"Gumising ka nang maaga mamayang madaling araw kasi magsisimbang gabi tayo. Humanda ka sa 'kin kapag hindi ka makakarating kasi sasakyan mo ang gagamitin natin." sabi ko sa kaniya after naming mag-dinner sa labas. Napapadalas na'to. Tapos si manang na lang mag-isa ang nagluluto at kumakain tuwing hapunan
"Opo." maikling sagot niya sabay sumaludo. Lumabas na'ko ng sasakyan niya. 'Di na siya makakapasok sa loob ng bahay kasi pinatawag siya sa opisina.
Anyways, I can't still hide my smile every time I'm with him. Hays #SUPERKILIG.
"Parang mapupunit na 'yong labi mo kakangiti ma'am, ah!" tuksong tanong ni Manang Linda na nakasandal sa may gilid ng cabinet. Mukhang alam na darating ako.
"H-halata b-ba masiyado?" I asked, stuttering while touching my lips.
Bullshit.
"Hindi naman halata ma'am na sobrang kilig mo."
"Mahal ko na nga talaga siya, manang!" sabi ko sabay bumulagta sa sofa na parang ewan na nakatingin sa kisame.
"Hay naku manang. Saan ka pa ba makakakita ng maalaga, masipag, gentleman at lahat na! May bonus pang ka-gwapuhan. Hindi na talaga ako lugi. Hindi masasayang lahi ko sa kaniya. Maganda ako, gwapo siya! Edi perfect match! Baka pagkaguluhan iyong mga anak namin sa future pagnagkataon! 'Di ba manang?" noong tumingin ako sa kinatatayuan ni manang ay wala na siya doon.
"M-manang?" Manaaaang!!!!" paghahanap ko sa kaniya.
"Totoo ba 'yong narinig ko?"
"Ay kabayo!" nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto. "C-Cyrus? What are you doing here?"
He smirked. "You forgot your wallet." sabay bigay sa 'kin. I'm cursing my wallet inside my head right now. "T-thank you."
"So, in love ka na pala sa 'kin, huh?" pagmamataas n'yang sabi. "Alam mo, hangin lang 'yan! Umalis ka na nga!" sabay tulak sa kaniya nang marahan. "In love, ah!" tukso n'ya. "Ewan ko sa 'yo! Sige na baka pagalitan ka sa trabaho mo!"
"Sus, sige na nga! Bye, Carrel!"
"Bye." sabay talikod.
"Carrel!" he shouted. "You're so kulit! What?" sabay lingon.
"Me, too! I'm super duper papalicious in love with you." sabay ngisi na akala mo ay nanalo sa lotto. I just pouted to hide my kilig. Tss, this man!
I went inside when Cyrus left ,and then manang Linda ran towards me. "Ano 'yon ma'am?" tanong niya na may bitbit pang sandok.
"Kanina pa'ko nagsasalita rito tapos umalis ka na pala. Ginawa mo naman akong baliw eh." I rant with disappointment.
"Ah-eh.." napakamot siya sa batok niya. "...nangamoy po kasi iyong niluto ko kaya dali-dali kong tinakbo akala ko nasunog na." sabay ngiti.
I breathe deeply. "Hays. Ikaw talaga manang! Tapusin mo na ang ginagawa mo at matutulog na'ko. Kasama ko na kasi bukas si Cyrus na mag simbang gabi. Akyat na'ko."
She just nodded and I went upstairs.
I took a half bath before lying on my bed. And the next thing I knew, I dozed off asleep.
I woke up half-asleep because of my alarm clock. It's 3 in the morning, 24th of December. I turned off my alarm clock and went back to sleep, dreaming.
"Ikaw nagyaya tapos ikaw rin 'tong ayaw bumangon?"
Fvck. He's here?
Bigla akong nagising to the highest level at bumalikawas nang bangon.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siyang na nakasandal sa gilid ng pintuan habang naka-krus ang mga braso. "How did you-- sh*t intruder!" tanong ko sabay tabon ng kumot sa katawan ko dahil nakasando lang ako at panty.
Malay ko ba na papasok siya sa kuwarto ko? Pucha!
"Pinapasok ako ni manang. Gising pa pala siya at nanonood ng Netflix sa baba."
"Ng ganitong oras?!"
"Yup." he said while wiggling his brows.
Natigilan ako bigla at nang mapansin siyang nakatingin sa'kin ay binato ko siya ng unan. "Lumabas ka nga. "'Di porket nanliligaw ka ay pwedi mo nang gawin ang lahat. Aliiiiiiis!" pagtataboy ko sa kaniya.
He showed his hands up. "Okay. Okay. Bilisan mo na baka wala na tayong maupuan doon." he said as I saw him retreating.
Ang o.a niya eh malapit lang naman ang simbahan tsaka 'di pa naman 4:30 a.m.
"Don't worry, ako lang nakakita n'yan!" his voice echoed inside the house. Sigurado akong narining iyon ni manang.
POTATAAAAA.
I scanned myself. Pucha halos makita na nga ang tinatago kong bundok sa ayos ng damit ko. I rushed into the bathroom to take a bath even though malamig kasi madaling araw na.
After I took a bath, I just simply wear a white polo shirt and leggings, also white shoes and a black sling bag. I finished at exactly 4 in the morning. I comb my hair and went downstairs, quickly.
"Manang mauna na kami." I said to manang while walking straightly without glancing on Cyrus.
"Bye manang." paalam niya kay manang na halos patulog na rin kakanood ng tv.
"Ang bango mo ha." he complimented. "And fresh, too." he added.
"I'm not an orange juice. So, let's go baka ma late na tayo." sabi ko sabay pasok sa sasakyan niya. Ang bagal niya kasing maglakad.
"Sungit." maikli niyang sabi.
Tahimik lang kami the whole ride. I'm still embarrassed that he saw me in that state. Tsk. Bakit ba kasi 'di ko naisipang e lock ang pinto? Bakit ba kasi 'di na lang ako ginising ni manang para ipag-alam na anjan si Cyrus?
Hys kay tanga mo talaga kahit kailan Carrel.
"Are you okay?" he asked. "Nilalamig ka yata? Nakapatay naman ang aircon ng kotse." daldal niya pero 'di ko pa rin siya kinibo. "Do you want to breathe some fresh air? I'll open the window." he added.
"Polluted ang hangin dito kaya 'wag na!" pagtataray ko.
"Ayan nagsalita rin. E' mahangin ka rin naman eh. For sure magkakasundo kayo." he said and chuckled. Inirapan ko lang siya. "I'm sorry for what happened a while ago. Next time 'di na 'ko papasok--"
"Hindi na talaga!" I almost shouted while looking away.
"Aray!" reklamo ko dahil bigla niya na lang inapakan ang break ng sasakyan. "Bakit mo ginawa 'yon?" nagtataka kong sabi.
"Hindi ko papaandarin ang kotse kung 'di mo 'ko papatawarin." he said. "Edi 'wag!" sabat ko. "Talaga!" paghahamon niya.
I crossed my arms sabay tingin sa mga sasakyan na dumadaan. Halos mabilang ko na lahat. Ang o.a niya lang. Kung kailan last day na ng simbang gabi? Pag talaga hindi natupad ang wish ko makakatikim siya sa'kin.
We're still quiet. Walang kibuan for almost five minutes na.
"Fine! Pinapatawad na kita." ako na ang nag-adjust kasi mag-uumpisa na maya-maya eh wala pa kami doon. "Pag sure ba. Hindi ka napipilitan?" he asked. "Oo nga. Bilis dali na kasi ma-le-late na tayo." pilit ko sa kaniya and good thing papaalis na kami. Bakit ba kasi suki kami ng late? Hys.
Umabot kami sa simbahan dahil simbang gabi, hindi kasal! And guess what? Napakaraming tao and wala na kaming maupuan and doon lang kami sa gilid ng loob ng simbahan tatayo. "Kasalanan mo 'to." paninisi ko sa kaniya. "Oo na. Alam mo, hindi pa tayo pero madalas na tayong mag-away. Paano pa kaya kung naging tayo na?" tukso niya. "Manahimik ka! Kung hindi, tatamaan ka sa'kin." pagbabanta ko sa kaniya.
In the middle of the mass, medjo inantok ako. Paglingon ko ay wala si Cyrus sa tabi. Don't tell me, iniwan niya 'ko?! Siguro sa sobrang antok ko ay 'di ko na namalayan na umalis pala siya. Pero nakikinig pa rin naman ako sa pari. Hello?
Luminga-linga ako kung saan kahit na maraming tao nang may dumampi sa'kin na parang malamig. "Uminom ka muna." alok niya. "Hinahanap mo 'ko ano? Miss me, baby?" patay malisya niyang tanong. I just shook my head because I don't want to argue with him. Kinuha ko na lang ang tubig at uminom sandali.
Medjo nawala rin ang antok ko.
"Bakit pala last day mo na ng simbang gabi ako inaya?" tanong niya. "Because I want you to be my first and last love." I explained. Kinilig yata amp. "First mo 'ko? Bakit 'di mo ko inaya sa unang gabi ng simbang gabi?" tanong niya ulit. Hindi na nakinig sa pari ang mokong. "Kasi birthday ko and gusto ko lang mapag-isa." sabi ko. Hindi na siya nakipagdaldalan pa at nakinig na lang sa sermon ni Father.
"Peace be with you." sabi ni Father. Lahat naman kami ay nag-bow at nag 'peace be with you'. I reached for Cyrus cheeks and kissed him. Nabigla naman siya. "Tayo na." I whispered upon his ears. "Peace be with us." I added.
"T-tayo n-na?" he looks nervous and some beads of sweats forming around his forehead. "Hindi ako maka-sigaw." sabi n'ya. Hindi ko siya kinibo at patay malisya lang ako na kunyari ay walang sinabi. "I love you, Mahal ko." he whispered. Nanindig ang balahibo ko sa sinabi niyang kay sarap sa pakiramdam. "Thank you." I replied and smiled.
The mass ended.
"May God shower us more blessings. Give love and Marry Christmas!" bati ni Father. We respond, too.
Agad ko siyang hinatak palabas. "bili tayo ng puto bombong." aya ko. "Sure, mahal." sabi niya. Wow prepared? Nakaplano na yata lahat sa kaniya.
Shuta.
Kumain lang kami nang kumain hanggang sa inabot na kami ng sunrise.
Inakbayan niya 'ko. "Ang ganda, kasing ganda mo." sabay ngiti sa'kin. I smiled, too. "Alam mo ba kung ano ang pinaka-perfect na view?" tanong ko. "Ano?"
"I love-view." sabay kilig ampota.
"Nakikita mo naman ang simbahan 'di ba?" tanong niya. Tumango naman ako. "D'yan kita papakasalan dahil d'yan mo rin ako sinagot." hirit niya.
So, kung sa basurahan kita sinagot, doon mo rin ako papakasalan?" tukso ko. "Hindi ah!" sagot niya.
Kahit saan. Basta kasama ko siya. Magkasama kaming dalawa.