To Infinity With You

由 ofnumbersandletters

233 0 0

What happens after Catherine and Alexander finally get together? Will they be able to survive the trials in t... 更多

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30

CHAPTER 21

22 0 0
由 ofnumbersandletters

April 22, 2019. San Pedro, Laguna.

After receiving the scare of her life earlier dahil lumindol sa Makati ay nagpapatuloy pa rin sa pag-iimpake si Cathy. Sinimulan na rin niya ito noong Sabado dahil marami siyang kailangang dalhin na long-sleeved shirt and naisip na niyang dalhin yung mga coat na nabili niya online.

Nakaready na rin yung portable na timbangan nila para timbangin yung magiging bigat ng mga maleta niya. Kahit mayroon na siyang biniling baggage allowance para sa dalawang maleta ay siyempre hindi niya maiwasang magworry at baka mag-excess siya. Lalo na at magpapadala pa ng mga delata si Tita Carol at Tita Aida sa kanya para kay Alex.

"Dapat 23 kilograms lang ako per bag. At hindi ko rin pwede kalimutan ang magiging pang-OOTD ko." sabi na lang ni Cathy at sinama na rin sa maleta niya yung mga sapatos niyang puti at itim. Magrurubber shoes din siya on the day mismo ng biyahe niya papuntang Japan para pwede rin siya magtatakbo kung kinakailangan. It's like being at UPLB once again kung saan lakad at takbo ang forte niya.

Nakaready na rin yung mga heattech niya at gloves niya. Hindi niya kasi sure if kaya niya yung mala-aircon na temperature na sinasabi ni Alex dahil minsan sinisipon siya sa aircon. Bukod pa doon ay nasanay nga lang kasi siya sa electric fan lamang.

"Shoes, check. Shirts, check. Pants, check." sabi na lang ni Cathy. Nagdala na rin siya ng dalawang pantalon excluding yung pantalon na isusuot niya sa araw ng alis niya.

Binigay na rin sa kanya ni Tita Carol yung medicine kit para in case mahilo si Cathy sa biyahe or biglang sumpungin ng sipon dahil malamig sa Japan. After all, Summer kasi yung season noong una silang pumunta at sanay na silang mapawisan nang bongga. Yun nga lang ay umitim siya doon.

"May medicine kit pa." sabi na lang ni Cathy at nagcross out na nung mga dadalhin niyang gamit. "Bonnet, nasa backpack ko na. Ano pa ba? Naku, yung Delimondo ni Alex! Baka maging sagana siya sa Delimondo nito! Nakakaloka talaga yung may pa-Delimondo si Mama tapos si Tita Aida pa."

Ilalagay kasi ni Cathy yung mga Delimondo na delata doon sa mas maliit na maleta at kasama nito ang mga sapatos niya. Siguro naman ay hindi mapipipi yung mga delata dahil may sapatos naman na pangsalang. So far ay kumpleto na yung mga dadalhin niyang gamit sa Sabado.

Nagsimula nang maglagay ng mga gamit sa maleta si Cathy. Medyo umiiral yung paranoia niya dahil napanood niya kasi sa "That Thing Called Tadhana" yung nag-overweight tapos napilitang mag-ayos ng gamit sa airport. Ayaw niyang maranasan iyon. Pero siguro naman ay hindi lalagpas ng 23 kilos yung mga maleta niya. Cathy could only hope that everything would go fine.

Noong nailagay na niya yung mga gamit sa loob ng maleta, tinimbang na niya ito. Nakita niya na nasa 14 kilograms yung malaking maleta habang nasa 11 kilograms yung maliit.

"YEHEY!" sabi ni Cathy at nagtatalon na sa tuwa dahil hindi siya mao-overweight baggage.

===

April 27, 2019. San Pedro, Laguna.

Ngayon ang flight ni Cathy papuntang Japan. Paalis na rin siya ng bahay nila bitbit ang dalawang maleta at isang pink na backpack. Yung dad niya ngayon ang maghahatid sa kanya sa airport.

"Dala mo ba yung passport mo, Anak?" sabi na lang ni Tito Conrad. "Double check mo."

"Yes, Dad." sabi na lang ni Cathy at naalala niyang magcheck ng mga gamit niya kinagabihan. Yung booking ko courtesy ng booking.com, passport ko, pambayad din sa hotel. Putangina talaga pag nakalimutan ko yun. Baka matulog na lang ako sa kalsada pag ganoon ang nangyari!

"Okay. Just making sure." sabi na lang ni Tito Conrad kay Cathy. "Baka makalimutan mo kasi eh!"

"Thank you po, Dad." sabi na lang ni Cathy at ngumiti na lang. "Thanks for worrying about me."

Hindi na bago ang nagtatravel kay Cathy. Marahil ay naipon na niya ang lakas ng loob para magtravel ng international. Ito ay dahil sa nagtatravel din sila ng mga kaibigan niya and from time to time, nagtatravel din sila ng pamilya niya. Pero yung itong literal na solo flight tapos Japan pa, ito ang isang experience na gusto niyang matutunan. Ganoon pa man, hindi rin stranger sa kanya ang Japan dahil nakapunta na siya nitong July 2018 bago umalis si Alex papunta din sa Japan.

Minsan gusto na lang niya pasalamatan yung guardian angel niya. Kapag nakarating siya sa Japan in one piece, magpapasalamat na lang ulit siya sa guardian angel niya.

Hindi nagtagal at nakarating na rin sila sa Ninoy Aquino International Airport. Natraffic lang sila sa may bandang Alabang at nag-Skyway na lang din sila kaya mabilis kahit paano yung biyahe nila. Ibababa na ni Tito Conrad si Cathy sa Terminal 2 ng NAIA. Dito kasi ang terminal ng Philippine Airlines.

"Dito na ako, Dad." sabi na lang ni Cathy at hinatid na si Cathy sa INTERNATIONAL DEPARTURES.

"Sige. Ingat ka doon." sabi na lang ni Tito Conrad kay Cathy. "Tawag ka or chat ka kapag nakarating ka na doon. Understandable naman kasi na gabi pa yung dating mo doon kaya chat will do."

"Okay, Dad." sabi na lang ni Cathy at ngumiti na lang. "I will."

Pagbaba ni Cathy ng sasakyan, binaba na rin niya ang kanyang mga maleta. Dalawang trolley at isang backpack ang mga dala niyang bag. Pero dahil bumili siya ng bagahe dahil may mga bitbit siya, wala na siyang problema sa overweight baggages. Niyakap ni Cathy ang dad niya.

"Bye, Dad." sabi na lang ni Cathy. "Babalitaan ko kayo kapag okay na po."

"Okay, Anak." sabi na lang ni Tito Conrad. "And don't forget to have fun."

"Noted po iyan, Dad." Cathy laughed at inilabas na ang plane ticket niya tsaka yung passport niya. Sakto na rin na may cart nang nakaabang sa labas kaya inilagay na rin niya muna yung passport at plane ticket sa maliit na lalagyan habang nilalagay na niya yung mga maleta niya sa cart. Medyo inaayos pa kasi yung mga gamit niya ngayon.

---

Pumasok na si Cathy sa airport at nagpunta na lang sa check-in ng baggage. Bayad na kasi niya yung International Travel Tax niya noong nagbook siya ng ticket last February. Kung tutuusin, over-documented nga siya ngayon dahil may bitbit pa siyang Certificate of Employment tsaka Company ID. Baka akalain kasi ng Immigration Officer na magtrabaho siya abroad. Pati nga mga bank certificates niya ay dinala pa rin niya kahit granted na yung visa niya last 2018 eh. Better be safe than sorry nga.

Tinext na lang niya yung dad niya dahil hindi pa siya oriented sa hitsura ng airport pag umaga. Last time kasi, mga alas-dos kasi sila nagikot-ikot para magcheck-in.

Cathy: Sa aga natin, may time pa ako maligaw. (insert sweatdrop emoji)

Tito Conrad: At least nndyn k na.

Cathy: Kaloka yung dami ng tao insane levels.

Nakapagpa-check in na siya sa counter ng PAL at binigyan na siya ng boarding pass. Pagkatapos nito ay binigyan naman siya ng papel na ififill out niya para sa Immigration. Pagtingin niya sa pila ng Immigration ay parang pila noong siya ay nage-enrol pa sa UPLB.

Tangina. Buti na lang at nasanay na ako sa University of Pila. Cathy joked inwardly while filling out the form. Nakakaloka yung dami ng tao. Combination ng OFW tsaka ng mga turista...

Nang matapos na siya magsulat ay pumila na si Cathy sa pila ng Immigration. Nakasukbit na yung backpack ni Cathy sa harapan dahil napapraning din siya sa mga ganap sa airport. Last time kasi na pumunta siya ng Japan ay parang shoulder bag lang ang dala niya noon. Naiihi na nga si Cathy pero kailangan niyang magpigil muna. Basta matapos lang sa Immigration ay pwede na siya mag-CR.

Nang turn na ni Cathy sa Immigration, nag-good morning na lang siya at inabot yung passport tsaka yung boarding pass niya. Mabilis lang siya doon sa at nakapagfinal check na rin siya bago tuluyang makapasok sa loob.

"Hay salamat sa diyos at nakapasok na rin!" sabi na lang ni Cathy in relief. Narealize niya na hawak pa niya ang sinturon niya at pwede na siyang pumunta sa CR. Bitbit din niya yung passport niya sa sobrang pagmamadali at hindi pa niya nailagay ang passport sa bag niya.

Ten minutes later, pagkatapos ang CR break niya, ayos na rin si Cathy pati yung bag niya. Pwede na siyang tumunganga dahil tapos na siya sa Immigration. Nakita niya na 10:30 na sa relo niya.

Upo muna ako... sabi na lang ni Cathy at naghanap siya ng mauupuan.

Nakita niya na ang daming tao sa airport at paalis pa lang sila papunta sa mga samu't-saring mga bansa. May iba pupunta ng Hong Kong, Vietnam, Los Angeles at Singapore. The airport was truly a haven for different journeys. Pagkatapos niyang mag-ikot ay finally nakahanap siya ng upuan.

Kapagod. Sabi na lang ni Cathy sa sarili niya. Can't believe na paalis na ako ngayon pa-Japan.

Dahil dito ay umupo na lang siya at nagsimula na lang magcellphone habang nagpapalipas ng oras.

Pag nasa airport ka, mapapansin mo na ang bilis-bilis ng oras. Cathy learned it the hard way last time kaya ngayon ay alisto siya if ever mayroon changes sa flight details niya. Lalo na at 45 minutes bago ang departure ay kailangan nakasakay na sila ng eroplano.Ala-una na ng hapon kaya nakatutok si Cathy doon sa digital board na magdidisplay ng flight details. Hanggang sa may narinig na siyang announcement sa speaker kaya napatingin na lang din siya.

"Passengers under PR432 bound for Narita, your new Boarding Gate is now at Gate Number 1." Sabi na lang nung announcement at inulit na lang yung announcement.

"Putek." Sabi na lang ni Cathy at naglakad na lang papunta sa Gate Number 1. Ngayon kasi ay nasa Gate Number 8 pa siya at tumitingin siya sa lugar niya.

Nang magsettle na siya sa Gate Number 8 ay umupo na lang siya ulit. Pero hindi na rin siya mapakali kasi ang daming taong nakatambay sa may boarding gates.

"Antayin ko na lang." sabi na lang ni Cathy at tumingin na sa relo niya. 1:20 na pala. Grabe ang bilis talaga ng oras kapag nasa airport ka. Tangina talo pa si Flash sa bilis ng oras dito sa airport!

Chineck na din ni Cathy yung battery ng cellphone niya. Nasa 65% na rin yung cellphone niya at sinilip din niya yung back-up phone niya. Buti na lang at mayroon siyang power bank na kaya isustain yung dalawa niyang devices ngayong araw. Pwede rin pala siya magcharge sa flight tutal balak na lang niyang tulugan yung four hours na biyahe. Pinapanalangin niya araw-araw since sumapit ang April na sana walang maging aberya ngayon tapos noong Lunes ay nagkaroon pa ng lindol.

Forty minutes later ay pumila na sila para sa boarding ng plane. Hindi makapaniwala si Cathy na matutupad na yung solo flight niya papuntang Japan. Napangiti na lang siya lalo na noong nakalagpas na siya sa boarding gate at dumaan pa siya sa tubo na tulay na papasok ng eroplano.

Grabe, bakit ba ako kinakabahan? Kaya mo naman ito, di ba? Sabi ni Cathy.

Sa wakas ay nakapasok na rin siya sa eroplano. Hinanap niya agad yung seat number niya kasi hindi naman siya exactly pumili ng upuan. Basta maibook lang niya yung ticket pa-Japan ay okay na siya. Noong nakita na niya, mayroon na siyang katabing babae. Nginitian na lang ni Cathy yung babae at umupo na rin.

"Mag-isa ka lang?" tanong nung babae kay Cathy.

"Opo. Bakit po?" Sabi na lang ni Cathy at napatingin doon sa babaeng nagtatanong sa kanya.

"Visiting relatives or parents?" sabi na lang nung babae kay Cathy.

"Hindi po." Sabi ni Cathy sabay ngumiti. "Tourist visa lang po ako. Tsaka dito po ako nakatira sa Pinas."

"Ah. Okay. Sorry na. Mukha ka kasing Hapon eh." Sabi na lang nung babae at natawa na lang din.

"Okay lang po." Tanging nasagot ni Cathy. Inantay na lang ni Cathy na magtake-off yung eroplano bago siya natulog na lang sa flight.

+++

April 27, 2019. Narita, Chiba, Japan.

After four hours ng flight ay nakalanding na yung eroplano ni Cathy sa Narita International Airport Terminal 2 dahil dito ang terminal ng Philippine Airlines. Sa totoo lang, bersado na ni Cathy ang pagtravel sa Japan dahil una, nagpunta na siya with her family before at dahil sa panonood niya ng anime ay naging bihasa siya nang onti sa Japanese. Pangalawang beses na rin niyang magkaflight sa Narita International Airport.

Paglabas na paglabas niya ng eroplano papunta sa Terminal 2, naramdaman niya na lumamig yung hangin. Pagtingin niya sa cellphone niya ay 12 degrees yung temperature at mayroon na rin siyang text message na "Welcome to Japan!" ang nakalagay. Nakita na rin niyang basa rin ang paligid so may hinala siyang umulan dito. Imposible na rin kasing magsnow ngayon dahil Spring Season na ngayon sa Japan at tapos na ang Winter Season noong early March.

Ang ginaw putek! sabi na lang ni Cathy at nakita niyang umuusok na yung hininga niya. Kanina, hanggang elbow lang niya yung long-sleeved na blouse niya. Ngayon, ibinaba na niya hanggang kamay ang sleeve niya tapos may suot na rin siyang jacket dahil malamig na ang paligid.

Agad na nagpunta si Cathy sa Security checking. Dumaan pa siya sa process ng biometrics na may picture at finger print. Nang matapos na ni Cathy ang Security Checking, agad nang kinuha nung Japanese yung passport niya para malagyan na siya ng landing sticker. Noong ibinalik na yung passport sa kanya, ngumiti na lang siya. Sinilip niya at nakita niya na good for 30 days yung entry niya sa Japan dahil nga sa Multiple Entry Visa holder din siya.

"Arigatou gozaimashita!" sabi ni Cathy at nagbow doon sa Hapon.

Nag-accomplish din siya ng Customs Declaration Form. Napaisip siya kung marami siyang dalang pera pero ang dala lang niya ay good for seven days lang. After niyang magsulat doon sa form, na-clear na rin si Cathy sa Customs ng Japan.

Hay salamat. Putangina. Cathy thought in relief pero giniginaw na siya. 8:30 na rin ng gabi pero may kailangan pa siyang kunin mula sa mga counter sa airport.

Kumuha si Cathy ng push cart para sa mga maleta niya. Pumunta na rin si Cathy sa conveyor belt para kunin na yung dalawang gamit niya. Dagdag pa sa ginaw na nararamdaman niya, kinakabahan na siya dahil ang tagal bago nagpakita yung dalawang maleta niya. May kukunin pa man din siya na mga tickets at passes na binook niya prior ng departure niya sa Pilipinas.

Shit naman. Lord, sana naman magpakita na yung mga maleta ko. Alam ko kumuha ako ng insurance pero hindi ibig sabihin nun ay gagamitin ko siya ngayon! Cathy thought habang malapit na siyang magpanic dahil sa sobrang tagal dumating ng mga maleta niya.

After five minutes, dumating na rin yung isang maleta dahil nakita niya yung bag tag na kinabit niya. Sumunod na rin yung isang maleta kaya nakahinga na rin siya nang maluwag ngayon. Dahil dito, inilagay na niya ang mga maleta sa push cart at nagdecide na rin pumunta sa CR para magpagpag ng nerbiyos.

Iniwan ni Cathy yung push cart ng mga maleta sa may pader malapit sa CR. Kaya noong bumalik siya para kunin na yung push cart, naginhawahan na siya dahil hindi kinuha yung push cart na may mga dalang maleta. As in yung paraan paano niya iniwan yung push cart ay ganoon din niya nabalikan.

Putangina. Kung sa Pilipinas to baka nadekwat na yung maleta ko. sabi na lang ni Cathy sa sarili.

Tinignan ni Cathy yung relo niya. 8:45 na ng gabi. Siguro naman ay aabot pa siya sa mga counter ng airport. Binuksan na ni Cathy yung bitbit niyang Wi-Fi at nagconnect na yung isang cellphone niya na for navigation niya sa Japan doon sa Wi-Fi. And as expected, panay ang tunog ng cellphone niya dahil nakakareceive ito ng mga messages sa Facebook. Bukod pa roon ay may mga nareceive na siyang chat messages mula kay Alex. Ang dami nang pumapasok na messages sa kanyang cellphone right now.

Alex: Nakalapag na ba ang plane? Let me know once you received this message. :)

Cathy: Yes. Nakalagpas na rin ako ng customs. Grabe ang dami kong kailangan gawin sa customs! :)

Alex: Very good! Okay na iyan. Welcome to Japan! (insert Japan flag emoji)

Cathy: Salamat! May kukunin pa nga akong mga pass eh. Talk to you later, Labs.

Alex: Okay, Irog. Ingat ka. Chat me kapag may updates sa iyo. See you tomorrow! :)

Cathy: Okidoks. Thank you, Labs. See you tomorrow. <3 <3 <3 <3 <3

Pota. Makikipagbakbakan ako sa Niponggo nito. Though anime helps pero hindi ako ganun katatas mag-Japanese. Sabi ni Cathy sa sarili at pumunta sa reception kung saan may mga Japanese.

Naglakad na lang si Cathy papunta doon sa reception area na may mga Japanese. Pinapanalangin na lang ni Cathy na sana kayanin niya ang magsalita. Minsan pumapalya din ang Google Translate ngayon.

"Ano... Sumimasen. 'Easy Counter' wa doko?" tanong ni Cathy. Shit. Sana naintindihan ako nito.

"Hai!" sabi nung babae at nakaturo yung kamay niya sa bandang kanan ni Cathy.

Tinignan ni Cathy kung ano ang iniindicate nung babaeng Japanese. Dahil hindi niya alam paano i-express yung sasabihin niya, nagsettle na lang siya sa "Thank you" at naglakad na lang din.

"Arigatou gozaimashita!" sabi ni Cathy at nagbow. Buti at nagkaintindihan kami! Grabe talaga!

Naglakad na lang si Cathy papunta sa counter na itinuro nung Japanese. Noong nakita na niya yung may kulay orange at kulay blue na mga karatula, mukhang tama naman yung Japanese na babae sa itinuro niya. Agad-agad kinuha ni Cathy yung mga vouchers niya doon sa counter na nakadisplay.

Isang 72-hour subway pass, isang Suica card tapos ticket ng bus papuntang Shinjuku. sabi na lang ni Cathy. I think nakuha ko na nga ang lahat ng kukunin ko ngayon. Hay salamat! Walang problema!

"Hai!" sabi na lang ni Cathy at inabot na yung tatlong vouchers doon sa babaeng nasa counter. Ngumiti na lang siya habang binabaril ng babae yung QR codes ng mga vouchers. Relieved na si Cathy ngayon.

Matapos ang five minutes, binigay na lang kay Cathy yung mga passes at bus tickets. Nakita ni Cathy na parehas kulay green yung Suica card pati yung 72-hour na subway pass. Binigyan din siya ng mapa kasama nung 72-hour na subway pass. May inabot din yung babae doon kay Cathy.

"This is your voucher to be shown to the counter for the limousine bus." sabi nung Japanese in clear English. "You need to exchange this for the ticket. It's right over there."

Naintindihan naman agad ni Cathy yung gusto iparating nung babae at nagbow na siya ulit.

"Arigatou gozaimashita!" sabi ni Cathy at nagbow.

Pumunta na si Cathy doon sa counter ng Limousine Bus na malapit sa pinag-tanungan niya kanina.

"This is your ticket for the bus. The next trip is 21:20. Please give your ticket to the attendant later." sabi na lang nung babaeng attendant sa Limousine Bus counter.

Tumango na lang si Cathy at ngumiti na lang. Kaso, pagtingin niya sa relo niya, lalong lumaki ang mata niya. Kahit 8:15 ang nakalagay sa relo niya, alam niya na kailangan magdagdag ng 1 hour doon.

9:15 na?! Tapos 9:20 ang next trip?! Putangina, kailangan ko nang umalis! sabi na lang ni Cathy na medyo nagpapanic na dahil baka maiwan siya ng bus. Kahit may five minutes pa siyang natitira, agad-agad niyang itinulak yung push cart palabas ng Arrival Gate at tumakbo na sa bus stop.

Hingal na hingal si Cathy at nakita niya yung attendant sa bus stop. Inabot niya yung bus ticket sa attendant as instructed earlier nung babaeng nasa counter. Sinulatan ng attendant yung ticket ni Cathy at nilagyan ng number iyon pati yung mga maleta niya. Pagkatapos nun, ngumiti na lang yung attendant kay Cathy.

"Arigatou gozaimashita!" sabi ulit ni Cathy at nagbow na lang sa attendant.

Habang inaantay nila yung bus, sumilip si Cathy sa paligid. Medyo malamig nga dahil umulan. Nakapaskil sa digital board yung schedule ng departure ng bus papuntang Shinjuku.

"Bale, first trip pala ako. Susunod na trip is 9:40 tapos 10:00." Sabi na lang ni Cathy habang sinisilip yung schedule. "If we take into consideration yung 1.5 hours na biyahe mula Narita hanggang Shinjuku, chances are na ang dating ko sa hotel is 11 PM. Abot pa ako sa check-in sa hotel!"

At that moment, dumating na rin yung bus. It was the similar to the orange bus that she had ridden last July with her family. Siguro isang kumpanya nga talaga ang may-ari ng Limousine Bus service sa Japan.

Pagkatapos nilang mailagay yung mga maleta nila sa baggage cabin ng bus, sumakay na si Cathy papasok. Ito na yung gusto niyang parte ng pagsakay sa Limousine Bus dahil may toilet ito plus Wi-Fi.

Umupo na si Cathy sa isang upuan sa bus. Wala siyang katabi kaya nilagay na lang niya muna yung backpack niya pati yung Suica card at subway pass niya.

Andito na rin ako sa Japan. Cathy thought to herself as she sat comfortably. I can't believe it!

Bumabiyahe na yung bus nina Cathy mula Narita International Airport papuntang Shinjuku sa Tokyo. Naging drop-off point na kasi ng Limousine Bus ang Shinjuku Washington Hotel dati kaya maganda na rin na ito ang binook niyang transportation papuntang Shinjuku. Familiarity works to your advantage, ika nga.

Ramdam ni Cathy yung lamig ng bintana at nakita niyang moist ang labas dahil nga sa ulan. Dahil dito, sinilip niya kung maliwanag pa sa labas.

"Ang lamig nga!" sabi na lang ni Cathy at sinalat yung bintana ng bus. "Grabe. Andito na nga ako sa Japan! Ang lamig talaga! Lakas talaga maka-aircon!"

Hindi na nakatulog si Cathy sa biyahe niya ngayon dahil naitulog na niya ang lahat sa flight niya kanina. Pero mainam na rin dahil kailangan niyang makita if nasa Shinjuku na siya. May nakapaskil din sa loob ng bus na digital board nung mga drop-off points.

"Shinjuku Station West Exit, Shinjuku Washington Hotel tapos Hilton Tokyo." Sabi na lang ni Cathy at binasa na lang niya yung nakalagay. "Sugoi Limousine Bus."

Dahil gabi na rin, sure si Cathy na walang traffic sa biyahe ngayon. Well, non-existent ang traffic sa Japan unlike ng sa Pilipinas. Kaya smooth sailing talaga ang biyahe niya dahil diretso yung bus ngayon.

"Ngayon ko lang narealize na nasa Chiba pa pala ako." Sabi ni Cathy sa sarili niya habang nagcecellphone na siya.

Full battery na yung main phone niya habang ginagamit niya yung back-up phone niya as pang-chat and pang-location. Naka-off muna yung pocket Wi-Fi niya kasi naka-connect na yung phone niya sa Wi-Fi ng bus. Dahil dito ay nakapagpost na rin siya ng Facebook status habang nasa biyahe. Seconds later, may mga notifications na siyang natatanggap. Puro like, heart at wow reactions ang natatanggap niya ngayon.

"Ibang klase..." sabi na lang ni Cathy at inayos na niya yung time zone ng cellphone niya kasi baka mamisinterpret niya yung time at Philippine time pa ang magamit niya tapos nasa Japan pa siya.

Eventually, nagfocus na lang siya sa pagsheshare ng memes at nagchecheck ng Facebook niya dahil halos kalahati ng flight ang naitulog niya kanina. Baka mayroong mga sinend na pictures and memes yung Tropang Tubo kanina. Tsaka alam na rin ni Alex na nakalanding na siya ngayon sa Japan. Tatawag na lang siguro siya mamaya kapag nakarating na siya sa hotel. Ngayon, baka impolite kapag tumawag siya.

Makalipas ang halos isang oras, dumaan na rin yung bus sa Shinjuku Station West Exit. Nag-ayos na si Cathy ng gamit dahil susunod na drop-off point na ang Shinjuku Washington Hotel. Hopefully ay wala rin siya maencounter na aberya ngayong pacheck-in na siya sa hotel. Nakalusot naman siya sa Immigration ng Japan kanina kaya wala na siya dapat ipag-alala ngayon.

Ten minutes later, nakarating na rin ang bus sa Shinjuku Washington Hotel. Nagstop na rin yung bus at tumayo na rin si Cathy habang bitbit niya yung mga gamit niya. Nilabas na niya yung wallet niya na pinaglagyan ng ticket para madali nang kuhanin. Kailangan maging mabilis kasi siya ngayon.

Paglabas niya ng bus, isang malamig na hangin ang sumalubong sa kanya. Nanginig bigla ang kamay ni Cathy at tinatry niya yung best niya buksan yung wallet niya para maiabot doon sa attendant na maglalabas ng mga maleta niya mula sa cabin. Inabot na niya yung ticket sa attendant pero nanginginig pa rin yung kamay niya. Pagkatapos nun ay inabot na ng attendant yung mga maleta niya.

"Arigatou gozaimashita!" sabi na lang ni Cathy at ngumiti na lang din. "Otsukaresama!"

Dahil dito, nakita ni Cathy yung temperature sa cellphone niya na 8 degrees. Fuck, 8 degrees na pala?!

Hindi na nakapagmuni-muni si Cathy dahil umalis na rin yung bus. With this, tinago na ni Cathy yung wallet niya sa bag niya at hinatak na ang dalawa niyang maleta at pumasok na sa hotel.

Pagpasok niya sa loob ng hotel, medyo naging warm ang loob. Agad nang pumunta si Cathy sa third floor dahil doon ang reception at para makapagcheck in na rin siya. Ramdam na rin niya yung pagod na inabot niya today.

Pagdating niya sa third floor ay nakita niyang may mga nakapila pa sa reception. Nagpicture na lang si Cathy while waiting. Nang cleared na, saka siya sumunod na sa reception. Sabi naman nung nagbook siya, may English speaking sa reception until 10 PM. Pero dahil gumawa siya ng special arrangement, sakto pa siya sa check-in time niya na 10-11 PM.

"Konbanwa!" sabi na lang ni Cathy at inabot yung reservation at passport niya sa hotel doon sa clerk.

Pagkatapos nun ay hiningan na si Cathy ng payment para doon sa reservation niyang good for two days. Naglabas si Cathy ng 30,000 Japanese yen para mapasuklian na rin niya yung bitbit niyang pera. Sinuklian na rin siya at biglang nagsalita yung clerk.

"Reshiito?" sabi na lang nung clerk kay Cathy.

"Ah, hai! Reshiito!" sabi na lang ni Cathy at ngumiti na lang. Shet. Baka Isipin niya minumura ko siya.

Pagkatapos nun ay pinapirma si Cathy ng resibo niya. Nang settled na ang lahat, binigyan na si Cathy ng susi para sa magiging kwarto niya hanggang Lunes. Nakuha niya yung sa Room 669.

"Arigatou gozaimashita!" sabi na lang ni Cathy at ngumiti na lang din habang bitbit niya yung susi.

Dahil dito ay tinabi na lang niya yung mga papel niya at yung passport niya. Hinatak na rin niya yung dalawang maleta niya papunta sa elevator. Fortunately ay madali na siyang nakasakay sa elevator papuntang sixth floor. Nang makapunta na si Cathy sa sixth floor ay hinanap niya kung saan nakapwesto yung 69th room. Nang makita niya na nasa dulo pala, narealize niya na mukhang feasible ang room niya for phone calls.

Pumasok na rin siya sa loob ng room niya. Ang spacious nung kwarto at agad na niyang nilagay ang mga maleta niya sa isang tabi. Tinanggal na rin niya yung backpack niya at inilagay ito doon sa isang upuan sa room. Inobserbahan niya yung kama niya na definitely ibang-iba kaysa doon sa tinulugan nila ng family niya noong unang Japan trip nila.

Nang magsettle na si Cathy sa Shinjuku Washington Hotel, naisip na lang niya magvideo call sa family niya. Una niyang tinawagan si Tito Conrad at Tita Carol pati si Charlie. Sakto at nasagot ng parents niya yung call niya. Matagal kasi bago nakakasagot ang parents niya ng call lalo na sa Messenger.

"Hello, Mommy, Daddy, Charlie?" sabi ni Cathy at nakita na niyang naka-on na yung camera ng mommy niya. "Andito na ako sa Japan! Grabe! Hindi po ako makapaniwalang andito na ako!"

"Very good!" sabi na lang ni Tita Carol habang kasama niya si Tito Conrad. "Oh enjoy ka diyan ha! Sabihan mo kami kapag nagkita na kayo ni Alex! Looking forward na ako sa mga pictures ninyo!"

"Okay po, Mommy." sabi na lang ni Cathy at ngumiti na lang. Oo nga pala. Tatawag ako kay Alex.

"Matulog ka na. Baka may lakad ka pa bukas." sabi na lang ni Tito Conrad kay Cathy.

"Oo nga po eh." sabi na lang ni Cathy. "Sige po, Ma. Tatawagan ko naman po si Alex next!"

Binaba na agad nina Tita Carol yung tawag, causing Cathy to be surprised. Agad nang tinawagan ni Cathy si Alex sa Messenger. On the third ring ay sumagot na rin si Alex sa Messenger.

"Irog!" sabi na lang ni Alex at nag-on na ulit si Cathy ng camera. "Kamusta ang biyahe?"

"Sorry ngayon lang ako nakatawag. Ang haba ng biyahe from airport to hotel. 1.5 hours." Cathy said.

"Oo, Babes. Buti di traffic dito sa Japan unlike ng sa Pinas." sabi na lang ni Alex. "Mamangha ka!"

"Oo nga eh. For a 1.5 hour drive from Chiba to Tokyo, smooth at wala masyadong traffic!" sabi ni Cathy.

Natawa na lang tuloy si Alex. " Anyway, based don sa pinadala mong schedule sa akin, Mount Fuji tayo bukas? Tama ba ang pagkakatanda ko, Catherine? Or iba yung pupuntahan natin bukas?"

"Ah oo! Tuloy yon. Pinromise mo sa akin na free ka ng April 28." sabi naman ni Cathy.

"Siyempre, Babe. Mount Fuji yan eh." sabi na lang ni Alex at ngumisi na lang.

"Sana may snow bukas. Pinagpapanalangin ko rin yung byahe natin. Eh pano nga pala tayo magkikita?"

"Puntahan na lang kita diyan sa Washington bukas tapos lakad tayo pa-VIP lounge. From Adachi, 50 minutes lang naman yung train papunta diyan sa Shinjuku." paliwanag ni Alex.

"Grabe. Buti alam mo tong hotel na to?" sabi na lang ni Cathy in amazement.

"Diyan kasi kami nagstay noong unang linggo namin. Kaya parang may sentimental value yang place na pinaglast minute booking mo." nakangiting sagot ni Alex. "Pahinga ka na, Cathy. Maaga pa tayo bukas."

"Galing naman." sabi na lang ni Cathy. "Sige. Pahinga ka na rin. See you tomorrow, Mahal. I love you!"

"Sweet dreams, Irog." Alex smiled. "I love you too and I can't wait to see you tomorrow."

Afterng phone call ay nag-ayos na si Cathy ng mga gamit niya. Excited na siya para sa Mount Fuji trip bukas.

繼續閱讀

You'll Also Like

6M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]