Eukrania Academy

By xyourwriterx

1.3K 100 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... More

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Diverse Powers
CHAPTER 3: Rare Magic
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 6: Intruders
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)
CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)
CHAPTER 19: A Night To Remember?
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 21: To Keep
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 25: An Attack
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 28: Troubled Mind
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)

35 3 0
By xyourwriterx

Alice's Point of View

Habang naglilista ako ng pangalan ng mga gustong sumali sa pageant ay nakaramdam ako ng kakaibang enerhiya, at iisa lang ang taong alam kong may ganitong klaseng kapangyarihan. May masamang nangyayari. Agad akong tumingin sa direksyon ni Erica na abala sa pag-check ng appearance ng mga nais lumahok.

"Erica," mahina kong tawag sa kanya. Buti naman at agad niya akong narinig. "Could you feel it? I guess, something bad is happening. Hindi ko alam kung paano, pero nararamdaman ko."

"You know what, kanina ko pa rin nararamdaman ang bagay na iyan, akala ko ako lang. Anyways, what should we do? They might be in trouble."

"Kailangan siguro muna nating ihinto nang pansamantala ang ating mga ginagawa. Pabalikin muna natin sila sa loob ng academy," suhestyon ko.

"Okay. Ako na ang bahala rito, sabihan mo na rin si Miguel kung anong dapat gawin, saka natin sila pupuntahan."

Iyon nga ang nangyari. Tinigil muna namin ang aming ginagawa, at pinapasok sa loob ng academy ang lahat ng mga estudyante para makaiwas sa mas malaking gulo. Siguradong magpa-panic sila kapag nalaman nila kung anong nangyayari. Mas naging malakas ang kutob namin nang wala kaming makitang Alvira at George sa field. Nagsama-sama kaming tatlo nina Erica at Miguel. Someone's using a dark magic, and Tyrone was the only person I definitely know in the school who owns this kind of power.

"In the woods, right there," I said. I could sense it through my enhanced ability. The field was already empty, except for the three of us. "We have to hurry."

We ran as fast as we possibly could. Hindi namin magugustuhan kung anong posibleng mangyari kapag nahuli kami ng dating, kapag huli na ang lahat. We have to get there. Buhay ang nakasalalay dito, I am sure with that. Somebody may die, if we came late.

Habang papalapit kami sa mapunong parte sa gilid ng campus field, papalakas nang papalakas ang enerhiyang nararamdaman ko. Di kalauna'y nadatnan namin ang tatlong lalaki na nakasalampak sa lupa. Isa roon si George na nanghihina habang nakasandal sa puno, at iyong dalawa naman ay walang malay. Hindi ko inaasahan ang ang aking nakita at napatakip ng aking bibig nang mapansin ko ang kaawa-awang hitsura ni Alvira. What had just happened here?

Nakayakap siya kay Tyrone habang humihikbi. Gutay-gutay ang pang-itaas niyang kasuotan. Tila nakatulala naman sa kawalan ang team captain namin. Nang mapansin nila ang presensya namin ay tumingin sila sa aming direksyon. Hinubad ni Tyrone ang itim niyang jacket at ibinalot ito sa katawan ni Alvira. Jusko, ano bang nangyari sa inyo?

Nilapitan ko si Alvira nang umalis si Tyrone para pumunta sa gilid. Nanginginig ang katawan niya, at bagaman hindi na siya humihikbi ay patuloy pa rin sa pag-agos ang kanyang mga luha. I hugged her gently, then tapped her back. Sina Erica at Miguel naman ay pumunta sa direksyon ni George at ng dalawang lalaki para i-check ang kalagayan nila.

"What happened, tell me?" I asked her. She seemed traumatized by what happened, I could say it. "Alvira, whatever it was, everything will be fine, okay? Don't worry."

Erica motioned toward us, and she used her magic to somehow heal the pain she felt. I hope it helped. Medyo kumalma na siya pero hindi pa rin makapagsalita. I was worried about what really happened to her. It's something unforgettable, I guess. This moment might probably be the darkest nightmare she's ever had in her entire life. The pain will heal, but the scar in her heart will definitely remain there. I felt so sorry about her.

"George needs you," she said to Erica.

Inalalayan ko si Alvira, iniwan kami saglit ni Erica sa aming kinalalagyan, at pumunta sa gawi nila George. He's conscious, but he's wounded and not okay. She touched his skin, and used her magic like what she did to Alvira. His condition was not that bad. Though the power used against him might be really dangerous. It could kill him.

Naging conscious na rin iyong isang lalaki, humawak siya sa kanyang ulo. Tumingin siya sa gawi nila Erica, nabigla siya. Tiningnan niya rin ang direksyon namin nina Alvira at Tyrone. Maging ang lalaking kasama niya na nakahandusay sa lupa ay binigyan niya rin ng atensyon, at nang mapagtanto niya kung anong nangyari ay bigla siyang yumuko. He cried as guilt crept into him. He didn't want it to turn this way, like he was pushed by his comrade to do a horrible thing even if it was against his will. Though, he still did it and it made him responsible for what's done.

"S-Sorry. Kasalanan ko ito. Kung hindi lang sana ako pumayag sa gustong mangyari ni Brent, hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat," nakayuko lang siya at patuloy na umiiyak. Humingi siya ng tawad sa ginawa nila. "I'll willingly take the consequences of this."

Lumapit naman si Erica sa gawi niya, hinawakan siya at pinagaling ang mga galos na mayroon siya. Nagpasalamat naman siya sa kanya. Sunod namang pinuntahan ni Erica iyong tinutukoy niyang Brent, at napag-alaman na unconscious siya. Hindi maganda ang kalagayan niya. Masyadong malakas ang enerhiyang ginamit sa kanya.

"We have to get him into the clinic. His life's at risk," Erica seriously said, and worry could be noticed on the tone of her voice.

Maayos na ang pakiramdam ni George, nakakatayo na rin siya nang tuwid. Silang dalawa ni Miguel ang nagbuhat kay Brent papunta sa school clinic. Umalalay din naman iyong kasama niya. Malala ang kondisyon niya, at kung hindi siya kaagad mabibigyan ng karampatang lunas, mamamatay siya. Hindi siya kayang gamutin ni Erica dahil may limitasyon din ang kanyang kapangyarihan. Minor injuries at sugat lang ang kaya niyang gamutin through her in-born magic. At kung gagamit siya ng traditional way of healing o alternative herbal medicine, aabutin pa siya ng ilang oras dahil kailangan niya pang suriin nang maigi ang sitwasyon ng pasyente bago makahanap ng sapat na lunas para rito.

Pero bago ako sumunod sa paglalakad sa kanila, napansin ko na parang walang balak sumama sina Tyrone at Alvira. Si Tyrone ay nakasandal sa puno habang malalim ang iniisip, pero wala pa ring emosyon na makikita sa kanyang mukha. Mas lalo pang dumilim ang aura niya kumpara sa dati. Si Alvira naman ay nakaupo sa lupa habang naka-bend ang mga tuhod, yakap-yakap niya ito, malapit sa kanyang baba. Lumapit naman sa gawi ko si Erica na hindi na rin sumama sa clinic.

"I think we should get her back to our dorm. She's still vulnerable, and it isn't good for her condition to see those two who tried to rape her," Erica said silently so Alvira won't hear us. Like me, she's worried about what really happened, especially the impact of this to Alvira's life. I gave her a nod, then motioned towards Alvira. Lumuhod din ako para pumantay sa kanya.

"Alvira, kailangan mong magpahinga. Sasamahan ka ni Erica pabalik sa dorm," mahinahon kong sabi sa kanya habang hinahaplos ang kanyang ulo at buhok. Tumingin naman siya sa akin, at bahagyang ngumiti, pero naroon pa rin sa mga mata niya ang lungkot, takot, at pangamba. Ganoon talaga, hindi biro ang nangyari sa kanya. Kahit sinong tao ay hindi gugustuhing magahasa. Walang tao ang gusto itong maranasan. No one deserves that anyway. "Don't worry, hindi ka namin pababayaan. Everything will be alright."

Galit ako sa mga ganoong klase ng tao. Hindi nila alam ang trauma na pwede nilang idulot sa buhay ng kanilang mga biktima. Hindi nila alam ang epekto nito sa kanilang pamumuhay. Malaki ang posibilidad na buong buhay nila itong dadalhin, na parang bangungot sa gabi, at masamang alaala sa umaga. Isang malaking bagahe na kahit pilit man nilang tanggalin ay hindi nila magawa dahil malinaw pa rin sa kanilang isipan ang masalimuot na nangyari. Nakakababa ng pagkatao, nakakasira ng dignidad. Hindi alam kung kailan makakabangon.

Inalalayan ni Erica si Alvira sa pagtayo. Tumungo sila pabalik sa dorm para magpahinga si Alvira. Nagpaiwan naman ako rito para kay Tyrone. Gusto ko siyang kausapin. Alam ko na katulad ni Alvira, vulnerable din siya sa mga nangyari. Maaaring nabigla siya sa mga pangyayari o baka sinisisi niya ang kanyang sarili. Hindi ko alam.

"Tyrone, are you okay?" Hindi ko alam kung tama ba ang tanong ko, pero hindi ko naman din alam kung anong dapat kong sabihin. Hindi siya sumagot, nanatili pa ring tahimik sa kawalan. "Okay. I'll assume that you're not. But to tell you honestly, we're just here for you, we always do. Kasama mo kami sa lahat ng bagay dahil isa tayong grupo, at magka-kaibigan na rin tayo."

Hindi siya nagsalita, pero alam kong nakikinig siya. Nakilala ko siyang ganito, pero alam ko na sa kabila ng ganito niyang katangian, mayroong nakakubling dahilan. Batid ko na may nag-udyok sa kanya para maging ganito ka-cold. Tila may yelong nakabalot sa totoong Tyrone, at iyon ang nakikita at nararamdaman namin.

Noong una pa lang naming magsama bilang isang team, alam ko na mayroon siyang tinatago. Noong nagkaroon kami ng orientation pagkatapos naming buuin ang grupo, nagbahagi ang bawat isa sa amin ng mga karanasan namin, at kung paano iyon nakaapekto sa amin. Ang reflection activity na ito ay nakatulong para mas maging malapit kami sa isa't isa kahit na roon palang kami nagkasama. Pero ang team captain namin ay hindi nagbigay ng kahit anong karanasan sa buong buhay niya na magpapaliwanag kung bakit ganoon siya makitungo sa ibang tao, sa amin.

Pero walang naglakas-loob sa aming magtanong kung bakit ayaw niyang magbahagi kahit man lang iyong nakakatuwang karanasan na mayroon siya. Masyado siyang sarado, na parang ayaw niyang makapasok ang kahit na sino. Sa kabilang banda, naging mabuti siyang leader sa amin. Marami kaming natutunan sa kanya sa pakikipaglaban. Tila bihasa na siya sa ganitong bagay. Noong unang training namin, doon din namin unang nalaman ang kapangyarihan niya, doon namin nalaman kung gaano siya kalakas. Kapansin-pansin kung gaano niya ito ka-kontrolado.

"Powerful it may seem, but dangerous it really is," I remember he once said. "I can fully control this magic, however, if anger swallows me first, it could be destructive."

"Do not let yourself be conquered by anger, negativity, and hatred."

"Do not let the anger greatly control you and your will."

I remember those words from him during our past training, but it did seem that he himself wasn't able to do it. However, it made sense to me now that he wanted us to be aware of it because he knows that even himself, could hardly control it once his anger dominates him, in spite of knowing what the consequences are.

"That bastard," he finally got the urge to speak. "He was really getting into my nerves."

I could still sense his anger but he was more calmed now. I never thought the moment like this would come, that he almost killed a person out his rage. He must have controlled his emotions constantly because like what he'd said, it's tremendously destructive if he will be swallowed by these negative energies.

"You must not let your anger take over your thoughts, Tyrone," I said seriously. "You know your capabilities more than we do. If you lose with that emotion, people that are surrounding you would be in an immense danger. As time goes by, I know that you're aware of your magic increasing its power. You must learn to handle it well. You must take full responsibility of your actions."

I may be sounded as an elder member of his family, but I just want him to realize everything about his magic. Alam ko na alam niya ang kapalit kapag hindi niya ito nagamit nang tama. Hindi ko man nasaksihan ang nangyari kanina, pero base sa aking analysis, si Alvira ang dahilan kung bakit siya nagalit nang husto. Nang makita niya ang kalunos-lunos na sinapit ng dalaga, doon na siya nakaramdam ng matinding galit na naging dahilan para hindi niya makontrol ang sarili. Noong nakarating kami rito kanina, napansin ko na nakayakap si Alvira kay Tyrone, kaya naman masasabi ko na kung hindi siya pinigilan ni Alvira na gawin kung anong gagawin niya bunsod ng galit, baka napatay niya na ang lalaking iyon.

"I know," he said coldly then walked away. Hindi ko na siya hinabol pa, balak niya sigurong mapag-isa.

Napagdesisyunan ko na pumunta sa school clinic. We have licensed doctors and nurses here in the academy. They do not use magic to operate because technologies could be enough to cure some certain cases. At sa kaso ng lalaking iyon, sila ang mas makatutulong sa kanya.

Pumasok ako sa main lobby ng clinic. Malawak ito kung ikukumpara sa mga pangkaraniwang clinic, at kung tutuusin, para na itong hospital. Pagpasok ko ay bumungad ang mga nakangiting staff sa may counter, kaya binigyan ko rin sila ng matamis na ngiti. Binati nila ako.

"Good evening, I am Alice Cooper, a member of Dark Noxis, and I am here to check the patient who was brought here by my team mates, George Brando and Miguel Hudson," I said while smiling. "Could I know where's the room?"

"It's room 202 in the Hall A, Ma'am," a staff said.

"Thank you."

Pero bago ako pumunta sa room na iyon ay nag-fill up muna ako sa log book nila. Maaliwalas at kalmado ang buong paligid. Ang kulay ng pader ay kombinasyon ng shades ng Berkshire Lace (peach-like) at Weathered Wood (mocha-like). It gives comforting vibes through its vibrant colors. Walang masyadong tao sa hallway kasi wala rin namang masyadong pasyente. Bihira lamang ang nako-confine rito na estudyante, dahil kadalasan ay minor cases lang naman ang kondisyon nila.

Gumamit ako ng hagdan para makapunta sa pangalawang palapag nitong gusali. Hinanap ng mata ko kung saan ba ang Hall A, at nang mamataan ko ito ay agad akong tumungo rito. Nakita ko sina George, Miguel, at ang lalaking kasama noong pasyente. Nag-uusap sila, at mukhang importante ito.

"Hey, Alice," bati ni Miguel nang makita akong naglalakad papunta sa kanila. Siya kasi ang nakaharap sa gawi ko, habang iyong dalawa naman ay nakatalikod sa akin. Humarap naman sa akin ang dalawa pang lalaki. "Anong balita sa kanila?"

"They're fine now," I said as I finally reached them. "Anong pinag-uusapan niyo? Kumusta na pala iyong Brent?"

Sumilip pa ako sa salamin nitong pinto, at nakita ang lalaki. May mga nakakabit na aparatos sa katawan niya. Mukhang malala nga ang natamo niya.

"He's in coma," seryosong wika ni George. Hindi na ako nabigla sa kanyang sinabi dahil kung tutuusin, maswerte pa ang lalaki at buhay pa siya, 50/50 nga lang.

"Did you already call his parents or guardian?" I asked.

"Yeah. Her mother is on her way now," sagot ng kaibigan niya.

"Back to the topic we're discussing, so you're saying that someone possessed Brent?" George asked him.

"Oo. Kasi kaibigan ko si Brent, at matagal ko na siyang nakakasama sa mga training. Hindi siya ganoon kalakas katulad noong nangyari kanina. Pina-practice niya pa ang magic niya kaya imposibleng magawa niya iyon," mahabang paliwanag ng binata.

"Nagtataka rin ako kung bakit nahirapan din akong kalabanin siya kanina. In fact, muntikan na niya akong mapatay, kung hindi lang dumating si Tyrone," wika ni George at bahagyang lumingon sa gawi ni Brent. "Masyadong malakas ang enerhiya ng kapangyarihan niya kanina, at hindi ko ito magawang tapatan."

"Sigurado ba kayo dyan? Maaaring wala lang sa kondisyon ang katawan mo, George. Lalo na't pagod tayo sa pag-aasikaso ng venue kanina. Baka naman nagkakamali lang siya," sabi naman ni Miguel.

May point siya, pero paano kung tama ang lalaking ito? Paano kung may sumapi kay Brent na masamang elemento? Paano kung may isang taong nasa likod nito? Sino naman ang gagawa noon? Nandito lang ba siya sa loob ng academy? O nasa labas?

"May punto si Miguel, pero hindi rin naman natin pwedeng balewalain ang sinasabi ni...?" naputol ang sasabihin ko dahil hindi ko alam ang pangalan niya.

"Kirt. My name is Kirt."

"Kung tama ang konklusyon ni Kirt, hindi natin ito pwedeng isawalang-bahala. Baka may mabiktima pa ang nilalang na iyon."

Maya-maya, isang babaeng nasa 50's ang nagmamadaling maglakad patungo sa aming direksyon. Puro alahas ang nakapalibot sa katawan niya habang isang mamahaling bag naman ang nakasabit sa braso niya. Maiisip mo na kaagad na mayaman.

"Where's my son?" mababakas mo ang pinaghalong pag-aalala at pagka-masungit sa boses niya. Nang makita niya ang anak niya mula sa pinto ay pumasok agad siya sa loob. Mangiyak-ngiyak niya itong nilapitan. Pumasok na rin kami sa loob.

"Who did this to my son?! Tell me!"

Humarap siya sa amin. Nararamdaman ko ang galit sa loob niya. Walang sumagot sa amin. Hindi namin alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang nangyari.

"Kailangan kong makausap ang head niyo. Pagbabayarin ko ang may gawa nito sa anak ko," nanggagalaiti niyang wika.

Tiningnan ko si Kirt at napatingin din siya sa akin. Sa pamamagitan ng titig, sinabi ko sa kanya na sabihin sa ina ni Brent ang nangyari. Nakuha naman niya ito at nagdadalawang-isip na nagsalita. Iniwan na namin sila para makapag-usap sila nang maayos. Sana maipaliwanag niya nang tama kung ano ang totoong nangyari para naman mabuksan ang isipin nito sa kasalanang ginawa ng kanyang anak.

~•~

Kinabukasan ay nakatanggap kami ng letter mula sa Head Office na nagsasabing kailangan naming pumunta rito para pag-usapan ang isang mahalagang bagay. And for sure, it's all about the incident that happened last night, and I wasn't wrong. I checked on Alvira's, and I felt glad to see that she's partly okay now. We told her to just stay here in the dormitory, but she refused.

Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa office ng Headmaster, may mangilan-ngilang estudyante ang nasa labas, at nagbubulung-bulungan pero rinig na rinig naman ang mga pinag-uusapan. Iyong iba, nagkukumpulan pa sa isang tabi habang nagtsi-tsismisan. Umagang-umaga iyan agad ang inaatupag nila. Bakit hindi na lang nila ituon sa mas productive na gawain ang oras nila, makatutulong pa sila.

"Totoo ba ang balita tungkol sa nangyari raw kagabi?" sabi ng isang babaeng hindi katangkaran at malapad ang noo.

"Hindi ko rin sigurado. Pero ayon sa mga kaklase ng kaibigan ko, nasa coma raw si Brent, ang boyfriend ni Krizia."

"Grabe pala talaga."

"At mukhang kasalanan na naman ng outcast na iyan, salot talaga."

Medyo nagpantig ang tainga ko sa aking narinig. Dahil kung makaasta sila, akala nila alam na nila ang buong nangyari, ang totoong nangyari. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Erica. Well, matakot na sila kapag iyan ang nakalaban nila.

"Pardon me, what did you say bitch?" matapang na saad ni Erica.

"U-Uhm. Wala po Miss Erica," nauutal nitong wika.

"Kung wala rin naman kayong magandang maitutulong, pwede bang isarado niyo na lang iyang mga malalaki niyong bunganga? Pwede?"

"O-Opo. P-Pasensya na, Miss Erica."

"Okay good."

Nakatungo silang lumakad palayo sa amin. Nagpatuloy naman kaming lahat sa paglalakad. Napansin ko na nakatungo lang din si Alvira, narinig siguro niya ang pinagsasabi ng mga tsismosa na iyon. Hinawakan ko siya sa braso at medyo pinisil ko iyon. Tumingin siya sa akin at nginitian ko siya, ganoon din naman ang ginawa niya sa akin.

"Pasalamat sila dahil maganda ang tulog ko at nasa mood ako ngayon, kasi kung hindi baka himatayin sila sa maaaring lumabas na mga salita sa bibig ko," wika ni Erica sa kabilang gilid ni Alvira. Nauuna maglakad sa amin sina George kaya hindi nila nakita ang ginawa ni Erica kanina, nagtaka lang sila kung bakit nahinto kami pero alam ko naman na may ideya na sila kung anong nangyari.

"Kaya sa'yo ako eh," natatawa kong sabi.

Nang makarating kami sa office ay wala pa ang Headmaster, maging ang side nila Brent. Pinaupo kami ng isang office staff sa isang couch. Tahimik lang kami habang naghihintay. Napatingin ako sa gawi ni Tyrone na nakaupo sa isang upuan sa tabi ni George na katabi naman ni Miguel. Hindi ko makita ang senyales ng kaba sa kanya. As usual, he's wearing his remarkable mask of coldness and fierceness.

Ilang minuto pa kaming naghintay nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang pamilyar na tao kasama ang ina ni Brent at si Kirt. Ang inaasahan ko ay si Headmaster Van Doren, pero ang nandito ay si Professor Raphael Mathis. We headed inside the main office as they went there. Our team took the right side, while Kirt and Brent's mother sat on the opposite side.

"Okay. maybe you're wondering why I am here instead of our headmaster. So in behalf of Headmaster Van Doren who is busy dealing with our biggest clients and shareholders at this moment, I am taking this case as per requested by him. I am Professor Raphael Mathis of Trainings and Investigations here at Eukrania de Aurelius Academy. How may I solve this case?"

"Sir Raphael, my son is in coma right now, and I want them to take the right consequences for what they have done to my son," unang nagsalita ang mommy ni Brent.

"Could I know first what really happened?" Sir Raphael asked.

Si Erica na sana ang magkukuwento ng nangyari, pero biglang nagsalita si Alvira. Ikinuwento niya ang buong nangyari, kung paano siya kinontrol papunta sa madilim na parte ng field, kung paano siya pagsalitaan nang hindi maganda, at kung paano siya pagtangkaang gahasain ni Brent. Hindi ko mailarawan ang ekspresyon sa mukha ni Professor Raphael, pero batid kong nagulat siya sa kanyang narinig. Maluha-luha si Alvira habang kinukwento ang lahat, habang pinipigilan ang kaba at panginginig ng katawan. She's trying to be strong despite what happened.

"My son couldn't do that," pagdepensa ng ina.

"But he did, Ma'am," George could not keep himself from saying. "Kirt, his friend, knows what really happened. He would validate our accusations against your son. He's a witness after all."

Sinuportahan naman ni Kirt ang lahat ng sinabi ni Alvira at George. Ikinuwento niya kung paano sagipin ni George si Alvira, at paano pagtangkaang patayin ni Brent ang dalawa. Pero hindi niya na ikinuwento kung paanong nawalan ng malay si Brent dahil maging siya ay nawalan din ng malay sa mga oras na iyon. Hindi niya na nasaksihan pa ang pagdating ni Tyrone dahil napatumba na siya ni George. Bigla namang bumukas ang pinto sa gitna ng diskurso. Pumasok ang lalaking kahawig ni Tyrone ngunit nasa 40s na, ang daddy niya.

"Master Calix," Professor Raphael acknowledged his presence.

"I heard my son's involved in an issue," he said with a cold voice and a smile. "I am here to know what it was."

"Your son almost killed my son, he's in coma and still fighting for his life right now. I don't know what to do if he'll die, he's my only child," wika ng ina ni Brent na hindi na rin napigilang maiyak.

"It's sad to hear, Madam," Master Calix said in a polite and sincere way. "I'll make sure that my son will take the responsibility of his past actions."

He stared at his son's direction who barely has emotions on his face. "I'm so disappointed with you." Then he took his leave.

Masyadong mabigat ang sitwasyon namin ngayon, parang ang hirap huminga. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ngayon ni Tyrone. He maybe silent, but I know that he's also hurting inside. Hearing those words from your father, or even your mother could be that painful, and somehow the worst thing you could ever feel in your life; the disappointment of your parents. Pero hindi man lang niya nagawang pakinggan ang side ng anak niya, kung paano at bakit nangyari iyon, basta na lamang siyang umalis. Hindi man lang niya sinubukang pakinggan kung bakit humantong sa ganito ang sitwasyon. Hindi man lang niya nagawang dipensahan ang sariling anak na para bang kayang-kaya pumatay ang anak niya nang walang dahilan.

"My job here is to solve this problem you're facing. Based on what I've heard from your stories, it's your son's fault, Madam," Sir Raphael started to give his claims. "According to his past record, he also tried to kill Alvira few days ago, and that's a serious offense which led him into a two-week suspension. And now, he did it again with a more serious crime..."

"W-What are you trying to say, Sir."

"I am sorry to say this, but your son will completely be expelled from the academy," he seriously said. "And that's based on the mandated school laws."

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

175K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...