My Tag Boyfriend (Season 2)

By OppaAnja

15.9M 280K 69.7K

Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer... More

Plot
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 8
My Tag 9 (Special Chapter)
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
My Tag 39
My Tag 40
My Tag 41
My Tag 42
My Tag 43
My Tag 44
My Tag 46
My Tag 47
My Tag 48
My Tag 49
My Tag 50
My Tag 51
THE END

My Tag 45

149K 3.9K 1.3K
By OppaAnja

As usual, di na naman na-edit. As usual, madami na namang typo. As usual, happy reading. And as usual, leave comments para masaya. Hohoho!

My Tag 45

Sitti's POV

            "NAKITA daw sila sa taas ng roof top ni Prince."

            "Oh my gosh! Anong ginagawa nila doon?"

            "Wala daw nakakaalam. Basta ang balita sa akin, dito daw sila natulog ni Prince sa school. Dito raw sila nagpagabi."

            "OMG. Hindi nga?"

            "Gaga! May bagong balita sa kabilang section kanina. May nakakita daw sa kanila sa taas at nakita daw siya na nakayakap na kay Prince at ang gulo-gulo ng suot nilang pareho."

            "OH. MY. GOD. You mean..."

            Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya habang naglalakad ako papasok sa school at habang naririnig ko ang bulong-bulungna ng mga estudyante sa Eastton University.

            Sa bawat estudyante na nadaanan ko, mapababae man o lalaki, nagbubulungan kapag nakikita ako. Tapos tinitingnan pa nila ako na parang suklam na suklam sila sa akin o 'di kaya may iniisip silang masama tungkol sa akin.

            Sa mga ganitong panahon, hindi ko talaga maiwasan na balikan 'yong mga nangyari sa akin noon. No'ng mga panahon na binu-bully ako ni Margaret.

            No'ng mga panahong aksidente kong na-tag sa maling status ko si Kaizer Buenavista.

            Ang pinagkaiba lang nang nangyayari ngayon, totoo 'to. May ebidensya. May mga nakakita sa amin ni Kaizer na nakatulog sa may rooftop.

            Parang gusto ko tuloy mapa-face palm sa nangyayari.

            Kung bakit kasi hindi namin sinubukang makalabas ng school eh! Kung bakit kasi ang dilim kagabi at kung bakit kasi doon pa talaga ako nagresearch sa computer lab ng school namin.

            Kung hindi siguro ako nagpatagal doon sa computer lab, hindi sana ako sinundan ni Kaizer. Hindi sana kami mata-trap sa loob ng school.

            At hindi sana magkakaroon ng ganitong usapan 'yong mga schoolmates ko tungkol sa amin.

            "Alam mo wala na talagang nangyaring maganda sa Prince natin magmula nang maging sila ng babae na 'yan!"

            "Oo nga! Nakakainis! Lagi na lang nadadawit si Prince sa kalokohan niya!"

            "Tama! Ang baboy niya. Akala ko pa naman loser lang siya. Hindi ko akalain na aatakihin niya nang ganoon si Prince."

            "Mas malala pa pala siya sa atin."

            "Sulotera!"

            "Mang-aagaw!"

            "Santa-santita."

            "Bitch!"

            "Malan—"

            Hindi ko na natapos pakinggan 'yong iba pang babae na nakakasalubong ko nang bigla na lang manlaki mata ko nang may bigla akong naramdamang kamay na tumakip sa tainga ko.

            At sa paglingon ko para tingnan kung sino ang gumawa noon, nakita ko si MM, kagat-kagat 'yong plastik bag ng marshamallows niya habang tinatakpan nang dalawang kamay niya 'yong tainga ko.

            "MM..."

            "'Wag kang makinig sa kanila," sabi niya kahit nakatakip pa 'yong kamay niya sa tainga ko. Naririnig ko pa naman siya dahil malapit siya sa akin. "Hindi totoo 'yong sinasabi nila sa'yo."

            Napatingin ako kay MM at parang bigla na lang lumabo 'yong tingin ko sa mukha ko.

            Saka ko lang napansin, na kanina ko pa pala pinipigilan ang sarili ko na umiyak.

            "Mahal ka ni Prince. Mahal mo siya. Alam mong hindi totoo 'yong sinasabi nila kaya 'wag kang makikinig sa kanila at mas lalong 'wag kang iiyak dahil sa mga pinagsasabi nila dahil alam mo sa sarili mo na hindi ka, ganoon."

            Bumaba 'yong tingin ni MM sa akin saka niya ako sinubukang ngitian kahit na ang hirap noon sa kanya at kahit na nahihirapan pa siyang magsalita dahil doon sa kagat-kagat niyang plastik.

            "Hindi naman ganoon 'yong best friend ko 'di ba?"

            Napatango na lang ako sa kanya saka ko pinunasan 'yong mata ko.

            "Halika na."

            Sa paningin ng iba, magmumukha siguro kaming baliw ni MM dahil sabay kaming naglalakad habang hindi  pa rin niya inaalis sa tainga ko 'yong pagkakatakip ng tainga niya kahit na sinabihan ko na siya na pwede na niya 'yong alisin.

            Pero siguro tama na nga rin siguro na hindi inalis ni MM 'yong kamay niya.

            Mas kailangan ko ang mga kamay niya ngayon.

            At para hindi ko na rin marinig 'yong mga pinagsasabi nila na sobrang masasakit na salita.

           

Kaizer's POV

            "IKAW, Kai Kai ah? 'Di ka nagsasabi na nasa ganoong level na pala kayo ni Sitti," nang-aasar na sabi ni Kris sabay siko sa tagiliran ko. "Akala ko ba best friend tayo? Ang best friend, dapat hindi naglilihi—aww! Aray huh? Masakit!"

            Tinapunan ko nalang siya nang masamang tingin matapos ko siyang batukan.

            "Ang KJ mo talaga kahit kailan. Hindi ka marunong sumakay sa biro!" sabi pa niya habang himas-himas pa niya 'yong ulo niya.

            "Hindi ko kasi makita 'yong biro doon sa sinasabi mo," bagot na sabi ko. "Nasaan na ba si TG? Ang tagal  naman niya?"

            "Uy! Magdamag na nga kayong magkasama kagabi tapos miss mo na agad siya? Ikaw, Kai Kai ah! Iba na 'yan! L na L ka na ba kay Sitti?"

            "Anong L na L? P'wede ba, Kris? Ayusin mo nga pagsasalita mo at hindi ako marunong umintindi ng salitang bakla mo."

            Tinawanan niya lang ako sabay akbay ng isang kamay niya sa balikat ko pero mabilis ko ring inalis iyon.

            "L na L. Love na love. Patay na patay. In love na in love. Ano pa ba gusto mo?"

            Hindi ko na lang siya pinansin saka binaling 'yong tingin ko sa ibang direksyon.

            At sa paglingon ko, nakita ko si Mobi at Sitti na sabay pumasok sa loob ng classroom habang nakartakip sa tainga ni Sitti 'yong kamay ni Mobi.

            Anong ginagawa nila?

            Medyo malayo pa sila Mobi at Sitti sa akin kaya hindi ko marinig 'yong sinasabi ngayon ni TG kay Mobi. Hindi ko rin mabasa ng maayos 'yong reaksyon sa mukha ni Mobi pero nagulat ako nang tumingin siya sa direksyon ko sandali bago niya binalik 'yong tingin niya kay TG sabay tumango.

            Ako ba pinag-uusapan nila?

            Medyo nagulat rin ako nang magtama 'yong mga mata namin ni Sitti pero mabilis niya ring iniwas 'yong tingin niya sa akin saka siya nagmamadaling dumaan sa pwesto ko bago naupo doon sa upuan niya sa tabi ko.

            Ang tagal kong nakatingin sa kanya habang may kinakalikot siya na kung ano doon sa loob ng bag niya pero alam ko na kaya niya ginagawa iyon para iwasan ako at 'yong mga posible kong itanong sa kanya at kung bakit sabay sila ni Mobi at bakit ganoon 'yong itsura nila kanina.

            Nararamdaman ko, kahit hindi pa siya magsalita, alam ko na iniiwasan niya ko.

            Dahil ba 'to sa sinabi ko kagabi? May nasabi ba akong hindi maganda sa kanya?

            Napaisip tuloy ako kung may nasabi nga ako na hindi nagustuhan ni Sitti.

            Nagalit ba siya dahil sa tinanong ko siya doon sa phobia niya? Nagalit ba siya dahil hindi kami nakalabas agad ng school? Nagalit ba siya doon sa sinabi ko tungkol sa pakiramdam ko hindi niya naiintindihan 'yong nararamdaman ko sa kanya?

            Anong problema, Sitti?

            "Kaizer."

            Napalingon ako sa kabilang gilid ko, malayo kay Sitti, para makita si Mia na nakatayo na pala sa tabi ko.

            "Ito nga pala 'yong music para doon sa ipapakita natin sa talent portion ng contest," sabi niya sabay abot sa akin ng isang CD case. "Baka gusto mong sabay nating panoorin 'yong tutorial video d'yan sa CD? Tutal wala naman tayong klase after lunch. Iyon ay... kung gusto mo lang naman."

            Napalingon ulit ako sa direksyon ni Sitti at nakatalikod pa rin siya sa akin.

            Iniiwasan niya nga talaga ako.

            "Kaizer?"

            Alam kong may problema. Alam kong may nangyayari.

            Pero paano ko malalaman kung ano kung hindi naman siya nagsasabi sa akin?

            Lumingon ka, Sitti.

            Kapag lumingon siya, kapag tiningnan niya ako sa mata, kapag humarap siya sa akin, tatanungin ko siya. Kakausapin ko siya. Tatanungin ko siya kung anong problema. Kung bakit niya ako iniiwasan. Kung bakit ang tahimik niya. Kung bakit parang may nangyari kagabi na naging dahilan para maging tahimik siya ngayon.

            Humarap ka Sitti.

            Kapag humarap siya, hindi ako sasama kay Mia. Hindi ako magpapractice kasama si Mia. Hindi ba at magpapaturo pa siya sa akin? Hindi ba nasabi ko na sa kanya na mas siya 'yong priority ko kasya ibang tao?

            Hindi ba sinabi ko na sa kanya na siya 'yong gusto kong makasama?

            TG.

            Sawa na ako. Napapagod na ako sa ganitong sitwasyon.

            Napapagod na ako na ako na lang lagi 'yong nagpapakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Napapagod na ako na ako na lang lagi 'yong nagmamahal sa aming dalawa.

            Alam kong sinabi ko sa kanya na hindi ako susuko sa kanya. Na hindi ko siya iiwan at bibitawan. Na to infinity and beyond kami.

            Pero masama bang humiling sa kanya na ako naman? Na ako naman 'yong maging priority niya? Na ako naman 'yong mapakitaan ng pagmamahal kaysa ako nagpapakita ng pagmamahal?

            1... 2... 3... 4... 5...

            Sampung segundo. Kapag lumingon siya bago o matapos ang sampung segundo, lalapitan ko siya. Kakausapin ko siya. Pipiplitin ko siyang sabihin sa akin ang problema.

            6... 7... 8...

            "Kaizer? Ayaw mo ba?"

            9...

            Lumingon ka, TG.

            10...

            Napayuko ako saka mapait na napangiti sa sarili ko bago ko hinarap si Mia.

            "Sure. Mamaya. After lunch."

            "Talaga? Payag ka na?"

            Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya.

            Ayokong kasama si Mia. Ayokong magtagal sa tabi ng ibang tao.

            Pero kung napakahirap para sa'yo na intindihin 'yong bagay na 'to.

            P'wes, ayoko na.        

            Pagod na ko, Sitti.      

Sitti's POV

            "MAS bagay pa talaga si Prince kay Mia!"

            "Tama. Akala mo sa una, mabait. Malandi pala."

            "Dapat sa mga ganyan, hinihiwalayan ni Prince."

            "Ang malas ni Prince sa kanya. Baliw na nga. Malandi pa."

            "So ano na 'yan mga 'tol? 'Di na virgin? Nagpagabi daw sila dito ni Kaizer sa school 'di ba? Ayos din pala si Kaizer ano?"

            "Yuck! So malandi! Kay Prince pa talaga!"

            "For sure siya 'yong namilit kay Prince."

            "Tama. Si Prince kaya pinag-uusapan natin dito. Malamang hindi niya kayang gawin 'yon sa isang babae."

            "Maliban na lang kung 'yong babae 'yong nag-initiate. Lalaki din naman si Kaizer ano. 'Di rin 'yon makakapagpigil kapag babae na mismo 'yong lumapit."

            "She's so nakakadiri talaga. Ang haliparot."

            "Bakit ba pinatulan ni Prince 'yan eh ang landi naman pala?"

            Hindi pa rin sila tumitigil sa pagbubulong-bulungan sa akin. Hindi sila nauubusan ng sasabihin. Hindi sila tumitigil na pag-usapan 'yong nangyari kagabi.

            Ano bang problema nila? Sinabi na naman namin ni Kaizer na nakulong kami sa guidance ah? Okay naman sa school. Wala naman silang sinasabing masasama tungkol sa nangyari maliban sa nasermunan kami at 'wag na uulit.

            Bakit ganito? Bakit?

            Bakit pinag-uusapan na naman nila ako?

            May nagawa na naman ba ako sa kanila na hindi nila gusto? May ginawa na naman ba akong kinakagalit nila?

            Saka bakit sila ganito magsalita? Bakit parang mas naging masama pa sila sa akin ngayon kasya noong binu-bully pa ako ni Margaret?

            Bakit ako na naman?

            Bakit?

            "Dapat hindi na nagtatagal si Prince sa mga babaeng gaya niya. Mamaya lokohin pa niya si Prince natin ano!"

            "Tama. Grabe talaga siya. Sa school roof top pa talaga! Parang nakakadiri na tuloy pumunta doon."

            "Hahaha! Masaya nga umakyat doon eh! Gusto mo gawin din natin doon sa taas?"

            "Yuck! Kadiri ka! 'Wag mo nga akong igaya sa ibang malandi d'yan. Porque sikat lang boyfriend bumibigay na agad. So malandi talaga!"

            Puro sila tawanan. Puro sila bulungan.

            Alam ko na hindi totoo mga pinagsasabi nila. Alam ko na walang nangyari ganoon sa amin ni Kaizer dahil natulog lang naman talaga kami at nakulong sa school. Pinaliwanag na namin 'yon sa school authority noong makita nila kami sa roof top bago pa nangyari ang mga bulungan na 'to.

            Kaya bakit? Bakit?

            "Masisira ang reputasyon ni Prince sa kanya."

            "Tama. Saka 'di ba siya rin 'yong Miss Eastton natin? Yuck! Dapat mapatalsik na siya sa pwesto. Mamaya isipin pa ng taga-ibang school na malalandi ang mga babae sa school natin ano!"

            "Dapat talaga maghiwalay na sila. Dapat talaga magkabalikan na lang si Prince at Mia."

            "Tama. 'Di hamak namang mas bagay si Mia kay Prince ano!"

            "Maganda. Matalino. Mayaman. Hindi baliw. At higit sa lahat, hindi malandi."

             "Dapat na silang magbreak ni Prince bago pa magkaroon ng bad record si Prince nang dahil lang sa kanya."

            "Tama. Si Mia na lang ulit."

            "Mia and Kaizer forever!"

            Biglang tumahimik 'yong mga schoolmates ko na nandito rin sa may cafeteria nang bigla na lang pumasok si Mia at Kaizer sa loob.

            Napalingon ako sandali sa kanila at nakita ko 'yong sinasabi ng mga babaeng nagbubulungan kanina.

            Ang perfect nga talaga ni Mia at Kaizer sa isa't-isa.

            Parehong magandang nilalang. Parehong matalino. Parehong mayaman. Parehong perfect.

            Bagay na bagay nga talaga sila sa isa't-isa.

            "Anong gusto mong kainin, Kaizer? Libre ko na dahil pumayag ka na samahan ako sa practice natin."

            "Kahit ano."

            "Sure ka?"

            Medyo nagulat ako nang mapalingon si Kaizer sa direksyon ko saka sandaling nagtama 'yong mga mata namin.

            Pero agad ko ring iniwas 'yong tingin ko sa kanya saka tumayo at handa nang umalis sa cafeteria.

            Dapat hindi kami magsama sa iisang lugar baka pati siya madamay sa mga pagbubulungan ng mga schoolmates namin.

            Baka pati siya masabihan rin ng kung ano-anong masasakit na salita.

            Baka pati siya... ma-bully nang dahil sa akin.

            "Sitti, sandali."

            Nagulat ako nang bumanggo ako sa isang taong bigla na lang humarang sa daan ko paglabas sabay mahigpit na hinawakan 'yong isang kamay ko.

            At sa pag-angat ko ng ulo ko, nakita ko ang mukha ni Kaizer.

            At hindi ko alam kung imahinasyon ko lang ba 'tong nakikita ko pero parang...

            Parang ang lungkot ng mata ni Kaizer Buenavista ngayon?

            "Hindi na kita matiis. Kanina mo pa ako iniiwasan. May problema ka ba sa akin?"

            Sandali akong hindi nakapagsalita. Nakatingin lang ako sa mukha niya.

            "Oh my! Tingnan mo 'yong tingin niya kay Prince!"

            "OMG! 'Wag mong sabihing sign language na niya 'yan para yayain si Prince ulit?"

            "Gosh! Ang landi niya talaga."

            Napakagat ako sa labi ko sabay dahan-dahang hinila 'yong kamay ko mula sa hawak niya.

            Sana lang hindi niya narinig 'yong pinagsasabi ng mga babaeng nasa likod ko.

            Sana wala siyang narinig na kahit anp.

            Sana.

            "TG—"

            "W-wala akong problema. 'Wag mo akong kausapin," sabi ko sabay naglakad-takbo palabas ng cafeteria.

            Kailan ko siyang iwasan. Kailangan para hindi siya madamay.

            Kailangan.

            Hindi ko maiwasan na hindi siya lingunin at sa paglingon ko, nakita ko na nakasunod pala siya ng tingin sa akin saka siya napangiti sa akin, isang malungkot na ngiti bago nawalan ng buhay 'yong mata niya saka niya hinarap si Mia at ngumiti dito.

            Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko sa dibdib ko na masakit pero...

            Kung ito lang 'yong tanging paraan para hindi madamay si Kaizer sa akin, siguro mas maganda nga muna na hindi muna kami mag-usap.

            Sorry ulit, Kaizer.

            Ilang araw na lang at malapit na 'yong Mister and Miss Eastton University.

            At pakiramdam ko, hindi magiging maganda 'yong resulta ng contest ngayong semester.

            Hindi.

A/N: Ay nako! For sure may mangbabash na naman kay Sitti. Anyway, bago magreact basahin ng mabuti yung nakasulat sa chapter na ito at i-analyze at uunahan ko na na ang mga nangyayari sa kanila ngayon ay kasama sa kwento. Kasama sa story progress yan. Ganoon po talaga. Leave comments po okay? Okay. Wag lang po puro vote. Salamat.

Like My Tag Boyfriend Page para laging updated sa mga happenings sa MTB. Thank you. That's http://www.facebook.com/mytagboyfriend

Continue Reading

You'll Also Like

7M 283K 52
A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.
13.4M 127K 90
This is the jeje version and I don't wanna touch this one.
1.2M 23.7K 21
Aragon Series #5: The Aragon Goddess and Aragon Princess Story. EVERYTHING WILL REPEAT.
41.3M 686K 61
Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng buong school yung status mo. Wait, nasabi...