DREAM AND REALITY [COMPLETED]

By IAMROMME

83.8K 4.4K 877

Stella, perceived as wicked and evil by some, embodies a facade of heartlessness, incapable of showing love e... More

MUST READ!
PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
EPILOGUE
Author's Note
Special Chapter: First glance
Special Chapter: Pervert
Special Chapter: We meet again
Special Chapter: Friends...
Special Chapter: Coffee
Special Chapter: Confession
Special Chapter: First kiss
Special Chapter: First day...
Special Chapter: First Anniversary
Special Chapter: First baby
Special Chapter: WΗ’ Γ i nǐ
Special Chapter: Happily ever after
AUTHOR'S NOTE
PLOT EXPLANATION:

11

2K 133 6
By IAMROMME

Napamulat na lamang ako ng mata ng marinig ang pamilyar na boses na tumatawag sa akin kaya napabangon naman ako saka tumingin sa kaniya."

"Si Astreed inaapoy ng lagnat!" Agad namang nagising ang kaluluwa ko ng marinig iyon at napatingin sa kaniya na ngayon ay karga-karga na si Astreed na iyak ng iyak.

Minsan lamang ito kung umiyak pero kapag umiyak na siya ay tiyak na may nararamdaman na ito na hindi maganda.

"Dalhin na natin siya sa ospital. Dali!" Nagmamadaling saad ko saka kinuha ang  susi ng kotse at tumakbo na palabas hababg nakaalalay sa mag-ina ko. Nag-pa-panic na ako dahil sa kaba.

Nang tuluyang makalabas ng bahay ay agad na kaming dumeritso sa kotse. Pinagbuksan ko si Stella at lumigid papuntang driver seat saka sinarado na ang pinto at pinaharurot ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na ospital.

Masyado pang maaga kaya wala pang traffic pero medyo madilim pa ang daanan. Tuloy-tuloy ang biyahe at halos paliparin ko na ang kotse habang patingin-tingin sa mag-ina ko. "Ang init-init niya talaga Drake." Saad ni Stella habang hinahaplos ang noo ni Astreed na iyak pa rin ng iyan. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala at takot.

"S-Sandali na lang at makakarating na tayo. Magiging okay ang lahat." Usal ko ipinarada ang sasakyan sa harap ng ospital at agad ng bumaba.

Inalalayan ko naman ulit si Stella papasok sa ospital at agad naman kaming sinalubong ng nurse at doktor at kinuha si Astreed sa amin pagkatapos na magtanong ng iilang mga bagay. Hindi na kami pinapasok sa loob kaya naiwan na lang kami at naghintay sa labas ng emergency room.

"B-Baka anong mangyari kay Astreed, Drake? Kasalanan ko 'to, eh. Dapat hindi ko na siya kahapon sinama sa paglabas ko. Kasalanan ko 'to." Umiiyak na saad nito kaya agad ko naman itong niyakap saka pinahid ang mga luha nito.

"Hindi mo kasalanan, okay? Magiging okay ang lahat kaya tahan na. Walang may kasalanan sa nangyari." Pagpapatahan ko sa kaniya pero umiling ito ng umiling.

"P-Pero kung noon palang sana ay inalagaan ko na siya. Kung sana ay naging mabuti lang akong ina ay hindi mangyayari ito. Ano na ang gagawin natin? Baka kung anong mangyari sa kaniya Drake. Hindi ko m-mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya." Humahagulhol na saad nito at sinabunotan ang sarili kaya agad ko naman itong pinigilan.

"Tama na. Huwag mo ng sisihin ang sarili mo, Stella. Magiging okay lang si Astreed. Magpahinga ka na muna at huwag mo ng isipin ang mga bagay na iyan." Pinahiga ko na ito sa balikat ko saka hinagod ang likod para pakalmahin siya.

Maya-maya ay naramdaman ko na lumalim na ang paghinga nito at hindi na rin gumagalaw kaya sinilip ko naman at natutulog na nga ito. 3:45 am palang ngayon ng madaling araw.

Nasa isang linggo na mahigit simula ng makabalik si Stella sa bahay. Nagpapasalamat ako dahil hindi na nito naisipan pang umalis sa nga nakaraang araw. Inaalagaan na rin nito kahit pa paano ang anak.

At ngayon na nakikita ko ang pag-aalala nito kay Astreed napatunayan ko na may pagmamahal pa rin ito sa anak.

At isipin iyon ang masaya na ako.

Kinakausap na rin ako nito kahit pa paano. Pero hindi mawawala ang katarayan nito kapag kausap ako pero hindi ko na lang iyon pinapansin. As long as hindi ito umaalis ay ayos na sa akin iyon.

Tahimik ang ospital. Siguro dahil wala pang masyadong tao at ang iba ay natutulog pa. Napatingin naman ako kay Stella at agad namang kinuha ang jacket saka ipinatong ito sa suot niya para hindi ito lamigin.

Makaraan ang ilang sandali ay may lumabas naman na doktor mula doon sa kwartong pinagdalhan sa anak namin. Lumapit naman ito sa gawi namin. "Kamusta ang anak namin, Doc?" Tanong ko kaagad.

"She's now fine. Nagkaroon lang ng infections kaya ito nilagnat. Pero wala na kayong dapat ipag-alala. Kailangan lang talaga ng bata ng alaga at pahinga." Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig iyon.

"Thank you, Doc." Ngumiti naman ito saka nagpaalam na. Parang may nawala namang mabigat sa puso ko dahil sa sinabi ng doktor.

Napatingin naman ako kay Stella ng makitang gumalaw ito at nagkusot ng mata. "Did I wake you up?" Tanong ko sa kaniya pero umiling naman ito.

"Napanaginipan ko na ginigising raw ako ni Astreed at nagising nga ako." Natawa naman ako saka inayos ang buhok nito. "Kamusta na siya?"

"Sabi ng doktor ay maayos na raw siya. Diba, sabi ko sayo eh magiging ayos ang prinsesa natin. Malakas kaya si Astreed mana sayo." Inirapan naman ako nito.

"Mambola kapa." Tinawanan ko naman ito.

"Hindi ako nambobola. Naalala mo noon nung third year tayo, sinuntok mo 'yung kalaban mong babae." Tatawa-tawang asik ko ng maalala iyon. "Dumugo talaga ang ilong ng kalaban mo eh."

"Kasalanan niya 'yun. Kalabanin ba ako? Tapos kung sino pa kung umasta. Sarap itapon sa impyerno at ipakain kay satanas." Mas lalo namang lumakas ang tawa ko dahil sa sinabi niya.

"Oh relax lang HAHAHA. By the way, gusto mo ba munang kumain? Maaga pa tayong umalis kaya baka nagugutom ka na." Umiling naman ito.

"Huwag na. Busog pa naman ako." Napatango naman ako saka agad na tumayo ng makita ang doktor.

"Doc, pwede na ba kaming lumabas?" Tanong ko sa Doctor. Since okay naman na si Astreed. Mas mabuti kung sa bahay na lang kami.

"Of course. Maayos naman lahat ng test at bumaba na rin naman ang lagnat ng bata. Like what I've said before, kailangan lang talaga ng bata ng alaga at pahinga." Tumango naman kaming dalawa ni Stella.

Matapos makipag-usap sa doctor ay agad na kaming naghiwalay ni Stella. Siya iyong pumunta kay Astreed at ako naman ang umasikaso sa mga babayaran namin.

Nang matapos ay agad ko na kuna silang hinanap at naabotan ko naman sila sa may bukana ng ospital kaya agad naman akong lumapit at naglakad na kami papunt sa kotse.

Maliwanag na ang buong paligid ngayon. Madami na ring tao at kotse sa daan papauwi.

Nakauwi naman kami ng matiwasay. Pagdating sa bahay ay agad naman akong dumeritso sa kusina at nagluto ng makakain namin.

Hotdog, ham and egg lang ang niluto ko dahil baka matagalan kapag nagluto pa ako ng iba. Siguradong gutom na si Stella dahil hindi pa ito kumakain at kunti lang ang kinain nito kagabi.

Madali lang naman akong natapos sa pagluluto ng mga iyon kaya agad ko na iyong dinala sa may hapagkainan at kumuha ng mga plato at iba pa na gagamitin. "Stella, come here! Food is ready." Pasigaw na tawag ko sa kaniya habang hinahanda ng mesa.

Nakita ko naman ito kaagad kaya pinaghigit ko naman ito ng upuan. "Dito na muna sa akin si Astreed." Saad nito kaya ngumiti naman ako saka tumango at pinaglagyan siya ng kanin at ulam sa plato.

"Here. Para hindi ka na mahirapan." Asik ko saka naglakad na papunta sa upuan ko at kumuha na rin ng kanin at ulam.

"Stella, ano kaya kung kunin na natin si Nanay mo sa bahay niyo dati at dito na rin natin patirahin? Naisip ko lang kasi na parang ang hirap ng buhay niya doon sa bahay niyo dati eh." Suhestiyon ko. Alam ko rin naman na namimiss na rin siguro ng Nanay ni Stella ang apo at anak nito.

"Ayos lang ba 'yun sayo?" Tanong nito kaya tumango naman ako.

"Bakit naman hindi? Tsaka mabuti na din kapag nandito siya, diba?" Tanong ko sa kaniya saka sumubo ng kanin.

"Dagdag gastusin na naman 'yun. Wala na nga kaming ambag tapos may dadagdag pa na isa."

"Don't mind that things. Ako na bahala dun. Tsaka tandaan mo, ang pera ko ay pera niyo na rin." Nakangiting saad ko pa.

"Bahala ka sa gusto mo."

"Okay. Siguro mamaya, ipapasundo ko na siya sa mga tauhan ko." Tumango lang naman ito kaya nagpatuloy na kami sa pagkain.

Paminsan-minsan ay nagtatanong naman ako ng ilang mga bagay sa kaniya para may mapag-usapan at sinasagot naman nito ang mga iyon.

Nang matapos ng kumain ay napagdesiyonan ko ng maghugas ng mga pinagkainan at si Stella naman ay pinadede na si Astreed.

Matapos maghugas ay agad ko namang sinunod ang mga labahin. Nilagay ko lang ang mga iyon sa washing machine at iniwan sandali at pumunta sa mag-ina ko at agad na napangiti ng makitang sinasayaw-sayaw at kinakantahan ni Stella ang anak.

Hindi ko pa siya nakitang ganito ang trato kay Astreed dati. Siguro ay ganoon talaga ang pag-aalala niya kanina kaya nagbago bigla ang turing nito sa anak.

Halos noon ay hindi na niya hawakan ang bata o maski tingnan man lang.

Iniwan ko na muna sila para makapagbonding pa sila ng matagal at gumawa na lang ng nga gawaing bahay.

Nawili naman ako sa ginagawa kaya hindi ko na namalayan ang oras. Pareto't-paroon naman ako habang nagwawalis at nagvavacuum.

Naisipan ko na rin na magluto ng masarap na tanghalian. Napapansin ko kasi na parang ang liit ni Stella. Kailangan niyang lumaki at lumusog.

Matapos ang ilang sandali ay lumabas na ako at agad na sinabi sa dalawa na sunduin si Nanay Selia. Sinabi ko na rin kung saan ito nakatira at iba pang nga detalye. Nang matapos ay bumalik na ako sa loob at agad na niyakap si Stella mula sa likod pero imbis na itulak ako nito ay natatawa pa itong tumingin sa akin at tinuro si Astreed na nilalaro ang daliri nito.

Kung palagi kaming ganito ay sobrang saya ko na siguro. Sana palagi na lang ganito...

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 76.1K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
67.5K 1.8K 20
"I love the darkness in you, Magnus. Even if I die in your hand, our love will continue to bloom even if we wait for thousand of years." - Amarfi, T...
Saving, Rainbow By fei

General Fiction

4.2K 90 10
Dalawang puso pinagtagpo ng pagkakataon. Trigger warning ahead. π—₯π—˜π—”π—— 𝗔𝗧 𝗬𝗒𝗨π—₯ 𝗒π—ͺ𝗑 π—₯π—œπ—¦π—ž. Book cover: chichi graphics
70.7K 1.9K 24
❝I pretended to look around, but I was actually looking at you...❝ This is a COMPLETED series. Written by ChastineCabs_11 © 2014 All rights reser...