CAPTURED UNWILLINGLY BY HEART...

By MadamWitty

10.5K 186 7

CUBH Season 2 After going through a lot of pain and feeling abandoned, Zen was almost at the point of giving... More

CUBH Season 2
Chapter 82
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Chapter 101
Chapter 102
Chapter 103
Chapter 104
Chapter 105
Chapter 106
Chapter 107
Chapter 108
Chapter 109
Chapter 110
Chapter 111
Chapter 112

Chapter 83

146 12 0
By MadamWitty

Zen's POV

Pinunasan ko naman 'yong mga luha ko bago ko tiningnan 'yong iba pang mga litrato...





[Flashback]

Nakatingin lamang ako sa sa hagdanan habang nakatingin kay Mama na may kausap na isang lalaki. Hindi ko naman ito kilala dahil ngayon ko lamang ito nakita.

Sila Tita, maging si Jared ay tahimik lang din na nakamasid sa akin. Hindi ko kasi ugaling makihalubilo o makipag-usap sa ibang tao kaya minamabuti ko na lang na manahimik sa isang tabi.

Tumingin naman 'yong lalaki sa akin kaya napaurong ako ng kaunti. Nakakatakot kasi ang tingin niya. Hindi naman siya mukhang galit pero natatakot ako sa presensya niya.

Maya-maya lang ay umakyat naman si Mama sa taas. Ngumiti naman muna sa akin si Mama bago niya ako tinulungan makatayo.

Sinamahan naman niya ako pababa at sabay kaming lumapit doon sa lalaki.

"Magmano ka muna sa Papa mo, Zen."

Kahit na hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, pinili ko na lang magmano roon sa lalaki.

Pagkatapos kong magmano ay hindi man lang umimik 'yong lalaki na sinabi ni Mama na Papa ko.

Kahit gusto kong itanong sa kaniya kung siya ba ang Papa ko pero parang literal akong nawalan ng gana at lakas upang gawin iyon. Sa tingin pa lang kasi niya, napapansin ko na parang hindi niya ako gusto.

Lumuhod naman si Mama sa tabi ko na may hawak na palang bagahe.

"Aleng, may ibibilin lang muna si Mama sa'yo."

Hinawakan naman ni Mama ang mukha mo habang malungkot akong tinitingnan.

"Sasama ka muna pansamantala sa Papa mo. Panandalian lamang naman iyon. Gusto ka kasing makilala ng pamilya ng Papa mo. Aalis din kasi si Mama kaya hindi muna kita mababantayan. Kailangan kong magtrabaho sa malayo para matustusan ko ang mga gusto mo. Pero kapag nakauwi na ako, babalik ka na ulit sa amin."

Bigla naman akong nawalan ng gana at parang hindi ko na alam ang emosyong ipapakita ko sa kanila. Nakatingin lamang ako sa kanila na para bang wala akong kabuhay-buhay.

Nang marahang kinuha ng Papa ko 'yong kamay ko palabas, doon na mismo nagsipag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko. Kahit gusto kong sumigaw, magpumiglas, tumakbo pabalik sa bahay namin, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawa.

Nakikita ko naman na nagwawala si Jared habang tinatawag ang pangalan ko. Si Mama naman ay nakangiti pero umiiyak na rin habang nakatingin sa akin.

Pagpasok sa loob ng kotse ay tahimik na lamang akong nakatingin sa kanila sa bintana. Ngunit, gayunman, halos pigain na lang ang puso ko dahil unti-unti nang umaandar ang sinasakyan namin palayo sa kanila.

Hindi ko alam kung ano ba ang nangyayari, pero bakit ang bigat kaagad ng nararamdaman ko kahit bata pa lang ako.

Inabot naman kami ng ilang oras sa biyahe bago kami nakarating sa paliparan. Napatingin naman ako sa paligid dahil hindi ko alam kung nasaan kami. Napako naman ang paningin ko sa gilid dahil meron isang medyo may kalakihang eroplano. Kulay puti naman ito na may halong ginto.

Ngayon pa lamang ako nakakita at makasasakay sa ganitong sasakyan kaya hindi pa ako sanay. Pagkapasok namin sa loob ay tahimik lamang akong naupo sa gilid. Tumingin nqman ako sa gilid ko dahil doon naman nakaupo 'yong Papa ko ngunit. Simula pa kanina ay hindi man lang niya ako kinakausap. Pero napapansin ko ang madalas niyang paglingon sa akin.

Saka ko lamang din napagtanto na siya 'yong lalaking nakita ko noong pumunta kami sa bahay nila upang humingi ng tulong. Gustuhin ko man siyang kausapin, hindi ko naman alam din ang sasabihin ko. Basta ang gusto ko lang ay umuwi sa bahay namin.

Masakit mang aminin pero nasasaktan ako dahil parang hindi ko man lang maramdaman ang pagmamahal niya bilang ama.

Kung mahal niya talaga ako, at kung anak ba ang tingin niya sa akin, hindi niya ako hahayaan sa gano'ng sitwasyon. Ni ngayon ko nga lang siya nakasama sa tanan ng buhay ko. Pero kahit kasama ko na siya, hindi ko man lang maramdaman ang presensya niya dahil parang hangin lamang ako rito.

Dati, madalas ko siyang hinahanap. Madalas kong itanong sa sarili ko kung may Tatay rin ba ako. Kahit na ang lapit ko lang sa kaniya, kahit gusto ko siyang yakapin, pakiramdam ko ay hindi ko siya magawang maabot o malapitan. Parang may nakaharang sa pagitan namin na hinding-hindi ako puwedeng lumapit sa kaniya.

Pero ngayong nandito na siya, parang naging natural na lang sa akin. Hindi ako makaramdam ng saya. Hindi ako makaramdam ng lungkot. Pero ang alam ko lang ay ang bigat nito sa pakiramdam.

Pero imbes na mas lalong sumama ang loob ko, nahiga na lamang ako at ginamit 'yong bag ko upang matulog.

Naalimpungatan naman ako kaya bumangon ako sa pagkakahiga. Nakita ko naman na hinahanda na 'yong pagkain. Pero kahit gutom na gutom ako dahil sa sarap ng pagkaing nakahanda, para bang wala akong ganang kumain.

Pagkatapos mailapag no'ng isang lalaki 'yong pagkain ay yumuko muna ito sa amin bago ito tumalikod. 'Yong Papa ko naman ang naglagay ng pagkain sa plato ko. Pero katulad pa rin kanina, hindi pa rin ito umiimik o nagsalita man lang.

Bago ako kumain ay nagdasal naman muna ako. Konti lang naman ang kinain ko dahil parang nalulula ako sa eroplanong sinasakyan namin. Nakakahiya naman kung magsuka ako rito, lalo na at mukhang mamahalin. Ayoko namang mapagalitan o gumawa ng kasalanan habang nandito ako sa Papa ko.

"S-Salamat po, Pa-...."

Mukha namang nabigla ito, ngunit minabuti ko na lang na huwag ituloy ang sasabihin ko. Hindi ko kasi alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob upang tawagin siya sa gano'n. Baka nga ayaw rin niyang tawagin ko siya sa gano'n kaya siguro na tumahimik na lang ako.

Hindi naman na ako nakatulog kaya naupo na lang ako sa gilid habang nakatingin sa bintana. Hindi ko rin kasi alam kung saan kami pupunta kaso nahihiya ako magtanong sa Papa ko. Panigurado rin kasi na wala akong sagot na makukuha sa kaniya.

Mga ilang oras lang din ay lumapag na ang ang eroplanong sinasakyan namin. Bago kami bumaba ay pinasuot naman niya ako ng medyo may kakapalang dyaket at guwantes. Paglabas namin ay sumalubong naman sa akin ang napakalamig na hangin dulot ng klima. Hindi ko na alam kung nasaan kami pero parang malayo na kami sa bahay namin sa Bicol.

Napatigil na lang ako sa pag-iisip nang may humintong mahabang sasakyan sa harapan namin. Nagulat na lang din ako dahil ang dami ring mga sasakyan at mga guwardiyang nakabantay at nakapalibot sa amin. Napakapit na lang ako sa pantalon ng Papa ko dahil hindi ako mapakali sa kanila. Hindi naman sa natatakot ako. Hindi lang ako sanay.

Maya-maya lang din ay may lumapit sa amin na isang babae at lalaki. Paglapit nila sa amin ay bahagya naman silang yumuko. Nagtataka na nga lang ako kung bakit sila nagyuyuko at nagbibigay galang.

"Good morning, Mr. Richard. How was your flight?"

"We're fine."

Tumango naman 'yong babae bago ito lumingon sa gawi ko.

"Is he your son," masayang tanong no'ng babae sa Papa ko.

Hindi ko naman maintindihan ang winawari nila kaya nakatingin lamang ako sa kanila na puno ng pagtataka.

"Hmm."

"Hi! I'm Sarah April Ramos, ako naman ang Secretary ni Mr. Richard, but you can call me Ate Sarah."

Hindi naman ako nagsalita dahil hindi naman talaga ako mahilig makipag-usap sa ibang tao.

"What's your name?"

Nanahimik naman ako ng ilang sandali. Hindi ko kasi hilig makipag-usap sa ibang tao at nabibigla rin ako sa kanila.

Napansin ko naman na ngumiti 'yong babae at lalaki sa akin na parang sinasabi niya na wala akong dapat ikatakot.

"Z-Zen po."

"Hi, Zen. I'm Alex Mendiola, Assistant ako ni Mr. Richard, but you can call me Kuya or Tito Alex."

Nagmano naman ako sa kanilang dalawa. Gusto ko sana silang batiin kaso hindi naman ako marunong magsalita ng ingles. Pero nakaka-intindi naman ako.

Pinagbuksan naman kami nila kami ng pintuan doon sa sasakyan kaya pumasok na kami sa loob.

"What are you gonna do now, Mr. Richard?"

"He'll probably stick by my side for a year. Krissy never told me when she would take our child away from me again, so I didn't know. He was also homeschooled first, so I know he'll be okay. The situation isn't ideal right now, so having him with me is preferable, and I'm sure Krissy understands."

"Even if your family situation isn't ideal right now, it's fortunate that Mrs. Krissy let you take your child."

"I want them to be as safe as possible. That is all I have to offer because I have failed them as a father and husband."

"Then why didn't you bring Mrs. Krissy with you?"

"I can't push her because she prefers to keep an eye on her relatives on her own. I mentioned that I have people to keep an eye on, but I can't change Krissy's mind about her words."

Napatingin naman sila sa akin. Inosente na lang akong napatingin sa kanila dahil wala naman akong maintindihan. Siguro, sadya rin ang pagsasalita nila ng ingles upang hindi ko muna ito malaman.

"Then, what about Zen?"

"What about him?" tanong ng Papa ko roon sa babae.

"Are you going to take him to the organization?"

"No. I can't let that happen. I'd like him to live a normal life. I want to distance him from situations that are related to what I do. I don't want to involve him, so I try to keep these things from him as much as possible."

"Duly noted, Mr. Richard."

Hindi rin nagtagal ay bumaba na rin kami. Pagtingin ko sa paligid ay halos manlaki na lang ang mata ko dahil sa ganda ng lugar. Napaliligiran naman kami ng matatayog na pader. Sa magkabilang gilid naman namin ay nahahati sa dalawang bahagi ang mga damo. Tapos sa bawat gilid no'n ay may mga nakatayong ilaw. At sa mismong harapan namin ay may mahabang daan, tapos may paikot dahil may malaking fountain ng tubig sa gitna nito.

Naglakad naman na kami kaya mas lalo kong nakikita nang malapitan ang ganda ng bawat paligid dito. Hindi ko nga alam kung nasaan kami, kung kanino bang malaking bahay na ito, pero parang nahihilo lang ako sa lawak.

Pagkatapos ay tumambad naman sa amin ang napakaling pintuan na halos manliit na lang ako sa kinatatayuan ko. Ilang sandali lang din ay bumukas ito at bumungad ang napakaraming mga tauhan na mukhang naghahantay sa amin.

"Welcome back, Mr. Richard."

"Welcome back, Young Master," saad ng mga nasa loob ng bahay sabay yuko sa harapan namin.

Bigla naman akong napatingin sa Papa ko dahil hindi ko alam kung bakit sila yumuyuko tuwing nakikita siya. Nagtataka na nga rin ako kung kailangan ko rin bang yumuko sa kaniya. Nakakabastos naman ata kung hindi ako yuyuko, lalo na at siya ang Papa ko.

Nakangiti naman sila sa akin ngunit hindi ko alam kunv mahihiya o kung ngingiti rin ba ako pabalik. Hindi kasi ako sanay sa maraming tao at hindi ko rin talaga hilig ang makipag-usap iba. Tanging si Jared lang mismo ang kusang kumakausap sa akin. Kapag hindi nila ako tinanong, hindi rin talaga ako mismo magsasalita.

Pagpasok namin ay tumambad naman sa mata ko ang napakalawak at makikintab na mga gamit sa loob. Simula sa sahig, sa alpombra, sa aranya, sopa, hanggang sa mga materyales ng bahay ay masasabi mo talaga na mamahalin ito.

Pagkapako naman ng paningin ko sa hagdanan ay halos magulantang na lang ako dahil gawa ito sa salamin na para bang mga prinsesa lamang ay puwedeng maglakad sa hagdanang ito.

"The food is also ready, Mr. Richard."

"Hmm. Thanks, Manang."

Naglakad naman na 'yong Papa ko kaya sumunod na lang ako sa kaniya. Medyo nalilito na lang ako dahil ang lawak ng daanan. Tapos nagkikintaban pa 'yong sahig. Baka paglinisin pa ako dahil ang dumi pa naman ng sapatos na suot ko ngayon.

Nang lumiko kami sa huling pasilyo ay isang mahabang lamesa na punong-puno ng pagkain ang nakita ko. May iba't-iba ring pagkain na nakahain. May mga gulay, mga prutas, at higit sa lahat, may mga pritong manok. Nagulat naman ako nang tinulungan akong makaupo no'ng Papa ko. Tapos siya naman ay naupo na sa pinakadulong bahagi. Ngunit ay magkatabi pa rin kami at nasa kanang bahagi niya ako.

"You may eat as much as you like from the food on this table," aniya.

Hindi ko naman malaman kung galit o seryoso ba ito sa pananalita. Hindi ko pa kasi siya nakikitang ngumiti kaya hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

Napatingin naman ako sa paligid dahil nakangiti lamang sila sa akin habang nakatayo sa gilid.

"H-Hindi pa po ba sila kakain?"

"Kakain kami mamaya pagkatapos niyo, Young Master," wika naman no'ng sekretarya ni Papa.

Napatingin naman ako sa Papa ko na tahimik lang na nakatingin sa akin.

"What is it?"

"Sabi po kasi ni Mama at Lola Tina, hindi raw po magandang pag-uugali na hindi sabay-sabay kumain. Kapag kakain ang isa, dapat kasabay pong bibigyan ang lahat. Pagpapakita raw po iyon ng respeto sa hapag-kainan."

Nanahimik naman ng ilang sandali si Papa bago ito magsalita.

"Have a seat, everyone."

"B-But, Mr. Richard, we can wait until you finish your meal."

"That's an order from the Young Master," sambit ng Papa ko sa maotoridad na boses.

Kahit na naguguluhan pa sila ay dahan-dahan naman silang naupo sa mga upuan. 'Yong iba naman ay nakatayo pero mukhang sabay-sabay pa rin kaming kakain.

"We'll start eating at the same time from now on."

Nagdasal naman muna ako bago kami nagsimulang kumain.

Nang matapos kaming kumain ay sinamahan na ako no'ng Papa ko sa magiging kwarto ko. Hindi naman ako makapaniwala dahil may sarili na akong kwarto. May mga iba't-ibang mga gamit pa, mga laruan, malaking kama, malamig din dito sa loob, tapos ang laki pa. Hindi kasi tulad sa probinsya ay nagsasama-sama kami. Talos lagi kong katabi si Jared matulog dahil gusto niya akong katabi.

Pero masama ako dahil kahit maliit ang bahay namin, sama-sama naman kami. Bigla na lang kasi akong natauhan na parang nag-iba na lang ang lahat. Kahit ngayon ay hindi pa rin tuluyang naiintindihan ng isip ko kung anong meron, o kung ano ang ginagawa ko sa lugar na 'to.

"Just let me know if you need anything, if you want me to make your space bigger, if you want new things. You can also inform Sarah and Alex. You won't have to worry because the people here are also kind."

"K-Kailan ho ako uuwi sa amin?"

"I-I don't know. Why? You don't like it here?"

"Hindi naman po sa gano'n. Hindi naman po kasi ako nakatira rito. Hindi po ako sanay sa ganitong lugar. Hindi po ako mahilig sa mga mamahalin."

Seryoso namang tumingin 'yong Papa ko sa akin. Napalunok na lang ako dahil mukhang may nasabi akong hindi tama. Pero ayon naman talaga ang totoo. Hindi ako komportable sa ganitong uri ng buhay. Iba kasi ang nakagisnan ko, ngunit sapat na sa akin 'yon para mamuhay ng masaya.

"Okay, I'll contact Krissy soon.

"S-Sige po. Maraming salamat po, Mr. Richard."

Napahinto naman sa pag-alis 'yong Paoa ko at gulat na lumingon pabalik sa akin. Hindi naman nakaligtas sa akin ang lungkot sa mata niya habang pinagmamasdan ako.

Nahihiya kasi akong tawagin siyang Papa. At saka, Mr. Richard ang tawag sa kaniya kaya siguro na gano'n na lang din ang itatawag ko.

Pagka-alis ni Mr. Richard ay malungkot naman akong nahiga sa kama. Pinigilan ko namang huwag maluha dahil pagod na rin ang katawan ko. Sinasanay ko na kasi ang sarili ko na huwav maging iyakin. At hangga't maaari ay sinusubukan kong alisin ang mga emosyong nakikita sa itsura ko.

Makalipas ang ilang araw ay madalas kami-kami na lang nila Ate Sarah ang kumakain. 'Yong Papa ko lang ang wala dahil abala ito sa kaniyang trabaho. Marami raw kasi siyang ginagawa kaya bihira lamang ito makauwi. Kahit noon pa raw ay palaging nakatutok lamang ito sa pagtatrabaho.

Nabanggit din sa akin ni Kuya Alex na sa susunod na linggo ay simula na ng home schooling ko. Magpapadala na lang daw 'yong Papa ko ng magtuturo sa akin dito sa bahay niya. Hindi raw kasi ako puwedeng mag-aral sa labas kasama ang ibang mga bata dahil delikado raw. Wala naman silang nabanggit sa akin kung sino o ano, basta ang sabi lang ni Kuya Alex ay iyon ang utos ng Papa ko at hindi sila puwedeng sumuway roon.

Mabuti na lang at nandito silang dalawa dahil paniguradong masisiraan talaga ako ng utak. Hindi naman kasi ako makalabas. Wala rin akong kalaro. Pero kahit may kalaro ako, hindi naman ako makikipaglaro. Si Jared lang talaga nagtitiis sa ugali ko. Siya lamang ay nagta-tiyaga sa akin. Ewan ko ba, parang tamad na tamad lang talaga ako magsalita o kumilos.

Hindi naman ako pagod. Parang gusto ko lang humiga buong araw. Awit na 'yan.



_______________________________________________________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

632K 18.7K 40
Venus Bartone is one of the 100, the people that were put into the skybox because they were too young to be executed. She was put there because her k...
30.7K 300 8
story of love. COMPLETED :)) (ieedit ko po ito pag nagkatime ako. Pasensya na sa mali maling high school english ko. Super tagal na kasi nito.)
3.6K 472 60
Jewel Bien Andres Alao.
182K 7.9K 113
(Y/N) (L/N) is a normal high school student who lives in Karakura Town with his sister and father. (Y/N) had the innate ability to see spirits since...