My Boyfriend is a Ppop Idol (...

By itsyagalTreesha

1.9K 96 4

Ordinaryong babae na nahulog sa isang idol pero habang tumatagal si idol nag kakagusto na rin. Ano kaya mangy... More

DISCLAIMER
My Boyfriend is a Ppop Idol CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
Chapter 5
Chapter 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 21 * F I N A L E*

102 6 0
By itsyagalTreesha

"4 Years and half months later"

Apat na taon na nag daan pero wala paring balita si Ken kay Erin kung nasaan man ito o kung ano ang gingawa niya kaynag focus nalang siya sa career niya dahil mas lalo na silang naging busy dahil unti unti na silang nakikilala international at kabi-kabilang interviews ang pinupuntahan nila sa isang linggo. Nag wo-workshop narin si Stell para sa kanyang debut bilang isang actor, mas lalo na rin silang nakilala sa buong pilipinas at tinatawag na Kings of PPop. Sabay sabay na dumating sa Showbt ang apat kaya habang nag lalakad  nakikita nila lahat ng mga achievments nila
"Waaaaaa ang dami nanaman nating letters at gifts na natanggap mula sa Atin" sabi ni Justin
"Mmmmm hindi talaga sila nag sasawang sumuporta satin" sabi ni Stell
"Kaya nga suklian natin sila ng magagandang musics at masasayang memories with them" sabi ni Sejun
"Oo nga, mas galingan pa natin ng 100% para sa Atin at sa lahat ng mga mahal natin sa buhay" sabi ni Josh
"Teka bat kulang tayo?" Sabi ni Justin
"Oo nga asan si Ken?" Sabi ni Stell
"Malalate daw siya ngayon, andon pa sa apartment niya" sabi ni Sejun
"Hintayin nalang natin siya sa practice room" Sabi ni Justin.

Samatala si Ken kagigising palang at nag hahanda ng kape niya habang naka upo sa dining area ng apartment niya. Tatlong taon ang nakakalipas, lumipat siya sa apartment na dating tinutuloyan ni Erin at wala siyang ni isang binagong style at ganun parin ang nag bago lang ay wala na lahat ng pictures nila na nakalagay kahit saan sa bahay ang natira nalang ay ang nakuhang pictures ni Ken mula sa nabasag na frame at inilagay niya sa bagong frame. Nakapatong naman ito sa may side table ng kama niya.

"Good morning po"
"Good morning"
"Good morning miss Agustin" isa isang bati ng empleyado ng GBC kay Erin habang nag lalakad papasok ng building.

"Congrats Miss Agustin magiging anchor kana " sabi ng isang board member sabay kamayan nila
"Mmmmmm deserve naman niya yun, tsaka dahil sa mga sinulat niyang documentary mas tumaas pa lalo ratings mg GBC"
"At di lang yun nanalo ng best documentary lahat ng sinulat ni Miss. Agustin" sabi pa ng isa, nakangiti lang si Erin habang naririnig ang lahat ng papuri na binabato sa kanya
"Ready ka na ba para sa debut mo bilang anchor?" Tanong ng isa
"I'm always ready ma'am" nakangiti niyang sabi
"Ohhh~~~ i like the confidence" sabi ng isa, habang nag tatawanan sila isang batang babae ang yumakap sa may hita ni Erin
"Oh?" Sabay silip ni Erin sa bata, hanggang tenga ang ngiti ng bata pag kakita niya kay Erin
"Excuse me lang po" nakangiting paalam ni Erin sabay hawak sa kamay ng bata at dinala sa may bench na malapit lang sa pwesto ng mga board members at director
"What are you doing here? You startled me hmmmm" sabay gulo sa bangs ng bata
"Nasan daddy mo? Why are you alone?" Tanong niya
"There! Hes talking to someone and i get bored" Sabay turo ng bata sa papalapit na si Christopher
"Daddy's here" sabay niya
"Tssssk, bat mo hinayaan si Ericka na mag isang nag lalakad sa building? Pag nawala to? Anong gagawin natin?" Panenermon ni Erin kay Christopher
"Chill dito ko lang naman sa building pinapayagan na mag isa si Ericka, may nakasunod sa kanya na body guards and kilala na siya dito" sabi ni Christopher sabay pakita sa bodyguard ng 3 years old na si Ericka
"Tssssk ulitin mo pa to bibigwasan na kita" sabi ni Erin.
Nasa isang resturant silang tatlo habang nasa kabilang table naman ang tatlong body guard ni Ericka.
"Aglio e olio talaga favorite ah" nakangiting sabi ni Christopher kay Erin kaya ngumiti ito pabalik
"So Balita ko haharap ka na daw sa camera bukas? Ano? Excited ka na ba?" Tanong ni Christopher
"Syempre ito na pinapangarap ko"
"Hmmmm congratssss, alam mo na ba ano ibabalita mo?"
" Hindi pa pero sabi nila bukas ko pa malalaman"
"Talaga!!! well goodluck" nakangiting sabi ni Christopher.
Pasakay na sila sa kotse nila at siya ring pag baba ng SB19 sa kotseng sinasakyan nila para kumain sa kinainan nila Erin.
"Masarap ba dito Josh?" Tanong ni Stell
"Syempre no ererecommend ko ba to kung hindi?" Sabi ni Josh habang si Ken ay tinignan na ang menu
"Oh? Favorite niya to" mahinang sabi ni Ken
"Ha?" Tanong ni Justin na kaharap niya
"Ahh wala wala" sabi ni Ken
"Ano na? Oorder na ba kayo?" Tanong ni Sejun, si Ken nalang ang huling hindi pa nakakaorder kaya tinanong nila ito
"Aglio e olio nalang sakin" nakangiting sabi ni Ken
"Kumakain ka niyan?" Tanong ni Sejun
"Mmmm gusto ko nga yan ee, masarap yan e pares sa Valpolicella Ripasso wine"  sabi ni Ken.

" 4 Years ago"
"Ayaw mo na ba talaga siyang kausapin tungkol sa inyong dalawa?" Tanong ni Glaz
"Siguro may tamang panahon para magkusap kaming dalawa di lang talaga siguro ngayon, ewan baka ayaw ng universe. Sinubukan ko naman na habulin siya pero parang pinaglalayo talaga kaming dalawa. Tsaka siguro kung kami talaga magkikita at mag kikita parin kami di lang siguro sa ngayon" mapait na ngiting sabi ni Erin habang nag iimpake ng mga dadalhin niyang gamit.
******

"Ano? Hatid ka na namin?" Tanong ni Christopher sa condo unit ni Erin
"Sure, may early interview din ako ngayon sa mga guest mamaya sa news" sabi ni Erin
"Daddy i wanna poop!!" Biglang sigaw ni Ericka
"What? Ngayon pa talaga ahh!!" Sabi ni Christopher
"Okay, come" sabay hatid niya sa anak niya, tinawagan naman ni Erin ang isang staf niya sa opisina para ipaalam na malalate siya kunti.
"Ahhh excuse me kasama ka ni Miss Hong diba?" Sabi ng staf
"Ahh oo bakit po?"
"Ahh paki sabi na malalate kunti si Miss. Agustin, kung okay lang mag hintay kunti and sabihin niyo lang kami kung may kailangan kayo"
"Ahh oh sige" sabay alis ng kasama ni Ms. Hong
"Ohh wala dito si Miss Hong?" Sabi niya sa limang lalaking nakaupo sa harap ng salamin
"Wala may tinawagan pa" sabi ni Sejun
"Ahh ganun ba paki sabi na rin na malalate si Ms. Agustin"
"Ahhh sige ako bahala" sabi ni Sejun
"Agustin? Hindi kaya si Erin yan?" Pabirong sabi ni Justin
"No kaba ang tagal na nating walang balita doon tsaka impossible no sana nakita na natin siya sa tv noon pa" sabi ni Stell
"Kaya nga ikaw talaga Jah ang wild ng imagination mo!!" Sabi ni Josh habang si Ken ay nakikinig lang sa pag uusap nila at biglang bumilis ang tibok ng puso pag karinig sa pangalan ni Erin.

"Ayan kasi!"sabi ni Erin kay Christopher
"Ahhhhhsh kailangan na talaga natin mag pakasal" biglang sabi ni Christopher
"Ang hirap hirap pag walang mommy ang anak ko" dugtong pa niya
"Di kaya magalit si Emely niyan? Baka multohin ka!" Sabi ni Erin
"Ano? Hindi ah siya pa nga may sabing mag hanap ako ng tatangap kay Ericka at mamahalin parang sariling anak, nakakatuwa nga ee hinihiling niya sakin na ikaw nalang and i told her na mayron ng nakareserve sa puso mo hahaha" sabi ni Christopher
"Tssk hahaha totoo naman ee, pero alam mo proud ako sayo kasi kahit na wala sa plano niyo to hindi mo parin tinakasan responsibilidad mo bilang tatay kay Ericka, sayang lang hindi na niya makikitang lumaki si Ericka pero alam kong proud sayo yun" sabi ni Erin habang nakangiti
"Tsaka makakahanap karin ng babaeng mas mamahalin ka pa at si Ericka" dugtong niya
"Tssskk hahaha tama na nga to!!" Sabi ni Christopher sabay gulo ng buhok ni Erin
"What are you doing?" Biglang sabat ni Ericka sa dalawa
"Hey? Did you wipe your butt?" Tanong ng papa niya
"I didn't poop i just pee" sabi ni Ericka
"Mama Erin, are cheating with daddy?" Biglang sabi niya na ikinagulat ng dalawa at nag katinginan
"What?" Sabay nilang tanong
"You told me na mama Erin have special someone na and her heart is already reserved!! So why you like that!" Natatawa naman si Erin sa sinabi ng anak ng bestfriend niya
"You know what little unicorn! Ang dami mo ng alam, lets go ----Mama Erin will be late!" Sabi ni Christopher sabay karga kay Ericka, habang si Erin ay nakangiting pinapanood na nagkukulitan ang mag ama.

Nakarating na sila sa GBC building ang di alam ni Erin na nag hihintay na ang SB19 sa kanya, hindi rin nila alam lahat ang mangyayari sa ilang saglit lang. Naiwan naman si Ericka kay Erin dahil may board meeting pang pupuntahan si Christopher.
"Ericka don't go anywhere okay?" Sabi ni Erin kay Ericka habang naghahanda ng ayusan ng buhok.
Busy ang lahat kaya di nila napansin si Ericka na sinundan ang isang staf papalabas dahil sa unicorn na I'd lace nito. Habang nag lalakad si Ericka sa corridor isa isa niya binukasan ang pinto ng dressing room at nakaabot na siya sa pangatlong kwarto
"Unicoooorn!!" Sigaw niya pag kakita niya sa I'd lace ng staff na kasama nila Ken kaya nag sipag lingonan ang lima pati ang iilang staf na nandon
"Oh? Hi baby!!!" Sabi ni Stell
"Hello!" Sabay kaway ni Ericka
"Ang cute mo naman" sabi ni Sejun
"Thank you po" sabi ni Ericka kaya nag sipag tawanan silang apat
"Bat andito ka? Naliligaw ka ba?" Tanong ni Justin
"I saw a Unicorn and i followed it here"
"Ohh gusto mo ng unicorn?" Tanong ni Josh, napanpsin naman niya si Ken na kumakain ng grapes kaya lumapit ito sa kanya
"You love grapes? I love them too, can i have some?" Sabi ni Ericka
"Yuko nga, di ko naman ikaw kilala ee" sabi ni Ken
"Hoy Ken!!! Papaiyakin mo pa eee" sabi ni Stell
"Bigyan mo na bala ka pag umiyak yan!!" Sabi ni Justin
"Sira talaga tong si Ken" natatawang bulong ni Josh
"Hindi joke lang kayo naman!, oh ito kainin mo ng dahan dahan baka mabilaukan ka" sabi ni Ken sabay kuha kay Ericka at kalong nito, hindi naman pumalag si Ericka
"Sino ba kasama mo? Bat mag isa ka lang?" tanong ni Sejun habang pinapalibotan nila si Ken at Ericka
"My daddy working, Mama is doing her make up for the interview" sabi ni Ericka habang may grapes na kinakain.

"My god, asan na si Ericka ahhhhh, please tulongan niyo naman ako" sabi ni Erin sa mga staf nila. Isa isa namang binuksan ni Erin ang pinto ng dressing room.

"Kuha lang ako ng tubig" sabi ni Ken sabay bigay kay Ericka kay Stell. Hindi nila alam dalawa na nakahawak na sila sa doorknob ng iisang pinto sabay hatak ni Ken ng pinto ng malakas
"Ohhhh~" sigaw ni Erin bago lumading sa dibdib ni Ken
"Ahhh ang noo koo" sabi ni Erin habang hawak hawak niya
"Sorry" simpleng sabi ni Erin habang hawak hawak ang noo niya kaya natatabunan niya ang mukha at di nakilala agad ni Ken, napansin agad ni Erin si Ericka kaya nilagpasan niya si Ken, nakatingin lang si Ken sa kanila pero hindi pandin niya nakikita ang mukha ng taong kaharap niya, ang taong matagal na niyang hinahanap
"Mama!!" Sigaw ni Ericka sabay lingonan ng apat kay Erin. Dali dali naman siyang nagpunta sa bata pero natigilan siya pag kakita sa apat pati nadin sila na tigilan
"Teka, Stell?" Sabay lingon sa katabi ni Stell
"Josh?, J-Justin?, Sejun" bigla nalang siyang kinabahan at dahan dahan na humarap sa likod niya, napatayo ang apat habang hawak hawak ni Sejun si Ericka sa kamay

"Ken" bulong niya.

Nakatulala lang si Erin habang nakatitig naman si Ken sa kanya, halo halong nararamdaman niya gusto niyang yakapin si Erin pero may pumipigil dito
"Mama!!!!" Maasayang sabi ni Ericka sabay takbo kay Erin at yakap sa may hita nito kaya nabalik sa sarili si Erin
"Oh?!!" Sabay tingin sa bata at luhod para mag kapantay sila
"Ericka!! Diba sabi ko sayo wag kang lalabas ng kwarto?"
"Sorry po mama, i saw a unicorn and i want to play with them" sabay turo sa lima, tumayo naman si Erin at tinignan ang apat na naka tayo at hindi rin makapaniwala sa nakikita
"Sorry guys, sadyang makulit lang talaga tong si Ericka and salamat narin na kayo ang nakakita sa kanya" sabi ni Erin
"Ahhh sige alis na kami" sabay labas ng dalaw, sinundan naman ni Ken ng tingin si Erin habang tahimik lang na pinapanood ng apat si Ken.
"Si Erin talaga yun diba?" Tanong ni Stell
"Ohhh, pero may anak na siya?" Sabi ni Sejun
"Posible ba yun?" sabi ni Josh
"Syempre posible talaga ang tagal na nilang hindi nagkikita baka nakakita na siya ng iba sa 4 years" Sabi ni Justin
"Ano plano mo Ken? kakausapin mo ba siya? Tagal mo ng hinahanap si Erin ito na yun" sabi ni Stell, nakatingin lang si Ken sa baba habang malalim ang iniisip.
"Pero kasal na si Erin" sabi ni Josh
"Wala akong napansin na singsing sa daliri ni Erin----" sabi ni Sejun
"Pano mo napansin yun?" Tanong ni Justin

Nakatulala lang si Erin habang nakaharap sa salamin at hinahawakan ang kwintas na binigay ni Ken sa kanya na suot-suot niya at singsing naginawang pendat
"Erin!" Tawag ni Christopher
"Oh?"
"Okay ka lang?"
"Ahh oo, ang aga mo ata na tapos?" Tanong niya
"Ahh oo, mabilis lang naman e, by the way nakatulog na si Ericka sa kabilang kwarto nandon na din ang  body guard niya, kailan kayo mag s-start?"
"10 mins, ready na daw sila"
"Kakausapin mo ba siya pag tapos nito?" Biglang tanong ni Christopher
"Ewan natatakot ako, parang ngang galit pa siya sakin. Hindi ako makatingin sa kanya kanina, nagu-guilty ako---- gusto kong ipaliwanag lahat sa kanya pero napakahaba na ng 4 years hindi na siya maniniwala sakin"
"So anong silbi ng apat na taong pag hihintay mo para lang makausap mo siya?--- mahal mo pa siya diba?"
"Oo, pero?---"
"Ano na namang pero? Wag mo na idahilan ang dinahilan mo noon, ikaw rin baka mag sisi ka na naman sa huli ito na yung pagkakataong mabalik mo siya buhay mo, o kung hindi man makahingi ka lang ng tawad at closure niyong dalawa. Kaya ka nakakulong sa past niyo kasi hindi niyo pa napapatawad isa't isa kung sa palagay mo dito nalang talaga its better to say sorry para makapag move on na kayo" dahil sa sinabi ni Christopher ay natahimik si Erin.

"Okay Ms. Agustin ready ka na po ba?" Tanong ng director
"Opo direk" sagot niya
"Yung mga guest, SB19 standby" sigaw ng staf
"Okay, we will start in 3 2 1 go!"

"Magandang gabi, Siguradong matutuwa ang mga kabataang humahanga sa grupong ito dahil nandito mismo sila, live sa GBC news ang SB19" nakangiting sabi ni Erin

Sa kalagitnaan ng interview niya nag dadalawang isip ito kung itatanong niya ba ang susunod sa listahan ng pinili ng staf
"Ahhmmm" palingon lingon niyang sabi sa crew at direktor habang sinisinyasan siya na ituloy ito
"Me-meron ba kayong nagugustohan ngayon? O- o crush, celebrity crush" nauutal niyang tanong, pero dahil sa parte ito ng trabaho niya naging professional ito. Isa isa namang sinagot mg apat ang sagot pero tahimik lang at diretsong nakatingin si Ken sa kanya kaya sininyasan na ni Sejun si Ken
"Wala" diretsong sagot ni Ken naikinagulat ni Erin, biglang napansin ni Ken ang kwintas na soot ni Erin
"Ahh haha, syempre artist sila busy sa mga trabaho nila kaya siguro ganun hahaha, focus muna sa career" sabi ni Erin kahit napipilitin ito nakangiti lang ang apat habang si Ken
"Pero!" Pamumutol ni Ken kaya nagsitinginan silang lahat sa kanya
"May dahilan bakit wala" kinakabahan si Erin sa kung anong sasabibin ni Ken sa live broadcast
"May kaibigan ako, mahal na mahal niya yung taong yun ayaw niyang mawala to sa buhay niya pinaglaban niya pa to kaso yung taong yun iniwan lang siya sa huli for unknown reason" seryusong sabi ni Ken, alam naman ni Erin at ng apat kung sino tinutukoy niya
"Ahh haha kaya siguro ayaw mo nang mag mahal kasi---"
"Pero nalaman ng kaibigan ko kung ano talagang dahilan bat siya iniwan ng taong mahal niya, for his sake" sabi ni Ken habang hindi tinatanggal ang tingin niya kay Erin, pinigilan namang mapaluha ni Erin sa harap ng lahat.

"Erin Agustin GBC news" nakangiting sabi ni Erin pag katapos ng live broadcast nila
"OKAY GOOD JOB!!!" sigaw ng director. Nag sisipag ayos na ang lahat para iligpit lahat ng gamit nila, habang nagkakagulo ang lahat sa pag aayos biglang may humawak sa kamay ni Erin na ikinagulat niya
"Mag usap tayo" sabay hila sa kanya.

Binuksan ni Ken ang pinto ng rooftop habang hila-hila si Erin, tahimik lang ang dalawa ang nag hihinta kung sino mauunang mag salita
"Mag uusap ba talaga tayo? Kung hindi babalik na ako doon, hinahanap na ako ni Ericka sabay lakad palayo ni Erin pero bigla siyang natigilan at nagulat sa pag yakap ni Ken mula sa likod niya
"Uulitin ko sinabi ko 4 years ago hindi mo kasi sinagot ang tanong ko" sabi ni Ken, naluluha na si Erin at ano mang oras ay mahuhulog na ito sa mga mata niya
"Uulitin ko sa huling pagkakataon kasi hindi mo ko sinagot noon, akala ko babalik ka kaya ilang oras ako nag hintay sayo doon sa park,  Sabihin mo ulit sakin na hindi mo na ako mahal papakawala---"

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay ni Erin kay Ken habang umiiyak na ikinagulat naman ni Ken
"Oo na mahal kita, mahal na mahal kita to the point na pinag sisisihan kong ginawa ko yun sayo. Araw araw kong pinagsisisihan na sinaktan kita! Hindi mo man lang nalaman kung bakit ko yun ginawa" Umiiyak niyang sabi
"Sorry, sana sinabi ko sayo agad pinapagawa ni Glent sakin noon sana hindi tayo umabot dito----" sabi ni Erin, niyakap naman ni Ken si Erin ng mahigpit
"Namiss kita!" Biglang sabi ni Ken, kumawala si Erin sa pag kakayakap
"Sorry"
"Alam ko na lahat Erin, wag ka ng mag sorry alam kong hindi mo gusto yun. Naiintindihan kitang ginawa mo lang yun para sakin pero sana sinabi mo sakin para sabay nating hinarap yun. Mag sosorry rin ako dahil hinayaan kitang mag isang nahihirapan sa ginawin mo"
"Sorry Ken----- Sorry" inangat ni Ken ang ulo ni Erin na nakayuko habang umiiyak
"Ssshhhh, ayokong makita kang umiiyak" sabay punas ng luha

"I love you Erin"
"I love you Ken"

Unti-unting inilapit ni Ken ang mukha niya kay Erin hanggang sa nag dikit na ang kanilang mga labi, dahan dahan iginalaw ni Ken ang labi niya at ginantihan naman ni Erin ang halik ni Ken sa kanya.

Magkasabay na bumaba ang dalawa sa rooftop at doon nila nakita si Sir Charles habang naghihintay sa iba
"Erin?" Sabi niya kay Erin
"Sir" sabay bow ni Erin habang nakangiti
"I heard that this is your debut as an anchor---- congrats Erin"
"Thank you Sir"
"So how are you guys?" Sabay tingin niya sa dalawa, natahimik naman ang dalawa
"Remember what i said 4 years ago?" Medyo nakangiting sabi ni Sir Charles
"Yes sir now that i met you here, i clearly remember what you said to me that day. Thank you Sir" sabay bow ulit ni Erin, tinapik naman ni Sir Charles ang balikat ni Ken.

"4 months later"

"Another milestone nanaman ang nakamit ng grupong SB19 matapos nilang mahakot ang halos lahat ng awards sa isang music awards show, hindi na talaga maitatanggi ang pag Go Up ng grupo lalo na ngayon sa bago nilang single. Congratulations A'TIN and SB19 kayo ang pride ng pilipinas at ang King of Ppop.
Muli Erin Agustin para sa GBC news" nakangiting sabi ni Erin
"Okay Cut!!" Sabi ng director
"Waaaa wala talaga akong masabi sayo Ms. Erin, isa ka sa mga the best na news anchor ng kompanya" sabi ng Director
"Salamat po direk mauuna na po ako ah!" Sabi ni Erin sabay patakbong bumalik sa dressing room at nag palit ng damit
"Ano okay na ba to?" Tanong niya kay Janine na nag hihintay sa kanya
"Oo no maganda ka na, tara na at malapit na mag simula" sabi ni Janine sabay hila kay Erin palabas ng kwarto
"Teka ang bag ko!!!" Sabi ni Erin sabay takbo papasok ulit sa kwarto at kinuha ang bag na may lamang lightstick ng SB19.

"Naririnig ko hanggang sa labas ang mga sigawan ng sumusuporta sa SB19, ganun nalang ang gulat ko noong halos mabingi ako sa tilian nila pag pasok namin sa Arena, dumadami na sila dumdami na ang humahanga sa kanila. Hanggang ngayon tago parin relasyon namin ni Ken pero okay lang siguro may tamang panahon para masabi namin sa buong mundo na nagmamahalan kami. Syempre mahal niya rin ang A'TIN kaya lang hindi pa namin pwedeng sabihin sa kanila. Ayan na mag sisimula na sila, hmmmmm ang galing talaga ni Ken kung pwede lang talagang isigaw na
My Boyfriend is a Ppop Idol gagawin ko talaga pero ngayon tili-tili muna tayo dito sa kinatatayuan ko na parang normal na fan lang"

-ERIN

Continue Reading

You'll Also Like

223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
82K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
8.6K 955 51
Status: COMPLETED || SORRY FOR ALL THE ERRORS; GRAMMATICALLY AND TYPO'S || UNEDITED The most magical feeling for one person is to be inlove but what...