My Boyfriend is a Ppop Idol (...

By itsyagalTreesha

2K 98 4

Ordinaryong babae na nahulog sa isang idol pero habang tumatagal si idol nag kakagusto na rin. Ano kaya mangy... More

DISCLAIMER
My Boyfriend is a Ppop Idol CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
Chapter 5
Chapter 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21 * F I N A L E*
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 10

61 5 0
By itsyagalTreesha

Habang nag hihintay si Erin at Janine kay Ms. Claire nasa conference room sila naka tambay at nag uusap, mayamaya pumasok si Mary sa loob at nagulat sila dito hindi makapag salita si Janine
"Oh?-- teka nag ayos ka?" Nakangiting sabi ni Erin
"Bakit? Di ba bagay sakin?" Nahihiyang tanong ni Mary
"Hindi, i mean. Nagulat lang ako pero bagay naman sayo, diba Janine?" Nakangiting hinarap ni Erin si Janine na tahimik lang na nakatingin kay Mary
"Ha? ahh oo, okay naman" sabi ni Janine. Isinabit ni Mary ang buhok niya sa tenga niya
"Ahh sige, salamat sa compliment" sabay alis ni Mary
"Magugustohan na ko ni Justin nito hehe, san kaya siya ngayon? baka nasa dressing room!" Sabay alis niya.
"Teka, anong nakain niya ka gabi? Parang kahapon lang manang pa siya tapos ngayon? waaaaa, nag pasalon pa talaga siya"
"Sabi ko na sayo maganda siya pag naayosan!" Proud na sabi ni Erin kay Janine
"Pero parang di bagay sa kanya yung bangs niya!!"
"Ang cute nga niya ee"
"Baka kamo ginagaya ka!"
"Hmmm? haha ang hanggang balikat nga niya pinaputol ang buhok niya panong ginagaya ako ee hanggang bewang buhok ko! Sa kanya itim na itim sakin naman mi pag ka brown! Imagination mo talaga ee!!"
"Sus--- ayan na nag text na si Ms. Claire baba daw tayo mamimili tayo bagong gamit!" Sabi ni Janine sabay alis nila.




Naglalakad naman si Mary sa hallway papunta sa dressing room, nakita naman siya ni Myra kasama ang isa niyang ka grupo
"Oh?!! Si manang ba yun? Waaa ang laki naman ng pinag bago niya!" Sabi ng kasama ni Myra
"Hmmmm, talagang nag ayos siya ahh!! Uto-uto hahaha pwede siya, gagamitin ko siya!!" Sabi ni Myra habang naka cross arm at nakangiting sinusundan ng tingin si Mary.




Hapon na at dumating narin sila Erin galing sa pamimili ng mga gagamitin nila at isa isa na nilang binababa at pinapasok ang mga karton
"Tulongan na kita!!" Sabi ng isang lalaki sa harap niya pero natatabonan ng mga kartong na nakapatong sa hawak niya, pag ka kuha ng lalaki sa karton
"Paminta?!!" Gulat na tanong ni Erin
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Ayaw mo ba akong nandito?!"
"Hindi naman--"
"Halikana-- tinatawag ka na ng kasama mo!!" Sabay silip ni Erin sa likod ni Christopher at nakita niya si Janine na naka pamewang na
"Ohh!! Susunod na!!" Sabay alis niya, sumunod naman si Christopher sa kanya na may hawak na karton.
Pumasok sila sa conference room at di na pansin ang SB19 na may meeting o naka upo lang, inalalayan naman ni Erin si Christopher sa pag bukas ng pinto
"Dito mo nalang ilapag!" Sabi ni Erin sabay turo sa may gilid, nakatingin lang sa kanila ang lima habang si Ken ay naka cross arm at nakasandal sa upuan niya
"Oh? Andito pala kayo?" Biglang sabi niya pag ka kita sa SB19
"Hindi anino lang namin to, wala kami dito!" Biro ni Justin
"Joke lang!" Natatawang sabi ni Justin
"Ano palang ginagawa niyo dito?" Tanong niya
"May meeting kami ngayon ee" sabi ni Sejun
"Ahh ganun ba, sige aalis na kami" sabay hila niya sa damit ni Christopher papalabas pero pag bukas niya sa pinto naka salubong nila sila Sir Charles, Tatang Robin kasama si Ms. Hongganda at ilang staff
"Oh? Mr. Arco?" Sabi ni Tatang Robin, nag tataka naman si Erin kung bakit nila kilala si Christopher
"Ahh Ms. Erin?--" Tawag ni Ms. Hongganda, gulat na binitawan ni Erin ang damit ni Christopher
"Ohh! S-sorry--" sabi ni Erin
"Hello Sir I'm the son of Mr. Cristof Arco, nice to meet you!" Pag papakilala niya
"I thought your father will come here" tanong ni Sir Charles
"He has to go to our main branch in La Union its urget so i take my fathers scheduled meeting with you"  nag silingonan naman ang lima sa likod.




Katabi ni Erin ang vending machine sa hallway papasok at palabas malapit sa conference room kung saan kasalukuyang may meeting,
"Erin anong ginagawa mo dito?" Biglang sulpot ni Mary
"Nakakagulat ka naman! Ahh may hinihintay lang sa loob" sabay turo sa conference room
"Ah sino?"
"Ano kaibigan ko" sabi ni Erin, mayamaya pa nag silabasan na sila at ang naunang lumabas ay si Justin kasunod ang apat
"Eriin!!" Sabay lapit ni Justin sa kanila
"Oh? tapos na kayo?" tanong ni Erin
"Ahh oo pero na sa loob pa ang iba"
"Ahh ganun ba"
"Para sakin to?" nakangiting sabi ni Justin sabay kuha sa softdrinks na hawak ni Erin
"Oho!! Bawal ka nito ngayon may vocal practice kayo diba!" Sabay kuha ni Erin. Tahimik naman si Mary sa gilid at di napapansin na parang wala siya doon
"Ehem*" sabay ayos ni Mary sa sarili, napalingon naman ang dalawa
"Hmmm? Sino siya?" Tanong ni Justin
"Ahh siya si---"
"Justin!!" Tawag ni Stell sa kanya kaya napalingon siya sa likod
"Andito!--- sige una muna ako!!" Paalam ni Justin. Pagkaalis ng lima doon naman lumabas sila Tatang Robin, Sir Charles, Ms. Hongganda at Christopher
"Ahh Sir you can go without me, i want to take a look around your building" sabi ni Christopher
"Ah okay! Take one of my staf" sabi ni Sir Charles
"No thanks sir i have my friend here, maybe she can tour me here"
"Is that so, where is she?" nakita ni Christopher si Erin sa may vending machine
"Over there!" Sabay turo ni Christopher
"Ohh our make up artist" sabi ni Ms. Hongganda. Pinayagan naman ni Tatang na si Erin ang mag tour kay Christopher sa loob ng buliding, pagkatapos ay hinatid na ni Erin si Christopher sa labas
"Sponsor kasi kami sa gagawing music festival. Kami din mag oorganize sa event, invited ang SB19 kaya ako nandito" nakapamulsa at habang naglalakad na sabi ni Christopher
"Ahh bakit dimo sinabi sa akin agad? Akala ko nandito ka dahil sakin!"
"Mmmm andito rin ako dahil sayo, si papa talaga dapat pupunta dito pero i insist na ako nalang kasi andito ka kaya ayon pumayag naman si Papa--- may sasabihin rin kasi ako sayo"
"Hmmm? Ano yun?"
"Share holder na rin si Papa sa GBC, kung gusto mo lang naman mag apply matutulongan kita"
"T-talaga? wee di nga? Waaaaaa GBC network isa sa pinaka malaking news center sa bansa!! Alam mo ba pangarap ng lahat ng gustong maging journalist at anncour ang makapasok dyan kahit nga camera man ka lang, sila may pinaka mataas na ratings when it comes sa mga balitaaaa!!" Excited na sabi ni Erin habang nakahawak sa mag kabilang braso ni Christopher
"Pero!" Sabay bitaw niya
"Hindi ko pa kayang iwan ang trabaho ko dito, ang ganda sana ng offer mo pero--" ginulo ni Christopher ang buhok ni Erin
"Hmmpft!! Hayy minsan di ka talaga nag iisip!!"
"Tssssk sabay tapik ni Erin sa kamay ni Christopher
"Hindi naman ibig sabihin na hindi ka pumayag ngayon aalis na si Papa sa board. Kaya okay lang pero anytime na mag bago isip mo just call me tutulongan kitang makapasok sa GBC. Alam ko kasi pangarap mong doon mag trabaho as anncour o kaya journalist" sabi ni Christopher
"Ahhh!!! Iba na talaga pag asinsado na andami ng koneksyon!!" Sabi ni Erin
"Sige na aalis na ko malayo pa byahe ko" sabi ni Christopher sabay gulo ng buhok ni Erin
"Tawagan mo ko ha!!" Sabi ni Christopher bago pasok sa kotse niya
"Ohhhh!!" Sabay kaway ni Erin.




Nag pra-practice mag isa si Ken ng sayaw sa practice room bigla nalang pumasok sa utak niya ang nakita niya kanina sa labas ng building, si Christopher at Erin
"Ahhhh!!" Sigaw niya sabay higa sa sahig
"Ganun ka ba ka excited na makita si paminta mo!!" Sabi ni Ken sa sarili. Biglang bumukas ang pinto pero parang hindi niya ito na rinig
"Okay ka lang?" Sabay upo ni Erin katabi si Ken na nakahiga
"Ikaw pala" malamig na sabi ni Ken
"Bihis lang ako, hatid na kita" sabay tayo ni Ken at kuha ng towel niya, naiwan naman si Erin na nag tataka kung anong nangyari kay Ken.

Nag lalakad sila pauwi pero napakatahimik nilang dalawa
"Okay ka lang ba talaga?" Pambabasag ni Erin ng katahimikan
"May problema ba tayo?" Dugtong niya
"Wala"
"Bakit parang nararamdaman ko ang lamig mo sakin ngayon?"
"Hindi mo kasi sinabi sakin na pupunta pala si Christopher"
"Ha? hindi ko rin kasi alam napupunta siya doon"
"Ang sweet niyo rin kanina ah! Panay hawak niya sayo"
"Ha?, biroan lang namin yun!"
"Biroan para sayo pero sa kanya hindi! Alam mo bang may gusto siya sayo?! Kaya pag nakikita ko siyang ginaganun ka niya pumapasok agad sa utak ko mga sinabi niya sakin!!" Napatigil si Erin at Ken sa pag lalakad nila
"Teka pano mo nalaman?" takang tanomg ni Erin
"So alam mo na rin pala? ha!! Tapos okay lang sayo na hawak hawakan ka niya? O maging sweet siya sayo?!!"
"Kaibigan lang naman siya para sakin ee kaya wala lang sakin yun! Kahit na di na sabihin ni Christopher may gusto siya sakin alam ko yun dahil sa mga kaibigan namin pero ano palagi kong sagot? Hindi kasi kaibigan lang siya para sakin natatandang kapatid yun lang yun sakin wala ka bang tiwaka sakin? bat ka ba ganyan"
"Waaaa!! so hindi mo iniisip ang pwede kong maramdaman ngayong alam na pala nating tatlo na may gusto siya sayo?!" Natahimik naman si Erin sandali
"Kahit na alam mo nang may gusto siya sayo ganun parin pag trato mo sa kanya papano kung bigyan niya yun ng malisya? Ha?
"Alam naman na niya na ikaw yung gusto ko kaya importante pa ba yun na porket may boyfriend nako kailangan na agad na lumayo ako sa kanya in the first place magkaibigan lang naman kami simula't sapol para sakin, kahit hindi pa tayo nagkakilala may gusto na siya sakin pero sinasabi ko sa kanya kaibigan lang turing ko sa kanya!"
"So sinasabi mo ngayon sakin na siya yung mas na una kesa sakin, na dapat kahit may tayo na hindi parin mag babago yung mga dating ginagawa niyo noon?,Erin lalaki ako lalaki din siya kaya alam ko lahat ng galawan niya!!! Mauulit na naman ba yung dati? Tutulad karin doon sa ex ko?" biglang pag ungkat ni Ken ng past niya
"Kinokompara mo na ako ngayon sa ex mo?" Naiiyak na si Erin sa galit pero pinipilit niyang hindi dahil nasaharapan siya ni Ken
"Bakit ako ba nagseselos ba ako pag pumupulupot sa braso mo si Myra? Kala mo di ko alam? Nag uusap din kayo pero nag seselos ba ako? kasi may tiwala ako sayo Ken. Alam kong ayaw mo mag cheat kasi naranasan mo na yun. Oo first time ko sa mga gantong relasyon pero siguro kaya ka iniwan noon kasi hindi mo rin siya pinag katiwalaan!! gaya ngayon sakin"
"So ngayon ako pa may kasalanan kung bat nag seselos ako sa inyo!! Hindi naman katulad ng sayo may pahawak hawak pa sa ulo mo!! Nakita mo ba kaming sweet ni Myra lumalayo nga ako sa kanya eee, tsaka wag mokong susumbatan sa past ko kasi hindi mo alam"
"Ewan ko sayo nakakainis kang kausap wala kang tiwala sakin!! dyan ka na nga!!" Sabay walk out ni Erin dahil ayaw na niyang makarinig pa ng salita mula kay Ken, nasa tapat na sila sa building ng apartment ni Erin kaya dire-diretso siyang pumasok sa loob
"Ako pa talaga nakakainis ngayon!! Tsssssk!! Okay ayaw mo ko kausap edi sige! ginusto mo yan!!" Sabi ni Ken sabay alis.

Agad na humiga si Erin sa kama niya pag ka dating niya sa apartment niya
"Nakakainis siya!! Selos ng selos!!--- walang tiwala sakin, hindi ko naman gusto si Christopher kaibigan lang naman kami!! arrrghh sinumbatan pa ako ang ayoko sa lahat kinukumpara ako sa iba.... Hindi man lang niya naisip nararamdaman ko bago siya mag salita ng ganun" Buong gabing umiiyak si Erin at hindi na siya nakapag palit ng damit dahil sa kapaguran nakatulog na ito.


"Bat hindi niya gets na ayaw ko na nag papahawak siya sa iba? i mean may boyfriend na siya sino namang matinong boyfriend ang gustong may ibang lalaki gumugulo sa buhok ng girldfriend nila!! Ako pa nakakainis tsssskkk!!. Takot lang naman akong maulit yung nangyari dati, takot na kong iwanan tapos ipagpalit. Mahal ko lang naman siya ee kaya ganun" Sabi ni Kem habang nakahiga na sa kama niya.




Kinabukasan maagang nag punta si Erin sa trabaho niya dahil aayosan nila ang lima para sa pictorial ng poster na gagamitin para sa music festival,
"Ahh, papano ako makakapag focus sa trabaho nito kung nasa tabi tabi lang kaaway ko?" sabi ni Erin habang nag lalakad siya papasok sa building. Pag kadating niya nandon na agad ang lima at hindi talaga nag papansinan ang dalawa.
"Erin ayosan mo na si Ken!" Sabi ng isang staf
"Si Justin na aayosan ko ee!" Sabi ni Erin
"Ha? Hindi ba si Ken?"
"Nasimulan ko na si Justin ee ikaw nalang!!" Sabi ni Erin, rinig na rinig yun ng lima
"Teka, tinanggihan ba ngayon ni Erin si Ken?" Bulong ni Stell kay Sejun na katabi niya lang
"Oo, di mo rinig?" tanong pabalik ni Sejun. Busy naman sa cellphone niya si Ken habang nag hihintay kung sino mag aayos sa kanya. Tapos na si Justin sunod niyang tinulungan mag ayos ay si Stell sunod si Josh at Sejun
"Guys pansin niyo medyo maga yung mata ni Eri  ngayon?" Tanong ni Justin na kanina pa habang inaayosan siya ni Erin nakatingin samata nito
"Medyo nga" sabi ni Josh habang hawak cellphone niya
"Huhugasan ko na yung brush" walang ganang sabi ni Erin sabay kuha ng mga brush at labas sa dreesing room.
Nasa waiting room na silang lima kaya nag tanong na ang apat kay Ken kung anong nangyayari
"Okay lang ba kayo ni Erin?, pareho kayong wala sa mood ah!" Tanong ni Stell
"Nag away ba kayo?" Tanong naman ni Josh
"Ahh wala, misunderstanding lang siguro" sabi ni Ken
"Ha? siguro?" Sabi ni Justin
"Mag usap kayo, pag usapan niyo yung pinag awayan niyo" sabi ni Sejun
"Eee sabi niya ayaw niya daw ako kausap naiinis siya" sabi ni Ken
"Kahit na, hindi niyo yan maayos pag di kayo nag usap. Siguro mag palamig muna kayo ng ulo pareho Ken, hindi na namin hahayaan yung nangyari sayo noon kaya sorry kung nakikialam man kami sa inyo ni Erin siguro kahit ibang mag kakaibigan dyan papayuhan karin ng ganto" sabi ni Sejun.


"Hindi ka pa rin pinapansin ni Justin? hindi ka rin niya makilala?" tanong ni Myra
"H-hindi pa-- anong gagawin ko?"
"Well wala kang magagawa kung palaging nakaharang sayo si Erin"
"Ha?"
"Magkasama sila ngayon ni Justin, at kahit na anong paganda mo kung si Erin hinaharangan si Justin para makita ka walang kwenta yang lahat!" Sabay turo ni Myra mula ulo hanggang paa ni Mary
"Nakakainis na siya! Palagi nalang siyang napapansin ni Justin!"
"Ang swerte niya no? nasa kanya na lahat lahat pati si Justin, ee ikaw? no offense ah pero walang wala ka sa kanya. Hindi ka ba naiingit?"
"Naiingit?"
"Mmm!! Gusto siya ni Justin! Or baka lang kaya gusto siya ni Justin kasi napipilitan lang siya kasi nilalandi siya ni Erin"
"Nilalandi? kaya ba di ako mapansin pansin ni Justin? nilalandi ni Erin si Justin?!! Pwes kung ganun kailangan na niyang mawala dito!! Nag titimpi lang ako sakanya pero sobra na siyang umepal samin ni Justin" sabay alis ni Mary sa practice room na galit.



Nasa hallway sila ni Janine at Erin papunta sa rooftop ng building para ilagay ang mga karton sa storage room na pwede pang gamitin
"Last nalang to diba?" Sabi ni Janine
"Oo yan nalang"
"Salamat naman at makakapag snack na tayo!!" Sabi ni Janine
"ERIN!!" Galit na sigaw ni Mary
"Bakit?"
"Halika dito mag usap tayo!!" Sabay hawak ni Mary ng mahigpit sa braso ni Erin
"T-teka na sasaktan ako" sabi ni Erin habang sinusubukan niyang tanggalin ang kamay ni Mary sa braso niya
"Hoy!! Anong problema mo, nasasaktan na daw si Erin!!" Saway ni Janine pero itinulak niya ito palayo at nakita ang pinto papunta sa rooftop at dinala si Erin, agad namang sinundan ni Janine si Erin at Mary
"Bitawan mo nako please!" Sabi ni Erin sabay tulak ni Mary palayo kay Erin pag kadating nila sa rooftop
"Nilalandi mo si Justin? Ha! Ang sama mo!! May gusto ako sa kanya pero ito ka harap harapan mong nilalandi si Justin!!" Galit na sabi ni Mary
"Ano? anong nilakandi? mag kaibigan lang naman kami!"
"Mag kaibigan? Hahaha mag sisinungaling ka pa!!" Sabay sugod niya at sabunot kay Erin
"Ahhhhh!!!!" Sigaw ni Erin habang hawak hawak ang kamay ni Mary nakasabunot sa buhok niya
"Kaya ako hindi na papansin ni Justin kahit na anong paganda ko sa kanya, nakaharang kang higad ka!!"
"Ano ba tama na yan!!!" Sabi ni Janine pero di sila paawat kaya umalis ito para humingi ng tulong
"Ha! malandi ka!! Plastic ka kinakaibigan mo pa kong malandi ka!! Yun pala aagawin mo sakin si Justin!!! " Sabi ni Mary habang nasa ilalim niya si Erin at sinasabunotan
"Ano ba! Tama na, hindi totoo yan!!" Sabi ni Erin.





Hinihingal naman na binuksan ni Janine ang pinto ng waiting area nila Ken, napalingon naman silang lahat kay Janine
"S-si E-Erin!" Hinihingal na sabi ni Janine
"Ano nangyari sa kanya?" Tanong ni Ken
"N-nasa ro-rooftop inaaway ni Nary!" Sabi ni Janine, agad namang tumakbo si Ken papunta sa rooftop
"Sino si Nary?" Sabi nila Sejun sabay sunod ng lahat kay Ken.

Continue Reading

You'll Also Like

78.8K 1.7K 44
(MIKHAIAH) an 18+ STORY
2.8K 92 30
When a narcissistic, self-proclaimed goddess met her KARMA - yung tipong hindi nya inaasahan.
67.8K 1.9K 47
BINI ships Oneshots Compilation.
341K 8.5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...