My Boyfriend is a Ppop Idol (...

By itsyagalTreesha

2K 98 4

Ordinaryong babae na nahulog sa isang idol pero habang tumatagal si idol nag kakagusto na rin. Ano kaya mangy... More

DISCLAIMER
My Boyfriend is a Ppop Idol CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
Chapter 5
Chapter 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21 * F I N A L E*
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 15

56 3 1
By itsyagalTreesha

"Ang dami namang pagkain!!" Sabi ni Aaron
"Nahulaan mo ata na papunta kami eeee" sabi ni Joy
"Ahhh haha oo, parang ganun na nga!" Sabay kamot ng ulo ni Erin
"Mmmm nga pala bat kayo andito?, i mean nag punta pa talaga kayo dito" sabi ni Erin
"Sus okay lang minsanan nalang tayo mabuo ng ganto!!" Sabay subo ni Jacob ng kinakain
"Oo nga, tsaka may sasabihin din yung iba" sabi ni Christopher
"Mmmmm double celebraton nato mga te!!" Sabi ni Daren
"Unahan mo na Kate!!" Sabi ni Joshua
"Okay guys!! Aalis na ako ngayong linggo, nag apply kasi na english teacher sa Japan and naapprove naman kaya!!!!" Sabi ni Kate
"Ahhhhh celebration ba tawag niyo dito? Di na tayo komplete to nito!!!" Sabi ni Daren
"Tssssk may video call naman eee!! Tsaka 3 years lang naman kontrata ko!, babalik ako kala naman nito mamamatay ako eee" sabi ni Kate
"Ako naman!!!" Sigaw ni Jacob
"Guys may Architect na kayong barkada!!" Sabi ni Jacob
"Waaaaa nakapasa ka?" Tanong ni Joshua
"Kala mo sakin bobo?" dugtong ni Jacob
"Sasakay na ako ng barko next week guys!" Pamumutol ni Aaron
"Hoy baka tutuhanin mo yung seaman loloko ah!! Baka malaman namin nag hiwalay nakayo ni Trista!!" Sabi ni Joy
"Hindi aaa!! Loyal ata to!!" Sabi ni Aaron. Nakangiti lang si Erin at si Christopher sa mga pangarap na natupad ng mga barkada nila at proud na proud sila dito
"Nakapasa din ako sa bar exam kaya official na Nurse na akoooooo!!" Sabi ni Joy
"Pagmagkasakit ba ako libre sa hospital niyo?" Tanong ni Jacob
"Sira nurse lang ako di may ari ng ospital!!" Sabi ni Joy
"Ako naman papasok nako sa campo namin!!" sabi ni Joshua
"Ohhhhhhh may sundalo na kaming kaibigan! Hoy wag mo kaming hulihin pag may kataranradohan kaming ginawa!" Natatawang sabi ni Jacob
"Gago ako naman malilintikan non!!" sabi ni Joshua
"Guys na promote ako ngayon lang, chief executive nako sa clothing brand namin" mayabang nasabi ni Daren
"Oohhhhh pasponsor naman ng tshirt dyan!!" Sabi ni Joshua sabay tawanan nila
"Hindi ka na namin tatanongin Per kasi alam naming ikaw na mag mamana sa kompnya ng daddy mo kaya si Erin nalang" sabi ni Jacob kay Christopher na nakangiti
"Ikaw Erin?" tanong ni Kate sabay subo ng kinakain niya
"Ha? ako? ahh haha, make up artist parin" sagot ni Erin
"Hmmm? akala ko ba gusto mo maging journalist?" Tanong ni Aaron, napatingin naman si Christopher sa kanya
"Ahh oo, syempre" naiilang na sagot ni Erin
"Bat di ka pa umalis dyan sa current work mo tsaka mag apply ng iba?" Sabi ni Jacob
"Mmmm gaya namin natupad na yung mga pangarap namin, ikaw nalang kulang" sabi ni Joshua
"Mmmmm pag iisipan ko" awkward na sabi ni Erin.

Nagtatawanan at nag kwe-kwentohan naman ang magkapatid sa harap ng lima at nakikitawa nalang din ang apat habang si Ken ay busy sa paginom ng paubos na niyang beer
"So magkakakilala na pala kayo lahat?" Tanong ni Glent
"Ahh opo" nakangiting sabi ni Sejun
"That's good" palusot na sabi ni Glent dahil alam na niya ang tungkol kay Ken at Jessica
"So Ken ahm, kamusta na haha. Busy ka na no" sabi ni Jessica
"Okay lang" walang ganang sabi ni Ken habang nakatingin sa beer niya sabay ubos nito
"Ahh Manager mauuna nako" sabay tayo ni Ken
"Teka lang Ken!" Pamimigil ni Sejun
"Wait maaga pa naman ah" sabi ni Glent
"Salamat po sa libreng painom, kailangan ko na po talagang umalis" sabi ni Ken sabay alis.

"Ahhhh salamat naka alis nadin dun!! Bat pa siya nag pakita!!" Bulong niya sa sarili niya habang nakatingala sa langit at nakapamulsa sabay kuha ng cellphone niya para echeck kung nasaan na ang grab na binook niya
"Halaaaa!!!" Gulat niyang sabi habang nasa screen ng cellphone ang mata niya
"Hindi na send!!!!!!!!--- patay anong gagawin ko? Papano to? Papatayin niya ako!!!" Bigla niya nakita lahat ng notif niya maraming missed calls galing kay Erin at ang nakalimotan niyang reminder para sa First anniversary nila
"Pataaaaaay!!! Bat ngayon mo lang ako pinaalalahan kumag ka!! Aaaahhhhhhhhh wala naaaaaaaa patay na talaga ako nito!!!!!!!!!!!!!" Sabay sabunot sa buhok niya
"Ken!!" Halos mapatalon siya sa gulat noong hinawakan siya ni Jessica sa balikat niya
"Ano?!"
"Okay ka lang? Para kasing----"
"Wala ka namang pakialam don eee, matagal na" malamig niyang sabi
"Ken look let me explain---"
"Too late sana noon mo pa na isipang mag explain. Tsaka may mahal na kong iba kaya wag mo ng sayangin oras mo sakin wala kang mapapala" Tyempong dumating na ang grab at dali dali siyang sumakay at dumaan muna siya sa flower shop para bumili ng bulaklak pambawi kay Erin pero wala ng bukas kaya pinatas nalang niya ang bulaklak na nakita niya sa pot na nasa labas ng flower shop.
Pagdating niya tinawagan niya ng makailang ulit si Erin pero hindi na niya ito sinasagot
"Aghhhh!! Anong gagawin koooo" sabay lakad palabas sa building ng apartment ni Erin. Pagkalabas niya sa building nakita niya si Erin na naglalakad kaya tatakbo na sana siya pero bigla niyang napansin si Christopher sa gilid ni Erin
"Bat di ka pa sumama sa kanila? Gabi na malayo pa byahe mo" sabi ni Erin
"Okay lang may binook na akong hotel, gusto lang kitang ihatid" sabi ni Christopher
"Hmmmm andito nako kaya umuwi kana tsaka mag pahinga, okay nako!"
"Sigurado ka?"
"Mmmmm"
"Sige, good night!" Sabay gulo ni Christopher ng buhok ni Erin
"Eyyyyy!!-- alis na!" Sabay alis ni Christopher.
Papasok na sa building si Erin
"Ken?" Gulat niyang sabi kay Ken na seryusong nakasandal malapit sa entrance ng building
"Happy aniversary" hindi niya pinahalatang nag seselos siya at pinilit niyang ngumiti sabay abot ng bulaklak na hawak niya
"Happy aniversary Happy? talaga? alam mo bang makailang ulit akong tumawag sayo? Nag handa pa naman ako ng surpris---" bigla nalang siyang napatigil sa pag sasalita dahil ipinatong ni Ken ang ulo niya sa balikat ni Erin habang nakapamulsa
"H-hoy? Anong nangyari?"
"Sorry, irresponsableng boyfriend ako" mahinang sabi ni Ken pero rinig na rinig parin ni Erin ang sinabi niya
*Luhh? dapat galit ako eee!! Dapat galit ako sayo!!*
"Teka nakainom ka ba?" sabay angat ng ulo niya
"Mmm kunti" sabay halik ni Ken sa noo ni Erin
"Mag pahinga kana, uuwi na ako" sabi ni Ken
"Ano?"
"Iponin mo yang energy mo bukas para mabugbog moko ng todo" sabay halik ulit niya sa noo ni Erin.
Hindi naman nakatulog ng maayos si Erin at iniisip parin niya ang nangyari sa kay Ken, kung bakit ganun ang reaksyon niya.

Kinabukasan nasa isang storage room sila ni Ken at nag uusap
"Ano? Ano na!!" Sabi ni Erin kay Ken na kanina pa tahimik
"S-sorry na! inaya lang kasi kami ng bagong manager na uminom kaya--"
"Kaya nakalimotan mo aniversary natin kahapon?"
"Hindi naman sinasadya ee"
"Alam mo bang nasayang yung pagkain na hinanda ko?!! Para satin!! Tssssk buti nalang talaga---"
"Nandon si Christopher para tulongan ka"
"Ano?"
"Nakita ko kayo kagabi"
"Nagsipag datingan ang mga barkada ko kaya sila ang umubos ng pagkain! Tsssssk ang sama mo!!"
"Babawi ako promise!"
"Aalis na ako baka hinahanap na make up brush!!" Sabay kuha ng make brush ni Erin at labas sa storage room habang nag lalakad siya ng mabilis hindi na malayaan ang taong makakasalubong niya kaya nabanga niya ito nahulog lahat ng make up brush na dala niya
"Okay ka lang?" sabi ni Glent na tinutulongan si Erin na pumulot ng make up brush
"Ahh opo, sorry hindi ako nakatingin sa daraanan ko" sabi ni Erin
"No its my fault" sabay tayo nila
"Sorry po talaga--- kayo po ba yung bagong manager ng SB19?"
"Ahh oo Glent Gonzaga" sabay abot ng kamay
"Ahh Erin Agustin po" sabay shake hands nila
"Ahhh sige po una na po ako" sabay alis ni Erin. Nakalagpas na si Glent sa storage room kung saan nag usap ang dalawa nang mapansin niya si Ken na lumabas sa storage room, naalala niya rin na ng galing din don si Erin.



*****
"May mahal na daw siyang iba!" Walang ganang sabi ni Jessica kay Glent na nag mamaneho ng kotse nila
"Edi sign na yan na tumigil ka na" sabi ni Glent
"No Kuya!! Sinuway ko na si daddy para sa kanya! Ngayon pa ba ako titigil?"
"So? Ano? Ano gagawin mo? Pag sisiksikan mo sarili mo sa kanya? Even though na may masisira kang relasyon?"
"Kuya please, Help me!! Kaya ka nga pumayag na maging manager nila right!!" Mangiyak ngiyak na sabi ni Jessica sa Kuya niya at alam niyang hindi siya nito mahihindian.
*****





"Si Erin ba sinasabi ni Jessica kagabi?" Bulong niya sa sarili niya habang pinapanood ang dalawang mag kasunod na nag lalakad paalis.
"Eriiin!! May nag deliver daw sayo!!" Sabi ni Janine pagkapasok niya dressing room habang inaayosan ang lima para sa guesting nila
"Ha? Wala naman akong inorder ah!" Sabi ni Erin. Nasa loob rin ng dressing room si Glent habang hawak ang magazine
"Delivery for Ms. Erin Agustin!" Sabi ng delivery man na may hawak na bulaklak
"Oh?" Gulat siyang lumapit at pumirma sabay kuha ng bulaklak
"Woooooow sana lahat may paflower si Boyfriend!!" Panunukso ni Janine habang natatawa naman ang apat at nag sisipag tinginan sa isat isa habang nakaharap sa salamin
"Hoooo love is in the air!!!" Sabi ni Justin
"Sana ol may plawer" kinikilig na sabi ni Stell. Tahimik naman si Ken na naka yuko habang nakapikit at may airpods sa magkabilang tenga.
"May boyfriend ka pala Erin?" Tanong ng isang staf nakangiting tumango si Erin
"Waaaaa bat parang hindi namin nakikitang sinusundo o hinahatid ka dito?" Sabi naman ng isa
"Oo nga afam ba?"
"Hay nakoooooo kilala niyo na siya!!" Sabi ni Janine kaya siniko siya ni Erin. Nag sipag tinginan naman ang apat habang nakangiti, at sabay sabay nilang tinignan si Ken na hanggang ngayon natutulog pa, nakahalata naman si Glent na may hawak na magazine sabay tingin din kay Erin bago kay Ken.
Pabalik na ng building si Erin kakatapos lang kumain sa labas nang makasabay niya si Glent
"Erin right?" Biglang sulpot sa likod ni Erin kaya nagulat niya ito
"Nakakagulat naman ho kayo!!"
"Oh i'm sorry, did you eat your lunch?"
"Ahh opo kakatapos lang"
"Ahh buti naman, so napaka sweet naman ng boyfriend mo may pa flowers pa" nakangiting sabi ni Glent
"Ahh haha, hindi po kasi siya nakadating kagabi aniversary po kasi namin kahapon bumabawi ata" kinikilig na sabi ni Erin pero hindi niya pinapahalata
"Ahhh sorry po haha nadala lang po"
"No it's okay--- tama bayung narinig ko kanina sa mga kasamahan mo hindi ka pa niya pinupuntahan dito?"
"Ha-ha? Ahmn ano po ahm busy po siya sa trabaho niya haha"
"Pwede bang malaman kung anong trabaho niya?"
"Po?"
*Bat parang naging interesado siya kay Ken?*
"Erin!! Andyan ka lang pala!! Ayy hello po Sir" sabi ni Janine
"Oh Hi!" Nakangiting sagot ni Glent
"Halikana hinahanap ka na ni Ms. Claire mag liligpit na" sabi ni Janine
"Ahhh Sir una na po kami" paalam ni Erin
"Ahhh sige go ahead" kanangiting sabi ni Glent na biglang nawala pag kaalis nila ni Erin.

Kinagabihan palabas na si Ken ng building para hintayin sa labas si Erin at mahatid sa bahay nila, habang nag lalakad palabas at hawak ang cellphone niya bigla siya hinarang ni Jessica
"Ken" nakangiting sabi niya
"Bat ka nandito?" Walang ganang sabi ni Ken
"Ahh hinihintay ko si Kuya" natahimik ang dalawa bago mag lakad si Ken palayo pero sinundan parin ito ni Jessica
"Ah Ken, pwede ba tayong mag usap? Kahit saglit lang" sabi ni Jessica kay Ken na nakatalikod sa kanya.

Tinatawagan ni Erin si Ken habang papalabas siya sa building
"Bat di siya sumasagot?" bulong niya sa sarili niya, pagkalagpas niya sa gate nakita niya agad si Ken na nakatalikod
"Oh? Nandito na pala siya" nakangiting sabi at akmang tatakbo pero napatigil siya dahil nag lakad si Ken palayo habang may babaeng nakasunod sa kanya
"Si Ken yun, saan siya pupunta? Bat may iba siyang kasama?" Tanong niya sa sarili niya, umuwing mag isa si Erin habang palapit na siya sa apartment niya nakita si Christopher na nakasandal sa kotseng niyang naka park
"Erin!!" Tawag niya sabay lapit
"Oh? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Erin
"Ahh wala lang gusto lang kitang ayain sana lumabas, teka kumain ka na ba?"
"Ahh yun nga ee hindi pa"
"Ayun sakto, lika na" sabi ni Christopher sabay bukas ng front seat.

"Ano ba gusto mo pag usapan at nandito pa tayo sa cafe?" Tanong ni Ken
"Ahh, sasabihin ko na sayo lahat. Sorry kasi iniwan kita sa ere noon hindi ko naman ginusto yun ee pero gaya ng sinabi mo its too late for us. May mahal ka ng iba rerespetohin ko yun pero kahit ganun please lets be friends kahit friends nalang" tahimik lang si Ken habang nakatingin kay Jessica.


"Hindi kayo mag kasama ni Ken?" tanong ni Christopher habang nasa loob pa sila ng kotse at naka park sa harap ng building ng apartment ni Erin
"Ahhh may pinuntahan ata" sagot ni Erin
"Mmmmm, Erin may itatanong ako sayo"
"Ano yun?"
"Masaya ka pa ba sa kanya?"
"Ha? I mean oo"
"Hmmmm mabuti naman, mag sabi ka lang nandito parin ako para sayo" sabi ni Christopher habang naka ngiti at nakatingin sa labas
"Yan ka nanaman eee, alam mo umuwi ka na mag dra-drama ka nanaman dito ee" sabay tangal ni Erin ng seatbelt niya at nag paalam na.

Nagulat naman si Glent sa pag bukas niya ng ilaw sa sala nila dahil kay Jessica na nakaupo sa sofa at umiinom ng wine
"Anong nangyare sayo?" tanong ni Glent
"I want to be alone, please leave me" mangiyak ngiyak na sabi ni Jessica, lumapit si Glent sa kanya sabay agaw ng Wine
"Hey!!! Give me back my wine!!"
"Ano ba? Mag papakabaliw ka talaga para sa kanya? Andami pang iba dyan o! Just let him go!"
"How? Tell me how!!! Kuya ayuko pang sumuko!! Kuya please help me!! Hawak mo na siya ngayon you have power para paghiwalayin sila!! Tell Ken na hiwalayan na niya kung sino man yang sinasabi niyang girlfriend niya!!!"
"I cant, just move on Jessica wag mo na ipag pilitan sarili mo sa kanya masasaktan ka lang isa pa hindi ko naman hawak ang feelings ni Ken----"
"I hate you!!" Sabay takbo sa kwarto niya.

Minsanan nalang kung ihatid ni Ken si Erin sa apartment niya dahil sa busy ng schedule nila at practice ng grupo, minsan nag kikita sila sa storage room at nag uusap pero mabilis lang hindi naman maiwasan na hindi mamiss ni Erin si Ken at minsan nag tataka rin ito dahil parang may nililihim na si Ken sa kanya.
"Sir hindi parin po lumalbas si Miss Jessica sa kwarto niya nag aalala nako" sabi ng katulong nila. Pinuntahan naman ni Glent si Jessica sa kwarto niya at tatlong beses na kumatok
"Jessica open the door lets talk" mahinahong sabi niya pero hindi parin binubuksan ni Jessica ang pinto kaya walang nagawa si Glent kundi pumayag sa gusto ng kapatid niya
"Okay sige pumapayag na ko sa gusto mo please lumabas ka na dyan fix yourself, kumain ka na rin. Mag kakasakit ka niyan ee" sabi ni Glent. Papaalis na sana siya pero narinig niyang bumukas ang pinto kaya napaharap ito kay Jessica.


Nag hihintay si Ken sa labas ng gate ng building kay Erin para ihatid siya sa apartment niya, excited naman si Erin na lumabas at si Ken agad ang nakita niya. Nilapitan niya agad ito sabay pasok ng kamay niya sa bulsa ng jacket para mahawakan niya ang kamay ni Ken na nasa loob din
"Oh?! Andito ka na pala" nakangiting sabi ni Ken
"Mmmm, sa bahay kana kumain ha! Matagal na kitang hindi na so-solo, gusto rin kita makasama ngayon. Sakin ka muna hmmm!!" nakangiting sabi ni Erin
"Gusto mo doon pako matulog" panunukso ni Ken
"Heee maaga pa ko papasok bukas para sa photoshoot ng girlgroup" sabi ni Erin, hindi nila alam papalapit si Jessica sa kanila
"Ken!" Nakangiting tawag ni Jessica kaya napatingin si Ken pati narin si Erin, dali dali niyang tinaggal ang kamay niya sa kamay ni Ken napatingin naman si Ken sa ginawa niya at napansin din ni Jessica yun
"Pauwi ka na?" Tanong ni Jessica
"Mmmmm" sagot ni Ken
"Teka Ms. Jessica?" Biglang tanong ni Erin kaya napalingon si Ken sa kanya
"Oh? I remember you, nag kita na tayo sa cafe diba yung araw na bumili ka ng cake?"
"Ahh opo" nakangiting sabi ni Erin
"Waa what a small world dito rin kasi nag tra-trabaho kuya ko, actually susunduin ko siya"
"Sino po?"
"Si Glent, bagong manager nila"
"Ahhhhh siya po pala yun"
"Ahmmm so may i ask---" sabay turo sa dalawa ni Jessica
"Girl---"
"Nag kasalubong lang kami haha, oo nag kasalubong lang kami dito. Papauwi na ko" pamumutol ni Erin kay Ken
"Ahhh ganun ba. I think matagal pa si Kuya sa loob may meeting daw siya ee, why dont we go for a coffe it's 5:30 pa naman meryenda---"
"Sorry pero busy ako eee" sabi ni Ken
"Erin?"
"Ahhhh" napakamot nalang si Erin at ang ending nasa iisang sasakyan sila papunta sa cafe, nasa front seat si Ken sa pamimilit ni Erin dahil mag mumukhang driver nila si Jessica pag silang dalawa ang nasa likod.

"Bat mo ko pinigilan kanina na sabihin sa kanya na girlfriend kita?" Bulong na tanong ni Ken kay Erin na nasa harap niya
"Sira ka ba di mo ba narinig sinabi niya kanina kuya niya si Sir Glent! Baka pag sinabi mo sabihin pa niya sa manager mo edi yari tayong dalawa" sabi ni Erin, biglang dumating si Jessica at may kasunod na may dala ng order nila. Umupo si Jessica sa tabi ni Ken kaya lumayo ng kunti si Ken.
"Ahh salamat Ms. Jessica sa pa kape niyo" sabi ni Erin
"Ahh no worries, sabi mo sakin nanonood ka ng mga vlog ko diba so pa thank you narin to" sabi ni Jessica
"Ahhh opo"
"Wag mo na akong ipo tsaka opo mag kaedad lang tayo ee"
*Kailangan pa ba nila ako dito? Parang pang babaeng usapan lang to ee* sabi  ni Ken sa sarili niya habang himihigop ng kape.

Nasa kalagitnaan sila ng pag uusap nang biglang nag ring ang cellphone ni Erin
"Si Sir Glent" sabi ni Erin
"Hmm? Si kuya? akala ko ba tapos na working hours mo?"
"Sasagotin ko lang ah excuse me"
sabay alis ni Erin. Mayamaya bumalik agad si Erin kila Jessica na nag mamadali
"Kakausapin daw ako ni Sir Glent ngayon pinapapunta niya ako sa office niya. Urgent daw kaya maiwan ko na muna kayo" sabi ni Erin sabay kuha ng bag niya
"Hatid na kita" sabi ni Ken
"Hindi na okay lang" sabi ni Erin pero hindi nakinig si Ken at biglang tumayo at hawak sa wrist ni Erin
"Salamat sa kape mauna na muna kami" sabi ni Ken sabay hila kay Erin palabas
"So siya pala talaga bago mo Ken, ang liit talaga ng mundo" bulong ni Jessica habang tinitignan ang dalawa papalabas ng cafe.

Continue Reading

You'll Also Like

29.6K 725 45
Can you escape the truth?
31.2K 1.4K 45
Status: COMPLETED✔️ Si kuya Paulo, ang bagal kumilos. Ang tagal nang gusto si Ate Athena pero wala pa ring ginagawa! Kaya ako na ang gumawa ng paraan...
3.6K 250 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
48.8K 2.3K 36
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...