Flavors of Your Love 01: Sudd...

Av SincerelyJireh

2K 257 54

Kape, mahigit apat na bilyong tasa nito ang nakokunsumo ng tao sa buong mundo kada taon. Isa ito sa mga inumi... Mer

Foreword
Flavors of Your Love 01
Prologue
01 | Rum and Regrets
02 | Flynn Rider
03 | In the Name of Cup
04 | Hot Button
05 | Follow the Leader
06 | Courting for Duty
07 | Kisser Tree
08 | Survival of the Fittest
09 | No Please, No Gain
10 | Pissed be With You
11 | Deal or No Deal
12 | Reaching-in-Tandem
13 | Sherlock Goals
14 | Track and Feel
15 | Fakers Gonna Fake
16 | Mission Un​jus​ti​fi​able
17 | Admittedly in Denial
18 | Friends Foe-Ever
19 | Vote Prickly
20 | Face the Music
21 | Secret Agin
22 | Sketched 'n' Shouldered
24 | Count on Him
25 | Green with Envy
26 | Bury the Hatchet
27 | Suspicious Suspicion
28 | Beating the Queen Bee
29 | Painted Memories
30 | Versing Basses
31 | Fighting Feelings
32 | Upbraid and Downfall
33 | Eyes on the Prize
34 | Unmasking Him
35 | Varsity Jacket
Suddenly Brewed One

23 | Memories Bring Bad

14 1 0
Av SincerelyJireh

Zach's Outlook

"Akala ko ba, OTW na si Dani? Eh ba't wala pa rin s'ya!" himutok ni Fatima habang nakatingin sa kanyang relos, "OTW, on the water!" sagot ni Wilson at sabay kaming napatawa.

Ilang sandali pa ay natanawan na namin ang isang babaeng naglalakad sa direksyon namin, suot pa rin n'ya ang pambabaeng itim na denim jacket, high-waisted pants at 'yung mas mataas pa kaysa sa pasensya n'yang takong.

Ito na naman s'ya. Bumibilis na naman 'yung kalabog ng dibdib ko, pakiramdam ko, tumigil ang paligid at parang ako lang ang nakakagalaw. Imbes na mainis ako sa kanya dahil late na ngayon s'ya, bakit parang mas natutuwa ako dahil nakita ko na naman s'ya. Nasa harapan ko na naman s'ya, makakausap ko na naman ulit s'ya! Ang baduy ko naman talaga erps!

"Patron, masyado bang malayo 'tong mall sa bahay n'yo?" pabirong tanong ni Wilson na kasama kong kalahating oras na nag-hihintay, "Malapit, pero mas malapit ko na kayong mabugbog! Kanina n'yo pa ako tinatawagan, I've said that I just go on something!" aburido nitong sagot. "Wow, parang kasalanan pa naming maaga kami rito 'no?" sabat ko at inikot n'ya lang ang mata n'ya.

"Hindi raw makakasama si Demi, may inaasikaso raw s'ya!" paalala ni Fatima, kaagad namang nagtama ang mata namin ni Dani, "M-May problema ba?" nagulat naman ako sa tanong ni Fatima at agad akong umiwas ng tingin kay Dani at umiling. "Pa'no, tara na? Mahaba pa 'tong mga titingnan natin!" sabi ko at ipinakita ang listahan ng mga i-ka-canvass namin, "Let's go!" segunda ni Wilson at nauna nang maglakad.

Sumunod si Fatima sa kanya at nasa hulihan kami ni Dani at sabay na humahakbang ang mga paa namin. "Patron, salamat do'n sa drawing mo! Baka naman sabihin mo, 'di ko na-appreciate!" ako na ang bumasag ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, humarap siya sa'kin, "Sus, parang 'yun lang! Dapat 'yun nga ang ipapasa kong hayop eh!" mukhang nasa mood siya ngayong makipag-asaran.

"Hayop naman talaga ako ah... " nagsalubong ang kilay n'ya, "Hayop sa ka-gwapuhan!" sinamahan ko pa ng kindat at mabilis na pag-nguso. "Hayop ka talaga... hayop sa pang-aasar, sa pang-bwi-bwiset, sa pangungulit, 'di ba?" pagdidiin nito at binigyan ko siya ng pailalim na tingin.

"Atleast... hayop din magmahal!" natigilan din ako sa mismo kong sinabi. Ramdam kong nasa'kin ang mga mata ni Dani kaya diretso lang ang tingin ko, "What did you sa-" ikinawag ko ang aking kamay, "Hoy, hintay sandali!" sigaw ko kay Wilson at Fatima tsaka nagmadaling lumapit sa kanila.

Isa na namang kabaduyan ang ginawa mo 'tol! Nakakahiya ka talaga. Iniwan ko s'ya sa hulihan at sumabay na maglakad kay Wilson at Fatima.

Nakakapanindig-balahibo at tangal-init ang sumalubong sa'min pagpasok ng mall. Kaliwa't kanang usapan, ingay, mga batang tumatakbo at mga nanay nilang mapuputol na ang litid kakasigaw at gusto na silang ibalik sa loob ng sinapupunan. Makakalimutan mo lahat ng iniisip mo dahil sa makulay ng paligid, mga iba't ibang bilihan kahit sa'n mo pa iharap ang mga mata mo. 'Yun nga lang, ginto ang presyo.

"Sa'n muna tayo pupunta?" tanong ni Wilson at tiningnan ko ang hawak kong listahan, "Do'n muna tayo sa department store!" sabi ko at tumango naman sila. "Bakit naman kasi nag-takong ka pa!" sabi ko sa kanya ng makitang mabagal siyang maglakad papalapit sa'min, "Paki mo ba, minsan lang naman akong mag-platform shoes!" palaban n'yang sagot. Nginiwian ko lang siya at naglakad na kami papunta sa department store.

Dalawang minuto lang ang tinagal namin dahil sa elevator. Nagkaisa kami nila Dani at Wilson na mag-elevator kaysa gumamit ng hagdan na nakaka-exercise raw sabi ni Fatima.

Sa gitna ng pagpasok namin sa department store, "Guys, nagsabi na pala 'yung ibang members na 'di sila makakasama sa activity natin," napatingin kaming tatlo kay Fatima, "Required daw kasi silang sumama sa camping ng science club! Sinabi sa kanila ng ibang prof nila," bakas kay Fatima ang pang-hihinayang. "Halos fifty-percent ang mababawas sa members natin at alam na 'to ni Prof. Armenta!" dagdag pa n'ya.

Bigla namang sumingit si Wilson, "Pasensya na talaga, guys! September six lang talaga ang available for activity, kasi sunod-sunod na ang gagawin," paliwanag ni Wilson, "I insist Lolo na ilipat tayo ng date kaso preparation na for mid-term exams, wala s'yang magagwa. Kaya same tayo ng date with science club!" tumango-tango na lang ako.

"Ayos lang 'yan 'tol! Kung sino na lang 'yung pwede, eh 'di 'yun lang, paniguradong may ibang departments naman ang hindi ni-require para sa science club!" pag-papagaan ko sa loob nila, "Ang mahalaga, may sasama! Tara na!" sinundan naman ako ni Dani at umangat na ang labi ni Fatima. Nagpatuloy na kami sa paglalakad papasok ng department store.

Sa gitna ng paglalakad namin, napapatingin ako kay Dani na isang hakbang paunahan ang pagitan sa'kin. 'Tol, sa pinsan mo na 'yan! Isipin mo lagi ang dahilan, nakipag-lapit ka kay Dani para ilapit ang pinsan mo. Bumubulong ang utak ko, salungat sa sinasabi ng puso ko. Ano ba naman 'yan, bakit ba kasi lagi na lang kayong magkalaban eh!

"Dito kami titingin ni Fatima, kayo naman d'yan ni Dani," sabi sa'min ni Wilson habang itinuturo ang daan, "May picture naman kami ng listahan, para mabilis tayong matapos!" sabi ni Wilson at para kaming naputulan ng dila ni Dani. "Guys, ayos lang ba sa inyo?" pabirong tanong ni Wilson at kaagad akong tumango, "Oo 'tol, ayos lang sa'min!" mabilis kong sagot at tumango lang sila tsaka naglakad.

Naiwan kaming dalawa ni Dani na parang hindi magkakilala. Hindi ko maintindihan pero may nag-iba sa pakikitungo n'ya sa'kin, para bang gumagawa s'ya ng pagitan sa'ming dalawa sa 'di ko malamang dahilan.

Nauna s'yang maglakad. Habang tinitingnan ko s'ya, para bang ang hirap n'yang basahin, minsan malapit s'ya sa'kin, minsan naman hindi, katulad ngayon. Napadaan kami sa shelves ng mga sapatos, "Dani... " tawag ko sa kanya at itinaas ang sapatos.

"Ano'ng tawag dito?" tanong ko na ikinakunot ng noo n'ya, "Sapatos!" simpleng sagot n'ya at bumagsak ang balikat ko. "Ibig kong sabihin, sa english!" pinag-krus n'ya ang kaniyang braso, "Another kalokohan! Okay, shoe!" nagtitimpi n'yang sabi.

Tinuro ko naman ang aking mukha, "Eh ako?" unti-unti nang umuusok ang ilong n'ya, "Now what?!" ubos na pasensya n'yang sagot. "Shoe-brang pogi!" may kumpiyansa kong sabi at kinindatan ko pa s'ya, "Shoes-maryosep, Zach!" napanganga ako dahil nakuha n'yang barahin 'yung joke ko, matapos no'n ay tumalikod na s'ya.

"Uuuy, nakikipag-asaran na ulit s'ya!" sabi ko habang sumabay sa kanyang maglakad, "Bilisan mo, i-canvass na natin 'yung mga naka-toka sa'tin para matapos na tayo!" sabi nito na hindi man lang pinansin 'yung sinabi ko. "Grabe naman ang mood swings mo, masungit ka na naman ngayon!" pabiro kong sabi at tumigil siya sa paglalakad tsaka humarap sa'kin, "Wala ako sa mood, bilisan mo!" matapos no'n ay tumalikod na ulit s'ya. Hmp, sobra namang sungit.

Napatigil siya sa mga stock ng plain na shirts, "Dani, pwede ka bang matanong?" parang may sariling isip ang dila ko at sinabi 'yun. Humarap siya na mahinahon ang mukha, "Kilala mo 'di ba si Henry?" mas lalo akong kinakabahan, para akong hindi makagalaw, para bang hindi sumasang-ayon ang loob ko pero kailangan ko itong ituloy.

"The new vice-president of SPU, 'yung pinsan mo! What about him?" sabi n'ya habang tinitingnan ang mga shirt na may iba't ibang shade ng green, "Ano'ng naiisip mo sa kanya?" napamura ang kaloob-looban ko dahil sa ka-baduyan at walang kwenta kong tanong. Hindi ko alam kung paano ko ba ilalapit si Henry sa kanya.

Tumunghay s'ya na ang mga kilay ay nagsusuntukan, "Mabait? Magaan kasama, katulad no'ng inihatid n'ya tayo sa party, for sure responsable dahil nanalo s'ya sa election!" himala namang nakakausap ko s'ya ng matino, "Ano ba 'to? Survey para sa thesis?" madiin n'yang tanong at marahan kong ikinawag ko ang aking ulo.

"What if, yayain ka n'ya sa isang coffee date? Game ka ba?" tahasan kong tanong. Do or die na 'to, wala na akong paki kung ano'ng isipin ni Dani.

Dahan-dahan s'yang tumingin sa'kin, maayos ang mukha n'ya at kalmado na mas lalong nagbibigay sa'kin ng kaba. "Coffee date... " trumiple ang bilis ng pagkarera ng dibdib ko. Umiikot ang sikmura ko at nanunuyo ang aking mga labi, "... sure! Why not, kung libre n'ya eh!" napanganga ako sa sagot n'ya, matapos no'n ay naglakad siya papunta sa ibang stack ng mga damit.

Unang hakbang para mapag-lapit sila. Ito na, ito na 'yung gusto ng pinsan ko, ang mailapit ko siya kay Dani!

Nakangiti ang labi ko pero ba't ganun? Hindi ang puso ko, parang hindi s'ya natutuwa na oo ang isinagot ni Dani sa coffee date. Hindi ko maipaliwanag 'yung pakiramdam na parang tinutusok-tusok ng maliliit na karayom 'yung dibdib ko, sumisikip ito at unti-unti akong nahihirapang huminga. Gago, ano ba 'tong nararamdaman ko?

Sa wakas, natapos naming malaman lahat ng presyo mula sa pinakamura hanggang sa pinakamahal ang bawat kakailanganin namin sa one-day building buddies namin. Mas madali namin itong natapos dahil nagkaroon ng toka ang bawat isa. Habang nag-ca-canvass din kami ni Dani ay pansin ang katahimikan ng bawat isa. Kung may itatanong lang saka sasagot, ganun lang kami kaya siguro mabilis din kaming natapos.

"So ano, tanghalian na muna tayo?" tanong ni Wilson habang lumilinga-linga sa paligid, "S'ya mamili na kayo kung sa'n n'yo gusto!" preskong sabi ni Dani. "Wow, manlilibre si Patron!" pang-aasar ni Wilson, "Hoy, sino kaya sa'tin ang apo ng dean ng university?!" sabi ni Dani na ikinatawa naming lahat.

Habang lumilinga-linga ako sa paligid ay biglang may nahagip ang mata ko. Isang pamilyar na mukha at tindig, kasabay ng pagharap n'ya at pagtama ng mga mata namin sa isa't isa ay ang pagbalik ng mga alaala sa'kin, mga alaalang unti-unti akong sinasaksak. Bumabalik pati ang saya at lungkot, hindi ko akalain na ganito pa rin ang epekto nito sa'kin.

"Andrius!" tawag nito sa'kin. Hindi ko akalaing sa pagkakataon na ito ko pa s'ya makakaharap. Ganito pala 'yung pakiramdam kapag bumabalik sa'yo 'yung nakaraan, para kang hindi makahinga at gusto na lang umiwas.

Napatingin sa'kin sila Fatima at Wilson, habang si Dani naman ay nakatingin din sa babaeng papalapit sa'kin. "Andrius, hijo!" muli n'ya akong tinawag sa pangalawang-ngalan ko na siya lang ang gumagawa. Ilang sandali lang ay nakalapit na s'ya sa'kin.

"'Nay Lena!" wika ko bago kunin ang kanan n'yang palad at idikit ang ibabaw nito sa'king noo. "Kamusta hijo, ang tagal na nating 'di nagkita," masayang sabi nito habang nakatingala sa'kin upang makita ako, "Singkwenta na ako eh! Huling kita ata natin ay no'ng pag-alis nila Melo-" agad siyang huminto at umiwas ng tingin sa'kin.

"Mga kaklase kayo ni Zach?" tanong ni Nanay Lena kay Wilson, Fatima, at Dani. Tumango naman sila, "Opo!" magalang na sagot ni Wilson at Fatima habang si Dani ay tahimik lang na pinag-mamasdan ito.

"Pasensya na kayo ah, at nagulo ko kayo! Masaya lang ako at nakita ko ulit 'tong anak-anakan ko!" tumawa lang sila Fatima at Wilson sa sinabi ni Nanay Lena. Tumingin siya sa'kin at ngumiti, "Sige hijo, baka nagmamadali kayo ng mga kasama mo, mauna na ako ah!" kaagad itong tumalikod at maglalakad na sana pero, "'Nay Lena, sandali!" mahinahon kong tawag sa kanya.

"May balita po ba kayo tungkol sa kanya?" hindi ko alam kung sa'n nanggaling ang lakas ng loob ko. Katahimikan ang namagitan sa'ming dalawa, huminga siya ng malalim tsaka ikinurba pataas ang labi, "Gusto mo ba talagang malaman hijo?" isang tanong na dumagan sa dibdib ko at nagpahirap sa'kin huminga.

"S-Sige Zach, mauna na kami nila Dani ah! Ingat po kayo," magalang na sabi ni Wilson pero nagulat ako sa sumunod na nagsalita, "S-Sasama ako kay Zach!" sabi ni Dani na parang wala sa sarili.

Kaming apat ay napako ang tingin sa kanya, dahan-dahan siyang humarap sa'kin na parang hindi maintindihan ang nangyayari, "K-Kung okay lang?" nauutal nitong sabi at tiningnan ko si Nanay Lena. "Ayos lang hijo," mahinahon na sabi ni Nanay Lena at humarap ako kay Wilson. "Sige 'tol, mauna na kayo ni Fatima!" tumango lang ito at naglakad na sila paalis ni Wilson.

Naisip ko kung sa'n kami magandang mag-usap, "'Nay Lena, do'n na lang po tayo!" wika ko at itinuro ang coffee shop na may green na logo.

Narating namin ang coffee shop na 'to na may parang nakadagang mabigat sa dibdib ko. Tatlong taon na ang lumipas, tatlong taon kong pinilit ang sarili ko na kalimutan ang lahat, ibaon sa limot at 'wag ko nang alamin ang totoong dahilan. Pero hindi ko akalain sa pagkakataong pang 'to maaari kong malaman ang tungkol sa kanya.

"Ako na magbabayad, ayos lang! I insisted my self here, it's okay!" sabi ni Dani sa inaabot kong isang libo, "Sure ka ba d'yan?" tumango lang siya at kinuha na ang tray na may lamang kape. Naglakad na kami pabalik sa table namin,

Nakaupo si Dani sa harapan ng lamesang inuupuan namin. Ang itsura namin, kaharap ko sa lamesa si Nanay Lena habang nakaupo sa likod, sa pangalawang lamesa si Dani.

Inilapit ko ang café latte kay Nanay Lena, "Tatanungin ulit kita hijo, gusto mo na ba talagang malaman ang tungkol sa kanya?" para akong sinasakal at hindi matigil ang pag-higop ko ng hangin, "O-Opo 'nay, kakayanin ko po!" magalang kong tugon.

Inilapit n'ya sa kaniyang labi ang kape at sumimsim nito, kakaibang bigat ang epekto sa'kin ng tunog ng paglapag ng tasa, "Sa Amsterdam, nando'n sila nagpunta ng tatay n'ya no'ng gabing umalis sila," nararamdaman ko na mas sumisikip ang aking paghinga, "Alam mo namang may business sila do'n!" tumango ako at pinipilit ang sariling maging kalma.

"Huling kausap ko sa kanya, isang linggo pagkatapos nilang lumipad papuntang ibang bansa," hinahayaan ko lang na magsalita si Nanay Lena, "Natatandaan ko ang sabi n'ya, ayos lang s'ya ro'n! Pero no'ng tinanong ko kung bakit biglaan ang pag-alis nila, sinagot n'ya lang ako na 'wag na raw namin pag-usapan 'yun!" iniwas ko ang tingin kay Nanay Lena dahil pinipigilan ko ang luhang gustong kumawala.

"Tinanong n'ya man lang po ba ako?" sabi ko kay Nanay Lena habang nakatanaw sa labas ng coffee shop, sandaling namayani ang katahimikan, "Oo hijo! Tinanong ka n'ya sa'kin Andrius," wala sa utak ko kung dapat ba akong matuwa na naalala n'ya pa ako o magalit dahil kung kailan malayo na s'ya, saka n'ya lang ako naalala.

"Kinamusta ka ni Melody, kung ano'ng nangyari sa'yo matapos 'yung gabing 'yun!" napa-ismid na lang ako dahil para s'yang nag-iwan lang ng aso sa pagtatanong n'ya, "Alam kong isang linggo kang nagka-sakit no'n kaya 'yun ang sinabi ko!" singhot, tingin sa taas at malalim na paghinga ang ginagawa ko upang pigilan ang kumakawala sa mata ko.

"Ngayon po, may balita po ba kayo tungkol sa kanya?" tanong na 'di ko alam kung makakaya ko bang tanggapin ang sagot. Sandaling tumikom si Nanay Lena, nakatingin lang ito sa mata ko na parang binabasa ang iniisip ko.

Humigop siya ng malalim na hangin, "Ang balita ko sa tito n'ya, masaya na 'to ngayon sa Amsterdam hijo," mas lalong pinasikip no'n ang dibdib ko, nangingilid at namamasa na ang mata ko dahil sa sobrang sakit.

Masaya! Buti pa s'ya masaya na, mukhang ganun lang pala sa kanya, ang bilis n'ya lang maging masaya matapos ang mga nangyari.

Iniwas ni nanay ang kaniyang tingin, "Nalalapit na nga raw 'tong ikasal sa isang Dutch do'n, ang balak nila ay susunod na taon daw!" kaagad akong napapikit at habang kagat ang aking labi.

Grabe, ang layo na nang narating ni Melody. Parang ang ganda na talaga ng buhay n'ya ro'n, samantalang ako-heto! Hindi ko pa rin makalimutan 'yung pesteng meron sa'min. Kahit iniwan n'ya lang ako basta at pinagmukhang tanga no'ng gabing 'yun, umaasa pa rin ako na babalik s'ya at ipapaliwanag n'ya sa'king lahat.

Paunti-unting inilapit ni Nanay Lena ang kamay n'ya sa'king kamay at hinawakan n'ya ito, "Andrius, hijo. Alam kong mahirap, pero kailangan mo nang tanggapin," mas lalong pinalalambot ng boses ni nanay ang puso ko, sa paghigpit ng hawak n'ya sa kamay ko ay para bang pinipiga rin nito ang aking mata, "Hijo, maaaring 'di na babalik si Melody, sana tanggapin mo na hijo at hayaan mo na ang sarili mong maging masaya-ng wala s'ya!" tsaka niya ako binigyan ng matamis na ngiti.

"Masyado nang matagal ang tatlong taon, at sigurado ako kung nandito man si Melody, gugustuhin n'ya ring maging masaya ka na!" umalis na si Nanay Lena sa pagkakahawak sa'kin, "Gusto ko sa susunod nating pagkikita, totoo na ang ngiti sa mga labi mo! 'Yung ngiti na umaabot hanggang mata," tumango ako sa sinabi n'ya.

Tumayo na siya, "Pa'no hijo, mauna na ako ah? Salamat sa pa-miryenda mo!" sabi nito at tumayo na rin ako, "Hindi po, salamat ho sa inyo! Naabala ko pa ho ata kayo," napakamot ako sa batok. Umiling si nanay, "Hindi, ito naman! Minsan lang tayo magkita eh!" napatawa kami ng mahina. Umalis na rin sa kinauupuan n'ya si Dani.

"Ah 'nay, siya po pala si Dani! Kaibigan ko po!" sabi ko kay nanay at humarap s'ya sa kaniyang likod, "Ay hija, kay gandang bata naman nito, oo!" pinasadahan n'ya ng tingin si Dani at tumigil ito sa mukha.

Umiiwas naman ng tingin si Dani at parang naiilang, napako na ang tingin ni Nanay Lena sa mukha nito at hindi na natapos pagmasdan.

Umubo ako ng peke, "'N-Nay, baka may pupuntahan pa ho kayo?" naging effective naman at mukhang bumalik na siya sa kaniyang ulirat, "O-Oo nga! Salamat hija sa pag-sama ah, ikaw rin pala ang bumili ng kape 'no? Salamat hija, nakitim ulit ako no'n!" tumango si Dani at hindi na makatingin kay nanay.

Nagpaalam na muli si nanay sa huling pagkakataon. Sinabi ko pang ihahatid namin s'ya ngunit ayaw na nito, nauna na s'yang lumabas ng coffee shop.

Tumingin si Dani sa'kin at alam ko na ang sasabihin n'ya, "Si Nanay Lena, 'yung nag-alaga kay Melody simula bata pa lang s'ya," sagot ko sa alam kong itatanong n'ya pero 'di n'ya pa rin iniaalis ang tingin n'ya, "S-Sino si Melody?" may kuriyosidad sa pagtatanong nito.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya sa mata, "'Yung babaeng nang-iwan sa'kin ng wala man lang paalam!" iniwas niya kaagad ang kaniyang tingin.

-

"Bakit mo naman ako rito dinala?" tanong ko kay Dani pagkababa namin ng tricycle, "Hindi ba obvious? Tahimik tsaka presko 'yung hangin, para naman mawala 'yung mga nasa isip mo!" napatingin ako sa kanya, hinahanap kung nasa'n ang pagiging concern at pagkainis n'ya sa'kin.

"Hindi ko naman kailangan eh!" pagmamatigas ko at tumingala siya sa'kin na nakataas na naman ang isang kilay, "Sa itsura mong 'yan, 'di mo talaga kailangan? Lutang ka maghapon, pustahan! Kaya ilabas mo na 'yan," sabi nito at tumingin sa malawak na tubig.

Binigyan ko siya ng nagulat na tingin, "Ilabas... 'wag naman dito Dani!" pagbibiro ko at nakatanggap ako ng hampas sa braso, "Baliw, 'yung nararamdaman mo! Wala akong paki sa Philippine eagle mo!" natatawa na lang ako habang hinihimas ang hinampas niyang braso.

"Tara na nga do'n sa batong upuan!" sabi ni Dani at bigla akong nanigas at napatigil dahil sa ginawa niya.

Inilapat niya ang kaniyang palad sa'king palad. Kaagad na nagtama ang mga mata namin, halata rin sa kanya ang pagkagulat sa ginawa n'ya. Kung anong kuryente ang naramdaman kong dumaloy mula sa'ming magkahawak na kamay papunta sa dibdib ko, pinabilis nito ang bawat paghinga ko.

Mabilis niyang tinanggal ang kaniyang kamay, "T-Tara na! Ikuwento mo na 'yan," sabi nito at iniwan ako sa'king pwesto.

Naglakad ako papalapit sa upuang bato at tumabi sa kanya. May isang pulgada ang pagitan namin, ang mga mata namin ay nakatanaw sa malawak na tubig.

Halos liparin na pati ang aming iniisip dito sa Aplaya. Wala masyadong tao dahil tanghaling tapat ngunit makulimlim ang langit. Para ba s'yang nakikisabay sa kung ano'ng nararamdaman ko ngayon. Malalakas ang hampas ng tubig at ugong na lang ang nasasagap ng aming tenga. Mukhang tama nga si Dani, kailangan ko ng ganitong paligid.

"Ayos lang bang mag-kwento ka?" doble ang lakas ng boses ni Dani para matalo niya ang sumasapaw na hangin. Huminga ako ng malalim at inayos ang aking pagkakaupo, "S-Si Melody, s'ya 'yung kauna-unahang babaeng minahal ko at naging girlfriend ko!" narito na naman ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko sa t'wing binabalikan ko kung ano'ng meron sa'min.

Sarado ang bibig ni Dani, mukhang hinihintay n'ya lang akong mag-kuwento at narito s'ya para pakinggan ako.

"Sabi rati ng iba, kesyo puppy love lang daw 'yun, hindi naman kami magtatagal, mawawala rin 'yung nararamdaman namin sa isa't isa," napakagat ako sa'king labi, "Pero gago, seryosong-seryoso na ako sa kanya no'n! Para bang sigurado na ako na kami na talaga, sabay kaming magtatapos, magpapakasal kami hanggang sa bubuo kami ng sariling pamilya!" napatawa na lang ako sa mga naiisip ko no'n.

"Pero isang gabi... isang gabi lang ang kinailangan ko para mapatunay na tama ang sinasabi ng iba!" pinunasan ko na agad ang mga nangingilid sa'king mata, "Grabe, mukha akong siraulo no'n! Umiyak ako at nagpaka-gago para sa isang babaeng iniwan lang ako ng basta-basta!" isinara ko ang aking talukap ng mariin at humigop ng hangin.

"Bakit ganun? Kung sino pa 'yung mga seryoso, sila pa 'yung madalas maloko, sila pa 'yung madalas iwanan," marahan akong tumingin sa kanya, "Sila pa 'yung madalas masaktan!" napatingin siya sa'kin ngunit kaagad ding umiwas.

"Gulong-gulo 'yung isip ko no'ng araw na 'yun! Kinain ako ng sobrang sakit, puro tanong na lang 'yung nasa utak ko! Bakit n'ya ba ako iniwan? May mali ba akong nagawa, may iba na ba, hindi na ba s'ya masaya?" hindi ko na napigilan at nag-unahan na sa pag-agos ang mga luha sa'king mata, "Kasi p*tcha, handa akong baguhin 'yun! Handa akong gawin kung ano man 'yung gusto n'ya, ibahin 'yung ayaw n'ya!" hindi ko na napigilag magtaas ng boses.

Mabilis na tinatangay ng hangin ang luhang dumudulas sa pisngi ko, "Pero wala! Iniwan n'ya lang ako ng parang wala lang ang lahat sa kanya, hindi ko man lang alam kung totoo n'ya ba akong minahal o talagang hindi s'ya seryoso sa lahat ng ipinakita n'ya sa'kin!" muli ko na namang pinunasan ang aking luha.

Sandaling kumalma ang pagitan namin ni Dani, "Malaki ba ang tiwala mo kay Melody?" kalmadong tanong n'ya at napatingin ako sa kanya, "Malamang! Kung ga'no ko s'ya kamahal, ganun din kalaki ang tiwala ko sa kanya!" sagot ko sa mahinahong paraan.

"Kung malaki pala ang tiwala mo sa kanya, bakit ka nagdududa sa pagmamahal na ipinakita n'ya?" nangunot ang noo ko at hindi inalis ang paningin sa kanya habang siya ay nakatanaw sa malayo, "Hindi por que't iniwan ka ng isang tao, ibig sabihin no'n hindi ka na n'ya mahal!" sandali akong natigilan.

"May rason ang bawat umaalis at dumarating sa buhay natin Zach!" paliwanag niya sa'kin habang 'di pa rin tumitingin, "Maybe, hindi pa handa si Melody na sabihin sa'yo ang rason n'ya no'ng panahon na 'yun!" napaiiling ako.

"Kailan s'ya magiging handa? May balak pa ba s'yang magsabi, eh masaya na nga s'ya sa ibang bansa!" muli kong pinilit kalmahin ang sarili ko.

"Mahal mo pa ba s'ya?" tanong nito na kaagad nagpalingon sa'kin. Tumikhim ako, "May lugar pa rin s'ya sa puso ko! Hindi ganun kadali mawawala ang nararamdaman ko para sa kanya," mahinahon kong sagot.

"Minamahal natin ang isang tao sa dahil nakakasundo natin s'ya, maayos, at nagiging masaya tayo sa kan'ya!" umiwas ito ng tingin sa'kin at inilingon ang tingin sa dagat, "Pero 'di ba, mas dapat natin silang mahalin sa mga panahong magulo s'ya, sa oras na hindi n'ya maintindihan 'yung lahat at sarili n'ya, kapag napapagod na s'ya!" parang ibang Dani ang kaharap ko ngayon, malayo sa pagiging palasagot at palaban.

"Kasi do'n natin masusukat kung hanggang sa'n nga ba natin kamahal ang isang tao! Hindi lang saya, sa tawa, sa panahong 'pag maayos natin sila mahal," dahan-dahan n'yang inikot ang ulo n'ya sa direksyon ko, "Magulo pa rin si Melody hanggang ngayon! Malakas ang loob ko, naguguluhan pa rin s'ya at hindi pa s'ya handang sabihin ang lahat!" natahimik na lang ako.

"Kapag naging maayos na s'ya, hindi mo na s'ya kailangang hanapin pa! S'ya mismo ang lalapit sa'yo para ipaliwanag ang lahat!" sabi Dani na unti-unting nagpapakalma sa'kin.

"Ang tanong lang ngayon Zach, handa ka pa bang maghintay sa paliwanag n'ya? Handa ka pa bang maghintay hanggang sa maging maayos s'ya at handa na s'yang sumagot sa mga tanong mo?" wika ni Dani na tuluyang nagpahinto sa'kin.

Hanggang sa'n nga ba ang pagmamahal ko kay Melody? Kaya ko pa bang hintayin siya hanggang sa maging handa na s'ya?

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

2.2K 307 47
Troublemaker, that's what people call Ysa Suarez. She is good to the good, but she is worse to the bad. There's at least one thing you should know ab...
2.4K 1K 51
Aiyanna Emily Suarez is a well known defiant and a cold hearted volleyball player. Anak siya ng mga mayayamang Suarez na nag mamay ari at kasalukuya...
2.9K 219 42
He was there everytime I feel alone. He was there when I have nothing much to offer. He was there when I am picking up the shattered pieces of my s...
42.8K 709 42
Ryu Dimitri Navalta is a Professional Mechanical Engineer and happens to be an heir to one of the biggest engineering, construction, and facilities m...