Eukrania Academy

By xyourwriterx

1.4K 100 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... More

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Diverse Powers
CHAPTER 3: Rare Magic
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 6: Intruders
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)
CHAPTER 19: A Night To Remember?
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 21: To Keep
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 25: An Attack
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 28: Troubled Mind
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)

27 3 0
By xyourwriterx

Mabilis na lumipas ang araw; ito na ang panghuling araw ng Festival of Magic. Ngayong araw na rin ang final day para sa mga competition, mula sa Pageant, Magic Combat, hanggang sa Circus. Masasabi ko na mas naging kapana-panabik ang mga gawaing ito. Nakakatanggap kami ng mga good feedback mula sa faculty ng academy, pati na rin sa mga bisita.

Nakakataba ng puso ang mga natatanggap naming papuri mula sa kanila. Masaya ako na naging maganda ang kinahantungan ng paghahanda ng aming grupo. Hindi pa man lubusang natatapos, marami na ang bumabati sa amin, at karamihan ay mga propesor at estudyante ng Eukrania Academy.

Tatlong event ang mayroon sa araw na ito dahil ngayon na rin ang coronation, championship, at final performance ng mga kalahok sa iba't ibang patimpalak at pagtatanghal. Nasa top five na ang pageant na batid kong pinahirapan talaga ang mga judge sa pagpili sa kanila. Masyado kasi silang magagaling at competitive, pero hindi maiaalis na mayroon talagang mas kikinang sa kanila. Iyong magpapakita ng kakaibang galing sa lahat ng aspeto.

Sa Magic Combat naman, mayroong anim na final contenders ang natitira. Dalawa ang galing sa academy, at apat naman ang nagmula sa magkakaibang schools. Hindi ko na masyadong napanood ang laban nila dahil naging abala rin ako sa paghahanda sa Circus na gaganapin mamaya. Pero ang alam ko lang ay nakapasok sa Magic Six si Jerick, at hindi ko na kilala ang iba.

Panghuling aktibidad naman ang circus na aking iminungkahi sa event na ito. I feel excited and nervous at the same time. I did not have enough knowledge on the story line they have made, but I trust them with this thing. I guess they do not want to stain their academy's reputation as it will totally affect its business locally. The name is known by many, and it is something that should be cared for.

"Alvira, I have something to work with at this point in time. Could you manage eating alone in the cafeteria or what?" Alice said.

"Yeah. Sure. No problem," I said.

"Okay, I have to go. It's urgent," then she left the dorm.

We were all busy for this day. We had different tasks to deal with, and it was really tiring. But to see the satisfaction in the eyes of the people who were enjoying the event we have prepared for them, it somehow aided the suffering.

I had the courage to wander alone in the cafeteria. Mabuti na lang at hindi naman ako masyadong pinapansin ng mga taong nakakasalubong ko. May mangilan-ngilang napapasulyap sa gawi ko, pero ipinagpapatuloy din naman ang kanilang ginagawa.

Nang makahanap ako ng bakanteng pwesto, iyong pang-dalawahang mesa, hindi na ako nag-aksaya pa ng oras para umupo kaagad doon. Inilagay ko ang bag ko sa mismong table, at umorder ng pagkain. Kahit maraming kumakain ngayon sa cafeteria, hindi naman naging mabagal ang service nila. In fact, mas naging mabilis pa nga ang process ng pagkuha ng pagkain dahil dumoble ang man power nila.

Pagkarating ko sa table ay inilapag ko kaagad ang tray ng pagkain. Pasta with fried chicken at lemon juice ang binili ko. Magsisimula na sana akong kumain nang biglang umingay ang paligid. Nagtitilian ang mga estudyante, mga naghihiyawan. Hindi ko na lamang iyon pinansin dahil panigurado may nakita na naman silang gwapo o di kaya ay magandang nilalang.

"O.M.G. Siya iyon diba? Iyong galing sa Astrakhan Academy!"

"Oo. Siya nga iyon! Ano ngang pangalan niya? Nakalimutan ko na kaagad sa sobrang gwapo niya!"

"Ash?"

"Sana mapansin niya ako!"

"Waah! Sana ako rin!"

Nasanay na lang din ako sa ugali nila na ganiyan. Kapag nakakita ng kaaya-ayang nilalang, akala mo mga naging kiti-kiti. Hindi magkamayaw sa pagtili at sigaw. Hindi maitago ang kilig na nararamdaman.

Ipinagpatuloy ko ang aking pagkain. Nakakaisang subo pa lang ako nang biglang may taong lumapit sa table ko. Naharangan niya ang magandang view sa labas. Tiningnan ko kung sino ito kaso hindi siya pamilyar sa akin. I have never seen him before, honestly. Taga-rito ba siya sa academy? Nang makita ko ang suot niyang bracelet, napagtanto ko na outsider siya.

"Hi, is this seat taken?" he smiled asking.

"No," I answered smiling as well. His aura was good as well as his vibe.

"Okay, then can I sit here with you?"

I blinked, but managed to say," Yes, no problem."

Umupo siya at inilapag ang dala niyang tray ng pagkain. Nakangiti niya itong ginawa. Napansin kong tumahimik ang kaninang maingay na paligid. Doon ko lang napagtanto na itong lalaking kaharap ko ngayon ang taong kinahuhumalingan nila. Masama na naman ang tingin nila sa akin. Wala naman akong magawa dahil bisita ng school itong kaharap ko. Hindi ko siya pwedeng basta na lamang itaboy dahil pagiging rude iyon sa part ko.

"By the way, I am Asher," sabay lahad ng kanyang kamay, nakangiti nang malawak. "Ash, for short."

Tinanggap ko nang nakangiti rin ang kanyang pakikipagkamay. "I am Alvira. Nice meeting you, Ash."

"Ikinagagalak ko ring makilala ka, Alvira. Bakit nga pala hindi mo kasama ang iyong mga kagrupo?"

"May mga kanya-kanya kasi silang ginagawa. Actually, busy kaming lahat. Kumain lang muna ako rito, tapos ipagpapatuloy ko na rin iyong ginagawa ko."

Tumango lamang siya, at sinubo ang pasta na nasa pinggan niya. Ngayon ko lang napansin na parehas kami ng inorder. Mula sa pasta, fried chicken, at lemon juice. Hindi na ako nagsalita tungkol doon dahil baka coincidence lang.

"Alvira!" may tumawag sa pangalan ko kaya nilingon ko kung sino ito. Lumapit sa akin si George. "Pinuntahan kita rito dahil baka wala kang kasama."

"Hi, I am Asher from... Astrakhan Academy," bati niya kay George, nakikipagkamay.

Inabot naman ni George ang pakikipagkamay niya, "George. Salamat pala sa pagsama sa kaibigan ko."

"No problem. Nakita ko siyang mag-isa na nakaupo rito, sakto wala nang bakanteng upuan kaya nakiupo na rin ako. Isa pa, hindi maganda para sa isang magandang binibini ang nag-iisa," ani Asher.

Tumingin siya sa akin nang nakangiti. Natawa naman ako sa sinabi niya. Hindi ko alam, pero ang gaan ng loob ko sa kanya. He lightens up the mood with his personality.

"Alvira, hihintayin na lang kita sa labas. Tapusin mo na lang muna iyang pagkain mo," nagpaalam na sa akin si George pati rito sa kasama ko. "Salamat, pre."

"Hays! Pabida na naman!"

"Malandi rin pala talaga!"

"Sinabi mo pa! Kapal din ng mukha ng outcast na iyan!"

Hindi man ganoon kalinaw, naririnig ko ang mga pinagsasabi ng ibang estudyante rito. Ignoring them is the right thing to do. Wala akong mapapala ko kung magpapaapekto ako sa kanila. I'll just let them say what they want, let them do what they want, but I won't let them hurt me again. Because this time, I'll fight with all my strength.

Mabilis kong inubos ang pagkain ko kasi nakakahiya naman na paghintayin nang matagal si George. Sabihin ko mang huwag niya na akong hintayin ay hindi naman siya papayag. Ayaw ko mang isipin na natatakot silang maulit muli sa akin iyong nangyari dati, wala akong ibang makitang dahilan para magkaganyan sila para sa akin.

"Uhm. Asher, mauuna na pala ako. Naghihintay na kasi sa akin si George sa labas, nakakahiya naman. Okay lang ba?"

"Oo. Sige, sabay na tayong lumabas."

"Teka. Hindi pa-"

"Hindi, okay lang. Busog na rin naman ako. Tara na?"

~•~

Naglalakad na kami papunta sa field para asikasuhin ang pagdadausan ng circus. Humiwalay na rin sa amin si Asher na kanina ay kasama naming naglalakad at nagkukwentuhan. He's jolly and talkative, but he becomes formal in serious matter.

"Nasaan nga pala sila?" tanong ko kay George na seryoso sa paglalakad.

Lumingon siya sa akin, "Naroon sa office, inaasikaso ang mga shareholder."

"I see," I smiled. "You know what, you didn't have to pick me up. You're supposed to be there, and I think I could handle myself now, alone."

"Actually, sinundo talaga kita kasi gusto ka rin nilang makita."

Doon ko lang napansin na hindi pala talaga sa field ang way namin. Hindi na ako nagsalita pa. I somehow felt this uncomfortable feeling. I almost forgot that I am surrounded by elites; seemed like I am the prey in the middle of wild predators.

We got through the door, and walked in a hallway. A double-door waved at us. I enhaled first before entering the office. I saw familiar faces, but most of them were not. I awkwardly smiled at them. Aira's also here, and she's beside Tyrone. I sit beside Alice, and George's on my right side.

Naririto rin sa silid si Professor Raphael, kasama ang kanyang fiancé na si Miss Melton. Napasulyap din ako sa gawi ni Master Calix na ama ni Tyrone. Napaka-dark ng aura niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganoon din si Tyrone, may pinagmanahan. Kapag susulyapan mo siya, makakaramdam ka talaga ng kilabot nang hindi mo alam kung bakit.

Matapos ang ilang minutong paghihintay kasama ang investors ng academy, mukhang dumating na ang hinihintay ng lahat. Marahang bumukas ang main door ng office, at iniluwa ang isang pamilyar na tao— kasama ni Miss Helefina— si Headmaster Van Doren.

"Good morning, everyone! I am so sorry for the long wait," bati niya sa amin. "Anyway, I am so glad to have all of you here."

"We're also glad to have your presence here, Headmaster Van Doren," a sophisticated woman said.

"Mister Tyrone, the youngest Calix, I am truly delightful to seeing your project in a success. You did a very good job with that," headmaster praised him.

"Thank you, headmaster. But I must say that it would not be possible if not for my team who put their superb efforts preparing for this event," Tyrone politely said, but the serious aura was still there.

"Yeah. I see."

Isa-isa niya kaming nginitian, at ngumiti rin naman kami pabalik sa kanya. Matapos ang ilang sandaling papuri sa aming grupo, napunta naman ang usapan sa Game of the Superiors na malapit na ring maganap. Mayroon na lang siguro kaming ilang linggo para maghanda.

"You will bring the school's name, that means you have to make sure of your team's victory. It will surely be a disgrace to our academy, if you lose the game," headmaster said, looking directly at Tyrone. "Remember, Aurelius is not Aurelius for nothing. We are the golden ones, we have to always prove that to everybody."

"I will do all that I can, headmaster. I will bring home the victory," Tyrone said.

"Anyway, I honestly don't know why the magic council suddenly decided to include outcasts in the game. Because for the past decades, this sacred game was only for the elites," he stared at me, and I felt uncomfortable. "However, we need to respect their decision. And in fact, it's kind of an exciting event that should be seen by the world. Isn't it? Let's see how will an outcast survive the game."

~•~

The pageant has already started. And there were only top three remaining contestants. The final part of the contest was the question and answer portion. Whoever gives an amazing answer and slays this part could get the victory.

Nagpatuloy ang daloy ng contest, at masasabi ko na lahat sila ay mahusay. Pero isa lang ang tumatak sa akin na sagot, at malakas ang pakiramdam ko na siya ang mananalo sa babae. Isang pares kasi ang mananalo rito, isang babae at lalaki.

"What do you want to be in the future and why?" tanong ng emcee.

Parehas lang sila lahat ng tanong, at iyong iba ay halos magkakahawig ng sagot, siya lang ang naiiba.

"I simply want to be myself. Some would say, they want to be like their sister who is a doctor, or their parents who are accountants. But for me, I just want to be myself. I'd like to know more of myself— know my strengths and weaknesses— in order for me to assess my capabilities. In that way, I will be proud of whatever I will be. Although, I am not ignoring my future. It's just that I want to focus on my self-growth and development without being dominated by the people around me. I want to decide for myself, and unfortunately, I honestly haven't seen myself yet in the future becoming somebody else because I am currently in the process of molding my individuality as a well-being."

Hindi naman ako nagkamali dahil siya ang itinanghal na Miss Eukrania de Aurelius Academy, maging ang kanyang partner na may kagalingan din sa pagsagot. Matapos nilang koronahan ay agad din namang sinimulan ang Magic Combat. Hindi ko inaasahan na kasali sa top six si Ash.

Dahil ito na ang pinaka-finale ng Festival of Magic, mas dinagsa ito ng maraming tao mula sa mga karatig na bayan sa labas ng academy. Hindi ko inakala na ang ganitong event ng school ay papatok sa maraming tao. Ngayon ko lang ito naranasan, at lubos ko itong ikinagagalak kahit na hindi ito naging perpekto.

"Alvira!" kumaway sa akin si Ash, malawak ang kaniyang ngiti. Hindi na ako sumigaw pabalik sa kanya, ginawaran ko na lang din siya ng isang matamis na ngiti. Magaan ang loob ko sa kanya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"He likes you," wika ni Alice sa tabi ko.

"Paano mo naman nasabi iyon?" nahihiya kong tanong sa kanya.

"The way he looks at you, I could see it," she smiled.

I did not answer back. I just can't explain how I feel towards him. I can't imagine romantic relationship with him, honestly. I just see him as a friend, might consider him a close friend.

"Alvira!" nagulat ako nang may tumawag na naman sa pangalan ko, hindi si Ash. Malawak din ang ngiti niya gaya ni Ash. Lumapit siya sa pwesto ko kaya halos nagsitilian ang mga kababaihang nadaanan niya.

"Alvira, you promised me, right? Kapag nanalo ako rito, you owe me a date," pormal niyang sabi.

"Ang haba naman ng hair mo, Alvira," biro ni Erica sa kaliwa ko. Nginitian ko na lamang siya, iyong awkward na ngiti. Hindi ko alam kung bakit ba sila nagkakaganito. Are they pranking me? If they are, could they stop now? Because it isn't funny anymore.

Tinawag na ang mga kalahok sa combat, pero hinihintay pa rin niya ang sagot ko. Na-special mention pa kaming dalawa dahil siya na lang ang hinihintay doon. Tumango na lamang ako sa kanya, at mas lumawak ang ngiti niya. Napasigaw pa siya ng "yes". Pinaupo na sila sa upuan nila, ganoon din naman kaming mga manonood.

Napalingon ako sa gawi sa aking kanan kung saan nakaupo sina Alice, George, at Tyrone. Nagulat ako nang makitang katabi niya si Aira. Oo nga pala, kasama niya na iyan simula pa kanina. As usual, napaka-seryoso ng mukha niya, nakakunot pa ang noo. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa laban na magaganap.

Ang unang magkatunggali ay isang lalaking estudyante ng Eukrania Academy, na ang pangalan ay Oliver, at si Jerick na mula sa Southwold Academy. Marami ang nagchi-cheer sa dalawa, patunay lamang na maganda ang ipinakita nilang laban para sa mga manonood noong mga nakaraang araw. Nakita ko nang makipaglaban si Jerick, pero iyong isa, hindi pa. Gaya nga ng sabi ko, naging busy din ako sa circus.

"Tch. Boring," malamig na komento ng lalaki sa gilid ko. Hindi ito malakas, hindi rin naman ganoon kahina para hindi ko marinig. Kung hindi lang siya ang team captain namin at hindi ko siya kilala, maiisip ko na puro yabang lang siya. Hindi ko na lamang siya pinansin at mas nagpokus sa harapan.

Agresibong umatake si Oliver gamit ang kanyang angking bilis. Para siyang kidlat sa sobrang bilis niya. Iniikutan niya si Jerick, kaya gumawa ito ng malaking usok na parang tornado. Hindi ko mabasa kung anong gagawin ni Jerick dahil nasa gitna siya ng malaking bilog na gawa ng kanyang kalaban. Malamang ay nag-iisip siya ng magandang strategy para makalabas dito.

Humawak si Jerick sa sahig, at sa isang iglap, naging yelo ito. Halos mawala sa balanse si Oliver, pero imbes na makaramdam ng inis ay ngumisi ito. Inaasahan niya na siguro na mangyayari ito.

Nagkaroon ng bakal ang ilalim ng kaniyang sapatos. Ginawa niya itong ice skating shoes. Kung tama ang hinala ko, alam niya nang mangyayari ito kaya naghanda na siya. Matalino siya sa part na iyon dahil mukhang pinag-aralan niya nang husto ang abilidad at kapangyarihan ng bawat isa. Napa-wow ang mga taong nanonood. Malamang gaya ko ay nabigla sila sa ginawa ni Oliver.

Batid ang pagkabigla sa mukha ni Jerick, pero napangisi rin siya. Hindi ko mabasa kung anong nasa isip niya, kung ano ang susunod niyang kilos. Ganoon talaga yata kapag isa kang outcast, hindi mo kailanman maiinitindihan ang mga katulad nilang may kapangyarihan dahil sa pagkakaroon ng malaking pagkakaiba.

Pagkabalik ko sa realidad, nakahandusay na si Jerick sa sahig na ginawa niyang yelo. Mas naging mabilis ang pagkilos ni Oliver, dumoble pa ito ngayong hindi na pangkaraniwang sahig ang ginagalawan niya. Mukhang nahihirapan si Jerick pero wala sa mukha niya ang kahit anong bakas na gusto na niyang sumuko. Tumingin siya sa gawi ko at kumindat, nabigla ako kaya napaiwas ako ng tingin. Siniko naman ako ni Erica na parang nang-aasar.

"Iba ka rin talaga, Alvira," tukso niya.

Mabilis ang mga pangyayari, nagkaroon ng matutulis na yelo sa paligid ni Oliver kaya hindi na siya makagalaw. Na-trap siya sa ginawa ni Jerick. Kikilos pa sana siya kaso may nakaabang na kaagad na matulis na yelo sa leeg niya, wala na siyang kawala. It's probably a game-over for Oliver, and a win for Jerick. They were both amazing and incredible, but Jerick definitely stood out.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...