DREAM AND REALITY [COMPLETED]

By IAMROMME

83.9K 4.4K 877

Stella, perceived as wicked and evil by some, embodies a facade of heartlessness, incapable of showing love e... More

MUST READ!
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
EPILOGUE
Author's Note
Special Chapter: First glance
Special Chapter: Pervert
Special Chapter: We meet again
Special Chapter: Friends...
Special Chapter: Coffee
Special Chapter: Confession
Special Chapter: First kiss
Special Chapter: First day...
Special Chapter: First Anniversary
Special Chapter: First baby
Special Chapter: Wว’ ร i nว
Special Chapter: Happily ever after
AUTHOR'S NOTE
PLOT EXPLANATION:

12

2K 123 5
By IAMROMME

A/N: Sorry if ngayon lang ulit naka-update. Ang hina-hina talaga ng signal dito sa amin ngayon plus pa 'yung sangkadamakmak na modules(hindi ko pwedeng pabayaan or else mawawala ako sa top) plus din 'yung iba pang mga trabaho na dapat gawin, share ko lang naman HAHAHA. So hope you understand and thank you for the wait. So here's an update! Happy reading...



***


"Nay!" Lumapit naman atsaka yumakap si Stella sa Nanay niya na kakarating lang.

"Kamusta ka dito? Hindi mo ba pinapabayaan ang apo ko?" Napatingin naman sa gawi ko si Stella dahil hawak ko si Astreed pero ngumiti lang ako saka lumapit sa kanila.

"Hindi po. Sa totoo nga po ay bumait na siya sa anak namin. Siya na nga po ang nagbabantay kay Astreed ngayon. At maayos naman po siya dito." Ako ang sumagot sa mga tanong nito.

"Aba'y maayos naman. Sa bahay eh hindi niyan hinawakan ang anak niya at palagi pang nag-iinom."

"Nay!" Suway naman sa kaniya ni Stella.

"Totoo naman ah? Tigas-tigas pa ng ulo." Natawa naman ako saka inakbayan na ito.

"Huwag na po kayong mastress. Ganito po, kapag nahirapan naman kayo sa kaniya at inaway niya ang apo niya tulungan niyo akong igapos siya, okay?" Mahinang bulong ko kay Nanay Selia.

"Magandang ideya 'yan." Mas lalo naman akong natawa.

"Anong pinagbubulungan niyong dalawa, huh?" Tanong nito at kinuha si Astreed.

"Nothing. Let's go to the dining area. Mabuti pa at kumain na tayo. Siguradong gutom na si Nanay Selia dahil sa biyahe." Saad  ko.

"Wow! Nanay Selia? Kaano-ano mo?" Sarkastikong tanong ni Stella.

"Nanay mo na magiging Nanay ko na rin?" Pabalik na tanong pero inirapan lang ako nito.

"Oh, huwag na kayong mag-away. Kakarating ko pa lang nag-aaway na kayo kaagad." Awat naman ni Nanay Selia sa aming dalawa.

"Tama. Tama. Kumain na lang tayo." Sambit ko saka agad na pinaglagyan si Stella ng kanin at ulam sa plato nito dahil hawak-hawak niya pa rin si Astreed.

Nang matapos ay naupo naman ako sa upuan ko. "Kumain po kayo ng marami. Parang pumayat po kayo Nanay Selia ah? Baka sobra niyong pinapagod ang sarili niyo?" Tanong ko sa kaniya habang kumukuha ng kanin.

"Kailangan Iho eh. Kapag hindi ako kumayod ay wala akong kakainin." Sagot naman nito kaya tinapik ko naman ang balikat nito.

"Ngayon ay huwag na po kayong mag-alala. Hindi niyo na po kailangang magtrabaho. Basta po kapag nagutom kayo o gusto niyong kumain ay buksan niyo lang 'yung ref." Nakangiting saad ko.

"Nakakahiya naman ata sayo, Iho." Umiling naman ako.

"Huwag na po kayong mahiya. Dati nga eh walang hiya-hiya rin ako kapag pumupunta sa bahay niyo at nakikikain ng turon eh." Tatawant asik ko ng maalala iyon.

"Tapos ikaw din 'yung umubos ng latik. Ang takaw-takaw mo noon parang baboy tapos walang hiya ka talaga nun." Bigla namang saad ni Stella habang tumawa rin.

Napangiti naman ako at mas lalong lumakas ang tawa. Naalala niya pa iyon? Ibig sabihin ay hindi pa rin ako nabubura sa isip nito.

Ewan ko lang sa puso niya.

"Ikaw nga rin eh. Inubos mo 'yung paninda ni Nanay Selia na suman kaya wala siyang naibenta. Tapos hinabol ka niya ng walis-tingting sa kalsada." Bawi ko.

"Pareho lang kayong dalawa dati! Ang tatakaw pero hindi tumataba." Mas lalo naman kaming natawa sa sinabi ni Nanay Selia.

Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin habang kumakain. Parang ang saya-saya lang dahil naaalala pa pala nila iyon.

Iyong mga panahong  kasama pa nila ako.

Nabubuhay at lumalaki ang pag-asa sa puso ko dahil doon. Mabuti at may naalala pa silang mabuti tungkol sa akin at hindi iyonh puro masama.

Nang matapos kumain ay ako na ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. "Drake, ako na diyan Iho." Napatingin naman ako sa likuran at nakita ko si Nanay Selia.

"Magpahinga na lang po kayo. Ako na po dito." Saad ko.

"Ay ang dami ko ng pahingang ginawa. Sige, tulungan na lang kita." Tumango na lang ako dahil wala naman na akong magagawa.

Natahimik naman kaming dalawa ng ilang sandali pero agad rin naman iyong nabasag ng magtanong ito.

"Kamusta kayo ni Stella? Magkaayos na ba kayo?" Tanong nito.

"Sa ngayon po, okay naman na. Hindi na niya ako sinusumbatan at minsan na lang siyang nagagalit. Maayos na rin ang pakikutungo nito sa anak namin." Asik ko habang hinuhugasan ang baso.

"Masyado lang talagang nasaktan 'yung anak ko kaya siya nagkakaganiyan. Pero mabuti nga't kinakausap ka na niya. Halos noon ay isumpa ka na niya dahil sa galit nito."

"Naiintindihan ko naman po kung saan nanggagaling si Stella eh. Kaya hihintayin ko na lang po ang oras na mapatawad niya ako. Kahit na hindi ko alam kung kelan pa."

"Alam kung mabait ka na bata, Drake. Siguro ay kunti na lang at maliliwanagan rin si Stella." Tumango naman ako saka ngumiti ng matamis.

"Sana nga po. Gustong-gusto ko na po kasing magkaayos na kaming dalawa."

"Dadating rin ang araw na iyan Iho."

"Sana nga po." Mahinang saad ko saka nagpatuloy na sa ginagawa.

Nang matapos ng maghugas ay inihatid ko na si Nanay Selia sa magiging kwarto nito. Nagpaalam na rin ako sa kaniya saka na umakyat sa taas at dumeritso sa kwarto at naabotan ko si Stella na nanonood ng Tv.

"Hindi ka pa ba inaantok?" Tanong ko sa kaniya.

"Inaantok na, medyo." Saad nito at kinusot-kusot ang mata.

"Then sleep. Ano ang dahilan bakit hindi kapa natutulog?" Tanong ko sa kaniya at inayos ang buhok nito na biglang tumabing ng bahagya sa mukha nito.

"Pinatulog ko pa si Astreed at hinihintay kita." Parang may kung anong sumabog sa loob ng tiyan ko at kinikiliti ang mga laman ko roon at 'yung puso ko ay parang lumulundag-lundag.

Hi...hinihintay niya ako?

"Bakit mo naman ako hinihintay? Do you want something? Or tell something?" Mas pinili ko na lang na huwag umasa.

Baka mamaya ay umasa lang pala ako sa maling hinala.

"Bakit hindi ka sa akin nagagalit kahit ang dami ko ng ginagawa at sinasabing masama sayo?" Tanong nito habang nakatingin lang sa palabas.

"Kasi gusto kita?" Simple pero patanong na sagot ko naman sa kaniya.

"Parang ang hirap lang paniwalaan..."  Napatingin naman ako sa gawi niya at nakatingin na rin ito sa akin. "Ibang-iba na ang Drake noon sa Drake ngayon. You totally changed. And that makes me confused and question 'bout the things you say."

Nagkibit-balikat naman ako saka bumuntong-hininga ng marahan. "Hindi naman kita masisisi. 'Yung kaibigan mong bakla naging ama ng anak mo. Tapos sasabihin pa na gusto ka. Yeah, it's weird. But what I can do? That's the truth rightnow. Siguro masyado lang akong nahulog at nabaliw sayo noon kaya ko nagawa 'yun. I can do all things just to stay by your side but also....that day I left you when you need me the most, right? Ewan ko kung gaano kalaki na ang galit mo ngayon sa akin dahil sa mga nagawa ko. Pero...isa lang ang sigurado ako." Nakangiting saad ko sama marahang hinaplos ang pisngi nito. "Hindi ko pinagsisihang ginusto kita."

"Maybe now, you still like me. Pero lilipas din 'yan. At kapag nawalan ka na ng interes sa akin, wala na. Babalik na naman siguro tayo sa dati."

"Bakit mo naman naisip na mawawalan ako ng interes sayo? Simula bata pa ay palihim na kitang ginusto at tumagal iyon hanggang sa umabot ngayon at sa mga susunod pa. Plus, may anak na ako sayo. Bakit pa ako mawawalan ng interes eh dalawa na kayong nagbibigay saya sa buhay ko." Napakunot naman ang noo ko ng makita itong tumawa kahit mahina lang iyon dahil nasa gitna lang rin ng kama si Astreed at baka magising, parang nahawa naman ako at natawa na rin. "What?" Tatawa-tawang tanong ko pa sa kaniya.

"Corny mo!" Napakamot naman ako sa ulo habang natatawa pa rin pero agad ring tumigil at nakangiting tinitigan ang mukha nito.

"Ang ganda mo."

"Huh?" Tatawa-tawang tanong pa nito. Tila hindi narinig ang sinabi ko dahil ibinulong ko lang iyon.

"Ang ganda mo kagaya ng dati." Nakita ko naman itong namula kaya mas lalo naman akong napangiti.

She still look so beautiful.

"Alam mo ngayon.....unti-unti na akong kinakain ng konsensiya ko sa totoo lang. Ewan ko pero kapag nakikita kung umiiyak si Astreed, naaalala ko 'yung masasakit na salita na sinabi ko sa kaniya. At kapag nakikita kitang nakangiti, mas lalong nabubuhay ang konsensiya ko." Mahinang saad nito. Ang kaninang masayang boses ay nawala at napalitan ng malungkot at mahinang boses.

"Nadala ka lang ng galit mo kaya mo nagawa ang mga bagay na iyon. And I understand you. Pero magsorry ka muna kay princess Astreed natin kasi baka nasaktan mo rin ang feelings niya, diba? But for me. Ayos na iyon, as long as nakakasama kita at nakakausap ng ganito."

"Kanina pa ako nagsosorry sa kaniya pero nginingitian lang ako nito. Parang nakokonsensiya ako dahil ang sama na ng mga ginawa ko sa kaniya pero palagi lang ako nitong nginingitian."Pinataas ko naman ang mukha nito saka hinawakan ito sa magkabilang pisngi.

"Because she loves you and I think she forgive you." Saad ko saka hinalikan ito sa noo at niyakap.

"D-Drake---"

"Just a second. I just badly want to hug you rightnow." Mahinang saad ko saka mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya.

Hindi ito yumakap pabalik pero hindi rin ako nito itinulak palayo. Mabuti na rin iyon.

Makaraan ang ilang sandali ay binitawan ko na ito saka hinalikan siya sa pisngi at tumayo na at kumuha ng isang unan.

"Saan ka pupunta?" Tanong nito kaya napatingin naman ako sa kaniya.

"Kabilang room. Kayo na muna ni Astreed dito. Andito na si Nanay Selia, baka ano isipin niya kapag nalaman niyang iisa lang ang kwarto nating dalawa. Matulog ka na, sabi mo kanina at inaantok ka na." Sambit ko saka binuksan na ang pinto.

"D-Dito ka na lang matulog."

Napatigil naman ako saka agad na napatingin sa kaniya ng marinig ang sinabi nito.

"I thought your uncomfortable sleeping with me?" Tanong ko sa kaniya.

"N-No that's not it. Malaki naman ang kama eh. M-Matutulog lang naman tayo kaya wala namang problema." Agad naman akong ngumiti saka tumango.

Hindi ko na tatanggihan ang grasiya.

Bumalik naman ako sa kama saka nahiga sa kabilang banda at siya naman sa kabila at nasa gitna namin si Astreed.

Pero bago tuluyang ipikit ang mga mata ay dumukwang naman ako para halikan ito ulit sa pisngi saka sinunod si Astreed saka nahiga na habang pigil ang ngiting gustong kumawala sa mga labi ko. "Goodnight." Iyon lang at ipinikit ko na ang nga mata ko.

Parang ayaw ko na matapos ang mga oras na 'to.

Continue Reading

You'll Also Like

70.7K 1.9K 24
โI pretended to look around, but I was actually looking at you...โ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 ยฉ 2014 All rights reser...
909K 29.6K 39
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
35.3K 1.6K 44
Ang storya pong ito ay inaalay ko sa mga KA-SQUAD ko! Alam nyo na kung sino kayo. Kung wala kayo wala rin ang storyang ito. Kaya salamat. Highest Ran...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...