Giovanni Clark: Gone Crazy (G...

By frosenn

116K 4.9K 11.8K

Giovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He def... More

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (1 of 2)

Chapter 15

2.1K 111 279
By frosenn

Happy 27k followers! Thank you rin sa paghihintay at pag-unawa :)
---

Chapter 15

Poetry

 

"Hija, nariyan ka na pala. Pasok ka!"

Hindi pa man ako nakakalapit sa door bell ng pribadong mansiyon, namataan agad ako ng isa sa matatagal nang kasambahay ng mga Fabian.

Mabilis na umukit ang ngiti sa aking mga labi. Pinagbuksan nila ako ng gate kaya sumunod na ako patungo sa loob ng mansiyon.

"Nasa taas pa ang mag-asawa. Maupo ka muna riyan at mag-aasikaso na kami sa kitchen," bilin nito.

Nagpasalamat ako at dumiretso na sa nakagawian kong puwesto sa malawak na tanggapan.

Sabado na ngayon at nandito ako dahil nabalitaan nila Tita Jean ang nangyari last week. Because it involved the allowance and card they gave me, they were concerned about it.

Ayon kay Kuya Orpheus, nalaman niya kay Ulrik na inaksiyunan agad ito ng kanyang mga magulang. Kung wala lang akong sakit nitong mga nakaraang araw ay baka agad akong pinapunta rito.

Sa kabila ng hiyang nararamdaman sa kanilang malasakit, I weighed my priorities again. Dignity or dream?

Pero parang hindi na nga kailangan noon. Dahil hindi kailanman pinaramdam ng mga Fabian na kailangan naming isakripisyo ang dignidad para dinggin nila ang tulong na kailangan namin. Bagkus, kusa nila itong hinahandog.

Hindi ko na namalayan ang ngiti sa iniisip. Sila ang pangunahing dahilan kung bakit nagbago, kahit papano, ang pananaw ko sa mga mayayaman.

Ilang yabag ng mga paa ang pumutol sa pagmumuni-muni ko.

Sa pag-aakalang sina Tito Vince at Tita Jean na iyon, saka ko lamang naalala na posible nga palang makasalubong dito si Ulrik. Siguro'y pinakiusapan ng mga magulang na umuwi rito dahil mas madalas na ito sa sariling condo unit.

Abalang nakikipagtitigan si Ulrik sa kanyang phone, binabaybay ang daan patungo siguro sa dining area. Halos malagpasan na ang living room nang alisin doon ang mga mata para mag-angat ng tingin.

Saka niya lamang ako napansin.

"Riz! Nandito ka na pala. Sorry, I wasn't attentive. Kanina ka pa?" aniya sabay bago ng direksiyon patungo rito.

Gusto ko sanang biruin. Hindi niya talaga ako mapapansin kung halos idikit niya na sa mukha niya ang phone. Pero tumayo na lang ako at ngumisi.

Sinenyasan niya naman akong hindi na kailangan noon kaya bumalik din agad ako sa pagkakaupo. He sat perpendicular to me.

"Hindi naman. Wala pang 10 minutes."

Ulrik nodded, tapping his phone against his lap lightly. Para bang hindi mapakali sa kung anong naroon. Baka may hinihintay na message? Hmm!

"You went by yourself?" he then looked around to see if there's Mama and Kuya before pointing upstairs upon checking. "Want me to call them for you?"

Mabilis akong natauhan at umiling.

"Ha? Hindi na! They can take their time. Wala rin naman akong ibang lakad kaya ayos lang. At saka, ngayon na lang din ako nakabisita rito..."

Pagkatapos kong sabihin iyon, parang magnet na bumaba ang tingin niya sa kaliwang kamay ko, sa partikular na daliri, kaya natiklop ko ang mga kamay nang dahan-dahan.

Madaling nakuha ni Ulrik ang ibig sabihin noon. Tumikhim siya at ngumiti na lamang sa akin—that typical playful grin of him as if nothing happened.

"Mukhang nakalimutan magpadala ng inumin nila Manang dahil busy sa kitchen. What do you want? Let me take care of it for you," tanging nasabi niya na lang bago tumayo.

"Uh, cucumber juice na lang siguro..."

"Got it."

"Thank you." I smiled. He just winked at me.

The moment I ensured that Ulrik's off for the juice now, I glanced at my ring as I gently grazed my fingers on its surface.

Right. How could I forgot to take this off? Tuwing makikipagkita sa mga Fabian, hindi ko alam, pero hindi ako komportableng sinusuot ito sa harap nila. O siguro alam ko naman talaga kung bakit. Sadyang kinukumbinsi ko lang ang sarili na mali iyon.

For some reason, maybe I still... blame myself for it. I can't free myself from guilt until now.

Ang pagsuot ng singsing na sumasagisag sa pagkamatay ng kanilang bunsong anak ay ilegal sa damdamin ko. Kaya paanong nakaligtaan ko iyon ngayon?

Napakuyom ako ng kamay at bumuga ng hangin. Akmang huhubarin ko na ang singsing ngunit kasabay noon ang pagliwanag ng isang bagay sa couch kung saan nakapwesto si Ulrik kanina.

Nanliit ang mga mata ko nang na-realize na naiwan niya ang phone niya.

I stretched my neck to see if Ulrik's back so I could tell him that an important notification might've been received. But as soon as I took a second glimpse of it, his lock screen wallpaper caught my attention...

Or more like, piqued my curiosity.

Hindi man iyon gaanong malinaw mula sa pwesto ko, sigurado pa rin ako sa nakita. It was a girl!

Base pa lang sa nasilayang kutis, pananamit, at postura, alam ko na agad na hindi lang iyon basta-basta dahil masyadong propesyunal ang pagkakakuha. Parang iyong sa mga magazine o poster ng modelo.

Napaayos ako ng upo.

Wow. Was it Ulrik's celebrity crush? Could be! Wala naman akong nababalitaang may girlfriend ito!

For sure I'd know otherwise because he's very close to Kuya Orpheus. Pero talaga? I didn't peg Ulrik to be the type who sets his celebrity crush as his wallpaper. That's refreshing to know then.

Hindi rin nagtagal nang bumaba na sina Tita Jean at Tito Vince. Si Ulrik, pagkatapos ibigay sa akin ang hinandang juice ay bumalik sa pagiging abala sa phone. Mukhang importante nga ang hinihintay. I couldn't help but grin secretly.

We all proceeded to the dining area. Una pa lang ay ni-request na nilang dito ako mag-lunch. Pero kahit sanay na ako sa mga pagkain sa mansiyong ito, hindi ko pa rin maiwasang mamangha sa mga nakahanda.

"Kamusta ka na, hija? Nag-alala kami nang nabalitaan namin ang nangyari sayo. Are you fully recovered now?" tanong ni Tita Jean bago pa man galawin ang pagkain, tila hindi na iyon makapaghihintay.

I fell into a trance as I examined her face. It wasn't hard to recognize the worry in her expression. It wasn't even strained.

Napangiti ako. "Huwag po kayong mag-alala. Maayos na po ang lagay ko ngayon."

Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Tita Jean.

"Oh, dear. That's good to know. I can't imagine how terrible it was for you, Riz. Nakatamo ka ba ng sugat o gasgas?" Her lips twitched. "Or worse... trauma?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi iyon kailanman pumasok sa isip kaya mabilis akong tumanggi.

"Nako! H-Hindi naman po iyon ganon kalubha para... mangyari iyon," hindi ko mapakaling katwiran.

Sa sulok ng mga mata, kita ko ang pag-angat ng tingin ni Tito Vince mula sa kabisera. Nilahad nito ang pagkain kaya minabuti na lang naming simulan iyon.

"You're silent than usual, Ton," puna ni Tita sa katabing panganay.

Uminom ako ng tubig at nilipat sa kanila ang tingin.

Tama si Tita Jean, halatang kanina pa may gumugulo kay Ulrik. But I guess it's nothing serious, though. Nilapag ko ang baso at nagpatuloy sa pagkain.

"Tss," Ulrik chuckled at his mother as if it's nothing to be worried about. "Of course, because we have a guest, Ma. It is Riz who matters right now."

Ngumuso ako. Bumenta man iyon kay Tita, tulad ko ay mukhang nakakahalata na rin si Tito Vince na may multo nang ngisi sa mga labi.

I guess I was right. Baka pa problema sa babae? Hmm. Kung ano man iyon, wala ako sa tamang lugar para manghimasok kaya ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat.

"Anyway, how's Olivia and Orpheus, hija?" Tita Jean turned back to me.

Tinuon ko na lang ang atensiyon sa pagkain at sa bawat tanong ng mag-asawang Fabian.

I could say that it was a nice change of scenery. After getting my new allowance and card, Tita Jean invited me into her closet.

Nakakahiya man pero hindi niya ako hinayaang tumanggi. She even lent me a lot of clothes and accessories! Halos lahat ay hindi pa raw nasusuot o 'di kaya nama'y kakabili lang para sa akin.

Indeed, that day temporarily detached me from my problems and miseries. Thanks to them. Napakabuti ng puso ng mga Fabian at mapalad akong makilala sila... Ang bawat isa sa kanila.

While inside Fabian's service car, I smiled with a sigh as I stared down at my ring...

You're family's just doing fine, Tobie. And we hope you are, too. Wherever you are, I hope you're already at eternal peace...

Sa natitirang oras bago ang panibagong linggo, marami akong inatupag. Pagkatapos maglinis ng bahay, agad akong nagkulong sa kwarto para gawin ang mga activity at take home exam na na-miss ko dahil naging busy sa Festival Week last time.

Kailangan kong humabol sa lessons. Kahit kasi exempted sa ibang activities, may mahahalagang quiz at assessment pa rin na dapat gawin bilang requirement sa subjects. Ilang chapters ang inaral ko para makasabay sa lessons next week.

It was exhausting to be honest, but I had no choice. Iyon lamang ang pinagkaabalahan ko sa buong weekend.

Kaya naman pagkabalik sa ordinaryong araw ng Mackenzie, laking gulat ko nang tumambad sa akin ang maraming college students sa aming building. Nang natanto ang nangyayari, napatampal ako ng noo.

Of course! Bakit naman nawala 'to sa isip ko? Nagsisimula na ang renovation sa College of Business! Kaya sila nandito ngayon! So stupid, Riz!

Natanaw ko agad ang ilang mga kaklase. Nakatambay sila sa tapat ng room, nakikiusisa sa kaganapan.

I sighed. Parang uhaw na uhaw makakita ng mga college!

"Pres! Mabuti nandito ka na!" Tumakbo sila patungo sa akin.

Pinagpatuloy ko naman ang paglalakad kahit todo excuse sa mga tao dahil siksikan ngayon sa pasilyo, siguro'y naghahanapan pa rin ang mga college ng room o ng mga kaklase. I don't know, really. It was so overwhelming to me.

"Na-miss ka namin! Hindi ka namin masyado nakausap sa event, ha!"

"Ang saya ng symposium! Hindi boring kahit puro discussion! Yieee. Hindi na nakakagulat na Best Org kayo ngayon!"

"Speaking of! We heard what happened between Apple and Gio during FestWeek. Ang sabi, dahil daw sayo? Anong nangyari, Pres?"

"Ophelia! Sinong makaka-share nating block sa room?"

Lahat sila ay excited masagot ang mga katanungan. Parang sasabog ang tenga ko sa sobrang ingay ng paligid. Sabay-sabay pa talaga sila!

Napailing ako, natatawa. May ilan nga lang doong hindi ako komportableng sagutin kaya inuna ko munang bumati at pumasok sa room.

"Mabuti, Pres, hindi ka sinugod ng mga fans ni Gio?" mapaglaro nilang tawanan.

Sa lahat ng topic, doon sila pinakainteresado. Nagkumpulan sila sa desk ko. Medyo maaga pa kaya maraming bakanteng upuan.

"For sure meron 'yan! Ganoon daw sila, e. For those who dare to come at Gio."

Kumunot ang noo ko.

Lahat na lang ba ay iyon agad ang konklusyon tuwing may nakakaaway ito? Siya lagi ang inaalipusta at biktima?

Hindi ako makapaniwalang napabuga ng hangin.

"May hindi lang pagkakaintindihan. Wala namang... lumapit."

Bahagya akong napahimas ng batok dahil sa atensiyong nakukuha habang nagsasalaysay. Dinaan ko iyon sa tawa.

"Ano ba kayo! It's no big deal! Kaya rin siguro walang 'fans' na sumugod kasi wala lang iyon. Totoo!" giit ko nang mukhang duda pa rin sila sa sagot.

Ni hindi ko na rin alam ang sinasabi ko. It's no big deal, huh? Nice one, Riz. Sinong binibilog mo?

"Hmm. Baka nagpapapansin lang si Miss President kay Gio? Mukha namang effective, e."

Naagaw ng bagong dating na si Raquel ang atensiyon naming lahat. Ang VP ng aming klase.

"Aga, ah?"

"Nagpapapansin?"

Binati siya ng mga ito. Huli na nang nakuha ko ang sinabi niya nang bigla siyang humalakhak pagkalapit nang tuluyan sa amin.

"Just kidding! Masaya kaming nakabalik ka na, Pres!"

Parang may bumabara sa lalamunan ko kaya hindi ako nakatugon agad. Tanging tango at tipid na ngiti lamang ang naisukli ko.

My eyes were fixed on her way as she greeted back our classmates with total enthusiasm.

"Sino-sinong makiki-share ng room sa atin?! Sana may gwapo!"

"Lahat naman ata ng block sa college may fair share ng mga gwapo! Hindi na tayo lugi! Lalo na sa CBA!"

Kalaunan, mapaghanap ang kanilang mga mata sa kasagutan nang ituon muli sa akin ang atensiyon. Alanganin akong napaayos ng upo. Heck. Sa sobrang aliw ko ata sa kanilang usapan, nakaligtaan ko na naman ang tungkol doon.

My cold palms went clammy. In that split second, I tried so hard to dig some answers in my memory but to no avail. Wala akong matandaan na na-update ako roon!

"Sorry. Hindi pa kasi nasasab-"

"Huh? I gave you the copy, Ophelia. Hindi mo ba nakita?" takang putol sa akin ni Raquel.

Puno ng kuryosidad ko siyang binalingan. Medyo nawala man sa isipan ko ang tungkol sa bagay na ito, sigurado naman akong wala pa akong natatanggap na kahit ano sa email man o sa chat.

Bago pa man ako makasagot, tumikhim na si Raquel at kinuha ang kanyang phone.

"Anyway, Ma'am also sent me the memo last week. Ito, o?" sabay lahad niya noon sa mga kaklase.

Aligagang nagsilapitan sa kanya ang lahat. Tinikom ko na lamang ang aking bibig at nanatiling nakatitig sa kanila. What's this feeling? Is she...

I pressed my lips and scoffed.

"Isang section lang, Vice?"

"Yup! But look closely!" Raquel insinuated before chuckling.

Hindi ko alam kung guni-guni lang ba iyon. Ngunit baon ang mapaglarong ngisi, parang nahuli ko itong sumulyap sa akin.

Kinailangan ko pang iiling ang ulo para isantabi ang negatibong pakiramdam.

Imbes na makigulo roon, kinuha ko na lang ang aking phone. I need to double check kung talagang na-send sa akin ni Raquel ang memo. Baka mamaya, ako lang itong nag-iisip ng masama.

"Oh, my gosh! Block ito nila Gio, ah?"

"I knew it! Meaning lagi natin silang makikita sa tapat ng room tuwing dismissal?"

Mula sa phone, inangat ko ang tingin sa mga kaklase at para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Heck. Did I hear them right?

"You mean, Gio Smith? Ang daming gwapo roon! Ang swerte natin!"

"Shit! Kung ganoon, uuwi akong purified ang mga mata!"

Kahit wala pa man, dinungaw ko na ang bintana kung saan tanaw ang hallway at railings sa harap ng room. Mula sa labas, alam kong kitang-kita ang pwesto ko dahil nasa tapat lamang ako ng isa sa mga bintana.

My stomach hollowed. Pinaglaruan ko ang sariling mga daliri. Isa-isang sumulpot sa isipin ang mga pamilyar na tao sa section na iyon. And most importantly, of all the classes, why does it have to be the class he is part of?!

Maging si Apollo ay bayolente ang naging reaksiyon pagkarating niya.

"I hate how I would probably see his face every day. Just the mere sight of him irritates my whole being," maarteng asik niya sa tabi ko.

Tipid akong napailing. Hindi pa rin talaga ako sanay na para siyang ina-allergy sa type niyang lalaki.

"Manghihiram lang naman ng room, hindi ba? Hindi naman tayo magtatagal sa hallway. It's best if we just avoid him," sambit ko habang inaayos ang mga libro sa book shelves ng room.

He just shrugged before getting a random literary book off the shelves.

I wasn't in my usual self when the class started. Umabot iyon hanggang breaktime dahil lumilipad pa rin ang utak ko sa nalaman.

Ang totoo nyan, kahit gaano ko iwasan, hanggang ngayon ay apektado pa rin ako sa naging huling tagpo namin noong Biyernes.

Some part of it made me regret my capricious actions. But the majority sent satisfaction to me. Napangisi ako.

Pakiramdam ko nga ay bawing-bawi ang mga paghihirap ko dahil sa hindi inaasahang pag-amin at paghingi niya ng tawad. Tuwing naalala ko ang hitsura niya sa mga sandaling iyon, bahagya akong nabibilib sa sarili.

Sinong mag-aakalang ang tanyag na Giovanni Clark Smith, ang tinitingala't nirerespeto ng lahat, ay halos magmakaawa na para lamang ipaliwanag ang sarili at humingi ng kapatawaran sa akin?

He'd probably turn tail and run every time we see each other from now on. I mean, who wouldn't? Nothing gets more embarrassing than being caught red-handed!

If that's the case, avoiding him would be easy-peasy. Mukhang siya na mismo ang iiwas!

I sneered at that thought. Poor Mr. Giovanni.

Later on, I was cut off from my daydream when I heard my name being called by Ma'am Rubio, our homeroom adviser.

"Mallari?"

"Yes, Ma'am!" Nabuhay ang buong kaluluwa ko.

Napalingon sa banda ko ang mga kaklase. Ramdam ko ang hustong pag-init ng pisngi ko.

"Once and for all, I need you to coordinate with the Class President of BSBA 1-A."

I nodded diligently.

Since parte ito ng pagbawi ko bilang Class President, dapat kong tuparin ang lahat ng tungkulin. It needs to be satisfactory and proficient.

Ma'am Rubio beckoned me to come over in front, so I obliged willingly. Nilapag niya sa teacher's table ang isang susi na may kasama nang tag at iilang papel.

"Ito ang spare key ng room natin at letters na pinapirmahan ng Class President nila sa akin last week. He wasn't able to meet me at the office earlier, so please hand these out to him."

"Will do po," ani ko habang kinukuha na ang mga iyon.

Habang ina-arrange ang mga papel, hindi ko maiwasang masulyapan ang ilang naka-indicate doon.

Para akong naestatwa sa nakita.

"Na-inform ko na si Mr. Smith na ipapaabot ko na lang sayo ang mga ito. I'm expecting you to entertain their questions regarding our schedules and house rules, too, in case they have."

Nilipat na nito ang tingin sa buong klase. Samantalang ako, sa gulat ay hindi na halos makagalaw sa kinatatayuan.

"Also, please be courteous to your temporary roommates, Class. Make sure to clean the room before leaving. Understand?"

"Yes, Ma'am!" the whole class answered in unison excitedly.

Lupaypay akong bumalik sa pwesto. Inaasahan na ni Apollo ang kalbaryo ko kaya pilit niya akong pinakalma.

But how could I calm down?! Halos mapasabunot ako sa sarili.

How did I even miss that part? Of course he's their Class President! Bakit pa nga ba ako nagulat? Easy-peasy my ass, Rizette!

Sa bawat oras na lumilipas, parami na nang parami ang mga college sa labas. Mga 1-A man o hindi. Ilang pamilyar na mukha na rin ang namataan ko kaya dama ko na ang pagtambol ng dibdib.

Sa kabila ng pagsasawalang-bahala, sistema ko na mismo ang ayaw makipag-cooperate sa akin. Damn it!

"Class dismiss. Take care on your way home, guys," paalam sa amin ng huling instructor.

My body was palpitating. Hindi rin nakatulong na pasulpot-sulpot na ang grupo nila Luigi sa labas. I closed my eyes tightly.

"Kaonti lang ang kalat, Pres! Bibilisan lang namin, promise!" sigaw ng cleaners ngayon.

Nagpasalamat ako sa kanila kahit duda roon. May narinig ako kaninang bulungan na babagalan daw nilang maglinis para matagal ang silay sa mga college. Napailing ako.

"Let's go, dear. Para matapos na ito. Nakita ko na siya," hila ni Apollo sa braso ko.

"Okay."

My heart pounded. Kinuha ko na ang susi at mga letter sa desk at nagpatianod na.

"Loosen up. Ibibigay mo lang iyan. Hindi ka sasayaw sa harapan nila."

Sinubukan niyang pagaanin ang loob ko kaya marahas akong bumuga ng hangin.

"Ibibigay ko lang," tango ko, mas determinado na ngayon.

Pagkalabas, agad hinanap ng mga mata ko si Mr. Giovanni. Inabot lang kami ng ilang segundo dahil agaw-pansin ang limpumpon na nakapalibot dito. Tulad ng inaasahan.

Pero bago pa man makahakbang patungo roon, laking gulat ko nang tumambad si Yves sa harapan namin.

"Riz!" he greeted earnestly.

Bahagyang namilog ang mga mata ko. I almost had a heart attack!

Huminto kami ni Apollo sa paglalakad. Rinig ko ang iritadong buntong-hininga niya.

"Uh... Yves." Awkward akong ngumiti.

"Mukhang mapapadalas ang pagkikita natin, a? I'm glad na dito kami sa room niyo mag-i-stay pansamantala... tuwing uwian niyo." Ngumisi siya.

That's right. Kaninang umaga pa sila may klase. Pero tuwing uwian nga namin ay saktong dito naman sila lilipat ng room. Tumango ako.

"I'm glad, too." That was a lie. "Uh... mukhang busy kayo ngayong araw."

"Hmm? Aside from the changes, not really. Why do you say so?"

Napataas ako ng kilay. If that's the case, how come your President wasn't able to reach Ma'am Rubio for these stuff? I thought he's known to be responsible?

The moment I threw a glance at a particular way was the same moment I realized Mr. Giovanni was fixing an eye on our direction.

My breathing hitched.

I noticed him excusing himself from the students accompanying him. Mukhang papunta na rito kaya bigla akong nag-panic. I was about to answer Yves but Apollo already did me a favor.

"Please excuse us, Mr. Alonzo, but we-"

"Lozano," Yves corrected him.

I swear I sensed how Apollo resisted the urge to shamelessly roll his eyes. Pero sa huli, pilit na lang itong ngumiti at tumuwid ng postura.

"Mr. Lozano, of course," he made face covertly. "I feel bad to interrupt your chitchat, but we really need to go. Riz has still a duty to fulfill as our Class President. I hope you understand, Mr. Lozano. Thank you."

Hindi na niya hinayaang makatugon si Yves at kinaladkad na ako para salubungin ang naglalakad na si Mr. Giovanni.

"That bitch! How dare him cut me off?"

I was busy signaling Yves my apology as he just smiled and nodded to show it's okay. And if it wasn't for someone clearing his throat, I wouldn't have been able to remember our main agenda here.

"Riz, come on. Hand it over to get this over and done with," Apollo grimaced under his breath.

Napaharap ako. My mood instantly soured at the mere sight of Mr. Giovanni's earnest stare, as if he's weighing every bit of my presence.

Inangat ko na lang ang mga hawak. Bumaba roon ang kanyang tingin.

"P-Pinapaabot ni Ma'am Rubio," I presented it more in front of him as I pushed the lump in my throat.

What the heck is wrong with my voice?

Mr. Giovanni lifted his somber eyes to meet mine again. I faked a smile shortly. Kunwari'y tinuon ko na lang ang atensiyon sa mga dala para ipaliwanag iyon.

"Ito na po ang spare key para sa room at mga-"

"Aren't you gonna greet me?" aniya, bahagya pang yumuko para lang hulihin ang mga mata ko.

What?

Kung hindi lang ako attentive, baka pa bumulusok na pababa ang panga ko.

Irritated, mistrustful, and haywire all at the same time, I raised my head to confront him, ensuring that all those emotions were evident in my face.

"Aren't you sick tired of all those niceties yet?" silip ko sa mga estudyanteng nakaabang pa rin sa kanya hanggang ngayon. Ngumiti ako sa kanya. "I don't greet people who constantly shut me out either."

Mr. Giovanni stopped dead in his track. Walang imik-imik na nanatili ang naninimbang niyang titig sa akin. Binawi ko na lamang ang tingin at tuluyan nang hinatid sa kanyang mga kamay ang dala.

I could hear Apollo's smirk. Yumuko na lang ako bilang paalam. I'll give him that at least.

"Kung wala na kayong tanong, mauuna na kami."

"I don't think so."

"Huh?" Napabalik sa kanya ang tingin ko.

Mr. Giovanni shifted his weight on his feet as he put down his hands on his sides, holding those stuff effortlessly.

"We still have 20 minutes before our next class. So if you don't mind, I would like to ask a few questions regarding this month-long setup. Prof. Rubio consented to this," he clarified in a negotiating tone, no time for humor now.

Ramdam ko agad ang pagtutol sa singhal ni Apollo. Kung pwede lang na mag-walkout ay baka kanina niya pa ginawa nang kasama ako.

I pressed my lips as I processed his words. Ano naman kayang umiikot sa utak niya at kailangan pa ng pormal na pakikipag-ugnayan tungkol sa mga tanong niya?

Alam kong may permiso ito mula kay Ma'am Rubio. She advised me about this. But how could this man act as if nothing happened?

I sneered inwardly. What is this? Professionalism or insensitivity?

Halos mapailing ako. "Naiintindihan ko, Mr. Smith. Pero hindi ba pwedeng sa email na lang natin ito pag-usapan?"

His head veered a little on his right, askance.

"Are you in a hurry?" sabay sulyap niya kay Apollo.

Akmang ibubuka ko pa lamang ang bibig para sa panibagong palusot nang biglang lumitaw si Raquel sa tabi ko.

I was caught off guard.

"Hello po! I'm Raquel, Vice President ng class. Do you need any help? Kung hindi kayo mae-entertain ni Ophelia ngayon, willing po akong i-accomodate ang concerns niyo."

She sported a welcoming smile, something that I couldn't do at this rate because I was taken aback.

Hindi pa man ako nakakabawi sa pagkagulat ay palihim niya akong tinapik sa aking likod.

"I got this," bulong niya sa akin.

Hindi ko alam kung paano magre-react doon. Something inside me felt uneasy. But what is it?

Wala sa sarili kong binaling ang tingin kay Mr. Giovanni na mukhang hindi rin inaasahan ang biglang pagsulpot ni Raquel.

But unlike me, he was able to regain his composure instantly. At kung mayroon man akong dapat ikagulat, iyon ay ang paglambot ng kanyang ekspresyon—taliwas sa kanyang reaksiyon habang dinidinig ang mga sinabi ko kanina.

Nginitian niya si Raquel bago tipid na tumango.

"Sounds perfect. Pleased to see that you're doing your job. Shall we?"

Hindi ako makapaniwalang napatunganga sa kanya. Teka. Anong ibig niyang sabihin doon?

"Sure!" Lalo lamang lumawak ang ngiti ni Raquel.

While the key and letters were on his left hand, Mr. Giovanni walked past us with his other hand inside his pocket.

Pagkatapos magpaalam ni Raquel ay sumunod na rin ito roon.

Para akong inugatan sa kinatatayuan simula nang lagpasan niya ako. What the fuck did I just see?

After that incident, I still shivered as I recalled the trace of disdain on his face as he passed us by that moment, eyes never looking my way again until they vanished from my vision.

"Tahimik mo," puna ni Apollo pagkabalik niya sa table dala ang mga order.

Bago umuwi, napagkasunduan muna naming kumain sa isang fast food restaurant malapit sa Mackenzie.

Halos mapabalikwas ako. Hindi ko napansing dumating na pala siya. Tumayo ako at tinulangan siyang alisin sa tray ang mga pagkain. Nauna na siyang umupo nang ilagay ko ang tray sa bakanteng mesa.

"May iniisip lang." Late na ako nakasagot.

Dumekwatro siya at nagtaas ng kilay sa akin. "Why am I not surprised?"

Ngumuso ako habang pinupunasan ng tissue ang utensils.

"But what is it this time?" he added.

I've been transparent with Apollo all these years. Alam kong wala na lang ito sa kanya ngayon. Bumuntong-hininga ako.

"After ng Festival Week, I don't know. Pero parang... hindi na ako komportable kay Raquel."

"I kind of expected it. The way you behave when she's around. You're so tensed." He shrugged sluggishly.

Whoa. Am I that obvious?

Binagsak ko ang tingin sa sariling pagkain at na-realize na nilalaro ko na lamang ang straw sa aking inumin.

"Siguro dahil ilang linggo rin akong nawala. Kaya sanay na siyang siya ang gumagawa sa lahat ng trabaho."

"What are you worrying about? Isn't that something to be thankful for? Girl, if it wasn't for her, you should've been suffering from that double-faced douchebag until now."

Sa bagay, tama si Apollo. Bukod doon, utang na loob ko rin kay Raquel ang pamumuno sa klase noong mga panahong wala ako.

Our classmates are fond of her because aside from being a naturally social person, she's also proved that she can be a reliable leader, too.

Hindi ko dapat siya husgahan base lamang sa nararamdaman kong wala namang batayan. At sa kaso naman ni Mr. Giovanni, mas mabuti nang nakatakas ako sa kanya ngayon.

It's better this way. To avoid each other and just be civil as much as we can.

I twiddled my ring as I mulled over those things. Kung tutuusin, simpleng bagay lang ang mga iyon pero nahihirapan akong mapalagay.

Natawa na lamang ako sa naiisip. Baka nga nasisiraan lang ako ng bait. Lahat na lang ng bagay, napapansin at nilalagyan ng malisya. Heck. May pag-asa pa ba ito? Tuluyan na akong natawa sa sarili.

For the following days, everything was quite in a smooth sailing. Lahat ay nag-aadjust sa bagong arrangement pero kung may mas nahihirapan man, tiyak kong ang mga college iyon at hindi kami.

Palipat-lipat kasi sila ng room. Tuwing uwian namin, saka lang sila nakakapag-settle.

Sa mga araw na nagdaan, nagawa ko na ring kausapin si Luigi tungkol sa hindi pagkakaunawaan last time.

Aniya, halos nakalimutan niya na nga raw iyon. Ganoon din ako kaya madali lang naming nalinaw na hindi big deal ang isyu. Ayos na ulit kami.

"So pwede ko na bang mahiram si Riz?" si Yves, kanina pa naghihintay na matapos kami.

Tumawa lang si Luigi at tinapik ito sa balikat. Nagpaalam na rin ito kaya sinundan ko siya ng tingin nang konti. Hindi ko nga lang inaasahan na sasalubungin niya ang paparating na kaibigan, si Mr. Giovanni.

Luigi patted the latter's arm as he greeted him. Mula rito, kita kong nakangiti namang bumati pabalik sa kanya ang lalaki.

Luigi pointed our direction over his shoulder, probably to tell what happened or where he was a while back. Dahil doon, napadako rito ang tingin ni Mr. Giovanni.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at may lakas ng loob akong abangan ang kanyang reaksiyon. Pero nanatili akong nakatingin sa kanila kahit nagsasalita na si Yves sa tabi ko.

And just like what I expected, Mr. Giovanni just threw a glance at this direction as if there's nothing interesting and proceeded to their conversation.

I tss-ed and just shook my head.

After our last talk, he's always been like that anyway. Like he's now holding an air with unconcern and lack of interest towards me.

Kahit hanggang sa pagbaba namin ni Yves sa cafeteria, iyon pa rin ang laman ng isipan ko. Maybe I was just weirded out. Aaminin ko, kahit ilang araw nang ganito, naninibago pa rin ako sa tungo niya sa akin.

Siguro dahil nasanay na laging may kakaiba sa kanyang ekspresyon tuwing nakikita ako? How funny. Parang dati lang ay naiirita tuwing napupuna iyon.

I mean, what the heck is his problem with me? Why is he treating me differently and unfairly? Sino ba namang gusto ng ganoon, hindi ba?

But now, he was able to bother me the same. However, now with a different context. He doesn't approach or even look at me anymore.

I mean, that's fine. Iyon naman talaga ang hiling ko, hindi ba? Pero natural naman atang manibago kung sinanay niya ako sa mga kaduda-duda niyang kilos noon. As if he's done with me now. But in the first place, ano nga ba ang pakay niya sa akin? Ang ipahiya at punuin ako?

Goodness! And now what is this? His new and improved tactics? O sadyang ganito talaga siya sa lahat ng nalalaglag sa patibong niya kalaunan?

Ugh. Whatever! Kung ano man iyon, wala na akong pake. As long as he's not performing any crazy antics to get on my nerves anymore, I will mind my own business and enjoy my peace.

Dahil sa huli naman, nasa sa atin pa rin ang desisyon kung pahahalagahan natin ang sariling kapayapaan, hindi ba? Regardless if it's by doing or ignoring something, at the end of the day, what matters most is us—valuing our peace.

Sa sumunod na linggo ay hindi masyadong nakakapagklase ang mga prof sa Mackenzie dahil may pinaghahandaang outreach program ang buong faculty. Iyon nga lang, nag-iwan naman ang mga ito ng sandamakmak na handouts para sa sabay-sabay na long tests next week.

From Monday to Wednesday, panay aral lang ang inatupag ko kaya maaga akong natapos sa pagi-study. Kaonting scan at review na lang sa weekend, sure akong magiging maayos ang resulta ng exams ko.

Thursday nang napagplanuhan naming mag-mall nila Apollo, Kenna, Palmer, at Diego pagkatapos ng kanya-kanya naming first class. Sa oras lang na iyon kasi kami kinikita ng mga homeroom advider.

So for the rest of the day, they highly suggest na gamitin ang oras para gawin ang mga project at mag-review for exams. Pero dahil lahat kaming lima ay maluwag na ang schedule, minabuti naming mamasyal.

Babalik din naman kami ng school sa ikaapat na subject, e. After iyon ng breaktime. Mabuti na lang at malapit lang ang pinakamalaking mall sa syudad. Isang sakay lang, nakarating na kami.

"I missed commuting!" Palmer clapped.

"I commuted last week so it's not that exciting naman for me," kibit-balikat ni Kenna.

Rich kids. Natawa na lang ako sa kanila.

Si Diego ay nauna agad sa pinakamalapit na electronics store. Samantalang si Apollo, tahimik lang at tila may sariling mundo sa kanyang phone.

Hindi lingid sa kaalaman kong pinagtitinginan kami dahil sa aming uniporme. Pero imbes na mailang sa atensiyong nakukuha, nilibot ko na lang ang paningin sa paligid.

Naaliw ako sa artificial vertical garden sa gitna ng mall. Abot iyon hanggang ikatlong palapag kaya labis na lang ang pagkamangha ko.

Ang ganda rito! Bilang pa lang sa daliri ang pagpunta ko rito dahil bukod sa hindi ako madalas mamasyal, malayo rin ito sa amin.

Now that I'm studying here in Mackenzie, I think we should do this often to unwind. Lalo na kapag katapos ng major exams!

Kasalukuyan na kaming naghahanap ng makakainan. They were debating whether to choose Italian or Chinese. Hindi na kami nag-buffet para hindi magahol sa oras ang panunuod ng sine pagkatapos.

Seriously, hindi naman siguro halatang planado ito, ano?

"You know what? Nagugutom na ako. Ayun, oh? Aristocrat! Maging makabayan tayo!" nabuburyo nang asik ni Diego.

"What do you prefer?" tanong na lang ni Apollo sa akin kaya ngumisi ako.

"Jollibee."

It was supposed to be a joke. But to my surprise, after another episode of debate, we ended up choosing my answer. And guess what the reason was?

"Now that I think about it, Jollibee is a tempting offer. It's been ages since I last tasted their chicken joy!" si Palmer.

"Aight. Para maiba naman," Kenna agreed.

Para maiba naman? Halos matawa ako habang tinutunton na namin ang daan pabalik sa nadaanang Jollibee kanina.

I faked a cough. "Wow. That's offensive."

"Huwag kang ano riyan, Riz!" akbay sa akin ni Kenna.

Hindi naglaon, halos abot-kamay na namin ang destinasyon nang hindi inaasahang huminto si Diego sa paglalakad. Since siya ang nasa unahan namin, napilitan din kaming tumigil at magreklamo sa kanya.

"What the hell's your problem?" Kenna pushed his back.

Napansin kong may tinititigan si Diego na kung ano sa malayo kaya kunot-noo ko iyong sinundan ng tingin.

And I was startled as soon as I recognized it.

"Isn't that Gio?" Diego pointed.

"Huh? Saan?" mabilis na lingon ni Palmer sa direksiyong tinuro niya.

Lahat kami ay napatingin na rin doon. Maging si Apollo na halos isubsob na ang mukha sa kanyang phone ay bahagyang nagulat din.

"Who are those guys? They're not familiar."
Palmer was the first to react.

Mula sa malayo ay tanaw namin si Mr. Giovanni kasama ang tatlo pang hindi kilalang lalaki. Mukhang naglalakad na ang mga ito paalis ng mall.

Subalit kung may mas interesante pa sa nasaksihan, iyon ay ang katotohanang bakas ang banyagang lahi sa kanilang apat. Lahat ay nagtatangkaran at may angking hitsura't kakisigan. Angat na angat ang presensiya. Hindi na nakakapagtaka kung bakit ganoon na lang ang sulyapan ng mga tao sa kanila.

"Mukhang mga expat. Are they models or something? I know Gio is high caliber. Pero ngayon, mas napatunayan kong he's out my league!" madramang wika ni Kenna sabay yakap sa braso ko.

Kalahati ng oras namin sa pagkain ay ginugol sa usapan tungkol sa nakita at karagdagang detalye tungkol kay Mr. Giovanni. Mga teorya at chismis.

I stabbed my chicken joy with a fork, staring at it like every bit of it was worth wondering.

To be honest, it's kinda refreshing to see Mr. Giovanni outside the school. Idagdag pang hindi na ito tulad ng dati, na kasama ko ito dahil sa kanyang kapatid.

So that's how it feels like to look at him from afar, huh? He has this air, I realized, that feels surreal. As if he's not real. Or at least he's beyond human.

It felt illegal to think that I had moments with him alone. That I had once the guts to raise my voice at him. Parang hindi kapani-paniwala. Parang ilusyunada pakinggan.

Siguro dahil ngayong parang hangin na lang sa kanya, unti-unti ko nang nauunawan ang nakikita sa kanya ng ibang tao. Like what Kenna said, he's out of our league and just too much to take.

"May mga bisita raw tayong international students!" anunsiyo ng isang kaklase na galing sa labas.

"Where? Nasa baba?"

Nagkagulo agad ang mga kaklase, halos nag-uunahan sa paglabas at pagsilip sa hallway.

Sa mga oras na iyon, busy akong nag-aayos ng bookshelves dahil halos araw-araw itong ginagamit. Lahat kasi ay hindi mapakali sa pagre-review para sa exams next week. Lalo na't nalalapit na ito dahil Biyernes na ngayon.

Sa kalagitnaan ng ginagawa, muli kong sinilip ang mga kaklase nang umingay sa labas dahil sa tilian at excitement ng mga naroon. Karamihan, mga babae. I think the visitors are male foreigners, huh?

Nakita kong papasok si Apollo dala ang kanyang biniling fruit juice, napapatakip ng bibig na animo'y starstruck sa kung ano.

Tinaasan ko siya ng kilay bago ibalik ang pansin sa ginagawa. Mukhang tinamaan na naman ng lintek ang kaibigan ko, ha?

Pagkatapos ko sa ikalawang hilera ng bookshelf, umupo naman ako para isunod ang pinakailalim. Pinagkukuha ko agad ang mga nakasingit na basura roon at mga naiwang papel.

Nilagay ko sa dalang box ang mga bagay na mukhang importante at may nagmamay-ari pa kasama ng mga nakita ko kanina. Baka kasi naiwan lang, hindi ba, at hinahanap na ngayon?

Ramdam ko ang papalapit na presensiya ni Apollo. Pero mayamaya pa, sa dinami-rami ng nakolekta kong papel, sa isang partikular na scratch paper pa ako natagalan.

I was about to throw it into the trash bag when I noticed writing on it wherein the penmanship was somehow familiar. I decided to satiate my curiosity...

"Dear! You won't believe what I just saw!"

...something regretful that I shouldn't have done. Or maybe I should.

  
There's this faketard.
Shithead thinks
so highly of himself.
Lo and behold,
a nasty piece of work.
A two-faced troll
talks bullshit and all.

Boom. Poetry.

  
Bahagyang nagparte ang mga labi ko pagkatapos basahin ang nakasulat.

It was a scratch paper inside an old edition business book. It has many erases but still legible. But most importantly, who writes poems like this?

Nang tumigil na sa tabi ko si Apollo, hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit mabilis kong tinago sa bulsa ang kakatwang papel na natagpuan ko.

"Ano iyon?" I asked without glancing at him yet.

Good thing, Apollo was pretty much occupied with his news. I stood up and heeded to him. He snickered.

"The visitors people are talking about right now are no other than the cute guys with Gio from yesterday!"

At first, I was thinking about: so what? How does it concern me?

But little did I know, something as trivial as this was capable of turning my world upside-down. No...

Our worlds rather.

 

 

April 6, 2021
#GCSeries1

Continue Reading

You'll Also Like

Mío By Yiling Laozu

General Fiction

117K 3.1K 46
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
25.6M 909K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
23.2M 591K 39
"I'm not harmless as you think I am." - Santi Montemayor Old title: ILY, Master Magbabantay, magtatanggol at magiging sandalan niya lang dapat ang la...