Eukrania Academy

By xyourwriterx

1.4K 100 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... More

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 2: Diverse Powers
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 6: Intruders
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)
CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)
CHAPTER 19: A Night To Remember?
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 21: To Keep
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 25: An Attack
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 28: Troubled Mind
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 3: Rare Magic

43 5 0
By xyourwriterx

Hindi na sila nag-aksaya pa ng oras, sinimulan na kaagad nila ang laban. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na maglalaban sila nang isa laban sa apat. Sa nakita ko kasi kanina, lahat sila ay malakas at may kani-kanilang liksi at bilis. Kaya ngayon, nagtataka ako kung paano niya ito lalabanan.

Sabay-sabay na umatake ang apat, at papagitnaan nila si Tyrone. Pero sa isang iglap lang, parang isang kidlat na nawala ito, at isa-isang inatake ang kaniyang team mates. Kung mabilis silang apat sa kaninang laban nila, mukhang triple pa ang bilis ng team captain nila. Hindi nila ito mapantayan. Kaya hindi na nakakapagtaka kung siya ang napili nilang leader.

Sinubukan pa rin nila itong labanan, pero ni daplis ay hindi nila nagawa. Kaya natapos ang laban nang hindi man lang nila nahahawakan si Tyrone. Napatumba silang apat ng isa. He stared at me and I saw him smirk, but he still had no emotions.

"Iyan ang team captain namin!" sigaw nilang apat.

Matapos ang makalaglag-pangang training na iyon, nagpahinga muna ang ilan. Hindi pa kasi tapos ang training, mayroon pa silang gagawing pag-eensayo kasama ang ibang teams gamit na ang special abilities nila. At hindi ko maintindihan, pero naeexcite akong masaksihan iyon. Bago lang kasi sa paningin ko ang makakita nito, at hindi naman lingid sa kaalaman ko na mayroon silang kapangyarihan na wala kami.

Nagpahinga lang sila saglit at maya-maya ay nagpasya nang kumain. Inaaya nila ako pero tumanggi ako. Hindi na nila ako pinilit pa. Ayaw ko kasing may masabi na naman ang ibang estudyante rito lalo na at isa akong outcast. At ang isang outcast ay hindi nabibilang dito.

"Come with us," iyon na naman ang malalim at malamig niyang boses.

"Hindi na. Okay lang ako. Kumain na rin naman ako kanina. Hindi pa ako gutom," pagtanggi ko sa alok niya.

Hindi siya umimik, at bigla na lamang siyang umalis. Hindi na ako nabigla pa sa iniasta niya kasi ganoon ang nakikita kong personality niya. Siya iyong tipo na hindi na pinapahaba pa ang diskurso. He's as cold as ice.

Ang totoo niyan, gutom na rin talaga ako kaso ayaw ko lang talagang sumama sa kanila kasi baka may masabi na naman ang iba. May trabaho akong dapat atupagin dito, at hindi ko na dapat sila pag-aksayahan pa ng oras.

Lumabas ako ng training center ng Black Team, at balak ko ngayong puntahan si Bea. Ang laki pala talaga nito. Habang naglalakad ako, nararamdaman ko na mayroong nakamasid sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero ang lakas ng pakiramdam ko. Hindi ko na lamang iyon pinansin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.

May malawak na hardin, malaki at makulay na fountain, at malawak na oval dito. Hindi ko pa ito kabisado kaya parang namamasyal ako sa kawalan. Saan ko kaya hahanapin si Bea?

"Alvira!" boses ni Bea.

Nilingon ko siya, at nakita ko na nasa canteen siya. Open area ang canteen dito sa 16th floor. Napakapresko ng paligid kasi napapalibutan ito ng mga puno, halaman, at naiilawan mula sa sikat ng araw. Maganda sigurong makita ang sunset dito.

"Alvira, kain na tayo rito," dagdag pa niya nang makalapit ako.

"Sige gutom na rin ako eh," saad ko naman.

Pumunta kami sa pwesto niya at nagulat ako nang makita kung sino ang mga kasama niya. Kasama niya ang Black Team. Diba orange ang team na naka-assign sa kanya? Bakit niya kasama ang mga 'yan?

"Hinahanap kita kanina, sakto namang nakasalubong ko sila kaya tinanong ko kung nasaan ka, tapos ayun inaya na nila akong kumain kasi pupunta ka rin naman dito," paliwanag niya. Hindi naman ako umimik dahil nahihiya ako. "Gutom ka na diba? Kuha ka lang nang marami doon."

Napatingin naman ako sa gilid niya kung saan tahimik na kumakain ang team captain nila George. Seryoso siya at parang walang naririnig. Buti naman.

Kumuha na ako ng pagkain saka nagsimulang kumain kasama ang Black Team. Nakita ko si George at nakangiti siya sa akin nang matamis kaya nginitian ko rin siya nang pilit. Nahihiya kasi talaga ako.

"Ano palang pinagkakaabalahan niyo sa inyo?" tanong ni Miguel.

"Ako, ayun tumutulong akong magtinda sa palengke. Tapos nag-aaral ako sa kolehiyo," wika ni Bea. Tiningnan naman ako ni Miguel na parang sinasabing, "Ikaw, Alvira?"

"Tinutulungan ko si lola na magbangkal ng kahoy, at nag-aaral din ako," seryoso kong wika.

"Hmm. I see."

Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko. Natutuwa ako dahil hindi sila katulad ng iniisip ko na mayabang, arogante, at masama ang pakikitungo sa mga katulad naming outcast. Pero at the same time, natatakot na baka kung anong isipin ng iba kapag nakita nila kaming dumidikit sa kanila.

Natapos kaming kumain at magkakasabay na naglakad papunta sa battle arena para sa final training. Magkakalaban ang lahat ng teams. At ngayon na pipili ang ministry ng Aurelius District ng team na magrerepresenta ng academy sa Annual Game of the Superiors na lalahukan ng lahat ng districts at divisions sa La Mahika.

"Tyrone, goodluck!" isang magandang babae ang lumapit sa kanya. Maputi ito at maganda ang pangangatawan. Kumapit ito sa mga braso niya. "Alam kong kayo ang mananalo."

"Thank you," he said in a cold voice. Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa kanya. At tumalikod para umalis.

"Tyrone naman. 'Wag ka namang ganyan. Kausapin mo ako nang maayos. Akala ko ba okay na tayo? Bakit ganito ka pa rin makitungo sa akin?" halos mangiyak-ngiyak na niyang sabi.

"Yes, we're okay. But we have nothing now. Accept that," he said calmly.

"Forgive me please. I want you back. I still love you," she said begging.

"Aira, I've already moved on. I think you also have to," he said in a hard tone.

Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala siya, at nagkatitigan kami. Pero pinutol rin namin iyon at dumiretso na siya sa paglalakad. At nakita ko kung gaano kasama ang tingin noong babaeng kausap niya kanina. They were together. What happened?

Umalis na rin ako at pumasok na sa battle arena. Nasa audience area ako. Ilang oras din kaming naghintay sa aming mga upuan. Napansin ko na marami ang naririto ngayon, libo-libo ang nanonood, at nakakagulat ito. Hindi ko inaasahan na mahalaga talaga ang mangyayari ngayon. May mga big screen sa buong paligid namin. Dito yata namin masasaksihan ang laban ng lahat ng teams sa academy.

"Alvira, kinakabahan ako," wika ni Bea sa tabi ko.

"Ako rin," wala sa sarili kong wika.

Hindi ko alam kung anong mangyayari pero kinakabahan ako. Sana manalo sila. I don't know why, but I could feel that they are going to win this fight. I believe in them. The fighting spirit and the unity that they have will be the reason for their victory. I am sure with that.

Ilang minuto pa kaming naghintay. Naghahanda pa siguro ang lahat. Kani-kaniyang suporta ang lahat ng estudyante rito. May mga naka-kulay Blue, Green, Brown, Orange, at ako, naka-Black shirt. Si Bea naman, naka-Orange. Ito pala ang purpose nito kaya binigay sa amin.

Blue Team- Crystal Archers

Green Team- Emerald Warriors

Brown Team- Earth Shakers

Orange Team- Ruby Fighters

Black Team- Dark Noxis

"Alam mo, gusto kong magpalit ng black shirt, mas gusto ko kasi silang suportahan kasi iba sila sa lahat. Ang bait ng pakikitungo nila sa atin, at hindi mo mararamdaman na may boundary sa pagitan ng elites at outcasts," wika ni Bea. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.

Ang battle arena ay parang auditorium at sinehan na maraming upuan at nasa ibaba ang pinapanood. Maraming tv screens at speakers sa paligid. Kaya makikita mo talaga ang mga kaganapan sa loob ng arena.

"Good Day everyone! Today will be the Final Training and Competition among the different teams of Eukrania de Aurelius Academy. This game will have three sets. The first set would be the maze. Dito, magkakarooon kayo ng advantage sa ibang teams kung mauuna kayong makapunta sa exit para magpatuloy sa 2nd set, at ito ang Puzzle. After that, you could proceed to the 3rd set. Dito ay may makakalaban kayong mga dark creatures and monsters. Sa tatlong sets na ito, may mga kagamitan at food supplies kayong magagamit para sa Final Round, Survival Game. Dito natin makikita ang iba't ibang galing, talino, at lakas na mayroon kayo. Kaya goodluck!" sabi ng emcee gamit ang speaker. "The game will start... now!"

Doon na namin nakita ang limang grupo. Kada grupo ay may limang miyembro at kabilang na rito ang team captain na magdadala sa buong grupo.

Pumasok sila sa entrance ng maze. Makikita rito ang iba't ibang strategy ng mga team gamit ang mga ability nila. Ang Blue Team ay gumagamit ng ilaw na ginawa ng kagrupo nila. Umiilaw ang mata nito. Kaya naman, hindi nahirapan ang team nila na maglakad sa madilim at masukal na daan.

Ang Green Team, mas kilala sa tawag na Emerald Warriors, ay kalmado lamang na binabaybay ang masalimuot na daan. Samantalang, naghiwa-hiwalay naman ang Brown at Orange Team.

Ang Dark Noxis naman ay kalmado lamang sa kanilang ginagawa. I saw how Erica use her power of invisibility, and made the whole team invisible. I bet she is "The Support" of their team. On the other hand, Alice, who is "The Brain" of the team, has her enhanced mind and ability that will lead the group to the right path. It is a maze after all, they have to think critically.

Makikita sa monitor kung gaano nangunguna ang team nila George. In less than minutes, they are proceeding now to the second stage, which is the puzzle. Kapansin-pansin na halos lahat ng atensyon ng mga audience na nanonood kasama ko ay nasa black team.

Meanwhile, as usual, Alice easily cope up with the logical problem that the puzzle has given them. Finally, they have resolved the puzzle with their team captain putting the last piece into its place. No wonder why he is the leader. Because he has everything: the authority, power, intimidating looks, and intelligence.

The third stage was again easily accomplished by their team. They have gained amazing points, as if the "winner" in this competition has already been distinguished. I saw how George made a shield out of earth materials. So, he is "The Defense", huh? He can control rocks, soil, and other earth objects. He has earth elemental power or what we call Geokinesis. That's quiet powerful.

Miguel, however, initiated an attack to the dark creatures through his Telekinetic power. He wiped them all just by controlling them in the air, and crashing them on the ground. He is the "The Initiator or Attacker" of the group.

But, the dark creatures kept on existing out-of-nowhere. The other teams were now approaching. And the next thing that happened was unthinkable and made our jaws locked; all the dark creatures were stopped from moving and have eventually burnt down, turned into ashes, and vanished into the thin air.

And fantastically speaking, that was because of their "Team Captain" who possesses Dark Magic and Creature Control, Tyrone Calix.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...