Eukrania Academy

By xyourwriterx

1.4K 100 2

Si Alvira Trinity Hawthorne ay isang Outcast; ibig sabihin, wala siyang taglay na kapangyarihan, mahika o anu... More

Prologue
CHAPTER 1: The Start
CHAPTER 3: Rare Magic
CHAPTER 4: The Upper Class
CHAPTER 5: Stay Longer
CHAPTER 6: Intruders
CHAPTER 7: A New Member
CHAPTER 8: Taste Of Longing
CHAPTER 9: Saved
CHAPTER 10: Archer Of Desire
CHAPTER 11: Festival Of Magic (Part One)
CHAPTER 12: Festival Of Magic (Part Two)
CHAPTER 13: Festival Of Magic (Part Three)
CHAPTER 14: Festival Of Magic (Part Four)
CHAPTER 15: Festival Of Magic (Part Five)
CHAPTER 16: Festival Of Magic (Part Six)
CHAPTER 17: Festival Of Magic (Part Seven)
CHAPTER 18: Festival Of Magic (Part Eight)
CHAPTER 19: A Night To Remember?
CHAPTER 20: The Favor
CHAPTER 21: To Keep
CHAPTER 22: The Training
CHAPTER 23: Cogito Ergo Sum
CHAPTER 24: A Trip
CHAPTER 25: An Attack
CHAPTER 26: Aztrakhan District
CHAPTER 27: An Unofficial Date
CHAPTER 28: Troubled Mind
CHAPTER 29: A Challenge
CHAPTER 30: The Eanverness Forest
Chapter 31: The Betrayal

CHAPTER 2: Diverse Powers

45 5 0
By xyourwriterx

"Alvira, nakahanda ka na ba? Pinapapunta na tayo ni Miss Helefina sa training area. Tara na," anyaya ni Bea.

"Oo, sandali lang," sagot ko habang inaayos ang unipormeng ibinigay sa amin. Para itong isang school uniform. Kulay itim ang palda na halos above the knee. Tapos kulay puting pang-itaas na may ribbon malapit sa leeg. Kaya hindi naman siguro ako magmumukhang tagasilbi dito, pero wala na akong pakialam.

Lumabas na kami ng kwarto at tumuloy sa isang silid kung saan nagaganap ang isang pagpupulong. Tulad nga ng sinabi sa amin, naghiwa-hiwalay kami ng gawain na nakabase sa kulay na ibinigay sa amin. Iyong iba ay kulay asul, mayroon ding berde, brown, orange, at ang akin ay itim.

Hindi kami magkasama ni Bea dahil kulay orange ang tatak niya. Sinundan ko ang babaeng nagbibigay sa amin ng direksyon patungo sa isang silid. Masyadong malawak ang paaralang ito, aabutin siguro ako ng isang araw sa paglibot nito. Kinatok niya ang pinto at may sinabi sa loob nito, hindi ko na pinakinggan pa.

"Maaari na kayong pumasok," wika nito at umalis na.

Kasama ko ang isang matanda at isang isang nanay. Hindi ko lubos maisip na kailangan nilang gawin ito gayong mayroon pa silang responsibilidad sa labas- sa mga pamilyang naiwan nila. Kitang-kita talaga ang hindi pagkakapantay-pantay sa lipunang aming kinabibilangan, pero wala naman kaming magagawa dahil ito ang ibinigay na tadhana sa bawat isa sa amin.

"Hmm, Good morning," bati sa amin ng isang lalaking estudyante, kasing edad ko lang siguro. Maganda ang kasuotan, pangangatawan at pisikal na anyo, at paraan ng pagsasalita niya kabilang na siguro ang lahat ng estudyanteng nag-aaral sa paaralang ito. Tila ipinapamukha ang pagkakaiba ng estado ng mga buhay namin. Dito kasi sa mundo namin, ang kapangyarihan ay kayamanan. At kung wala ka nito, tiyak, mahirap ang dadanasin mong pamumuhay. Pero in my case, hindi naman ganoon kahirap. Kasi mas mahalaga naman iyong nag-eenjoy ka sa ginagawa mo, at kasama mo pa ang mahal mo sa buhay. Kaya I'm still thankful.

Tumango naman kami bilang paggalang. Doon ko lang napansin na apat lang pala sila sa napakagandang silid na ito. Parang isang hotel, maaliwalas, simple at napaka-elegante ng mga disenyo.

Nasa sala kami ngayon kung nasaan sila. May anim na kwarto sa loob nito. Tulad ng iniutos sa amin, lilinisin namin ang mga kwarto nila, at pananatilihin namin ang kaayusan ng mga kagamitan dito. At kung may kakailanganin sila sa training nila ay kami ang magbibigay nito.

"Ako nga po pala si George Brando, member of Black Team," nakangiting pagpapakilala niya. "Eto naman si Alice Cooper, Erica Heston, at si Miguel Hudson."

Nakangiti sila sa amin kaya ngumiti na rin ako bilang respeto. Bigla namang bumukas ang pinto, at iniluwa ang isang matikas at matipunong pangangatawan.

"At siya naman si Tyrone Calix, ang Team Captain ng grupo namin," seryoso naman itong tumingin sa amin. Napako ang tingin niya sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko maiwas ang tingin ko sa kanya. Tila nilalamon nito ang kaluluwa ko.

Hindi ito bumati sa amin, maski tango ay wala. Napakaseryoso niya, tila ba pinagkaitan ng mundo. Dumeretso lamang ito sa kanyang kwarto.

"Pagpasensyahan niyo na lang po, sadyang ganoon lang iyon, pero mabait din naman ang taong iyon kahit papaano," biro niya sa amin. Hindi ko maiwasang mangiti dahil sa positive vibe na ibinibigay niya sa amin.

"Magsisimula na po kaming maglinis, at kung may kailangan po kayo sa amin ay pakisabi na lamang," wika ni lola na kasama namin.

"Naku, lola, kaya niyo pa po bang gumawa ng ganitong klase ng trabaho? Hindi po ba kayo nahihirapan?" tanong na may halong pag-aalala noong Alice ang pangalan. "Kami na lang po ang gagawa ng trabaho niyo."

"Ay hindi na. Kaya ko pa naman. Tutal, ginusto ko naman ito dahil ayaw kong maabala ang pag-aaral ng mga apo ko," wika niya sa mapakumbabang tono. Hindi ko maiwasang maalala ang lola ko.

"Ah. Ganoon po ba. Tumuloy na lang po muna kayo sa kwarto na iyon. Hindi na lang po siguro namin kayo bibigyan ng mahirap na gawain. Magpahinga po kayo hangga't maaari," wika naman ni Erica.

"Salamat, iha," tugon ng matanda.

"Walang anuman po."

Pinatuloy nila kami sa isang kwarto, para may mapagpahingahan kami sa paglilinis. Nagsimula na akong maglinis sa sala nila. Ang kasama ko namang isa na si Ate Mel ay doon sa mga comfort room naglinis, at sa iba pang bahagi ng silid. Si lola naman ay hindi na namin pinakilos dahil baka hindi niya kayanin ang ganitong gawain.

Mayroon naman talagang nakaatas sa ganitong gawain dito sa Eukrania Academy, pero gaya nga ng sabi nila, dito gaganapin ang Game of Superiors ng lahat ng lalawigan o distrito ng La Mahika, kaya kakailanganin nila ng mas maraming taong kikilos para sa ikagaganda ng event na ito.

"Hey, what's your name?," tanong ni George. Tiningnan ko siya bago sumagot.

"Alvira," sabi ko saka pinagpatuloy ang pagpupunas ng ilang kagamitan sa sala.

"Nice name. By the way, ako nga pala ulit si George. Nice meeting you, Alvira," wika niya sabay abot ng kanang kamay. Tiningnan ko muna ulit siya, nakangiti naman siya. Inabot ko naman ang alok niyang pakikipag-kamay nang nakangiti. "Welcome to our world."

Hindi ko alam pero parang may iba akong naramdaman sa huli niyang pangungusap. Something strange that I can't explain.

Ilang oras na akong naglilinis at hindi ko pa natatapos ang ilang gawain ko.

"Alvira, natapos ko nang linisin ang kwarto nila, iyon na lang na nasa dulo ang hindi pa, pwede bang ikaw na lang ang magtapos noon? Kailangan ko na rin kasing magpahinga. Masyadong nakakapagod," pakiusap ni ate Mel.

"Ah. Sige po, walang problema," I said in a genuine smile. She thanked me, and went in her room.

Nagpatuloy ako sa pagpunas, pagwalis, at paglinis ng ilang parte ng silid nila. Maya maya ay tumuloy na ako doon sa tinutukoy ni ate Mel na kwarto na hindi niya pa nalilinisan.

Hindi naman naka-lock ang pinto kaya tumuloy na ako. Pumasok ako sa kwarto, at bumungad sa akin ang dilim. Binuksan ko naman ang ilaw at nagulat ako nang makitang may nakahiga sa kama.

"What are you doing here?" he said in a cold voice.

Hindi naman ako nakasagot kaagad. His voice affects the consiousness that I have. His presence keeps me uncomfortable.

"I said, what are you doing here?" tumayo na siya mula sa higaan, at doon ko lang napansin na wala siyang pang-itaas na damit. Tumalikod naman ako kaagad.

"Maglilinis sana ako dito sa kwarto mo," I said keeping my voice not to crack.

Naramdaman ko naman ang presence niya sa likod ko. "I don't need you here. You can get out now," tila nakuryente ang balat ko sa boses, dahil napakalapit ng bibig niya sa leeg ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras, umalis kaagad ako roon.

Napaka-cold ng presence niya. Akala mo kung sino. Wala akong pakialam sa'yo, fyi. I don't need you too. Kung hindi lang sa trabahong ito e.

At dahil nga wala naman na akong gagawin pa, napagpasyahan kong bumalik na lang sa dorm na tinutuluyan namin ni Bea. Hahawakan ko na ang door knob at lalabas na sana ako ng pintuan nang may maramdaman akong nakasulyap sa akin. Hindi ko alam kung papaano, pero lumalakas ang pakiramdam ko sa paligid. Nahinto ako saglit, at nawala rin naman ang ganoong klaseng pakiramdam. Hindi ko na lang iyon pinansin at tuluyan ng lumabas sa silid.

Habang naglalakad sa hallway, saktong maraming estudyante ang nagsilabasan galing sa isang silid. Kulay ginto ang kanilang uniporme, kumikinang dulot ng ilaw na nakatunghay sa daan.

Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa na tila sinasabing,

"Who are you? What are you doing here? You don't belong here."

Hindi ko sinasabing ganoon nga ang gusto nilang sabihin, pero nakikita ko sa mga mata nila na kinukwestyon nila ang presensya ko sa napakagandang lugar na ito. Sa uniporme pa lang nila, isinisigaw nito ang karangyaan nila sa buhay. Discriminating those who are unprivileged and marginalized in the society we are living in.

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, tutal wala naman akong balak makipagtitigan sa kanila. Naglakad ako nang nakatingin sa sahig para hindi ko na makita pa ang mga nakakasuyang reaksyon sa pagmumukha nila.

Nang makarating ako sa kwarto namin, wala pa roon si Bea. Nabobored na ako, sa totoo lang. Pero wala naman akong magagawa, kailangan kong gawin ito para sa lola ko.

Makalipas din ng ilang minuto, dumating na rin si Bea. Pagpasok niya ay pabagsak siya na dumeretso sa higaan niya.

"Woah! Nakakapagod ang araw na ito. Isang araw palang tayong nagsisimula pero ganito na kaagad?" umupo siya saglit. "Mananatili pa tayo rito ng isang linggo, at nakakapagod na. BUT. It's a big but. Ang daming gwapong estudyante rito," dagdag pa niya na ikinabigla ko. Hindi ako nagsalita.

"Kaso ang dami ring magaganda. Hindi hamak na mas maganda ang mga estudyante rito kumpara sa akin. Kaya malayong magustuhan nila ako," biro pa niya.

"Don't compare yourself to other people. We are all unique in our own different ways," bigla na lang iyang lumabas sa bibig ko.

Natahimik naman siya bigla, tumitig sa akin, at ngumiti. "Alam mo, tama ka. Hindi dapat natin ikinukumpara ang mga sarili natin sa iba kasi sabihin na natin na mas maganda sila, mas mayaman sila, at mas matalino sila, pero at the end of the day, meron tayo na wala sila. At doon palang, masasabi na natin na kakaiba rin tayo."

Nginitian ko siya bilang pagsang-ayon. Natahimik kami saglit at nagtawanan din. Mga baliw.

"Hindi ka ba nagugutom? Punta tayo sa cafeteria. Sabi ni Ms. Helefina, libre raw lahat ng pagkain para sa atin."

Hindi na ako sumagot pa at tumango na lang ako.

Sabay kaming naglakad sa hallway suot ang unipormeng ibinigay sa amin, at nandoon pa rin ang masasamang tinging ibinabato sa amin ng mga estudyante. Hindi na namin pinansin pa ang mga iyon.

"Bakit may outcasts dito? Eeew."

"Kaya nga. Pero balita ko pagsisilbihan nila ang mga lalahok sa Game of the Superiors."

"Ah. I see. Mga alipin pala itong mga ito."

We just ignored them, and just headed inside the cafeteria. Maraming kinuhang pagkain si Bea, halatang nagutom talaga siya. Nakakapagod din naman kasi ang trabahong naiatas sa amin. Samahan mo pa ng mga mapanghusgang nilalang sa lugar na ito. Naalala ko naman tuloy iyong team captain daw ng Black Team, nakalimutan ko ang pangalan pero napakasungit niya, and at the same time, I can sense something mysterious about him.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa training area. Hindi ko alam kung bakit kailangan pa naming makita ang training nila, eh parang paglilinis lang ang trabaho namin. Since isang training center lang naman ang mayroon sa Eukrania, magkasama kami ni Bea. Pero naka-assign sa magkaibang team.

Sumakay kami ng elevator papunta sa 16th floor, ang roof top. Pero hindi ko inaasahan na sobrang laki, lawak, at ganda nito. Para itong isang buong village sa sobrang lawak nito. May battle arena, may training grounds, mga gusali, at iba't ibang teknolohiya. Para itong panibagong mundo. Hindi na nakakapagtaka kasi nga walang imposible sa mga may kapangyarihan, kaya ang isang pang-ordinaryong nilalang na katulad ko ay hindi nababagay dito.

"Hey, are you amazed? By the way, doon ang designated area namin," wika ni George.

"Ah. Sige. Thank you," tugon ko. "Bea, punta na ako roon sa Black Team," paalam ko kay Bea at ganoon din naman ang ginawa niya, pumunta siya sa Orange Team.

"How's your stay here at Eukrania Academy?" tanong ni George habang naglalakad kami.

"Okay naman. Katulad nga ng sinabi mo kanina, namamangha ako kasi kakaiba talaga itong mundo niyo. Walang ganito sa mundo namin," seryoso kong wika.

"I see. Ganito kasi iyan, I know na alam mo na may magaganap na Annual Game of the Superiors sa La Mahika, and as usual, kailangang sumali ng Eukrania de Aurelius Academy dito. Pero bago iyon, kailangan munang salain ng mga official ng academy ang lalahok na mga estudyante sa larong ito," nakangiti siya habang nagkukwento at makikita mo ang excitement sa mga mata niya.

"At since kami ang new batch for this competition, we have to do our very best to prove ourselves to the ministry that we are worth choosing for. As you can see, we have formed different teams here, and we all wanted that spot to represent the academy to the Division Game of the Superiors."

I was literally shocked to what he has said. I can feel his nervousness, yet his eagerness to win as well.

"Black Team will win the spot this time, I am claiming that," he firmly said.

I like the spirit that he has. He has a strong desire to do the things he likes. And I like that attitude.

Nagsimula na silang mag-ensayo. Hindi ko pa nakikita ang power o ability nila. At mukhang wala silang balak gamitin iyon sa ngayon dahil, physical strength ang aim nila ngayon.

Nagsimula silang maglaban gamit ang mga sarili nilang katawan. Nakakamangha ang angking bilis na mayroon sila. Naglalaban ngayon si Alice at Erica. Nakakabilib na kahit wala pa silang ginagamit na special ability, eh napakalakas na nila. Walang nagpapatalo sa kanila. At makikita mo sa mga mata nila na desidido silang manalo sa laban na ito.

Natapos ang labanan nilang dalawa, at walang nanalo, wala rin namang natalo, in short, patas lang sila. Pero hindi ko maiwasang magulat nang may lumabas na kung anong mga nilalang sa harap nila.

"They're just virtual reality opponents. They're not real. Pero kailangan pa rin nila itong labanan dahil nararamdaman nila ang totoong sakit sakaling makalapit at umatake ito sa kanila. Pero, it's just an illusion," paliwanag ni George.

Nakita ko kung paano nila labanan ang sampung nilalang na nasa harapan nila. Gaya nga ng sabi ni George, they're just an illusion, pero kapag nandun ka sa sitwasyon nila, parang totoo ito. Kaya ka nitong saktan, sugatan, and worst, patayin. Nasa alternate world sila, wherein they really feel everything, as if it is real.

"Tayo lang ang nakakakita sa kanila. Hindi nila tayo nakikita," dagdag pa niya.

Napansin ko na iyon noong una kasi parang wala talaga silang nakikita, wala silang pakialam sa presensya namin.

In just a minute, their opponents were already gone. Ganun sila kagaling at kalakas. Tila nawala ang bumabalot na boundary sa pagitan namin, at kapansin-pansin na medyo napagod sila sa training na iyon. I wonder kung anong special ability nila.

"Well played," bati nina George at Miguel.

"Thank you," they replied back.

Ang sunod naman na sumalang sa training arena ay sina George at Miguel. Ganoon lang din ang nangyari. Pantay ang lakas at bilis nila sa pisikal na aspeto. Kaya sa huli, natapos ang training nila nang hindi man lang sila mukhang napagod.

"Where's Tyrone? He should have been here now. Master would get mad at him again," Alice said.

"Speaking of him, he's here na," Erica.

"Pre, ang tagal mo naman. Magagalit na naman si Master niyan," Miguel.

"Let's start," he said in a cold voice.

You can feel the authority in his aura. Like what he said, they all went inside the alternate world, and that made me feel shocked again. Huwag mong sabihin na...

"Isa laban sa apat," wika ni George bago pumasok sa arena.

He's very impossible. It just added to the feeling that he's really mysterious. What's with him? I'm curious now.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

177K 12.8K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...