Twisted Lives

By elleinecrz

5.2K 212 64

Yssandra and Ace became best friends eversince both of their engagement got cancelled. Make sure to read 30... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 7

215 12 1
By elleinecrz

Simula nung lumabas ang resulta ng mga napiling makipaglaban ay hindi na 'ko nakareklamo at nagpractice na lang din kagaya nila. Si Sabrina ang captain namin, hindi ko rin masisisi dahil napakahusay niya pagdating sa bola.

Friday ngayon at patuloy pa rin ang paglilinis namin sa school. Nakakainis talaga! Pagod na kami sa training pero pinapaglinis pa rin kami! Detention pa namin bukas kaya hindi ako makakapagpahinga.

"Ace oh, thank you"  inabot ko sakaniya ang paper bag at nilalaman non ang jersey niya. Hiniram ko kasi 'yon simula nung magpractice at ngayon ko lang nabalik dahil nakapag pagawa na 'ko ng akin.

"Gusto kitang pahirapan mamaya" nakangising saad ni Sabrina. Kasabay ko sina Ace, Sab, Dean maging si Wade kumain ng lunch ngayon at heto si Sabrina, inaasar ako.

"Walang utang na loob. You're the reason why I was forced to enter this at the first place, wala kang karapatan"  sagot ko at pabirong umirap. Sab and I became a bit close, pero lamang pa rin ang asaran sa relasyon namin.

From 2pm to 4pm ang schedule ng P.E. class namin sa friday kaya sa ganoong oras kami magt-training. Hindi lang dapat kami ang mapagod kaya may pinapaayos ang mga teachers sa ibang students para sa gaganaping program.


Nagklase pa kami ng 1pm at nakapagpalit lang ng pang training nang matapos ang klase. Sabay kaming nagpalit ni Sab at sabay rin kaming pumunta sa court. Nasa kabilang court sina Ace since basketball sila.


Pumunta muna kami ni Sab sa bench para ayusin ang knee pad namin bago bumaba sa court. Si Sab ang bahalang mag-asikaso sa 'min ngayon dahil nasa basketball nakatutok ang mga teachers at coaches, sa monday naman ay kami ang tututukan. Balita ko na tatlong sunod sunod na nanalo ang campus namin sa palaro kaya napressure ako. Baka hindi namin mauwi ang trophy ngayong taon, lalo na 't wala si Krystal. Isa raw siya sa magaling maglaro.


"Start tayo sa stretching!" Sigaw ni Sab at pumasyok kaya naghanap kami ng kani-kaniyang pwesto para makapag stretching ng walang natatamaang ibang babae.


"Uhm.. pwede bang dito ako?"  Kinakabahang tanong ko kina Kylie dahil alam kong may sama ng loob sila sa 'kin lalo na't alam nilang ako ang dahilan ng pag-alis ni Krystal pero mas mabuti ng sakanila makitabi kaysa kina Dianne at Eunice dahil mukhang mainit lagi ang dugo nila sa 'min ni Sab.


"Yes you can"  but still, they acted matured and didn't plan revenge for what I did dahil kung ako siguro ang nawalan ng kaibigan dahil sa isang tao, makita ko palang ang taong 'yon ay masasakal kona pero iba sila. Umaakto pa rin sila na parang walang nangyari para hindi humaba ang gulo. I admired them by that, tama ang kaibigan na pinili ni Krystal hindi tulad ko, hindi mapagkakatiwalaan ang mga pinili kong kaibiganin.

"Anong tinutunganga mo diyan?"  Masungit na tanong sa 'kin ni Sab pero linabas ko ang dila ko para inisin siya, umirap lang ito sa 'kin dahil hindi niya naman ako maaaway. Siya ang nagdawit sa 'kin dito imbis na nag-aayos lang ako sa school!


"Break muna!"  Sigaw ni Sab nang makailang minuto na kaming nagpra-practice kaya nakahinga na 'ko nang maluwag. Kakatapos niya lang kaming papagserve isa isa at pinapulot pa sa 'kin ang mga nagkalat na bola hmp!


"Tara tignan natin sina Ace"  sabi ni Sabrina pagkalapit niya sa 'kin. Nang matakpan ko na ang hydro flask ko ay kaagad niya nang hinila ang kamay ko papunta sa kabilang court. Hindi niya man lang hinayaang mababa ko ang iniinuman ko.


Palapit palang kami sa kabilang court ay rinig na namin ang pasyok at ang tunog ng sapatos ng mga basketball player na naglalaro.


Nagulat ako nang makitang madaming nanonood sakanila at may mga banner pa na kala mo naman ay nasa totoong laro na. Akala ko ba ay nag-aayos sila? Bakit ang daming estudyante dito?


Nakidaan kami ni Sab pero kaagad ding nagtago sa mga nakakumpol na tao dahil baka pagalitan kami ni coach at sabihing hindi nagprapractice gayong pinagpapahinga lang kami.


Kumunot ang noo ko nang makita kung paano gumalaw si Heinz para lang hindi makuha ni Ace ang bola sakaniya. Masyado namang game na game, parang babae ang bolang kanilang pinag-aagawan.


Hindi naagaw ni Ace ang bola at muntikang mashoot ni Heinz pero nakuha iyon ni Dean at pinasa kay Wade. Makikita sa mga estudyante na hindi alam kung sino ang kanilang kakampihan dahil pare-pareho lang naman na estudyante sa campus ang magkakalaban.


Lalapitan ko sana si Ace nung matapos ang laro ngunit hinawakan ni Sab ang kamay ko para pigilan.


"Kailangan na nating bumalik baka makita pa tayo ni coach"  bulong ni Sab.


Bumaling pa 'ko kay Ace na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil nasaktan ako sa nakita. I saw the woman we saw the other night we ate dinner, she's approaching Ace and opened her arms widely to hug Ace. Ace embraced her. Mukhang sa kabilang department siya pero parehong campus dahil pamilyar ang uniform niya. May kaunti lang na pagkakaiba sa uniform namin kaya alam kong sa campus rin namin siya.


"Sandra! Ang hina ng tira mo"  saway sa 'kin ni Sab dahil hindi man lang umabot sa kabilang parte ng court ang tinira ko. Parang nawala ako sa sarili ko. What I saw earlier kept flashing in my mind and it gives me nothing but heartache. I don't want to see Ace with other woman, I'm not ready yet.


"Aw!"  Napahawak ako sa ulo ko nang matira ako ng bola.


"Kanina pa kita kinakausap"  reklamo ni Sab. Sinamaan ko siya ng tingin nang mapagtantong sinadya niya 'yon.


"Ayos ka lang? Mukha kang wala sa sarili mo"  kumento niya. Iisipin ko na sanang nag-aalala siya pero ganoon ang tono ng boses niya, maldita pa rin.


"Medyo masakit lang ang ulo ko"  rason ko nalang dahil maging ako ay hindi naiintindihan ang nangyayari sa 'kin.


Ilang beses ng tinira sa 'kin ang bola at dalawang beses ko lang natira 'yon pabalik sa kabilang court, ang mga ibang tinira papunta sa 'kin ay hindi ko man lang napapaabot sa net.


"Sandra umupo ka muna. Mukhang pagod ka na"  mukhang nag-aalala lang siya pero parang lalamunin niya ako ng buo kapag umupo ako.


Umupo muna ako at uminom ng tubig. The moment I caught earlier bothers me. Tuwing naaalala kong nagdikit ang balat nilang dalawa ni Ace ay satingin ko sasabog na 'ko.


Napaka selfish ko naman kung iisipin kong gusto ko na ako lang ang kaibigan niya, na ako lang ang yayayain niyang kumain sa labas, na ako lang ang ipagluluto niya, na ako lang ang ihahatid niya, na-


"Anong iniisip mo diyan?"  Muntikan akong mapatalon sa paghawak ni Ace sa balikat ko na dahilan sa pagtigil ng pag-iisip ko. May nakasabit na towel sa kaliwang balikat at maliit na duffle bag naman sa kabilang balikat.


Nang hindi ko siya sinagot dahil sa pagkatulala ay pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako roon at napasimangot. Ang bully niya sa 'kin!


"Mukhang ang lalim ng iniisip mo" kaswal na sabi niya at wala man lang emosyon.


Bumilis ang tibok ng puso ko nang tumabi siya sa inuupuan ko at nakatingin sa mga naglalaro sa court. Hindi ko maiwasang mapatitig lang sa side view niya. Mukhang fresh pa rin siya kahit kakagaling lang sa laro. Napaiwas ako ng tingin nang bumaling siya sa 'kin at nahuli akong nakatitig sakaniya. Nakakahiya! Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal tinitigan.


"A-ano palang ginagawa mo dito? Hindi na ba kayo naglalaro?" Tanong ko nalang para makalimutan niyang kanina pa 'ko nakatitig sakaniya.


"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?"  Balik niya sa 'kin at pinagtaasan ako ng kilay.


"Pinaupo muna ako ni Sab, I can't concentrate"  I answered honestly.


"Is there something bothering you?"  Tanong niya at diretso lang nakatingin sa 'kin, hinihintay akong sumagot.


"Uh.. Ano.. Wala"  hindi ko alam ang isasagot ko. Ayaw ko namang sabihin na dahil sakaniya dahil baka itanong niya sa 'kin kung bakit at wala akong alam isagot.


"You are bothered"  he nodded na parang binasa na ang nasa utak ko. "Tell me what's bothering you, maybe I can help" 


Nagdalawang isip ako sa sinabi niya. Naguguluhan din ako at kailangan ko ng taong maglilinaw sa 'kin ng nararamdaman ko pero paano kung siya mismo ang gumugulo sa utak ko?


I took a deep breath before asking. Hindi ko nalang babanggitin ang pangalan niya.


"I have a friend and I'm bothered everytime someone's approaching that person. My question is why am I bothered?"  Naguguluhang tanong ko. Mas mabuti pang sakaniya ko makuha ang sagot dahil siya naman ang dahilan ng pag-iisip ko.


"Looks like Yssandra Anderson has a crush. Who is it huh?"  Tanong niya sa 'kin at parang trinaydor ko siya sa tingin niya.


"Do you think gusto ko siya?"  Tanong ko.


"I think.. Well, I also felt that when Krystal became close to Dean"  He just gave me another pain! Inirapan ko siya dahil doon. Mabuti pang hindi nalang siya ang tinanong ko dahil mukhang hindi niya ako masasagot nang maayos.


"S-Sige, baka tawagin na 'ko ni Sab"  pagpapaalam ko at tumayo na para lumayo sakaniya.


Binigay kaagad sa 'kin ni Sab ang bola kahit kakarating ko lang, pinapaserve niya sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis at nabaling sa bola ang inis ko kaya tumilapon ang bola at lumagpas sa linya.


"Ano bang ginagawa mo? Kanina mahina, ngayon naman masyado mong nilakasan"  sermon ni Sab sa 'kin.


"Girls, you can rest!"  Nabaling ang tingin namin kay coach na kakarating lang.


Dahil doon ay hindi ko na sinagot si Sab at dumaretso na sa upuan kung saan nakalagay ang mga gamit ko. Naroon pa si Ace at mukhang may inaantay pero hinayaan ko nalang siya at nilagpasan para makapagbihis na. Napaharap ako sa gawi ni Ace nang hilain niya ang braso ko.


"Are you okay?"  Mababasa ang pag-aalala sa mga mata niya.


"Yes, I'm just tired"  Palusot ko at hinila mula sakaniya ang braso ko.


Pagkalabas ko sa dressing room ay sinalubong ako ni Ace na nakabihis na rin ng black na pantalon at white na shirt. Naka casual nalang siya dahil wala na rin namang klase ang kaso nga lang ay maglilinis pa kami.


Kagaya ng routine namin, naglinis kami sa school. Last day na rin namin to at detention nalang matatapos na rin ang parusa sa 'min.


"Bakit ang tahimik mo?"  Tumabi sa 'kin si Sabrina. Wow, I'm shocked about the way she asked. Mukhang concern siya ngayon.


"Pagod lang"  tipid na sagot ko kaya wala nang umimik sa 'min.


"Tara na?"  Tanong ni Ace sa 'kin nang matapos kaming maglinis.


"Saan tayo pupunta?"  Tanong ko.


"Nood lang tayong fireworks, pagabi na rin naman e. Take out na rin tayo pinagpaalam na kita sa daddy mo"  dire-diretsong sabi niya. Tumango lang ako, sanay na 'kong nakakasama siya gabi gabi.


"Washu date na naman sila"  pang-aasar ni Wade.


"Kung inggit ka, edi idate mo si Sab"  inirapan siya ni Ace.


"Magdate nalang kami ng aso ko kaysa sa makadate ko ang malditang to"  pabirong umirap si Wade kaya sinapak siya ni Sab sa balikat.


Nang makasakay kami, kaagad niyang pinaandar ang sasakyan. Dumaan muna kami sa convenience store para bumili ng ibang pagkain at nag drive thru para sa mismong dinner namin.


Nang maiparada namin ang sasakyan sa damuhan ay may iba ring sasakyang nakaparada. Binuksan ni Ace ang bubong ng kotse niya para maramdaman namin ang lamig ng hangin. Pagabi na rin kasi kaya wala ng araw na nakakapag painit.


"Manood muna tayo?"  Tanong niya. Tumango lang ako dahil wala ako sa katinuan para sumagot pa. Inayos niya ang phone niya sa harapan at plinay ang series na pinapanood namin.


"Diba favorite mo yan? Buti nalang hindi mo pinagcheer"  he chuckled. Lagi ko kasing pinagchecheer ang mga favorite characters ko. Nakitawa nalang ako at umiling.


"Ace"  pagtawag ko ng atensyon niya nang makatapos kami ng isang episode. Natapos na rin namin ang dinner namin.


"Hmm?"  He glanced at me when he noticed me staring at him.


"Bakit natin ginagawa 'to?"  Tanong ko. Hindi ko alam kung bakit ako umaasa na mag- iiba ang sagot niya. Na baka iba na ang dahilan kung bakit.


"Ang alin?"  Tanong niya.


"Ang paglabas labas natin, ang pagsundo mo sa 'kin, ang lagi mong pakikipag-usap sa 'kin"  paglilinaw ko. Kumunot ang noo niya marahil dahil sa pagtataka.


"I'm your friend Sandra"  diretso at seryoso ang pagkakasabi niya.


"Required ba sa magkaibigan ang paglabas sa gabi at pag-kain sa labas?"  Tanong ko, umaasa pa rin na baka mag iba na ang intensyon niya.


"I told you, ayaw kong umuwi kaagad dahil maaalala ko lang siya"   but his answer remained. Nanatili pa rin ang sagot niya sa tanong ko. Mas nanaisin niya nang kasama muna ako bago umuwi sa bahay nila na punong puno ng alaala ni Krystal.


Matamlay akong tumango bago ko kinuha ang inumin ko at uminom. Hindi ko alam kung bakit may bumara sa lalamunan ko na kung ano at naiiyak ako.


Umasa ako na iba na ang intensyon niya, ngunit hindi. Konektado pa rin ang babaeng mahal niya sa pakikitungo niya sa 'kin.


Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako makuntento sa atensyong binibigay niya. Gusto ko pa ng assurance na lamang ako sa mga kaibigan niya. Na lamang ako doon sa kaibigan niyang si Arah.


Napatingala ako nang makarinig ng fireworks. Mapait akong napangiti at inalis ang mga iniisip. Kuntento na 'ko na kasama si Ace ngayon kahit na alam kong matitigil na rin ito kapag dumating ang araw na hindi na siya takot maalala ang nakaraan niya, ang nakaraan nila.


Napatingin ako sakaniya nang kunin niya ang kamay ko at itinaas sa langit. Kinuha niya ang phone niya at pinicturan 'yon.


"You should reactivate your accounts"  he uttered that made me stare at his emotionless yet calming face.


"Why?"  Tanong ko.


"I tagged you on so many posts already"  saad niya na ikinagulat ko at linapit sa 'kin ang phone niya. Linagay niya sa dm at iniscroll, napakarami niya na ngang mention sa 'kin sa mga stories.


And in just that simple way, my heart melted and my thoughts washed away. Hindi ko maligilang mapangiti sa simpling story niya lang.


Kaagad kong kinuha ang phone ko at inaccess ang mga accounts ko. Wala akong pakialam sa mga nambabastos sa 'kin sa campus o sa mga estudyanteng pinagtatanggol si Krystal sa 'kin. Hindi naman ako makikipag away dahil may punto naman sila kung bakit sila nagagalit pero hindi ko nalang papansinin.


I immediately posted on my story the photo Ace took. We both holding each other's hand and our background is the fireworks from above.


Pinicturan ko rin si Ace at tinakpan naman nito ang mukha gamit ang kamay pero kita pa rin naman kung gaano siya kagwapo.


We spent hours in the car, the roof is open and we 're watching how the fireworks explode up in the sky.


"Are you sleepy?"  Tanong sa 'kin ni Ace. Binalingan ko siya ng tingin at hindi mapigilan ang malapad na pagngiti tsaka ko siya inilingan.


"Pahiram ng phone mo"  pakiusap ko at linahad ang kamay ko. Walang alinlangan naman niyang iniabot ang phone niya.


Nagrecord ako ng video at ipinatong sa harapan para makita kaming dalawa sa screen.


"What's that for?"  Tanong niya.


"Memories, duh"  I rolled my eyes as I pose in front of the camera.


Hinayaan namin na nagrerecord ang video habang nakatingala kami at nag-gagandahan salubungan ng iba't ibang kulay na paputok sa langit.


Hindi na namin tinapos ang fireworks show dahil bukas, imbis na magpapahinga kami ay detention ang aabutin namin.


"Good night, you made me happy"  saad ko nang bumaba sa kotse niya, hindi pa rin maalis ang ngiti sa 'kin.


"Good night, you're also making me happy"  he chuckled. Medyo napakurap pa 'ko doon dahil sa pagbigla.


Napahawak ako sa puso ko pagkapasok ko sa kwarto. Bakit ganoon nalang ang epekto ng mga salita niya ngayon? Dati naman ay hindi ako ganito umakto sa mga ginagawa o sinasabi niya.


Kagaya ng sinabi ko, kinabukasan ay tamad akong gumising at nagbihis para sa detention. At katulad ng inaasahan ko ay nandito na naman si Ace para sunduin ako.


"No phones allowed"  napapikit ako nang mariin dahil sa sinabi ng isang mahigpit na guro sa aming lima. Nasa library kami ngayon at walang katao tao.


Ibinigay namin sakaniya ang mga phones namin kaya wala kaming nagawa kung hindi antayin na lamang na lumipas ang oras.


Sina Wade at Ace ay may pinag-uusapan na hindi ko maintindihan, si Dean naman ay nakayuko, mukhang natutulog. Tinabihan ko si Sab dahil wala rin siyang kausap.


Malapad pa rin ang ngiti ko hanggang ngayon dahil sa nangyari kagabi.


"Ayos ka rin eno? Kahapon kulang nalang makalimutan kong kasama ka namin sa sobrang tahimik mo, ngayon naman kulang nalang mapunit labi mo"  umirap si Sab. Hindi ko nga rin maintindihan e.


Wait! Should I ask her? I mean pareho kaming babae baka pareho kami ng nararamdaman.


"Sab, kapag ba ayaw mong nadidikit ang kaibigan mo sa ibang babae anong ibig sabihin non?" Tanong ko.


"Nagseselos ka"  diretsong sagot niya. Wala man lang pasikot sikot at diniretso niya ako.


"Hindi ako! Nagtatanong lang okay?"  Pagkaklaro ko.


"Alam ko ang iniisip mo kahapon. Nakita ko ang pagtitig mo kay Arah ng kabilang department nang yakapin niya si Ace"  kalmadong sabi niya. I consciously glanced at Ace, baka naririmig niya!

"Huwag kang maingay"  pabulong na saway ko "Bakit naman ako magseselos doon?" Tanong ko at kumunot ang noo.


"Kasi gusto mo si Ace"  ang diretso niya talagang sumagot.


"H-Ha? Malabo y-yon!"  I stuttered. "Magkaibigan lang kami"  dagdag ko pa pero bakit parang sinaktan ko lang din ang sarili ko?


"Ang sakit no? Sayo pa galing"  she chuckled and eyed me teasingly.


"Do you think I like him?"  Tanong ko, handang paniwalaan ang sasabihin niya dahil kapag nagsasalita siya ay parang nababasa niya ako.


"Halata"  she chuckled. "Don't worry, I'll keep it a secret"  she winked.

Continue Reading

You'll Also Like

35.2M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
708K 25.7K 53
If I will describe her, she is the perfect personification of sinful and forbidden beauty that I am willing to break the prohibition and worship her.
1.9M 94.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...