UNSPOKEN PROMISES (ON-GOING)

By AKDA_NI_MAKATA

821 91 0

(on-going) SPOKEN WORD POETRY SERIES #1 Halina't tunghayan niyo ang kwentong talagang makakabihag sa inyong p... More

Unspoken Promises
MOTTO
PROLOGUE
P1
P2
P4
P5
P6
P7
P8
P9
P10
P11
P12
P13
P14
P15
P16
P17
P18
P19
P20
P21
P22
P23
P24
P25
P26
P27
P28
P29
P30
P31

P3

40 7 0
By AKDA_NI_MAKATA

#SWP3
 

"Sa pagkagising natin sa umaga,
laging hanap ang haplos ng pag-asa,
Ang pag-asang nagsisilbi nating tadhana.
At ang mga taong inspirasyon natin sa bawat paghinga,
Ang magsisilbing araw na mawawala,
kapag ang gabi ay nagpapakita."
-Unspoken 2

···

Sobrang hapdi. Sobrang sakit, ng makitang unti-unting nawawala ang mga mahal ko sa buhay. Hindi ko alam kung bakit ganitong klaseng buhay ang binigay saakin ng panginoon. Bakit hindi nalang niya nilubos lahat ng paghihirap ko. Bakit inunti-unti pa...

"Lolo bro, bakit?" napahagulgol ako habang hinihimas ang lapida nang bago lang na napayapa kong lolo. "Bakit pati ikaw, iniwan narin ako?" niyakap ko ang kaniyang lapida, habang hindi parin tumitigil ang pagtulo ng aking luha.

Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong naroon basta nagising nalang akong nasa loob na ako ng aking kwarto. Siguro binalikan ako nila manang sa sementeryo at nakita akong tulog na. Matamlay akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at lumipat sa pag-upo sa harap ng aking salamin. Hindi ko maiwasang matawa sa nakita.

Ang payat-payat ko na!

Kung dati may makikita pang laman sa aking mga braso pero ngayon kulang nalang ay liparin ako ng hangin sa sobrang kapayatan.

I sniffed as I stared at myself for a few more minutes before I decided to take my early bath. Right after I took a bath, I heard manang keep calling me and repeatedly knocking on my door. I was shocked to see that she was carrying a pair of new scaffolding uniform.

"Manang, bakit may uniform kang dala?" gulat ko paring sabi. Napatawa naman siya sa aking reaksyon bago ibinaba ang pares na uniform sa aking kama.

"Sa sobrang busy mo sa kakabantay sa lolo mo, nakalimutan mo na kung anong araw ngayon!" Kinuha niya saakin ang bitbit kong towel at siya na mismo ang nagpunas sa aking basang buhok. "Magmadali ka anak, may pasok ka pa!" ani niya pa na mas ikinagulat ko.

"Pero manang, wala pa akong gamit, at saka...june na pala?" napakamot ako sa sariling buhok.

I don't know! I thought it was a week before June.

"Hinanda ko na rin ang gamit mo, nasa baba na." pagkatapos akong sabihan ni manang sa mga dapat kong gawin pagdating sa school ay nagdali-dali narin akong nagbihis ng aking uniporme. Kahit bangag pa dahil sa gulat mas binilisan ko pa ang pagbibihis.

If only Anton was just here.

"Daddy!" maligaya kong sabi ng makitang nasa dining room siya at kumakain. I kissed his cheeks. "Good morning." I greeted him bago umupo sa katabi niyang upo.

"Morning." Malamig niyang sabi. Ngumiti lang ako at nagsimula na din kumain.

"Papasok ka sa school?" tanong niya na ikinabigla ko. Masanay na siguro akong mabibigla ngayong araw na ito.

"Opo, Ngayon ko lang din po nalaman. Mabuti nalang nandito si manang." Magalang kong sabi. Sa kaloob-looban ko ay sobrang lungkot ko.

When mommy was still here, she always reminded me kapag may pasok kami at wala. Even though I was the one na pumapasok sa school, she was still updated sa mga nangyayari sa loob ng eskuwelahan namin. Kahit schedules ko ay alam niya. Laging siya din ang naghahatid sundo sa akin, minsan kasama pa si daddy or sila ate at kuya.

Kahit sila ate at kuya. They are always spoiling me. Kapag umuuwi sila galing school o trabaho, may mga dala-dala silang mga pasalubong sa akin. Ang sweet nila sa akin pero nagbago ang pakikisama nila sa isa't-isa ng lahat na sila umalis dito sa mansyon namin. Pati si Mommy. Iniwan nila ako dito sa malaking mansyon na ito na minsan ng naging masaya pero ngayon ay sobrang lungkot na.

Iniwan nila kami ni daddy, minsan nalang sila tumatawag pero kadalasan walang paramdam.

"Ihahatid na kita."

Napatingin ako kay daddy at umiling. "Huwag na po, baka busy kayo sa munisipyo. Kaya ko naman po mag-isa."

"I insist. Naisip ko lang na tayo na nga lang dalawa tapos pababayaan pa kita, napaka walang-kwenta ko namang ama." Napatigil ako sa pagkain at tiningnan ang aking ama na nakatingin na pala sa akin.

Atumatikong nangiligid ang aking luha dahil sa narinig. "Dad..."

Nginitian niya ako at inabot ang aking kamay. "Halika nga dito!" hinila niya ako patayo at niyakap ng mahigpit. Niyakap ko naman siya pabalik.

"I love you daddy." wala siyang tugon sa aking sinabi pero nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin. Sa simpleg yakap na iyon ay nataplan iyon lahat ng pagkukulang niya sa akin. Na para bang ito ang gamot sa wasak kong damdamin at pangungulila.

Sobrang saya ko ng hinatid ako ni daddy sa school pero nalungkot din kung paano ako iwasan ng mga tao doon. Takot na din siguro silang lumapit dahil may mga bodyguard ako sa likod.

Sa susunod sasabihan ko na si dad na ipatanggal ang mga bodyguard ko para naman may magtangka ng kumausap sa akin. Kahit ilang taon ko na silang kasama hindi pa rin ako sanay. I also see some unfamiliar face, siguro mga transferee students sa taong ito.

Pumunta na ako sa building ng mga grade 4 para hanapin ang pangalan ko sa bawat room. Hindi kasi sa bulletin board nakikita ang mga pangalan ng mga estudyante, nasa labas ng pintuan sa bawat room at section.

"Gusto mo bang kami nalang maghanap ng room at section mo, Beverly?" tanong ng isang bodyguard ko. Agad naman akong umiling at nginitian siya.

"No need kuya, ako nalang po." Pino kong sabi.

Tumango naman siya at bumalik na sa paglalakad. Umabot pa kami sa second floor bago ko nahanap ang room at section ko.

Nakita kong halos mapuno na ang aming room dahil sa mga estudyanteng labas pasok dito. Nakita kong nasa singkwenta ang bilang namin ngayong taon kaya ganito nalang kagulo.

"May nakaupo na ba dito?" tanong ko sa kaklase ko ngayon na naging kaklase ko rin naman noong nakaraang taon. Nabigla siya pero walang sinabi.

Ngumiti nalang ako at akmang uupo na nang ilagay niya sa upuan na iyon ang kaniyang bag.

"Meron." Suplada niyang sabi, she even raised her eyebrow.

Alam ko na ang ganitong ugali. Bakit kaya mayroon parin mga taong hindi nagbabago? Nakakapagtaka dahil lumipas na ang taon pero hindi pa rin nababago ang relasyon nila sa akin.

Kung talagang may problema sila sa akin dapat nilapitan na nila ako agad. Hindi iniiwasan, tinatarayan, inaaway, o hindi kaya sinasaksak patalikod.

Inilibot ko ang aking paningin at nakitang halos mga kaklase ko rin noong una ang makakasama ko dito. Imbes na masiyahan dahil sa nakita ay hindi ko nagawa. May tyasa kasing makakaranas na naman ako ng panlalait nila ng patago.

Umupo na ako sa bakanteng upuan sa may likod. Kung saan wala masyadong nakaupo except sa nakasalamin na babae at nakatutok lang ang mga paningin sa librong hawak.

Nilingon niya ako saglit pero bumalik rin agad sa pagbabasa. Napangiti ako sa aking isipan, siguro kung kakausapin ko siya may magiging kaibigan na ako ngayong taon.

Nang dumating ang aming guro ay nagpakilala naman kami isa-isa. Nang matapos ay hinayaan lang naman niya kami dahil bukas pa daw kami magsisimula ng klase. First subject namin ang Math at ang adviser namin ang guro na iyon. May sumunod pa sa kaniyang dalawang subject teacher. Ang science at Araling Panlipunan namin. Sa Araling Panlipunan lang masyadong sumakit ang ulo ko sa unang araw namin dahil may quiz na agad siya pagkapasok palang niya.

Tumunog ang bell nang oras na ng aming recess. Nagsilabasan na ang aming mga kaklase, bago paman ako makatayo sa aking upuan ay nakalabas na ang mga kaklase ko at ang nerd na katabi ko. I breathe deeply ng mapag-isa ako sa loob ng room. Kinuha ko nalang ang aking bag at nilabas ang aking wallet. Burger, lumpia at isang milk tea nalang siguro ang ire-recess ko ngayon.

Palabas na sana ako ng saktong may papasok at nagkabangaan kami. "O my gosh, I'm sorry!" I exclaimed. 

Akmang pupulutin ko na sana ang wallet na nahulog ay pinulot din niya ito kaya nagkabanggan ang aming mga kamay.

Dali-dali kong tinanggal ang aking kamay at tumayo ng matuwid. Siya na mismo ang pumulot sa aking wallet. 

"Here." Nagkatinginan kami.

I'm shocked nang makilala ko ito. "Y-you," Namula ako ng halos magkautal-utal ako habang sinasabi ito.

"Whatsup, Miss bestfriend of the year!" maligaya niyang sabi. 

Mas namula pa ako dahil sa sinabi niya. Nakita ko kung paanong lumubog ang kaniyang dalawang malalalim na mga biloy ng ngumiti siya sa akin.

"B-bestfriend. . ." ulit ko sa sinabi niya.

"Yeah, diba bestfriend ka ng pinsan kong si Anton." I almost stiffened in my stance when he smiled at me again.

"Ako nga." I nodded.

Parang gusto ko tuloy hawakan ang kaniyang malalalim na biloy but I knew it was impossible because I couldn't even reach him. Sa sobrang tangkad niya, hanggang dibdib niya lang ako at kulang nalang ay yumuko siya para magkapantay kaming dalawa.

"Phoenix Wyatt nga pala!" he introduced himself and held out his hand to me.

"Beverly. . . Beverly Garcia." I reached back his hand and shook it. 

Wyatt ba ang apelyedo niya? O pangalawang pangalan na niya ito?

Gusto kong magtanong pero nahihiya ako, baka sabihin niya sobrang feeling close ko naman e ngayon lang naman kami nagkakilala at ang unang beses kaming nagkita ay halos tatlong buwan na ang nakaraan.

"So, saan ka ngayon?" tanong niya ng makitang hindi na kami nagsasalitang dalawa.

"Ah, sa canteen bibili ng pang-recess ko." tugon ko rin at nilingon ang mga estudyanteng naglalakad na pabalik sa kanilang mga classroom at ang iba ay papunta pa lang sa canteen. Siguro hindi na punuan ngayon dahil halos magkakalahating oras din ako dito sa room.

"Sakto papunta rin ako, pwedeng sabay na tayo? Bago lang din ako dito sa school kaya hindi ko pa memoryado. Mabuti nalang at nakita kita, may makakasama na ako."

"Sige,tara na." nakita ko pang nasa malapit na bench lang ang mga bodyguard ko pero kinaway ko lang sila at hindi na pinasama. Siguro dahil may kasama rin naman ako kaya hindi na sila nagpumilit pa.

Tama nga siguro si Phoenix, we both need each other now. Siya, dahil baguhan lang sa school na ito, ako dahil walang nagtatangkang makipagkaibigan at kumausap sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...