I am the Tutor of Mr. Arrogan...

By SheWritesLove26

120K 1.8K 154

"I used to be confident, then you came and it's gone." Rio Jed Nolasco only knows one place to stay- at the t... More

I am the Tutor of Mr. Arrogant
-Prologue-
Lesson Number One -Miss Rank Number One-
Lesson Number Two -A Match Made in Heaven or in Hell?-
Lesson Number Three -Lesson Plan-
Lesson Number Five -Teach him to be helpful.-
Lesson Number Six -Teach him to be generous.-
Lesson Number Seven -Scrambled Feelings-
Lesson Number Eight -Teach Mr. Arrogant to be thankful.-
Lesson Number Eight - 2
Lesson Number Nine -She's Special-
Lesson Number Ten -A Night With Mister Arrogant-
Lesson Number Ten - 2
Lesson Number Eleven -The Crazy Fans-
Lesson Number Twelve -Accident and Goodbye-
Lesson Number Thirteen -Friends or Foes?-
Lesson Number Fourteen -Teach him to persevere.-
Lesson Number Sixteen -Learn to forgive.-
Lesson Number Sixteen-2
Lesson Number Seventeen -The Greatest Lesson-
Lesson Number Seventeen - 2
Lesson Number Eighteen
Lesson Number Eighteen- 2
Lesson Number Nineteen
Lesson Number Nineteen -2
Lesson Number Nineteen- 3
Lesson Number Twenty
Lesson Number Twenty One
Lesson Number Twenty One -2
Lesson Number Twenty Two
Lesson Number Twenty Two - 2
Lesson Number Twenty three
-Epilogue-
Bonus Chapter

Lesson Number Four -Teach him to be patient.-

4.8K 88 7
By SheWritesLove26

Lesson Number Four

-Teach him to be patient.-

 "Dapat mo ba talagang gawin iyan?" nag-aalalang tanong ni Allen kay Monica. Nakakunot pa ang noo nito habang nakatingin sa kanya.

 "May choice ba ako?" Balik tanong ni Monica kay Allen. Totoo naman kasi na wala siyang ibang mapagpipilian. Hindi naman niya magagawa na basta na lamang tanggihan ang pinagagawa sa kanya ng Dean ng SEBA at ng coach niya sa tae kwon do. Afterall, isa siyang dakilang scholar ng Bridgerton International Academy at kahit sincong duling ay wala siyang binitiwan para pangmatrikula kaya tama lang na sundin niya ang anumang ipagawa sa kanya hangga't kaya pa niya.

 Simple lang naman kasi ang gagawin niya. Magiging tutor lang naman siya pansamantala. Hindi na bago sa kanya ang bagay na iyon. Madalas kasi siyang mapakiusapan, pati na rin si Allen na maging tutor ng mga kaeskuwela nila noong high school na na nganganib na hindi makapasa. Sobrang simple lang ang gagawin niya kasi kaligayahan na niya ang makatulong sa iba.

Not really.

Because the person she is suppose to help. The person she is about to teach is the same person she hates the most. The person who does nothing but ruin her day— fate seems to enjoy playing games.

 "Dapat tinanggihan mo na lang iyang pinagagawa sa iyo, baka mapahamak ka pa niyan," nag-aalalang sabi pa ni Allen, alam kasi nito na mainit ang dugo nilang dalawa ni Rio sa isa’t isa at sigurado ito na hindi magandang ideya na pagsamahin silang dalawa, para na ring hinangad na magkaroon ng World War III.

 Tinitigan lang ni Monica ang kanyang best friend, Allen has always been supportive of her kahit pa minsan ay hindi nito gusto ang ginagawa niya ay never siya nitong k-in-ontra, ito ang unang pagkakataon na nagbigay ito sa kanya ng opinyon na taliwas sa desisyon niya.

 “Best friend, lagi mo naman akong sinusuportahan, di ba? Siguro naman this time susuportahan mo pa rin ako at saka, tama na nga ‘yang pag-aaalala, carry ko na iyon, ako pa,” Monica said cheerfully but Allen only shrugged.

…♥…

TAHIMIK lang na pinagmamasdan ni Monica ang notebook na hawak niya, nakasulat doon ang coverage ng lessons na dapat niyang ituro kay Mr. Yabang para makabawi ito sa mga mababa nitong grades at makasali sa intercollegiate league... ang hambog na iyon pa naman ang pinakamahusay na male athlete sa eskuwelahan nila. Labag man sa kalooban niya pero kailangan niyang aminin ang bagay na iyon kahit pa si Mr. Arrogant ang pinakakinaiinisan niyang tao sa balat ng sangkalupaan.

 “Ano’ng petsa na ba? Wala pa rin ang damuhong iyon,” naiiling na lang si Monica sa kinauupuan niya. Thirty minutes na ang lumipas mula nang pumunta siya sa field para sana sa tutorial session nila ni Mr. Arrogant pero hanggang ngayon, ni anino ng nilalang na iyon ay hindi pa rin niya nasisilayan. Saan naman kayang lupalop ng daigdig napadpad ang taong iyon?

Mr Arrogant must really need to learn his lessons and she should make her lesson plans successful.

Ano nga kaya ang laman ng lesson plan ni Monica?

…♥…

 “ARE YOU kidding me?” natatawang tanong ni Ace sa nakakunot ang noong si Rio na papalabas na ng Head quarters ng Cool Knights. Nakatanggap siya ng message mula sa kanyang ina. Anak ng putakte lang! Saan  naman kaya nakalap nito na hindi siya sumipot sa usapang tutorial session?

“Do I look like I am kidding?” angil niya sa kaibigan, kung hindi lang niya talaga kaibigan ito ay baka kanina pa ito pinaglalamayan.

“Bridgerton International Academy’s valedictorian is now attending a tutorial session? What’s happening on earth now? Katapusan na ba ng mundo?” hindi maalis ang malokong ngiti sa labi ni Ace, alam kasi nitong pikon na pikon na siya kaya’t mas lalo siya nitong inaasar.

“Buhay mo ang matatapos kaagad kapag hindi mo ako tinantanan.” At nagmadali na siyang umalis.

…♥…

“TAKTE! Sigurado ka ba’ng lesson iyan sa Basic Accounting? Lintik na iyan!” inihagis ni Rio ang ballpen at notebook niya sa mesa, nasa loob siya ng library kasama ang tutor niya na mukhang enjoy na enjoy sa pagpapahirap sa buhay niya. Kung makangisi ito ay parang wala ng bukas.

Teka…

 Parang baliktad yata— hindi ba dapat ay siya ang nagpapahirap dito ngayon?

At bakit ba sila nasa library? Ipinagtulakan sila ng coach nila sa lugar na iyon para raw mas lalo silang makapag-aral, nadatnan kasi sila nito na nagtatalo sa field.

“Ang dumi ng bibig mo, Freak. Magmumog ka nga ng holy water kaya lang baka malusaw ka.” Nanunuyang wika nito. Tinapunan niya lang ito ng nanlilisik na tingin. “Iyan ang hirap sa hindi umaattend ng klase at tumatambay lang sa kung saan saan kaysa mag-aral. We will not leave this place unless masagutan mo iyan.”

…♥…

“DAMN! What kind of problem is this? Mukha ngang walang sagot para rito.” Sigaw ni Rio, nagtinginan naman ang ibang estudiyante sa kanila.

“Mr. Nolasco, Miss Peligrino, kanina pa kayo maingay diyan, get out of this room,”  bulyaw sa kanila ng librarian, kanina pa nga sila sinisita nito pero sadiyang mainitin ang ulo ng aroganteng kasama niya. Monica apologized to the librarian while Rio remained staring at her with a deadly glare.

Tumayo lang si Monica at niligpit ang mga gamit niya. “Sa office na lang tayo.” Sabi niya kay Rio with a sly smile alam kasi niyang walang ibang choice si Rio kundi ang sumunod sa kanya cause if he doesn’t?

Then it is going to be the end of him.

…♥…

"PATIENCE is a virtue." 

"Tumahimik ka nga, bulag ka ba? Hindi mo ba kita na nagsasagot ako ng mga out of this world na accounting problems na ito?" ganting sigaw ni Rio. Nabubwisit na siya, kanina pa kasi paulit-ulit na sinasabi sa kanya ng hampas lupang tutor niya ang saying na iyon. Dinaig pa ang pirated dvd, or mas tamang sabihin na parrot kung magpaulit-ulit. 

"Bagay lang sa iyo ang out-of-this-world problems, pang out-of-this-world ka rin naman, freak ka kasi." Nakangisi pang reply ng parrot niyang tutor. Tinitigan niya lang ito ng masama at saka binalikan ang sinasagutang comprehensive problems. 

Dyahe! Habang siya ay nagpapakahirap, prenteng prente namang nakaupo sa swivel chair ang tutor niya. Tuwang tuwa ito sa pagpapahirap sa kanya. 

Bakit kasi ang babaeng ito pa ang napiling tutor niya? Imbes na matutunan niya ang mga na-miss niyang lessons ay mas lalo pang hindi mag-sink in sa utak niya. Sa tuwing magrereview siya ay nakikinikinita niya ang nakangising imahe ng tutor niyang iyon. Anak ng pusang gala! 

"Ako freak? Kung may freak sa atin ay ikaw iyon." Sisigawan pa sana ulit ni Rio si Monica nang biglang may pumasok sa study room. Nandoon sila ni Monica sa bahay ng mga Nolasco para mag-review. Pinalayas sila ng kanilang coach dahil nagbabangayan lamang sila imbes na mag-aral.

"Anak, Hija, magmerienda muna kayo." Nakangiting sabi ni Daisy, ang mommy ni Rio, habang inilalapag sa mesa ang isang tray na naglalaman ng juice at biscuits. 

"At ikaw naman, Rio, be good to your tutor, she is your only key to get into the league. Narinig ko ang pagsigaw mo kanina, anak, hindi masama kung hahabaan mo ang pasensiya mo, buti nga at pinagtityagaan ka pa niya. I remember when you were still a little boy, ilang beses tayo nagpalit ng yaya mo dahil ang bilis uminit ng ulo mo," sermon naman ng nanay niya. 

"And, hija." Binalingan ni Daisy kay Monica at nginitian ito. "Thanks for putting up with my boy." 

Ngumiti lang din si Monica. Ito ang unang beses na nakita niya itong nakangiti. Iyong natural na ngiti at walang halong pag-uuyam. 

 amaganda pala ang ngiti niya, dapat ay  lagi na lang siyang nakangiti para lumabas ang ganda niya,' naisaisip ni Rio. Agad naman siyang napailing sa naisip. Nagma-malfunction na nga yata ang isip niya dahil sa isang katerbang sinasagutan niya kaya kung ano-ano na lang ang pumasok sa kanyang utak. 

"It's no problem, Ma'am," ani Monica pagkatapos ay ngumisi ito at tiningnan siya. "Patience is a virtue, anyway." 

Binawi na rin kaagad ni Rio ang naisip niya, huwag na lang sana muling ngumiti si Monica. Mas nakakaburyo pala iyong makita.

... ♥…

BLAG!

"Wala ka naman sigurong balak sirain ang punching bag, ano? Ang aga-aga ay ang init agad ng ulo mo. Tol, ang patience pakihabaan. Chill." Natatawang sabi ni Ace na kapapasok lang ng headquarters kasama ang iba pang miyembro ng Cool Knights. 

"Ace is right, bro." pagsang-ayon naman ni Hero at nag-hi-5 pa ang dalawang sira-ulo niyang kaibigan. Si Spade naman ay mukhang wala lang paki-alam sa kanila. Ang weird talaga ng kaibigan niyang iyon. Dere-deretso lang itong umupo sa swivel chair at nilapag ang paborito nitong deck of cards sa lamesa. Mukhang magbabaraha na naman ito ng mag-isa. 

"O ano, tol, kumusta ang tutorial session mo with Ms. Rank Number One?" Binigyan pa nito ng emphasis ang bansag na iyon kay Monica. Kaagad na pumasok sa isip niya ang pagngisi nito noong nakaraan.  Muli niyang sinuntok ang punching bag.

'Cool down, Rio. Cool down. Tandaan mo kasalanan ang pumatay.' Sermon ni Rio sa isip niya, kanina pa siya napipikon sa kaibigan niyang si Ace dahil sa mga pang-aalaska nito.

'Cool down Rio, patience.' Muling sabi niya sa kanyang isipan.  

...♥…

"THIS CAN'T be happening." Naiiritang sabi ni Hermione habang pinapanood sina Rio at Monica na kalmadong nag-uusap at hindi nagbabangayan. Well, hindi naman niya talaga pinapanood na parang spy. Ang ganda naman niya masiyado para magpakaispiya lamang katulad ng mga cheap na fan girls ni Rio, nagkataon lang na napadaan siya sa garden, along the way kasi ito papunta sa pool area ng academy. 

"It seems like Rio has finally learned how to control his temper and prolong his patience." 

Halos mapatalon si Hermione nang marinig ang baritonong boses na nagsalita sa may likuran niya. Ano ba’ng meron sa Spade na ito at bigla-bigla na lang sumusulpot? 

"Paano ba yan, Hermione, Mukhang hindi mapapa-alis si Ms. Rank Number One sa school na ito."  

Umakyat sa boiling point ang temper ni Hermione sa narinig. Hindi puwedeng mangyari ang sinasabi ng kaibigan ng kuya niya. Dapat mapaalis si Cheap Girl sa school as soon as possible. Tiningnan niya nang masama si Spade but Spade only smirked.  

"Ang init naman agad ng ulo mo, Hermione. Did I hit the bull's eye?" ipinaling ni Spade ang ulo nito at sinundan naman iyon ni Hermione. Nakatingin sila pareho kina Rio at Cheap Girl. 

"If you really want to win this game. You should focus, keeping a high temper will bring you nowhere. Be patient. Just focus with your cards." Spade patted her on her shoulder and then left. 

Napabuntong hininga na lang si Hermione at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa pool area.

Continue Reading

You'll Also Like

591K 13.5K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
32.4K 744 79
LIENEL ang pangalan ng babaeng pumunta sa templo. Sa kabiguan dulot ng pagkawala ng asawa't mga anak, tinungo niya ang hinihinalang templo para mag-i...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.4K 251 40
She's Sam live in the cabin by herself .. she loves doing what she wanted to do .. She is the pretty knigth of the CEO ... She helped the man that s...