapan ng sasakyan niya.

Napanguso naman ako kasi baka hindi ako 'yong tinutukoy nila.

"Please don't make me laugh," sagot no'ng lalaki.

"Am I supposed to make you laugh?" tanong ni Ate Sarah na may pagkasarkastiko.

"If you want to continue your useless life, hand over that boy to me."

"B-Boy?"

"Hmm."

"A-Are you for real?" Napatingin naman ang lahat kay Ate Sarah nang bigla itong tumawa.

"I'm sorry. I just can't... Hahaha! What are you saying? A boy?"

"What's funny?" iritadong tanong no'ng lalaki.

Miski si Kuya Alex ay mukhang naguguluhan na rin kay Ate Sarah.

"You're really just wasting your time, you know. I believe you have been searching for the wrong person... She isn't someone who is a boy; she is a girl."

Napatayo naman 'yong lalaki sa kinauupuan niya.

"Wait.. W-What are you talking about?!"

"A girl. A female. A soon to be woman."

"Do not try to fool me. We are aware he is a boy."

"I am not fooling you. If I can make him a guy rather than her natural gender, a girl, you need to believe I'm deceiving you."

Natahimik naman saglit'yong lalaki dahil mukhang ano mang oras ay maniniwala na ito sa pinagsasabi ni Ate Sarah. Hindi ko naman masyadong maintindihan ang usapan, ngunit alam kong parang may pinagtatalunan sila.

"See? Even you are uncertain about what you are saying at this moment."

"We'll find out when we bring that boy."

"How can we hand over the kid you're referring to if we have no idea what you're talking about or don't know who that boy or girl is?

"Just give me that god-damned kid."

"Simply advise the person who imparted the order that they should find out the truth first before issuing the order."

Nagulat naman ako nang may kumalabit sa akin. Bago pa man ako makapagsalita ay tinakpan na ni Damian ang bibig ko.

"Don't make any sounds."

Hindi naman ako makapagsalita o makapag-isip nang maayos dahil iniisip ko pa kung ano ang ginagawa ni Damian dito sa puwesto ko. Wala man lang kasi akong naramdaman o narinig upang mahinuha na nandito na pala siya. Akala mo'y isa siyang kabute na bigla na lang sumulpot sa gilid.

"A-Are you okay?" mahinang saad nito sa akin.

Kahit hindi ko maaninag ang buong mukha ni Damian ay kitang-kita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya.

Tumango na lamang ako sa kaniya dahil nakahawak pa rin ang kamay niya sa bibig ko.

"Does anything hurt?" tanong niyang muli habang inuusisa ang katawan ko kaya umiling na lang ako.

"D-Damian, ano bang nangyayari?"

Imbes na sagutin niya ako ay ngumiti lang siya sa akin.

"Huwag kang ngumiti. Tinatanong kita kung ano ba ang nangyayari."

Mahina naman siyang natawa na ikinagulat ko pa. Mas bagay kasi sa kaniya kapag siya ay nakangiti at tumatawa. Ang guwapo ng boses niya.

"I'm just surprised."

"Bakit naman?"

"Because this is the first time you say my name."

"Happy mo naman masyado," nakangiwing saad ko na ikinatawa niya nang bahagya.

"Let's go. We need to leave."

"P-Paano pala sila Ate Sarah?

"They can get away from them. What we need to do now is get out of here, okay?"

"O-Okay..."

Bago pa man kami makakilos ay nakarinig naman kami ng kaluskos mula sa labas.

"Open the trunk."

Napatingin naman ako kay Damian ngunit tahimik lamang siya. Napakapit naman ako sa kaniya dahil bubuksan na 'yong harang sa pinagtataguan namin.

Sa halip na kabahan din si Damian, itinaas na lang niya 'yong sasakyan.

"They cannot open it. It's a fingerprint sensor."

Nagkibit-balikat na lang ako at lumabas na sa puwesto namin.

"B-Bakit ko ba kailangang magtago? May ginawa ba akong mali?" Lumingon naman si Damian sa akin.

"No... You didn't do anything wrong."

"E-Eh, bakit nandito ako?"

"It's just that..."

Naghahantay naman ako ng sagot sa kaniya pero mukhang wala siyang balak sabihin sa akin ang bagay na iyon. Dahan-dahan namang binuksan ni Damian ang pintuan. Tumingin naman muna siya sa paligid bago siya bumaba.

"Take my hand."

Inilagay ko naman ang kamay ko sa palad ni Damian. Hindi pa man kami nakakalayo ay may narinig kaming malakas na sipol mula sa kalayuan.

"L-Let's go!"

Kinuha naman niya 'yong headset sa gilid. Isinuot naman niya ito sa akin at sabay kaming tumakbo paalis ng sasakyan.

Habang tumatakbo kami ay nakatingin lamang ako kay Damian. Mga ilang sandali lang ay nakarinig kami nang malakas na pagsabog.May malaking puno naman sa gilid at doon ako hinatak ni Damian. Nasa likod ko ang puno at siya naman ang nasa harapan ko. Gamit ang katawan niya ay ginamit niya iyon upang yakapin at protektahan ako.

Napakapit naman ako nang mahigpit dahil halos marindi ang tenga ko dahil sa pagsabog na iyon, kasabay rin no'n ang mainit at malakas na hanging pumagaspas sa paligid. Mabuti na lang at nakatago agad kami ni Damian dahil paniguradong tatangayin kami ng pagsabog na iyon.

Naramdaman ko naman na hinawakan ni Damian ang mukha ko kaya napadilat na ako.

"A-Are you okay?"

Sa halip na sumagot ako ay agad kong napansin na may mga maliit na galos siya kamay.

"'Y-Yong kamay mo."

"Don't worry about me. I'm fine." Ngumiti naman siya sa akin.

Nakita ko naman na may mga apoy at kalat sa paligid. Bago pa man ako makalingon sa likod ay agad namang hinawakan ni Damian ang magkabilang mukha ko.

"Just look at me."

Napatingin naman ako sa mata niyang pinaghalong kulay-abo na may pagkayumanggi.

Hinawakan naman niya ang kamay ko at sabay ulit kaming umalis. Hindi ko na ninais pang tumingin kung ano ang nangyayari sa likod namin. Nakatingin na lamang ako kay Damian na kasabay kong tumatakbo habang hawak ang kamay ko.

May dumaang sasakyan naman at huminto ito sa harapan namin. Binuksan naman ni Damian ang pintuan. Bigla naman akong naluha nang bumungad sa harapan ko si Mr. Richard.

"Mr. Richard..." mahinang sambit ko

Lumapit naman siya sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Ayos lang ba? M-May masakit ba sa'yo?" Kitang-kita naman sa ekspresyon niya ang labis na pag-aalala sa akin.

"A-Ayos lang po ako. Ano po ba ang nangyayari?"

"H-Hindi ko alam kung paano ko ipaliliwanag sa'yo ang lahat. Pero sa ngayon, kailangan mo munang makabalik sa Mama mo. Akala ko magiging ligtas ka sa tabi ko pero mas lalo lamang palang lalala ang lahat."

"A-Ano po ang ibig n'yong sabihin?"

"H-Hindi muna tayo puwedeng magkita. Hindi muna tayo puwedeng magsama. Hindi pa ito ang tamang panahon para magkaroon tayo ng maayos na pamilya."

"B-Bakit po hindi puwede? N-Naging pasaway po ba ako? D-Dahil po ba sa nasabi ko kagabi?"

"Oo..."

"H-Hindi n'yo po ba ako mahal?"

Bigla namang nagbago ang ekspresyon ni Mr. Richard sa isang iglap. Wala namang mababasa sa itsura niya.

"Mr. Richard..."

Lumabas naman si Mr. Richard ng kotse.

"Papa..."

Napahinto naman siya. Ngunit kinalaunan ay umalis na ito.

"Papa!"

Hahabulin ko sana siya ngunit pinigilan na ako ni Damian.

"A-Ano ba?! Umalis ka!"

"Let's go," saad ni Damian sa drayber at agad na pinaandar ang kotse.

"H-Huwag! 'Yong Papa ko! G-Gusto kong bumaba!"

Hinawakan ko naman ang kamay ni Damian.

"Damian, please..."

Wala naman akong nakuhang sagot mula sa kaniya kaya mas naiyak na lamang ako.

Pakiramdam ko ay napakawalang-kuwenta ko dahil sa mga nasabi ko kay Mr. Richard. Dahil sa pangyayaring iyon ay parang gumuho ang mundo ko. Sa sobrang pagtatampo ko sa kaniya, hindi ko namanlayan na mas lumayo na rin ang loob ni Mr. Richard sa akin.

Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan na lang ako nang may narinig akong ingay mula sa labas. Pagbangon ko naman ay nakita ko na lamang na nasa bahay na pala namin ako, sa bahay kung saan nakatira ang Mama ko.

Napansin naman niya na gising na ako. Lumapit naman siya sa akin at mahigpit akong niyakap. Marami siyang sinasabi sa akin ngunit parang wala man lang pumapasok sa utak ko. Parang hindi ko siya naririnig at naiintindihan. Sarado lamang ang isip ko sa mga bagay-bagay.

Tumayo naman na ako at lumabas ng kotse. Malayo pa lang din ay rinig na rinig ko na ang boses ni Jared na tumatakbo palapit sa akin.

"Zen!"

Niyakap naman niya ako ngunit hindi ko rin siya magawang yakapin pabalik. Pakiramdam ko ay wala akong gana at lamyang-lamya ako.

"Kumusta ka na? Ang tagal mong nawala. Wala tuloy akong kalaro."

Hindi ko naman siya inimik.

"Akyat na ho ako."

"Nakita mo na ang Papa mo? Kumusta pala? Paniguradong kasing bait din siya ni Tita—"

Pinutol ko naman ang sasabihin ni Jared.

"A-Ayaw yata sa akin ng Papa ko..."

Natahimik naman silang lahat, gano'n din si Mama. Nabalot naman ng katahimikan ang paligid. Sinubukan ko namang pigilan ang mga luha ko ngunit hindi ko talaga kaya.

Tumalikod na lamang ako at naglakad papasok ng bahay.











_______________________________________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

226K 3.8K 18
When the class goes on a field trip to England they find out something that shocks them.They now see one of their classmates as she is but how will h...
15K 538 2
A spoken word poem about fear, doubt, and hope.
104K 600 30
Just as bored as you are. I decided to make some Images for you guys, also for the really mature people Smuts. Well that's all. There are random stor...
260K 21.8K 42
الأدعج" قـاع الظلام " تنـتظـِركم لـيالـي قاسيه وعيـُون لاتنـّام وأيـام سوداويه فـْي أعـماق قــاع الضلام هـيا يـا رِفـاق انـتـّزعو ثـُوب النجاة ل...