CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART...

MadamWitty

6.8K 134 6

CUBH Season 2 After going through a lot of pain and feeling abandoned, Zen was almost at the point of giving... Еще

CUBH Season 2
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98

Chapter 84

146 8 2
MadamWitty

Zen's POV

[Continuation of Flashback]

Nagbihis naman muna ako bago ako bumaba. Nagulat na lang ako dahil pagdating ko sa sala ay lahat sila yumuko sa harapan ko. Akala ko kasi sa Papa ko lang sila yumuyuko at nagbibigay galang, maging sa akin din pala.

Pero sa totoo lang, hindi talaga ako komportable sa gano'n. Parang sobra-sobra na 'yong pagtrato nila sa akin.

"Saan po ang punta niyo, Young Master?"

"Gusto niyo po bang kumain?"

"Nagugutom po ba kayo?"

"Gusto niyo po ba ng laruan?"

Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa kanila dahil hindi ko alam kung sino ang una kong kakausapin.

"What's happening in here?"

Napalingon naman kami nang dumating si Ate Sarah at Kuya Alex. Yumuko naman muna 'yong mga tao sa baba bago sila tumalikod.

"May kailangan po ba kayo, Young Master?"

"K-Kailan po ang uwi ni Mr. Richard?"

"M-Mr. Richard?"

Nagkatinginan naman sila ni Kuya Alex.

"O-Opo."

"Hindi rin po namin alam, Young Master. May kailangan po ba kayo kay Mr. Richard? Puwede namin siyang tawagan ngayon."

"H-Hindi pa po kasi siya umuuwi. D-Dadalhan ko lang po sana siya ng pagkain. Baka po hindi pa po siya kumakain..."

"K-Kasi po, Young Master, sinabihan po kami ni Mr. Richard na hindi po kayo pupuwedeng lumabas ng Rodriguez's Mansion. Mapagagalitan po kami kung sakali."

"K-Kahit ako na lang po ang kumausap kay Mr. Richard. B-Baka po kasi nagugutom na po siya kakatrabaho. Malaki naman na po ang bahay niya kaya hindi na po niya kailangan magtrabaho pa. Pero kahit saglit lang po tayo. Ihahatid ko lang po sa kaniya 'yong iluluto ko."

Napansin ko naman na parang may gusto silang sabihin sa akin ngunit hindi lang nila ito magawang ipaabot sa akin.

"J-Just give me a minute, Young Master. Tatawagan ko lang si Mr. Richard upang sabihin po ito."

"S-Salamat po."

Mga ilang segundo lang din ay bumalik na si Kuya Alex.

"What?"

"Pumayag naman si Mr. Richard," makahulugang wika ni Kuya Alex kay Ate Sarah.

Pagkatapos ay ngumiti naman silang dalawa sa amin.

"Sige na po, Young Master."

Tumango naman ako at masayang tumungo sa kusina nila. Nagulat na lang ako dahil wala man lang pumigil sa akin at halos silang lahat ay nakatingin lang sa akin.

Kumuha na lang din ako ng upuan dahil maliit ako at hindi ko abot ang lutuan nila. Nagulat na nga lang ako dah mayroon pa silang repridyeretor. Sa amin kasi sa probinsya, kapag meron kang ganito, mayaman ka.

Mabuti na lang at kumpleto ang mga rekadong kakailanganin ko. Magluluto kasi ako ng kare-kare para sa Papa ko. Para kahit papaano naman ay hindi ako pensyunado o walang ginagawa rito sa bahay niya.

Sa katunayan nga rin ay kay Mama lang ako natuto magluto. Palagi lang kasi akong nasa loob ng bahay kaya palagi si Mama na nagpapatulong sa akin. Kaya naman gano'n ay nakabisado ko na ang paraan ng pagluto niya, maging no'ng luto ni Lola. Crispy Pork Kare-Kare naman ang gagawin ko dahil isa rin ito sa mga niluluto ni Mama at Lola sa akin.

Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ako. Nilagay ko naman muna ito sa lamesa para palamigin. Pagkatapos ay nilagay ko naman ito sa baunan.

Itinabi ko naman muna ito sa gilid bago ako umakyat sa taas para maligo. May mga bago naman akong damit dito, mukha rin silang mamahalin, ngunit hindi ako komportable sa gano'n. Mas gusto ko 'yong damit na ginagamit ko sa probinsya. Presko pero mura lang.

Isinuot ko na rin 'yong guwantes maging 'yong dyaket na sinuot ko no'ng nakaraan. Mukhang malamig kasi sa labas. At saka, wala naman akong dalang mga gano'ng gamit. Wala rin kaming pambili. Sayang lang sa pera.

Pagkababa ko ay hinihintay na rin pala ako ni Ate Sarah at Kuya Alex. Ako naman nagdala no'ng niluto ko dahil gusto ko ako mismo ang mag-aabot no'n sa Papa ko.

Maging sa pag-alis namin ay marami pa ring nakabantay at nakasunod sa kotse. Sa katunayan ay nasa gitna lamang kami. Hindi ko nga alam kung bakit ganito dahil parang sobrang arte naman kung palaging maraming nakabantay. Parang ang hirap kumilos. Ang hirap gawin no'ng mga gusto mong gawin. Baka nga ultimo paghinga mo ay kailangang bantayan nila.

Alam ko naman ma trabaho lang pero parang hindi ko lang lubos na maisip kung bakit ganito kahigpit. Para naman akong anak ng isang hari kung tutuusin sa sitwasyon ko ngayon.

Hindi naman ako mapakali sa puwesto ko dahil medyo nahihiya rin ako sa Papa ko. Hindi ko nga alam kung magugustuhan niya ba ang niluto ko. Pero sana nga dahil masaya na ako kahit tumikim man lang sita kahit unti.

Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa paroroonan namin.

"Young Master, may ilang paalala lang po kami bago po tayo tuluyang pumasok sa loob. Lahat po ng makikita niyo ay hindi po magiging biro. May mga bagay po roon na bago sa paningin niyo at delikado mismo. Pero huwag po kayong mag-alala dahil paniguradong walang mangangahas na saktan kayo sa loob. Isang malaking paglabag po iyon sa batas ng organisasyon, lalo na po kay Mr. Richard. Ibig-sabihin po no'n, Young Master, wala pong puwedeng manakit sa inyo kahit sino."

"B-Bakit naman po nila ako sasaktan?"

"Hindi ka naman nila sasaktan sapagkat mababait ang mga tao sa loob. Paalala lamang po iyon, Young Master, kung may mangahas na apihin kayo sa loob."

"P-Po?"

Ngumiti naman silang dalawa sa akin bago kami lumabas ng sasakyan. Nakaramdam naman ako mg kilabot dahil parang iba ang atmospera, maging ang ambasidad ng lugar na ito.

"Ito ang DEFENSE Headquarters, Young Master. Ito ang Punong Himpilan ng mga kilalang tao sa buong mundo. Dito rin ginaganap ang iba't-ibang mga pagsasanay sa lakas, talino, maging sa kapasidad ng bawat tao sa loob ng lugar na ito. Marami pang ibang mga bagay ang mga meron sa loob. Pero sa tamang panahon po, Young Master, malalaman niyo rin po iyon."

Sa harapang bahagi nito ay may nakaukit na kahulugan ng DEFENSE. Tapos nakalagay din na hugis heksagono ang buong lugar.

D.E.F.E.N.S.E.

(Directorate of Enforcement for Fearless, Erudition, Nations of Shield and Espionage)

Naglakad naman na kami. Nasa gitna naman nila akong dalawa kaya medyo naging panatag ang loob ko kahit pansamantala man lang.

Kahit sa labas pa lang ay napakarami na agad na armadong tao, maging mga nakabantay sa bawat gilid. Kahit na isiwalang-bahala ko lamang ito ay hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng mga kung anu-ano.

May pinindot-pindot naman sila bago bumukas ang napakalaking pinto na mukhang gawa sa napakakapal na bakal. Pagkatapos ay ang dami pa nilang ginawa bago kami tuluyang makapasok sa loob.

Akala ko naman ay sasalubungin ako ng mga armadong mga tao ngunit parang pang-opisina lamang pala ang itsura ng paligid. Ngunit ang pinagkaiba lamang ay tahimik ang mga ito.

Sinubukan ko na lang na huwag pansinin kahit na halata naman sa kanilang mga mata ang mga tingin nila sa akin. Siguro nagtataka rin sila kung ano ang ginagawa ng isang batang katulad ko rito.

Pagdating sa gitna ay halos manlaki naman ang mata ko sa taas at lawak ng lugar. Para ako mismong nasa loob ng pulis na may pagka-opisina. Hindi ko lang mawari pero gano'n mismo ang ang gumagana ang imahinasyon ko sa nakikita ko.

Sumakay naman kami roon sa parang isang kwarto na umaakyat-baba ang andar. Nakakagulat lang dahil ang galing ng mga gamit na nandito. Halis lahat talaga ay bago lamang sa paningin ko. Ngunit hindi ko naman maisip 'yong mga pinagsasabi kanina nila Kuya Alex. Akala ko kasi ay puro nakakatakot dito sa loob. Ngunit iba pala ang makikita ko.

Parang nasa pang-walong palapag ata kami huminto. Habang naglalakad naman kami ay mahigpit ko pa ring hawak-hawak 'yong baunan sa kamay ko. Hindi na kasi ako makapag-antay.

May kinausap naman sila Ate Sarah habang naglalakad kami. Hindi ko naman iyon maintindihan kaya naupo naman muna kami sa isang sopa. Tapos sa harapan namin ay may isang malaking pintuan. Siguro ay nandoon sa loob 'yong Papa ko. Mukhang abala nga talaga siya sa pagtatrabaho.

Bigla namang bumukas 'yong pintuan kaya tumayo na kami. Nakita ko namang papalabas na 'yong Papa ko kaya lumapit na ako sa kaniya. Mukha namang hindi niya kami napansin dahil mukhang abala siya sa kaniyang mga ginagawa.

Sa hindi naman inaasahang pangyayari ay nasagi niya 'yong kamay ko dahilan para malaglag 'yong pagkaing niluto ko. Halos manlumo na lang ako dahil nagkalat 'yong kare-kare na niluto ko sa sahig.

Hindi ko naman alam ang sasabihin ko dahil parang naunahan na ako ng lungkot. Kung magsalita pa ako, paniguradong tutulo na lang ang mga luha ko. Alam ko naman na hindi iyon sinasadya. Kaso kasi pinaghirapan ko iyon para sa Papa ko kaso mauuwi lang pala sa wala. Sayang lang pala 'yong niluto ko dahil hindi man lang niya iyon natikman kahit konti.

Dahan-dahan naman akong lumuhod upang damputin 'yong kare-kare na niluto ko. Ang tanga ko rin kasi dahil hindi ako nag-iingat, tapos nagkalat pa ako rito. Baka mas lalo akong ng Papa ko kung hindi ko ito lilinisin.

Sinikap ko naman na huwag maiyak kahit na ang bigat sa dibdib nitong ginagawa ko. Pakiramdam ko kasi hindi ako nababagay sa lugar na ito. Pakiramdam ko hindi ko maabot-abot 'yong Papa ko. Pakiramdam ko ang layo ng agwat ko sa kaniya.

Kasi kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko na lang manirahan doon sa probinsya namin. Tahimik pero payapa. Sanay naman na ako na walang kumakausap sa akin pero mas ayos 'yon kaysa sa ngayong sitwasyon na parang hindi ako komportable, na parang hindi ko sila kilala, na parang ibang-iba talaga ang katulad ko para sa lugar na ito.

Natigil na lang ako sa pagdadampot nang pinilan ako ni Ate Sarah sa ginagawa ko.

"M-Madumi na po iyan, Young Master."

Pagkatapos ay tinulungan naman niya akong makatayo. Kahit na gusto kong tingnan 'yong Papa ko ay nanatili na lamang akong nakatungo roon sa lapag.

Dinala naman ako no Ate Sarah doon sa banyo upang linisin 'yong kamay ko. Hindi naman ako umiimik. Tahimik lamang ako habang tinitingnan 'yong kamay ko sa tubig.

"P-Pasensya na po, Young Master. Hindi po pala kayo napansin ni Mr. Richard kaya po natapon sa gilid. Pero po, puwede pa namang magluto ulit. T-Tutulungan na lang kita kung ayos lang sa'yo...."

Hindi naman ako nagsalita. Hindi rin ako kumibo o nagpakita ng ano mang emosyon. Basta nawalan na lang ako ng gana.

"Sandali lang po, Young Master. Dito lang po muna kayo. Babalik din po kami kaagad."

Bumalik naman na muli kami roon sa inupuan namin kanina. Bigla raw kasing pinatawag sina Kuya Alex at Ate Sarah. May kailangan daw kasi silang asikasuhin kaya ay ako na lang ang naiwan mag-isa rito.

Kahit gusto ko na rin sabihin sa Papa ko na gusto ko nang umuwi, hindi ko naman alam kung paano ko 'yon sasabihin sa kaniya. Ilang araw ko na rin kasing hindi nakakausap sila Mama, at hindi ko alam kung kumusta na sila sa probinsya.

Kasi kung nandoon lang ako, makakayanan ko pang mag-isa kahit buong araw pa. Kahit hindi lumalabas ng kwarto, kahit mag-isa lang sa loob, kahit walang kausap, kaya ko pa. Dito kasi ay parang iba ako sa kanila.

Dahil kanina pa ako nababagot ay tumayo naman muna ako para maglibot-libot. Hindi naman siguro ako pagagalitan dahil dito naman nagtatrabaho ang Papa ko.

Hindi ko naman na alam kung saan ako pinapadpad ng paa ko. Tamang lakad lang ako kung saan-saan. Wala namang may pumapansin sa akim dahil may ginagawa rin silang iba pa na mas importante.

Kakalakad ko ay hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa isang malawak na kwarto. May mga iba't-ibang mga gamit din dito na parang mukhang delikadong hawakan at gamitin. Gulat pero naaangasahan naman akong tumingin sa paligid dahil punong-puno ang kwarto na ito ng mga espada, ng mga baril, mga bomba, at iba pang mga delikadong bagay. Mukhang ito nga ata 'yong sinasabi ni Ate Sarah.

Napalingon na lang ako dahil bigla na lang may nagsipasukan sa loob. Dahil sa taranta ay nagtago naman ako roon sa pinakasulok na kung saan malayo sa kanila at hindi nila ako madaling makita. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa pagsisi na gumala pa ako. At kinakabahan pa ako dahil paniguradong makararating ito sa Papa ko kung sakaling may makahuli sa akin dito sa pinagtataguan ko.

Dahan-dahan naman akong sumilip kung may tao pa para makalabas na ako. Ngunit napakunot naman ako ng noo dahil may mga bata rin pala rito. At kung pagsusumahuhin ay ang dami nilang mga batang lalaki rito.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay natabig ko naman 'yong bakal sa gilid dahilan para matumba ito at makagawa ng malakas na ingay.

Awit, lods!

Sinubukan ko namang itayo 'yong bakal kahit na ang bigat-bigat. Pag-angat ko ng tingin ay nasa akin na pala ang paningin nilang lahat.

Awit ulit, lods!

Hindi naman tuloy ako makagalaw nang maayos dahil bakas sa mga mukha nila ang gulat at pagkabigla habang nakatingin sa gawi ko. Napalunok naman ako dahil hindi ko na alam ang gagawin. Hindi ko alam kung tatakbo ba ako palabas o sisigaw upang tawagin ang Papa ko.

Mas lalo naman akong napaatras nang bigla silang lumapit sa akin. Halos manliit na lang ako dahil mas matatangkad sila sa akin na kahit na mukhang kaedaran ko lamang sila.

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko dahil pader na pala mismo ang naatrasan ko, senyales na hindi na ako makakatakas sa kanila.

"Who are you and how did you get in here?" tanong no'ng isang batang lalaki sa akin.

Naiintindihan ko naman ang itinanong niya. Ang problema lang ay kung paano ako sasagot. Bukod sa wala akong lakas na loob magsalita, hindi rin ako gano'n karunong magsalita ng ingles. Baka mag 'what are you say' o kaya 'are you considered others' ang masabi ko. Pahiya pa ako nito malala.

"Hey, I'm asking you."

Nagpalinga-linga naman ako kung saan ako maaaring tumakbo. Kaso magiging imposible lamang iyon dahil nasa sulok ako at napalilibutan nila ako rito.

May lumapit naman na isang batang lalaki sa akin. Base sa itsura nito, mukhang palaaway at mahilig makipagbakbakan sa gulo. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya, sinasabi ko lang ang impresyon ko sa kaniya.

Nagulat naman ako nang bigla niyang hatakin ang damit ko.

"What the heck are you doing here? We have not yet met you here at DEFENSE Headquarters, as far as I recall. Even back then, I couldn't distinctly remember your face, and we hadn't seen you until now. Are you a spy for the enemy? Admit it!"

Hindi naman ako sumagot sa kaniya dahil mukhang ano mang oras ay sasaktan na niya ako. Naramdaman ko naman ang pamamasa ng luha ko dahil sa ginagawa niyang ito.

"Get the hell out of your hands on him, Andrew."

Napatingin naman ako sa paligid nang may nagsalita. Napatitig naman ako roon sa lalaking mukhang inosente pero parang nakakatakot ang dating.

"Don't meddle with it, Damian," sagot naman no'ng Andrew na nakahawak pa rin sa damit ko.

Hindi naman ito pinansin no'ng Damian at mas lumapit sa gawi namin. Nagulat naman ako nang bigla akong itulak no'ng Andrew dahilan para mapaupo ako sa sahig. Lumingon naman 'yong Damian sa akin bago ito masamang tumingin doon sa Andrew.

"What? Do you want to get beat up?" panghahamon nito roon kay Damian.

"You will not have a chance to win."

"What?!"

Hindi naman ito pinansin no'ng Damian. Lumapit naman ito sa akin upang tulungan akong makatayo.

"Perhaps you are acquainted with that kid. Are you a spy as well? And you were also here, sent by the adversary to spy on the DEFENSE Headquarters?"

"I'm not familiar with him. I am not a snoop. However, this does not imply that you will harm him."

"Tch, just admit it."

"I have no obligation to you to admit or prove anything."

"Let's just have a square."

"Having a square with you only proves my guilt."

"Aren't you?"

Ngumisi na lang 'yong Damian doon sa lalaking nagngangalang Andrew.

Kahit na hindi ko maintindihan ang ilan sa mga pinagsasabi nila, hindi ko namang maiwasang mapahanga.

"Mr. Richard is coming," wika no'ng isang bata.

Pagdating no'ng Papa ko ay sabay-sabay naman silang yumuko.

"Hey, what are you doing?" sita no'ng Andrew sa akin.

"H-Huh?"

"Do you have any idea what we're up against today? He is the owner of DEFENSE Headquarters and is a well-known international businessman."

Mabuti na lang at naintindihan ko ang sanabi niya. Pagkatapos ay saka lamang rumehistro sa utak ko ang sinabi niyang iyon. Kaya pala yumuyuko ang mga taong nakakasalubong niya, kaya pala ang yaman ng bahay niya, gano'n pala ang dahilan. Pero parang nakaka-ano lang dahil wala man lang akong kaalam-alam sa Papa ko.

"What exactly are you doing there? Mr. Richard deserves your respect, so you should bow."

"Yuyuko rin ba ako," inosenteng saad ko dahilan para sabay-sabay silang magsilingunan sa akin. Mukha namang hindi nila maintindihan ang iwinari ko.

Parang napako naman ako sa kinatatayuan ko dahil parang mas lalong bumigat 'yong awra ng paligid.

"W-Wait, what? Stop fooling around, kid."

"Enough, Andrew."

Seryoso naman namutawi ang tingin nilang lahat sa amin ng Papa ko bago sila napalunok sa kaba.







_______________________________________________________________________________________________________

Продолжить чтение

Вам также понравится

200K 4.6K 31
Orphaned at a very early age, a young man goes through self-discovery as he uncovers his demonic past and faces a heavenly challenge. After discoveri...
41.4K 1.5K 34
"Come on, come on, don't leave me like this I thought I had you figured out Something's gone terribly wrong You're all I wanted Come on, come on, don...
29.6K 4K 40
˚✧ Protagonist˚✧ Gemini Kleverron "ជេមមីណាយ ឃ្លេវវើរ៉នន៍" ♡ Fourth Sydenzverd "ហ្វូត សាយឌេនវើត" /////// •Hate to love💅🏻?????
17.7K 706 41
Long before time had a name, the first spinjitzu master created Ninjago, using four elemental weapons, but when he passed a dark presence sought out...