Seasons 3: The Fall of Autumn

By CFVicente

11.7K 427 38

Mula pa pagkabata ay mainit na ang dugo ni Gabby kay Sid. Lagi kasi siya nitong nauungusan sa academics. Paki... More

Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen

Chapter Twenty (Final)

1.1K 50 12
By CFVicente

Mabilis na naglakad si Gabby palabas ng restaurant. Sinasabi na nga ba. Hindi siya dapat magtagal sa harap ni Sid dahil hindi niya ito kaya. Noon hanggang ngayon ay palagi pa ring panalo si Sid sa kanilang dalawa.

Nang mag-ring ang cellphone niya ay sinagot niya iyon nang hindi man lang tinitingnan ang caller.

"Hello?" padaskol na sagot niya.

"Autumn..."

"Eros?" sigurado siya na boses ni Eros iyon. Nagtaka siya. "Si Eros ka nga 'di ba? How did you get my personal number?"

"Sa tingin mo, paano?"

Dahil nawiwindang pa siya sa mga nangyayari sa buhay niya ay ayaw magfunction ng utak niya.

"Sorry, Eros. It's a bad time right now. Wala ako sa mood makipag-hulaan--"

"Ako rin," putol kaagad nito. "Masama ang loob ko. Sinabi ko na sa babaeng gusto ko kung gaano siya kaimportante sa buhay ko. And I have this nagging feeling that she loves me back. Pero tumatakbo siya at ayaw niyang makinig sa paliwanag ko. Sa tingin mo, bakit?"

Naalala niya ang hudas na si Sid at ang ginawa nito sa kanya. "Natatakot siya. Ang tagal mo kasing nanahimik siguro. Ngayon, natatakot na siya na baka nagbibiro ka lang. Falling in love is a scary thing."

"Hindi mo ako masisisi. Sinubukan ko nang sabihin sa kanya noon maraming taon na ang lumipas, pero binale-wala niya iyon. Ipinamukha niya sa'kin ang layo ng agwat naming dalawa. Sinabi ko sa sarili ko na tama na. Isang beses lang ako pwedeng masaktan sa kanya. Hindi ako bato, Gabby. My heart can only take so much."

Pagkabanggit nang pangalan niya ay napasinghap siya. Bigla ang sunod-sunod na pintig ng puso niya. Noon nagiging pamilyar ang boses. Hindi kasi pumasok sa isip niya kahit kailan na maririnig niya ang boses na iyon sa estasyon.

"S-sid?"

Mabilis siyang tumingin sa likod niya nang makarinig ng mga yabag. Nakita niya si Sid na nakatayo ilang metro malapit sa kanya. May hawak-hawak itong cellphone habang nakatingin sa kanya.

Si Sid nga at si Eros ay iisa. No wonder she had always felt Sid's presence around her even when he was away. Bigla na naman ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Lalo pa at naaalala niya ang naging usapan nila ni Eros sa telepono.

Nagpatuloy siyang makinig sa boses nito sa cellphone. Hindi niya napansin na nagpipigil siya ng hininga.

"Sinikap kitang kalimutan. God knows I tried my best to keep my distance and take everything on a professional basis. Alam ko naman kung ano ako sa buhay mo. Hindi naman ako nangangarap na sungkitin ang buwan ng dalawang beses. Nilinaw mo naman 'di ba? Na huwag akong aasa ng kahit ano. But you shouldn't have kissed me back when I kissed you. Hindi mo dapat ipinakita sa'kin na nagseselos ka kapag may lumalapit na ibang babae sa'kin. Siguro, baka nagawa kong pigilan ang sarili ko," angil pa nito.

Hindi niya alam kung maiinis o mata-touch sa sinasabi ni Sid. Nagtatapat ito pero nagagawa pang ibalik sa kanya ang sisi.

"Ginamit mo ako," mariin niyang sabi. Hindi na niya napigilang magdamdam. "Narinig ko kayo. Hindi ka nagkaila. You got close to me because my stupid father just wanted to prove a point."

"Siguro nga, nagkamali ako ng pumayag ako sa ama mo. Nung una, sinabi ko sa kanya na huwag na niyang ituloy. It was a stupid idea anyway. Pero nang makita ko na ano mang oras, makakahanap ka ng lalaking papakasalan mo na tatama sa standards mo, gusto kong maghimagsik. I was supposed to have moved on from you. Pero noong mga sandaling iyon, ipinangako ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat huwag ka lang magpakasal sa iba. Including making you fall in love with me. So I grabbed the chance when your father came to me."

Ang intensidad sa boses nito ang dahilan para magpakawala siya ng pinipigil na hikbi. Gusto na naman niyang maniwala kay Sid. Konting salita lang nito ay gusto na naman niyang magtiwala dito katulad ng dati.

"Eh yung utang ng lupa? Narinig ko na ang kapalit ng pagpayag mong bantayan ako ay para hindi mo na bayaran ang utang mo kay dad."

Umiling-iling ito. "Mali ka ng pakaintindi. Do you think that that little piece of land is worth more than you? You are underestimating yourself, Gabrielle Montecillo."

Sa kabila ng lahat ay narinig niya ang kaaliwan sa tinig nito. Nalito siya.

"Pero akala ko.. akala ko—"

Pumalatak ito. "Tsk tsk. Sabi na nga ba eh. Duda ako na narinig mo ng buo ang pag-uusap namin. Hindi ka magagagalit nang basta basta kung alam mo ang istorya." Huminga ito ng malalim. "For your information, matagal ko nang natubos sa daddy mo 'yon. Ayaw nga niyang pabayaran. Hindi niya daw ibibigay iyon kung hindi ko tatanggapin ng libre. Pero nagpilit ako. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan ng pamilya mo sa'kin. Pumayag siya, sa isang kondisyon. Babayaran ko ang lupa kung magiging son-in-law niya ako."

Doon nanlaki ang mata niya. "What?!"

Tumango-tango ito. Sa pagkakataong ito ay nakikita na niya ang bakas ng kaligayahan sa mata nito. Pakiramdam niya ay bumata ng maraming taon si Sid sa harap niya.

"So technically, guilty nga kami ng sabihin mo na pinagplanuhan namin na paibigan ka. We are hitting two birds with one stone in the process. Hindi ka na maghahanap pa ng ibang lalaking papakasalan, and at the same time, magiging son-in-law pa niya ako na matagal na niyang iniuungot sa'kin."

Para siyang nabunutan ng isang milyong tinik sa narinig. Kung kanina ay para siyang halaman na hindi nadidiligan, ngayon naman ay parang nasobrahan siya sa tubig. She felt so relieved and alive.

"Hindi mo ako pinapaibig para iwan lang?"

Nangunot ang noo nito. "Where did you get that stupid idea?"

"Baka kasi gumaganti ka sa'kin. Hindi ba at ipinahiya kita noon sa canteen? Ang sabi mo sa'kin, hindi ka na maiinlove ulit sa'kin. Hindi ko naman alam..."

Nasapo ni Sid ang noo.

"Ang tagal na no'n, Gabby! At kung gusto mo pa ng pruweba..." May kinapa ito sa bulsa ng pantalon nito. Pagkatapos ay itinaas nito sa ere ang isang stationary envelope. It was the same crumpled envelope Sid gave her years ago. "Kinuha ko 'to kanina sa mga gamit ko nang umalis ako sa bahay mo. Ipapaalala ko sa'yo ang mga nakasulat dito. Sinabi ko na sa'yo 'di ba? Hindi ako aalis basta-basta sa buhay mo kahit itulak mo ako. Sa sama ng loob sa'yo ay hindi ko pa rin nagawang itapon ito."

Sa kabila ng lahat ay nagawa pa niyang magtaray.

"Kaya pala! Kaya pala kasama mo yung kababata mo! Gusto ko na siyang sabunutan, nagpigil lang ako."

Nameywang ito. "Siyempre, kailangan ko ng armalite. Matapos mong sabihin na si Mac Lizalde ang date mo kaya ayaw mo na sa'kin. Ano bang laban ko kay Mac? Maliban sa sex appeal?"

Doon siya natawa kahit na namumuo na ang luha sa mata niya. She didn't know happiness could hurt this much.

"Ang kapal talaga ng mukha mo."

Lumambot ang mukha ni Sid. His eyes held so much tenderness when they gazed at her. "I need it, Boss. I need that courage to hang on to you."

"W-wala talaga kayong relasyon ni Steph?"

Mukhang naaamuse na ito. "Wala nga. Hindi mo siya pinakinggan noong unang beses na nagkita kayo ano? Sinabi na niya sa'yo, I couldn't stop talking about you when we were younger. Kilala ka niya dahil alam niya noon pa na gusto kita. Siya pa ang nagsabi sa'kin kanina na sasamahan niya ako. Gusto daw niya kasing makita na umamin na ako once and for all. Isang dekada na daw kasi akong mukhang tanga na pinapangarap ka."

Tinanong niya ang isang bagay na matagal na niyang gustong itanong dito.

"Mahal mo ba ako?"

Lumambot ang mukha ni Sid. Tinawid nito ang distansya nilang dalawa sa isang iglap lang. Sa sandaling pumailalim siya sa mga yakap ni Sid ay nasiguro niyang nawala na lahat ng mga alalahanin niya.

"Mahal kita, Gabby. Noon hanggang ngayon, ikaw lang ang kaisa-isang babaeng minahal ko ng lubos. I have loved you even though I knew that I couldn't have you. Even then, you have always had my heart."

Bahagya siya nitong inilayo at tinitigan katulad ng dati. Napangiti ito na mukhang may naalalang maganda.

"Alam mo noon kung bakit ayaw kong nagpapatalo sa'yo kahit na galit na galit ka sa'kin? It's because it's the only way for you to notice me. Kapag natatalo kita, lalapit ka sa'kin at hahamunin mo ulit ako. Pakiramdam ko ay sakop ko ang pinakamalaking parte ng mundo mo. Pakiramdam ko, pwedeng maging tayo. Those were the happiest moments of my life."

Suminghot siya kasabay nang pagpipigil ng luha. "Masokista ka."

Ngumisi ito. "Siguro. Kaya siguro palagi akong tumatawag sa station kahit nasa Canada ako. It's the only way that you would talk to me without shouting at me. Ang pathetic ko, 'no?"

Para siyang maiiyak sa naririnig niya. She had never heard anyone, kahit sa show niya, na magtapat ng pag-ibig sa ganitong paraan. At para iyon sa kanya. Sid was saying it for her ears only.

Hindi na niya napigilan ang sarili. The horror of it all, she started crying. Nag-squat siya sa semento at humikbi. The mighty Gabrielle Montecillio started crying because she was happy. Gusto niyang matawa sa sarili niya.

Si Sid naman ay dali-daling yumuko.

"Boss, okay ka lang? May masakit sa'yo?"

Nagtutubig pa rin ang mata niya nang mag-angat ng paningin dito.

"Ano ba sa tingin mo? After that confession, pakiramdam ko ay aatakihin ako sa puso."

Nang kumunot ang noo nito ay tinuktok niya ang ulo nito.

"Stupid. I'm telling you that I'm also in love with you."

Nakatitig lang si Sid sa kanya ng mga limang segundo. Mukhang hindi na-digest ng utak nito ang sinabi niya. Pumitik siya sa harap nito.

"Pwede kang huminga," pagbibiro niya dito.

Nang matanggal ito sa trance ay ngumisi ito.

"Sinasabi na nga ba. Wala kang ligtas sa alindog ko. Kailan pa?"

Nairitik niya ang mata sa pagkaarogante nito. "Basta!"

Pinanlisikan siya nito ng mata. "Hindi ka man lang natinag sa ten years na pagsinta ko sa'yo. You could have spared me a better answer."

Demanding pa!

"Kiss me again. Baka sakaling maalala ko."

Lumapad ang ngisi nito. "Now, we're talking."

He leaned forward and touched his lips to hers in a very gentle manner. He was nipping her lips slowly, taking his time as if he couldn't believe that everything was happening. Ginantihan niya ang halik ni Sid. Hindi rin nagmamadali. Why would she do that when he would be forever hers?

Nang maghiwalay ang mga labi nito ay gusto niyang matunaw sa ngiting iginawad ni Sid. She had never felt this loved before. Pakiramdam niya, kahit bumaba pa ang rate sa stock market ay walang makakasira ng mood niya.

Hinawi nito ang buhok niya. "Mahal mo talaga ako?"

Naitirik niya ang mata. "Oo nga. Hindi ko binabawi ang sinabi ko na."

"Hindi ako kasing yaman mo at ng iba pang mga prospects mo," he pointed out.

Hinalikan niya ito sa noo. Gusto niyang maramdaman nito sa pagkakataong ito kung gaano niya ito kamahal. Hindi totoo na wala itong maiibigay sa kanya. He had already given her the best gift she could ever receive.

"Sabi nga ni Nica, na sa'kin na lahat ng kailangan ko. Ikaw lang ang gusto ko, Sid. Kung hindi rin lang ikaw, ayaw ko nang magmahal pa ng iba."

Kitang kita niya ang pagningning ng mga mata ni Sid sa kabila ng mga ilaw sa mga lamp posts. She had never seen him this happy. Parang gusto niya ulit maiyak sa nakikita niya.

Inilahad nito ang kamay sa kanya. "In that case, tara na."

"Saan tayo pupunta?"

Ngumisi ito at hinila siya patayo. "Sa daddy mo. Aatakihin na 'yon sa puso dahil sa mga sinabi mo kanina. Hindi daw ako pwedeng tumuntong sa bahay niyo hangga't hindi ko naiipaliwanag ang lahat sa'yo."

Nang maalala niya ang ama niya ay napangisi siya. "Hayaan mo ngang magpawis 'yon. Sumosobra na 'yon minsan."

Napakamot na lang ito sa ulo. "Wala ka talagang awa."

Proud na itinaas niya ang ulo. "Talaga! Kaya sa susunod na iwan mo ulit ako, malilintikan ka talaga sa'kin."

Maganda ang ngiting lumabas sa mga labi nito. She had never felt contented all her life.

"Never, Gabby," puno ng katiyakang sabi nito sa kanya.

Her heart held on to that promise.

End

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...