←----• 18 •----→
"Preparing"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —
Nandito kami ngayon at lulan ng isang karwahe na hila hila ng kabayo. Ngayon ay patungo na kami sa Cerban para ipaalam sa mga nag-aalaga sa amin na nakapasok kami. Ngayon din mismo, dadalhin ulit kami sa Akademia bilang unang araw na magiging estudyante.
Naalala ko ang nangyari kanina. Nakahinga naman ako ng maluwag ng si Lucas mismo ang sumagot.
Flashback
Nanlalamig na ako at hindi alam ang isasagot. Nang biglang may humawak sa balikat ko. Nang tingalain ko ay si Lucas pala.
"Paumanhin ngunit hindi nya masasabi kung anong elemento ang mayroon sya, dahil nawalan sya ng ala-ala. Tanging ngalan lang nya ang kanyang alam." Sabi nito.
"Hmm, ganun ba? Kahanga-hanga ka kung ganoon. Nalagpasan mo ang apat na hakbang ng hindi nagagamit ang iyong sariling elemento." Nakangiting sabi ni Miss Limary.
Doon ako nakahinga ng maluwag.
End of Flashback
"Excited na akong makauwi! Haha! Anong kayang reaksyon ni ina?" Sabi ni Lucas na ngiting ngiti.
"Wow lang hah, may pa Ingles ka na ngayon." Sabi ko sa kanya. Bumungisngis naman sya.
"Haha, masasanay na ako nito!"
Naramdaman naming huminto ang karwahe. Bumukas naman ang maliit na bintana sa harapan namin. Nakita ko naman ang kawal na sumilip.
"Binibining Samantha, narito na po tayo sa Sentrong Bayan ayon po sa inyong gusto."
"Ahh. Sige po." Sabi ko dito. Tinignan ko ang katabi ko. "May ipabibili ka ba ginoo?"
"Isang bungkos ng ubas na may mala rosas na kulay at karne ng baka. Heto ang pilak na pambayad." Sabi nito at inabutan ako ng isang telang may laman ng pilak.
"Masusunod ginoo." Sabi ko sabay kindat. Tinawanan naman nya ako. Binuksan ko ang pintuan ng karwahe at lumabas. Nakita ko naman ang mga tao na napapatingin sa akin sabay bulungan. Pinagkibit balikat ko na lamang.
Nilibot ko ang paningin at unang naghanap ng tindahan ng mga karne. Nang makakita at nilapitan ko ito.
"Magandang tanghali, anong sa iyo?" Tanong ng tindera na may galak na ngiti. Mabilis kong itinuro ang karne ng baka.
Mabilis niya itong isinilid sa isang tela at inabot sa akin. "Tatlumpung pilak para sa karne ng baka."
"Pati na rin po pala nun." Sabi ko sanay turo sa hita ng baboy. "Kalati lang po."
"Sige, limamput-limang pilak para rito sa dalawa." Ani nito sabay abot ng dalawang tela. Kumuha ako ng thirty pieces ng pilak sa pilak ni Lucas at twenty five naman sa akin at inabot ko ito sa kanya.
"Salamat." Tinanguan ko ito bago nagtungo sa tindahan ng mga prutas. Pagkalapit ay agad akong nagtitingin sa bugkos ng ubas na may pink na kulay ayon narin sa gusto ni Lucas. Tinignan ko ang mas marami, may mas malaki na ubas at kung saan walang bulok at nakahanap naman ako. Kumuha narin ako ng tig-limang mansanas na pula at lila ang kulay.
"Ate." Sabi ko at itinuro ang napili. Agad nyang sinoma kung magkano.
"Dalawampu't apat na pilak lahat lahat." Sabi nya matapos ilagay sa tela ang lahat.
Kumuha ako ng apat na pilak kay Lucas at dalawampu naman sa akin at inabot sa tindera.
"Salamat."
Naglakad na ako pabalik sa karwahe. "Kuya, sa Cerban na ho tayo. Diretso po, sa pangalawang kanto sa kaliwa liliko tapos diretso po ulit tapos liko sa pangalawang kanto sa kanan. Yung bahay na mahalaman po. Doon kami." Pagde deskripsyon ko sa pupuntahan namin. Tinanguan naman ako nito kaya naman pumasok na ako sa karwahe.
"Akin na." Sabi ni Lucas at agad na kinuha lahat ng pinamili ko. Iniabot ko naman ang tela ng pilak na inabot niya kanina.
"Oh. Sobra."
"Thanks."
Naiiling na naupo nalang ako ng ayos at hinintay muling tumigil ang karwahe.
"Narito na tayo, ginoo at binibini." Sabi ng kawal na siya mismong nagbukas ng pintuan at nagbigay daan sa amin.
Pagkababa ay lahat ay gulat na nakatingin sa amin.
"N-nakakarwahe ang isang taga Cerban!?"
"Sa palagay ko ay may nanalo!"
"Nanalo!?"
"Saan!?"
"Sa laro ng elemento! Anak yan ni Liza!"
Rinig kong sigawan ng mga tao. Pinagkakakugulan kami ngunit hindi sila makalapit dahil sa kawal.
Nakita ko ang kunot-noong si Tita Liza na lumabas ng bahay. "Anong- Lucas? Samantha? Bakit kay-raming tao?" Takang tanong nito at lumapit sa amin. Nakalimutan nya yatang sumali kami sa Laro ng Elemento.
Nang makita ang mga kawal na kasama namin ay napaatras ito. "B-bakit may kawal dito? A-anak? M-may ginawa ka ba?"
"Opo ina." Sabi ni Lucas na seryoso ang mukha.
'Siraulo talaga.'
Maluha luha naman si Tita na nakatingin sa anak.
"A-anong ginawa mo?"
"Nanalo po sa laro ng elemento." Napayuko si tita ng marinig ang sagot ni Lucas pero mabilis na nag-angat ng tingin at nanlalaki ang mata. Mukhang naalala na nya.
"Nanalo!?"
"Opo." Natatawang sabi ni Lucas.
"M-makakapag-aral ka na!" Masayang sigaw ni tita at mabilis na tumakbo palapit sa anak at niyakap ito.
"Masaya ako para sayo anak!" Naisigaw nito sa galak at gayundin ang mga tao sa paligid namin.
Napabuntong hininga ako sa nasaksihang eksena.
Kung sana mayroon din ganyan sa akin-
Halos mahigit ko ang hininga ko ng bigla akong yakapin ni Tita Liza. "Masaya ako para sa inyo." Sabi nito at hinaplos ang mukha ko.
Napangiti ako.
"Kuya! Ate!" Rinig kong sigaw ni Lucy at mabilis na yumakap sa akin ng makita ako. "Ate! Nanalo kayo!?"
Isang simpleng tango ang sinagot ko na nagpaningning sa mata nya.
'Muntik ko ng mawala ang saya sa mata nya.'
"Kuya!" Maligayang sigaw muli ni Lucy at niyakap ang kuya nya na nakangiti rin syang niyakap.
"Ginoo, binibini..." tawag pansin sa amin ng kawal. "Mauuna na kami. Darating kami sa oras na sinabi." Sabi nito, bahagyang yumukod sa amin at pumunta na sa may karwahe at pinausad ito paalis.
"Tara na. Alam kong pagod kayo." Nakangiting sabi ni Tita at inaya kami paloob.
Nang makapasok sa sala. Napaatras pa kami ng sabay ni Lucas ng mabilis na humarap sa kanya si Tita at mabilis siyang binatukan!
'Anaknang...'
"Bwiset kang bata ka! Akala ko may ginawa kang kasalanan kaya't nariyan ang mga kawal kanina!"
'A-akala ko Maria version 2 sya. Hindi pala...'
"A-aray naman ina!" Nakangusong sabi ni Lucas habang hinihimas ang ulo. Napailing nalang si Tita at niyakap ang anak.
"Pero ang saya ko anak..." ngayon ay sinabi iyon ni Tita ng mahinahon.
"Ate!" Tawag naman sa akin ni Lucy kaya't nakangiti ko syang hinarap.
"Hmmm?"
"Kailan nyo po ako tuturuan?" Tanong nya na ngiting ngiti. Kaya naman ang biloy sa magkabila nyang pisngi ay kitang kita.
I can't help but to pinch her fluffy chicks.
"Kapag may napag-aralan na kami."
Matapos ng senaryong iyon ay dumiretso na kami sa kusina. Iniluto ni Tita ang biniling karne ng baka ni Lucas. Ang dala ko naman ay inihaw ko. Nagtaka naman sila at tinanong kung para kanino yon at sinabi kong para sa kaibigan lang.
Napuno ang hapunan na yon ng kwentuhan at tawanan. Galak na galak ang pamilya sa masayang balita na kanina lang nangyari.
'Sana dito nalang ako nabuhay...'
Matapos kumain, nagpresinta na namang magligpit ng pinagkainan si Lucas dahil sa saya. Hinanda naman ni Tita at Lucy ang mga gagamitin para sa mga sugat na natamo namin.
"Tita..." tawag ko sa kanya ng makita ko sya sa kwarto namin habang hawak ang sariling wand.
"Ano iyon iha?" Tanong nya sa mahinhin na tono. Balik sa pagiging Maria.
"Ahh, magpapaalam lang ho ako." Natigil sya sa ginagawang pag-aayos ng mga tela sa higaan na gagamitin sa paggagamot at napatingin sa akin.
"Saan ka patungo? Hindi pa nagagamot ang sugat na natamo mo." Ani nya nang may pag-aalala.
'Kapag sinabi kong sa kakahuyan, malamang sa malamang, hindi ako papayagan nito lalo na at madilim na.'
"A-ahh, s-susulitin ko lang po ang bayan bago pa man dumating ang oras ng pagsundo sa amin."
Tinitigan nya ako ng maigi as if binabasa ang nasa isip ko kaya naman nginitian ko sya. At kalauna'y napabuntong hininga sya.
"Oh sige. Bumalik ka kaagad para magamot ka namin ni Lucy. Wag kang gagawa ng anumang gulo hah?"
Doon lalong lumitaw ang aking ngiti. "Masusunod po!" Sabi ko sabay saludo.