Luxious Academy 1: Realm Of T...

By Arcanum_Writes

29.3K 1.3K 89

𝐒𝐭𝐚𝐭𝐮𝐬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION 𝐇𝐢𝐠𝐡𝐞𝐬𝐭 𝐑𝐚𝐧𝐤 𝐑𝐞𝐚𝐜𝐡𝐞𝐝: ... More

i | Letter & Disclaimer
ii | Portrayer
iii | Luxious Academy
iv | Teaser
0 | P R O L O G U E
01 | Cheater
02 | Suicide
03 | Everything Had Change
04 | Drown
05 | Lucy and Lucas
06 | Enchanted
08 | Elemental Game
09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)
10 | Elemental Game (Pagkalito)
11 | Elemental Game 4 (Simula)
12 | Elemental Game 5 (Mental Power)
13 | Elemental Game 6 (Stage 2)
14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)
15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)
16 | Elemental Game 9 (Last Stage)
17 | Academy
18 | Preparing
19 | Late night at Lake
20 | Headmasters
21 | Intimidating
22 | First day
23 | Shela
24 | Breakfast
25 | Cast a Spell
26 | Owe
27 | Dumpy
28 | Parents
29 | Unexpected Situation
30 | Hard
31 | Reason
32 | Helping
33 | Owe Him Again
34 | Maid for a day
35 | Battle In Between
36 | Who Won
37 | An Event
38 | That Girl Again
39 | Unusual Lady
40 | Naghihintay
41 | Poisoned
42 | Dance with the Princes
43 | Zeban's Palace
44 | Confusions
45 | Eroplanong Papel
46 | Alive
47 | The Weapon Choose Her
48 | Reason Behind It
49 | An Apple For Snow White
50 | They're Just Here
51 | Heard
52 | Chaos
53 | In Black
54 | Once Again
55 | Awake
56 | All Together
57 | Euphoria
58 | Luminous Light
59 | Already
60 | E P I L O G U E

07 | Impressed

606 34 3
By Arcanum_Writes

←----• 07 •----→

"Impressed"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Third POV —



Nakangiti pa rin sa kanya si Liza. A-ano ba tong lugar nato!? At paano ako napunta dito?! Tanong nya sa kanyang isip, halata ang pagkalito kay Samantha sa mga oras na iyon.

"Samantha?"

"The fvcking fvck!" Nasigaw nya nalang sa sobrang gulat. Ang kaninang nakangiting mukha ng ginang na kanyang kaharap ay napalitan ng pagkagulat. Napaatras pa ito ng kaunti dahil sa gulat.

"I-isa kang m-maharlika?"

"H-hah? A-ah,hindi! Hindi! N-nagkakamali ka." Aniya sa ginang at paulit ulit pang umiling. Nangunot ang noo ni Kiza sa tinuran ng dalaga.

"Kung ganun ay bakit marunong ka ng lenggwahe nila?"

"K-kasi…" Sam! Isip! "L-lihim akong ng-aaral! T-tama! G-ganun nga! L-lihim akong nag-aaral." Sabi nya nalang para makalusot sa tanong ng ginang.

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha nito sa kanyang isinagot. Napalunok nalamg sya at inalis ang 'guilty feeling' na nararamdaman nya dahil sa pagsisinungaling. "Kung ako sayo ay ititigil ko na ang pag aaral ng palihim. Tanggapin nalang natin na ang tulad natin na mababa ang uri ay walang pagkakataon na matutunan ang dapat matutunan. Ihinto muna ang ginagawa mo dahil kamatayan ang kapalit." Nakangiti man ay malungkot ang tono ng salita ni Liza.

'kamatayan ang kapalit'

'kamatayan ang kapalit'

'kamatayan ang kapalit'

'kamatayan ang kapalit'

Napatanga si Samantha sa narinig sa ginang. Tila isang sirang plaka ito na paulit ulit nya na naririnig.

"B-bakit ang tulad n-natin na mababang uri ay walang kakayahan na matutuhan ang dapat matutuhan?" Takang tanong ni Samantha.

Kung sa mortal na mundo, may public at private naman. Sa public walang bayarin, sa private meron. Wag mong sabihin na private lahat ng school dito?

Ngumiti si Liza, ngunit ang ngiti nito ay hindi umabot sa kanyang mapungay na mata. "Dahil sa nag-iisa lang ang academia sa buong Luzarcia, mataas ang dekalidad ng mga itinuturo doon at lahat ng nakakapagtapos ay may natutuhang tunay. Ngunit ang kapalit ng mga bagay na iyon ay sadyang di kaya ng mga tulad natin." Ani nito at hinaplos ang buhok nya. Sandali nyang na-miss ang ina nya dahil sa ginawa ni Liza. Napangiti nalang sya dito.

"Ang kapalit ay salapi. Salapi na kasya na para sa pangkain sa mahaba habang panahon..." doon ay nawala ang ngiti nya.

Ito ang masaklap sa lahat, kapag wala ka talaga ng anumang materyal na bagay, hindi mo makakamit ang gusto mo...

Sumagi naman ulit sa isip ni Samantha ang kapalit ng pag-aaral ng palihim. Naalala nya ang nabanggit ni Lucas sa kanya noong nasa kakahuyan sila kanina.

"Bakit si Lucas? Nag-aa—"

"SAMANTHA!" Nagulat silang pareho ni Liza ng biglang bumukas ang pintuan ng kwartong kinalalagyan nila at pumasok ang humahangos at hubad-barong si Lucas.

Napatanga nalamang si Samantha sa nakikita. Napatikhim nalamang sya at nagbaba ng tingin. "B-bakit?"

"T-tara! N-nagyayayang maglibot si Lucy." Ani Lucas na halata ang pagmamadali sa tono ng boses. Natawa namang bigla ang kanyang ina.

"Anak, alam kong labis kang nasasabik sa paglibot ninyong tatlo ngunit sana naman naisipan mo munang magdamit dahil isang binibini ang kaharap mo. Simpula na ng kamatis ang mukha ng binibini dahil sa ginawa mo." At binuntutan pa ito ng tawa ng ina. Nailing naman si Samantha. Si Lucas naman ay namula din sa sinabi ng ina at doon napansin na wala syang saplot pang itaas.

Mabilis na nilisan ni Lucas ang kwarto at nagtungo sa sarili nitong kwarto. Paulit ulit pa nitong sinabunutan ang sarili dahil sa kahihiyan.

"Oh sya, maiwan na kita. Ito ang balde na may bimpo pamunas ng katawan mo. Suotin mo na rin yang damit, pero isara mo muna ang bintana bago ka magsimulang maglinis." Tumango si Samantha sa ginang ng abutan sya nito ng damit pamalit. Ang totoo ay kanina pa sya nangangati dahil natuyo narin sa katawan nya ang tubig dagat.

Nang makalabas ang ginang ay sinara nya nga muna ang bintana at nagsimula ng tanggalin ang kanyang saplot. Nagsimula na syang ounasan ang katawan nya. Humanga pa si Samantha dahil may kakaibang halimuyak ang tubig sa balde na nakalaan para sa kanya. May mga puting di kalakihang bulaklak ang nakahalo doon na sa tingin nya ay dahilan ng magandang amoy ng tubig.

Habang naglilinis ng sarili ay di nya maiwasan ang mapaisip.

Anong lugar ba tong napuntahan ko? Sa pagkakaalala ko, nasa mansion ako, dumating sila uncle, lumabas ako, sa tulay, tapos...

Naihampas nya nalang sa balde ang hawak na bimpo, di inalintana ang basang dulot ng nagtalsikang tubig sa kanya.

"Si Kendra... Walang hiya kang babae ka." Ani nito at nanggagalaiti. "Babalikan kitang bruha ka—" teka, paano ako babalik? Eh nasa ibang lugar ako! Hindi, nasa IBANG MUNDO ako!

"Nalintikan na..." aniya at nanlulumong bumalik sa ginagawa. Tsaka na ako iisip ng paraan pabalik sa tunay kong mundo kapag may sapat na kaalaman na ako dito... Dito muna ako hanggang sa maramdaman ko ulit kung paano mabuhay ng kumpleto ang pamilya.

Napangiti nalang sya ng pumasok sa isip nya ang mag-anak na tumanggap sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

Matapos makuntentong linisan ang sarili ay nilapitan nya ang kasuotang inilaan sa kanya ni Liza. Niladlad nya ito at nalamang isa itong dress na abot hanggang talampakan ang haba. Malambot ang kulay pulang tela at mahaba ang manggas nito na tumugma sa malamig na simoy ng hangin sa lugar. Ang dulo ng sleeve ay maluwag at nadidisenyuhan ng palawit na tela na talaga namang magandang pagmasdan.

Mala-midieval dress pala ang isinusuot nila dito. Ang ganda... Usal nya sa isip habang pinagmamasdan ang kasuotan.

Namula naman ang kanyang pisngi ng makita ang panloob. Simple lang ito at malabot. Nang sukatin nya ang panloob para sa dibdib at napailing nalang sya ng sumukat ito sa kanya. Isinuot nya nalang ito maging ang dress na ibinigay sa kanya.

Nang makuntento sa lagay ng damit nya ay kinuha na nya ang damit at balde na ginamit at tinangay palabas ng silid kung saan naabutan nya na nakaupo sa sahig ng bahay si Lucy na nakanguso at kanina pa pala nakatingin sa pintuan ng silid kung saan sya naroon.

"Ate! Wahh! Ang ganda! Para kang prinsesa ng Luzarcia!" Sigaw ng bata habang nagnining-ning ang mata. Mabilis itong tumayo at pumalakpak pa sa tuwa. Napangiti naman si Samamtha dahil sa tinuran ng bata.

"Akin na yang damit mo, ate! Pati ito!" Walamg nagawa ni Samantha nang basta nalang kuhanin ni Lucy ang damit ang balde sa kanya. "Hintayin mo ako dito! Hihi." At mabilis itong tumakbo papunta sa likuran ng bahay.

Nakita rin nya sa Lucas na nasa likuran pa ng bahay at inaayos nalang ang mga kahoy na siniga nito kanina.

"Umupo ka, Ate!" Ani Lucy na nasa harap na pala nya. Taka man ay umupi sya sa malinis na sahig ng bahay. Naglahad ng kamay si Lucy. Akala naman ni Samantha ay nanghihingi ito ng pera. Akmang sasagot na sya nang bigla nalang lumitaw ang naggagandahang bulaklak sa kamay nya at humigis ito ng pabilog! Isang flower crown ang nabuo ng mahika ni Lucy.

Tengene, nasa mundo nga talaga ako ng mahika!

Tinanggal ni Lucy sa pagkakapusod ang buhok ni Samantha kaya't lumugay ang ma-brown nitong buhok na maalon sa dulo gaya ng sa ina nito.

Nagulat naman si Samantha ng ipatong na sa kanyang ulo ang ginawang flower crown ni Lucy. Napabuga naman sya ng hangin ng nakalipas ang segundi ay wala namang nabgyari sa kanyang ulo. Akmang tatayo na sya ng pigilan sya ng bata. "Di pa tapos!" Pumunta ito sa harap nya at iminuwestra ang kamay nya sa harap ng ulo ni Sam. Muntikan pang mapaatras si Samantha ng sabuyan sya ng mala-glitter dust ni Lucy. Agad sya g napahawak sa buhok nya.

"H-hala! A-anong ginawa mo!? Baka makalbo ako!"

"Hahaha baliw ka ate." Sabi nya habang nakaturo pa sa mukha ni Samantha. "Tadaaaaaaa!" Sabi nya at hinarap ang isang salamin kay Samantha.

Nang tignan ni Sam ang sarili ay napatanga ito. Nakalugay ang buhok nya at may nakakabit na maliliit na kulay puting bulaklak sa ilang parte. At suot nya ang magandang flower crown na bumagay sa kayumanggian nyang buhok.

"Ang ganda! Ikaw ba ang gumawa nyan anak ko?" Tanong ni Liza ng makita ang bulaklak sa buhok ni Sam. Tumango si Lucy at tuwang tuwa na sumagot sa ina. "Opo ina! Bumagay sa kanya at nagmukha syang prinsesa ng Luzarcia! Hihi."

"Tama ka. Heto nga pala ang sapin mo sa paa, Samantha." Sabi ng ginang at inilapag sa paahan nya ang isang simpleng sapin sa paa. "Ikaw Lucy, isuot mo na ang sapin mo sa paa at magpalit ka ng damit. Akala ko ba'y maglilibot kayo? Kay dungis na naman ng damit mo, saan ka ba galing kanina?"

Nabalisa naman ang bata at basta nalamg sumagot. "Magpapalit na po ako! Ayy teka po... Mamamasyal na po kami?" Takang tanong ng bata. "Sabi nyo po wag muna dahil magpapahinga si Ate?"

"Pero sabi ng kuya mo— naku, ang kuya mo talaga!"

"Bakit ina?" Pumasok sa sala si Lucas na nakadamit na at mukhang walang kaalam-alam.

"Ikaw kuya hah! Gusto mo pala masolo si ate—"

"Lucy! Anong pinagsasasabi mo?" Namumulang tanong ni Lucas sa kapatid. Nang magawi ang tingin nito kay Samantha ay isang estrangherong tingin ang ibinigay nito "May panauhin pala tayo, ina. Sino sya?" Tanong nito.

"Hahahahaha." Malakas na tumawa ang ginang at ang bata. Napatawa nalang din si Samantha dahil sa sinabi ni Lucas.

Anong nakakatawa sa tanong ko? Ani Lucas sa isip nya at napakamot.

"Bahala kang mag-isip Lucas." Naiiling na sabi ni Liza at pumunta ng kusina. "Mag-iingat kayo, hah?"

"Opo, ina! Tara na ate!"

"A-ate?" Ani Lucas at napabaling ang tingin kay Samantha. "I-ibig sabihin si Samantha yan!?" Gulat na sabi nito. Natatawa naman si Samantha ng hilahin na sya palabas ni Lucy na natatawa nalang din.

Nang nasa labas na kami ay sumigaw si Lucy. "Ina! Babalik po kami bago magtanghalian!"

"Sige, mag iingat kayo!"

"Tara na!"

"Sandali!" Sigaw ng kuya nya at agad na sumunod sa amin.

Lumapit agad sa akin si Lucas nq tila di parin naniniwalang si Samantha ang kaharap nya.

Nagsuot lang naman sya ng bagong damit, nilagyan ng bulaklak sa ulo, edi wala masyadong nagbago pero bakit di ko sya nakilala kanina? Ani Lucas sa kanyang isip habang nakatingin kay Samantha na nililibot ang tingin.

Bago pa ang lahat ay may naalala si Lucas. "Ikaw, muntikan mo ng sabihin kay Ina na nag-aaral ako ng palihim. Mabuti na lamang at narinig ko." Nakanguso nitong sabi.

"A-ahh hehe, sorry." Lumipat si Lucas sa kanilang gilid ni Samantha kung saan nakakapit sa kamay nya si Lucy. Salubong ang kilay na kinausap nito ang bata.

"Lucy, wag kang lalayo kapag nasa bukana na tayo ng tarangkahan ng Bayan, baka maulit na naman ang nangyari kahapon."

"Opo." Sabi ni Lucy na nakanguso. Nagtaka naman si Sam dahil halatang may ginawa ang bata.

"A-anong nangyare?" Tinignan sya ni Lucas at bumalik ang tingin sa harapan.

"Yang makulit kasi na yan. Inutusan ako ni ina na bumuli ng sangkap para sa lulutuin nya. Nagpumilit sumama kaya isinama ko na. Pero ang makulit na yan, pagdating sa bukana, nung makita ang magandang koronang halaman ng anak ng ika-unang konseho ay nagtatatakbo at nilapitan na dapat ay hindi. Muntikan na tuloy syang masaktan nun. Masyadong maarte akala mo kagandahan." Sabi nya habang salubong ang kilay.

"Grabe naman dito."

"Sinabi mo pa." Sagot ni Samantha habang inililibot ang tingin sa lugar. Kita nya na makaluma ang mga bahay. Bagamat maliit ay malinis at maganda naman ang mga ito. Ang ilan ay napapalingon pa sa kanila— sa kanya kung tutuusin— at mapapahanga sa kanyang ganda.

"Lucas! Nobya mo? Kay ganda naman nya! Mukha syang prinsesa!" Ani ng isang ale na nagdidilig ng halaman sa harapan ng bahay nito. Mabilis na sumahot si Lucas at natawa naman si Lucy.

"H-hindi po! Hindi po! K-kaibigan ko lang po!" Sagot dito ni Lucas.

"Baka ka–ibigan kamo." Turan ng ale at binuntutan pa ito ng tawa.

"Ha ha ha." Tawa nalang ni Lucas na halatamg pilit at nilingon ang dalawang kasama na bumubungisngis. Agad na nagsalubong ang kilay nito.

Tignan mo, imbes na itama ang tinuran ng Ale, nakitawa pa! Hanep!

"Bilisan na nga natin! Tsk."

Inabot pa sila ng ilang minuto bago nakarating sa isang lugar na parami na ng parami ang tao. Nakakita rin si Samantha ng malaking gate. Sa bawat gilid ay may mga lalaking nakasuot ng mga bakal na armour. Kung di sya nagkakamali ay mga kawal ito. Maging sa taas ng gate ay may parang tulay at nandun ang ilan pang kawal.

"Ito ang Sentrong Bayan ng Luzarcia. Dito mo makikita ang lahat ng tindahan. Apat ang tarangkahan dito at sana ay di ka malito dahil kapag nalito ka, sa ibang bahagi ng Luzarcia ka mapapadpad. Tandaan mo, hilaga ang tarangkahan papasok sa Cerban. Apat na tarangkahan ang mayroon dito. Ang tarangkahan ng Hilaga, mga naka pula na kapa ang mga nagbabantay na kawal sa tarangkahan na ito, Timog, mga naka berde, Silangan, mga bughaw, at Kanluran, mga lila. At sa lugar na ito, isang maling galaw mo lang, dadakpin ka ng nagkalat na kawal at dadalhin ka sa Korte ng Konseho para litisin at kapag napatunayan na nagkasala ka, sunod sa Tore ng Makasalanan ka dadalhin at doon mo malalaman ang kapalaran mo." Mahabang lintanya ni Lucas.

"Hawakan mo rin ang kamay nya para di makatakas." Ani Lucas nang hawakan nito ang kamay ni Lucy. Agad naman nyang sinunod ang binata at napatanga sa naisip.

Mukha kaming pamilya. Tss.

Palingon lingon si Sam sa paligid hanggang sa napansin nito ang isang matanda sa gilid na nagtitinda ng mga prutas na kakaiba ang kulay. Mukhang madalang may bumili sa kanya hanggang sa dinawit ng isang di kilalang ibon ang isa sa paninda nya. Umalma ang matanda pero walang nagawa kundi ang bumuntong hininga at mapayuko.

Naawa si Sam sa nakita kaya naman heto sya.

Hinahabol ang naturang ibon.

Hingal syang napahinto sa pagtakbo. Sa kakahuyan sya dinala ng paghabol nya sa ibon. Nanlaki ang mata nya ng makita sa gilid nya ang tumatakbong kulay puting Tigre at ubod ng lakas itong sumigaw.

Napatakip si Samantha sa tenga. Agad namang nalaglag ng ibon ang ang mansanas. Kinagat ito ng tigre at lumingon sa kanya.

'P-patay!'

Akmang sisigaw na sya pero napataas ang kilay nya ng titigan sya nito at itinagilid ang ulo. Humakbang ito papalapit. Sa di malamang dahilan ay hindi gumalaw si Sam at hinintay itong makalapit.

Sa isang banda, isang namamahingang lalaki at nakahiga sa isang malapad na sanga ng puno. Tahimik itong namamahinga doon hanggang sa umalingawngaw ang sigaw ng tigre.

Mabilis na nagising ito at gagawa na sana ng galaw para patayin ang naturang tigre ng masaksihan nya ang isang pambihirang pangyayari.

Does this girl lost her own mind? Why the heck is she waiting for that tiger to come near her?

"Didn't she know that white tiger's are most dangerous ones? Idiot." Ani ng lalaki at tahimik na pinagmasdan nalang ang mangyayari. Sa palagay nya ay gustong magpakamatay ng babae. Bakit sya makikialam? Nandito sya sa kakahuyan para mamahinga.

Maya maya ay napataas ang kilay nya at napangisi sa nasaksihan. Ang tigre ay may iniabot na mansanas sa kamay mismo ng babae at tila naging maamo ito.

"Well, that's impressive."

Continue Reading

You'll Also Like

776K 18.7K 82
#10 Highest rank in Fantasy #41 Highest rank in Action 『COMPLETED』 The Goddess of All (1 & 2) -UNDER SUPER MAJOR EDITING- "I will do anything for you...
32.5K 1.6K 42
Will Chevy finally able to find her way back into her true world after the return of the dark lord and darkians, or will she be more trapped in this...
614K 16.6K 78
15 element power 15 elemental army Here at my story, army has an another meaning. It has an another story. A story that all about magic. Magic that w...
43.5K 2K 39
Tale Academy Isang Academiang hindi basta-basta makikita ng isang normal na tao. Ang Academiang ito ay para sa mga nilalang na may kapangyarihan o e...