DREAM AND REALITY [COMPLETED]

By IAMROMME

83.9K 4.4K 877

Stella, perceived as wicked and evil by some, embodies a facade of heartlessness, incapable of showing love e... More

MUST READ!
PROLOGUE
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
EPILOGUE
Author's Note
Special Chapter: First glance
Special Chapter: Pervert
Special Chapter: We meet again
Special Chapter: Friends...
Special Chapter: Coffee
Special Chapter: Confession
Special Chapter: First kiss
Special Chapter: First day...
Special Chapter: First Anniversary
Special Chapter: First baby
Special Chapter: Wǒ ài nǐ
Special Chapter: Happily ever after
AUTHOR'S NOTE
PLOT EXPLANATION:

02

3.8K 221 46
By IAMROMME

"Nay! Umiiyak yung animal dito. Patahimikin mo nga!" Sigaw ko habang nanonood ng palabas. Ang ingay-ingay ng lintek, eh. Iyak ng iyak, nakakabuwesit!

"Anak mo rin iyan, Stella! Ikaw na bata ka----hayyy! Ang sama-sama mo talagang ina. Walang kasalanan sa'yo ang batang ito pero kung makatrato ka ay parang halaga yung bata. Huwag mo naman siyang idamay sa galit mo."

"Makita ko lang o maski marinig ang boses ng batang 'yan ay agad na kumukulo ang dugo ko kaya ilayo niyo 'yan sa akin at baka matapon ko pa 'yan sa ilog. Naiirita ako sa pagmumukha ng batang 'yan. Manang-mana sa ama na walang kuwenta." Kunot na kunot ang noo ko habang patuloy sa panonood.

Parang mas lalo akong nainis dahil nakita ko na naman ang mukha ng gagong bakla na iyon na dumaan sa isipan ko.

Kahit na mahigit isang taon ko na itong hindi nakita ay naaalala ko pa rin ng klaro ang mukha niya. Argh! Nakakainis.

Isang biro lang ang lahat ng gabing iyon pero bakit kailangang magbunga pa iyon?

Flashback...

"Stella!" Tawag sa akin ng kung sinong hatdog. Nilingon ko naman ito at nakita si Didia na papalapit sa akin at pasuray-suray na. Lasing na rin ang kingina. "Saan ka nagpunta at bigla ka na lang nawala?" Tanong nito nang tuluyang makarating sa kinaruruunan ko. Muntek pang matumba si tanga mabuti na lang at nasalo ko siya kaagad. Utang ng Didia na 'to ang buhay niya sa akin, hayop siya.

"Hindi mo nakikita 'yan? Diyan ako nanggaling." Turo ko sa banyo na nasa likuran ko.

"Ah... Tumae ka?" Tatango-tangong saad nito. Agad ko naman siyang sinakal dahil iniinis ako ng babaeng 'to.

"Anong tumae? Umuhi lang ako, bangag! Tumae, tumae... Matinding paratang 'yan. Ipapakulong kita." Saad ko pero tinawanan lang naman ako nito bago hinila pabalik kung nasaan ang mga kasama namin.

"Hoy, bakla! Saan ka nanggaling at ang tagal mo?" Tanong ni Drake, maarte ang boses. Namumula na ito dahil sa rami ng nainom.

"Bakit ba 'yan lahat ang tanong niyo sa akin? Sa banyo lang ako pumunta pero kung makahanap kayo eh parang nag-abroad ako." Angil ko at kinuha ang isang bote ng beer at sumalampak ng upo sa tabi ni Drake at Bastee. Si Didia naman ay sa sahig na naupo. Bahala siya riyan. Naiinis ako sa kaniya. Pagkamalan ba akong tumae.

"Ahh... Tumae ka?" Saad nito kaya sinamaan ko kaagad siya ng tingin.

"Isa ka rin na kingina, eh. Anong tumae pinagsasabi niyo? Umihi lang ako! Hindi ako tumae!" Bakit lahat sila inaakala na tumae ako? Inamoy ko naman ang sarili at wala namang naamoy maliban sa amoy ng alak at sa amoy ng perfume ko.

"Guys! Guys! Maglaro na lang tayo." Biglang dumating si Gosi na dala-dala ang bote ng alak na wala ng laman. Mukhang lasing na lasing na rin ito. Nagiging dalawa na siya sa paningin ko. Lasing na rin ata ako? Hindi, hindi. Hindi pa ako lasing. Imagination ko lang 'yon.

"Tama. Tama." Saad ko pa at sinampal ang pisngi.  "Deal! Anong laro ba 'yan?" Pasigaw na tanong ko at nagpatuloy sa pag-inom.

"Dahan-dahan lang yung inom, girl. Hindi ka mauubusan ng alak, shuta ka." Panenermon sa akin ni Drake pero inirapan ko lang naman ito at nagpatuloy sa pag-inom.

"Maglaro tayo ngayon ng truth or dare. Madali lang, diba? Kaya sumali na kayo! Dali na. Dali na." Pamimilit pa ni Gosi kaya wala ng nagawa ang iba kung hindi ang sumali.

Agad na nagsimula ang laro at halos wala na akong maintindihan masyado sa sinasabi nila dahil parang umiikot na yung mundo ko at nabibingi ako. Basta pasayaw-sayaw lang ako habang patuloy sa pagtungga ng beer na hawak.

"Stella!"

"Oh?" Napakurap-kurap naman ako at napatingin sa kanila at nakatingin na ang mga ito sa akin ngayon.

"Truth or dare?" Tanong sa akin ni Laji at inayos ang kamay ko para pigain mamaya kapag pinili ko yung truth.

"Truth." Mabilis na sagot ko. Confident ako, eh.

"May gusto ka ba sa isa sa mga tropa natin?" Tanong nito kaya napakunot naman ang noo ko.

"Dare na lang pala ako." Saad ko at tumawa.

"Then kiss him. Kiss this guy named Drake Emmanuelle Zaragozaa." Mabilis na saad ni Gosi. Napahiyaw naman ang iba at agad na nagsimulang kalampagin ang lamesa.

"Hahalikan na 'yan. Hahalikan na 'yan. Hahalikan na 'yan." Our friends chanted while still slapping the table.

Hinarap ko naman ang katabi na nakatingin na rin sa akin. "Gagawin mo talaga?" Tanong nito.

Napatitig ako sa kaniya ng ilang sandali bago unti-unting natawa. "Oo, gagawin ko. Wala namang mawawala sa atin, diba?" Saad ko at hinawakan ang pisngi niya at ipinikit ang mata at hinalikan ito. Nang magmulat ay agad akong tumingin kay Gosi. "Done."

"Not to fast, Stella. You need to french kiss Drake in ten seconds. Not just a peck." Saad ni Gosi dahilan para samaan ko ito ng tingin.

"Sabi mo halik lang, ah?!" Angil ko.

"Hindi pa nga ako tapos sa instructions, eh." Natatawang saad pa nito.

Ang pisteng alien na bakla na 'to....!

"French kiss? Sa baklang 'yan?!" Turo ko pa sa katabi.

"Bakit parang takot ka? Huwag mong sabihin na hindi mo gagawin? You'll suffer the consequences--"

"Edi magsuffer. Hindi ako makikipag-french kiss sa baklang 'yan. Over my dead body! No way!" Sumenyas pa ako ng hindi gamit ang braso na ginawang ekis.

"Oh... Our Stella is really brave. Then the consequences will be... you french kissing Drake in one minute. How's that sound?" Nakangising tanong nito habang nilalaro ang bote sa kamay niya.

"What's with that shit?" Angil ko at tumayo na dahil naiinis na ako sa mga pinagsasabi niya.

"Don't spoil the fun, Stella. Just go with the flow. Wala namang mawawala sa'yo, eh." Sabi ni Didia.

"Tama. Tama. Gawin mo na lang, Stella. Tiyak na mag-eenjoy ka rin mamaya." Segunda ni Bastee.

"Gawin mo na, Stella!" Panunulsol pa ng iba naming kasama.

Gagawin ko ba? French kiss with Drake...? Is that okay? Well... Maybe that will be okay, right?

"Fine. Fine. I'll do it." Sagot ko at tumingin sa katabi ko. Nilaghok ko pa sandali ang natitirang beer sa bote bago sinunggaban ng halik ang katabi. Habang nakapikit ang mga mata ko ay ramdam ko na hindi gumagalaw ang labi ni Drake pero ipinagpatuloy ko lang ang ginagawa at maya-maya lang ay naramdaman ko rin na gumalaw na ito. Naririnig ko pa ang hiyawan ng mga kasama namin pero hindi ko na rin iyon masyadong napagtuunan pa ng pansin dahil nahihilo na ako at pakiramdam ko ay nakalutang ako sa hangin.

Nang magmulat ako ay siya namang pagtigil namin ni Drake sa ginagawa. We... really did it.

"That's what you called fun!" Saad ng mga kasama namin at nagsisisigaw pa.

"Sumasakit ang ulo ko sa inyo." Angil ko at napailing na lang at bastang inihiga ang ulo sa likod ng upuan.

Nagpatuloy ang laro at hindi na ulit ako naituro ng bote kaya nakaligtas ako sa mga kabaliwan ng mga kasama. Kahit nahihilo na at medyo nawawala na sa katinuan ay naririnig ko pa rin naman ang mga kasama ko. Mas lalong nagiging intense yung truth or dare nila. Yung sa kabilang tabi ko ay nakita ko pa silang kinakain na ang isa't-isa.

Nang akalain ko na tuluyan na akong nakaligtas  ay nagkakamali ako. Tumigil ang bote sa katabi ko, kay Drake. Nakinig naman ako habang patuloy sa pag-inom ng panibagong beer na hawak ko.

"Truth or dare, Drake?"

"Dare."

"Have sex with the girl next to you."

"Hoy, iba na 'yan." Natatawang angil ko at iwinagayway ang kamay ko.

"Dito natin malalaman kung bakla ba talaga si Drake." Saad ni Gosi.

"I'm not doing it." Saad ni Drake.

"That's not counted here, Drake. You need to do it. Unfair 'yon sa iba na ginawa ang pinagawa sa kanila." Umiling-iling pa si Gosi.

"Baliw. We're friends, Gosi. Friends don't sex." Saad ko habang natatawa at umiindak-indak pa.

I'm dizzy...

"Hindi lahat, Stella." Saad ni Gosi at nagsimula na namang gumawa ng ingay kagaya kanina. Pinipilit na naman nila kaming gawin ang gusto nila.

"What is the consequences?" Tanong ni Drake.

"Have sex with Stella."

"So I have no choice, huh..."

"Hey, you will really do it, Drake?" Tanong ko sa kaniya.

"Yeah." Sagot nito at bigla na lang hinawakan ang baba ko at sinimulan akong halikan.

Napakunot naman ako at balak sana itong itulak pero hinuli nito ang kamay ko at patuloy sa paghalik sa akin. Parang kusa na rin na bumigay ang katawan ko at nagpaubaya na lang. Hindi ko na naalala ang sunod na nangyari basta ang naalala ko ay umakyat kami sa taas ng bar kung saan may kuwarto habang patuloy pa rin sa paghahalikan at pagdama sa katawan ng isa't-isa.

The heat is making my thoughts blurry. I can't think straight anymore... My body is moving on its own.

I just found myself suffering from pain when I finally woke up. My head is killing me. Also down there... it's also aching.

I stilled when I totally remember what happened last night. Agad akong napabangon at tiningnan ang katawan na nakatago sa kumot at nakagat na lang ang labi nang makitang wala akong damit maski isa and my private part is aching. We... I and Drake... had sex.

It's my first time but the pain is killing me...

"Drake?" Tawag ko rito at nilingon ang tabi at natigilan nang makitang wala na ito ro'n. Wala na akong kasama. "Drake nasaan ka na?" Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko at pinilit ang sarili na tumayo para hanapin ito sa loob ng kuwarto at nagbabakasali na mali ang iniisip ko.

Hinanap ko siya sa bawat sulok ng kuwarto pero napaluhod na lang ako sa sahig at nayakap ang sarili nang wala akong makitang Drake.

"Bakit ako pumayag na mangyari 'to?" Pabulong na saad ko at sinabunutan ang sarili ko.

I have the right to decline that fucking dare since it's my choice and this is my life. Pero bakit hindi ko ginawa? Bakit hindi ginawa ni Drake? Bakit pumayag siya? He's gay, right? Bakit niya ginawa iyon kung gano'n siya? Bakit?!

Right... We're both drunk.

Pareho kaming lasing at wala sa sariling pag-iisip kaya namin nagawa iyon. Kaya namin sinunod ang sinabi ng mga kaibigan namin kahit na may karapatan naman talaga kaming humindi ay dahil lasing kami.

Pero bakit gano'n... Dalawa kaming pumunta rito pero nag-iisa na lang ako ngayon? Bakit niya ako iniwang mag-isa...

Why did you leave me without saying anything, Drake?

Patuloy sa pagtulo ang mga luha ko habang nakatingin sa kawalan at yakap-yakap ang sarili ko. "Pareho tayong may kasalanan. Pero mananatili kang buo kahit anong mangyari kasi lalaki ka, nasa katawang lalaki ka. Paano naman ako? Winasak mo na nga ako, iniwan mo pa ako. Bakit kailangan iwan mo kaagad ako, Drake? Gusto ko pang marinig ang paliwanag mo. Bakit kailan mo akong iwan agad pagkatapos mo akong wasakin? Gano'n na ba ang pandidiri mo sa akin?" Pagkausap ko sa hangin habang ang paningin ay nasa harapan na tila ba nakikita si Drake mula ro'n.

Hindi naman ako magagalit sa'yo, eh. Alam ko naman na pareho nating kasalanan 'to dahil nagpadala tayo sa tawag ng laman at alak. Pero bakit kailangan pa talagang umabot sa punto na kailangan mo akong iwan?! I'm still your friend but you still choose to leave me. Am I not worthy for you to stay?

Then...

From now on... I'm not your friend anymore.

I... don't love you anymore, Drake.

End of flashback....

"Wala na akong pakialam. Nangyari na ang nangyari." Kumuha ako ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan iyon. Hithit-buga lang ang ginawa ko habang patuloy sa panonood ng palabas.

Makaraan ang ilang sandali ay kumunot ang noo ko nang marinig na naman ang iyak ng pisteng batang na nasa crib.

"Nay! Umiiyak na naman yung animal." Sigaw ko.

"Nagluluto pa ako! Ikaw na muna bahala riyan. Baka masunog itong niluluto ko, wala tayong kakainin mamaya." Pasigaw na sagot ni Nanay na nasa kusina.

Bumuntong-hininga naman ako at hinayaan na lang itong umiyak ng umiyak. Tiyak na titigil din naman 'yan kapag napagod kakaiyak.

"Wala na pala akong sigarilyo." Pinatay ko na ang TV at basta na lang tinalikuran ang batang umiiyak. Hindi ko ito tinapunan ng tingin o sulyap man lang.

Naglakad na ako palabas at dumeritso sa isang tindahan para bumili ng sigarilyo at agad na nagsindi ng isa. Tumalikod na ako at balak na sanang umalis pero natigil din nang may bigla na lang bumangga sa akin kaya natapon lang iyong sigarilyong hawak-hawak ko. "Ano ba?!" Singhal ko sa kaniya at sinamaan pa iyo ng tingin pero napatigilan din ako nang makita ang taong bumangga sa akin.

"Stella..."

Basta ko lang itong dinaanan at nagpatuloy sa paglalakad na parang walang naririnig at hindi siya nakita pero agad rin akong napatigil nang hawakan nito ang braso ko. "Stella let's talk for a minute."

"Ano ba?! Hindi kita kilala kaya bitawan mo ako." Sigaw ko rito at binawi ang braso at nagpatuloy sa paglalakad.

"May anak tayo, hindi ba?" Doon na ako napatigil sa paglalakad. Walang kamay na humawak sa akin pero bigla na lang akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng ilang sandali pero kinalaunan ay natawa na lang ako at nilingon siya.

Pinilit kung hindi gumawa ng kahit anong reaksiyon o ano man. Walang interes ko lang itong tiningnan. "Eh, ano naman sa'yo ngayon? Wala ka namang ambag sa buhay niya, hindi ba? Nang oras na iniwan mo ako ay kinalimutan ko ng kilala pa kita. Sinabi ko rin sa sarili ko na hindi na ikaw ang ama ng anak ko. Iniluwal ko siyang walang ama, lalaki siyang walang kinikilalang ama." Saad ko dahilan para  matigilan ito. Tumalikod na ako at dumeritso sa bahay pero hindi ko namalayang nakasunod pa rin pala ito sa akin. "Ano pang kailangan mo? Makakaalis ka na." Saad ko at nagsindi ng panibagong sigarilyo.

"I want to see my child---our child." Napaubo naman ako dahil sa sinabi nito at hindi makapaniwalang nakatingin sa kaniya.

"Wow! Your child? Saan banda? At bakit naman kita papayagang makita ang anak ko? Wala ka namang karapatan, ah." Natatawang saad ko.

"May karapatan ako dahil ako ang ama ng batang iyon." Matigas na asik nito.

"Paano mo nasabi? Hindi ko namang sinabi na ikaw ang ama ng bata, ah. At kung sinabi ko man, paano ka nakakasigurado na anak mo nga iyon?" Balik na tanong ko rito pero seryuso lang ako nitong tinitigan.

"Dahil wala ka ng kinasamang ibang lalaki matapos ang nangyari sa atin. Ngayon, ano pa ang idadahilan mo?" Seryusong asik nito habang deritsong nakatingin sa mga mata ko.

Agad naman akong napaiwas ng tingin at pumasok sa loob ng bahay para maiwasan ang nanunuri nitong mga mata.

"Stella sinong kinakausap mo diyan?" Agad naman akong mapatingin kay Nanay at dala-dala nito ang bata. Nanlaki kaagad ang mga mata ni Nanay nang makita  ang lalaking kasama ko. Natigil ang paningin ni Drake sa karga-karga ni Nanay dahilan para matigilan ako.

"Umalis ka na!" Pagtataboy ko rito pero nanatili lang ito doon sa kinatatayuan at nakatingin pa rin sa bata.

"Is that my child?" Masayang tanong nito at nagsimulang maglakad palapit sa gawi ni Nanay kaya dali-dali naman akong pumunta ro'non at kinuha ang bata at  inilayo iyon mula sa kaniya.

"Huwag mong subukang lumapit! Sinabi ko ng umalis ka na, hindi ba? Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko?!" Singhal ko sa kaniya habang sinasamaan siya ng tingin.

"So it's really true. We really have a child." Usal nito habang nasa harapan ko at nakatingin pa rin sa bata.

"Umalis ka na sabi, eh! Bakit ka pa ba bumalik?! Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot. Ganiyan ba talaga kapag mayaman? Pwedeng sumulpot na lang basta-basta at mang-aangkin ng anak ng iba?"  Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya habang sinasamaan pa rin siya ng tingin.

"Bumalik ako para sa inyo." Sabi nito dahilan para sarkastiko naman akong mapatawa.

"Para sa amin? Bakit ano ba kami sa'yo? Iniwan mo kami noon, hindi ba? Wala kang pasabi na nang-iiwan! Ibigsabihin niyon ay pinuputol mo na ang lahat sa atin. At dahil putol na ang ugnayan natin noon pa lang, wala ka ng karapatan ngayon sa akin at sa bata. Wala na." Galit sa sambit ko.

"Hindi gano'n 'yon----"

"Gano'n 'yon! Hindi na tayo magkaibigan ngayon. Maski magkakilala ay hindi na rin puwede. Wala ka ng karapatan pang pumunta rito. Wala ka ng dahilan para pumunta pa rito. Umalis ka na at huwag ka ng bumalik." Seryuso at malamig na saad ko.

"Pero may anak tayo..."

"Nay! Paalis mo na ang taong 'yan dito." Utos ko kay Nanay at agad na nainis dahil nagsimula na namang umiyak ang batang animal na hawak ko. "Manahimik ka!" Singhal ko rito pero mas lalo lang itong umiyak.

"Don't be like that to our child!" Agad namang lumapat ang tingin ko sa kaniya saka sinamaan siya ng tingin.

"Gagawin ko ang gusto ko. Umalis ka na nga. Aga-aga nangbubuwesit, eh." Singhal ko rito.

"Alam kung mali yung pag-iwan ko na lang sayo pero hindi ko naman alam ng oras na iyon na magbubunga yung ginawa natin." Mapakla na lang akong natawa saka umiling.

"Oo nga naman pala. Naalala ko. Parte lang naman pala ng laro at dala lang rin ng kalasingan ang nangyari sa atin, diba? Pero sana... sana nagpaalam ka man lang na aalis ka ng oras na 'yon, Drake! Sana sinabi mo man lang ang dahilan bakit ka aalis. Sana magpaliwanag ka man lang kung bakit mo nagawa 'yon. Sana ay hindi ka na lang basta-bastang nang-iwan. Hindi naman sana kita sisisihin noon, eh. Alam ko naman kasi na may kasalanan din ako. Pero sana... sana hindi mo ako iniwan noong panahon na wasak na wasak ako dahil ang panahon na 'yon ay yung panahon na kailangan na kailangan kita." Hindi ko na napigilan ang luha ko na bigla na lang nagsiunahan sa pagtulo. "Para hindi naman ako parang tanga na gigising na wasak na at wala na yung sumira sa pagkatao ko. Kahit hindi ka mag-sorry ay ayos lang. Kahit tanungin mo lang ako kung ayos lang ba ako. Kahit na sabihin mo lang sa akin ang dahilan mo, kahit ano pa 'yon. Pero mas pinili mong umalis nang walang pasabi. Mas pinili mo na iwan ako sa panahon na kailangan na kailangan kita."

"Stella----"

"Kahit na hindi mo panagutan ang ginawa mo sa akin nang gabing iyon ay ayos lang sa akin. Tutal ay pagkakamali lang naman iyon at pareho tayong wala sa sarili. Pero dahil sa ginawa mo ay inubos mo na yung natitirang pag-unawa na mayroon ako. Simula ng iwan mo akong mag-isa ro'n sinabi ko sa sarili ko na wala ka na sa kuwento ng buhay ko. At hinding-hindi ka na magiging parte ng buhay ko. Binuro na kita. Matagal ka ng burado kaya huwag mo ng ipilit na iukit ulit ang sarili mo. Dahil patuloy ko lang din iyong buburahin." Iyon lang at senenyasan ko na si Nanay na paalisin na yung lalaking nasa harapan ko.

Narinig ko pa itong sumigaw at magmakaawa pero nakayuko lang ako at pinupunasan ang mga luha. Pero natigilan kaagad ako dahil sa pagkagulat nang maramdaman ang kamay na nasa pisngi ko. Napatingin ako sa batang nasa mga braso ko at nakita ko itong nakatingin sa akin at nakangiti. Naglakad ako palapit sa crib nito at inilagay ang bata ro'n at hindi na ulit tiningnan pa. Tumalikod ako at dumeritso sa kuwarto at doon nagkulong. Pinunasan ko ang mga luha ko at huminga ng malalim para ikalma ang sarili ko.

Hinding-hindi ko na hahayaan na may makapasok pa sa puso ko. Hinding-hindi ko na ulit ito mamahalin. Hinding-hindi ko na uulitin ang maling ginawa ko.

Continue Reading

You'll Also Like

867K 30.2K 61
Pierce Blue is a man who has a transparent personality; what you see is what you get with him. At the age of eighteen, his video scandal made him not...
Saving, Rainbow By fei

General Fiction

4.3K 90 10
Dalawang puso pinagtagpo ng pagkakataon. Trigger warning ahead. 𝗥𝗘𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗢𝗪𝗡 𝗥𝗜𝗦𝗞. Book cover: chichi graphics
3.7M 94.9K 67
[POLY] HELLION 1: LIAM & LAITO HELLION PUBLISHED UNDER ETHEREAL PAGES PRESS When the popular, hottest and notorious playboy and fuckboy Hellion Twins...
3.1M 82.1K 51
[POLY] IDLE DESIRE 4: HELLION TRIPLETS PUBLISHED UNDER IMMAC PPH | Available on Immac shopee. She was rich, gorgeous and perfectly amiable. She has a...