Chapter 18

5 1 0
                                        

"Gumising ka nang maaga mamayang madaling araw kasi magsisimbang gabi tayo. Humanda ka sa 'kin kapag hindi ka makakarating kasi sasakyan mo ang gagamitin natin." sabi ko sa kaniya after naming mag-dinner sa labas. Napapadalas na'to. Tapos si manang na lang mag-isa ang nagluluto at kumakain tuwing hapunan

"Opo." maikling sagot niya sabay sumaludo. Lumabas na'ko ng sasakyan niya. 'Di na siya makakapasok sa loob ng bahay kasi pinatawag siya sa opisina.

Anyways, I can't still hide my smile every time I'm with him. Hays #SUPERKILIG.

"Parang mapupunit na 'yong labi mo kakangiti ma'am, ah!" tuksong tanong ni Manang Linda na nakasandal sa may gilid ng cabinet. Mukhang alam na darating ako.

"H-halata b-ba masiyado?" I asked, stuttering while touching my lips.

Bullshit.

"Hindi naman halata ma'am na sobrang kilig mo."

"Mahal ko na nga talaga siya, manang!" sabi ko sabay bumulagta sa sofa na parang ewan na nakatingin sa kisame.

"Hay naku manang. Saan ka pa ba makakakita ng maalaga, masipag, gentleman at lahat na! May bonus pang ka-gwapuhan. Hindi na talaga ako lugi. Hindi masasayang lahi ko sa kaniya. Maganda ako, gwapo siya! Edi perfect match! Baka pagkaguluhan iyong mga anak namin sa future pagnagkataon! 'Di ba manang?" noong tumingin ako sa kinatatayuan ni manang ay wala na siya doon.

"M-manang?" Manaaaang!!!!" paghahanap ko sa kaniya.

"Totoo ba 'yong narinig ko?"

"Ay kabayo!" nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto. "C-Cyrus? What are you doing here?"

He smirked. "You forgot your wallet." sabay bigay sa 'kin. I'm cursing my wallet inside my head right now. "T-thank you."

"So, in love ka na pala sa 'kin, huh?" pagmamataas n'yang sabi. "Alam mo, hangin lang 'yan! Umalis ka na nga!" sabay tulak sa kaniya nang marahan. "In love, ah!" tukso n'ya. "Ewan ko sa 'yo! Sige na baka pagalitan ka sa trabaho mo!"

"Sus, sige na nga! Bye, Carrel!"

"Bye." sabay talikod.

"Carrel!" he shouted. "You're so kulit! What?" sabay lingon.

"Me, too! I'm super duper papalicious in love with you." sabay ngisi na akala mo ay nanalo sa lotto. I just pouted to hide my kilig. Tss, this man!

I went inside when Cyrus left ,and then manang Linda ran towards me. "Ano 'yon ma'am?" tanong niya na may bitbit pang sandok.

"Kanina pa'ko nagsasalita rito tapos umalis ka na pala. Ginawa mo naman akong baliw eh." I rant with disappointment.

"Ah-eh.." napakamot siya sa batok niya. "...nangamoy po kasi iyong niluto ko kaya dali-dali kong tinakbo akala ko nasunog na." sabay ngiti.

I breathe deeply. "Hays. Ikaw talaga manang! Tapusin mo na ang ginagawa mo at matutulog na'ko. Kasama ko na kasi bukas si Cyrus na mag simbang gabi. Akyat na'ko."

She just nodded and I went upstairs.

I took a half bath before lying on my bed. And the next thing I knew, I dozed off asleep.

I woke up half-asleep because of my alarm clock. It's 3 in the morning, 24th of December. I turned off my alarm clock and went back to sleep, dreaming.

"Ikaw nagyaya tapos ikaw rin 'tong ayaw bumangon?"

Fvck. He's here?

Bigla akong nagising to the highest level at bumalikawas nang bangon.

A Glimpse in ParadiseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora