South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.6M 749K 405K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 62

206K 10.3K 6.9K
By JFstories

"HUY, GAGU!"


Napatingin ako kay Carlyn nang hampasin niya ako sa braso. "Baket ba?!" asik ko sa kanya. Parang umiikot na ang paningin ko sa paligid kaya hindi ko na inubos ang laman ng hawak kong baso. Paubos na namin ang inorder niyang alak. Taob na rin ang plato ng sisig sa mesa namin.


Humagikhik siya. "Lasheng ka na, gorl!"


"'Kaw ba hinde?!" Inirapan ko siya sanhi para lalo akong mahilo.


"Hinde nuh! Na-text ko pa nga si Jordan e. Sabi ko sa kanya, mamatay na siya."


"O?" Kinuha ko ang phone niya at tiningnan ang text niya kay Jordan. Hindi ko alam kung nahihilo lang ba ako o mas hilo ang text ni Carlyn.


Carlyn to Jordan:

I miss you, Sweetie.


"Pinaglololoko mo ko!" Hindi tumitingin na ibinalik ko ang phone niya sa kanya.


Pasalaksak na pag-abot at tumama ang kamay ko sa matigas na bagay. Parang tiyan. Nagtataka ako kung bakit ang tigas ng tiyan ni Carlyn saka bakit hindi niya tinatanggap ang phone, kaya lumingon na ako. Namilog ang aking mga mata nang makitang hindi si Carlyn ang pinagbibigyan ko ng phone.


Hindi rin kay Carlyn ang matigas na kalamnan!


"You're drunk," he said in a husky and calm voice.


Nang tumingala ako sa mga mata niya ay taliwas iyon sa kanyang boses, madilim at malayo sa pagiging kalmado.


Sunod-sunod na kalabi ang ginawa ni Carlyn sa akin. "Hala Sussie, si Arkanghel o!"


Kumurap-kurap ako. Si Arkanghel nga. Hindi ko man lang namalayang lumapit siya sa amin.


"Di ba wala na kayo? Bat andito 'yan?"


Oo nga...


Lumabi ako at umiling nang tumingin kay Carlyn. "Di ko alam. Galit ako riyan e."


Lumabi rin si Carlyn. "Di ba sabi mo, masama ugali niyan?"


Sunod-sunod akong tumango at hilong nangalumbaba sa mesa. "Oo kaya magalit ka rin sa kanya, okay?"


Nag-thumbs up si Carlyn. "Basta kaaway mo, kaaway ko rin!"


Na-touch naman ako at naluha sa sinabi niya. "You really are my best friend. I love you!"


Lumapit pa si Carlyn sa akin para yakapin ako. "Oh, I love you, too!"


Agad ko siyang itinulak nang masinghot ko ang amoy ng pabango niya na humahalo sa ininom naming alak. "Nakakasuka ang amoy mo. Amoy alak ka!"


"Hala! Hindi naman ako uminom, ah?!" Sabay tingin niya sa mga itinumba naming bote ng red Horse. 


Pareho kaming nagkukusot ng ilong nang mula sa entrance ng Kiss Bar ay pumasok ang isang matangkad na lalaki. Katulad ni Arkanghel ay nakasuot din siya ng button-down down longsleeve polo. May specs din at kagalang-galang ang itsura.


The man was Achitect Jordan Moises Herrera. Magkasing-tangkad sila ni Arkanghel at magkasing-seryoso ng mukha.


"Uy, hala!" Napatakip ng bibig si Carlyn nang makita ang palapit na lalaki.


Huminto sa table namin ang lalaki at hinawakan sa braso ang kaibigan ko. "Let's go home."


Napatayo ako dahil napatayo si Carlyn. "Carlyn, 'wag mo akong iiwan dito! Wala akong pambayad sa inorder natin!"


"O mayaman ka na, di ba?!" Pinanlakihan ako ni Carlyn ng mata. "Saka treat mo ito!"


Napikon na pinanlakihan ko rin siya ng mata. "Wala naman akong sinabing treat ko 'to, ah! Tinakot mo lang ako na magpapadala ka ng panty kina Arkanghel kaya ako pumunta rito!"


Nang mapasulyap ako kay Arkanghel ay nahuli ko ang pag-alon ng Adam's apple niya.


"Panty?!" shocked na bulalas ni Carlyn. "I don't remember saying that! At bakit naman ako magpapadala ng panty?! Wala na nga akong matinong panty dahil laging sinisira nito!" Galit na dinuro niya ang katabing si Jordan.


Adam's apple naman ni Jordan ang umalon this time.


Pinagtitinginan na kami ng ibang customers sa restobar. Kahit ang owner na sina Zandra at Miko ay nagtatakang nakatingin sa aming apat. Iniisip siguro nila kung ano bang kaguluhan ang nangyayari rito. Wala naman e. Nagkakasiyahan lang naman kami rito ng best friend ko. Minsan na nga lang kami maghappy-happy, uusyoso pa sila. 


Si Isaiah naman ay wala na sa bar. Ewan kung saan nagpunta. May tumawag dito kanina, 'tapos bigla na lang itong nataranta at hindi na tinapos sa stage ang kinakanta. Tumalon ito pababa at boom! Naglaho.


Hinawakan ako ni Arkanghel sa kamay at marahang hinila palabas ng restobar. Hindi ko alam kung paano niya ako nahila, basta pagdilat ko ay nasa labas na kami. Ang galing.


Kasunod namin si Carlyn na ngiting-ngiti habang hila-hila rin siya ni Jordan.


Ngumiti rin ako. Masarap ang pakiramdam ko ngayon. Mas masarap kaysa noong nag-inuman kami ni Hugo sa Tagaytay. Iba talaga ang feeling kapag girl best friend mo ang kasama mo, nagkakaintindihan kasi kayo. Saka mas safe at mas malaya mong nai-express ang sarili mo.


Nang nasa na namin sila ay pinagpag ni Carlyn ang pagkakahawak ni Jordan sa kanya. Ginaya ko naman siya. Pinagpag ko rin ang pagkakahawak ni Arkanghel sa akin.


Nilapitan ako ni Carlyn at binulungan sa malakas na boses. "Kilala mo sila?"


Napatingin naman ako sa dalawang lalaki na nasa harapan namin. Parehong formal ang ayos nila at itsura, pareho ring seryoso at guwapo. Iyong isa ay brown ang mga mata at iyong isa naman ay kulay abo.


"No," sagot ko kay Carlyn though parang familiar naman iyong dalawang lalaki. Lalo na iyong kulay abo ang mga mata. 


Sino kaya ang mga ito? Bakit sinundan nila kami rito sa labas ng Kiss Bar?


Bumulong ulit nang malakas si Carlyn sa akin. "Medyo guwapo iyong brown eyes."


Napailing ako at malakas ding bumulong. "For me, iyong grey ang eyes."


Sabay na kumunot ang noo ng dalawang lalaki. Parang nauubusan na sila ng pasensiya sa amin. 


Itinuro ni Carlyn ang kulay abo ang mga mata. "Kamukha ng ex mo."


Kumiling ang ulo ko. "Sinong ex? Iyong feeling love?"


"Luh, feeling love?"


Sumimangot ako habang nakatingin sa abo ang mga mata. "Uu, 'di ko na love iyon."


Tumawa si Carlyn at pasubsob na yumakap sa akin. "Di ko na rin love ex ko."


Natawa na rin ako at nag-apir kaming dalawa. Tumatawa kami pero hindi namin alam kung ano ba iyong nakakatawa. Basta lang masaya. Tapos halos magyakap na kami sa sobrang hilo.


Nang tingnan ko ulit ang dalawang lalaki ay napapakamot sila ng ulo habang nakatingin sa amin ni Carlyn. Teka, ano bang problema nila? Type ba nila kami? 


Siniko ko si Carlyn at wala sa huwisyong niyaya. "Sama tayo sa kanila?"


Tila kinikilig na napahagikhik naman si Carlyn sa tabi ko. "Sige, sino sa 'yo?"


Pigil ang ngiti na sinulyapan ko ang napili ko saka siya itinuro. "Yung grey nga mata."


"Hala, sige! Single naman tayo! Landi-landi rin 'pag may time!" Kahit gumegewang ay humakbang palapit si Carlyn sa napili niyang lalaki. Muntik na siyang masubsob kung hindi siya nasalo nito.


"Pre, iuuwi ko na ito," nagpaalam ang brown ang mga mata sa kulay abo ang mga mata.


Ako naman ay biglang nahimasmasan nang palapit na sa akin ang lalaking napili ko, iyong kulay abo ang mga mata. 


Sinabi ko bang sasama ako sa kanya? No, wala akong sinabi! Hindi ako sasama sa kanya dahil hindi ko naman siya kilala! Hindi ko rin siya love!


"Sussie," maaligasgas ang boses na tawag niya sa akin.


How did he know my name? Ini-stalk niya ba ako?!


Umatras ako at umiwas nang akma niyang hahawakan ang aking kamay. "Carlyn!" sigaw ko.


Wala na si Carlyn. Buhat-buhat na siya niyong isang lalaki papunta sa kulay puting kotse. Nanlaki ang mga mata ko sa takot. Hahabol sana ako nang pigilan ako ng lalaking katabi ko.


"Ano ba?! Kailangan kong iligtas ang kaibigan ko!"


Natapik niya ang sariling noo. "You're drunk. Bakit ka nagpakalunod sa pag-inom?" mahinahon ang boses niya, pero maaligasgas pa rin.


"Ano bang pakialam mo? Nandito ako sa lugar ko, kaya kitang ipabugbog dito!" banta ko sa kanya kahit wala naman akong kilala na pwedeng bumugbog sa kanya. Siguro si Isaiah na lang ang uutusan ko kung hindi busy.


Aawayin ko pa sana ang kaharap kong may kulay abong mga mata nang marealized ko na kilala ko naman pala siya. Siya pala si Arkanghel, iyong ex ko. Kinalimutan ko na kasi moved on na ako.


"Ihahatid na kita sa inyo, Sussie"


Pumungay ang mga mata ko sa kalasingan. "Shige..."


Dinig ko ang pag-tsk niya. Inalalayan niya ako papunta sa gilid ng kalsada kung saan may nakaparadang kulay itim na sasakyan. Ang astig, iyong sa kasama ni Carlyn, puti. Iyong sa akin, itim.


Sa passenger's seat niya ako pinaupo at nilagyan ng seatbelt. Umikot siya sa kabila. Hindi pa niya nai-start ang makina nang harapin ko siya. "Di ba break na tayo?"


Hindi siya kumibo.


"Break na tayo e." Umusod ako palapit sa kanya hanggang sa mabanat ang seatbelt sa katawan ko. "Bakit ka andito? Papansin ka rin e."


Umalon na naman ang Adam's apple niya. 'Tapos ang guwapo niya lalo kapag naka-side view. Ang tulis ng dulo ng ilong niya at ang haba ng lashes niya.


Napalabi ako. "Nakalimutan na kita e. Di na kita love."


"Sussie, you're drunk," mababa ang tono na sabi niya.


"So? E sa hindi na nga kita love." Hinila ko ang kwelyo niya para mapalingon siya sa akin dahil ayaw niya akong tingnan. "Bakit ka ba kasi nandito sa Cavite ha?! Taga Quezon City ka, di ba?!"


"Sussie..." Nabigla siya dahil ang lapit ng mukha namin sa isat-isa.


"Hindi ka dapat nandito sa Cavite! Doon ka sa Quezon City!"


Hinila ko pa lalo ang kwelyo niya hanggang sa magdikit na ang dulo ng mga ilong namin.


"Inagaw mo na nga iyong apartment ko sa Pasig, pupunta ka pa rito? Napaka-selfish mo! Napakasama ng ugali mo palibhasa kasi alam mong mahal pa kita e!" Natigilan ako at napatakip sa aking bibig. "Uy, joke lang iyon!" Pinanlakihan ko siya ng aking mata. "Hindi na talaga kita love. Promise!"


Naiiling na inalis niya ang aking pagkakahawak sa kanyang kwelyo at muli siyang humarap sa kalsada.


Nabastusan naman ako dahil ang ayaw ko talaga sa lahat ay iyong kinakausap, 'tapos hindi nakatingin. This time ay tainga niya ang hinila ko para muli siya mapaharap sa akin.


"Ouch!" Nagulat siya at namilipit sa driver' seat.


Hindi ko binitiwan ang tainga niya.


"Hey, let go of my ear! Masakit!" makaawa niya. I think namumula na siya, wala nga lang akong pakialam.


Ganitong-ganito ang nai-imagine kong ginagawa sa mga estudyante ko noong nag-OJT ako. Nakakagigil kasi ang ugali ng ilang kabataan ngayon; mga rebelde, pilosopo, tamad at walang respeto. Gayunpaman, hindi mo naman sila pwedeng saktan. Wala kang pwedeng ibang gawin kung hindi unawain at mahalin lang sila.


Ganoon kasi ang isang pagiging guro, dapat malawak ang pag-unawa at malaki ang puso. Pinasok ko ang trabahong iyon dahil iyon ang calling ko. Pangangatawanan ko iyon hanggang sa tumanda ako. Hanggang sa magkaanak ako at magkaapo. Kahit pa mayaman ang mapangasawa ko at CEO ng isang malaking hotel casino, magtuturo pa rin ako.


"Sussie, masakit!" daing ni Arkanghel.


"Masakit?"


"Yeah. Please let go of my ear—"


Lalo ko pa siyang piningot hanggang magkangiwi-ngiwi na ang mapula niyang mga labi. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Ayaw ko nang makikita ka rito sa Cavite!"


"I didn't know that you're going to the resto-bar—"


"'Wag ka nang magatwiran!" Inikot ko ang pagkakapingot sa kanya.


Namilipit siya. "F-fine, hindi na ako magpapakita..."


"Anong hindi magpapakita?" Binitiwan ko siya at dinuro. "Ang sabi ko, wag ka nang pupunta rito!"


Kandahimas siya sa nasaktang tainga.


"Sa 'yo ang Quezon City, akin ang Cavite!"


Hindi siya sumagot. Ganyan na ganyan ang ugali niya kaya ako nakipag-break e. Nahihiya lang naman akong magtanong, hindi na talaga nagsalita, kaya hayun, nauwi kami sa kapaan ng feelings. 'Buti na lang talaga at hindi ko na siya love ngayon.


Habang nagmamaneho ay umusod ako sa kanya at isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya. Naramdaman ko ang pagkabigla at paninigas niya.


Tiningala ko siya. "Nahihilo lang ako, pero hindi na talaga kita love."


Tumango siya.


"Saka galit ako sa 'yo, di ba?"


Tumango ulit siya, pero butil-butil na ang pawis sa gilid ng kanyang makinis na mukha. Bakit kaya? May AC naman itong kotse niya, ah?


Sumiksik ako lalo sa kanya hanggang sa one hand na lang siya sa manibela. Dama ko ang pagiging tensionado niya.


Lalo pa akong sumiksik dahil ang bango-bango ni Arkanghel. Kung gaano ko kaayaw ang mga pabango ko sa bahay, kabaliktaran naman sa amoy ni Arkanghel na parang gusto kong ubusin. Payapa rin ang pakiramdam ko na nakadikit ako sa kanya at nararamdaman ko ang init niya.


Pero galit pa rin talaga ako.


"W-we're here..." Para siyang nauubusan ng hangin nang magsalita.


Sa sobrang komportable ko ay hindi ko namalayan na nakarating na agad kami. Malapit lang kasi. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Sa nanlalabo kong paningin ay naaninagan ko ang bahay namin.


"Umuwi ka na at magpahinga," sabi niya na hindi ako tinitingnan.


"Arkanghel..." tawag ko sa kanya. 


Hinawakan ko ang baba niya para iharap ulit ang mukha niya sa akin at pagkatapos ay hiningahan ko siya sa ilong.


"What the..." Gulat na nanlaki ang mga mata niya.


Hiningahan ko siya ulit. "Mabaho ba?" inosenteng tanong ko. "Amoy alak ba?"


Hindi siya makapagsalita. Nakaawang lang ang mga labi niya sa akin na parang tanga.


Bakit kaya ganoon? Kahit parang tanga siya, ang guwapo pa rin niya.


"Huy!" Marahan ko siyang tinampal sa pisngi. "Mabaho ba ako? Hindi pwedeng malaman ni Tatay Bear na naglasing ako dahil malulungkot iyon at mag-aalala. Iisipin nun na baka sinaktan mo ako kaya ako nag-inom, though sinaktan mo naman talaga ako."


Nakatitig lang siya sa akin.


"Pero nasaktan din naman kita..." Napabuntong-hininga ako. "Pero mas sinaktan mo ako. Mas masama ang ugali mo."


"It's okay, you can hate me all you want."


"Oo." Malambing na nginitian ko siya pagkatapos ay muli akong sumandig sa kanya. Hindi ko talaga maawat ang aking sarili sa pagsinghot sa amoy niya. Sininghot-singhot ko pa siya para lalong sumaya ang nostrils ko.


"Sussie..." paos na sambit niya sa aking pangalan.


Kaya pala, nasa leeg na pala kasi niya ang mga labi ko. Ang bango kasi niya talaga kaya kiniss ko siya, pero five times lang naman. Humiwalay uli ako, pero kaunting space lang para maaamoy ko pa rin siya.


Sinilip ko ulit ang bahay namin. Patay ang mga ilaw kaya siguradong tulog na si Tatay Bear. Quarter to 2 am na rin kasi. Ang sabi ko pa naman ay hindi ako paabot ng 11pm. Kung kailan ako tumanda ay saka ako ginabi ng uwi. Sure na pag binuksan ko ang main door ay magigising si Tatay Bear dahil malakas ang pitik ng lock doon. Paano kaya iyon? Napalabi ako sa pamo-mroblema.


Kahit nahihilo at barado ang utak ay nakaisip ako ng solusyon. "Sa likod ako dadaan. Sa bodega ako matutulog."


Muling umawang ang mapulang mga labi ni Arkanghel. "S-sa bodega ka matutulog?" nauutal niyang ulit.


Tiningala ko siya, at ngayon ay halos dumikit na ang mga labi ko sa mga labi niya. "Hmn oo... Malinis na roon ngayon. Nilinis namin ni Tatay Bear kanina..."


Kung kanina ay nakikita ko lang ang paglunok niya, ngayon ay dinig na dinig ko ito.


Namumungay ang mga mata na hinaplos ko ang pisngi niya. "Sa bodega ako matutulog, Arkanghel. Ibig sabihin, doon mo ako ihatid."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

8.9M 184K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
778 213 46
I love you(143 and 3Words and 8Letters -Charlene and Edmon) Sa isang party nakilala ni Edmon si Charlene. Nahulog ang loob niya kay Charlene, at iyon...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
449K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022