Kaya Ko Ba?

Door nakalimutankoe

233K 10.1K 2.3K

"Magpakapraktikal ka na lang," ang opinyon ng ilan. Bilang isang estudiyante na walang passion o eksaktong pl... Meer

-
Dedication
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
Thank You!

Kabanata 20

2.2K 161 60
Door nakalimutankoe

Kabanata 20.

DUMAAN ANG ILANG BUWAN at nakahanap naman ako ng mga kaibigan. Sa totoo lang hindi naman ako nahirapang mag-adjust sa environment hindi gaya ng inaasahan ko . . . Sa mga subject lang talaga ako nagkakaroon ng problema.

"Ilan kayo sa Gen Chem?" tanong ni Matthew matapos ibigay sa amin ang resulta para sa nakaraang quiz. "Thirty-two ako."

"Thirty-five," sagot ni Randy.

"Thirty," sabi naman ni Martin.

Hindi na ako nakisali sa kanila. May 3 din naman iyong akin . . . nasa second place nga lang. Tiyanggala. Out of 50, 13 lang nakuha ko? Ni hindi man lang umabot sa kalahati. Sobra lang ng 0.5 sa ¼ amp.

Tinapik ako ni Matthew sa balikat. "Pang-ilan mo na iyan . . . baka buminggo ka na kay sir."

"Bawi ka sa midterm exam . . ." ani Martin.

"Kung makabawi. Sobrang laki ng kailangan kong habulin," sagot ko. At buti sana kung dito lang sa General Chemistry . . . Problema ko rin iyong iba e. Kahit nga sa Contextualized Salvation History tagilid pa ako.

"Group study tayo," suhestiyon ni Randy na sinang-ayunan naming lahat.

Pagkatapos ng klase ay pumunta kami sa bahay nina Martin para doon mag-review. Noong una maayos naman. Talagang nakatutok kami sa ginagawa namin at sa tuwing may hindi ako naiintindihan ay maayos nila iyong naipapaliwanag sa akin. Pero ng buksan ni Martin ang topic tungkol sa nangyaring insidente noong nakaraang linggo sa cafeteria, hanggang sa sumapit ang gabi ay wala na kaming ibang inatupag kundi ang magkuwentuhan.

Pag-uwi ko sa dorm, naupo ako sa single bed kong higaan at inilabas ang lahat ng mga test paper na naibalik na sa amin simula noong magpasukan—ni wala man lang pumasa. Napasabunot ako sa sariling buhok. Ano ba ang gagawin ko? Gusto ko rin namang matuto pero ayaw makisama ng utak at katawan ko. Sa tuwing susubukan kong mag-aral nang ako lang inaantok ako at nagpapadala naman ako hanggang sa tuluyan akong makatulog at wala ng magawa. Dinampot ko ang cell phone para tawagan ang pamilya ko sa Bulacan. Gusto ko munang magpahinga . . . Gusto ko silang kausapin.

"Hello, kuya," boses iyon ni Janus.

"Kumusta kayo riyan? Sina mama't papa? Si Jeremy, naliligo na ba?"

Hindi pa man siya nakakasagot ay narinig ko ang ang sunod-sunod na pag-ubo mula sa kabilang linya.

"Si mama . . . Nag-aalala ako sa kaniya e . . . Tuloy-tuloy pa rin iyong pag-ubo niya tapos minsan nakikita ko na parang hinihingal kahit nakaupo lang."

"Nagpa-check-up na ba siya?"

"Hindi nga e. Kapag pinagsasabihan namin siya ni papa, nagpipilit na ayaw niya at pinagagalitan pa kami. Alam mo kinakabahan na nga ako e . . . Nagsimula na akong mag-research tungkol sa condition niya at hindi maganda iyong nalalaman ko . . . Alam kong hindi iyon accurate gaya ng findings ng doctor kaya ayaw kong mag-conclude pero kasi . . . . Tulungan mo nga kaming kumbinsihin si mama. Baka kapag mas marami tayo mas ma-persuade siya."

Ibinagsak ko ang katawan sa higaan at wala sa sariling tinitigan ang kisame. Bakit ang tigas ng ulo ni mama? Kami hindi puwedeng hindi sumunod sa kaniya pero bakit siya hindi nakikinig sa amin? Hindi niya naman ikasasama iyon a. Nahagip ng mata ko ang libro para sa Engineering Algebra at alam ko na kailangan ko iyong buklatin at aralin dahil may quiz na naman kami sa susunod na meeting pero wala talaga akong gana. At alam ko na hindi ko mapipilit ang sarili ko.

Nang mag-meeting kami kay Sir Cams, agad niya kaming inutusan na paghiwa-hiwalayin ang upuan at ilagay ang bag sa harap. Gaya ng reminder niya tuwing exam, bawal ang mag-cheat. Kung sino man ang mahuli ay mamarkahan ang papel at automatic na singko na ang final grade. Justified naman daw iyon dahil ang cheating ay isang major offense sa school na ito. Wala namang ganito noong high school a.

Habang pinagmamasdan ang papel na nasa harap ko, paulit-ulit akong napapabuntong-hininga. Dalawa lang iyong tanong pero kahit isa ay wala akong masagutan. Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa sarili ko o ano. Sawang-sawa na ako makakuha ng itlog sa subject na ito. Tiyanggala. Puwedeng-puwede na akong magtayo ng egg station e. Bakit ba kasi ganito ako? Alam ko iyong mga problema . . . Alam ko iyong mga rason kung bakit kailangan kong mag-aral nang mabuti pero bakit wala akong ginagawa?

"Ano ang problema, Mr Alonto?" Huminto si Sir Cams sa tabi ko, sinisilip kung anong progress na ang nagawa ko sa pagsasagot.

Ang sarap sabihin na wala naman siyang ibang makikita kaya magronda na lang ulit siya na parang pulis at sa iba na ibaling ang pansin. Nakaka-tense kasi na wala na nga akong masagot tapos nasa tabi ko pa siya. Buti sana kung sasabihin niya kung paano sagutan e. Papaupuin ko pa siya.

"Wala po, sir," tanging nasabi ko. Nang sa wakas ay umalis siya saka lang ulit ako nakagalaw.

* * *

Sabay kaming uuwi ni ate sa amin. Hindi ko pa man siya nakikita ay binubuo ko na ang plano kung paano siya iiwasan buong biyahe. Baka kasi tanungin niya ako ng update tungkol sa nangyayari sa akin sa eskuwelahan. At least sa amin malulusutan ko siya palagi dahil puwede akong umalis nang umalis para puntahan ang mga kaibigan ko. Balak ko sanang magtulug-tulugan sa bus ng unahan niya ako pagsasalita.

"Malapit na ang midterm exam. Ibig sabihin nakakakalahati ka na." Hindi ako umimik. "Huwag mong sasayangin itong opportunity na ibinigay sa iyo."

"Bigay ba talaga? May kasama pang pressure," sagot ko.

Akala ko may sasabihin pa siya pero doon na natuldukan ang usapan namin. Pagdating sa bahay, nadatnan namin si mama na nakaupo malapit sa bintana at nagkakape.

"Bakit parang pumayat ka yata, Ma?" pansin ko. "Ano ang problema?"

"Walang problema ang katawan ko. Mata mo ang meron." Wow. "Kumusta ang pag-aaral mo roon?"

Nakangisi akong napakamot sa batok. "Ayos lang naman po." Hind ko na gustong sabihin pa sa kanila iyong totoo. Dadagdag lang ako sa isipin nila.

"Bakit parang ang kalmado mo yata ngayon, Ma?" tanong ko ulit. "Nakakapanibago . . . ."

"Masama pa rin po ba ang pakiramdam mo?" si ate naman ang nagsalita.

"Hindi. Maayos ako. Iyang ama at kapatid niyo lang ang nagpupumilit na hindi."

"Bakit po ba kasi ayaw ninyong magpa-check-up?"

"Bakit pa nga ako magpapa-check-up e maayos nga ang pakiramdam ko? Simpleng ubo lang ito. Isa pa, gastos lang iyan."

"Simple ba iyong ilang buwan na pero hindi pa rin nawawala?" sabi ko.

"Ako ang nakakaramdam kaya ako ang nakakaalam," pilit ni mama.

"Paano kung nagsisinungaling ka lang sa amin?" Hindi siya nakasagot. "Nagsisinungaling ka para hindi kami mag-alala pero kabaliktaran no'n iyong nangyayari."

"Tama na ang usapan na ito. Kumain na kayo roon." At iniwan niya kami ni ate.

Lumapit ako kay Janus na naghuhugas ng plato. "Kumusta talaga si mama?"

"Alam ko talagang hindi okay . . . ." bakas ko ang panlulumo sa boses niya.

Tinapik ko siya sa balikat. "Pipilitin natin siyang magpa-check-up."

Nang makapagpahinga, lumabas ako para puntahan ang mga kaibigan ko. Wala sila sa computer shop pero alam ko kung saan sila puwedeng hanapin. At hindi nga ako nabigo ng makita ko ilalim ng puno ng mangga na tambayan namin.

"Nandito na pala si Engineer." Malawak ang ngisi nila ng salubungin ako.

"Engineer amp." Natawa na lang ako.

"Bakit . . . Engineer ka naman na talaga pagka-graduate mo a," ani Buboy.

"Kung maka-graduate," sagot ko naman.

"Bakit, ano ang problema?"

"Nahihirapan ako e . . . Hindi ako makasabay sa kanila. Para akong napag-iiwanan," pag-amin ko.

Tinapik ako ni Buknoy sa likod. "Tiwala lang, Son. Aakiyat ka sa stage at papanoorin ka naming tanggapin iyong diploma mo. Sisigaw pa kami para batiin ka . . . . Wala man kaming maitulong sa problemang pang-akademiko mo, nandito lang kami para bigyan ka ng moral support."

"Tamis niyo naman," sabi ko.

"Siyempre nagpapatamis talaga nang husto iyan si Buknoy natin kasi balak kang gawing brother-in-law."

"Manahimik ka nga. Panira ka lang e . . . ng momentum," sagot ni Buknoy.

"Momentum amp. Naalala ko na naman tuloy iyong sa compshop . . . ." Bumaling ako kay Buboy. "Kumusta kayo ni Aling Minda? Bati na kayo?"

"Hindi nga e. Hindi na tuloy kami makautang sa kanila."

"SB ka kasi e. Solo buang," komento ni Buknoy. "Ang dami-dami ng puwede mong kasagutan iyong may tindahan pa talaga."

"'Tang— nung anak niya e. Napakasumbungero. Akala mo ginulpi e."

"Tanga bata kasi iyon. Pinatulan mo pa e."

"Ambot sa kambing na may bangs."

Nakalubog na ang araw ng dumating si papa galing sa trabaho. Sandali niya lang kaming nabigyan ng atensiyon dahil naging abala siya kay mama na inaatake na naman ng walang tigil na pag-ubo.

"Sinabi na kasing magpa-check-up ka, Janeth," asik ni papa habang hinahago ang likod ni mama.

"At ano? Pabayaan ninyo na nga ako. Simpleng ubo lang naman ito." Nanunubig na ang mata ni mama at halata ang hirap sa pagsasalita.

Ipinipilit niyang hindi kailangang alalahanin ang kondisyon niya dahil 'simpleng ubo' lang naman iyon pero may kutob akong hindi lang iyon basta ganoon. At natatakot ako na baka mali si mama at tama ang hinala namin ng kapatid ko. Pero kung mali man ako sa bagay na ito, ito ang pagkakamali na pinakamasaya at pinakamaluwag sa loob kong tatanggapin. 

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

11.5K 578 123
Short Compilation of Different Spoken Poetry
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
249K 16.7K 80
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
96.7K 3.8K 28
"Isa lang naman ang pangarap ko: ang maging pangarap mo." [PUBLISHED 2015 under Precious Pages] Asar na asar si Pearl nang lait-laitin siya ni Charly...