Torn Between Two Lovers

By imunknownperson

7K 181 24

TORN BETWEEN TWO LOVERS Tumawag pa ako sa kanya para magtanong kung nasaan siya, kaagad niya namang sinagot... More

Torn Between Two Lovers
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11

Chapter 3

510 15 0
By imunknownperson

Isabella's POV

"Saan ka galing? Alam mo naman na meron tayong dinner diba. Kayo nalang ni Emma ang wala. Mahiya naman kayo." Naiinis na sabi kay Gabriel, 7PM kasi ang start ng dinner namin.

Birthday ni Kuya Jake, isusurprise ko sana siya ngunit ako ang na surprise.

Nanghingi ako ng tulong kay Gab at Emma, ang usapan namin 5PM nandito na sila, kaya lang mukhang naglandian pa, kaya mas nauna pang dumating ang celebrant.

"I'm sorry. Sobrang traffic lang." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Hi guys. Sorry I'm late. Nandiyan ka na pala Kuya Jake. Happy birthday." Boses ng ahas kong kaibigan. Dala na nito ang cake.

Pinigilan kong hindi magalit kahit na deep inside sinusunog ko na sila, wala naman nang kwenta ang celebration na ito.

"Kumain nalang tayo guys." Singit ni Kuya at naunang umupo.

"Sorry natagalan ako ha. Paano ba naman kasi sobrang traffic." Pagiinarte niya. Ang kapal talaga ng mukha, sa malaanghel nitong itsura, nagtatago ang maitim nitong budhi.

Umiling nalang ako. Ayokong masira ang gabing ito para lang sa walang kwentang tao.

Binigyan ako ni Gab ng pasta at garlic bread. Alam niya kasing paborito ko ito. "Kuya Jake how old are you na? Dapat mag-asawa kana, tumatanda kana."

"Darating ako diyan. Wag tayong magmadali."

Napakunot ang noo ko nang makaramdam ng kakaiba sa ilalim ng lamesa. Tumingin ako sa expression ng mukha ni Gab at Emma, kinakausap nila si Kuya, pero yung tingin alam mong may something.

'Pigilan mo ang sarili mo Isabella. Pigilan mo.' Pagkukumbinsi ko sa sarili.

"Are you okay?" Tanong ni Gab.

"Hey, what is happening?"

"Can you please shut the hell up. I'm f*cking done with this." Sabi ko at tumingin sa kapatid ko. "I'm sorry Kuya, ayoko nang magkunwari na okay ako. Harap harapan na nila akong niloloko."

"Isabella." Hinawakan niya ang kamay ko. "Calm down."

Nagulat silang dalawa sa sinabi ko. "I can't. Pwede silang magsex kung saan nila gusto, wag lang dito sa bahay ng parents natin. Pigil na pigil na ako, hindi ko na kaya."

"Ano na naman ba to? Pinagdududahan mo naman ba ako Isabella? Parati nalang ganito." Tanong ni Emma. Akmang magwawalk out ito nang hawakan ko ang kamay niya.

Ganyan sila! Ganyan na ganyan. Magwawalk out na parang walang alam sa binibintang ko.

"Ano ba!"

"Aalis ka na naman, pwede magkaaminan na tayo. Isang tanong isang sagot. Are you having an affair with my fiancee?" Nanlaki ang mata nilang dalawa.

Humawak sa kamay ko si Gab. "Ano ba yang nasa isip mo? Wala kaming relasyon ni Emma. Isabella naman parati ka nalang nagdududa."

"Talaga?" Natawa ako ng mahina at inalis ang pagkakahawak niya sakin. "Hindi talaga kayo aamin?" Hinulog ko ang mga plato at baso na nakalagay sa lamesa.

"Please tama na." Pagpipigil ni Gabriel.

"Hindi namin alam ang sinasabi mo." Disedidong sabi ni Emma. Hindi ito makatingin sakin ng diretso kasi alam niya sa sarili niya na nagsisinungaling siya.

"Nung tumawag ako sayo last month, sabi ko pupuntahan kita sa bahay niyo pero sabi mo inaantok ka na. Nasaan ka nung mga oras na yun? Diba nasa hotel."

"Kaya pala sobrang curious ako na makilala ang lalaking ka fling mo kasi yun na pala ang fiancee ko."

"Wag niyong sasabihin sakin na nagkataon lang yun dahil babasagin ko yang pagmumukha mo. Ipaliwang mo yung nakita ko. You and Gab are having sex."

Umiling si Gabriel at pilit akong nilapitan. Sinampal ko ito ng sobrang lakas. "Mahina ako pagdating sainyong dalawa, pero hindi ako tanga. Wala akong ginawa sainyo. Kayo ang naging pamilya ko, kayo ang naging buhay ko. Why did you do that?" Umiiyak na tanong ko. "Anong feeling na dalawa kami ni Emma na nagagamit mo?" Pinunasan ko ang luha ko.

"Ikaw. Anong feeling na ginagamit ka ng fiancee ko? Anong feeling na naghahati tayo sa isang lalaki?"

Umiling ito habang umiiyak. Dahan dahan siyang lumuhod sa harapan ko. "I'm sorry. Patawarin mo ako Isabella, natukso lang kami. Hindi na namin uulitin."

"Ang salitang tukso isang beses lang nagawa, kayo ilang taon na." Huminga ako ng malalim. "Your my bestfriend, your like a sister too me Emma. Anong ginawa niyo?" Tinulak ko ito palayo sakin kaya inalalayan siya ni Gabriel.

The way he cares for Emma, ibang iba pagdating sakin. Ako pala yung kontrabida sa loves story nilang dalawa.

"Gabriel. I don't wanna see you anymore." Tinanggal ko ang singsing sa daliri ko pagkatapos binato sa kanya. "Hindi na bagay sakin yan. We are done."

"Isabella no. I love you."

Sinasabi niya lang yan kasi alam niyang kahinaan ko ang salitang yan lalo na't galing sa kanya, pwes sorry siya kasi hindi na ako madadaan sa kahit na ano.

Umakyat ako sa kwarto. Pagdating ko dun napasandal ako sa pinto. Kulang pa yung salitang sakit sa nararamdaman ko ngayon. Yung dalawang tao na bumubuo sakin, sila rin pala ang wawasak sakin.

----------

Pagkatapos kong umamin sa kanila, tila napanatag ang puso ko. Pero nandito parin yung sakit, hindi naman kaagad mawawala yun diba.

Feeling ko nawalan ng saysay ang buhay ko.

Flashback

"Ako ang bahala sayo. Sagot kita." Sabi ni Emma, kasalukuyan kaming tumatakbo papunta sa klase.

Late na late na kami kasi may dinaanan pa kami sa kabilang classroom, yung crush niya.

Pagdating sa klase namin tapos na nag attendance ni teacher. "Late na naman kayong dalawa. Sa likod kayo maupo ha."

Napakamot ako sa ulo. Nasa achiever ako kaya importante sakin ang makaattend ng klase. "Ma'am ako lang po. Nagpasama lang naman ako kay Isabella na umihi. Ako nalang po ang parusahan niyo."

"Naku ka talaga Emma. Irereport na kita sa principals office. You, back to your seat." Tumango ako.

Hindi ko maiwasang maawa kay Emma, dapat kaming dalawa ang nandiyan pero sinakripisyo niya ang sarili para sakin.

Pagkatapos ng klase. "Okay ka lang ba? Gusto mong gamutin ko ang palo ni Ma'am?"

"Wag na, okay lang naman ako. Atleast hindi na ako irereport sa principals office." Masayang sabi niya.

Takot din kasi siya sa parents niya.

Ganito dito sa school, kung mapupunta ka sa likuran ibig sabihin paparusahan ka pagkatapos ng klase.

"Sorry dapat nakatayo din ako."

"Wag ka ngang magsorry. What are friends are for? Basta lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Hindi ko hahayaang masaktan ka." Napangiti ako sa sinabi niya. Siya ang taga pagtanggol ko dito sa school bukod kasi sa maangas nitong ugali at pananamit, magaling din itong mambola.

Kaya nga kahit ilang beses na kaming nalate, hindi parin siya nirereport sa principals office kasi todo bola sa mga teacher namin.

"Pinky promise?" Tanong ko.

"Pinky promise." Sagot niya naman.

End of flashback

Nasaan na yung Emma na nagsabi sakin na hindi ako hahayaang masaktan? Eh siya pa nga ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Akala ko kilalang kilala ko na siya, hindi pa pala.

Kumatok si Kuya sa pinto. "Open the door."

"Gusto ko munang mapag-isa please." Sigaw ko at nagtakip ng tenga. Humiga ako sa kama at duon umiyak ng umiyak, saksi ang unan kung gaano ako nasasaktan ng sobra ngayon.

Kinabukasan biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. May dala si Kuya ng pagkain na nakalagay sa tray. "Goodmorning. Alam kong hindi ka bababa kaya dinalhan nalang kita dito."

Binaba niya ang tray sa side table at binuksan ng konti ang kurtina.

Yumakap ako dito. Siya nalang ang kakampi ko at wala nang iba. "Sorry kasi lagi kang nadadamay sa kadramahan ko. Thank you for being a mother and a father to me, ngayon ko lang naappreciate ang lahat."

"Sympre kapatid kita. Nung nawala si Mom and Dad yan ang pangako ko sa kanila, alagaan at mahalin ka."

"Thank you." Pasasalamat ko. "I have a favor?"

"Anong favor?" Naguguluhan niyang tanong.

"Gusto kong umalis sa lugar na ito, gusto kong kalimutan ang lahat ng nangyari."

"Magiibang bansa ka?"

"No. Sa farm nila Mom sa Cebu. Duon muna ako maninirahan hanggang makalimot sa lahat."

"Okay. Ako na ang bahala sa lahat." Humalik ito sa noo ko, ayokong mag-ibang bansa, gusto ko lang ng tahimik na buhay.

Gusto kong takasan ang sakit na naidulot nila. Napakatanga ko sa pagbuo sa kanila, hindi ko man lang namalayan na sarili ko nga hindi ko pa nabubuo.

Sinayang ko yung 6 years na pagmamahal ko para kay Gabriel.

Huminga ako ng malalim. 'Wala na akong pakialam sa kanila. Aalisin ko na sila sa buhay ko, mula ngayon wala ng nageexist na Emma at Gabriel sa mundo ko.'

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Thank you for reading my story.

Dont forget to like and comment.

Continue Reading

You'll Also Like

380K 5.1K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
42.1K 826 68
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
57.5K 1.6K 51
What will you do if you end up in someone else body?
345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...