←----• 02 •----→
"Suicide"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Her POV —
THE CHILD WAS still sobbing when both of them got home. Sa munting isip ng bata, paulit ulit na nakikita niya ang kasalanan ng ama. Mabuti na lamang na nasa hospital ang kanyang ina kundi ay magtataka ito kung bakit siya umiiyak.
Sa pagpasok niya ay agad siyang sinalubong nang nag-aalala na si Nanay Dwen. Ang magulang ni Dwain.
"Bakit ka umiiyak iha? May masakit ba sayo hah? Sabihin mo sa akin." Tanong ng ginang sa kanya na lubos ang pag-aalala. Lumapit ito sa kanya at agad siyang niyakap na ikinagulat ng ginang ngunit agad din itong yumakap pabalik.
"Dwain, ikaw ang kasama niya. Bakit siya umiiyak? May umaway ba sa kanya?" Sunod-sunod na tanong nito. Si Dwain na kakapasok pa lamang ng mansion ay masama din ang timpla ng mukha. Anumang oras ay kaya nitong makatumba ng sinuman ang mang-iinis sa kanya.
"Sa totoo lang nay, gusto kong suntukin si Sir."
"Ano ba iyang pinagsasabi mo, Dwain!" Halong gulat at galit na tanong ng ginang sa kaharap na binata.
"Nay! Nakita niya ang tatay niya na may hinahalikang babae! Ano sa tingin nyo magiging reaksyon ko!?" Sabi nito.
Kumawala ang bata sa pagkakayakap sa ginang at nakita ang gulat sa mukha nito. Doon mas lalong bumuhos ang luha ng bata.
LUMIPAS ang anim na araw at bukas ay araw na ng linggo. Ang araw kung saan mag fa-family bonding ang pamilya na isa ring pangako ng ama sa kanya.
Sa nagdaang anim na araw rin na yun, pansin ng ama ang paglamig ng trato sa kanya ng bata. Maging ang iba ay nagtataka narin sa cold treatment na nangyayari lalo na ang ina ng bata.
Oo, hindi pa niya sinabi sa ina ang nakita niya dahil sa takot na masaktan ang damdamin nito.
Si Dwain naman ay lumalayo rin ng kusa sa naturang padre de pamilya sa naturang mansyon. Hindi nito maatim na kausapin ito dahil narin sa sama ng loob.
At dumating na nga ang araw ng Linggo.
Napangiti ng mapait ang bata sa sarili nitong kwarto. Nagpaalam ang ina sa bata na hindi makakasama, dahil may nag-aagaw buhay na sa sarili nilang hospital. At ang ama naman niya ang lubos na naka dismaya sa kanya.
"I'm sorry princess, may mga urgent meeting ako with VIP clients in Laguna. I need to go there and stay for two days." Pagka-usap niya sa anak habang nakaluhod at hawak ang dalawa nitong balikat. Ang anak ay prente na nakaupo sa kanyang kama.
The child shrugged her shoulders before answering him. "It's okay, Dwain and Nanay can come with me."
"Thank god, you speak! May I ask something?" The child then heaved a sigh as she saw his dad's reaction upon answering to him. Who wouldn't be this sad? After not being treated so well by someone your love?
"Go on."
"W-why are you… Avoiding me? Is there something wrong, princess?" He asked.
"I don't know. Go now. I know that your work is important," she said before going to her comfort room. Hiding her own tears that are starting to fall.
"Princess…" he said and heave a sigh. "Okay, I'll go now. Take care okay? I'll buy you something." Nakatalikod pa rin ang anak niya sa kanya ng maramdaman nito ang paglapit sa kanya upang halikan siya sa ulo.
Nang malapit ng maisara ng ama ang pintuan ay tsaka pa lang ito nagkalakas ng loob na magsalita.
"D-dad…" humarap ito sa kanya ng may umaagos na luha. He was shocked as to what he would do.
"Princess!" He shouted as he ran towards the sobbing child. "What happened? Why are you crying? Do you want me to come with you? I'll cancel—"
"C-can… y-you do m-me a favour?" She asked.
He looked stunned but remained to answer. "Yes, what is it? Tell me. I'll do it wholeheartedly—"
"D-don't hurt m-my mommy, p-please?" Sabi nito at di na napigilang mapahagulgol.
Walang naisagot ang ama. Nanatiling nakayuko ang bata at umiiyak kaya't di nito nakita ang reaksyon ng ama.
Please…
Tulalang lumabas ng bahay ang ama ng bata. Sa paglabas niya ay malamig na tingin ang sumalubong sa kanya. Ang tingin ni Dwain na hindi niya inaasahan.
"Sir." Sabi nito. Di siya sanay. Sapagkat sanay siyang tawagin nito sa kanyang pangalan.
"Dwain." He was about to hop inside his car when the butler interrupted him.
"Sa totoo lang sir, gustong gusto ko kayong suntukin." Sa sinabi niyang yun ay nabuo ang inis sa kanyang dibdib. Ngunit nanatiling kalmado.
"What are you saying?"
Tumingin ito sa kanya ng walang takot. Nandoon pa rin ang lamig. "Nakita mismo ng dalawang inosenteng mata ang ginawa nyo sa park." Sa sinabi ni Dwain na yun ay tila binuhusan siya ng malamig na tubig. Ngunit di pinahalata.
Alam niya na ang dalawang inosenteng mata nayun ay pag-aari ng kanyang anak.
"Niloloko mo lang pala ang pamilya nyo—"
"Shut up, Dwain! You don't know anything! I'll fire—"
"Sige lang sir, tanggalin nyo ko sa trabaho. Wala akong pakialam." Lakas loob na sabi nito na naging dahilan para tuluyang lumantad ang kanyang totoong ekspresyon.
"W-what?"
"Ayokong pagsilbihan ang taong nagturo sa akin na maging totoo pero siya mismo ay hindi nagpapakatotoo. Ayoko ring pagsilbihan ang tao na nagsabing respetuhin ko ang mga babae at mahalin ng totoo pero siya rin mismo ang lumabag nito. You're free to fire me sir. I'm just telling the truth. And I don't like seeing them crying. Why? Because you and your family is my family too." Sabi nito.
Tila naman naging bato siya sa tigas ng kanyang pagkakatayo. Nanginginig ang kanyang kamay at nanlalaki ang mata.
Bahagyang yumuko ang butler na si Dwain. Kalauna'y tiningnan siya sa mata. "Have a safe trip, sir. Excuse me. I'll just take a shower cause we'll be having a 'family bonding' with your 'family'." And with that, he was left dumbfounded.
NAGTAKA ang bata ng makarinig ng hikbi mula sa kwarto ng kanyang mga magulang. Isang bagay ang pumasok sa isip niya. 'Mommy…'
Tila parang pinipiga ang kanyang puso sa naririnig. Mukhang nalaman na nito ang totoo. Kaya naman kumatok siya at isang saglit ay pumasok. Di niya naabutan sa kama ang ina.
Nakarinig siya ng pag-agos ng tubig. Nasa banyo ito. At tama nga dahil kakalabas lang nito mula roon. Siguro ay para naghilamos para itago ang namumulang mata.
"O-oh, baby? Why are you here—"
Agad siyang tumakbo papunta sa ina at niyakap ito. "I know mommy, j-just let it out." Sabi nito. At sa mga salitang yun ay agad na bumuhos ang luha ng kanyang ina.
NAKAHIGA ngayon ang kanyang ina sa kanyang kama. Doon ito nanatili habang umiiyak kaya't nakatulog ito.
Tumayo na siya at hindi na ginising ang ina para sa kanyang pagpasok. Sa halip ay hinalikan niya ito sa noo.
ISANG nakakapagod na araw ito para sa kanya. Pero hindi muna siya magpapahinga para makasama muna ang ina at mapasaya ito sa maliit at munting sulat na ginawa niya.
Wala ito sa sariling kwarto maging sa kwarto niya. Kaya naman pumunta siya sa opisina nito. Nakaawang ng kaunti ang pintuan.
Napangiti siya. "Mommy." Banggit niya ng makitang nakaupo sa sofa ang kanyang ina. Nakatalikod sa kanya. Nagtaka siya ng di ito lumingon ngunit ipinagsawalang bahala niya na lang ito.
"Mommy! Here! I got a—" naputol ang kanyang pagsasalita ng makita ang nakapikit na mata ng kanyang ina. Sa unang tingin ay mukha itong tulog ngunit ng makita niya ang pulsuhan nito ay tsaka siya pumalahaw ng iyak.
"Mommy!" Sigaw niya habang yakap ang malamig na katawan ng kanyang ina. Pumasok ang humahangos na kanyang butler na si Dwain at ang Nanay.
"Jusko po!" Sigaw nito ng makita ang kanyang ina. Nagugulat namang tumingin sa kanyang ina si Dwain ngunit kalauna'y lumapit at binuhat ito.
"Dadalhin ko siya sa Hospital! Nay! Dito lang kayo! Bantayan nyo siya!" Sigaw nito ng maisakay sa kotse ang kanyang ina. siya naman ay nananatiling nakayakap sa Nanay niya.
Humihikbing napatingin siya sa nakangiting ama na kakarating at papalapit sa kanya. Ngunit ng makitang umiiyak siya ay nagtataka ito. Lumuhod ng kaunti kapantay ng kanyang mukha at sa di inaasahan ay nasampal niya ito gamit ang maliit niyang kamay.
"B-baby?
"I HATE YOU! YOU'RE THE REASON WHY MOMMY KILLED HERSELF! I HATE YOU! I HATE YOU!!" sigaw niya at paulit ulit na hinampas ang ama. Ang kanyang ama naman ay nagugulat na tumingin sa kanya.
"W-what?