NOSTALGIA (La Mémoire #1)

By reeswift

32.9K 1.7K 447

Born to a prominent and wealthy family, Zhalia Ferriol's life could be compared to a princess's but more comp... More

NOSTALGIA
Simula
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
_____
XXXV
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLI
XLII
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
Wakas
Author's Note

XXXVI

261 19 1
By reeswift

XXXVI
Summer Seven

"Zhalia, this is Lyon Flavio." Auntie Martina introduced a timid-looking boy to me.

Kararating ko lamang kahapon galing America at ngayon ay may nadatnan akong mga bisita sa sala. Katabi ng batang lalaki ang isa pang lalaki na mukhang kasing-edad lamang ng Auntie. The elder guy was dressed in a slick white-button down and a black trousers. 

The boy beside him, on the other hand, wore plain black shorts and a navy blue oversized cardigan. His straight black hair was neatly combed and cut to the sides while his chubby cheeks were slight pinkish in hue. He looked like a good boy.

"Say hi to him, hija." Iginaya ako ng Auntie papalapit sa batang lalaki na aniya ay Lyon ang pangalan.

"Hi." Tipid kong bati.

The boy eyed me blankly. Ngunit kahit na wala itong pinapakitang emosyon, tila nangungusap ang maamo niyang mga mata.

"Mahiyain talaga ito, pasensiya na." Humalakhak ang katabi niyang lalaki.

"And this is Tito Leonelle, his uncle." Iminuwestra iyon ng Auntie.

Pagsulyap ko rito ay napansin ko ang manipis na buhok na nakalatag sa itaas ng kaniyang labi. Magiliw itong ngumiti sa akin.

"Hi, Zhalia. You're a very pretty girl."

"It runs in the blood, Flavio." Ngisi ng Auntie kahit na hindi naman siya kausap sabay dampot ng wine. 

She poured herself a glass and beckoned me to the couch. I didn't know why I was needed there but I still stayed.

Nagsimulang mag-usap ang dalawang nakakatanda habang naglalakad patungong veranda. Mula roon ay bahagyang  naririnig ang usapan nila. 

"Yes, I am sponsoring your campaign so you need to make sure you win." 

"I will win, Martina. The people love us. We are the longest-reigning dynasty in this province."

"And what will that make me, huh? Pakakasalan mo ba ako?"

"Of course. Pagkatapos ng eleksyon." 

"Your father doesn't want me for you, Leonelle."

"Magugustuhan ka rin niya kapag nalaman niyang sinuportahan mo ako sa kampanya." 

"Since your niece would be the Flavios’ heir, make sure he marry mine in the future..” 

"This is boring. Gusto mo bang lumabas?" Kinibo ako ni Lyon, dahilan para hindi ko marinig ang huling sinabi ng Auntie. 

Tumango ako. Inaya ko ito sa veranda upang magpaalam sa Auntie ko. Papalapit pa lang kami roon ay sabay kaming napahinto nang makitang masiyadong malapit ang Auntie at Tito Leonelle sa isa’t isa. Kapwa kami napatalikod.

“I think we’re not supposed to see something like that.” Lyon’s chubby cheeks flushed.

“I know. Lumabas na lang tayo.”

Itinuro ko kay Lyon ang daanan sa mga kwadra. I toured him around the horse stables and introduced the personal horses of my Aunties. 

“Do you think my Tito likes your Tita?” Lyon asked meekly. 

“I don’t know.” I blinked in confusion.

But they almost seemed like kissing.

“But they looked like they were kissing, right?” Lyon voiced out my thoughts. 

I nodded. Tahimik rin itong tumango at hindi na muling nagtanong.

“Do you know how to feed them?” He gestured the horses.

“Hindi ko pa nasusubukan.”

“Let’s feed them.” Lyon excitedly went to the separate stable filled of haystacks. He went back to me and handed me some.

Nilapitan namin ang isang kabayo. I shrieked when the horse neighed. Frightened, I went behind Lyon’s back.

Hindi naman ito natakot at inabutan ng pagkain ang kabayo. I watched him as he calmly fed the horse.

“You should try.” 

“Won’t he bite?” 

“No. Come, tutulungan kita para hindi ka matakot.”

Hinawakan ni Lyon ang kamay kong may bitbit na pumpon ng dayami at sabay namin iyong inabot sa kabayo. I giggled when the horse took it. Lyon watched me while I was so amused of the horse.

“Do you know how to horseback?” 

Umiling ako. 

“I am yet to learn. Patuturuan raw ako ng Auntie.”

“I have a pony. Pwede kitang turuan.” 

Nagliwanag ang mukha ko.

“Sure. You should come here during my horseback riding lessons.” 

Nang sumunod na linggo ay bumisita silang muli sa hacienda. Near the Luisiana mansion is a separate horse ranch. Malawak na bahagi ng lupain ang napalilibutan lamang ng mga bakod. It’s for the equestrian leisure of my Aunts. Now, a special trainee was invited to help me get with my equestrian skills too.  

Pinanood ko ang pagbaba ni Lyon sa vintage Chevy ng kaniyang tito. Katulad ko ay nakasuot na rin ito ng tall boots, breechers at helmet. Sinalubong ko ito sa rancho. 

“What do you want to name him, Zhalia? He’ll be your personal horse now.” Tanong ng equestrian teacher ko nang ipresenta sa akin ang magiging kabayo.

I looked at the calm-looking pony cluelessly.

“Do I have to do that?” 

“Yes. Kailangan maging kaibigan mo siya kaya dapat may pangalan siya.” Ani Lyon. 

“That’s right, Zhalia. You need to build a relationship with your horse first before you can be good at riding it.” Sang-ayon ng trainee ko.

“I don’t know what to name him.” Bumaling ako sa kaibigan.

“Can you name him Apollo for me? My horse is named Zeus. He should be Apollo, Zeus’s son.” Nagagalak na saad ni Lyon. 

Tumango ako dahil nagandahan naman ako sa pangalang binanggit niya kahit na wala akong ideya kung sino ang mga iyon. The trainer first taught me how to befriend the horse.

“You should brush his hair.” Hinagod ni Lyon ang buhok ng kabayo.

I followed him and touched Apollo’s black hair.

“And then you should tickle him.” Kiniliti ni Lyon ang kabayo. Nagitla ako nang lingunin kami noon dahil akala ko’y kakagatin ako. 

“Don’t do that.” The trainer  reprimanded. Lyon giggled. 

I was next taught how to put on the saddle and the bridle. When the horse’s head gear and buckled straps are all attached, I was finally ready to ride. Keeping in mind the head, hip, and heel alignment, I tried to keep my balance while at the horse’s back.

“Let’s go! Mag-racing na tayo!” Tuwang tuwa si Lyon nang makasakay ako sa kabayo. 

But unlike him, I still couldn’t get the horse to walk. Inaalalayan naman ako ng guro habang sa tabi ko ay mabagal na nangangabayo si Lyon.

Sa mga sumunod na araw, patuloy ang bisita sa amin ni Lyon. Iniiwan lang siya ng Tito sa rancho habang nagpapatuloy sila ng Auntie sa mansiyon. The next week, I was finally able to walk and turn the horse.

“Paunahan tayo papunta roon.” Tinuro ni Lyon ang pinakamalapit na bakod. 

Tumango naman ako. Dahan-dahan lamang ang patakabo namin ngunit mas mabilis maglakad ang kay Lyon. Hindi pa ako natuturuang magpatakbo ngunit nakikita kong hinahampas ang kabayo para gawin iyon. 

Hinigit ko ang latigo at hindi pa man iyon tuluyang naihahampas ay biglang bumilis ang lakad ng kabayo. I wasn’t used to the phase so I immediately panicked. Mas lalo akong natakot nang makita ko ang teacher ko na na sa kabilang dulo ng rancho, kausap ang isa sa mga trabahador sa kwadra. 

“Lyon, he’s not stopping!” I cried when I was bouncing due to the horse’s fast gallops. 

“Lia, squeeze your thighs on him.” Paalala ni Lyon ngunit hindi ko na magawa ang mga naituro sa akin. 

The horse galloped faster that I was ahead of Lyon. Naiiyak na ako nang bigla ring binilisan ni Lyon ang patakbo sa kaniyang kabayo at iniharang iyon sa daraanan ko. Apollo immediately stopped. 

I was about to fall if I wasn’t able to hold on to the reins. Mabilis akong dinaluhan ni Lyon at inalalayan sa pagbaba. 

Nilingon ko si Agustin, ang teacher ko na abala pa rin sa pakikipag-usap sa matandang lalaking tagapapangalaga ng mga kwadra. 

“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Lyon. 

Tumango ako. We kept that incident to ourselves and promised not to tell my teacher. 

“Ano iyan?” 

Nang sumunod na araw ay may dalang timba ng mga gulay si Lyon.

“Snacks.”

“Hindi ako kumakain niyan.”

“No, this is for Apollo.”

Lyon accompanied me to the stables and we fed Apollo with the carrots and grains he brought. Napapahagikhik ako sa tuwang nauubos na ang carrots at nakikiliti ako sa dila ng kabayo. 

“They do. They eat candies too.” Inabutan ni Lyon ng lollipop ang kabayo at dinilaan nito iyon.

“Pero bawal sa kanila ang matatamis kaya ‘wag kang maingay ha.” 

“Then don’t feed him anymore.” 

Tumikwas ang nguso ni Lyon. He threw the lollipop back on his bucket.

Mabilis na lumipas ang dalawang linggo. Hindi na ako naiinip sa bakasyon dahil madalas ang bisita ni Lyon, minsan pa nga ay araw araw iyon.

“I got faster than you!” Tuwang tuwa ako nang sa wakas ay naunahan kong magpatakbo ng kabayo si Lyon.

“Pinagbigyan lang kita dahil birthday mo.” Anito.

“No way. Isa pa!” 

“Tama na, hapon na. Bumalik na tayo sa mansyon.” 

Sumimangot ako. Ngunit papalubog na rin ang araw kaya hindi na ako namilit. Labag sa loob naming ibinalik sa kwadra ang mga kabayo. Mula sa rancho ay nilakad lang muli namin ang pabalik sa mansyon. 

Pagkarating sa matayog na gate ng mansyon ay nagsalubong agad ang mga kilay ko nang mapansin ang isang batang lalaki. Umahon ang pamilyar na kaba at galak sa dibdib ko. 

Cautiously, I walked towards the boy in brown suspenders and beret hat. Lumingon ito at binalot ako ng excitement. Hindi nga ako nagkamali.

“Sunflower boy.” Naibulalas ko. 

“Huh?” His huge brown eyes recognized me but they seemed confused at what I called him.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” Hindi ko maitago ang galak sa boses.

“Hindi ko alam ang pangalan mo kaya iyon ang tawag ko sa’yo. What’s your name?”

His circular and emotionless orbs gazed steadily at me for a while. Tila gulat itong makita ako.

“Cassiel.” Aniya sa maliit na boses.

“Zhalia.” 

I extended my hand and he quickly shook it.

“Ano iyan?” Tanong ni Lyon, ang tinutukoy ay ang bitbit ni Cassiel.

Dumako rin ang mga mata ko sa hawak nitong kulay dilaw at hugis-bituin na parol.

“A gift.” Inabot sa akin iyon ni Cassiel.

“Lantern? But it’s not Christmas yet?” 

“I know. Bumalik lang ako rito dahil birthday mo. I don’t know what else to give you.” 

I smiled.

“This is pretty. Thank you!”

Gusto ko mang imbitahin siya sa mansyon ay hindi ko magawa dahil baka magsumbong ang mayordoma na may estranghero sa loob. 

“Should we go somewhere else?” Aya ko.

Umalma agad si Lyon.

“Hahanapin ka ng Auntie mo.”

“No, it’s okay. Hindi pa nakakauwi ang Auntie Martina galing planta. Tara, gala tayo!”

Nagpatianod ang dalawa nang tumakbo ako palayo sa mansyon. Wala pa rin naman ang sundo ni Lyon kaya ayos lang na mamasyal muna. 

Sa kalawakan ng azucarera ay matatagpuan ang isang puno ng Acacia. Nag-iisa iyon kaya madaling matagpuan. Dinala ko roon ang mga kaibigan. 

“Bakit ayaw mo pang umuwi, Lia? Ayaw mo bang mag-celebrate?” Tanong ni Lyon.

Umupo ako sa ilalim ng silong at pinagitnaan ako ng dalawa. Mula rito, natatanaw ang ekta-ektaryang taniman ng tubò. Ilang bahagi noon ay naani na kaya tanging itim na lupa ang nakikita. Dahil roon ay malayang natatanaw ang malawak na kalangitan at papalubog na araw.

“Wala namang selebrasyon. Ganoon rin noong nakaraang taon.”

My mom is still sick. Kapag na sa mansyon ako ay ni hindi ko ito nakakausap. My Auntie Camila is out of the country. And I don’t expect my Auntie Martina to throw a simple celebration for me too. Malulungkot lang ako kapag naramdaman ang pag-iisa sa malawak na mansyon.

“Saka natatakot ako na baka pag-uwi ko ay pabalikin na nila ako sa America. I don’t want my vacation to be over yet.”

“Kaya pala hindi na kita nakita ulit pagkatapos ng birthday mo. Totoo ngang pumunta ka ng ibang bansa.” Malungkot na dagdag ni Cassiel.

I glanced at him. I felt moved that he looked for me after my birthday last year.

“Yes, thank you for your gift. I saw it.”

Umawang ang labi nito’t gumuhit ang tuwa sa mukha.

“Nakita mo pala ‘yon.” 

“Tinago ko iyon.” 

“You knew each other since last year?” Singit ni Lyon. 

Tumango ako. For a moment there, we were just talking and getting to know each other. 

“This is pretty.” Itinaas ko ang hawak na parol na regalo ni Cassiel.

The sun reflected on its cellophane cover and twinkled. Pinagalaw ko iyon dahil gumagalaw rin ang kumikinang na repleksyon ng araw kapag ginagawa ko iyon.

“This is my gift for you, Lia.”

Tinanggal ni Lyon ang suot na kwintas at inabot sa akin.

“I’m sorry. I’ll ask my Papa to buy you a better gift. Sa ngayon, iyan muna.”

Nangingiti kong tinignan ang pilak na kwintas na may pendant na letter L.

“This is pretty too, thank you! Pero okay lang ba ito? This is your necklace.”

“Of course. Binibigay ko na sa’yo ‘yan. So you’ll always remember me when you see the pendant.” Lyon’s gummy smile appeared. 

“How ‘bout you, Cassiel? Bakit parol ang niregalo mo kay Lia?” 

“Because you won’t be here on Christmas, that’s a double-purpose gift.”

Cassiel chuckled. Parang nahihiya siya sa rason niya. That made Lyon and I giggle too.

“At least ako na ang unang may regalo sa’yo pagdating ng pasko.” 

“That’s clever.” 

“Sa pasko, isabit mo ito sa bahay ninyo sa America. Like this.” 

Kumuha si Cassiel ng naputol na sanga ng Acacia at isinabit roon ang parol.

“Sabi noong gumagawa ng parol, pwede ka raw mag-wish dito.” Inangat niya iyon sa harapan namin. 

“Magkakatotoo ba ang wish?” 

“Hindi ko alam. Pero pwede kang mag-wish. Iyon ang importante.” 

I laughed once again. It seems pointless but the thought is cute.

“Okay, since I don’t have a birthday cake and candle, diyan na lang ako magwiwish.” 

“Go ahead.” 

The two of them stared at me at once.

Before us, the harvested sugarcane field glistened golden. The sky that stretches forever and the mountain ranges all welcomed the sun set. 

My friends sat beside me still. The sun that is slowly sinking into the horizon watched the peaceful Acacia tree, with me and my friends underneath its shade. The summer skies and the sugarcane of that seventh summer was a witness to my wish.

Continue Reading

You'll Also Like

44.1K 1.9K 27
BL story. Ishan x Cedrix Sweet Serenade Series #2
99.1K 4.3K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...
8.5M 264K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...