Giovanni Clark: Gone Crazy (G...

By frosenn

116K 4.9K 11.8K

Giovanni Clark A. Smith is a student model, a top student, a rich kid, a charismatic good-looking man. He def... More

Giovanni Clark: Gone Crazy (Golden Child Series #1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue (1 of 2)

Chapter 14

1.7K 107 402
By frosenn

Chapter 14

Miscalculated

"I'm really, really sorry, Kuya..."

Ni hindi ko magawang makatingin nang diretso kay Kuya Orpheus. Noong araw ding iyon, inuwi na agad ako ni Apollo sa amin. Mabuti na lang at maaga ang dismissal nila Kuya at gabi nang nakauwi si Mama. Nanatili iyong lihim sa aming dalawa ni Kuya.

Iyon nga lang, naging malamig ang tungo niya sa akin sa mga nagdaang araw. Naiintindihan ko naman kung bakit. Kahit sino sigurong suwayin ko nang ganon ay sasama ang loob, e. Pero sa kaso ni Kuya Orpheus, alam kong sobrang dismayado ito. At may halong tampo.

Ngayong Biyernes na lang ako tuluyang gumaling. Kinailangan pang humupa ng huling ubo ko bago ako payagang pumasok ni Kuya.

Dahil kasi sa nangyari noong Lunes, lumala pa ang kalagayan ko. Imbes na ilang araw na lang sana ang absence ko, dumami pa tuloy dahil sa katigasan ng ulo ko.

"Nandyan na si Apollo sa baba. Pumasok na kayo."

Tumango ako. "Ikaw rin, Kuya. Ingat ka..."

Bumuga ito ng malalim na hininga bago ako hinigit para yakapin at patakan ng halik sa tuktok ng ulo.

"You should be the one receiving that reminder. Mag-ingat ka sa school niyo. Message me when something happened again, okay?"

Napangiti ako. "Okay."

They're too worried. Nagkasundo ang dalawa na ihahatid-sundo ako ni Apollo ngayong araw.

Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ni Apollo pagkapasok sa kanyang kotse. Sinuklian ko naman iyon.

It feels nice to see my friends again. Nakapagpasalamat man sa chat, alam kong hindi pa rin iyon sapat kaya hinihintay ko talagang masabi iyon sa personal.

"Thank you so much, Apollo. For standing up for me last time. I really mean it..."

"Always, dear. No one messes with my best friend." There was no humor in his tone.

One squeeze and we withdrew from the hug.

After that incident, unlike what I anticipated, no one sent me bashful messages so far. Inisip ko, baka wala naman talagang pake ang mga tao sa nangyari, bagay na pabor sa akin.

Despite that, some friends, classmates, org mates, and schoolmates wished for my fast recovery. Maging sila ay hindi na rin inungkat ang isyu kaya malaki ang pasasalamat ko roon. After all, maybe people are more considerate than I expected.

"Are you sure you're going to be fine?" ani Apollo habang binabagtas namin ang daan patungo sa opisina.

"Oo naman!" Of course, I paired it with my usual smile.

Kabaliktaran noon ang reaksiyon ni Apollo. He rolled his eyes and shook his head to me.

"Minsan, dumarating ako sa puntong mas gusto ko pang makita kang umiyak. Kaysa nagtatago ka sa lecheng ngiti na 'yan."

Napalabi ako.

Well, I guess he knew me too well.

"A-attend kami nila Kenna mamaya. Wish you luck! Sabihan mo agad ako kapag may nangyari na naman, ha?"

Hindi ko alam kung tatawa ako o ano. Pero tumango na lang ako. Pareho sila ni Kuya.

"I will! Thank you! Good luck din sa last day ng trade show!" I waved at him.

Dahil Friday na, huling araw na rin ng Festival Week. Last day man ito ng trade show para sa ibang org and club, para sa aming JBA at SCBA, ito naman ang araw ng main event namin. Ngayon na gaganapin ang symposium.

Pagkarating sa opisina ng JBA, naabutan kong naghihintay roon sina Seka at Gene. They volunteered to go to the venue together. Siguro alam nilang hindi ako komportableng pumunta mag-isa roon dahil sa nangyari.

Pagkatapos ng munting kamustahan at pagpapasalamat ko sa kanila, dumiretso na rin agad kami sa bulwagan kung saan gaganapin ang symposium.

We were all wearing our org uniforms. Tiniyak ko ring wala nang bahid ng sakit ang hitsura at presentable ako ngayong araw. Gusto ko kasing bumawi. Kaya sinantabi ko muna ang personal na problema pagkarating sa venue.

Heck. I've been practicing this for the past few days. I should perfect this pretense as if nothing happened.

"Riz!" Isa si Yves sa mga unang lumapit sa akin, nakaayos at uniporme na rin. "How are you? Sure ka bang kaya mo nang magtrabaho ngayon?"

Sa totoo lang, isa si Yves sa mga kaibigang nagmensahe sa akin habang nagpapagaling ako. He updated me with all the happenings here. But most of all, he sympathized with me. Lalong gumaan ang loob ko sa kanya dahil sa mga nakaraang pag-uusap.

Hindi ko nga lang inaasahan na siya rin ang magiging dahilan kung bakit ako makakakilos nang komportable ngayong araw.

Throughout the event, he was with me. Hinahayaan niya akong gawin ang mga gusto ko bilang pambawi sa ilang araw kong pagliban.

Nakakatuwa pa dahil para siyang sira na tuwang-tuwa dahil pareho raw kami ng damit ngayon. E, lahat naman kaming organizers ay parehas talaga!

"Come on. Don't deny it. We're wearing a couple shirt!" Talagang pinipilit niya pa rin kahit kapwa kami may dalang kahon ng tubig!

"Ewan ko sayo, Yves," iling ko kahit nangingiti na rin naman.

He was about to push it again but he seemed like he caught sight of something suprising. At sa ilang oras na pamamalagi sa event, alam ko na ang ekspresyong iyon.

"G," he murmured.

It was like a code between us.

G means Gio. Meaning, he's somewhere near us. Kaso sa pagkakataong ito ay makakasalubong namin siya.

I tried my best to act normal.

"Hey, man!" Yves greeted him like the usual.

"Yves," Mr. Giovanni nodded once as a greeting, but his eyes were directed to me.

Anong tinitingin-tingin mo? Nag-eexpect ka na kakausapin pa kita pagkatapos ng nangyari? Kung sa iba, maaaring makaramdam sila ng hiya para doon. Pero ako, hindi na.

Nagtangis ang aking panga at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Medyo nahuli si Yves kaya tatawa-tawa itong humabol sa akin kalaunan.

"God, Riz! As time goes by, my admiration for you grows stronger and stronger."

"Huh?" I turned to him innocently.

"Damn, girl! Did you see that look on his face when you simply walked past him? My friend zoned out momentarily as if it was the very first time someone ignored him!" mariin niyang bulong sa akin.

Ngumiti na lang ako at binalik ang tingin sa nilalakaran.

"But on a second thought, it really was the first time though," dugtong pa niya sabay tawa. "I mean, no one snubs us you see."

I ran many errands during the event proper. Kadalasan, nagiging runner pa kapag kinakailangan.

Naging distributor ako ng survey forms sa mga audience, tagaabot ng mic sa mga estudyanteng gustong magtanong kapag question and answer session, crowd control, taga-assist sa guest speakers and performers, taga-arrange ng giveaways mula sa sponsored items, taga-inventory, at kung ano-ano pang kailangang gawin.

Takbo roon; takbo rito. Wala pa man sa kalahati ang symposium, hapong-hapo na ako! I stretched my neck a bit and sighed.

Okay lang. Kailangan kong bumawi. Kailangan kong tanggihan ang mga alok nilang pahinga at lunch break. Tuwing napapadaan sa hilera nila Apollo, Palmer, Kenna, at Diego, kung hindi magtatago ay ngingiti lang ako kahit anong busangot nila sa akin. Tamang inom lang ng tubig paminsan-minsan at launch attack na ulit.

"Kaya mo pa ba?" hara sa akin ni Seka nang palabas ulit ako para bumili ng extrang extension cord. "Easy lang, Riz! Parang hindi na kita nakitang umupo simula nang dumating tayo rito."

Binaba ko ang kanyang kamay sa aking braso at nginitian lang siya.

"Wala ito, ano! Tagal kong nagpahinga kaya naipon ang lakas ko!" I laughed it off.

Muli kaming nagkasalubong ni Yves sa labas ng bulwagan kaya sinamahan niya akong bumili.

It was like a circle. An endless routine. Saka lang ako nakapagpahinga nang maayos habang dine-deliver na ng Event Project Manager ang closing remarks, si Mr. Giovanni.

I closed my eyes for a brief moment to calm my nerves from those exhausting chores.

The event was success. Maraming natutunan ang mga audience. Satisfied din ang lahat sa service, accommodation, accessibility, at overall event presentation.

Nakita namin iyon sa mga form na sinagutan ng mga dumalo. Nakakataba rin ng puso tuwing nakikita na may galak sa mukha ng mga tao hanggang sa pag-egress.

Kahit papano, pakiramdam ko paid off ang lahat ng pagod ko. Lalo na tuwing may nagpapasalamat sa amin at sa magagandang feedback.

"Message me kapag ready to go ka na. Magra-wrap up din kami," bilin ni Apollo sa labas ng bulwagan pagkatapos ng symposium.

"Gaga ka! Paalala ko lang, ha? Hindi ka machinery na pwedeng mag-operate nonstop 24/7!" sabay hampas sa akin ni Kenna.

Tumango ako. Sumang-ayon si Palmer kay Kenna. Kinurot naman ako sa tagiliran.

"Riz, kahit mga makina kailangan magpahinga para hindi mag-overheat! Paano ka pa, 'di ba?"

"(2)," halakhak ni Diego. Agad siyang binatukan ni Palmer.

"Puro ka kalokohan. Tignan mo nga 'yan, o! Katumbas ng overheat dyan, lagnat!"

"Kay Riz iyon... Sa akin, Palm. Tanungin mo ako kung kailan ako nag-ooverheat." Ngumisi si Diego.

Mabilis akong hinigit ni Apollo para takpan ang magkabilang tenga ko. Lalong lumakas ang aming tawanan dahil kitang-kita kung paano nangamatis ang buong mukha at leeg ni Palmer sa hirit ni Diego.

Apollo was overprotective. Mulat na ako sa ganitong usapan kaya!

Nagpatuloy sa panunukso si Kenna sa dalawa. Samantalang pinapasok na ako ni Apollo sa loob. Tinawag na kasi ako ni Luisa.

"Bye! Salamat ulit sa pag-attend, ha!" paalam ko sa kanila.

"Bye!" Kumaway sila sa akin.

"Text me!" paalala ni Apollo bago ako tuluyang sumunod kay Luisa.

Aniya, may picture taking daw sa aming JBA. Kasalukuyang kinukunan sa stage ang buong Student Council. Kasunod na raw kami roon kaya sinabihan niya akong mag-ayos na. Pagkatapos namin ay pangkalahatan na.

Pumunta kami sa puwesto kung saan nagri-retouch ang mga kasama namin sa JBA. Naroon din sina Seka, hatsing nang hatsing dahil may pumasok daw na polbo sa kanyang ilong.

"Sorry, ha? Hindi kita nakausap masyado kanina. Sobrang demanding ng isang guest speaker! Anong oras na raw pero hindi pa siya sinasalang! Ugh. Napakataray! Akala mo isang oras nang delayed! E, 5 minutes lang naman. Halos baliktarin na ang buong backstage!" buwelta ni Luisa habang nilalabas ang kanyang press powder.

Tumango ako at pinanuod lang silang mag-ayos. Medyo naaliw pa ako kay Seka.

"Ayos lang. Busy talaga ang lahat."

"Tapos naglakad pa ako ng ilang papers para sa equipment. Na-overlook kasi ni Dimple, e."

Saka lang naagaw ang buong atensiyon ko.

"Ha? Dapat sinabi mo sa akin para ako na ang gumawa."

She glared at me. "I'm not stupid! Hindi ka na nga magkandaugaga kanina, dadagdagan ko pa ba?"

Natigilan ako. She saw it?

"Speaking of, narinig ko kanina, hinahanap si Ophelia ng isang taga-other school. Gusto ka atang pasalamatan dahil sa pagtulong mong mahanap iyong ID niya. Kaso nasa labas ka ata noon, e. Bumibili," sambit ng katabi ni Luisa sa kabila.

I don't know how to react. Really. But I could feel my ears burning up.

Luisa snapped. "Na-overheard ko rin sa dalawang guest speaker. Pinag-uusapan ka nila, Riz!"

"Uh. Bakit daw?"

Nagpanggap na lang ako na abala rin sa pagtitingin sa kanyang makeup kit. Lalong uminit ang aking mukha dahil sa sunod niyang sinabi.

"They were praising you. Napakagalang daw at lively kausap. Parang nawala raw iyong pagod nila sa byahe. I even heard them saying how diligent you are during the event. Naks!"

A smile crept into my lips. I couldn't stifle it anymore. Wow. Totoo ba iyon?

Habang pinapalitan namin ang mga SC sa stage para sa picture taking naming JBA officers, nadagdagan pa ang mga komentong ganoon. May mga nagpasalamat din sa tulong na ginawa ko sa kalagitnaan ng event.

Also, they even teased me for sporting a game face all throughout the tasks. Para akong binuhusan ng mantika sa sobrang init ng pakiramdam ko. I thought I was having a fever again in a split second.

Napansin pa pala nila iyon! Wala akong ideya na sa mga oras na buong puso at abala akong kumikilos, palihim pala nila akong napapansin at pinag-uusapan. In a nice way, alright!

"What's so fascinating about that? Lahat naman ay kaya iyong gawin."

Para akong nadagukan nang matindi sa biglaang pagsasalita ni Fiona Domingo. Other officers thought she was just being funny. But like me, Yves didn't seem to like her tone.

"Shut up, Fiona. Kung kaya mo palang gawin, sana ginawa mo. Hindi iyong nakabuntot ka lang kay Gio buong magdamag!" he chuckled.

"Ohhh!"

Mukhang normal lang iyon sa kanila. Nagkakatuwaan ang mga college. Hindi ako komportable roon kaya tinuon ko na lang ulit ang pansin sa formation namin.

Sa kalagitnaan ng tawanan, hindi inaasahang tumalikod si Mr. Giovanni.

"Both company, be ready for the deliberation. We will start shortly," aniya bago tuluyang pumunta sa kanyang gamit.

Natigil ang asaran at tawanan dahil doon. Hindi rin naman nagtagal ay natapos na kaming kuhanan ng picture. Pagkatapos ay muling umakyat sa stage ang mga college para sa pangkalahatang picture.

We took 5 shots including wacky pose and hand sign pose. Habang naghahanda ang lahat para sa deliberation, biglang lumapit sa akin si Yves, kasama si Wesley na may dala namang camera.

I looked at them, puzzled.

"Riz, mind if we take a separate picture?" Yves grinned boyishly.

"What? T-Teka..." I panicked.

I'm not really a fan of sudden requests like this.

Wesley whistled. "Pagbigyan mo na, Riz. Kanina pa 'yan hindi mapa-"

Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin dahil minura siya ni Yves.

I bit my lower lip and agreed in the end. Masyado naman ata akong maarte kung magpapasuyo pa at patatagalin ito. I'm sure they will push it anyway.

I shrugged. "Isa lang, ha?"

Nakangusong lumingon sa akin si Yves sa kalagitnaan ng paghahanap ng pwesto sa tabi ko.

"Ang damot naman..." pabirong bulong niya. "Three. Final!"

"Sige na nga," suko ko.

He bit his lower lip, containing his smile. Napailing ako bago pa tumindi ang awkwardness. Bilisan na natin dahil napapansin na noong iba!

"Hoy! Bakit may umaakbay na unggoy riyan!" sigaw ni Katy, isa rin sa Student Council.

Steam poured out my ears. Pagkatapos ng huling kuha ay dumistansiya na agad ako kay Yves. Siya naman ay tumakbo patungo kay Wesley para tignan ang mga kuha kaya tumalikod na ako para lumapit kina Seka.

"Ayan, ha!" asaran nila.

"Wala iyon!" I denied.

Nagngising aso si Luisa at hinila na ako sa binuo nilang circle. Pagkaayos ko ng pwesto, hindi ko alam kung sinadya ba o nagkataon lang, pero nahagip ng paningin ko ang mga mata ni Mr. Giovanni. Bumaba rin naman agad iyon sa mga hawak niyang papel kaya hindi ko tuluyang nawala ang sarili.

My lips parted a fraction. Did he see it? Lalo akong naasar sa sariling iniisip. Ano naman kung nakita niya? I don't care what he thinks of me anymore. Naubusan na ako ng pake.

Meanwhile, Luigi beside him looked uneasy. Nang nagtama ang paningin namin ay awkward lang siyang ngumiti bago rin ilipat sa iba ang tingin. Napabuntong-hininga ako.

Maybe he thought we're not in good terms anymore after that. Hindi naman ako ganoon kababaw. Labas siya sa kung ano mang isyu sa amin ng katabi niya. I should approach him one of these days to clarify that. Tinatak ko iyon sa isip.

After ng deliberation, nagsimula nang mag-ayos ng mga upuan at lamesa. Na-pack up na naman ang mga equipment for lights and sound kaya mga kalat, decoration, at light materials na lang ang aasikasuhin.

"Gio! Pagkatapos naming kalasin ang mga props at stage design, pwede na kaming mauna? Ililigpit din kasi namin iyong booth sa baba at mga gamit sa trade show."

Lumapit ang Head of Production kay Mr. Giovanni. Siya kasi ang namahala rito. Si Imran ay kausap ng chairperson at nag-aasikaso ng mga post-requirement.

"No problem. Thank you for informing me," he smiled at them.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-i-stack ng mga upuan. May mga umalis na rin para ibalik ang mga hiniram na equipment. Mostly ay from technical committee.

May mga committee kasi na naka-assign na sa iba't ibang post-event assignments kaya tira-tirang member na lang ang naiwan dito.

Pinagpagan ko ang mga kamay. Isang hilera pa lang ang naliligpit namin. May isa pa sa kanan. Marami pa. Tinulak ko ang isang pile ng monoblock patungo sa gilid bago naman lumipat sa kabila.

Iyon nga lang, napukaw ang pansin ko nang umalis agad ang kasama ko sa pagliligpit. Lumapit siya kay Mr. Giovanni. Sinundan ko ito ng tingin.

"Gio, seven na. Ako 'yung nagpaalam na hanggang seven lang dahil may sakit si Mama. Uh... paano kaya ito?"

Nilingon ko ang paligid. Nasa sampu na lang kaming naririto sa loob ng malawak na bulwagan. Hindi pa nga tuluyang natatanggal ang mga design na nakadikit sa mga pader, e. Iyong nasa stage lang ang niligpit ng Prod. Ang dami pang kalat. Mayroon pa yata sa backstage!

Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa para mabilis matapos.

Babalik kaya sina Seka? Ang paalam kasi nila sa akin, kasama sila sa mga hiniram ng admin para mag-report. Panigurado nauna na roon si Luisa. Kung hindi kaya ako absent noong nakaraan, ako dapat ang naroon?

Dinungaw ko ang banda nila at sandaling nanatili ang tingin kay Mr. Giovanni.

Then what is he still doing here?

"Acknowledged. You may go."

"Kaso nakakahiyang umalis nang hindi pa nalilinis ang hall. Paano rito?" nag-aalalang sambit ng kasama ko rito kanina.

Tipid akong tumango habang pinagpapatong-patong ang mga upuan. He's right.

Medyo tumamlay ako sa ideyang iyon, bagay na naglaho rin bigla dahil sa sunod na narinig. Para ata akong nabingi.

"It's alright. Nangako sa akin si Ms. Mallari kanina. She wants to make amends for her shortcomings so she can take care of it..." Mr. Giovanni then shifted his meaningful gaze on me.

My pupils dilated. I was freaking dumbfounded to the point that I almost tripped down on my own foot!

What the heck is this? Kailan pa ako nangako sa kanya ng ganoon?!

"Talaga? Ayos ka lang ba rito, Ophelia?"

"Whoah! Ang sipag talaga!"

"Masipag talaga 'yang si Mallari. Pansin ko rin una pa lang."

Samu't saring komento at papuri ang natanggap ko. Ni hindi ko maayos ang hitsura ko. I know I was aiming for recognition but fuck? I did not sign up for this!

"She's the kindest."

The jerk had the audacity to nod and agree to them! What an arrogant jerk! Pwede ko ba siyang batuhin ng monoblock? Kahit isa lang, Lord!

"Okay! Mauuna na kami, Ophelia, ha? Maraming salamat talaga!"

"Chat ka lang sa GC if you need help dito! Ingat sa pag-uwi!"

Nagpaalam na silang lahat. Hilaw na lang akong ngumiti at kumaway sa kanila because how could I say no to that? The jerk put me in a position where I couldn't find a way out! What the hell is wrong with this weirdo?!

Padabog kong binagsak ang hawak na monoblock sa tuktok ng isang kumpol noon at iritadong nagmartsa palapit sa kanya.

I couldn't take it anymore, alright?! Hindi bale nang madungisan ang reputasyon kinabukasan. Ang importante na lang sa akin sa mga oras na iyon ay ang matanong ko siya kung anong problema niya sa akin at nang magkaalaman na!

Tumigil ako sa mismong harapan niya. Hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanyang ayos.

Pagkalabas ng iba, umupo siya sa sahig at sumandal sa pader. I noticed how collapsed his frame was, very opposite to what he looked like a while ago.

Habang nakapikit, pinasadahan niya ng kamay ang kanyang buhok bago tuluyang isandal ang ulo sa dingding. Pinatong niya ang parehong siko sa nakatiklop na tuhod.

Hindi ako nakapagsalita. Rinig ko ang malalim niyang buntong-hininga.

"You should go home, too..." sa baritono niyang tinig.

Sa dinami-rami ng posibilidad, hindi iyon ang mga salitang inaasahan kong lalabas mula sa kanya.

Napaatras ako, kunot ang noong napatikhim.

"Para saan ito? B-Bakit mo 'yon ginawa? Wala akong sinabing pangako!" My lips quivered.

Hindi ko alam kung bakit. Pero hindi ko na muli nahanap ang poot na baon ko rito kanina. What the fuck is going on?

From that view, I saw his adam's apple move. His slightly disheveled hair cast a shadow on his face, emphasizing his facial features. Now that I can stare at him up close and free of charge, I managed to explore his face using my eyes.

Even though I loathe him a lot, it wouldn't change the fact that he's immaculately... good-looking.

Unlike other fair-skinned men, his well-formed lean body was able to balance the softness and roughness of his physique. From here, I could even recognize visible veins bulging from his forearms until his hands.

Mr. Giovanni has thick eyebrows, very ideal for men, which makes him look manlier and sympathetic at the same time; expressive eyes shaded by those long and dark lashes. His lips are sweet curved, too, almost sensual every time his lips move. Let alone being tasted by his own tongue.

Now I understand why most of the people nearly worship him. Why they adore and respect him so much. Women and men equally treat him with respect and admiration. Just the mere air in his presence could make any girl tremble in her knees. What more about being talked to and entertained? Hindi ko na sinubukang isipin pa.

Kaya naman pagkalipas ng ilang segundo, halos mapatalon ako nang imulat niya ang kanyang mga mata at mabilis na nahanap ang akin.

Mr. Giovanni slightly cocked his head on the other side to have a better look of me.

"Maybe later, huh? Understandable... They might see you sneaking out," he said using a malicious tone as he supported his head using his right hand.

Nakaramdam ako ng matinding pagkailang. He made a position as if he's pouring all his attention to me. Sa ganoong pwesto, nanatili ang naninimbang niyang titig sa akin.

Napalunok ako.

"B-Bakit mo ginawa iyon? No..." Napailing ako at buong tapang na tinatapan ang kanyang titig. "Bakit mo ginagawa sa akin ang lahat ng ito? Ano bang kasalanan ko sayo? Bakit mo ako pinapahirapan?"

His face went blank. But I saw how his jaw worked.

"Ms. Mallari, I don't know what you're talking about."

Gusto kong matawa.

"You always say that. For what? Para makuha ang simpatya ng mga tao?"

His eyes sharpened at me.

"What on earth do you mean?" mahinahon niya pa ring sabi, taliwas sa emosyong pinapakita ng kanyang mga mata.

Napaatras ako nang bigla siyang tumayo, nagpagpag, at bahagyang lumapit sa akin.

"You should go home now." He repeated.

Nanliit ang mga mata ko. Everything is so confusing. Bawat kilos at salita na nagmumula sa kanya ay kataka-taka, kaduda-duda.

"Bakit? Akala ko ba ako ang maglilinis dito? Mag-isa," diin ko sa huling salita.

Nanatili ang kanyang tingin sa akin. Pero hindi gaya ng kanina, wala na ang talim doon. Tanging hinahon... at pagod na lang ang masisilayan, tila pinag-aaralan ang bawat kibot ko.

A faintly quizzical look came into his incisive stare... as calmness settled on his spirit.

"I shall give credit where it's due." He closed his eyes briefly as he grabbed a handful of his hair, returning his humorless gaze at me after a while. "Even if it's long overdue, allow me to return the favor. You worked, Ms. Mallari. Above and beyond..."

Bigla akong nawala sa usapan. Return the favor? Credit?

"A-Anong ibig mong sabihin?"

There was a slight amusement dancing in his eyes as he tilted his head to take a closer look of me.

"You sure you want to talk about it first? I still have a hall to tidy up."

"Oo! Gusto kong malaman... kung ano bang gusto mo sa akin?"

"Excuse me?" Napatuwid siya ng tayo, animo'y may offensive akong sinabi.

My jaw slacked a bit. What the? He's slow-witted than I imagined!

"Anong ginawa ko sayo para pahirapan ako nang ganoon nung Sabado? Ha? W-Wala kang ideya sa mga pinagdaanan ko. At alam mo kung ano ang mas nakakatawa? Wala akong nadatnan na kahit ano roon! Binalewala mo ang layo ng binyahe at pinagdusahan ko!"

Nanatili siyang nakatitig sa akin, hindi nagsasalita, kaya nagpatuloy lamang ako. Nilubos ko na ang pagkakataon.

Bumagsak ang mga mata ko sa sahig.

"H-Hindi lang 'yon. Bago pa 'yan, sinadya mo ring tapusin ang mga props last Friday para ibasura ang mga pinagpaguran ko, hindi ba? You were there! Nakita mo akong inaayos ang props kaya sinadya mong palabasin na tinapos mo ang lahat kinabukasan! To steal the credits I earned, right? I am sure of it!"

"Absolutely not. Watch your lang-"

I stabbed my finger to cut him off.

"Naiintindihan ko na ngayon kung bakit nasabi ni Guillen na pagpasensiyahan kita dahil sensitive kang tao. Now I know, Mr. Smith! Hindi porque nadatnan mo akong nakayakap kay Yves ay nagsisinungaling ako na abala ako sa Sponsorship noon! He helped me with a client! I thanked him!"

"Through hug-"

"Dahil lang doon ay sinabotahe mo na ako sa props? At dahil lang nasabihan kitang baliw kinabukasan ay papahirapan mo na ako? Paano kung mas napahamak ako? Paano kung nasa corporate world ka na? I couldn't even imagine how you will handle the pressure and diversity! That's why to me, you're nothing but a sensitive asshole!"

Wala na akong narinig mula sa kanya pagkatapos noon. Habol ko ang aking hininga nang namayani ang nakakabinging katahimikan.

Mr. Giovanni just stared at me blankly, as if flustered and holding back at the same time. Natauhan na lang ako nang kalaunan, binasag niya sa wakas ang katahimikan.

"Don't you think you're being too detailed on that part?" sabay angat niya ng tingin sa akin.

Wala sa sarili akong napailing nang tipid, naguguluhan sa kanyang sinabi.

Nanatili siyang mahinahon.

"For a moment, I wonder where your respect ran off. Naririnig mo ba ang sarili mo? Who's being sensitive now, Ms. Mallari? Beats me..."

Napakurap-kurap ako. Hindi ko na nakayanan ang kanyang titig.

"W-Wala akong ginagawang masama sayo. Pero ikaw, meron. Tuwing may hindi ka nagugustuhan sa paligid mo, you always think of a way to get back at people."

I could sense menace, amusement, and spite in his demeanor. His eyes narrowed at me while shifting on his feet.

"And who are you to say that?" he spoke using his low baritone English.

Napaatras ako.

"I witnessed it myself. I-I noticed it from you."

"Uh-huh? Perhaps, have you been observing me this whole time?"

Namilog ang mga mata ko at halos malaglag ang panga. Bumaba sa mga labi ko ang kanyang tingin. Mas lalong naglaro ang pagkamangha sa kanyang hitsura.

"Hmm? Looks like it touched a nerve or something..." makahulugan niyang puna sa naging reaksiyon ko.

Hindi ako nakapagsalita. Gustuhin ko man pero pinigilan ko ang sarili ko.

This man is cunning. He's showing me his true colors right now! I repeat, this is his true...

"You might've miscalculated my intention, Ms. Mallari. I appointed you to a task I was working on. Alone. Because I wished to speak to you in private that day."

...colors.

Bigla akong naubusan ng salita.

Muli niyang pinasadahan ng kamay ang kanyang buhok at tila pagod akong tinalikuran.

"Hindi ako sigurado kung bakit mo nasabing baliw ako. That's why I evaluated what happened last Friday."

Bahagya siyang tumigil kung nasaan ang aming mga gamit. Nanatili lamang ang mga mata ko sa kanya.

"I came up with an assumption. Maybe she thought I took all the credits away?" He then laughed throatily. "You're right, Ms. Mallari. I was there that night when you patched the props up. But what happened the following day wasn't under my control. I didn't intend to outshine your efforts. Why would I do that? When I planned on finishing the designs beforehand."

Humarap na ulit siya sa akin suot ang kalmadong ekspresyon. Laging ganoon. Hinayaan ko siyang magpatuloy.

"That's why I wanted to go alone with you to pick up the beverages, hoping to talk it out with you. But something came up to ruin the plan. I miscalculated something." He squinted his eyes. "Why didn't you show up?"

Napangisi ako. Sa wakas, nakakita ng kahina-hinalang butas.

He used the word miscalculated two times. Sa pag-aakala kong nagkataon lamang iyon sa unang beses, siya na mismo ang naglaglag sa sarili sa ikalawang pagkakataon.

So all this time, he was using that method? Calculation? Just what I thought.

"Really, Mr. Smith? Wala ako nabalitaang hihintayin mo dapat ako sa parking lot."

Suspicion and sweet patience were in his look when he stifled his chuckle.

"Precisely. Because my order is the other way around. I instructed you to go ahead first and wait for me."

"Wait," pigil ko rin sa aking tawa. Nahihibang na ata siya. "Kailan mo sinabi 'yan at parang wala akong nasagap na ganyang impormasyon? Ang sabi mo lang ay mauna ako! You didn't mention anything about..." I trailed off unexpectedly.

For a moment, a great shuddering seized on me. Bigla kong naalala ang totoong nangyari noon. It wasn't Mr. Giovanni... It was the girl from Sponsorship Committee.

Inalala kong mabuti ang nangyari at natigilan nang na-realize kong may nakaligtaan nga siyang sabihin noon. Don't tell me...

"Oh," I heard Mr. Giovanni. Napansin kong inangat niya ang likod ng kanyang kamay patungo sa kanyang mga labi, animo'y may tinatago o may malalim na iniisip.

For some reason, that mannerism seemed familiar to me. Come to think of it. How many times have I seen him... doing that?

As soon as he rose his head to find my gaze, I fidgeted at how empty his usually expressive eyes were.

He glanced at me unseeingly.

"Someone... messed up, didn't she?"

I almost shivered. His tone suddenly felt cold and eerie. But when an idea hit me without a warning, I glowered at him.

"Someone you picked on purpose to mess up, right? What is she? Your pawn? Ginawa mo na ito noon, Mr. Smith. You took someone else's weakness to your advantage in order to supply your needs!"

Si Cara, hindi ba? Kilala niya ito. Alam niya ang kahinaan ng babae kaya kayang-kaya niya itong manipulahin para sa pansarili niyang kapararakan!

How about the girl from last time? For sure he did the same as well!

Humakbang siya nang isang beses papalapit sa akin at nagpang-abot ang duda at pagkabigla sa hitsura. Hindi ko siya hinayaang makatanggi.

"You probably have people around you memorized in your mind, haven't you? S-Sinadya mong piliin kung sino ang mahina ang memorya para isabotahe ako! Para sa plano mo! You knew it will happen from the beginning! Why? Because you have it all calculated!"

"Ms. Mallari, seems to me you're getting-"

Marahas akong umatras nang nakita ko ang paghakbang niya. Bumaba sa mga paa ko ang kanyang tingin. Tumigil siya sa balak na paglapit.

Nanginginig kong inabot ang aking singsing, nagbabaka sakaling maibsan noon ang takot at kabang nararamdaman ko pero walang nangyari.

Meanwhile, I studied every trace of confusion on his face. I laughed.

That's bullshit! Why is he playing innocent? Is he playing victim right now? Does he think I'm the bad guy?!

"O-Of course, there you are again! Kunwari inosente at nagtataka lagi. Hihingi ng tawad pero ang totoo, nanghihingi ng simpatya! Pinapaikot ang mga tao!" Napailing ako, hindi makapaniwala sa nalalaman. "I witnessed how you execute your plots to other people, Mr. Smith! H-Hindi mo... Hindi mo ako magagaya sa kanila! You're fake!"

Mr. Giovanni pulled back slightly, his dark lashed shielding his eyes like tinted windows.

Sa kabila ng walang humpay na kalituhan sa hitsura ng kaharap, kabaliktaran ng inaasahan ko ang lumabas sa kanyang bibig.

Tanda ng pag-urong, hinarap niya ang kanyang kamay sa akin bago hirap na tumango.

"Look, fine. I deeply regret it now, okay? I'm sorry..." he said quietly.

Terror overtook my face. I gritted my teeth in disbelief. There you have it! I knew it!

Mabilis ko itong nilagpasan at kinuha ang bag kong mula sa sahig ay pinatong niya pala sa lamesa.

Baon ang tagumpay sa argumento at sama ng loob na pinagsama, natanto kong hindi hamak na mas mabigat ang dalahin ko pagkalabas kaysa sa pagpasok ko sa bulwagan.

 

 

March 27, 2021
#GCSeries1

Continue Reading

You'll Also Like

418K 12.4K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
21.7M 705K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
4.7M 143K 44
WARNING (!) THIS STORY CONTAINS MANY GRAMMATICAL ERRORS, TYPOS AND LOOPHOLES. DO NOT READ IF YOU ARE A PERFECTIONIST. YOU ARE BEING WARNED.
12.2M 537K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...