Idols (Suzy x Rosè)

By minminpenguinn

22.3K 601 544

"Would you dare to fall inlove with me?" More

Authors Note
i
ii
iii
iv
v
vi
vii
viii
ix
x
xi
xii
xiii
xiv
xv
xvi
xvii
Everything I do, I do it for you.
Everything I do, I do it for you.
Gone
Dead and Gone
I can feel the pain, can you?
commercial break
Roses and I

xiii

610 21 9
By minminpenguinn

Suzy POV


"Update mo ko pag nakauwi na kayo ha?" masayang sabi ng baby ko sa harapan ko. Sa di kalayuan ay naghihintay sakanya yung mga kaibigan niya at nakatingin samin.


"Okay, ikaw rin magingat ka at magupdate ka okay?" sabi ko sakanya habang inaayos ko yung buhok niya. Nakita ko naman na napangiti siya sa ginawa ko at kinuha niya yung kamay ko at hinalikan niya yun, dahilan para mapangiti ako ng malaki. "Sige na, pumunta ka na dun hinihintay ka na nila." sabi ko sakanya at hinalikan niya na ko sa noo.


"Diba sabi ko sa lips?" sabi ko sakanya and I peck on her lips. At sumakay na sa sasakyan ni Jieun. Maya maya ay nakita ko na kinakatok niya yung bintana ng sasakyan at binuksan ko yun.


"Pasaway ka talaga!" namumulang sabi niya at natawa naman ako. "Sige na, pumunta ka na dun. Magpakabait ka ha?" sabi ko sakanya at natawa naman siya. Nakita ko na patakbo siyang pumunta kila Lisa na ngayon ay inaasar siya. Natawa naman ako, minsan matured siya magisip pero kung kumilos siya para pa rin talaga siyang bata.


"At kailan ka pa naging PDA Suzy?" natatawang tanong sakin ni Jieun habang nag da-drive.


"At kailan mo pa gusto si Lisa ha Jieun?" diretsong tanong ko sakanya at nahalata ko naman na nagpanic siya. Gotcha!


"Kaya pala hindi ka nag bo-boyfriend. Yun pala may iba ka na-"


"Sssssh!!" sabi niya at natawa naman tuloy ako. Ang obvious niya kasi.


"Hay nako Jieun, sa iba na lang." sabi ko sakanya, ayoko siyang magka problema sa lovelife. Lalo na taken na si Lisa kay Irene. Isa pa, hindi biro attitude ni Irene pagdating kay Lisa. Talagang handa ata siyang makipag gera sa aagaw kay Lisa.


"Ayoko. Hayaan mo na ko. Hanggang tingin lang naman ako eh" malungkot na sabi niya at tinignan ko naman siya. Sa tagal na panahon na kasama ko si Jieun, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Hay siguro nga talagang may something kay Lisa at pansin ko ay lahat sila may gusto sakanya.


Tahimik lang kami habang nasa byahe. Hindi na nasundan yung topic namin kanina. Hindi na rin ako nagsalita kasi feeling ko iiyak siya. May tiwala rin naman ako kay Jieun na hindi siya gagawa ng mga bagay na ikakagulo ng buhay niya.


"Jieun, anong tingin mo kay Joy?" tanong ko sakanya at napatingin naman siya sakin.


"Gusto niya si Rosè. Halata naman. At feeling ko alam ng lahat yun."


"Yun rin nga pansin ko. Gusto ko nga magalit kay Rosè kanina dahil sa ginawa niya, pero naisip ko bakit? Kasi parang napaka inosente niya. Wala siyang alam sa feelings ni Joy sakanya" sabi ko sakanya at nag agree naman siya sa sinabi ko. Napaka soft kasi ni Rosè, nakita ko kung pano siya mag care sa mga kaibigan niya.


"Na kwento rin ni Jisoo na dati ay palaging magkasama si Joy saka si Chaeng. Most of the time pa daw nga. Minsan nag oovernight si Rosè dun sa dorm ng redvelvet. Madalas kasama siya nila Lisa at Irene sa date nila. One time rin nakita ko sila na magkasama sila. Akala ko nga non lovers rin sila"



Napatingin naman tuloy ako sa view sa labas. Napatanong tuloy ako sa sarili ko. Kung hindi ba ko dumating sila ba dapat ngayon? Pero kung matagal na silang magkasama pala, bakit hindi naging sila? Mga bagay na naglalaro sa isipan ko ngayon.


"Tingin mo nagustuhan siya ni Rosè?" tanong ko kay Jieun na naptingin sakin ngayon.


"Magtiwala ka lang sa pagmamahal sayo ni Rosè kung ayaw mo kayo magkagulo okay?" sabi niya sakin at napatungo naman ako.


"Hindi ko alam, kanina alam mo ba? Nung lumapit si Joy para bigyan ng towel si Rosè. Feeling ko lahat ng yun para kay Rosè. Napilitan lang siya ibigay sakin yung isa dahil nakatingin ako sakanya."


"Oo, na overheard ko nga kanina yung towel na yun binigay sakanya ni Sungjae. Kaya nagtataka ako kay Rosè niya binigay at sayo kaya si Sungjae bumili tuloy ng extra para sakanila." sagot niya at napatingin naman ako sakanya.


"Hindi ko alam kung ano pina-plano niya. Pero hindi ako papayag na kunin niya sakin si Rosè. Akin lang Roje ko!" seryosong sabi ko sakanya at tinext ko si Rosè ngayon. Naalala ko kasi, iisang van lang ang redvelvet at blackpink ngayon.


"Haha! I know! Akala ko nga may binabalak ka dun sa amazon express. Humiwalay pa naman ako sainyo non para maki chika sa mga kasama ko. Feeling ko kasi natutuwa rin sila sa mga scene na nakikita sainyo" masaya niyang sabi at napatingin naman ako sakanya. Minsan iniisip ko kung kaibigan ko ba talaga to eh. Napaka devil minsan. Gustong gusto nakikipag away ako eh.


"Meron naman talaga. Nagtaka na kasi ako nung nakita ko siyang umiiyak nung yakap ko si Rosè kanina. Paiyakin ko sana ulit kaso nakita ko na masyadong masaya si Rosè kaya di ko na lang tinuloy" natatawang sabi ko sakanya.


"Gaga ka talaga! Hahahaha! Di ka naman ganyan kila Min Hon at Oppa Dong Wook ah!" natatawa niyang sabi at tinaasan ko naman siya ng kilay.


"Iba tong pinaguusapan natin. Magiging asawa ko to kaya dapat lang maging ganito ako. Ayoko maging single mom no!" irap ko sakanya at lalo naman siyang natawa.


"Aware ba si Rosè diyan na gagawin mo siyang asawa at daddy ng mga baby niyo? Hahahaha! Baka mamaya si Joy pala. Pero infairness friend, magkamukha kayo ni Joy" sabi niya at binato ko siya ng tissue sa mukha dahilan para mapa preno siya bigla. Natawa naman ako tuloy lalo sakanya.


"Gaga ka talaga!" sabi niya sakin at d ko siya pinansin. Lol! Magkamukha? Hm, hindi ako papayag. Mas maganda ko sakanya. Hindi ako tatawagin na Bae Suzy ng wala lang.


Sa totoo lang, sobrang saya ko ngayong araw. Kahit na nakakabanas lang, dahil lagi nakatingin samin si Joy. Hindi ko na lang pinansin, gusto ko enjoyin tong araw na magkasama kami ng Roje ko. Sa buong buhay ko na nagkaron ng relationship, ngayon ko lang naramdaman tong security na hinahanap ko. Pag magkasama kami, feeling ko sobrang safe ko sakanya. Sobrang maalaga niya. Natuwa pa ko sa pagiging inosente niya sa mga bagay bagay.


Sobrang saya ko kasama siya, kaya hindi ko na rin napigilan yung sarili ko. Yung pakiramdam na sobrang bago sakin, na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ako na ooverwhelm lang, alam ko sa sarili ko na si Rosè na talaga. Kaya ipaglalaban ko tong feelings ko para sakanya. Kahit maging against pa lahat ng tao dito sa Korea.


-


You know that I'm a crazy bitch
I do what I want when I feel like it
All I wanna do is lose control
Oh, oh
But you don't really give a shit
You go with it, go with it, go with it
'Cause you're fucking crazy rock'n'roll


You said "Hey, what's your name?"
It took one look
And now I'm not the same
Yeah you said "Hey"
And since that day
You stole my heart
And you're the one to blame


(Yeah)
And that's why I smile
It's been a while
Since every day and everything has
Felt this right
And now you turn it all around
And suddenly you're all I need
The reason why I-I-I
I smile...


"Ang saya mo ah?" ngiting bati sakin ng Manager ko. Napatingin naman ako sakanya at nagulat ako ng makita ko na lahat ng staff at co-actor at actress ko ay masayang nakatingin sakin. Tinanggal ko yung earphones ko at tumingin sakanya.


"Sorry, ano ulit yun?" sabi ko ng nakangiti at nagulat ako ng ngumiti rin sila. "Sabi ko ang saya mo ah?" paguulit niya at natawa naman ako dahil dun.


"Nga pala Ms. Suzy, may nagpadala po ng flowers sayo" sabi ng isang staff at nagmamadali naman na pumunta ako sa labas ng studio.


Pagkakita ko ay natuwa ako. Susunduin niya kasi ako ngayon, bat kailangan pa magpadala? Hays. Kinuhaan ko yun ng picture at inamoy amoy. Masayang sinundan naman ako ng Manager ko at masayang nakatingin sakin.


"Comeback is real na ba?" sabi nito sakin at nagtatakang tumingin naman ako sakanya.


"ha?" tanong ko at umiling naman siya habang nakangiti.


"Wala, I'm happy for you. Alam ko naman na mahal mo talaga siya" masayang sabi nito sasagot pa sana ako ng biglang mag ring yung phone ko at napangiti naman ako lalo ng makita ko kung sino.


"Hello babyyyyyyy"


"Wow mukhang good mood ka ngayon Unnie ha?" sabi nito at bigla naman tuloy napataas yung kilay ko.


"RO-"


"I love you baby love! Jino-joke lang eh. Seryoso mo naman. Dito na ko sa parking lot. Wait na lang kita" masayang sabi niya sakin at nagpaalam na ko sakanya.


"Oppa! samahan mo naman ako sa baba please. saka pwede ba ikaw muna mag dala sa unit ko ng flowers?" masayang sabi ko sakanya at tumango naman siya. Habang nasa elev kami ay excited na ko at di mapakali. Parang high school student lang na excited makita yung crush niya. Pagkababa namin ay sa di kalayuan ay nakita ko na nakapark yung sasakyan ni Rosè.


Ipapakilala ko na siya sa Manager ko, gusto ko kasi malaman ni Oppa yung tungkol samin. Ang hirap kasi kung itatago ko sakanya. Unfair naman kasi kilala na ko ng mga manager ng blackpink, minsan kasi sila ang naghahatid kay Rosè o kaya sakin sa meeting place namin.


"Teka Suzy, di mo naman sasakyan yan ah?" nagtatakang sabi ni Oppa at maya maya ay lumabas na si Rosè sa sasakyan. Nagulat siya ng bigla ko tong yakapin at halikan.


"Oppa, si Rosè nga pala. Girlfriend ko" pagpapakilala ko at bakas mo sa itsura niya yung gulat. Natawa naman ako sa reaction niya at si Rosè sa tabi ko ay parang nahihiya pa dahil pinakilala ko siya.


"N-nice to meet you Rosè" nahihiyang sabi ni Oppa at ngumiti naman sakanya si Rosè.


"Bukas ko na iku-kwento sayo Oppa. Una na kami ha?" pagpapaalam ko sakanya at pinagbuksan na ko ni Roje ng sasakyan. Nagpaalam na ko ulit kay Oppa bago kami tuluyan na umalis. Maya maya ay may kinuha si Rosè sa likod ng sasakyan niya at inabot sakin.


"For you baby. I know favorite mo yan kaya yan yung binili ko. Ako mismo bumili niyan ah? Di ko yan pinabili kay Oppa" proud na sabi niya at nagulat naman ako. So hindi siya yung nagbigay ng flowers kanina?

"Baby? ayaw mo ba niyan?" tanong nito at kita ko yung lungkot sa mga mata niya.


"Nah, sorry baby. Nagulat lang ako. I love you, thank you dito." sabi ko sakanya ng nakangiti at napawi naman yung kaba ko nung ngumiti na rin siya.


"Welcome, gusto lang kitang bigyan ng flowers everytime na mag me-meet tayo. Deserve mo naman kasi. I love you too" sabi niya sabay halik sa kamay ko. Hay si Roje na talaga ang pinaka matamis na binigay sakin ni God. Siguro pinaglihi to ni tita sa chocolates.


Maya maya ay kinuha ko yung phone ko at tinext ko si oppa, sabi ko itapon na lang yung flowers at wag na iuwi. Ayoko mag entertain ng iba. Si Roje lang ang mahalaga sakin. Nagreply naman siya agad na hindi na siya dumiretso sa bahay at masaya naman ako dahil dun. Feeling ko kanina niya pa alam na hindi kay Rosè yun galing.


Dahil sinabi ko sakanya na nag crave ako sa chicken ay dinala niya ko dito sa hideout nila. Yung madalas na kainan nila ng manok. Pumasok kami at umupo na ko agad. Habang si Rosè ay kausap nung crew. Sa di kalayuan ay parang may nakita ako na mga nakatigin samin. At tama nga... nakita ko na nakatingin samin si Seulgi, Yeri at Joy.


"Babe, ano pang flavor gusto mo?" tanong nito sakin.


"Kahit ano" nakangiting sagot ko. Maya maya ay may pumasok na naman sa resto at palinga linga siya. Nang makita niya ako ay saglit siyang tumitig at lumapit siya samin.


"Chiyong!!" rinig kong sabi ni Lisa kay Rosè at natawa naman ako dahil nagulat siya. "Peste ka nasundan mo pa rin ako dito" init na sabi sakanya ni Rosè at tumingin naman sakin si Lisa


"Unnie pwede makiupo muna?" tanong niya sakin at nag nod naman ako. Maya maya ay nagulat ako ng tumabi siya sakin. "Unnie pasensya na ah? Dito na lang muna ako para madali ko makita si Irene" sabi niya sakin ng nahihiya at nakatingin naman sakanya ng masama si Rosè.


"Hoy Lisa. Tapos na pila kay Suzy lumayas ka diyan. Dito ka sa tabi ko" inis na sabi ni Rosè at natawa naman tuloy ako dahil dun.


"Hoy pinagsasabi mo diyan! Dito lang ako umupo para makita ko agad si Irene. Eto nagbago ka na ha! Di ka naman ganyan dati ah!" natatawang sabi ni Lisa at naka pout naman ngayon si Rosè. Such a baby. Sarap i kiss.


"K. Whatever. Umayos ka." sabi nito at nagulat naman ako ng bigla akong tapikin ni Lisa.


"Unnie, may bubulong ako sayo" sabi nito at lumapit sakin, di ko naman mapigilan matawa sa sinabi niya. Habang eto naman nasa harapan ko ay ang dilim na ng mukha.


"Baby." tawag ko sakanya pero di niya pa rin ako nililingon.


"Baby..." ginamit ko na yung pinaka malambing na boses ko at tumingin na siya sakin.


"Ano yun?!" inis na sabi niya at natawa naman si Lisa sa harapan ko. Hay nako etong si Lisa kasi dami kalokohan na alam kaya di mo rin masisi si Irene bat naghihigpit eh.


"Alam mo ba na ako yung Suzy sa nakandado mong puso?" Diretsong sabi ko sakanya at tinignan niya naman ako ng diretso sa mukha. Maya maya ay tumayo siya at pinaghahampas niya si Lisa sa braso. Natawa naman ako kasi nangamgamatis siya ngayon sa mula.


"Leche ka talaga!!! Dun ka na nga!!!" inis na sabi niya kay Lisa na namumula pa rin at natatawa na lang ako sakanila dalawa dahil naghahabulan sila sa loob ng resto.


Nang matalisod si Rosè ay tumayo ako agad para puntahan siya. Pero huli na pala... nagulat na lang ako ng makita ko si Joy na hawak yung kamay niya at inaalalayan siya tumayo.



"Okay ka lang ba? Mag ingat ka nga, sayang naman pagiingat ko sayo kundi ka magiingat."



Nakangiting sabi nito at napataas naman yung kilay ko dahil dun. Lalapit na sana ako ng may biglang humawak sa kamay ko.

































































"Love"
































































































































"Min Ho?"













-

Wew.

Stream #OnTheGround #Lilac #Celebrity and #Gone! 😂

Continue Reading

You'll Also Like

182K 5.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
4.2M 120K 52
"The whole idea was a mess, in fact it was stupid. To get married with someone who's practically a stranger to me was already an absurd concept. But...
115K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
48.5K 1.2K 96
Maging pula man ang araw, hinding-hindi kita magugustuhan! "Ba't ba napakakulit ng lahi mo?!" "Wala akong pakialam sa mga damit na 'yan!" Katapusan n...