Eukrania Academy

By xyourwriterx

1.4K 100 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... More

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Diverse Powers
CHAPTER 3: Rare Magic
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)
CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)
CHAPTER 19: A Night To Remember?
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 21: To Keep
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 25: An Attack
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 28: Troubled Mind
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 6: Intruders

37 3 0
By xyourwriterx

Agad akong napabalikwas ng tayo sa aking pagkakahiga nang tatlong beses na magkakasunod na katok ang aking narinig. Pumunta ako sa pintuan para buksan ang pinto.

Nakahiga lang naman ako sa aking higaan at nag-iisip nang malalim dahil may bumabagabag sa aking isipan, at hindi ko mawari kung ano ito.

"Hi. How are you?" nabigla ako sa presensya niya, at nakapagtatakang mag-isa lang siyang pumunta rito.

"Okay lang naman ako. Bakit ka pala naparito?" sabi ko, na sana hindi rude ang dating sa kanya.

"Hindi mo ba ako patutuluyin?" natatawa niyang wika.

Masyado kasing mahigpit ang pagkakahawak ko sa doorknob at parang walang balak na bitawan. Siya ang una kong pinapasok sa loob ng silid, sumunod naman ako. Maliit lamang ang kwartong ito, sapat na sana sa amin ni Bea kaso wala na siya. Kaya sa tingin ko, higit na ang laki nito para sa isang katulad ko.

"Okay ka lang ba rito? Baka gusto mong doon na lang sa dorm namin nila Alice tumuloy. May isa pa namang bakante roon," aniya habang pinagmamasdan ang bawat espasyo ng silid.

"Hindi na. Okay na ako rito. Salamat na lang," nakangiti kong sambit.

"Magpapadala na lang ako ng mga bagong kagamitan dito para mas maging komportable ang pananatili mo rito sa academy," anunsyo niya.

"George, salamat, pero hindi mo na kailangan pang gawin ang bagay na iyon. Okay na ako sa kung anong mayroon dito. Isa pa, maayos naman ang mga kagamitan at sanay naman na ako," matapat kong wika.

"Oh. Sige, sumabay ka na lang sa amin sa pagkain mamaya. Pumunta k-," pinutol ko ang sasabihin niya.

"Hindi na, George. Ayos lang talaga ako. Atsaka busog pa ako, kakakain ko lang din kasi. Salamat na lang," sabi ko.

Magsasalita pa sana siya nang biglang tumunog ang cellphone niya. "Alvira, I have to go. If you need something, just tell me or them, okay?"

Tumango na lamang ako para hindi na tumagal pa ang usapan. Nagpaalam siya at agad na lumabas. Mukhang may importanteng bagay siyang kailangan gawin.

Napahinga ako nang malalim habang iniisip ang mga bagay na nagawa ng Dark Noxis para sa amin. Kaunti pa lamang iyon kung tutuusin, pero sobra-sobra na ito para sa akin.

Isinarado ko na ang pinto, at humiga na sa kama. Magdamag akong nag-isip kanina kaya hindi ko namalayan na gabi na pala. Katulad nga ng sinabi ko kay George, kumain na ako. May baon kasi akong kamoteng kahoy, inilagay pala ito ng lola sa bag ko kaya ganoon na lamang ang bigat nito nang buhatin ko.

Nabigyan ko pa si Bea bago siya umuwi sa kanila. Hindi ko na kasi siya naayang kumain nito noong nandito pa siya kasi lagi siyang nag-aaya na kumain sa cafeteria. Kaya ito na lang ang kakainin ko ngayon. Paborito ko kaya ito, lagi nga akong nagpapadala nito kay lola bago siya umuwi ng bahay. Imbes na kumain ng kanin at ulam, kamoteng kahoy ang kinakain ko.

Pinikit ko ang aking mga mata, at sinubukang matulog. Ilang minuto ang lumipas, pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi maganda ang pakiramdam ko.

Lumabas ako ng dorm, at naglakad sa hallway. The lights are dim. Wala akong naririnig na ingay, sobrang tahimik lang ng paligid. Patuloy lang ako sa paglalakad nang may marinig akong dalawang estudyanteng nag-uusap habang naglalakad papunta sa gawi ko, kaya nagtago ako sa isang sulok kung saan alam kong hindi ako makikita.

"Sigurado ka tol? May nakapasok na kalaban sa La Mahika?" wika ng lalaking estudyante.

"Oo, pre. Kinuwento sa akin ng class president namin, huwag ko raw ipagsasabi pero mukhang kalat na rin naman sa buong academy. Hindi raw pang-karaniwan ang mga halimaw na ito. Mapinsala ang mga nilalang na iyon, at pumapatay din," sagot naman ng isa.

"Kailangan ba nila ang tulong natin?"

"Mukhang hindi na kailangan. Papunta na roon ang Dark Noxis."

"Kawawang mga outcast, hindi man lang nila kayang ipagtanggol ang mga sarili nila," wika pa niya, na hindi ko alam kung nang-iinsulto ba o naaawa.

"Yeah. They're hopeless."

Hindi ko na narinig pa ang mga pinagsasabi nila dahil malayo na ang pagitan namin. Outcast? Kalaban? Halimaw?

"Si lola," bigla kong bigkas.

Tumakbo ako pabalik sa dorm ko, at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi na ako mapakali— lakad doon, lakad dito. Ang mga kamay ko ay nanginginig na, at ang mga tuhod ko ay nangangatog na rin. Naiiyak na ako sa kaiisip. Anong dapat kong gawin?

Tumingin ako sa bintana kung saan tanaw ang gate mula rito. Mahaba-habang lakarin din ito kung tutuusin. Hindi pa naman ito bumubukas simula pa kanina, dahil naririnig ko naman ang ingay ng gate kung sakaling bubukas ito. Sound-proof naman itong building, pero hinahayaan ko lang talagang nakabukas ang bintana ko para aware ako sa labas.

Tama, kailangan ko silang puntahan— ang Dark Noxis. Tumakbo ako palabas nang sobrang bilis. Maingat kong tinanaw at pinakiramdaman ang paligid para siguraduhing walang makapapansin sa akin. Pupunta ako sa dorm nila, at sana nandoon pa sila. Saan nga ba iyon?

Shit naman! Sa mga ganitong pagkakataon talaga ang hirap mag-isip. Kalma, Alvira, kumalma ka.

Hindi na ako nagpatuloy sa paghahanap sa dorm nila kasi naalala ko na nasa 15th floor pa ito. Panigurado, pababa na ang mga iyon.

Ginamit ko ang hagdan pababa, kasi kung gagamit ako ng elevator baka may makakita pa sa akin. Binalaan pati ako ni Ms. Helefina na kung maaari ay manatili na lamang ako sa loob ng dormitoryo kung wala naman akong importanteng gagawin. Most of them probably don't use stairs, because they would prefer something that is not tiring. Mag-aaksaya pa ba sila ng pagod kung mayroon namang bagay na magpapadali sa gawain nila?

Inabangan ko sila sa ibabang bahagi ng gusali, pero ilang minuto na ang nakalilipas wala pa rin sila. Ano nang gagawin ko?

Naramdaman kong may paparating na tao, nagtago ulit ako sa isang sulok. May kausap ito sa telepono habang naglalakad, at huminto malapit sa pwesto ko.

"Bakit hindi niyo ako inantay? Ang sabi ko, may kukunin lang ako, pero hindi niyo na ako nahintay," halata ang pagiging iritable sa boses niya.

"Susunod ako," ibinaba niya na ang telepono at inilagay sa kaniyang bulsa.

Tumingin-tingin pa siya sa paligid kung may tao, saka niya ginamit ang kapangyarihan niya. May ginagawa siyang isang malaking bilog na maliwanag, kulay puti. Pumasok siya sa ginawa niyang ito. Kung hindi ako nagkakamali, isa itong portal papunta sa Harthwaite Town.

Kinuha ko itong pagkakataon para makapunta sa bayan namin. Tumakbo ako papunta sa bilog at halos gumulong na ako para lamang makaabot dito. Hindi ko na ininda pa ang galos na natamo ko dahil sa pagdausdos, dahil ang mahalaga ngayon ay ang kapakanan ng aking lola at ng mga kababayan ko. Alam kong wala akong kakayahan, pero batid ko na may magagawa ako.

Lumabas kami sa isang bakanteng lote, bahagi ito ng Cesterfield na katabi ng Palperoth Academy. Hindi ko na nakita si Aira na siyang gumawa ng portal, bigla siyang nawala. Mukha namang walang nangyayari, pero mula rito sa pwesto ko ay tanaw ko ang mga halimaw na nasa himpapawid. Papunta na ang mga ito sa academy namin.

Nagtago ako sa isang puno. Pinakikiramdaman ko lang ang paligid. Malayo-layo pa mula rito ang bahay na tinutuluyan namin ni lola. Paano ako pupunta roon sa loob lamang ng limang minuto?

"Tulong!" isang impit na sigaw ang narinig ko sa di kalayuan.

Nagmadali akong pumunta sa kung saan nanggaling ang sigaw na iyon. Nagsisitaasan ang mga damong talahib sa lugar na ito. Kinailangan ko pang iwasiwas at itabi ang mga nakaharang sa daraanan ko.

Napatakip ako sa bibig ko kasabay ng mabilis na kabog ng dibdib ko. Hindi ko inaasahan ang aking nasaksihan. Isang lasug-lasog na katawan ang nasa lupa kasama ang isang halimaw na kumakain sa mga lamang-loob nito. Hindi ko na mawari kung anong kasarian ng biktima dahil sa kinahinatnan nito.

Sinubukan kong ihakbang paatras ang aking paa, ngunit tila sampung beses ang talas ng pandinig ng kung anong nilalang na ito at napatingin sa direksyon ko. Ang kabog ng dibdib ko ay lalong lumakas, at ang butil-butil ng pawis ay nararamdamang kong umagos mula sa aking ulo hanggang noo, pababa sa leeg.

"Huwag kang lalapit sa akin," sabi ko sa isip ko.

Kung titingnan mo ang halimaw na ito, sa unang tingin, maihahalintulad mo ito sa isang aso. Pero ang totoo, mukha itong isang malaking daga na mayroong mahahabang pangil. Tumutulo pa ang dugo sa bibig nito.

Humakbang ito palapit sa akin, at hindi ko na mawari kung anong dapat kong gawin— kung sisigaw ba ako para humingi ng tulong o hintayin na lamang ang katapusan ko. Tila takam na takam itong lapain ako dahil maririnig mo ang kakaibang tunog na nagmumula sa kanya.

Naisip ko bigla ang lola ko. Tama, nandito ako para siguruhing ligtas siya, hindi para mamatay.

Tiningnan ko lang ito sa mapupula nitong mata. Habang patuloy na lumalapit sa akin ay umaatras naman ako hanggang sa natalisod ako't napasalampak sa sahig. May nakapa akong bato sa gilid ko, pagkakataon ko na sana iyon para ibato ito sa nilalang na iyon nang tumalon ito sa direksyon ko. Ngunit sa bilis ng pangyayari, hindi ko na nagawa pang isara ang mga mata ko, nakita ko na lamang kung paano ito naging abo.

"Who gave you the permission to come here?"

That familiar voice, that cold voice of him that never fails to give me an intense shivery sensation. I didn't respond. I am still in shock brought by the dreadful scene just earlier.

"If you want to die, just tell me, I will be honored to do that by myself," he lifelessly said then walked away.

"Wait, I never asked you to save me. But anyways, thank you," I said that made him stop for a moment then continued walking.

I managed to stand up. Nanginginig pa rin ang kalamnan ko, hindi na siguro mawawala ang kabang dulot noong nangyari kanina. Nagpalinga-linga ako sa paligid, at wala na siya.

Huminga ako nang malalim saka nagsimulang tumakbo paalis sa masukal na lugar na iyon. Pumunta ako sa gawi ng academy, at nakita ko roon ang buong miyembro ng Dark Noxis na dinedepensahan ang gusali, maliban kay Tyrone.

Ang mga nasa himpapawid na kanina ko pa nakikita ay parang mga dragon, ngunit maliit ang mga ito kumpara sa mga dragon na nakikita ko sa libro. Gumawa si George ng shield gawa sa lupa para salagin ang apoy na ibinubuga nito, habang sinusubukan namang kontrolin ni Miguel ang mga bagay na nasa paligid niya para i-atake sa mga ito.

Hindi na ako nagtagal pa sa ganoong sitwasyon dahil kailangan ko nang makita si lola. Ginawa ko ang lahat para tumakbo nang mabilis habang maingat na nagmamasid sa paligid. Wala na akong oras.

Dalawang kilometro. Iyan ang kailangan kong takbuhin para makarating sa amin. Tinakbo ko ang kahabaan ng highway, wala namang masyadong dumaraang sasakyan dito. Isang probinsya kung ide-describe ang lugar na ito kung saan ako namamalagi. Malayo sa sibilisasyong pamumuhay ng mga elite, pero kailanma'y hindi ko ikahihiya.

Sa loob ng halos kalahating oras, nakarating ako sa bukana ng kalye. Isang napakalaking achievement na nito para sa akin. Sa layo ba naman ng tinakbo ko na usually, kailangan mo talagang sumakay ng tricycle mula sa bayan. Iba talaga ang nagagawa ng adrenaline rush.

Kapansin-pansin ang katahimikan sa kapaligiran, bagaman hindi naman ganoon kaingay ang lugar namin ay hindi rin naman ito ganito katahimik.

Ika-sampu, mula sa unahan ang bilang ng aming tinitirhan. Malaki ang agwat ng mga bahay dito, layo-layo kumbaga. It's somehow enough for someone who wants to be physically fit just by walking so as to run. And at this point, I have to run.

Nasa tapat na ako ng aming tahanan, at laking gulat ko nang hindi ko na matanaw ang eksaktong hitsura nito. Napatakip ako sa bibig ko habang ang luha'y bumagsak na mula sa aking mata. Nasunog ito, at tanging mga pader na lamang ang natira.

"Lola?" bigkas ko habang nanginginig ang buong katawan. Halos hindi na ako makagalaw. Napaluhod ako at napahagulgol na lamang sa kawalan.

"Miss, anong ginagawa mo rito?"

Tiningnan ko ito habang patuloy na umiiyak. "Nasaan po ang lola ko?"

"Ipinagbabawal muna ang pagbalik sa mga tahanan, hindi ka ba naabisuhan?"

Mababakas mo ang awtoridad sa boses niya. At ngayon ko lang napansin ang uniporme niya, isa siyang pulis.

"Oh siya, sumama ka sa amin papunta sa evacuation hall."

Nabuhayan ako ng loob nang sabihin niya iyon. Ibig sabihin kasi nito, mayroong posibilidad na naroroon ang lola ko.

Nakarating kami sa evacuation hall na tinutukoy niya. Isa itong covered court na kadalasang ginaganapan ng mga event dito sa bayan namin. Marami na ang taong naririto. Abala sila sa kanilang mga ginagawa. Iyong iba ay natutulog, kumakain, nagbabasa ng libro, at iba pa na pampalipas ng oras.

Iginala ko ang mata ko sa paligid para hanapin si lola.

"Alvira!" isang pamilyar na boses.

Tiningnan ko kung saan ito nagmula at nakita ko siya. "Bea."

Niyakap niya ako. "Bakit ka nandito? Diba nasa academy ka dapat ngayon?"

"Mahabang istorya. Gusto ko lang makita si lola."

"Huwag kang mag-alala, kasama ko siya, kasama namin siya. Tara," iginiya niya ako kung saan sila nakapuwesto ng kanilang mag-anak.

"Alvira," boses ng taong pinakamamahal ko, ang aking lola.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...