Eukrania Academy

By xyourwriterx

1.4K 100 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... More

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Diverse Powers
CHAPTER 3: Rare Magic
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 6: Intruders
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)
CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)
CHAPTER 19: A Night To Remember?
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 25: An Attack
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 28: Troubled Mind
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 21: To Keep

35 3 0
By xyourwriterx

"... my one and only son, George Brando Jr. and his wife-to-be Francine Dela Vega."

Nagsipalakpakan naman ang mga taong naririto ngayon, kabilang na ako. Nakabibigla lang na ngayon ang tinutukoy niyang engagement party, kasabay ng birthday niya. Hindi ko talaga inaasahan ang mga kaganapang ito. Hindi man lang niya sinabi sa akin na ngayon pala ang kaarawan niya. Tumingin ako kila Erica pero binigyan lang nila ako ng isang awkward na ngiti na parang may halong konsensya. Hays.

Nabigla naman ako nang naglakad papalapit sa akin si George. Nagsimula nang magsibulungan ang mga tao. Maging ako ay naguguluhan.

"Anong ginagawa niya? Sino naman 'yan?" wika ng ilan.

"Totoo ba ang bali-balita na may kasintahan na siya?"

"Jusko! Sayang naman ang angkang pinanggalingan niya kung dyan siya mapupunta."

"Isang 'yang outcast, 'diba?"

"Oo, wala akong nase-sense na magic power sa kanya."

Hindi ko na alam kung saan ko ba itututok ang aking atensyon dahil masyadong mabilis ang mga pangyayari, at medyo naguguluhan na ako.

Nang makalapit siya sa akin ay inilahad niya ang kanyang kanang kamay habang nasa likod naman ang isa.

"Do you trust me, Alvira? " bulong niya.

Ngumiti siya. Isang matamis na ngiti na walang halong pagkukunwari. Wala akong ideya kung bakit nagagawa niya pa ang mga ganito, gayong nasa ilalim kami ng isang mainit at hindi komportableng sitwasyon. Pero kahit na ganoon, may tiwala ako sa kanya. Alam ko na sa gagawin naming ito, matutulungan ko siya. May patutungahan ang aming plano, at kami ay magtatagumpay.

Inabot ko ang kamay niya, saka ngumiti. "I trust you, George."

Mas lalong lumakas ang bulungan ng mga bisita. Ganoon na lang din kalakas ang kabog ng dibdib ko, pero kailangan ko itong harapin. Para sa kaibigan ko, para kay George.

Pumunta kami sa pinaka-sentro ng event kung saan naroroon ang parents ni George at ni Francine. Nakakunot ang noo ng mga magulang nila, at mababakas mo ang galit doon. Si Francine naman ay nakangiti lang sa bandang gilid, tila masaya sa hakbang na ginagawa ni George. I guess, hindi rin niya gusto ang engagement na magaganap.

"What's the meaning of this, George?" his dad asked furiously, but still maintaining his composure.

Humarap si George sa napakaraming bisita habang mahigpit na nakahawak sa aking kamay.

"I want to introduce to all of you my girlfriend, Alvira Hawthorne."

Naging tahimik ang buong paligid. Ang tanging naririnig ko lang ay ang pagtibok ng puso ko. Alam ko na anumang oras ngayon ay tataas ang tensyon sa pagitan nila.

"He's just kidding. My son is-."

"No, dad. I am dead serious. She is my girlfriend. I will not marry Francine," George said calmly, but I know how tense he was.

Natahimik ang daddy niya, at alam ko na kumukulo na ang dugo niya dahil namumula ito sa galit. Pilit man niyang itago ay halatang hindi niya nagugustuhan ang pinagsasabi ng anak niya.

"I cannot believe that you are doing this right now, George. I am so disappointed with you," may diin sa mga salitang sinabi niya. "But no. We already talked about this, and we have already settled everything. You are going to marry her, whether you like it or not," may pagbabanta sa boses ng daddy niya.

"No, tito," biglang nagsalita sa Francine na ikinabigla naming lahat. "I do not want to marry him either because I also have my boyfriend here."

Maya-maya ay lumapit ang isang matipunong lalaki mula sa crowd, at saka humawak sa kamay ni Francine.

"Mom, Dad. He's my boyfriend, Albert."

"Are you also out of your mind, Francine? What are you talking about?"

"Mom, we've been together for almost 3 years now. And I really love him. I cannot marry someone that I don't love at all. If I would marry, that would be with Albert."

Nagsimula ulit mag-ingay ang mga tao. Panay ang bulungan nila tungkol sa mga kaganapan sa loob. Hindi na kinayanan pa ng parents ni George ang mga rebelasyon dahilan para mag-walk out sila sa event, ganoon din ang parents ni Francine.

"Everyone, please enjoy the party!" isang maganda at eleganteng babae ang bumaba sa hagdan mula sa second floor. "It is my brother's birthday, above all. Don't be bothered by what happened earlier. Right, George?"

"Enjoy the night, everyone!" George faked a smile.

Tumugtog ang malakas na party music, at nagsimula nang magsikainan ang mga bisita. Ang ilan ay umiinom na ng wine at iba pang alcoholic beverages.

"Let's talk outside." sabi ng ate niya. Humarap siya sa akin. "Go with us. Alvira, right?"

Ngumiti siya, kaya tumango naman ako nang nakangiti rin. Naglakad kami papunta sa labas kung saan walang ibang tao bukod sa amin. Sila Erica ay kumakain na sa loob. Si Francine naman at ang boyfriend niya ay nag-eenjoy na rin sa loob kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

"Happy birthday, my little brother," sabay yakap kay George. "You are so brave. I am proud of you."

"Thank you, ate," kumalas na sila sa pagkakayakap. "You think I did the right thing?"

"Of course, yes. Alam ko naman na hindi ka pa handa sa mga ganoong bagay. Marami ka pang gustong maranasan, at hindi ka pa ready sa malaking responsibilidad kasi bata ka pa," mahinahon na sabi ng ate niya.

Natutuwa ako sa koneksyon nilang dalawa. Mukhang mahal na mahal nila ang isa't isa. Kung sanang may kapatid lang din ako kagaya nila.

"Hindi naman sa hindi pa ako handa sa big responsibility. Hindi ko lang siguro kayang magpakasal sa taong hindi ko naman mahal, ate," malungkot na turan ni George. "Hindi naman kasi ganoon kadali ang ipinapagawa nila sa akin. Kung iyong ibang gusto nilang gawin ko ay nagagawa ko pa, itong pagpapakasal sa taong hindi ko pa nga lubusang kilala ay ibang usapan na."

"Naiintindihan kita, George. At masasabi ko lang na proud ako sa'yo dahil naging matapang ka na ipaglaban ang gusto mo," nakangiting wika ng ate niya. "By the way, hindi mo man lang ba ako pormal na ipapakilala sa nobya mo?"

"Alvira, si ate Grace, ang nag-iisa kong kapatid," ngumiti naman ako sa ate niya. Nahihiya ako. "Ate Grace, si Alvira, girlfriend ko."

Nabigla ako nang yakapin ako ng ate niya.

"Masaya ako na makilala ang kauna-unahang girlfriend ng kapatid ko," biro niya. "Napaka-busy kasi nito sa mga gawain sa academy kaya wala nang time para manligaw."

"Alam mo naman ate na kung sino ang magiging girlfriend ko, siya na talaga diba?"

"Oo naman. Iyan ba naman lagi ang bukambibig mo kila mommy kapag tinatanong ka. Kaya ayan, sila na ang naghanap ng mapapangasawa mo," biro pa ng ate niya.

"Ate, iniisip lang talaga nila ang kayamanan nila kaysa nararamdaman ko."

"I know," medyo natahimik ang ate niya. "Anyway, kailan ang kasal niyong dalawa? Dapat makasal kayo sa lalong madaling panahon."

Nabigla ako sa sinabi niya.

"Ahm-," magsasalita na sana ako pero nagsalita na rin si George.

"Ang totoo niyan, ate, fake relationship lang ang mayroon kami ni Alvira. Ginawa ko ito para itigil na nila pagpapakasal ko kay Francine."

"Don't worry. I already know it," she smiled.

"Really. Oh, I forgot. What would I expect from a person who could read emotions and intentions?" George chuckled.

Nagulat ako sa sinabi ni George.

"You are an outcast, Alvira. But, I like your personality. Your intention was pure. I like how you really wanted to help my brother with his dilemma," she genuinely smiled at me. "Keep her, George. She's one of a kind. You guys must keep your friendship no matter what."

"Mommy!" lumapit ang isang batang babae.

"Oh, sweetie."

"Uncle George," kinarga naman ni George ang bata.

"Oh, my adorable Sofia. How are you?"

"I am fine, uncle. Happy birthday, uncle George!"

"Thank you, my little Sofia."

"Honey! Let's go inside," tawag naman ng husband ng ate ni George.

"Una na kami sa loob, maiwan na muna namin kayo rito."

Tumango na lamang kami ni George. Natutuwa ako sa bond na mayroon silang dalawa ng ate niya. Hindi ko maiwasang mainggit.

"Alvira, are you alright?"

"Yeah. Natutuwa lang ako sa inyo ng ate mo. Sana may kapatid din ako kagaya mo," sabi ko. "Anyway, may kasalanan ka pa sa akin, George. Baka nakakalimutan mo?"

"Ano iyon?" natatawa niyang tanong.

"Aba! Hindi mo man lang sinabi sa akin na ngayon pala ang birthday mo."

"Sorry, I was busy. Actually, nawala rin talaga sa isip ko na ngayon pala ang birthday ko sa dami ng iniisip at ginagawa ko."

"Hindi man lang kita napaghandaan ng regalo. Ako pa talaga ang nasorpresa," nagmamaktol kong wika.

"Hindi mo naman kailangang magbigay pa ng regalo dahil presensiya mo pa lang, sapat na sapat na," seryoso niyang sabi. "Ikaw ang pinakamagandang regalong natanggap ko, Alvira. The fact na nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo na handang gawin ang lahat para sa akin, napaka-swerte ko na roon. Thank you so much."

"Wala iyon, George. Kahit sino naman sigurong kaibigan, gagawin ang ginawa ko. Pero masaya ako na tulungan ka. At deserve mo iyon dahil mabuti kang tao."

Niyakap ko siya, at kumalas din pagkatapos ng ilang segundo.

"Tara na sa loob? Birthday mo ngayon kaya dapat kahit papaano ay mag-enjoy tayo ngayong gabi."

Natawa naman siya, "Tara."

Hinawakan niya ang kamay ko, nabigla ako pero natawa rin naman. Pumasok kami sa loob. Nagkakasiyahan na rin ang mga tao na parang wala lang nangyari kanina. Mabuti na lamang at hindi sila masyadong nagpaapekto.

Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami nila Erica, "O.M.G. That was intense! But we were so glad that the plan was a success. Perhaps?"

"Sorry, Alvira if we kept the information just on ourselves," Miguel apologized. "Para na rin siguro hindi ka mag-back out?" he added.

"It's okay. I understand," I smiled.

"I think, we should enjoy the party now," Alice said.

"Yeah. It's George's birthday slash successful mission," pagbibiro ni Miguel.

Sabay na kaming kumain ni George dahil kami na lang din naman ang hindi pa kumakain sa aming grupo. Kumuha muna sila ng wine at uminom sa gilid kasama ang ilan nilang kakilala na nandito rin sa event. Habang kumakain kami ay may biglang dumating sa aming table.

"Happy birthday, George," wika ng isang babae. "Sorry, na-late kami ni Tyrone. Nahirapan kasi akong maghanap ng susuotin ko, buti na lang talaga at nakapaghintay siya sa akin. Ang sweet 'no?" maarte niyang sabi habang inaayos ang suot niyang mamahaling royal blue na dress, at nakakapit sa braso ni Tyrone.

Tumayo naman si George para harapin sila Aira. "Okay lang. Ang mahalaga, nakapunta kayo."

"Heto ang gift ko sa'yo, George," inabot ni Aira ang isang maliit na paper bag. "Alam kong magugustuhan mo 'yan."

"Ah. Salamat, Aira. Pero hindi ka na sana nag-abala pa na mag-regalo. Anyway, sabay na kayo sa amin kumain. Kakasimula lang din naman namin."

Sinenyasan ni George ang isang staff at nagdala naman agad ito ng mga pagkain para sa dalawa. Napansin ko na sobrang tahimik ni Tyrone, at hindi man lang niya nagawang batiin si George ng simpleng "Happy Birthday". Pati ba naman sa mga ganitong okasyon ay dadalhin niya ang napakalamig niyang ugali.

"I heard na you guys are in a relationship," biglang nagsalita si Aira. "Hmm. Bagay kayo sa isa't isa, except lang sa fact na isa kang elite George, at outcast naman si Alvira."

Walang umimik sa sinabi niya, dahil busy kami sa pagkain. Pero maya-maya ay nagsalita rin si George.

"Our status in the society does not invalidate our feelings towards others. I hope that you understand it well, Aira."

"Yes, of course," ani Aira na tila napahiya sa sinabi ni George, bagaman sinabi iyon ni George sa maayos na paraan.

Pinagpatuloy namin ang aming pagkain hanggang sa maubos ang mga nakahain sa aming mesa. Nagpaalam muna sa amin si George nang tawagin siya ng isang kakilala. Naiwan kaming tatlo sa table. Matapos linisin ng isang staff ang table namin, tumayo naman si Aira para kumuha ng wine. Ang awkward lang dahil magkaharap kami ni Tyrone at wala man lang umiimik sa amin.

"Hindi mo man lang yata binati si George?" naglakas-loob na lang ako na magtanong.

He did not respond.

"Okay," pabulong kong ismid.

"I already did," he coldly said.

Tumango na lamang ako dahil wala na rin naman akong sasabihin. Ako na lang ang nagsimulang gumawa ng conversation, siguro bilang formality na rin dahil nasa iisang grupo kami. Hindi naman siguro maganda kung ganito lagi ang senaryo.

Tatayo na sana ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko. "Stay here."

Ako naman itong nagugulahan ay umupo ulit. "Why?"

"Just stay," he said while looking directly in my eyes. I saw a hint of emotion there. Then, it faded.

Bigla namang dumating si Aira hawak ang isang glass ng wine, kasama ang isang staff na may bitbit ng dalawa pa. Binigay niya sa akin ang isa, at kay Tyrone naman iyong isa.

"Sorry, but I don't drink," I said.

"Oh. That was rude. I am trying to be nice here," pagmamataray ni Aira. "Hindi naman 'yan nakakalasing e. Why not try?"

"Don't force her. Drink it on your own," Tyrone said that made her feel embarassed.

"No, it's okay. I will drink it," I said feeling guilty. "Thank you, Aira."

Nakita ko na parang maluluha na siya dahil sa pagpapahiya ni Tyrone sa kanya. Na-guilty tuloy ako kasi tumanggi pa ako. Nag-effort siya na dalhan din ako ng wine kaya kailangan kong inumin ito kahit kaunti lang. Hindi ako sure kung ginagawa niya ito para mapalapit kami sa isa't isa, kahit papaano. O dahil kasama namin si Tyrone kaya pinipigilan niya ang kanyang sarili na gawan ako ng masama.

We must know who to trust.

Iyan ang natutunan ko sa buhay, dahil hindi lahat ng nakapaligid sa iyo ay totoo. Isang beses na akong naloko, at iyon pang tinuring ko na kaibigan. Kaya naman, simula noon ay naging pihikan na ako sa mga taong makakasama ko, sa mga taong kakaibiganin ko, at sa mga taong pagkakatiwalaan ko.

~•~

Grade 6 kami noon. At si Kate ang childhood bestfriend ko.

"Kate, para saan 'to?" natatawa kong tanong.

Wala akong ideya kung saan ako dinadala ng bestfriend ko. Piniringan niya ako ng panyo sa mata. Sabi niya, may sorpresa raw siya para sa akin. Kaya ang lakas ng kalabog ng puso ko dahil nae-excite ako kung ano ang pakulo niya. Wala namang okasyon.

Nang huminto kami, bigla siyang nagsalita. "Ngayon ang annivesary ng friendship natin kaya sana magustuhan mo 'to."

Pagkatanggal ko ng panyo, nagulat ako nang maraming nakapalibot sa amin na iba pang estudyante. Ang sasaya ng mga mukha nila, mga nagbubulungan at tila nanonood ng palabas.

"A-Anong ibig sabihin nito, Kate?"

"Pinuputol ko lang naman ang pagkakaibigan natin sa mismong araw kung kailan tayo unang nagkakilala," galit niyang wika.

"B-Bakit naman? May nagawa ba akong mali sa'yo?"

Anumang oras ay papatak na ang luha ko.

"Alam mo naman 'diba na gustong gusto ko si Renz. Nag-confess ako sa kanya kahapon, at sinabi niya na ikaw ang gusto niya," mariin niyang sabi.

"K-Kate, teka, naguguluhan ako. Ano naman ang koneksyon noon sa pagkakaibigan natin?"

"Alvira, ano ba? Manhid ka ba? O sadyang napakamakasarili mo lang?" may diin sa pagsasalita niya. "Lahat ng atensyon nasa iyo. Ikaw ang first honor, ikaw ang paborito ng mga teacher natin, ikaw ang laging representative sa mga contest, pati ba naman si Renz kukuhain mo pa? Sawa na akong maging pangalawa!"

Bumuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko alam na ito pala ang dala-dala niya sa buong panahon na magkaibigan kami. Iniisip niya na inaangkin ko ang lahat. Iniisip niya na gusto kong maramdaman niya kung ano itong nararamdaman niya ngayon. Iniisip niya na makasarili ako.

Pero sa totoo lang, inosente ako sa mga sinabi niya. Hindi iyon ang intensyon ko. Hindi ko ginusto na makaramdam siya ng ganito. Ayokong nararamdaman niya na parang ang baba niyang tao.

"S-Sana sinabi mo noon pa na gusto mo palang maging first honor, edi sana nag-adjust ako. Sana sinabi mo na gusto mo palang maging representative ng section natin, edi sana ikaw na lang ang ipinalit ko sa akin. Handa naman akong gawin ang lahat, mapanatili lang ang pagkakaibigan natin, Kate," lumuluha kong wika.

"Sana nga noon pa lang sinabi ko na sa'yo na ayaw na kitang maging kaibigan e. Hindi katulad ngayon na pati ang taong gusto ko, aagawin mo pa."

"Wala akong gusto sa kanya, Kate," depensa ko sa aking sarili. "Sana alam mo kung gaano ako nasasaktan ngayon. Nasasaktan ako para sa'yo dahil ganyan ang nararamdaman mo. At nasasaktan ako para sa sarili ko dahil ganyan kababaw ang tingin mo sa akin at sa pagkakaibigan natin."

"Well, hindi ka naman kasi kawalan. Marami akong kaibigan, samantalang ikaw, ako lang ang kaibigan mo kasi you are a freak," mataray niyang sabi.

Parang ibang Kate na ang kaharap ko ngayon. Nilamon na siya ng inggit at galit niya sa akin.

"Siguro hanggang dito na lang talaga. Dito na magtatapos ang peke nating pagkakaibigan. Bye, Alvira!" at tinalikuran niya ako sa harap ng maraming tao.

Simula noon, hindi na kami nagkausap ni Kate. Sinubukan ko siyang kausapin, pero nagawa pa niya akong ipahiya at ipagtabuyan. Masakit. Sobrang sakit. Hindi ko inaasahan na hahantong sa ganito ang pagsasama namin.

Nagpalipat ako sa pangalawang section para wala nang kompetisyon sa pagitan namin na siya lang naman ang nag-iisip. Hindi na ako naging active sa klase dahil nawalan na rin siguro ako ng gana. Nagko-comply na lang ako sa mga requirement para pumasa, hindi para maging honor student.

Naging sila ni Renz, at masaya ako para sa kanila. Si Kate ang valedictorian ng batch namin, at hindi niya alam kung gaano ako ka-proud sa kanya. I was so happy for her.

~•~

Sa kabuuan, malaki ang impact ng nangyaring iyon sa buhay ko. Nahirapan na akong magtiwala muli. Kaya kong makisama sa ibang tao, pero hanggang doon na lang iyon. Hindi na hihigit pa.

Napagtanto ko kasi na mahirap makahanap ng taong tunay na magmamahal sa iyo. Naramdaman ko lang iyon sa lola ko na nagpapakahirap para matustusan ang pag-aaral at mga pangangailangan ko.

Subalit ngayon, maraming nagbago. Hindi ko inaasahan na bubuksan ko ulit ang pintong matagal nang nakasara. Hindi ko inaasahan na magkakaroon ako ng mga kaibigan, at ang matindi ay mga elite pa.

Ngunit, nahihirapan rin ako sa totoo lang dahil unti-unti na akong napapamahal sa kanila. Alam kong medyo imposible, pero umaasa ako na hindi magbabago ang samahan namin sa grupong Dark Noxis kahit pa magkaiba ang estado namin sa lipunan, at kahit pa bumalik na ako sa aming bayan. Umaasa ako na mananatili ang pagkakaibigan namin habambuhay.

"Alvira, okay ka lang?" nagising ang diwa ko sa boses ni George. "Ang lalim yata ng iniisip mo?"

"Ah. Okay lang ako. May naalala lang," I smiled.

"Hey, everybody. Let's dance!" aya niya sa aming lahat.

"Of course! We will enjoy this night because it's George's day!" Erica shouted.

At sinabayan na nga ng lahat ang malakas na beat ng music. Lahat ay umiindak. Para kaming nag-didisco. Sobrang saya lang. Hindi ko maiwasang makaramdam ng sobrang kagalakan.

Doon ko napagtanto na nasa mga totoong tao ako. I will surely keep them, forever.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

176K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...