Gone Boy [COMPLETED][PUBLISHE...

By chadkinis

125K 2.2K 138

This is a collaboration between me and Aivan Reigh Vivero (@iamaivanreigh). Hope you guys like this story. :) More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Epilogue
Survey
Special Chapter
Mahalagang paalala mula sa may akda
PUBLISHED
BOOK RELEASE
Good News
#Wattys2015

Chapter 11

3.3K 66 1
By chadkinis

[ELLAINE'S POV]

Magtatanghali na nang magising kinabukasan si Ellaine. Halos mapalundag siya sa kama nang mabasa ang limang text sa cellphone niya. Galing iyon lahat kay John Paul—ipinapaalam nitong darating ito sa bahay nila ng ala-una ng hapon. At siguraduhin niya raw na darating ang babaeng humalik ditto kagaya ng naipangako na niya ng nadaang gabi. Parang nais niyang pagsisihan ang pagiging padalus-dalos niya. Pero wala na siyang panahon para magsisi pa.

Halos magkumahog siya sa paghahanda ng sarili. Mahigit isang oras na lang at darating na ang binata. Kumain na muna siya ng tanghalian bago nagpasyang maligo. Naibilin niya na rin kay Nana Maria na kapag dumating si Paul ay patuluyin na lang ito sa silid niya. Hindi siya papasok sa opisina kung saan siya nag-o-OJT dahil patapos na rin naman ang three hundred hours na kailangan niyang bunuin sa opisina ng mga ito. Mahigit tatlong araw na lang ay mako-kompleto na niya ang required number of hours kahit medyo matagal pa ang graduation day nila. Hindi naman na siguro masama kung liliban siya sa araw na iyon.  

Mabilisan siyang naligo, nagsipilyo at nagwisik ng pabango. Halos kakatapos lang niyang magsuot ng damit nang saktong dumating ang inaasahang binata. Nakaplaster sa mukha nito ang abot-tengang ngiti nito.

“Andito na ba?” anito na luminga-linga sa buong silid niya. Akmang tutunguhin na nito ang banyo niya nang pigilan niya ito.

“Ano ka ba! Maupo ka nga saglit. Oo, nandito siya. Gaya nga ng sabi ko sa 'yo kagabi, kaya huwag kang masyadong atat.”

Naupo naman ito sa gilid ng kama niya. Bumalatay sa maamo nitong mukha ang pagtataka nang mula sa aparador ay kumuha siya ng panyo. “Ayoko ng ganyan! Akala ko ba ipapakilala mo na sa ‘kin kung sino ang humalik sa kin?” yamot na sabi nito.

“Oo nga. Kaya lang, kailangan talaga ito. Para surprise. C’mon, ngayon ka pa ba aatras?” nakangiti niyang turan dito. Sinimulan niya itong lagyan ng piring sa mata.

Nang masiguradong maayos nang nakakabit dito ang panyo, humakbang siya ng kaunti at humugot ng mahabang hininga. Ito na, malalaman na niya ang lihim ko. Nilunok na niya lahat ng kahihiyan sa sarili.

 At kagaya ng nangyari kahapon, unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ni John Paul. At nang maglapat ang kanilang mga labi, muling nagsalimbayan ang samut-saring emosyon sa kanyang pagkatao. Hindi naglaon, tinutugon na rin nito ang halik niya na nang magtagal ay lalong naging mapaghanap. Para siyang nahihipnotismo dito. Kusang nangunyapit ang kamay niya sa batok nito while he was kissing her with intense passion.

At nang akala niya’y malulunod na siya sa mga halik nito, inalis nito ang piring sa mata at awtomatiko itong napasabunot sa buhok nito nang makita nitong siya ang nakaupo sa kandungan nito. “My God, Ellaine! What’s happening with you? Are you insane?” mababakas sa mukha nito ang galit. Hinawi siya nito sa pagkakaupo niya sa kandungan nito at tumayo ito at lumapit sa bintana. Nakitang niyang humugot ito ng marahas na paghinga.

Lahat ng salitang matagal na niyang inaral para sa tagpong iyon ay dagling nilipad ng hangin. Natulos siya sa kinatatayuan niya at hindi maapuhap kung ano ang sasabihin sa kaibigang ilang minuto lang ang nakakalipas ay nagawa niyang halikan sa pangalawang pagkakataon.

Humakbang ito palapit sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat. “You’re impossible! All these time, I thought you were a friend. I thought we are just pure friends. I never imagined you having this stupid thing running in your mind! Ganyan ka na ba kadesperado na magkaroon ng boyfriend kaya pati ako, kakataluhin mo? You’re nuts!” anitong nanggagalaiti sa galit.

Masakit na marinig mula sa sarili nitong mga bibig ang mga ganoong bagay. Kagabi ay ihinanda na niya ang sarili niya sa ganoong tagpo kagaya ng nangyayari ngayon. At ang buong akala niya ay napaghandaan niya na ang ganoong uri sakit—hindi pa pala. Nag-unahang maglaglagan ang butil ng luha sa kanyang mga mata.

At sa pagitan ng mga hikbi, nagawa niya ring ipagtapat ang matagal na niyang nararamdaman para dito. “I’m so sorry Paul that I couldn’t stop myself from falling for you. All these years you were so good to me that I’ve learned to love you more than my best friend.” Tumigil siya saglit upang humugot ng hininga dahil nagsisimula nang sumikip ang kanyang dibdib. “But believe me, I really love you so much. And it hurts me so much knowing that you will never love me the way that I love you.” Lalong lumakas ang hagulgol niya nang sabihin iyon.

Wala na siyang narinig na salita mula rito. Naramdaman niya na lang ang pagbitaw nito sa kanyang balikat at paglabas nito sa silid niya. At sa paglapat ng pinto, tila iyon na rin ang hudyat ng pagsasara ng kabanata ng pagkakaibigan nila.

Naiwan siyang hilam sa luha at naninikip ang dibdib. Ganoon pala kasakit ang ma-reject ka ng taong mahal mo. Tila ayaw na niyang lumabas ng silid niya. Nais niya na lang na magmukmok sa silid niya habang-buhay at ipagluksa ang nagging unang kasawian niya pagdating sa pag-ibig.

Ngunit nang sumapit ang Lunes, napagtanto niyang mas dapat niyang patunayan kay John Paul na kaya niyang mabuhay nang wala ito. Gusto niyang ipakita dito na hindi lang dito umiinog ang mundo niya dahil marami pang tao ang nagmamahal sa kanya.

Naging abala siya ng mga sumunod na araw sa school. Tapos na ang OJT niya kung kaya’t ang report para sa OJT coordinator naman nila ang aatupagin niya. Magandang bagay na rin iyon dahil hindi niya na masyadong naiisip ang naging takbo ng pag-uusap nila ni Paul dahil sa sobrang ka busy-han. Bagamat may mga pagkakataon pa rin na bigla na lang siyang mapapatigil at mapapatulala na lang sa isinusulat niya.

At sa mga nakalipas na araw, ni minsan ay hindi niya ito nakita sa loob ng unibersidad nila. Marahil ay ayaw na muna siya nitong makita kaya marahil iniiwasan nitong magtagpo sila sa loob ng campus lalo na at alam naman nito kung saan siya madalas tumambay. Bagama’t nasasaktan, pinilit niyang ibalik sa dating takbo ang buhay niya at matutong tanggapin na hindi na babalik sa dati ang pagkakaibigan nila ni Paul.

Maybe what she did was really unforgivable for John Paul that’s why he can stand not seeing her for a week.

“Nadalaw mo na ba iyong kaibigan mo Tricia? Balita ko’y may sakit daw si John Paul. Mag-iisang linggo na raw may lagnat yaong batang iyon,” bungad sa kanya ni Nana Maria nang minsang umuwi siya galing sa school.

“Po? Hindi ko po alam na may sakit po siya, Na.” aniya habang kumukuha ng juice sa ref.

“Aba’y nagkalit ba kayo, hija? Mag-iisang linggo na rin buhat nang huling araw na magawi  ang batang ‘yon dito,” pag-uusisa pa ng matanda na naging malapit na rin ang loob kay Paul.

Ininom muna niya ang juice bago sumagot, “Hindi naman po kami nag-away. Hayaan niyo po at dadalawin ko po siya mamaya sa kanila pagkatapos ko pong makapagpalit ng damit.”

“O siya, dalhan mo na rin siya ng sphagetti. Nagpaluto kanina ang mommy mo at may mga bisita siyang dumating kanina. Kunin mo na lang diyan sa ref at initin mo bago dalhin sa kanila.” Bilin pa nito bago magtungo sa garden kung saan ito napapalipas ng oras kapag ganoong hapon at walang gagawin.

Isa sa kabilin-bilinan ng mama niya ay huwag na huwag iaasa ang lahat ng bagay kay Nana Maria lalo na kung kaya naman nilang gawin ang isang bagay on their own. Lalo pa nga at medyo nagkaka-edad na rin ang kasambahay nila na halos sa kanila na rin nagtagal.

Nagbihis siya ng pantalon at t-shirt at saka ininit niya ang natirang sphagetti. Habang nakasalang ang kawali sa kalan, tinitimbang niya sa sarili kung dapat na nga ba niyang kausapin si John Paul sa pagkakataong ito. At ang mas malaking tanong, handa na ba siyang tanggapin ang magiging pang-uusig nito kapag nagkataon? Handa na ba siyang muling maungkat ang naging sanhi ng pagkakalabuan nilang dalawa?

Bagama’t puspos ng alinlangan, pinasya niyang magtungo sa bahay ng mga ito. Hindi naman niya kailangang personal na makipag-usap dito. Iaabot lang niya ang dala niya at magtatanong na rin sa kasambahay ng mga ito kung okay lang ba ito. Pagkatapos no’n ay aalis na rin agad siya.

‘Iyon nga lang ba?’ bulong ng kabilang isip niya?

Ngunit nagtaka siya nang pagdating niya sa bahay ng mga ito, ay si Lily lang ang naabutan niya—ang kasamabahay ng mga ito. Matanda lang siya ng ilang taon dito kaya naman nakagaanan niya na ito ng loob. Malayong pinsan ito ni John Paul na galing sa probinsiya.

“Lily, asan si Paul? Sabi kasi ni Nana Maria, may sakit siya kaya napadalaw ako,” aniya at iniabot dito ang dalang pagkain.

“Naku ate Ellaine, nahuli ka na ng dating. Isinugod sa ospital si Kuya John Paul. Kaya pala mag-iisang linggo na siyang may lagnat dahil may dengue pala siya,” anito habang hinahanda ang isang bag na puno ng gamit ni Paul.

“Papunta nga ako ngayon at ako ang tatao sa ospital para magbantay kay kuya.  Maghahanap kasi si Lola ng donor ng dugo. Kailangang masalinan ng dugo ni Kuya kasi mababa raw yata ang platelet counts,” sabi pa nito nang wala siyang masabi dahil sa gulat nang malamang nasa hospital pala ang binata.

Sa narinig, parang nais niyang liparin ang kinaroroonan ni John Paul ngayon din. All this time na nagda-drama siya dahil akala niya’y ayaw siya nitong makita at iniiwasan siya nito sa school, iyon pala’y may sakit pala ito.

“Sasama ako sa 'yo, Lily.” Mabuti na lamang at dala niya ang wallet niya kanina nang umalis siya kaya’t hindi na niya kailangang umuwi para kumuha ng pera.

Hindi rin nagtagal ay lulan na sila ni Lili ng isang taxi at habang daan naikwento sa kanya ni Lily na noong Linggo nga raw—araw na huli itong pumunta sa bahay nila, lasing daw ito nang umuwi. Hindi niya masabi kay Lily na maaaring siya ang dahilan kung bakit naglasing si John Paul ng gabing iyon.

“Yung girlfriend ni Kuya Paul… yung Tricia ba 'yon? Ni minsan hindi man lang dumalaw sa bahay kahit na ilang beses na siyang pinatawagan sa akin ni Kuya sa bahay nila. Laging may dahilan ang bruha,” pagsusumbong pa nito sa kanya na halata ang disgusto sa nobya ng pinsan nito.

Hindi na lang siya nagsalita. Sa isip niya ay hinahanda niya ang sarili niya sa gagawin niya mamaya. Type AB rin siya—kagaya ng blood type ni John Paul kaya’t siya na lang ang magpri-prisintang mag donate ng dugo dito. Bagama’t takot siya sa karayom, titiisin niya iyon mailigtas lang ito sa tiyak na kapahamakan.

Nang marating nila ang silid ni John Paul ay halos bumuhos ang luha niya sa nakitang anyo nito. Bagama’t nakapikit ang mga mata nito, mahahalatang matindi ang pinagdadaanan nitong sakit. Nangingitim ang ilalim ng mata nito at bahagyang umimpis ang mukha nito dala marahil nang ilang araw na wala itong matinong kain. Nagsisimula na ring tumubo ang mga bigote at balbas nito sa mukha.

Nakatusok sa isang kamay nito ang dextrose. May kung anong kirot na humaplos sa puso niya pagkatingin niya dito. Hindi na niya napigilang haplusin ang mukha nito na ilang araw rin niyang hindi nakita. 

“Ellaine hija, mabuti naman at dumalaw ka,” wika ng Lola ni Jp mula sa likuran niya. Tinuyo niya ng likod ng kanyang kamay ang namuong luha sa sulok ng kanyang mga mata.

Yinakap niya ito at hindi na niya napigilang mapahikbi sa balikat nito. “Huwag ka nang mag-alala hija, maayos na ang lagay ng apo ko. Isang donor na lang ang kinakailangan at tuluyan na siyang magiging okay.”

Kumalas siya mula sa pagkakayakap dito at saka nagsalita. “Gusto ko po sanang mag-donate ng dugo, lola. Type AB din po ako kagaya ni Paul,” agad niyan sabi dito.

“Talaga? Naku, mabuti kung ganoon! Aba’y hindi na ako mahihirapang maghanap ng taong magsasalin ng dugo para sa apo ko. Maraming salamat, hija.” Bakas sa mukha ni Lola Matilde ang labis na kasiyahan.

Nang araw ding iyon, itinakda ang pagsasalin ng dugo niya kay John Paul. Sumailalim muna siya sa ilang pagsusuri upang matiyak na magiging positibo ang reaksiyon ng katawan ni Paul sa gagawing pagsasalin.

Pinahiga na siya sa kama na halos katabi lang ng kama na hinihigaan ni John Paul. Sinimulang hanapin ng doktor ang ugat sa kamay niya kung saan itutusok ang karayom na nasa tabi nito.

At habang abala ang doktor sa ginagawa nito, nakatingin naman siya sa mukha ng binata na noon ay mahimbing pa ring natutulog. Bahagya lang niyang ininda ang sakit ng karayom na dati-rati ay kinakatakutan niya. Ngayon niya higit na napatunayan na lahat ay gagawin niya para sa kaibigan na labis niyang minahal. At napagtanto niya ring kaya niyang magtampo dito pero hindi niya itong kayang tiisin ng tuluyan.

Matapos ang proseso ng pagsasalin ng dugo ay nagpaalam na rin siyang uuwi dahil kinailangan niya na ring umuwi upang mamahinga. Ngunit bago pa niya tuluyang lisanin ang silid ni Paul ay ginawaran niya muna ito ng munting halik sa noo.

“Pagaling ka. Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan,” wika niya bagama’t alam niyang hindi nito iyon maririnig.

Makalipas ang ilan pang minuto ay tuluyan na siyang lumabas ng silid at pumara ng taxi na maghahatid sa kanya sa kanilang tahanan.

Magaan ang pakiramdam niya bagamat bahagyang may kirot iyong parte ng pinagtusukan ng karayom. Ngunit balewala iyon kumpara sa kasiyahan niyang matulungan ang lalaking matagal na niyang minamahal.

Continue Reading

You'll Also Like

609K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
637K 39.8K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
104K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.