Like A Star

Von _AuReveur

129 8 1

A girl who has a huge crush on Ellrix Cane Villegas, yet never had the courage to be noticed by him. She alwa... Mehr

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 1

17 2 0
Von _AuReveur

"Yung totoo? Hindi ka ba napapagod dyan sa pasulyap-sulyap mo? Mula 1st year ganyan na ginagawa mo kulang na lang sundan mo yang si Ellrix hanggang banyo---"

"Ssh! Wag ka maingay Serina, baka marinig ka nya! Tsaka anong hanggang banyo ka dyan! Hoy fyi lang ha, crush ko sya pero hindi ako stalker noh!" walang lingon na sambit ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa may gilid ng pader nagtatago at umaasang hindi mahahalata ang pasulyap-sulyap ko.

Kasalukuyang naka-upo ngayon sa isang bench na katapat lang ng room nila habang hawak ang gitara at kinakalabit nito ang mga string habang nagha-hum... Ellrix Cane Villegas, sya ang lalakeng matagal ko nang gusto .

Grabe bakit kahit nakaupo lang sya at nakatuon ang atensyon sa kanyang gitara ay ang gwapo-gwapo nya? Parang ang sarap tuloy maging gitara.

Ako na lang kalabitin mo!

Mula sa kinatatayuan ko ay kita ko ang matangos nyang ilong at ang makinis at maputi nyang balat. Na halos kuminang kapag natatamaan ng araw. Ang manipis at mapula nyang labi na mapang-akit. Tama lang din ang katawan nya, may muscle pero hindi ganon kalaki. Makapal ang kilay nya at dinaig nya pa ako dahil sa haba ng pilik-mata nya. Pero ang pinaka-gusto ko talaga ay ang mga mata nya dahil sa golden brown na kulay nito na talaga namang napaka-gandang titignan.

Muntikan na ako mapatili nang makita ang maliit na ngiti nito. Minsan ko lang makita ang ngiti nya, kaya daig ko pa ang inasinan na bulate dahil sa ngiting yon. Bilang na bilang ko sa kamay dahil kadalasan ay blangko lang ang mukha nito, hindi mo alam kung masaya ba o wala sa mood. Hindi rin naman ganon ka-ingay ang aking sinisinta at kadalasan ay mas gusto nitong mag-isa. Makikita mo lang itong ngumiti kung hawak ito ang mga instrumentong alam nyang patugtugin tulad ng gitara, piano, violin at kung ano-ano pa. Marahil mahal na mahal nya ang musika dahil ang mamahaling ngiti nya ay makikita mo lang kapag tumutugtog o nakanta sya.

Ilan lang yan sa mga mahalagang bagay na nalaman ko sa nakalipas na apat na taon kong pagnakaw-tingin at pagsunod sa kanya.

"Alam mo I quit!" magtatanong na sana ako ng bigla ako nitong hilahin na sya namang kinagulat ko. Natigilan pa ako sa ginawa nya at hindi nagproseso ang dahilan ng paghila nya pero agad rin akong nagpumiglas ng maintindihan ko ang binabalak nya.

Hinihila nya ako patungo sa kinaroroonan ni Ellrix!

"Alam mo Aitana, nakakapagod nang panoorin ka habang nagtatago at pasulyap-sulyap dyan sa crush mo, kaya ngayon eto na ang tamang panahon para humarap ka sa kanya. Ilang buwan na lang e ga-graduate na tayo kaya kapalan mo na yang mukha mo!" pagod ngunit puno ng determinasyon na sabi nya.

Halos magmakaawa ako na tumigil sya at kung ano-anong suhol na ang sinabi ko sa kanya para lang magbago ang isip nya. Pero ang gaga hindi nagpatinag at patuloy lang sa paghila sa akin.

Nang malapit na kami sa pwesto ni Ellrix ay agad kong napansin ang ilang kababaihan na alam kong tulad ko ay may pagtingin rin sa lalaking ito. Maaring tulad ko ay pinapanood lang din nila ang ginagawa ng binata at marahil pati rin sila ay nakita ang ngiting yon ni Ellrix na ang sarap ipagdamot.

Napansin ko ang unti-unting pagkunot ng mga noo nila nang makita nila akong naglalakad papunta sa pwesto ni Ellrix pero kung tututusin hindi lakad ito e, more of kinakaladkad. Para bang isang kasalanan ang pagpunta ko sa harap ng binata, parang isang pribadong lugar ito kaya ganon na lang ang pagkunot ng mga noo nila.

Sa maniwala kayo o hindi, hindi ko to ginusto! Nakikita nyo ba to?! Hila-hila ako oh!

Nang makarating kami sa mismong pwesto ni Ellrix agad itong tumigil sa pagstrum ng kanyang gitara at mabilis na tinuon ang paningin sa amin. Halos matumba ako ng dumako sa akin ang kanyang paningin, pumunta kase sa likod ko si Serina ng makalapit kami. Puno nang pagtataka ang kanyang mga magagandang mata pero wala kang makikitang kahit na anong reaksyon sa gwapo nyang mukha. Halos manginig ang tuhod ko, hindi ko kinakaya ang mga titig nya.

Naka-ilang lunok rin ako at ramdam ko ang biglang pamamawis ng aking mga palad. Naka-ilang kurot na rin sa akin si Serina at paulit-ulit na sinasabi na magsalita na daw ako.

Sandali lang naman! Hindi ako ready kaya pwedeng mag-isip muna?!

Tumaas ang kanang kilay nito na animo'y sinasabi na naiinip na sya at sabihin ko ang kailangan ko sa kanya. Lalo akong hindi makapagsalita dahil ngayon ko lang nasilayan ng malapitan ang mukha nya, mas may igwa-gwapo pa pala sya sa malapitan.

Kailangan ko nang makakapitan! Ang mga tuhod ko nararamdaman ko na ang panlalambot ng mga ito!

"Ah.... ano.... kase ano...." panimula ko.

Halos mahigit ko ang sarili kong hininga ng unti-unting kumunot ang kanyang noo, sa ginawa nyang yon ay mas lalo akong kinabahan at sa kasamaang-palad ay nataranta ako kaya hindi ko na napansin ang mga nasabi ko sa kanya.

"Ma-may eroplanong dumaan hindi mo nakita? Kakawayan ko sana yung piloto kaso bigla na lang nawala." dare-daretsong sabi ko at mabilis na naglakad palayo sa kanya. Hanggang sa makalayo ako sa kanya ay naghuhurementado parin ang puso ko, namamawis parin ang mga palad ko. At halos i-untog ko ang sarili ko dahil napaka walang-kwenta ng lumabas sa bibig ko.

Eroplano, piloto? Talaga ba Aitana?!

"Ang galing! Sa lahat ng pwede mong sabihin yun pa talaga? Eh ang galing mo rin naman talaga Aitana Xymera Alonzo." puno ng sarkasmo na sambit nito habang pumapalakpak ng mabagal. Isang masamang tingin ang binigay ko sa kanya ng makalapit sya.

Lokong babae to! Parang hindi alam ugali ko kapag natataranta! At tulad ng inaasahan ay hindi manlang nasindak ang babae na ito sa sama ng tingin ko sa kanya at bagkus ay inirapan ako.

"Bakit mo kase ako hinila papunta don?! Baka kung anong isipin sa akin non. Baka isipin nya wierdo ako! Ano na ang gagawin ko, Serina?!" parang sira na sambit ko habang pabalik-balik sa paglalakad.

"Simple lang!--" agad ko syang nilingon at umaasang may sasabihin sya na maganda.

"Pumunta ka ulit don at ayusin mo yung mga sinabi mo!"

Bakit pa ba ako umasa na may sasabihin syang maganda. Umiling na lang ako sa kanya at hindi sya pinansin. Sumilip ako at agad nanlumo nang hindi sya makita sa pwesto nya kanina.

"Ayan umalis na tuloy! Ikaw kase e!" baling ko kay Serina.

"Boplaks! Talagang aalis na yan dyan dahil nag bell na, tapos na ang breaktime gaga!" sambit nya at nagsimula ng maglakad papunta sa room namin.

Asar na sumunod naman ako sa kanya at nang maglakad sya ng mabilis ay naalala ko na terror nga pala ang susunod na prof namin, ayaw pa naman non sa late. Nang makarating kaming dalawa sa room ay mula sa labas ay inayos namin ang mga sarili namin para hindi mahalata na namamadali kaming dalawa.

Parehas kaming nagtaka nang marinig ang ingay ng mga kaklase namin lalo na ang mga babae sa classroom, ang pagtataka ay napalitan ng ngisi dahil mukhang naunahan namin si Sir kaya ligtas kaming dalawa. Pina-una ko nang maka-pasok si Serina dahil napansin ko ang alikabok sa sapatos ko dahil sa pagmamadali namin kanina. Imbis na yumuko ay tinanggal ko na lang ang sapatos at kinuha, mahirap na baka masilipan pa ako dahil nakapalda ako.

Naka longsleeves ako na puti, may necktie na kulay red with blazer habang ang palda naman namin ay kulay black and red na stripes sa baba na pinartneran nang mahabang medyas at may takong na sapatos. Kung iisipin halos anim na buwan ko na lang itong maisusuot dahil malapit na kaming gumraduate. Anim na buwan na lang pero hanggang ngayon wala parin akong lakas ng loob na harapin si Ellrix.

Ellrix Cane Villegas, 21 years old, 5'9 ft. Sya ang lalakeng kinahuhumalingan ng mga babae dito sa Seirin University parehas kaming 4th year college student at anim buwan na lang ay ga-graduate na kami. He loves music and all of us knows it. He sing and play instruments. But I never heard him sing, tuwing malapit na syang kumanta ay laging nauudlot, kung hindi dahil tapos na ang break ay magri-ring naman ang cellphone ko o kaya ay may sisigaw ng pangalan ko. Ni isa sa aming nagkakagusto sa kanya ay walang nakaka-rinig ng pagkanta nya.

Ang balita ko ay maganda daw ang boses nito, na tipong kapag narinig mo ay mararamdaman mo ang nais iparating ng kanta masaya man ito o malungkot. Ilang Prof ang sumubok na pakantahin sya sa mga event dito sa school pero ni isa don ay wala syang pina-unlakan. Maraming guro din ang ang natutuwa sa kanya dahil hindi lang gwapo at talentado ang binata may talinong taglay rin to.

Hindi rin maitatago na may mga Prof na simpleng nagpapansin sa kanya. Isa na don ang bagong Prof namin na si Ms. Di Mandi, wari ko'y nasa edad na bente syete na ito at walang asawa o boyfriend kaya ganon na lang ang lakas ng loob kung magpapansin kay Ellrix. Isa na don ay ang pag-uutos nito at kadalasan ay mapapansin namin ang malagkit na titig nito kay Ellrix na laking pasalamat ko na lang dahil hindi nya ito pinapansin. Pero ang alam ko ay tumigil na ito dahil napagsalitaan daw ni Ellrix. Napigtas na siguro ang pasensya nito sa guro dahil todo kung mang-akit ito, tipong halos maghubad na sa harap ni Ellrix.

"Don't you think what you are doing is too much? You're a teacher and as far as I know, showing too much skin in places like this is prohibited not to mention that this is a school, PROF. We all know na dapat isa ka sa maging good example dito dahil nga guro ka, but look at you, look what you are wearing right now. Yan ba ang tamang suot ng isang kagalang- galang na guro? I doubt it."

Grabe hanggang ngayon kinikilabutan parin ako kapag naalala yon, marami kaseng estudyante ang nakarinig non kaya ayon halos walang maiharap ang guro na iyon sa amin, pasalamat na lang talaga sya dahil hindi sya tinanggal ng school. Buong-buo ang boses at kapansin-pansin ang pagka-irita nya. Grabe nang makita ko yong eksenang yon hindi ko alam kung maawa o matatawa ako sa guro na yon.

Nang maisuot ko ang aking sapatos ay pumasok na agad ako ng classroom, mabuti na yon kesa naman maabutuan ako ng terror naming Prof na nasa labas ng classroom baka maabsenan pa ako non. Pagkapasok na pagkapasok ko ay dumaretso na ako agad sa pwesto namin ni Serina.

Umupo na agad ako sa kanyang tabi at kinuha mula sa aking bag ang notebook at ballpen ko, para kapag nandyan na si Sir ay agad akong makakapag take notes. Habang ang katabi ko naman na si Serina ay busy lamang sa kanyang cellphone.

Bigla akong napalingon ng bigla kong maramdaman ang pagsiko sa akin ni Serina. At nang lingunin ko sya ay todo ngisi ang gaga sa akin na syang pinagtaka ko.

"Woy, sabi sa akin ni Amanda hindi daw pumasok sa kanila si Sir Demante.... pero may iniwan daw na gawain and guess who kung sino ang naghatid ng gagawin nila?" taas-baba naman ang dalawang kilay nito habang sinasabi ang tanong.

"Sino--"

"Oh my gosh! Wait hindi ako ready!"

"Shit! Girl, totoo ba?"

"Maganda na ba ako?"

"Hindi! Hindi ka na gaganda! At ako ang maganda!"

Sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng mga sigawan. Nagkakagulo ang mga kaklase kong bakla at babae sa pag-aayos ng kanilang mga sarili, puro mga nagre-retouch sila ng kanilang mga make-up. Yung iba ay todo suklay sa kanilang mga buhok, may iba naman na binuksan ang dalawang butones ng kanilang mga pantaas kaya mga litaw na litaw ang cleavage nila.

Sana ol.

Magtatanong na sana akong muli ng biglang may pumasok ng room namin na dahilan upang mas lalaong lumakas ang sigawan at tilian. Habang ako naman ay nanlaki ang dalawang mata dahil hindi ko inaasahan ang aking nakikita. Ni sa hinagap ay hindi ko inakalang maaring mangyari ito.

"Oh, mukhang hindi ko na pala kailangan na sabihin," bakas ang pang-aasar sa boses ni Serina na wari ko'y nakangisi parin hanggang ngayon.

"I'm Ellrix Cane Villegas, and I am here today because Sir Demante assigned me to distribute your topics while he's on leave. And I also want to remind you that the day after tomorrow is the start of your reporting, so I suggest na simulan nyo na ang paggawa ng mga report nyo especially ang mga mauunang magreport." dare-daretsong sambit nya, dedma lang sa mga tinign naming lahat.

Totoo ba itong nakikita ko? Si Ellrix ba talaga ito? At kung totoo to bakit ngayon pa na wala pang ilang oras matapos akong mapahiya sa kaya kanina?!


Weiterlesen

Das wird dir gefallen

7.7M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.9M 37.8K 68
The ruthless, snobbish and cold devil found himself falling for the angel witch.
255K 14.1K 27
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
20.9M 513K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]