Eukrania Academy

By xyourwriterx

1.6K 102 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... More

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Diverse Powers
CHAPTER 3: Rare Magic
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 6: Intruders
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)
CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 21: To Keep
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 25: An Attack
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 28: Troubled Mind
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 19: A Night To Remember?

32 4 0
By xyourwriterx

Nakatutuwang isipin na naging matagumpay ang proyektong naiatas sa aming grupo. Hindi madali ang pinagdaanan namin para lamang maisakatuparan ang aming mga pinagplanuhan. Of course, hindi naman namin ito maisasagawa nang maayos kung wala ang tulong ng mga Eukrania Academy student.

Naghanda kami ng isang victory party para sa mga lumahok at nanalo sa mga aktibidad na aming pinamunuan. Dahil tapos na ang Festival of Magic, ngayon naman ay magdidiwang kami sa pagiging successful ng event na ito.

"See... napakaganda ng resulta ng circus mo. Sabi naman sa'yo, hindi ka nila bibiguin," ani Erica.

"Namangha ang lahat ng mga manonood sa palabas na iyon. Tama lamang na iyon ang naging huling event dahil mukhang hindi nila iyon malilimutan," nakangiting wika naman ni Alice.

Kasalukuyan kaming nagbibihis para sa party na magaganap kalahating oras mula ngayon. Just like before, sila ang nag-aasikaso ng magiging hitsura ko. Sa kanila ko na ipinaubaya ang lahat, mula sa aking susuotin hanggang sa mga cosmetic sa aking mukha. May tiwala naman ako sa kanila, at isa pa, wala rin naman akong alam sa mga ganito. Ang gusto ko lang ay simple.

Habang nag-aayos ay naalala ko ang pagtatanghal nila kanina. Sa palabas na iyon, ang bida ay isa palang kalahating tao, kalahating isda; in short, isa siyang sirena. Malamang nagulat ang lahat dahil ngayon lamang sila nakakita nito sa totoong buhay, maging ako ay nagulat. Pero hindi ko alam kung kaya lang ba niyang magtransform sa ganoong anyo gaya ng ability ng iba, o isa talaga siyang sirena.

Sabi ni Alice, hindi raw iyon totoo. Isa lamang silang alamat sa mundo nila. Never pa raw silang nakakita nito sa personal o naka-encounter man lang. Isa lamang daw itong kuro-kuro; isang magandang kwento na nagpasalin-salin sa bibig ng mga matatanda. Pero kung tutuusin, hindi naman iyon imposible. Sila nga, may mga kapangyarihan na wala sa mga ordinaryong tao. Kaya posible rin talaga na totoo sila, na nabubuhay din sila sa mundong ito.

Sa pagtatanghal nila, naging sirena nga si Arina. Sabi nga ni Hana, ito ang madilim niyang sikreto. Nagulat ang mga tao, lalo na si Edward. Hindi niya inaasahan na ang naging nobya niya ay isa palang sirena. Nakakulong ito sa malaking aquarium, hindi man masyadong halata, pero umiiyak ito.

"Hindi niyo ito inaasahan, diba?" masayang wika ni Hana, na tila nang-aasar pa. "Anong masasabi mo rito, Edward? Anong nararamdaman mo sa nalaman mong ito?"

Hindi nakakibo si Edward dahil maging siya ay hindi makapaniwala. Pero alam niya sa sarili niya kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Pinagbabato ng mga tao ang aquarium kung nasaan si Arina. Halos mabiyak na ang salamin nito dahil sa lakas ng pagbato nila.

Biglang tumayo si Edward, "Itigil niyo na 'to! 'Wag niyo siyang sasaktan!" Humarap siya kay Hana. "Hana, please lang lubayan mo na si Arina. Dahil kahit anong gawin mo, hindi mababago ang katotohanang siya ang mahal ko."

Naglakad si Edward papunta sa stage kung nasaan si Arina. Ngunit, hindi pa man siya nakalalapit, may isang lalaking nagbato ng malaking bato sa kanyang ulo. Napansin ko naman si Lilian sa isang sulok, siya iyong kunehong naging tao. Bigla siyang sumanib sa katawan ni Arina na agad namang kinontrol ang tubig sa kanyang paligid para iligtas si Edward.

"Ahhhhk! Halimaw!" sigaw ng mga tao, saka nagpatuloy sa pagbato sa kanila.

Kumislap ang mga mata ni Arina, naging kulay asul ito nang panandalian. Sa isang iglap lang ay nawasak ang buong venue dahil sa impact ng kapangyarihan niya. She washed them all with her wrath. She did not want to do it, but the fact that the person she loves will be in great danger, she thought of protecting him with all her strength and power.

Mabilis na lumayas ang mga tao sa lugar na iyon, maging si Hana. Natakot siya na baka mapatay siya na Arina. Pero hindi niya alam na hindi naman ito kayang gawin ni Arina sa kanya o sa kahit na sinong tao dahil malinis ang kanyang budhi.

Later on, she found out that Lilian was her Water Element. Arina was protected and guided by her own magic, who happened to be Lilian, all her life since when she was a kid. She was with her since when she was born in this world. And like what Lilian said, it's the right time for Arina to know everything about her power.

In the end of the story, Edward and Arina continued what has been stopped by all the tragic and unwanted happenings in their lives— in their relationship— finally, they got the chance to start a new life together. They just proved that love has no face, because it does not look for the physical attributes of a person, but it seeks for a genuine personality and a good character that a person has.

~•~

Pagkatapos naming mag-ayos ay bumaba na kami. Hindi pa man kami nakabababa, rinig na rinig na namin ang malakas na tugtog. Malamang ay nagsisimula na ang kasiyahan sa ibaba. Pagkalabas pa lang namin ng pintuan, bumungad sa amin ang likuran ng tatlong makikisig na lalaki.

"Hey, gorgeous ladies!" bungad sa amin ni Miguel. Inalalayan niya kaagad si Erica dahil sa suot nitong gold night gown. Napansin kong bagay sila sa isa't isa.

"You're so stunning tonight, Alvira," George said while smiling.

"Thank you, George," I smilingly said. "By the way, I like your looks, too. It makes you more of a good-looking guy."

He is wearing a white long sleeve polo and gray pants matching his gray tuxedo. Lumapit na siya kay Alice na siyang ka-partner niya sa gabing ito. Pinilit ko pa siyang partner-an si Alice dahil gusto niya na ako ang ka-partner niya. Hindi naman problema kay Alice ang kapares dahil maraming nagtanong sa kanya, pero tinanggihan niya ang mga ito. Mas maganda na rin kasi na kakilala niya iyong makakapares niya.

"Wow! You look so beautiful as ever, Alvira," bati sa akin ni Asher. Naglakad siya palapit sa akin, inabot ang aking kamay saka hinalikan. "Salamat dahil pumayag ka na ikaw ang maging date ko sa gabing ito."

Natawa ako nang kaunti, "Salamat, Ash. Walang problema roon. Isipin mo na lang na regalo ko na ito sa'yo dahil sa pagkapanalo mo."

"Aray naman! Paano kung hindi pala ako nanalo? Edi hindi tayo magkasama sa gabing ito?" may pahawak-sa-dibdib-effect pa siya.

"Hindi, biro lang," natatawa kong sabi. "Tara na?"

Naglakad na kami sa hallway papunta sa hagdanan paibaba. Hindi pa man kami masyadong nakalalayo sa aming pwesto kanina, bumukas naman ang isang pinto sa bandang likuran namin. Nilingon namin ito at nakita si Aira na mahigpit na nakahawak sa braso ni Tyrone. Kung titingnan mo, para silang magkasintahan dahil parehas sila ng tema ng suot— color black.

"Team captain," bati ni Erica. "You look so good, tonight."

Hindi man lang nagsalita si Tyrone, at parang walang narinig. Masyadong seryoso ang mukha niya, wala kang makikitang emosyon. Bumalik na naman sa dati ang pakikitungo niya sa mga taong nakapalibot sa kanya. Mas lalong naging dark ang aura niya.

Napatingin siya sa direksyon ko, nagkasalubong ang mga titig namin. Hindi ako kaagad nakaiwas ng tingin dahil parang nilalamon ako nito. Tumindig ang balahibo ko sa ibinibigay niyang sensasyon sa akin. Nagawa ko namang iiwas ang aking tingin, dahil kung hindi baka tuluyan na akong nilamon nito.

Hinawakan ni Ash ang kamay ko, at inilagay ito sa kanyang braso. Napasulyap pa ako nang bahagya sa gawi ni Tyrone bago kami magpatuloy sa paglalakad, at doon ko sandaliang nakita ang pag-igting ng panga niya. Sa di maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng hindi komportableng pakiramdam.

Nang marating namin ang ground, abala na ang karamihan sa pakikipag-socialize sa ibang tao. Ang mga pagdiriwang na katulad nito ay talaga namang naaayon sa mga katulad nilang may marangyang buhay. Kitang kita mo ang pagkakaiba, lalo na kung nanggaling ka sa simpleng pamumuhay.

Hindi ko naman pinangarap na maranasan ang lahat ng ito. Kailanman hindi ko ginusto na mamuhay katulad nila. Kuntento na ako sa buhay na mayroon ako. At sa pananatili ko rito, napansin ko na masyadong kumplikado ang buhay na mayroon sila.

Ang akin lang naman, bakit kailangan pang magkaroon ng diskriminasyon? Hindi ba pwedeng mamuhay nang payapa, iyong walang panghuhusga dahil sa mga pagkakaiba?

Dumiretso kami sa table na nakalaan sa aming grupo. Dahil kapareha ko si Asher sa gabing ito, parang parte na siya ng grupo sa sandaling oras na ito. Nang maagaw namin ang atensyon ng iba, ang kaninang maingay na lugar ay panandaliang tumahimik.

"They are already here," a lady said.

"They all look stunning," someone from the crowd commented.

"I could not believe that we will be able to see them this close."

"They are like Gods and Goddesses by the way they look."

I was overwhelmed by their perspectives about us. It was like, even for a single night in the entirety of my existence, I was appreciated and valued by these people who commonly see ordinary people like me as a trash. I cannot help but smile at them. They were praising us like we were Gods and Goddesses from literatures they have read on. However, I would not be surprised if they suddenly realize that I do not really belong to their world, and just throw bad words against me.

"Hey, Alvira. Can we dance?" Asher asked me, lending his hand right in front of me.

I smiled, "Sure, why not?"

He gently guided me through the dance hall, and put his both arms on my waist. Inilagay ko naman sa balikat niya ang dalawa kong kamay. Nagsimula ang party sa isang introductory speech na sa halip na ang team captain ang nagsagawa, inako na lamang ni Erica dahil mukha namang walang balak si Tyrone na magsalita para sa lahat.

Pero mukhang mas naging maayos naman ang nangyari dahil nagkaroon ng sigla ang event dahil sa nakasisiglang presensya ni Erica. She is really good at this, specifically at socializing and communicating with other people through her charming and strong personality.

"Do you have a boyfriend, Alvira?" he asked.

"I don't have, since birth, and I don't have plan at all," I said.

"Sa ganda mong 'yan, wala man lang nagtangkang manligaw sa'yo? You must be kidding me."

"No one actually tried. And it's just good because it's not my major priority after all."

"Yeah. I see," he smiled. "You know what, I honestly like you. The way how your personality makes a person curious, and yeah I do."

"To honestly tell you, I also like how your presence lightens up the mood whenever you are around. There's something about you that I cannot explain. But all in all, I like it," I said. "It might probably be great to be your friend."

"I feel the same way, Alvira," he genuinely said.

"Okay, I think, we're officially friends now?"

"Yes, of course."

We both laughed. Later on, George asked me to dance. Nagpalit kami ng kapares, si Alice na ang kasayaw ni Asher, at si George naman ngayon ang kasama ko. Napansin ko na parang may nag-iba kay George, parang naging seryoso ang aura niya. At hindi ako sanay na ganito siya.

"May problema ba, George?" tanong ko sa kanya.

"A-Ah wala, Alvira," at biglang nagbago ang mood niya, sumigla siya pero alam mong may mali. "You look so different now, Alvira. You're becoming more beautiful as the days go by."

"Thank you, George. Same with you," I said smiling. Hindi ko na siya tinanong pa kung may problema ba talaga siya. Knowing his personality, mahahalata mo kaagad kung may mali sa kanya, at kung may problema ba siya kasi napaka-jolly niyang tao, and the moment he becomes silent, you already know that there's something wrong. And I think, I am not in the position to interfere with it, as of now. We better enjoy this night because it's just like a rare occasion.

Nahagip ng mga mata ko ang direksyon nina Tyrone at Aira na nakaupo sa isang sulok. Bored na bored ang mukha ni Aira dahil siguro wala man lang kagana-gana sa katawan si Tyrone. Hindi man lang siya inayang sumayaw, at ayun ang pagmumukha ni Tyrone na parang pasan ang buong daigdig, at napakaseryoso na wala ka nang makikitang emosyon.

For a moment, nagtama ang paningin namin. It was as if, the time has stopped, and it was just the two of us in the middle. The light was out for a second, and I blinked my eyes. Hindi ko alam kung nananaginip ba ako o siya na talaga ang kaharap ko ngayon?

"I don't like what you are wearing," he whispered without any emotions. "You're making me rage at everyone who stares at you intently, with lust."

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

184K 12.9K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...