Captivated By The Waves of Lo...

By itssheinny

1.1K 153 381

Once upon a time, in a bustling city filled with dreams and endless possibilities, two souls collided in a fa... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Epilogue

Chapter 7

25 5 20
By itssheinny

Kanina pa ako takbo ng takbo. Gusto ko ng huminto pero hindi pwede dahil lalo akong mapapahamak kung hihinto ako sa pagtatakbo. Kailangan ko siyang ilagaw, pero paano? Hindi ko kabisado ang lugar na ito at baka maligaw lang ako dito, mapunta pa ako kung saan. Ang mas malala pa doon, baka hindi ako makauwi ngayong gabi.

"HEY!" Hindi ko alam kung bakit napahinto ako sa pagtakbo ng makarinig ng isang malakas na sigaw. Siguro kasi pamilyar ang boses sa akin kaya ako napahinto.

Lumingon ako sa likod ko at doon ko nakita si Reid. Kung anong suot niya kanina ganoon din ang suot niya ngayon. Kitang-kita ko sa mata niya ang galit na kaniyang nararamdaman. Ako naman itong nakatingin lang sa kaniya habang hinahabol ang hininga.

Ngayon ko lang napansin na nakahilata na sa lupa ang lalaking humahabol sa akin. Ang bilis naman yata ng mga pangyayari. Anong ginawa ni Reid sa kaniya?

"Hey, are you okay?" Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. At bigla ko na lang nakita ang sarili ko na yakap yakap siya habang naiiyak pa.

Hindi ko alam bakit bigla na lang akong naiyak sa harapan niya. Pero siguro dahil na rin sa nangyari. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko. Paano na lang kung hindi dumating si Reid ngayon diba? Hindi ko lubos maisip o ma-imagine ang mangyayari sa akin lung wala ngayon si Reid.

"T-thank you..." sabi ko at nauutal pa dahil kinakabahan pa rin ako at hindi ko rin alam kung tama ba ang sinabi ko. Pakiramdam ko wala ako sa sarili ko.

Agad kaming sumakay sa bus na dumaan sa harapan namin. Hindi ko nakita kung saan ito papunta pero sinundan ko na lang si Reid. Hindi niya yata dala ang kotse niya kaya kami nakasakay ngayon sa bus.

"Do you want to eat first before we go home?" tanong niya sa akin at kinuha ang bag ko para ipatong yun sa hita niya. Ako ang sumakay banda sa may bintana dahil ako ang pinauna niyang pasakayin bago siya.

"Hindi naman ako nagugutom," sagot ko. Umayos ako ng upo at sumilip sa bintana. Mas gusto ko talagang umuupo banda sa may bintana. Hindi naman kasi talaga ako mahilig bumiyahe kaya sa kalagitnaan ng biyahe ay palagi akong nahihilo. Sabi saakin noon ni Mama na mas maganda uupo ako palagi dito banda sa may bintana.

"Kamusta pala yung kasal ng Kuya mo?" tanong ko. Ang tahimik kasi namin sa loob ng bus tapos nakatingin lang sa akin si Reid kaya agad akong nakaramdam ng pagkailang. Hindi ako sanay na tinitignan o pinagmamasdan ng iba, lalo na kung si Reid.

"Okay lang naman. Masaya. Kasal na rin sila sa wakas, gusto mo tayo naman sumunod? Kasi tignan mo nauna si Kuya Raze tapos sumunod si  Ryder. Oh edi ako na susunod. Ay mali, tayo na pala." Ngumiti ito na tila ba inaasar ako gamit ng ngiti niya.

"Alam mo? Matutulog na lang ako ah." Bumalik ang tingin ko sa bintana at tinakpan ang mukha ko gamit ng buhok ko, para hindi niya makita mukha ko kapag natutulog na ako.

Bumuntong hininga ako at inalala ang mga nangyari kanina. Makakapasa kaya ako? Maayos naman ang ginawa ko doon, yun ang sabi sa akin ni Nico. Sana makapasa ako. Pero kung hindi, may ibang araw pa naman para sa akin. Sabi nga nila, bata pa ako kaya marami pa akong opportunity at ang kailangan ko lang gawin, ay huwag sayangin ang opportunity na iyon.

At least kung hindi man ako makuha ngayon. Alam ko sa sarili ko na pinakita ko ang best ko at binuhos ko lahat ng makakaya ko para sa pangarap ko.

"Cari.....nandito na tayo....." Unti unti kong minulat ang mata ko at napansing nakahinto na ang bus na sinasakyan namin. Tinignan ko si Reid at agad akong tumayo kaya nauntog ako.

Nakasandal pala ako sa balikat niya. Pero kanina bago ako makatulog sinigurado ko na hindi ako didikit dito kay Reid eh. Anong nangyari ngayon?

"Tsk. Huwag ka nga basta-bastang tumatayo. Kakagising mo palang eh. Ang ayos naman ng pag-gising ko sayo ah." Bumaba na kaming dalawa ng bus at may nakaabang na sasakyan sa harapan namin.

Hindi na kami nagtagal pa ni Reid doon sa bus station. May nagsundo sa amin mukhang driver ng pamilya ni Reid. Maayos naman akong nakauwi. Mabuti na lang at hindi sinabi ni Reid  sa parents ko ang nangyari sa akin. Ayoko na rin pagusapan yun dahil mababaliw lang ako kapag naalala ko na naman yung nakakatakot na pangyayaring 'yun.

Sabi saamin ni Nico, maghintay na lang daw kami ng text or call. At yun na raw ang sign na pasado kami. Kaya magmula kanina hanggang ngayon, nakatingin lang ako sa phone ko. Inaabangan ang mga magtetext o di kaya ay tatawag.

Nalipat ang tingin ko sa gawi kung nasaan si Reid. Nakakapagtaka lang dahil hindi naman sila dati close ni Vanessa, pero ngayon ay magkasama sila at nagtatawanan pa. Umalis lang ako kahapon, magkasundo na sila ngayon. Kung sabagay, madaldal itong si Vanessa tapos gusto niya pa si Reid kaya paniguradong gagawa siya ng paraan para lang makausap si Reid.

Kanina pa sila nagtatawanan at naguusap sa tabing dagat. Mukhang nagkakasundo na talaga sila kaya ganoon. Alam na kaya ni Reid na may gusto si Vanessa sakaniya? Baka hindi pa.

"Kahapon pa sila ganiyan. Naiinis nga ako kay Vanessa kasi ni hindi man lang niya ako kinausap samantalang magkaibigan naman kami." Sumimangot si Rose sa tabi ko habang nakatingin kay Reid at Vanessa.

"Pumunta kayo sa kasal?" tanong ko. Napatango lang itong kasama ko.

Siguro kaya sila nagkasundo dahil nga magkasama sila sa kasal. Doon siguro sila nagsimulang magusap. Nakakapanibago lang at parang bula kaming dalawa ni Rose dito dahil hindi nila kami pinapansin.

"Kamusta yung pagpunta mo ng Maynila?" pagiiba ng topic ni Rose.

Nagkakwentuhan kami tungkol sa nangyari sa akin kahapon. Tuwang tuwa namang nakikinig itong si Rose sa akin.

"Yow! Kain tayo oh!" Nabulabog ang paguusap namin ni Rose ng biglang dumating si Reid at may dalang pagkain. Napataas ang kilay ko nang sabay silang tumawa ni Vanessa. May nakakatawa ba? Sinapian yata ng masamang espiritu ang dalawang ito. Napailing na lang ako at tinignan ang pagkain na nasa harapan ko.

"May gusto ka ba kay Reid?" Tumabi sa akin si Vanessa at bumulong.

"Seryoso ka ba diyan? Diba sinabi ko na sainyo ni Rose na hindi? At hindi na pwedeng magbago ang sagot ko kailanman." Napatango naman ito habang kumakain pa ng tinapay.

"Naninigurado lang naman. So hindi ka na ba nililigawan ni Reid?" Hindi ko alam kung alam ni Reid na siya ang pinaguusapan namin dahil tumingin siya sa gawi namin. Mahina naman ang boses naming dalawa ni Vanessa. Bingi itong si Reid kaya paniguradong hindi niya nariinig ang pinaguusapan namin. Sadyang napatingin lang siguro siya.

"Nanliligaw pa rin. Pero sinabihan ko na siya na itigil na. Kaso ang kulit niya."

Kailan nga ba titigil si Reid? Masaya ako kay Vanessa dahil  closed na sila ni Reid. Pero hindi ako masaya na nililigawan pa ako ni Reid, dahil kawawa naman itong si Vanessa na may feelings para kay Reid.

"Oh, tawag mo raw ako? Bakit?" Naupo si Reid sa tabi ko. Gaya ng nakaraan, nandito kami ulit sa rooftop. Dito na yata namin nakagawian na magusap tungkol sa mga seryosong bagay.

"Gusto ka ni Vanessa." Napasapo ako sa noo ko ng sabihin ko yun sa kaniya. Mali yun. Baka mamaya hindi pala alam ni Reid ang bagay na yun. Baka akala ni Vanessa pinapangunahan ko siya. Babawiin ko na sana ang sinabi ko kaso nagsalita siya.

"Yes, I know. Ano naman?" Kunot noong tanong niya. Napatango ako ng marinig na alam niya pala yun. Sinabi siguro sa kaniya ni Vanessa, madaldal yun eh.

"Itigil mo na panliligaw mo saaki-" hindi na naman niya ako pinatapos.

"Cari, nandito na naman tayo sa mga paganiyan mo. It's my right to keep liking you. All you have to do is to accept my feelings for you. Hindi mo kailangang suklian yun at mas lalong hindi kita pinipilit na masuklian yun. Okay na sa akin yung ganito tayo. Cari nam-"

"Kung sayo okay, kamusta naman ako? Hindi mo ba naisip kung ano mararamdaman ko? Masyado ka namamg makasarili kung ganoon." Sarkastiko akong tumawa at alam kong pansin niya yun.

"Hindi, Cari. Hindi ganoon yun."

"Eh ano nga? Kung hindi ganoon, ano?"

"Gusto kita kaya sana hayaan mo lang ako na magustuhan kita. Handa akong maghintay. Kahit gaano pa yan katagal. Hihintayin kita hanggang sa araw o panahon na masuklian mo na ang pagmamahal na binibigay ko sayo."

Bakit ba ang tigas ng ulo nito? Ang kulit-kulit niya naman eh. Bakit gusto niya pa rin ako kahit ilang beses ko na siyang tinanggihan?

"Sa tingin mo ba sa ginagawa mong iyan, hindi ako nakakaramdam ng pagkailang? Sa tingin mo ba hindi ako naiinis sa tuwing pinapakita mo kung gaano mo ako kagusto? Sa tingin mo ba hindi nasasaktan ang kaibigan ko sa mga ginagawa mo?" Hindi ko na kinakaya itong si Reid. Kung pwede ko siyang sungitan para lang tigilan niya na ako, gagawin ko.

"E-edi sabihin mo sa akin kapag nakakaramdam ka ng pagkailang? Ano ba dapat kong gawin? Sabihin mo lang, gagawin ko naman. Pero huwag lang yung bagay na tigilan ko ang panliligaw ko sayo at pagkagusto ko sayo. Kasi yun ang hindi ko kaya." Hindi ko alam kung napakasama bang tao dahil parang naiiyak na si Reid.

"Reid please naman. Nakikiusap na ako sayo. Makinig ka sakin." Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan iyon.

"Thank you......for everything. Nandiyan ka para sa akin. Nandiyan ka para i-motivate ako. Nandiyan ka para patawanin ako. Nandiyan ka sa oras na nangangailangan ako ng kausap." Bakas sa mukha niya na naguguluhan siya sa mga sinasabi ko.

"Lahat nagawa mo na. Lagi kang nandiyan. Sorry Reid. Sorry talaga kung hindi ko masuklian ang pagmamahal mo sa akin. Sorry kung minsan naiilang ako. Sorry kung hindi ko pa kayang magmahal o sabihin na nating hindi pa ako handa na mahalin ka-" napahinto ako ng marinig ko ang paghikbi niya. Umiiyak siya?

"We're better off as friends. Yun lang ang kaya kong ibigay eh. Bakit hindi na lang si Vanessa ang nagustuhan mo kaysa sa akin?" Napaangat ito ng tingin at tama nga ako. Umiiyak siya. Pero hindi ko inasahan na magiging ganito siya ka-emosyonal sa mga sinabi ko.

"Pero.........p-pero mahirap yun, Cari. Hindi madaling matanggal itong feelings ko sayo lalo na't lumalaim na ito. Hindi ko kaya. Mahirap, Cari."

"Reid, ayokong masaktan ka. Ayokong nakikitang umiyak ka. Pero hindi talaga pwede eh. Kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo. Ayokong masira pagkakaibigan natin. Gusto ko ganito lang tayo. Ito lang talaga ang kaya ko."

"C-cari, how many times do you have to reject me for me to stop my feelings for you? Hanggang dito na lang ba talaga?"

Pinunasan ko ang luha niya at siya naman natawa. Katapos niyang umiyak, tatawa siya.

"Para kang bata eh." pangaasar ko sa kaniya.

"Hoy masakit yung sinabi mo sa akin no. Ilang beses kong narinig sayo na hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko sayo, kaya malamang na iiyak ako dahil hindi ko kaya. Masakit yun para sa part ko."

Wala akong nagawa kundi ang yakapin siya. Naiinis ako sa sarili ko. Dahil sa ginawa ko may nasaktan ako. Bakit ba kasi hindi ko yun kayang suklian? Nasaktan ko tuloy si Reid at nakuha niya pang umiyak dahil doon.

"Sorry." Kahit ilang beses siguro akong manghingi ng tawad sa kaniya, hinding hindi mawawala yung sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Nag-away ba kayo ni Reid? Nakita ko kayong naguusap kagabi. Napano kayo?" Napatingin ako kay Papa at Mama. Maging ang mga kapatid ko ay tumingin sa kanila.

"Hindi po. Nagkaroon lang kami ng seryosong paguusap." Ayoko munnag sabihin sa kanila ang nangyari. Ayoko rin magkwento dahil hindi ko kaya na ikwento sa kanila. Ang gusto kong malaman ngayon ay kung ayos lang siya. Kung anong ginagawa niya ngayon sa hotel. Sana naman kapag lumipas ang ilang araw, maging okay na siya.

"Tawagin mo si Reid, dito na siya kumain. Sumabay na lang siya sa atin." Mabuti na lang at hindi ako ang inutusan ni Papa para tawagin siya.

Hindi man nga ako ang nagtawag sa kaniya, makakasama ko naman siyang kumain. Hindi naman pwedeng hindi ako sumabay sa kanila ngayon, dahil gusto ni Papa na sabay sabay kami laging kumain.

"Oh Reid, masama ba pakiramdam mo?" Nagsisi akong tumingin sa likuran ko dahil nakatayo pala siya sa likod ko. Ramdam ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa. At ang mas nakakainis, ay yung nakaharap ako sa kaniya. Kaunting galaw ko lang baka may mangyaring hindi ko magugustuhan.

"Nope. I'm fine." Saakin siya nakatingin kahit na ang kausap niya ay si Papa.

"Ano pang hinihintay niyo? Kuamin na tayo!" Muling tumingin sa akin si Reid at nilampasan ako. Galit siguro siya sa akin kaya ganoon. Naupo na rin ako at nagsimula na kaming kumain.

Buong pagkain namin hindi kami nagpapansinan ni Reid. Nung ako naman na yung maghuhugas ng mga pinagkainan namin, nagkusa na siya na raw maghuhugas nung pinagkainnan niya tapos agad niyang kinausap si Clyford. At doon ko napagtantong, iniiwasan niya nga ako.

Hahayaan ko na muna siya. Kung iyan ang gusto niya, edi gagawin ko din kung anong gusto niyang gawin. Kaya ko naman na hindi siya kausapin, yun nga lang gindi ko alam kung hanggang kailan tatagal.

"Ate, magusap nga kayo ni Kuya Reid. Lahat kami nakakahalata na eh. Gusto mo bang kausapin kayo nila Mama at Papa?" Kapansin-pansin na ba talaga ang hindi namin paguusap?

"Alam mo Cora? Diba may pasok ka pa? Magayos ka na para maaga kang makarating sa school mo."  Panghapon kasi ang pasok ng kapatid ko tapos oras na rin siya kung umuwi. Mabuti na lang at nandiyan si Clyford para sunduin siya.

"M-magusap daw tayo." Halos mapatalon ako sa gulat. Si Reid kasi eh bigla-bigla na lang sumusulpot kung saan-saan.

"Huh? Ano namang paguusapan?" nagtatakang tanong ko.

"Ewan." Ramdam ko ang panlalamig niya sa akin. Kanina ay nakikipagtawanan pa siya sa mga kapatid ko tapos ngayon ganito ang trato niya sa akin. Kung sabagay, hindi ko naman siya masisisi. Nasaktan lang siguro siya sa naging paguusap namin kagabi.

"Ahh. May tumatawag." Tinaas ko ang phone ko pero nakaharap sa akin ang screen non.

Nilagay ko ito sa bandang tenga ko at kunwaring may kinakausap. Si Mama at Papa talaga, inutusan pa si Reid na kausapin ako. Ito namang si Reid masyadong uto-uto eh.  Ito lang talaga ang tanging paraan para hindi kaminmagkausap ngayon ni Reid. Para makatakas agad ako dito. Nakakailang kaya siyang kausapin lalo na't ramdma ko ang panlalamig niya.

"Hello? Po? Yes po, Cari nga po ito-" nahinto ako sa pagsasalita ng biglang magring ang phone ko. Napatingin ako kay Reid at ganiyan ang itsura niya. Halatang oinipigilan niya ang kaniyang pagtawa. Nakakahiya tuloy.

"Eto totoo na." Hindi ko alam kung bakit ko pa sinabi sa kaniya na totoo na may tumatawag na nga sa akin.

"Congratulations, Ms. Sablan! You passed for the  anchor position."
_________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 125 29
Rei live in Lila City and he met a guy named Ethan. Ethan visit Lila City with purpose and Rei wants to help him. They become close together until Re...
2.1M 123K 43
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
702 281 12
" One of the best thing that happened online.." ✧Missbloddy Hope you will enjoy it... Credits for all I images goes to their respective owners. Cred...
7.8K 493 21
I hate my name, my second name. I hate whenever I hear someone calls me with it but it describes me anyway, I'm a man living in a world full of sadne...