Sorry, na-inlove na 'ata ako...

By chillfender

2.6K 84 22

Madalas itukso ni Jaryl si Gabriel sa iba't ibang babae sa school. Pero ang hindi nya alam, s'ya ang gusto ni... More

Reto
Tudyo
Bawi
Tuliro
Tatwa
Kaba
Manhid
Hibik
Hinala
Hinayang
Biglaan
Lisan
Kubli
Tensyon
Sabik
Tila
Hintay
Rebelasyon

Dulo

116 5 0
By chillfender

"Gabriel! Okay lang ba kayo diyan?", tanong ng mommy ni Gabriel mula sa labas ng kwarto. Alam ng mga ito na naroon na siya dahil sa mga ito siya humingi ng tulong para sa plano niyang ito. Nang hindi sila sumagot, kusang bumukas ang pinto. Pumasok ang mommy at daddy Ni Gabriel.

"Anong ginagawa niyo diyan sa sahig? Don't tell me diyan na naman kayo matutulog?", tanong ng mga ito.

Agad silang tumayo ni Gabriel at umupo sa kama. Tahimik lang siya at kinakabahan.

"Mom? Alam niyo po lahat ito? For sure, kayo ang nagpatay ng ilaw! Kasabwat po kayo ng lukaret na to noh?", sabi ni Gabriel.

Tumawa lamang ang mga ito.

"Mom? Dad?!".

"Okay okay, yes! Narito rin ang ninong at ninang mo!", ang tinutukoy ng mga ito ay ang parents niya.

"Really? Lahat kayo pinagtulungan ako. Tsk", pagkatapos ay pumasok din ang mga magulang niya. Humalik si Gabriel sa mga ito pero halatang nagtatampo pa rin ito.

"Huwag ka nang magtampo Gab. Narito na nga kami oh. Ayoko na ring itolerate ang kabaliwan ng kinakapatid mo. Ooppss... Parang ang awkward pag kinakapatid ano?", sabi ng mommy Euri niya.

Nagkatawanan naman ang lahat.

Sige na, iiwan na namin kayo diyan. Mukhang hindi pa kayo tapos mag-usap. Behave okay?", sabad naman daddy niya.

Umalis na ang mga ito at naiwan ulit silang dalawa ni Jaryl. This time ay may ilaw na kaya sobrang awkward na sa kanilang dalawa ang sitwasyon. Lalo na yung muntik nang mangyari kanina. Pareho silang tahimik. Walang gustong maunang magsalita. Ni hindi nila matignan ang isa't isa.

Nagi-guilty siya. Sobrang guilty. Kaya naman nung nakita niya ang fake account na sinabi ni Nikko, agad siyang nag-decide na umuwi. Nang malaman niyang sina Aiko lang naman pala ang gumawa nun para malaman kung anong nangyari sa kanya, nagpatulong na rin siya sa mga ito para makatugtog siya noong graduation nila. Pinilit niya ring palitan ng Remember Me this Way ang song na ipeperform ng isang section. Mabuti na lang at pumayag ang mga ito. Dapat ay magpapakita na siya kay Gabriel nung mga oras na yun, pero naduwag siya. At ayaw niya ring masira ang gabi nito lalo na at hindi pa ito nakakapag-speech. Kaya kinausap naman niya ang tita mommy niya na hindi na siya aakyat ng stage at sosorpresahin na lang si Gabriel sa bahay. At yun na nga ang nangyari. At ngayon, hindi niya alam kung paano niya uli ito haharapin.

"Ah...", umpisa ni Gabriel. Hindi na siguro ito makatiis. Nabibingi na rin siya sa katahimikan.
"Baka inaantok ka na? Anong oras na din. Babalik na 'ko sa kwarto ko. Mamaya na lang tayo mag-usap ulit. Marami ka pang ieexplain eh", dugtong nito.

Naalarma siya. Inaantok na nga siya at pagod na rin, pero ayaw niyang umalis ito at lumipat ng kwarto. Paano ba niya sasabihin dito na huwag muna itong umalis? Nang hindi pa rin siya nagsalita ay tumayo na ito.

"Sige Jaryl, mamaya na lang ulit", sabi ulit nito. Akmang aalis na ito nang bigla niya itong hawakan sa braso. Nabigla ito at nabigla rin siya sa ginawa niya. Napatingin ito sa kanya. Nakaupo pa rin siya sa kama habang hawak ang braso nito.

"Dito ka muna, please", bulong niya. Nakatingin siya sa sahig dahil hindi niya kayang salubungin ang mga tingin nito.

"Ha?", tanong nito.

"Please stay with me", bulong ulit niya.

"Hindi kita marinig".

"I said don't leave", mahina pa ring sabi niya.

"Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo Jaryl".

Bumuntong-hininga siya. Tumayo siya at agad itong niyakap.

Matagal.

Walang gustong bumitaw. Walang gustong magsalita. Basta yakap lang nila ang isa't isa na parang wala nang bukas. Hanggang sa umiiyak na pala si Jaryl.

"Hey, what's wrong?", tanong ni Gabriel. Magkayakap pa rin sila.

"N-na-miss lang k-kita. I-I miss y-you s-so m-much Y-Yelo ko!", sagot niya sa pagitan ng mga hikbi.

Lalo namang humigpit ang yakap ni Gabriel sa kanya.

"Sshhh... Tahan na. Miss na miss din kita. Sobra pa sa akala mo! Huwag mo nang uulitin yun ha? Ang umalis ng walang paalam tapos magpapanggap na... Hayst. Mababaliw talaga ako Jaryl!", bulong nito.

Napangiti naman siya sa gitna ng pag-iyak niya.

"Sorry talaga! Promise hindi na mauulit yun!", sagot niya.

"Dapat lang!", tugon nito.

Kumalas ito ng yakap at hinawakan ang mukha niya. Pinunasan nito ang mga luha sa mata at pisngi niya. Pagkatapos ay tinitigan siya nito. Kinakabahan na siya. Mukhang matutuloy na ang hindi natuloy kanina. Nagbuntong-hininga siya.

"Ganito ba talaga ang feeling ng first kiss? Hindi ako makahinga. Para akong nalulunod", sabi niya sa sarili.

Nang papalapit na ang mukha ni Gabriel sa kanya, ipinikit niya ang mga mata niya. But to her dismay, sa noo niya dumampi ang labi ni Gabriel.

"Noo? Ano siya apo ko?", bulong niya.

Nagtatanong ang mga matang tinignan niya ito. Ngumiti naman si Gabriel sa kanya.

"Please don't look at me like that. You have no idea how much I wanted to kiss you!", sabi nito.

Hindi siya sumagot. Nagtataka pa rin siyang tinignan ito.

"Okay... I need to stop myself from that urge kasi nasa kabilang kwarto lang ang parents natin. I don't trust myself that much, you know?! If I kiss you...oh God, I don't know what's gonna happen next", dugtong nito.

"Grabe ka! Anlayo na kaagad ng iniisip mo! Pinagnanasahan mo ba 'ko?", gulat niyang tanong.

"Hey! Watch your words huh?! Pinagnanasahan ka diyan...".

"Aminin mo na!".

"We're too young for this".

"At ikaw pa talaga ang nagsabi niyan ha? Nakakahiya naman sa pagiging babae ko dito!".

"Haha! Sorry. I mean, wag ka na nga mag-isip ng ganun. May tamang oras para dun. Ayokong ma-Bagito noh!".

"Ano bang iniisip ko? Ikaw nga diyan anlayo na ng iniisip mo! Grabe!".

"Are we fighting again?".

"Ewan ko sa'yo!".

"Jaryl naman?!".

"Lumabas ka na nga! Inaantok na 'ko!".

"Please don't shout. Baka marinig pa nila tayo eh!".

"Eh di lumabas ka na nga!".

"Jaryl?!".

"Okay na nga eh. Labas na. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap!".

"Galit ka eh!".

"Hindi".

"If it's because of the kiss....".

"Just stop it okay? Sabi mo huwag nang pag-usapan. Just leave".

Itinulak na niya ito palabas ng kuwarto. Napahiya kasi siya. Nagmukha siyang katawa-tawa sa harap nito. Umasa kasi siya na magkaka-first kiss na siya. Hindi pala. She's only 16 pero para sa kanya true love na niya si Gabriel at sila na ang magkakatuluyan balang-araw kaya naman ready na rin siyang magpa-kiss dito. Pero ito pa ang umayaw, samantalang siya yung babae. Sobrang napahiya talaga siya. Kasi kanina parang matutuloy na talaga, kung hindi lang kumatok ang parents nila. Bakit kaya nagbago ang isip nito?

"Jaryl naman! Huwag ka nang magalit!".

"Hindi ako galit!"

"Galit ka eh!".

"Napahiya ako eh!".

"Ha? What are you talking about?".

"Bakit kasi hindi mo tinuloy? Nagmukha tuloy akong clown sa harap mo! Kasi narealized mo na mas gusto mo talaga si Azelle? Ah! Siguro siya yung first kiss mo noh? Hindi mo siya makalimutan kaya hindi mo maituloy sakin!".

Natigilan si Gabriel. Pagkatapos ay natawa ito.

"So you're thinking na napahiya ka? Nirerespeto lang kita Jaryl ko... I'm sorry kung naoffend ka sa ginawa kong pagcontrol sa sarili ko. I'm sorry!".

"Okay na nga".

"Gusto mo ba talaga?", nagulat siya sa tanong nito.

"Hindi na...", lumayo na siya rito at dumerecho sa kama. "Lumabas ka na, matutulog na 'ko! Goodnight!", dugtong niya habang nakatalukbong ng kumot.

Pero hindi ito lumabas. Narinig niyang ini-lock nito ang pinto at naramdaman niyang lumapit ito sa kanya. Nang tanggalin niya ang nakatakip na kumot sa mukha niya, mukha ni Gabriel ang bumungad sa kanya.

"I love you so much Jaryl! Now tell me to stop...", bulong nito pagkatapos ay hinalikan siya bigla sa lips.

-----end----


*****
Sorry po if bitin. Hehe. Mahirap po talagang gumawa ng ending. Eniweiz, I'm currently writing na po yung sequel nito para naman malaman niyo rin yung nangyari sa ibang characters. Abangan niyo po "I Don't Wanna Fight (no more)". Please follow my account para makita nyo po ung story. Don't forget to vote po. Thank you!

Song: 'I Believe' by Jimmy Bondoc

Until next story... 😉😉😉😉😉😉

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...