CHAPTER 13

56 4 0
                                    



Nakasandal si Erin sa balikat ni Ken habang nanunood sila ng anime at kumakain ng icecream
"Waaaa, namiss ko tuloy yung amusment park" sabi ni Erin habang pinapanood ang isang scene sa amusment park ng palabas
"Talaga?"
"Mmmmm ang saya siguro no tayong dalawa mamamasyal sa amusment park, nasa bucket list ko kasi yun eee" nakangiting sabi ni Erin sabi sabay subo ng icecream.







Nag aayos ng gamit si Erin sa dressing room mag isa ng biglang bumukas ang pinto kaya napa harap siya sa taong pumasok
"Myra? May kailangan ka?" Tanong niya kay Myra na seryusong nakatingin sa kanya
"Ang galing mo naman mag tago ng sekreto" biglang sabi niya
"Ha?"
"Kung hindi ko pa nakita lahat yun hindi ko talaga malalaman"
"Ano bang pinag sasasabi mo?" Nag tatakang tanong ni Erin
"Nag d-date kayo ni Ken diba?" Seryusong sabi ni Myra
"Haha. Nag papatawa ka ba?"
"Wag ka ng mag maang maangan pa, i saw everything!!, storage room kayo nag d-date? how cheap naman! Patago ka niyang hinahatid sa bahay mo, mga titigan niyo sa isat isa. Kaya ka pala close sa lima!!"
"Myra---"
"Bakit? natatakot ka? natatakot ka malaman ng lahat?.... Pano kaya kung malaman ng lahat?" nakangiting sabi ni Myra
"Myra please---"
"Bakit? Ayaw mo non? sisikat ka na. Ahhhh alam ko na kaya mo sinagot si Ken kasi alam mong sikat na siya ngayon!! Ginagamit mo siya!!"
"Hindi ko ginagamit si Ken"
"Napaka easy to get mo naman!! Ano? First day mo pa lang dito nilalandi mo na si Ken?"
"Nagkakamali ka!!---" bigla namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang staf
"Oh? anong ginagawa mo dito Myra? may practice pa kayo ah?" sabi ng staf
"Ahh oo nag uusap lang kami ni Erin, pabalik na nga rin ako ee" nakangiting sabi niya
"Mmmmm" sabay alis ng staf
"Pasalamat ka hindi ko pa sinabi sa staf ang nalaman ko"
"Salamat Myra"
"Ano? Haha hindi ko yun ginawa para sayo, kapal naman. Para kay Ken yun! Kaya kung ako sayo bago ko pa sabihin lahat ng nalalaman ko hiwalayan mo na siya habang maaga pa! Ayaw mo naman sigurong masira si Ken dahil sayo diba?" Sabay alis ni Myra.


Naglalakad si Erin papauwi habang wala sa sarili niya iniisip parin niya ang mga sinabi ni Myra sa kanya. Nagulat nalang siya ng humawak sa noo niya at napatigil
"Mabubunggo ka na sa poste!!" Sabi ni Christopher
"Ha?" Sabay tingin sa poste sa harap niya
"Ahh salamat" mahinahong sabi niya
"Are you okay? bat parang wala ka sa sarili mo?"
"Ahhh oo ayos lang ako marami lang ako iniisip, nga pala bat nandito ka?"
"May dinner meeting kasi ako malapit dito kaya naisipan kong dumaan sa Showbt ee nakita kitang papalabas ng building hindi mo nga ako napansing kumaway sayo kaya sinundan nalang kita. Ano ba kasi iniisip ko para hindi mo mapansin ang poste nato?"
"May nakahuli na samin ni Ken"
"Ano?"
"Natatakot ako baka kasi sabihin niya sa lahat tungkol samin ni Ken. Baka ako pa dahilan para ibash ng fans nila oag kumalat sa lahat" nakayukong sabi ni Erin
"Erin talaga bang mahal ka niya?"
"Anong klaseng tanong naman yan syempre oo"
"Kung ganun dapat lang na ipakilala ka niya sa lahat tsaka kung tunay na sumusupporta sila kay Ken hahayaan nilang sumaya idol nila. Sigurado namang maiintindihan nila yun, tao rin naman kayo eee may karapatan din kayong magmahal"
"Hindi mo naiintindihan, syempre sikat siya ee ako? tsaka ako naman talaga ang ayaw na ipag sabi sa lahat na may relasyon kami. Papano nga kung masira career niya, hindi naman lahat ng tao maiintindihan kami hindi lahat ng tao matatanggap kami"
"Erin, sana hindi mo pag sisihan to bandang huli" sabi ni Christopher.




"Ken!!" Tawa ni Myra kay Ken na nag iisa sa practice room
"Oh!" sabay punas ng pawis niya
"Sama ka ba samin? i mean kayo nila Sejun, may pa pre debut party kami" nakangiting sabi ni Myra
"Ahh pass muna ako, sila tanungin mo baka sasama sila. Sige una na ko may pupuntahan pa ako" sabi ni Ken sabay talikod kay Myra at hawak sa door knob
"Pupunta ka kay Erin" biglang sabi ni Myra dahilan para mapa tigil si Ken sabay harap
"Pano nasali si Erin sa usapan?"
"Hmmmm--- sabihin nalang natin na may nalaman ako tungkol sa status niyong dalawa" sabi ni Myra
"Pinagsasasabi mo?"
"Hahaha, wag mo na itangi Ken bala ka masasaktan si Erin pag narinig niya to"
"Sige sabihin nating kami nga, eee ano naman sayo?"
"Kung sa tingin mo walang kwenta sakin pano kaya sa iba? pano kaya kung malaman nila? Pano kung lumabas sa publiko edi ibig sabihin lang non, masisira private life ni Erin hahahaha"
"Kung ako sayo lalayoan ko na si Erin" sabi ni Ken
"Bat ako? dapat ikaw! Kung ako sayo hihiwalayan mo na siya bago ko pa ipagkalat sa lahat kung anong meron sa inyo!!" Hinawakan ni Ken si Myra sa braso ng mahigpit
"Ano ba nasasaktan ako!!"
"Hindi ako nananakit ng babae pero sumusibra kana hindi rin ako natatakot sayo! Dapat nga sakin ka matakot e, gusto mo rin bang di makapag debut? pano kaya kung isumbong ko kay tatang ang mga pangbubully mo sa kagrupo mo?! Pano kaya kung sabihin ko sa kanila na pagtulongan ka para matanggal ka sa grupo niyo at tuloyang di makapag debut? Akala mo hindi ko alam to ha!! Si Mary, kaya niya inaway si Erin dahil binibilog mo ulo niya! Akala mo hindi ko rin yun alam!! Noong araw na inaway ni Mary si Erin nakita kita sa rooftop, narinig ko rin pinaguusapan niyo nang kaibigan mong editor!!"
"Nasasaktan na ako!!" Sabay tanggal niya sa kamay ni Ken
"Sa susunod kung gusto mo mang banta siguraduhin mong walang ka rin ginagawa para ibanta sayo pabalik!, isa pa wag na wag mo ng lalapalitan si Erin at takotin malaman ko lang sorry tapos lahat ng pangarap mo!!" Sabay alis ni Ken at iniwan si Myra na napaupo sa sahig habang umiiyak sa inis.

"Woah! Ang gwapo naman niya!!"
"Siya yung bagong manager?"
"Luhhh ang gwapo naman niyaaaa!!"
Bulong bulongan ng mga babaeng empleyado ng Showbt sa nag lalakad na lalaki
"Mr. Gonzaga! Welcome to our company. Finally you're here, Mr. Robin and Sir Charles  is waiting for you" sabi ni Ms. Hongganda
"Ahhh okay, thanks" nakangiting sabi ni Mr. Gonzaga habang naka pamulsa at nakipag kamay kay Ms. Hongganda.

"Thank you Mr. Gonzaga" sabay handshake kay tatang pagkatapos permahan ang kontrata
"Thank you too, please take good care of me" nakangiting sabi ni Mr. Gonzaga
"We will!!" Nakangiting sabi ni Tatang
"Please follow me, i'll introduce them to you" sabi ni Ms. Hongganda.
Papunta sila sa rehersal room para ipakilala sa SB19 ang bagong manager nila.

My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Where stories live. Discover now