That Sunset Along Roxas Boule...

De ashethetics

3K 87 0

SPSeries #3: That Sunset Along Roxas Boulevard (Cedric's Story) 3 of 5. Haunted by her past, Kasha Marina, an... Mais

TSARB
That Sunset Along Roxas Boulevard
One
Two
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-one
Twenty-two
Twenty-three
Twenty-four
Twenty-five
Twenty-six
Twenty-seven
Twenty-eight
Twenty-nine
Thirty
Thirty-one
Thirty-two
Thirty-three
Thirty-four
Thirty-five
That Sunset Along Roxas Boulevard
A's Note

Three

95 2 0
De ashethetics

TSARB: Chapter 3


"Kasha?" 


Mula sa sa pisara, nilipat ko ang tingin kay Ma'am Mendoza nang sambitin niya ang pangalan ko. I stopped erasing what's written on the board. Nilapag ko ang eraser sa mesa at naglakad ako palapit sa table niya. 


"Po?" tanong ko nang makalapit.


"Later tonight, I will send the files in our GC," she's now closing the folder she was scanning the whole time.


"Sige po. Bukas, bibigyan ko po kayo ng copy kapag printed na po," she nodded her head.


"Thank you for today, anak," she smiled at me. 


"No problem, Ma'am," I smiled at her.


She nodded her head and started fixing her things. I got back on what I was doing earlier. Muli kong binura ang nakasulat sa pisara. Mas binilisan ko lang ngayon, para matulungan si Ma'am Mendoza na dalhin ang mga gamit niya sa faculty.


Kami na lamang ang naiwan ngayon sa classroom. Kalalabas lang ng ibang students na member ng English Club. Pang umaga kasi ang klase nila at kanina pa ang uwian. Hindi lang umuwi agad, dahil may meeting ang EC. It's Friday. At tuwing Biyernes nagmemeeting ang EC.


Ako naman, nagpahuli ngayong araw dahil wala si Ate Clea, ang President ng English Club. Wala rin Kuya si Brix, na VP naman. Sila kasi ang pambato ng school namin sa isang contest. Ako ang secretary, kaya ako ang siyang nakausap at naatasan ni Ma'am Mendoza ngayon.


Mabilis kong nilagay sa lagayan ang eraser, nang mabura na lahat nang nakasulat sa pisara. Pinagpag ko ang dalawang kamay at kinuha ang alcohol sa bag. I applied the alcohol as fast as I could. I then walked towards the teacher's table, still rubbing my hands.


"Ma'am, tulungan ko na po kayo maghatid sa faculty," I offered.


"It's okay, anak. My son will help me. Darating na rin 'yun anytime," she smiled at me.


She has that aura, that you won't be scared nor nervous to approach her. She looked calm always. Hindi siya mukhang istrikta.


I was about to nod my head with what she said, when someone barged in the room.


"Ma! Sorry, may enkwentro sa daan. Kanina pa po ba kayo naghihintay?" 


Tumaas ang dalawang kilay ko nang makilala ang dumating na estudyante. He's that guy from the last time. That guy who returned my handkerchief, and even guessed that my perfume was Sweet Honesty. That very talkative guy in the Bay.


He didn't notice me yet.


Or maybe, he doesn't remember me at all. After that day in the Bay, I never seen him again. I mean, tatlong araw palang din naman simula nang magkita kami. At kahapon hindi ako nakadaan, dahil marami akong assignment na ginawa.


At higit sa lahat, hindi na ako umuupo sa inuupuan ko noong nagkita kami. Sa medyo malayo-layo na ako umuupo. Hindi naman sa umaasa akong tatabi parin siya sa akin ulit. Pero mabuti na rin 'yung sigurado.


Hindi ako gumalaw nang lumapit siya sa mesa para kunin ang mga gamit ng Mama niya. He's Ma'am Mendoza's son, I see. And I remembered him saying that he's done cutting classes, and that he has no regrets. And even asked me, if I did that too.


Sinipat ko ang kabuoan niya. He looked neat with his uniform. Nakagel din ang undercut na buhok, kaya maayos iyon. Hindi katulad noong nakita ko siya na may pawis na sa noo. Suot din niya ang itim na school backpack. Ang red na ID lace, ang kulay ng lace ng mga grade 9 students, maayos din ang pagkakasabit.


From his mother's things, that he picked on the table, his eyes shifted on me. Ganoon nalang ang pagbabago ng hitsura niya. He was surprised. Ako naman ganoon pa rin ang hitsura, not even excited nor happy that he's here. And that finally, nagkita na kami sa loob ng school.


"U-uy," nautal niyang bati sa akin.


Maliit lang akong tumango, to acknowledge his presence. My face was still void with emotion.


He smiled at me and glanced at his mother.


"Estudyante mo, Ma?" tanong niya kay Ma'am Mendoza, nang makuha na ang mga gamit.


"Stop that, Cedric," Ma'am Mendoza said strictly.


"Ma, tinatanong ko lang," humalakhak siya at sinulyapan ako.


"Sige, mauna na kami Kasha. Thank you again for today 'nak," Ma'am bidding her goodbye.


"Sige po, anytime po," I smiled at her.


"Bye, Kasha," ang anak ni Ma'am, na mukhang natuwa dahil nalaman ang pangalan ko.


Ngumiti pa ito sa akin, bago sumunod sa Mama niya na lumabas na ng classroom.


I sighed.


Umalis na rin naman ako sa kinatatayuan at lumapit sa upuan kung nasaan ang mga gamit ko. Para umakyat na sa 3rd floor, kung saan ang classroom namin. Rinig na rinig ko ang mga ingay ng estudyante sa hallway. Nang maisuot na ang bag, naglakad na ako para lumabas sa room.


I flinched a little, when I saw Ma'am Mendoza's son, outside the room. He was still there. Buhat pa rin niya ang gamit ng Mama niya. Nakasandal ito sa pader malapit sa pintuan ng room. Na agad ko namang nalaman kung bakit hindi pa siya umaalis. 


May nakasalubong kasi na isa pang teacher si Ma'am Mendoza. Kaya nag-uusap sila ngayon.


"Estudyante ka pala ni Mama," aniya nang makitang hindi ako nakagalaw agad.


I just simply nodded my head and went out of the room. 


Ever since that day, I would always bumped with Cedric. Lagi niya kasing sinusundo ang Mama niya sa room para tulungan sa pagbibitbit ng mga gamit. I don't know if he have done that before.


Ngayong grade 9 lang din kasi ako naging part ng Englich Club. Kaya hindi ko alam kung talagang sinusundo palagi ni Cedric ang Mama niya. Madalas kasi, si Ate Clea nalang ang naiiwan kay Ma'am at si Kuya Brix noon. 


Mas matagal kong nakakasama si Cedric, kapag araw ng Biyernes. Dahil iyon ang araw ng meeting ng EC. Kaya maaga rin akong pumapasok, para makadalo. Iyong mga members naman na pang-umaga ang klase, saktong dismissal na rin nila kapag nag-s-start ang meeting.


Pangtanghali rin ang klase ni Cedric, dahil parehas kaming grade 9. Pero maaga siyang pumapasok, at sa classroom na ginagamit ng EC siya tumatambay palagi. Na siyang hindi naman niya ginagawa noon.


Kasi kung ginagawa niya, dapat matagal ko na siyang nakikita.


Ma'am Mendoza was the one who's handling English Club. Hindi ko pa siya nagiging teacher, kasi grade 10 ang tinuturuan niya. But I considered myself as her student. Kaya tumango ako kay Cedric noong nagtanong siya kung teacher ko ba ang Mama niya.


"For this month, hindi pa tayo ganoon ka-abala, unlike last month," si Ate Clea sa harapan.


She's discussing our activities for this month.  Ang EC ang isa sa pinaka-active na club. 


Muli akong napatingin sa bandang likuran ng room, dahil sa ingay na ginawa nang nahulog na gamit. Agad na ngumiti si Cedric sa akin, at pinulot sa sahig iyong fidget spinner niya. Hindi ako ngumiti pabalik.


Just minutes after his toy created a sound, I'm now hearing another low noise coming from him. Tunog iyon ng paa nang inuupuan niya na sumasayad sa sahig. It wasn't disturbing. Hindi naabala ang meeting, pero hindi kayang ignorahin ng tenga ko ang tunog.


Nilingon ko siya ulit. Kaya agad siyang ngumiti sa akin. Na siyang hindi ko ginawa. 


I really wanted to roll my eyes. But I tried my best not to. Not because he's the son of Ma'am Mendoza, but because I don't want to be rude. Dahil wala naman siyang ginagawang... masama? I mean, wala siyang ginagawang masama sa akin. That would be so rude of me.


Well at least, that was the last noise he created. Naging maayos ang takbo ng meeting. Nakapag-focus naman ako ulit sa meeting, at dapat lang, dahil nagte-take down notes ako ng mga sinasabi ni Ate Clea. 


"Thank you, President," Ma'am Mendoza to Ate Clea.


Ang ibang member ng EC, nagpaalam na kay Ma'am. Nagligpit na rin ako ng gamit para umakyat na sa 3rd floor. When the son of Ma'am Mendoza approached me. Naaamoy ko ang panlalaki niyang pabango. Hindi naman masakit sa ilong.


"Ikaw pala secretary ng English Club," he was trying to be friendly again.


"Oo," I simply answered.


"Ako, member ako ng Math Club. Pero 'di ako officer," aniya.


Tumango nalang ako sa sinabi niya at pinagpatuloy ang pagliligpit ng gamit.


Siguro, kung dito ko siya sa school unang nakita. And he approached me like that, it will be fine with me. Like there's no awkward atmosphere at all. Kaya lang, iyong unang nakita ko siya, ang lakas ng loob niyang sabihan ako ng suplada. 


Not to mention, na inamoy pa niya iyong panyo ko. Kaya nahulaan niya ang pabango ko. And then he called me suplada, after telling me that I am beautiful. Whatever, he was so weird that time!


Grade 10 si Ate Clea at Kuya Brix, kaya nang lumabas kami nang sabay-sabay sa room, palabas na sila ng school. Uuwi na sila. Habang ako, umakyat sa 3rd floor kung saan ang klase ko.


"Those are the elements from alkali metal family," ang Science teacher namin. "Are there any questions? Bago ang short quiz?"


"None!" sagot ng iilang kaklase ko.


"Kung wala na, get 1/4 sheet of paper,"


We were then dismissed after a short quiz about the elements. Nagsilabasan na rin naman ang mga kaklase ko, pagkatapos lumabas ng Science teacher namin. It's our last subject for today.


Nagpaiwan ako dahil isa ako sa cleaners ngayong araw. Maliban sa aming mga tagalinis sa araw ng Biyernes, may iilan din na nasa loob pa ng classroom. Mga kaklase ko na nagpupulbo at nagpapabango. Nagpaiwan din si Mina, dahil sabay kaming lumalabas ng school.


Malapit lang ang bahay ni Mina sa school, nalalakad lang. Ako naman, sumasakay ng tricycle kapag diretso sa bahay na ang uwi ko. Pero kapag dumadaan ako ng Manila Bay, naglalakad lang ako. Dahil nalalakad lang naman 'yun dito.


I swept the floor with my 2 girl classmates. Iyong isa, binubura ang nakasulat sa pisara. At may dalawa rin na nagpupunas ng bintana. May dalawang lalaking cleaners sa araw ngayon. Naghihintay lang sila na matapos kami, dahil sila ang nagtatapon ng basura.


Hinintay lang namin ng mga kasama kong cleaners ang dalawang kaklase na lalaki, na bumaba para magtapon ng basura. At nang makabalik sila, sabay-sabay na kaming bumaba sa building namin.


"Tatambay ka ulit sa Manila Bay?" Mina asked.


"Hmm," tumango ako. "Wala namang assignment at Sabado bukas."


"Kelan din kaya ako mapapayagan na umuwi ng gabi," she pouted.


Nakakapunta lang siya ng Manila Bay kapag maaga ang uwian. Madalas hindi pa, kasi nalalaman agad sa bahay nila kapag maaga ang uwian namin. Sabi niya noon, isa raw iyon sa disadvantage kapag malapit ang bahay sa school.


Her parents are strict, dapat after sa school bahay na agad. Bawal din siya magkaboyfriend. Study first.


"Diba sabi mo kapag college ka na?"


"E, tagal pa 'nun," she pouted even more. 


Kumaway na siya sa akin nang marating namin ang eskinita papasok sa kanila. I waved my hand and smiled too. Hinintay ko siyang tuluyang makapasok sa iskinita, bago ako tuluyang naglakad patungo sa Manila Bay.


Halos kasabayan ko ang iilang schoolmates ko na pupunta rin doon. May mga dala pang chocolate drink na nasa plastic nakalagay, na binili nila sa may labas lang ng school. Pati iyong mga kikiam.


Sumampa ako sa semeto nang makarating sa Manila Bay. Hindi na ito ang sementong inupuan ko noong unang beses kong nakita ang anak ni Ma'am Mendoza. Lumipat na ako dahil ayaw ko siyang makita. Ang dami niyang sinasabi kahit hindi kami magkaibigan.


Nilabas ko ang sketchpad ko at pinagpatuloy ko ang pagguhit ng gusali. Ngunit tinigil ko rin, nang makitang lulubog na ang araw. Kinunan ko ng larawan ang sunset, dahil ipapakita ko iyon sa Lola ko kapag naka-uwi ako sa Laguna.


Noong lumubog na ang araw, umalis na ako. Wala pa si Tita Prescilla sa bahay nang maka-uwi ako. Si Pearl lamang at si Ate Elaine their housekeeper, na naabutan kong naghahanda ng pagkain. Kaya nagbihis ako agad ng pambahay, at mabilis na bumaba sa kwarto para tulungan siya.


"Ako na rito. Manood ka nalang ng TV," si Ate Elaine.


"Ayos lang po," kinuha ko na ang sibuyas na balak hiwain.


I left the kitchen, when Ate Elaine started cooking. Hinugasan ko na rin ang mga ginamit namin kanina. I went to the living room after. Pearl was there. Bukas ang TV pero nakaharap siya sa tablet niya.


Nilingon lang niya ako nang maupo ako sa sofa. And then she busied herself with her tablet. She's probably playing. Mukhang wala siya sa mood at badtrip. Kaya tahimik siya ngayon at inaanala ang sarili sa paglalaro sa tablet.


Pearl is Tita Prescilla's only child. Tita is always busy with her work at ganoon din ang Dad ni Pearl. Noong bago palang ako rito sa bahay nila, palagi silang nagtatalo ni Pearl. Pearl was complaining that they're always busy at walang oras para sa kaniya.


Pearl and I are not studying in the same school. Sa private school siya nag-aaral. May event kasi ata sa school ni Pearl 'nun. At kailangan may kasamang magulang. Kaya lang, nagkataon na abalang-abala sila Tita. Kaya hindi nila nasamahan si Pearl.


"Sinong mas pogi?" Pearl showed me her tablet.


May picture roon ng dalawang lalaki.  Iyon pala ang ginagawa niya, I thought she's playing.


Nasa mood pala siya, akala ko badtrip.


"I-ito nalang," turo ko sa pinaka-unang mukha na nakita.


"Very pogi no?" she giggled. "Escort 'yan ng kabilang section. Tapos this one, sa ibang school."


The whole time we were in the living room, she's talking about those boys. Crush daw niya iyong dalawa. Pero pipili raw siya ng kung sinong pinakapogi, para iyon 'yung pinaka-crush niya sa lahat.


I can't relate with her, because I don't have a crush. Kung meron man, artista. But I listened to her stories. And then her parents went home. Sabay-sabay kaming kumain ng dinner kasama si Ate Elaine.


I spent my Saturday, helping Ate Elaine wash the clothes. Wala akong magawa dahil wala namang assignment. And then, I went to the Bay to watch the sunset again. Iyong Linggo naman, hindi ako tumungo sa Bay, dahil naghanda ako para sa Lunes.


The whole week in school, went fine. I mean, Monday up to Thursday. Maayos naman ako sa apat na araw na iyon. Maliban ngayong araw ng Biyernes, dahil may meeting ang EC members. And now, EC meeting, means meeting Cedric too.


Hindi ko siya nakita sa loob ng apat na araw. Dahil na rin hindi na kami bumababa ni Mina kapag recess. Sa room lamang kami. Kung hindi kami makikinig ng kanta sa phone niya habang kumakain. Magbabasa naman kami ng lecture para sa subject after recess.


And I think, nasa kabilang building si Cedric. Kung sakaling hindi siya kasama sa section 1-5. Kaya hindi ko rin siguro siya nakikita talaga sa school. Plus, I am not really sociable, I admit that. Sa ilang taon ko na sa school na 'to, kami lang ni Mina ang laging magkasama.


But Mina is the treasurer of Science Club. It's her favorite subject, kaya sa SC siya sumali. Ako naman, English. Pero kung merong Art Club, like drawing or painting, baka iyon ang Club na sasalihan ko. Kaya lang, walang ganoon sa iskul.


After ng meeting namin, umalis na ang members ng English Club. Si Kuya Brix at Ate Clea pati ako nalang ang nasa room... of course Ma'am Mendoza's son too. Habang may sinasabi si Ate Clea at Kuya Brix kay Ma'am, binubura ko ang sulat sa pisara.


"Ako na, 'di mo na abot 'yung sa may taas banda," ang anak ni Ma'am Mendoza at hinawakan ang ibang parte ng eraser na hawak ko.


Hindi na ako nakipagtalo at binigay nalang sa kaniya. Hindi ko naman kase talaga abot. Naka-tip toe pa nga ako, pero 'di pa rin kaya. At dahil nasa likod ng room namalagi ang anak ni Ma'am, malamang nakita niyang hindi ko talaga abot ang blackboard. 


And since he's FRIENDLY, talagang hindi malabo na helpful din siya.


Umalis ako sa may pisara na nagpapagpag ng kamay. Lumapit ako sa upuan kung nasaan ang bag ko. Kinuha ko ang alcohol doon at naglagay sa kamay. 


Akmang ibabalik ko na ulit ang alcohol sa bag. Pero hindi ko na tinuloy. I walked towards the table near the blackboard, and put may alcohol there. Napasulyap sa akin ang anak ni Ma'am. Kaya maliit kong nginuso ang alcohol ko.


"Alcohol," alok ko.


Malapad siyang ngumiti at nilagay na sa lagayan ang eraser. He's done erasing the writings on the board. Pinagpag niya ang kamay habang sa akin nakatingin. Nakangiti pa.


"Thanks, Ms. Secretary," at kumindat pa nga.


***



Continue lendo

Você também vai gostar

FEIGHT (Famous Eight) De Mac

Ficção Adolescente

638K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
358K 24.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
Cheer Up, Captain De beeyotch

Ficção Adolescente

104K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...