Peripéteia of Malakós (Filipi...

By Spark_In_Light

1K 240 194

Kimmy --- A seventeen-year-old girl who dreamt to be one of the 7th highest throne, lead the republic of dist... More

Disclaimer
Synopsis
Chapter 1: New World
Chapter 2: Salamisim
Chapter 3: Zero
Chapter 5: Time Travel Exists?
Chapter 6: Pest
Chapter 7: We Meet Again, Zero
Chapter 8: Baka
Chapter 9: Soft Bear
Chapter 10: Same Book
Chapter 11: Subasta
Chapter 12: Tsuki Ga Kirei Desu Ne?
Chapter 13: Sisters
Chapter 14: A Talk
Chapter 15: A Heart
Chapter 16: Bruise
Chapter 17: Doktor
Chapter 18: 1777

Chapter 4: Patatas

74 15 46
By Spark_In_Light

Kimmy

Nagpatulong ako kina JD at Grey upang ilibing sa maayos na libingan ang aking ama. Silang dalawa ang naghukay at sila na rin ang bumuhat ng bangkay niya. Habang ako ay umukit na lamang ng bulaklak sa lupa. Sabi sa akin ni lola ay ito raw ang pares na alay sa taong namayapa.

I've never seen a flower before, but I know what it looks like. Magaling umukit ang aking lola, maski ang aking tatay ay magaling rin sa pag-ukit. Habang nagkukwento sila sa akin ay inuulit nila ang kanilang mga sinasabi uoang magkaroon ako ng ideya sa kung ano ang sinasabi nila.

Ito na lamang ang magagawa ko upang mabigyan ng magandang libing ang aking ama. At least, kahit na wala na siya ay natupad ang kaniyang hiling na rito sa district five ilibing ang katawan.

"You may now rest in peace, Tay. H'wag mo na ako problemahin dito—I can take care of myself, besides, I have my friends with me. Hindi namin pababayaan ang isa't-isa," bulong ko sa kaniyang puntod.

Bago lumubog ang araw ay nakagawa kami ng apoy gamit ang pinagkiskis na makinis na bato. Akalain mo nga naman, modernong taon na ngunit nagagamit pa rin ang mga sinaunang imbensyon ng mga sinaunang mga tao.

Habang kami ni Marisa ay bumalik sa aming bahay upang kunin ang mga imbensyon ng tatay ko na maaari naming gamitin, sina JD, Grey at ang kapatid niyang si Ange ay naiwan.

Napagpasyahan namin na hindi kami mananatili sa district five hanggang mamatay. Kailangan namin malaman ang nangyayari sa district one upang makumpirma ang aming mga tanong sa isipan at upang makita ang mga mahal sa buhay na kinuha nila. Hindi namin hahayaan na mabulok na lang dito at panghabang buhay na malayo sa pamilya namin.

Dahil nga lumubog na ang araw, nilamon na rin ng dilim ang buong distrito. Maliban na lang sa ibang kabahayan na mayroong gasera at may kakarampot na ilaw ang nanggagaling sa itaas. Galing sa mga sasakyang panghimpapawid.

"Ang talino pala ng tatay mo," bulong ni Marisa habang pinagmamasdan ang gawa ng tatay. "Anyare sa 'yo?"

"Uy, matalino ako, a! Hindi lang talaga natutukan ng mabuti, busy kasi ang lola magsipilyo ng pustiso niya," aniko.

Kinuha ko ang bagpack na kulay itim at inilagay rito kung ano man ang magkasya sa loob. Hindi na ako namili pa. Lahat naman ng imbensyon ng aking ama ay gumagana kaya hindi na ako mamimili. Basta kung ano ang kasya ay lagay agad.

Lumayo si Marisa sa akin at nagpunta sa kabilang pwesto at doon kumuha.

Minuto lang ang binilang namin sa lugar at tuluyan na rin kaming lumisan. Dala-dala namin ang mga gamit na maaari naming gamitin habang papunta sa pinakaunang distrito.

Naabutan namin sila JD at Grey na nagtatawanan kasama ang isang hindi mapilyar na lalaki. Sa ginta ang apoy habang may kaldero sa gitna nito. Pati si Angeline, ang nakababatang kapatid ni Grey ay nakikisama rin sa tawanan.

"May new friend agad?" untas ni Marisa. "Kakaalis lang natin nakahanap agad ng bago?!"

Pabagsak kong inibaba ang aking mga dala dahilan upang mapabaling silang apat sa akin. Kapagkuwan ay lumapit ako sa kanila at iginala ang aking paningin. Agad na nag-init ang ulo ko nang makitang nakasandal ang lalaki sa puntod na tatay ko.

Agad ko siyang sinipa upang mapaalis siya rito. Tanging inosenteng pagtitig lang ang isinukli niya sa ginawa ko at may kasamang ngiti.

"Patatas?" inosenteng turan niya sabay lahad sa akin ng patatas.

"Sino ka naman? Hindi ka taga-dito, 'di ba?" Agad ko siyang nilapitan at kinuwelyuhan. "May balak kang masama sa amin? Sabihin mo nga! Tauhan ka ba ni Zero—"

"K-kimmy—" Naramdaman ko ang marahas na paghatak sa akin ni Grey. "Kakampi s'ya, Kimmy, hindi natin s'ya kaaway—"

"How sure are you?" Natahimik ito. "Bakit ang dali-dali n'yong magtiwala sa panahon ngayon."

"He looks harmless to me," singit ni Jd. "Mabait s'ya—"

"Pakitang tao!" sigaw ko sa lalaki.

Umalis ako sa tapat nila at padabog na binalikan ang mga gamit ko. Wala talaga akong tiwala sa lalaking iyan kaya mukhang kailangan ko ng ihanda ang mga magagamit ko pangsakal sa kaniya.

Baka mamaya ay kinukuha niya lang ang loob namin tapos ay papatayin din kami kapag nakuha na niya ang loob namin. Paano kung may balak pala siyang masama?

Naramdaman ko ang pagkalabit sa akin ni Grey. "Kumain ka muna—"

Pinagkatitigan ko ang patatas na laga. "Saan galing 'to?" Inginuso niya yung lalaking mahilig sa patatas. Lumunok ako ng laway at nag-iwas ng tinggin. "Ayoko, isaksak niya sa atay n'ya 'yan."

"Arte mo, a? Buti nga may makakain tayo ngayon, e—"

"Edi kumain kayo! Ubusin n'yo hanggang sa magsawa kayo! Laklakin n'yo lahat! Baka mamaya may lason pa 'yan."

"Walang lason 'to, sabay sabay naming niluto ito—"

Sa gitna ng palitan ng sagutan namin ni Grey ay bigla namang sumingit sa amin si Marisa.

"Time out! Palatastas muna tayo, okay?" Sabay-sabay kaming napatinggin sa kaniya. "Ano?"

"Patalastas, tanga!" asik ni JD. "Palatastas, palatastas ka r'yan? 'Di mo alam ang patalastas?"

"Aba, magkatunog lang naman sila. Palatastas or patalastas are just the same."

"Hindi, even if they have the same syllables doesn't mean ay parehas na bigkasin. It's Pa-ta-las-tas, not Pa-la-tas-tas. "

I pinched the bridge of my nose. Sumasakit ang ulo ko dahil sa walang kuwentang away nila. Simpleng pagbigkas lang ay hirap na hirap na sila, parang hindi mga pilipino.

"Pwede ba—"

"Basta it's palatastas!"

Hindi nagpatalo si JD. "No, it's patalastas!"

"Palatastas!"

"Patalastas!"

"It's palatastas nga—"

"Pa-Ta-Las-Tas—"

"Patatas!" Natigilan kaming lahat dahil sa malakas na sigaw. Napabaling kami sa lalaking mahilig sa patatas at inis na nakatingin sa amin. "Patatas!"

Napatagilid ang ulo ko. Wala ba siyang alam na salita kung 'di patatas? Puro siya patatas, kanina pa siya patatas ng patatas. Daig niya pa ang bata na tanging 'dada' at 'mama' lang ang alam. Puro patatas ang alam niya, nakakaloka ang lalaking ito.

"Bakit hindi na lang commercial para sosyal?" suhestiyon ni Angeline. "Mga malalansang isda ata kayo, e. Hindi kayo magamay sa salitang Filipino!"

"Oy," puna ko. "Hindi ako malansa. Kahit hindi ako maligo ng ilang araw hindi ako lalansa dahil pilipino ako!"

Naabutan kong inaamoy nina Marisa, JD at Grey ang kanilang mga damit.

"Hindi pa kami malansa," anila.

"Sige nga, subukan niyo 'to. Pinakanakapagpapabagabag-damdamin."

Lahat kami ay napabaling sa kaniya. Kahit ang lalaking mahilig sa patatas ay napatigil at lumapit sa akin habang may kagat-kagat pa na patatas sa kaniyang bibig.

Nagtaas ng kamay si Marisa. "Ako muna. Pinaka nakabag bagagabag damdamin—"

"Engk!" sigaw ni Angeline. "Try again later."

"Ako naman. Magaling ako r'yan," ani JD at kunyaring tinaas ang kaniyang mga manggas. "Pinaka kabagkagabag damdamin—"

"Engk, engk! Mali! Alis ka rito, isa kang malansang isda!"

Natawa ako rito at naabutan ko rin na natawa ang lalaking mahilig sa patatas. Nagkatinginan kaming dalawa ngunit agad ko siyang inirapan.

"Ako nga! Kadali-dali, e. Ulitin mo muna!" utos naman ngayon ni Grey kay Ange.

"Pinakanakapagpapabagabag-damdamin."

"Pinaka napapag kakabagapag damdamin—"

"Engl, engk, engk! Isa ka ring malansang isda!" Kapagkuwan ay bumaling siya saakin. "Ikaw naman, Ate Kimmy. Pinakanakapagpapabagabag-damdamin."

Saglit akong lumunok. "Uh... Pinakanakapagpapabagabag-damdamin?"

Saglit na nag-isip si Ange ngunit bago niya pa matuloy ang sasabihin niya ay marinig ko ang mapang-asar na tawa ng lalaking mahilig sa patatas. Ano ba ang pangalan niya? Nakakapagod sabihin ang lalaking mahilig sa patatas

"That's too easy..." Pagak itong tumawa.

Gulat akong napabaling dito. "So, may alam ka rin pa lang salita maliban sa patatas, huh, Mr. Potato boy?" asar ko sa kaniya.

"Pinakanakapagpapabagabag-damdamin," diretsong usal niya habang nakatingin sa akin. "Bilib ka na n'yan sa akin?" Ang hangin, ha.

Inirapan ko ito at nag-iwas ng tingin sa kaniya tsaka lumayo. Ew, lakas ng loob na dumikit sa akin. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa at muling inirapan ito.

"Patatas?" aniya sabay lahad ng patatas. "Patatas—" Tinabig ko ang kamay niya dahilan upang mahulog at gumulong sa lupa ang patatas na nasa kamay niya.

Agad akong nakaramdam ng guilt dahil sa ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa iyon lalo na sa pagkain. Pero ayoko naman na mag-sorry. Bahala siya riyan.

Dahan-dahan niya itong pinuntahan at pinulot tsaka dahan-dahan na pinagpagan na tila ito ang pinakamahalagang bagay sa buhay niya. Saglit siyang bumaling ng tingin sa akin ngunit agad ding nagbawi at lumakad papunta sa tabi ng apoy.

Naramdaman ko ang pagsagi ng kung sino sa aking balikat. Naabutan ko si Grey na nakatayo sa gilid ko.

"Bakit mo naman ginano'n? Mabait naman 'yung tao—" Agad ko siyang pinutol.

"Sa ngayon. Paano kung sa huli pala ay traydor 'yan? Paano kung kakampi s'ya ni Zero? Baka nakakalimutan mo na kinuha nila ang lola ako at pamilya mo," paalala ko sa kaniya.

"Paano kung hindi?" I looked at him directly in his eyes. "Paano kung unti-unti ng kinakain ng galit 'yang puso mo?"

Nangunot ang noo ko. "Kinakain..." usal ko. "Hindi ako galit! Sadyang wala lang akong tiwala sa kaniya— paano kung..." Humina ang boses ko. "Kilala n'yo ba 'yan?!"

"Yuan..." usal niya. "Yuan daw ang pangalan niya at galing siyang district three at ngayon ay naliligaw siya," mahabang litanya niya.

"Wala pa rin akong—" Agad niyang akong pinutol.

"Alam mo, mas mabuti pang magalit ang masama. Kasi ang masama kapag nagalit alam mo kung hanggang saan. Pero kapag ang mabait ang magalit." Umiling ito. "Hindi mo mahihinuha ang susunod niyang gagawin."

Humarap ako sa kaniya. "Paano mo masasabi na hindi mo mahihinuha? Ano ba ang taong 'yon—dating angel?!" asar ko sa kaniya at natawa. Natawa rin ito.

"Kahit naman sino. P'wede si JD, o si Marisa. P'wedeng ang kapatid ko o p'wedeng ikaw," aniya na nakapagpatayo ng balahibo ko. "Gusto lang kitang balaan. Base sa nakita ko kanina... iba kasi. Iba 'yung galit mo na nakalimutan mong ranggo na ang kausap mo kanina."

Continue Reading

You'll Also Like

394K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...