Eukrania Academy

xyourwriterx tarafından

1.4K 100 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... Daha Fazla

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Diverse Powers
CHAPTER 3: Rare Magic
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 6: Intruders
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)
CHAPTER 19: A Night To Remember?
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 21: To Keep
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 25: An Attack
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 28: Troubled Mind
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)

25 3 0
xyourwriterx tarafından

Sunod namang sumalang ang dalawang babae, ang isa sa kanila na galing sa Eukrania Academy ay nagngangalang Lydia, habang ang isa namang galing sa Garigill Academy ay si Alexa. Now that I got the opportunity to witness two amazing ladies showcasing their powers, I won't miss the chance this time.

I wonder what their magic or ability is. I'd like to see it, because it's rare to see females joining this kind of competition. I love their courage to fight regardless of their gender.

The battle already started. They're both observing each other. Kauumpisa pa lamang nila, nakita ko kung paano mataranta si Lydia, tila natatakot siya. Umaatras siya palayo sa kanyang katapat. Anong nangyayari? Natatakot ba siya sa kalaban niya?

"Alexa is an illusionist. She can make illusions and use it against her opponent," Alice said on my right side. "Unfortunately, Lydia did not realize it yet."

May naalala ako sa sinabi ni Alice. I was trapped in an illusion before. Kung hindi ko napagtanto na isa iyong ilusyon, baka namatay na ako. Ano kayang nakikita o nararanasan ni Lydia ngayon sa loob ng illusion na ginawa ni Alexa?

"Illusions could be your worst nightmare. It could be something you fear the most. And it could actually kill you, if you're not able to free yourself from it, immediately," Erica added.

Lumapit si Alexa papunta kay Lydia, at nagulat ako nang maglabas siya ng dagger. Is she serious about it? For the sake of victory, she would kill somebody? Makakalapit na sana siya kay Lydia nang bigla itong napaluhod. Makikita sa kanyang mukha ang pag-inda sa sakit na nararamdaman. Nakahawak siya sa kanyang ulo. Ano na namang nangyayari?

"Based on my observation, Lydia has an absorption ability where she could copy someone's ability," Alice explained once again. "Maybe, she eventually realized that it was just an illusion, so she copied it right away and used it against her opponent."

It seemed that Alexa didn't expect it, she wasn't moving. Hindi niya alam na isa lamang iyong ilusyon. Siguro kaharap niya ngayon ang pinaka-kinatatakutan niyang bagay, at hindi niya alam na isa lamang din iyong ilusyon. Moments had passed, the judges decided that Lydia won this match as Alexa did not manage to respond. But then, I was really amazed.

Makalipas ang ilang minuto, narinig kong muli ang hiyawan ng mga tao. Isinisigaw nila ang pangalan ni Asher or "Ash" sabi nga niya. Malapad ang ngiti niya, humarap siya sa maraming tao at yumuko. He's very confident, and I like it. Tinawag ng emcee ang pangalan ng makatutunggali niya, pero hindi ito pumupunta sa stage.

Bumilang ng lima ang emcee, pero hindi pa rin ito lumalabas. Dahil kasama ito sa rules, automatically disqualified iyong kalaban niya. It was an easy win for Ash. Lalo pang lumakas ang hiyawan ng mga taong sumusuporta sa kanya.

"Kita mo, naduwag iyong makakalaban niya! Si Asher kasi iyan!"

"Same school kasi sila. Baka alam niya na na wala siyang panalo kay Ash!"

"Oo nga! Ibig sabihin noon, malakas talaga ang pambato natin!"

"GO ASHEERRR!!"

"ASHER FOR THE WIIIINNN!"

Natutuwa ako sa suportang ibinibigay sa kanya ng mga tao. Kilala man niya ang mga iyan o hindi, dapat siyang magpasalamat dahil may mga nagtitiwala sa kakayahan niya. Kumakaway naman si Ash sa fans niya, maya-maya'y napunta sa akin ang tingin niya. Ngumiti siya sa akin kaya binigyan ko rin siya ng simpleng ngiti. Bumalik na siya sa backstage.

"Alright! What are we waiting for? Tawagin na natin ang ating Magic Three," sa sinabing iyon ng emcee, mas lalong nag-ingay ang mga tao. "From Southwold Academy, Jerick Alcantara!"

Mabilis siyang lumabas ng stage, at sinalubong ang kamay ng mga taong nasa bandang ibaba ng stage. Yumuko siya para maabot ang kamay ng mga ito. Nang makarating siya sa gitna ng entablado, nag-bow siya.

"GO JERICK!!!!"

"I LOVE YOU JERICCKK!"

Nagsalita na ulit ang emcee," From our beloved Eukrania Academy, Lydia Miller!"

"GO LYDIA!!!"

"KAYA MO YAN, LYDIA!!"

"GIRL POWER!!!"

Panghuli namang tinawag si Ash. "From Astrakhan Academy, Asher Hearst!"

"WOOOOH!!! GO ASHER!!"

"Who do you think among these three amazing students will dominate this Magic Combat? Who will take the championship? Alright, without further ado, let this battle begin!"

The final battle finally started. Sino kayang mananalo sa kanila? Para sa akin, kahit isa lang ang tatanghaling champion, lahat sila ay panalo na. Hindi madali ang pinagdaanan nila para mapabilang sa Magic Three, kaya para ka na ring nanalo dahil nakaabot ka sa part na ito.

Lydia has an absorption ability, but how long it will take for her to absorb their power? Can she only absorb someone's ability, but not their power nor magic? Are all of these just the same? I do not actually know. Maybe now, I will see and prove it.

On the other hand, Jerick has an ice elemental magic. As what I have seen in his previous battle, he can freely control it with his own will. Whatever he thinks, his magic will do. All elemental wizards usually have the ability to use their given elemental magic like they really own it. But in fact, based on my research, they are just having this mutual bond with that specific element. Ibig sabihin, hindi ito pwedeng gamitin sa kasamaan dahil maaaring masira ang ugnayan ng elemento at ng gumagamit nito.

However, I do not have any idea about Asher's magic. Pero alam ko na may ibubuga siya dahil hindi siya mapapabilang sa Magic Six, at ngayon sa Magic Three, kung mahina siya. Isa pa, tila naduwag iyong makakalaban niya sana kanina na hindi sumipot sa stage. Kung tutuusin, may laban naman sana iyon kasi napasama nga siya sa anim, pero bakit hindi na siya lumaban? Ganoon ba kalakas si Ash para panghinaan siya ng loob? Narinig ko rin kanina na magka-schoolmate sila. Never mind.

Natahimik ang buong arena, walang ingay na maririnig. Tutok na tutok sa stage kung saan maglalaban ang tatlong estudyanteng natitira. Lahat sila magaling, pero isa lang ang mananalo. Matitira ang matibay. Sino nga ba?

Katulad ng ginawa ni Jerick kanina, ginawa niyang yelo ang paligid nila. Agad namang dumipensa ang dalawa— Lydia at Ash— para umisip ng magandang atake. Gumawa ng isang ice ball si Lydia na na-absorb ang ice magic ni Jerick, at inatake ito papunta kay Ash. Agad naman itong nailagan ni Ash sa pamamagitan ng super speed, parang kidlat.

"WOAH!" hiyawan ng mga tao.

Hindi ko alam kung anong stratehiya ang gagamitin nila ngayong tatlo silang naglalaban. Gumawa ng ice flying daggers si Jerick papunta sa dalawang kalaban. Nakailag si Ash, pero si Lydia ay nadaplisan sa kanyang kaliwang braso. Dumudugo ito at nabahiran na ng pulang likido ang sahig. The pain was visible on her face.

Hindi pa nakuntento si Jerick, he created a huge ice ball and threw it away on Lydia's direction. He seemed so serious about winning this competition. But what really surprised me was Ash who quickly moved to save Lydia. The ice ball melted in front of them.

The strike of a lightning was shot on Jerick's direction, but he was able to make a shield made up of ice. So, Asher has the ability to manipulate electricity in any form. It was supposed to be a battle, but Ash saved Lydia from that ice ball. If he did not do it, for sure, Lydia will take the damage by herself, and it could be fatal.

Lydia raised her both hands indicating that she surrenders the battle, leaving these two men the privilege to fight each other. Maybe, she realized that she was no longer able to win this combat knowing that she has to face Asher and Jerick who happened to be too powerful. Though, she gave a good fight.

In the end, it was a final battle between Asher and Jerick. Who's going to win? No one knows. Fate could be twisted, and we're not fully aware of it.

The fight continued, and it became intensely exciting. Nakita ko sa aking peripheral view na seryoso ring nanonood sina George at Tyrone. Siguro nagugustuhan nila ang laban ng dalawa. Hindi naman kasi maitatanggi na nakamamangha ang galing na ipinapakita nila sa pakikipaglaban.

Bumalik ang buo kong atensyon sa dalawang naglalaban. Sunod-sunod na naghagis ng dagger na gawa sa yelo si Jerick papunta kay Ash. But he effortlessly warded it off. Hindi pa rin tumigil si Jerick sa pag-atake gamit ang kanyang ice magic, pero tila wala lang ito para kay Ash. Iniilagan niya ito nang hindi masyadong nagbibigay ng lakas.

Hinihingal na huminto si Jerick sa pag-atake, habang nakapamewang na nakatayo si Ash sa kabilang side. Walang bakas ng pagod sa kanyang mukha. Mukhang nakahanap talaga si Jerick ng katapat niya. Iniisip niya kaya ngayon iyong date na sinabi niya sa akin?

Tumingin siya sa akin, saka bahagyang ngumiti. Napansin iyon ng mga tao kaya napatingin din sila sa gawi ko. Iyong iba ay kinikilig, habang iyong iba naman ay naiinis. Hindi ko na lamang sila pinansin. Seryoso akong tumingin sa kanya, mukhang desidido siyang manalo, pero kakayanin niya ba?

Tumingin ako sa gawi ni Ash na seryosong nakatingin sa akin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo. Ganito pala siya pagdating sa mga seryosong bagay. Hindi ko makita ang jolly side na nakita ko kanina.

Habang nakatitig siya sa akin, nagulat ako nang mabalot ng makapal na yelo ang buong katawan niya. Hindi siya naging alerto sa pag-atake ni Jerick dahil nakatingin siya sa akin. Hindi ko man lang din namalayan na naghahanda na pala ng atake si Jerick para sa kanya.

Gumawa pa si Jerick ng isang espada na gawa rin sa ice. Nakangisi siyang tumakbo papunta sa direksyon ni Ash. Plano ba niyang saksakin si Asher gamit ang espada niya?

Pero mabilis ang pangyayari, hindi ko inaasahan na nakabulagta na si Jerick sa sahig. Nang aatake na siya papunta kay Ash kanina, agad na natunaw ang yelo sa katawan ni Ash. Sa isang iglap, kumuha siya ng electric energy mula sa kalangitan at mabilis itong inatake papunta kay Jerick. Malakas na enerhiya ang pinakawalan niya kaya malamang ay napuruhan talaga si Jerick.

"WOAAHHH!!!! ASHER! ASHER! ASHER!!" pagchi-cheer ng mga supporter niya.

"Sabi sa inyo e!"

"Malakas talaga siya!"

"I love youuu, Asher!!!"

"That was indeed an epic and intense battle! So obviously, now, we have this year's Magic Combat Champion!" malakas na anunsyo ng emcee. "Congratulations to Asher Hearst of Astrakhan Academy!"

~•~

"Alvira, what are you feeling right now?" Alice asked me.

"Sa totoo lang, kinakabahan ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong gagawin nila, kung anong ipapakita nila," wika ko. "Sana lang ay hindi nila tayo biguin dahil sa kanila nakasalalay ang araw na ito."

"Magtiwala tayo sa kanila. Hindi naman yata nila gugustuhing mapahiya ang academy," ani Erica. "Baka naman may pasabog sila kaya ayaw nilang ipaalam sa atin. "An element of surprise", ika nga nila."

Matapos ang isang oras— pagkatapos ng Magic Combat— isinagawa naman namin ang Circus na pagbibidahan ng mga piling estudyante ng Eukrania Academy. Naisipan nilang daanin sa isang maikling kwento ang pagtatanghal ng kanilang mga abilidad at kapangyarihan. Dahil ang tanging layunin ng show na ito ay para maipakita ang angkin nilang kakayahan.

Napuno ng maraming tao ang loob ng venue. Mayroong malaking entablado sa harap kung saan sila magpe-perform. Para lang kaming manonood ng sine ngayon dahil nga magsasadula sila ng isang kwento na kanilang pinaghandaan. Ano kayang tatakbuhin ng kwentong ito?

Dahil ito na ang panghuling gawain, kumpleto ang Dark Noxis ngayon. Magkakatabi kami sa bandang itaas ng mga audience para makita namin nang maayos ang play na gagawin nila. Katabi ko si Erica sa kaliwa na katabi naman si Miguel. Naroon pa rin naman si Alice sa aking kanan, katabi si George na katabi naman si Tyrone. Katabi naman niya si Aira sa dulong bahagi. Nakatutuwa lang isipin na pinagigitnaan ako ng lovers. Kung may third-wheel, mukhang seventh-wheel yata ako ngayon. Natawa na lamang ako sa aking isipan.

Nagsimula ang kanilang pagtatanghal. Madilim ang paligid, tanging ang liwanag na mayroon dito ay ang spot light na nakatutok sa mga gumaganap. Maganda ang background nila, parang totoo. Hindi ko alam kung gawa lamang ba ito sa isang ilusyon kasi para talagang nandoon ka sa lugar na iyon.

Sinimulan nila ang istorya sa isang dalagang naglalakad sa gitna ng kagubatan. Umiiyak ito habang dala-dala ang isang basket na may lamang mga prutas. Nagpatuloy siya paglalakad hanggang sa marating niya ang dalampasigan. Huminto siya sa isang malaking tipak ng bato, at doon umupo.

Lumapit sa kanya ang isang kuneho, sinundan pa ito ng iba pang hayop mula sa kagubatan. Kinausap niya ang mga ito.

"Ano bang mali sa akin? Bakit lagi na lang akong nasasaktan?" wika niya. "Mali bang maging totoo sa aking nararamdaman? Mali bang maging totoong kaibigan?"

Umiiyak niyang wika. Nagulat ako nang maging tao ang kuneho, isang babae. Nagulat din ang bida, hindi niya inaasahan na ang isang kuneho ay isa rin palang tao.

"Walang mali sa'yo, Arina. Hindi lang nila matanggap na mas espesyal ka sa kanila. Hindi nila kayang tanggapin na maganda ka na nga, maganda pa ang iyong kalooban," wika ng kuneho.

"T-Teka. Sino ka?"

"Ako si Lilian. Matagal na kitang sinusubaybayan, Arina. Kahit saan ka magpunta, naroon ako."

"Hindi ko maintindahan."

"Maiintindihan mo rin balang araw."

Naglaho siyang bigla. Naiwan si Arina na nagtataka't naguguluhan. Maya-maya'y dumating ang isang lalaki. May bitbit ito sa kanyang likuran.

"Edward, anong ginagawa mo rito?"

Lumapit ang lalaki sa kanya, "May gusto sana akong ipagtapat sa'yo." Inilabas niya ang isang rosas sa kanyang likuran. "Arina, matagal na kitang gusto."

"Edward, nagbibiro ka ba?"

"Hindi, Arina. Seryoso ako," lumuhod pa ito sa kanyang harapan. "Maaari ba kitang ligawan?"

Tumayo nang maayos si Arina, ganoon din naman Edward. Tinanggap niya ang rosas, at tumango. Pumapayag na siyang magpaligaw kay Edward. Nagkaroon ng isang romantikong tugtog, sinabayan naman nila ito ng pagsayaw.

Sadyang napakaganda ng bawat pagkilos nila. Parang bumabagal ang pagtakbo ng oras sa bawat paggalaw nila, napakagandang tingnan. Ang masasabi ko lang, bagay silang dalawa.

Mabilis na nagbago ang setting. Lumipas ang maraming araw, at tuluyan na silang nahulog sa isa't isa. Walang araw na hindi sila magkasama. Mula sa kanilang tahanan, dalampasigan, at paaralan, lagi silang magkadikit.

Nagkaroon ng rehearsal sa kanilang gymnasium. Lahat ng kasali roon ay may mga kakayahan sa pagtatanghal sa harap ng maraming tao. Dahil parte siya ng production team, siya ang nag-aayos ng mga kailangan nila. Iyon ang ambag niya sa kanilang community project. Ang malilikom nilang pera ay ibibigay nila sa mga kapus-palad.

May mga naglalambitin sa rope, at sumasayaw sa ere. Mayroon namang nag-e-exhibition na tumatalon at tumatawid sa apoy kasama ang alagang leon. Mayroong kumakausap ng mga hayop gaya ng ibon, ahas, tigre, at iba pa. Napaka-perpekto na nito para sa isang pagtatanghal.

Habang abala ang iba sa pagpa-practice, nilapitan ng tatlong babae si Arina na abala rin sa ginagawang props. They confronted her in one corner of the place where no one could see and hear them.

"Kayo na ba ni Edward?" tanong ng mukhang lider ng grupo nila. "Sumagot ka, Arina!"

"Hana, ano bang problema mo? Matalik naman tayong magkaibigan, pero bakit ka nagkakaganito ngayon?" naluluhang wika ni Arina.

"Noon iyon, hindi na ngayon," mariin niya wika. Madiin niyang hinawakan si Arina sa panga. "Ngayon, sagutin mo ako. Kayo na ba ni Edward?"

"H-Hana, nasasaktan ako."

"Sumagot ka sabi eh!"

"O-oo, kami na."

Mas lalong nag-init si Hana, sinabunutan niya ito palabas ng gymnasium. Nakasunod lang sa kanya ang mga alipores niya, mga natutuwa sa nangyayari. Tinulak ni Hana si Arina sa swimming pool.

"Ayan ang nababagay sa'yo. Sa lahat na lang ng bagay, ikaw ang magaling! Kinuha mo na nga ang lahat sa akin, pati ba naman si Edward?" galit niyang wika. "Alam mo namang matagal ko na siyang gusto, pero tinuloy mo pa rin. Makasarili ka, Arina!"

May nasaksihan si Hana na hindi ipinakita sa aming mga manonood. Kinausap niya si Arina, at sinabing alam na niya ang madilim na sikreto ni Arina. Hindi niya ito ipagkakalat, basta hiwalayan niya lang si Edward.

Mabilis na namang nagpalit ang setting. Nasa dalampasigan ang dalawang magkasintahan, kapwa umiiyak. Halos magdikit na ang kanilang mga mukha.

"Arina, parang awa mo na, ayaw kong makipaghiwalay sa'yo. Mahal na mahal kita."

"Edward, hindi na kita mahal. Sana respetuhin mo ang desisyon ko."

"Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo ngayon, Arina. Alam kong may bumabagabag sa iyong isipan. Handa naman akong makinig sa'yo, ipaliwanag mo lang sa akin nang maayos. Hindi katulad nitong makikipaghiwalay ka. Hindi ko kakayanin, Arina, kasi mahal na mahal kita."

"Walang problema, Edward. Gusto ko lang ituon ang buo kong atensyon sa mas mahalagang bagay. Sana maintindihan mo."

Hindi pa rin makapaniwala si Edward, pero parang tinanggap na lamang niya ang nais mangyari ng kaniyang nobya. Nagbago na naman ang lugar, nasa isang malawak na venue sila sa bayan. Mayroong isang malaking tent kung saan sila magtatanghal.

Maraming manonood, pinilihan talaga ng mga tao. Napadaan doon si Edward, lalagpasan niya na sana ito nang may nakaagaw ng atensyon niya. Nakita niya sa poster ang pangalan ng kanyang naging nobya, "Ang Sikreto ni Arina". Agad siyang bumili ng ticket at pumasok sa loob para manood.

Nagsimula ang palabas. Unang nagperform ang isang babae at lalaki na sumasayaw habang nakasabit sa rope. Magaling sila, pero hindi iyon ang gustong makita ni Edward. Kinakabahan siya sa kung ano ang mangyayari, pero wala siyang magawa. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.

Sunod namang nagpakitang gilas ang isang lalaki kasama ang alagang leon. Tumulay silang dalawa sa tali ng apoy, saka lumusot sa isang malaking bilog na gawa sa apoy. Pagkatapos nito ay nagpalakpakan naman ang mga manonood, maliban kay Edward.

Sumunod namang nagperform ang isang babaeng kayang kumausap ng mga hayop. Inutusan niya ang isang tigre na magpa-ikot-ikot. Napapasunod niya ang mga ito sa kung ano ang sabihin niya. Napabilib niya ang mga tao, ganoon din kaming nanonood sa kanila ngayon.

Pagkatapos nito, namatay ang mga ilaw kaya naging madilim ang paligid. Nagsalita ang isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Hana.

"Mga binibini, ginoo, at ginang... matutunghayan niyo na... ang pinakahihintay na palabas sa gabing ito. Ito ay walang iba kundi Ang Sikreto ni Arina!"

Nagkaroon ng spot light kaya nagkaroon ng liwanag. Nakita ko ang isang malaking aquarium na walang tubig. Nagulat ako nang makita sa loob nito ang walang malay na si Arina. Binuhusan nila ito ng tubig hanggang sa mapuno ito. Wala pa rin siyang malay.

Alam ko na palabas lamang ito, at kapangyarihan talaga ni Yara (ang gumanap na Arina) ang pagkontrol sa tubig, pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Kung ako siguro ang nasa sitwasyong iyon, namatay na ako dahil sa pagkalunod. Pero nakakabilib ang kapangyarihan niya, nakakahinga siya sa tubig.

Nagulat ang mga tao, pati si Edward. Gusto niyang sagipin si Arina, pero hindi siya makagalaw sa kanyang kinauupuan. Makalipas ang ilang minuto ay nagkakamalay na si Arina. Pero literal akong napanganga sa aking nakita. Unti-unti siyang nagkakaroon ng kaliskis ng isda sa kanyang paa, binti, at hita. Hanggang sa nagkaroon ito ng buntot na parang katulad ng isang isda. She's a mermaid?

To be continued...

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...