TRIST [COMPLETED]

Por shitloccah

19 1 0

Buong akala ni Ynaria ay doon nagtatapos ang malagim na nangyari sa kanila ng mga katrabaho niya nang magpunt... Más

Part 1: Santa Demon Resort
Part 2: The Return
Part4: Killer Attack
Part 5: Between Love and Friendship

Part 3: The Plan Is Already Beginning

2 0 0
Por shitloccah


BUMUHOS ang malakas na ulan habang binabaybay ni Trist ang daan patungong Laguna kung saan naroon nakatira ang kaibigan nitong si Chris. Bagamat madilim ang paligid at madulas ang kalsada tila walang pakialam si Trist. Ang mahalaga para kay Trist ay makarating ito sa destinasyon.

Sinusubukan ni Trist tawagan si Chris sa kabilang linya ngunit hindi nito sinasagot ang kanyang tawag. Hanggang sa may isang sasakyan ang lumitaw sa kabilang kalsada dahilan para masilaw siya sa ilaw na nagmula sa harapan ng truck, kasabay ng pagsulpot ng isang tao sa kanyang harapan kung kaya't nahagip niya ito.

Gulat hininto ni Trist ang sasakyan na kalauna'y naramdaman na lamang niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang dibdib at habol hininga na sinabayan pa ng pagtagaktak na kanyang pawis dahil sa pagkabigla, lalo na sa taong hindi niya inaasahang sagasaan ito.

"Sana'y patawarin ako sa aking kasalanan!" Humahangos na sambit ni Trist sa kawalan.

Pikit-matang humugot ng hininga si Trist upang palakasin ang loob na harapin ang taong nakasalampak ng dapa sa sahig at duguan. Mabilis lumabas ng sasakyan si Trist at nilapitan ang nakahandusay na tao, bagaman umuulan ay wala itong pakialam kahit mabasa. Nang tuluyang makalapit si Trist ay agad nito tinihaya ang lalaking kanyang nasagasaan ngunit sa pagkakataong iyon, nanlaki ang mga mata ni Trist sa gulat. Tila tumigil ang pag-ikot ng kanyang mundo at kawalan ng pandinig ng ilang minuto nang makilala ang kanyang nasagasaan.

"Hindi! Hindi!" 'Di makapaniwalang sambit ni Trist, umiiling pa. Sinubukan nito yugyugin ang lalaki ngunit tila nagmistula itong lantang gulay. "Hindi pwede!" Maluha-luhang ani Trist.

Luminga-linga si Trist sa paligid kung may ibang tao ang nakakita sa kanya ngunit tila iyong pagdaan lang ng truck ang kanyang napansin. Nang may maisip na paraan si Trist, buong pwersa nito binuhat ang walang-malay na bangkay ng lalaki, saka nito inilagay sa compartment ng kanyang sasakyan. Nagmadali itong sumakay sa sasakyan at pinaharurot patungo sa kung saan.

Pagkarating si Trist sa destinasyon ay agad nito kinuha sa compartment ng sasakyan ang lalaki. Dinala niya ang bangkay sa kagubatan malapit sa bahay ng kanyang kaibigan si Chris. Biglang tumigil ang ulan dahilan para kusang pumatak ang kanyang mga luha habang nakatitig sa walang buhay na lalaki sa damuhan.

NAPADILAT ng mga mata si Trist kasabay ng pagbangon nito dahil sa panaginip. Humahangos, lumuluha at deretso ang tingin sa paanan. Natigilan si Trist nang maramdaman ang likido sa kanyang pisngi, agad niya itong kinapa at nagtatakang tinignan ang mga kamay na basa ngunit isang bagay ang nakaagaw sa kanyang pansin dahilan para matigilan siya't mapaisip. May nakakabit sa kanyang suwero sa kanan ng kanyang kamay. Ngunit kalaunan ay naalala niyang naaksidente siya.

Bumuntong hininga si Trist at yumuko na animo'y may dinadalang problema. Pero iisa lang ang pumapasok sa kanyang isipan, ang tungkol sa kanyang napaginipan na tila limot na niya ang pangyayaring iyon. Pero ang totoo, tandang-tanda pa iyon ni Trist.

Napalingon si Trist sa pintuan nang bumukas ito at iniluwal niyon ang nag-aalalang mukha ni Clement.

"Anong sabi ng doctor?" Bungad na tanong ni Clement kay Trist na makalapit ito.

Pikit-matang umiling si Trist. "Simula nang magising ako, walang doctor ang bumisita sa'kin. Pero sa palagay ko ayos lang naman ang kalagayan ko." Tugon ni Trist.

"Pero may benda ka sa ulo mo, Trist." Bwelta ni Clement.

"Malayo naman siguro sa bituka 'to." Duro ni Trist sa ulo na may benda.

"Baka magkaroon ka ng amnesia o 'di naman kaya maapektuhan ang utak mo?" Hirit pa ni Clement.

"Tumigil ka nga," inis na kunwaring suway ni Trist kay Clement. "Buhay pa ko at may mga dapat pa tayong gawin." Paalala ni Trist.

Buntong hiningang napaupo si Clement sa upuan na katabi lang ng hospital bed ni Trist. "Sa ngayon, kailangan mo munang magpahinga."

"Mukhang mapapaaga ang paghawak mo sa Seven Restaurant ah!" Biro ani Trist. Ang tinutukoy nito ang sariling restaurant.

"Hindi magandang biro 'yan, Trist." Seryosong sambit ni Clement.

"Alam ko, at sa susunod na buwan pa mangyayari 'yon kaya kailangan mong ihanda ang sarili mo." Habilin ni Trist.

Problamadong napayuko si Clement sa sinabi ni Trist kapagkuwan ay humugot ng hininga't hinarap ang kaibigan. "Sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Pagkukumpirmang tanong ni Clement.

"Parang hindi mo 'ko kilala. May isa akong salita." Walang atubiling sagot ni Trist.

Nabalot ng katahimikan ang apat na sulok ng kwarto. Nang basagin iyon ng isang doctor na kapapasok lamang ng kwarto ni Trist.

"George?" Takang sambit ni Clement.

Ningitian ni George sina Trist at Clement saka ito naglakad palapit sa kinaroonan ni Trist. "Long time no see."

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Trist.

"Doctor mo 'ko at pasyente kita." Simpleng sagot ni George kay Trist.

"Ibig sabihin, dito ka lang pala sa Maynila nagtatrabaho? George, akala namin nasa Cavite--" Apila ni Clement.

"Biglaan ang pagschedule nila sa'kin," tugon ni George. Saka nito binalingan si Trist. "Don't worry, sa makawala pwede ka na lumabas. Pasalamat ka maliit lang ang natamong galos sa ulo mo at walang naging epekto." Dugtong na paliwanag nito.

"Mabuti naman, salamat George." Hingang maluwag na sambit ni Clement.

"Maiwan ko muna kayo rito." Paalam ni George. Dahilan para parehas tumango sina Trist at Clement bilang sagot.

Ningitian ni George ang dalawang kaibigan saka ito naglakad patungong pinto ngunit hindi pa man nito napipihit ang seradula nang matigilan ito.

"Mag-iingat ka." Salitang binitiwan ni Trist. Tila ang tinig nito ay may ipinapahiwatig dahilan para matuod sa kinatatayuan si George.

"Trist!" Tila naninitang sambit ni Clement.

"Clement, its my turn. And my decision is not never has changed." Nagpapaintinding usal ni Trist.

Samantala, hugot hiningang pumihit paharap si George kina Clement at Trist ngunit nananatili lang ito sa kinaroonan.

"Magsasakripisyo ka dahil lang sa mga nababalitaan mo?" Seryosong tukoy ni George kina Chris, Samuel at Simon na ngayon ay patay na. "Wala sa plano ang mamamatay isa satin. Pero anong nangyari? May isang nawala at sumunod ang dalawang magkapatid. Tapos..." huminto sa pagsasalita si George nang maramdamang nanunubig ang sulok ng mga mata nito. "Alam niyo parang gusto kong hindi ituloy ang laro. Pero sa tuwing iniisip ko ang bagay na iyon. Parang tinaraydor ko kayo! Syempre, nasa rules iyon. Pero matalik ko kayong kaibigan. Trist, ikaw ang inaasahan namin." Pagtatapos na lintanya ni George.

Parehong nagkatinginan sa isa't isa sina Trist at Clement, kapagkuwan ay marahang tumango si Clement. Tila nabasa ni Trist ang gustong ipahiwatig ni Clement kung kaya't binalingan nito si George.

"Makaasa ka, at sisiguraduhin kong hindi iyon mangyayari." Makahulugang pahayag ni Trist. Halatang pinapakalma nito si George.

"Dapat lang, ikaw ang leader ng grupo," turan ni George. "Babalik na ko sa trabaho." Huling sambit nito bago lumabas ng silid at iwan sina Trist at Clement.

PUMASOK si Ynaria sa restaurant na pinagtatrabuhan nito. Bumungad sa kanyang harapan sina Helen at Dylan na tila mga nag-aalala. Kunot-noong tinignan ni Ynaria ang dalawang magkasintahan.

"Nabalitaan mo na ba yung tungkol sa nangyari kay Boss Trist?" Ani Helen. Tanging iling lang ang tinugon ni Ynaria.

"Hindi mo ba alam nasa hospital siya ngayon dahil naaksidente siya kagabi." Saad ni Dylan.

"Ano?" Bulalas ni Ynaria dahilan para makaramdam ito ng pag-aalala. "Kanino niyo nalaman?" Interesadong tanong nito.

"Kagagaling lang dito ni Manager Clement at sinabi niyang ikaw muna ang bahala dito sa Seven Restaurant." Hayag na sagot ni Dylan.

"A-Ako?" Takang sambit ni Ynaria. Parehong tumango sina Helen at Dylan. "Bakit ako? Nasaan yung iba natin kasama. Alam ba na nila ang nangyari kay Trist?" Hirit pang tanong ni Ynaria. Ang tukoy nito ay sina Wendy, Ryan at Paul.

"Oo, Ynaria at naroon sila sa kanilang mga gawain." Sagot ni Helen.

"So, ako lang pala ang nahuli sa balita. Tutal lagi naman akong late kapag 'di ko kasama si Manager Clement, tama?" Sarkastikong sambit ni Ynaria. Saka ngumiti ng peke.

Buntong hiningang lumapit si Helen kay Ynaria kasabay ng paghagod nito sa likod.

"Nagkataon lang naman siguro, Ynaria. Hindi mo kasalanan na maging late o maagang pumasok. 'Di ba nga sabi mo noon, at least nagtatrabaho ka't maayos kang pinapasahod ni Boss Trist." Pagbibigay payo ni Helen kay Ynaria. Tila pinapagaan ang loob ni Ynaria.

"Oo nga, Ynaria. Ang mahalaga hindi ka nawalan ng trabaho." Komento ni Dylan.

"Gagawin ko na ang trabaho ko," hugot hiningang sambit ni Ynaria. "Maalala ko nga pala, sasamahan niyo ba 'kong dalawin si Trist sa ospital?"

"Symempre, naman!" Sabay na sabi ng dalawang magkasintahan na sina Helen at Dylan.

"Sige na, bumalik na kayo sa inyong mga gawain." Utos ni Ynaria sa dalawang magkasintahan na agad naman sumunod ang mga ito.

Buntong hiningang ibinaling ni Ynaria ang tingin sa ibang direskyon. Tila problemado kapagkuwan ay nagtungo ito sa locker room ng pambabae para magpalit ng uniforme.

Nang magdaan ang lunch break nagpaalam si Ynaria sa mga katrabaho nito na may pupuntahan lang. Hindi naman nahirapan si Ynaria na pigilan siya ng mga ito, sa katunayan nga tanging pagtango lang ang itinugon ng mga ito.

Agad sumakay ng Taxi si Ynaria nang pumara ito. Kanina pa siya hindi mapakali nang malaman niya ang tungkol kay Trist. Tila may nag-uudyok sa kanya na puntahan niya ito. May parte sa pagkatao ni Ynaria na kagagawan ito ng mga kaluluwang hindi matahimik kung kaya't naaksidente si Trist.

Pagkarating ni Ynaria sa nasabing ospital dali-dali siyang lumabas ng Taxi nang pagkabigay niya ng bayad. Lakad takbong tinungo ni Ynaria ang Nurse Station para magtanong kung saan ang room ni Trist. Ngunit sa pagkakataong iyon ay natigilan si Ynaria nang may tumawag sa kanyang pangalan.

"Ynaria!" Ani ng isang pamilyar na boses. Dahilan para lingunin ito ni Ynaria.

"Clement?" Bigkas na sambit ni Ynaria.

Tumakbo si Ynaria sa kinaroonan ni Clement na ikinangiti lang ng binata. May bitbit na mga pagkain si Clement na binili pa nito sa labas.

"Ang aga mong napadalaw. Hindi ba't ikaw muna ang in-charge sa Seven Restaurant? Dapat mamaya ka pa kasama sila." Tukoy ni Clement sa mga ibang empliyado.

"Siguro hindi lang ako makapaghintay," kibit-balikat na tugon ni Ynaria. "At isa pa, nag-aalala ako para kay Trist." Dugtong pa nito.

Natawa si Clement sa dahilan ni Ynaria. "Ang totoo niyan hindi mo na kailangan gawin 'yan. Nasa maayos siyang kalagayan at kailangan niya ngayon ay magpahinga."

"Kung ganoon, mabuti." Bahagyang tumango-tangong sagot ni Ynaria.

"Sandali, kumain ka na ba ng lunch?" Paglilihis ni Clement sa usapan.

Buntong hiningang ningitian ni Ynaria si Clement. "Ang totoo niyan balak kong dalawin muna si Trist bago ko magtanghalian."

"Siguro nagkataon lang na marami akong biniling pagkain," bahagyang inangat ni Clement ang mga bitbit nitong plastic na naglalaman ng mga pagkain. "Maaari mo ba kaming pagsaluhan?" Dugtong pang tanong ni Clement.

"Oo naman." Nakangiting ani Ynaria dahilan para ngumiti rin pabalik si Clement.

"Let's go!" Aya ni Clement. Saka sila nagtungo sa room ni Trist.

Pagpasok nina Clement at Ynaria sa room ni Trist naabutan nilang naroon ang doctor na si George. Walang ideya si Ynaria na kaibigan ito nina Trist at Clement. Samantala, gulat tinignan ni Trist si Ynaria saka nito binalingan si Clement sa mga mata na tila nagtatanong. Habang tanging pagngiti lang ang itinugon ni Clement kay Trist dahilan para madismaya ito.

Nag-aalalang nilapitan ni Ynaria ang kinaroonan ni Trist kasama ang doctor nito. "Kayo ba ang doctor niya?" Tukoy ni Ynaria kay George.

"I'm George," pagpapakilala nito sa sarili. "Oo, ako nga ang doctor niya." Pormal na sagot ni George.

"Kumusta ang kalagayan niya?" Tanong pa ni Ynaria.

Humugot ng hininga si George kapagkuwan ay ningitian ang dalaga. "Masasabi kong pwede na siyang lumabas bukas." Tugon nito.

"Doc, paano naman yung nasa bendang ulo niya? Walang bang naging epekto?" Hirit pang tanong ni Ynaria.

Muling ningitian ni George si Ynaria saka nito binalingan si Trist na seryoso lang nakatingin kay Clement. "Walang naging problema."

"Mabuti naman, maraming salamat!" Nakangiting tugon ni Ynaria kay George.

"May mga binili akong panglunch para satin. Ang mabuti pa kumain na lang muna tayo bago pa lumamig ang mga ito." Agaw atensyon ni Clement, dahilan para 'di nito mabigong makuha ang atensyon ni Ynaria.

"Salamat, Clement. Sakto kumakalam na sikmura ko." Masiglang ani Ynaria saka ito lumapit kay Clement.


SAMANTALA, sinamantala ni George ang pagkakataon na binulungan si Trist. "Maganda siya, at nakuha niya yung atensyon ko. Pero sa palagay ko, sa'yo siya interesante." Mapanuksong smabit ni George.

"Imposible!" Bulong na pabalik sagot ni Trist dahilan para mahinang natawa si George.

"Tignan mo, nag-aalala siya sa'yo. Pero parang magkakaroon ka 'ata ng karibal." Pang-aasar ni George.

"Ganyan ba ang trabaho ng Doctor sa mga pasyente?" Tila nagsusungit na turan ni Trist kay George. "Bumalik ka na sa gawain mo!" Utos nito.

"Okay, sige," pagsukong usal ni George. "Goodluck sa'yo!" Nakangiting asar nito bago lumabas ng room.

Napabuga na lamang ng hininga si Trist nang lumabas si George. Saka nito binalingan sina Clement at Ynaria na parehong abalang kumakain. Napakahawak siya sa kanyang tiyan nang kumalam ito.

"Hoy, kayong dalawa, mukhang may kinalimutan kayong pakainin. Ako ang Boss niyo dapat maayos niyong ginagampanan ang mga trabaho niyo!" Kunwaring galit-galitan ni Trist.

Parehong nagulat sina Clement at Ynaria sa biglaang pagsigaw ni Trist. Tila yata nakalimutan ng dalawa na may kasama pa pala silang isa.

"Sorry po, Boss Trist!" Paghingi ng paumanhin ni Ynaria. Tatayo na sana ito para bigyan ng pagkain si Trist ngunit nagprisinta si Clement na ito na lang ang magbibigay.

"Ano bang pinag-uusapan niyo ni Doc. George, parang ang saya-saya niyo pa." Inosenteng sambit ni Clement na may halong pang-aasar.

Inirapan muna ni Trist si Clement bago kuhanin ang pagkaing nakalagay sa Tupper ware na inabot sa kanya ni Clement.

"Parang ang bilis niyong maging close sa isa't isa." Singit na komento ni Ynaria.

Buntong hiningang tumatango-tango si Trist tila nangunguminsi sa dalawang nitong kasama. "Mukhang ako yata ang nakakaistorbo sa moment niyong dalawa. Kumain na nga lang riyan!" Inis na kunwaring usal ni Trist. "At ikaw, Ynaria. Bumalik ka na sa Seven Restaurant para hindi ka paghinalaan ng mga iyon. Tandaan niyo ayoko ng gulo!" Nagpapaintinding dugtong nito.

"Yes, pero hindi ko kasalanan yung nangyari last night." Bwelta ni Ynaria.

"Pwede ba ayokong pag-usapan 'yan!" Arubidong ani Trist.

"Trist, nagsasabi naman talaga ako ng totoo!" Apila ni Ynaria.

"Sandali, tungkol na naman ba ito sa mga multong nandoon sa Resort?" Singit ni Clement.

"Nagparamdam ulit sila," seryosong turan ni Ynaria. "Sinundan nila tayo!" Hirit pa nito.

"Baliw ka na!" Kalmadong sambit ni Trist kay Ynaria. Dahilan para matigilan ang dalaga.

"Trist!" Suway ni Clement sa kaibigan.

Humugot ng hininga si Ynaria saka ito tumayo sa kinauupuan at hinarap ng seryoso si Trist nang magtungo ito sa bandang paanan ni Trist. "Alam mong nagsasabi ako ng totoo pero bakit kailangan mo pang pagtakpan. Trist, may tinatago ka ba samin?" Sarkastikong inis na sabi ni Ynaria.

Hindi nakasagot si Trist sa huling isinambit ni Ynaria. Nananatili lang itong seryoso at kalmado.

"Ynaria, akala ko ba--" hindi natapos ang sasabihin ni Clement nang biglang magpatay sindi ang ilaw sa loob ng room ni Trist.

Nagtatakang tumingala silang tatlo sa mga ilaw na tila walang humpay na pagblink ng mga ito. Napayuko na lamang si Ynaria nang maramdaman ang kakaibang lamig sa kanyang likuran. Habang si Clement naman ay nagtungo ito sa pinto at lumabas. Samantalang si Trist halos pigil hiningang nakatingin sa likudan ni Ynaria. Nakikita ng kanyang dalawang mata ang mga tinutukoy ng dalaga.

Ilang saglit pa, biglang bumalik sa dati ang ilaw. Lumiwanag na ulit.

"I saw them." Mahinang bigkas ni Trist.

"Napakasinungaling mo!" Mariing sumbat ni Ynaria. Saka ito inis na lumabas ng room ni Trist, kasabay ng pagpasok ni Clement.

"Anong nangyari kay Ynaria?" Inosenteng tanong ni Clement.

"Wala," buntong hiningang tugon ni Trist. "Ang mabuti pa kumain na lang tayo."

Wala na ng nagawa si Clement kundi ay bumalik sa naudlot nitong pagsubo ng pagkain. Kapagkuwan ay hindi ito mapakali na tila kuryos ito sa biglaang pag-alis ni Ynaria.

"Nakakapagtaka, akala ko sira ang mga ilaw pero bakit bumalik sa dati?" Komento ni Clement.

"Hindi nagsisinungaling si Ynaria. Totoong binalikan nila tayo." Seryosong sambit ni Trist.

"Bakit kailangan mo pang tawagin siyang baliw?! Kung alam mong totoo ang sinabi niya, Trist!" Nagpapaintinding sumbat ni Clement.

"Dahil ayoko na naman mayroong madamay rito!" Bweltang sigaw ni Trist.

"Paano mo maipapaliwanag sa'kin na may binabalak ka?" Hirit ni Clement. Nanlalaking mga matang nakaduro pa ito sa pinto kaharap si Trist.

"Wala akong magagawa, Clement," umiiling na sambit ni Trist. "Kung 'di patapusin ang larong ito. Pagkatapos ko sino naman ang susunod; ikaw, si Fackly or si George? Ako ang pasimuno ng larong 'to kaya dapat matapos na 'to sa madaling panahon." Malumanay at mapang-unawang dugtong ni Trist.

Saglit natahimik si Clement sa sinabi ni Trist kapagkuwan nagsalita ito. "Hindi ka ba natatakot na baka ikaw ang sumunod sa tatlo?" Tila nag-aalalangan na sabi ni Clement. Ang tinutukoy nito ay sina Chris, Simon at Samuel.

Bahagyang natawa si Trist sa tanong ni Clement. "Why would I? At kung may rason para mamatay, iyon ang aking pinasasalamatan." Walang halong pagsisising sambit ni Trist.

Tanging pagyuko lang ang itinugon ni Clement sa makahulugang mga salitang binitawan ni Trist.

MATAPOS ang trabaho nina Ynaria, Helen, Dylan, Wendy, Ryan at Paul. Sabay silang lahat nagtungo sa kanilang locker room kung saan magkahiwalay ang boys at girls. Nang matapos ay sabay naman silang lumabas, mga tila walang imik silang lahat lalo na si Ynaria.

Lalabas na sana silang lahat sa Seven Restaurant nang basagin ito ni Paul. "Alam niyo para kayong namatayan sa mga itsura ninyo. Hindi patay si Boss para magluksa kayo riyan!" Birong sambit nito.

"Bakit ikaw, hindi ba?" Masungit na barado ni Wendy. Nakahalukipkip pa ito.

"Hay naku, heto na naman tayo!" Parinig na sabi ni Helen. Bahagya pa ito umiling-iling.

"Imbis na magtalo-talo na naman tayo. Dalawin na lang natin si Boss sa ospital, okay?" Suhestiyon ni Dylan.

"Oo nga, parang nagsasayang lang tayo ng oras sa pakikipag-usap." Sang-ayon ni Ryan kay Dylan.

"Mas mabuting huwag na lang magsalita!" Sarkastikong turan ni Wendy. "Ryan, hindi tayo nagmamadali. Naroon pa rin siya sa ospital, hindi umaalis!" Kibit-balikat na dugtong nito.

"Wendy!" Nanunuway na sambit ni Helen.

"Mauna na kayong lahat." Biglang singit ni Ynaria na ikinatigil nina Helen, Wendy, Ryan, Dylan at Paul.

"Akala ko ba sasama ka?" Tanong ni Ryan kay Ynaria.

"Hindi ba sabi mo kanina gusto mong magpasama samin?" Smabit ni Dylan.

"Medyo hindi lang maganda pakiramdam ko." Pagdadahilan ni Ynaria.

"Parang kanina ko pa napapansin wala ka 'atang sa mood nang bumalik ka rito. Saan ka ba nagpunta?" Pagdududa ni Helen.

"Maliit na problema lang naman sa pagitan namin ng kapatid ko." Pagsisinungaling ni Ynaria.

"Sigurado ka?" Nag-aalalang wika ni Helen.

"Ynaria, magkakabati rin kayo ulit ng kapatid mo." Pagpapagaan loob ni Paul kay Ynaria.

"Sige na, puntahan niyo na si Trist." Sambit ni Ynaria saka ito pumeke ng ngiti.

"Ingat ka pag-uwi, Ynaria!" Ani  Wendy. "Saka sorry nga pala last night, alam kong guni-guni mo lang iyon, 'di ba?"

Marahan tumango si Ynaria bilang tugon nito sa sinabi ni Wendy. "Sorry din."

"Alis na kami, ikaw na bahalang magsara ng restaurant!" Paalam ni Ryan kay Ynaria saka ito nagpaunang lumabas ng restaurant na sinundan naman nina Wendy, Helen, Paul at Dylan.

Nagpakawala ng hininga si Ynaria nang matanaw niyang nakalayo na ang mga workmate niya. Saka siya nagtungo sa comfort room para sana umihi nang biglang makarinig siya ng kaluskos mula sa hall way patungo sa office ni Trist. Kung kaya't natigilan siya't kunot-noong binalingan ang labas ng opisina ni Trist.

Maglalakad na sana si Ynaria papunta sa office ni Trist nang maramdaman niyang may humawak sa kanyang balikat. Mabilis siyang pumuhit paharap sa taonng nanggulat sa kanya.

"Kanina pa kita hinihintay." Ani ng pamilyar na boses.

"Clement? A-Akala ko ba--" hindi naituloy ang sasabihin ni Ynaria nang yakapin siya ni Clement dahilan ng muling pagkagulat niya.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila? May nasabi ba si Trist na ikinagalit mo?" Malumanay na tanong ni Clement habang nakayakap kay Ynaria.

Mariing pumikit si Ynaria sa kabila nang baliktanaw niya sa nangyari sa kanila ni Trist. Kapagkuwan, kumalas ang dalaga mula sa pagkakayakap ni Clement sa kanya.

"Wala," hugot hiningang sagot ni Ynaria kasabay ng bahagyang pag-iling at ngumiti. "Alam mo pagod lang siguro ako at kailangan ko lang talaga ng pahinga." Pagdadahilan nito.

"Sigurado ka?" Naniniguradong sambit ni Clement. "Bukas susunduin kita, ihatid natin si Trist sa bahay niya, ayos lang ba sa'yo?"

"No problem," sagot ni Ynaria. "By the way, may kailangan ka ba kaya bumalik ka rito sa Seven Restaurant?"

"Ikaw, ang kailangan ko Ynaria. Gusto ko sanang kahit paano may tayo sa isa't isa." Turan ni Clement.

"Sandali, Clement. Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noong sambit Ynaria.

"Isn't obvious? I like you, Ynaria." Pag-amin ni Clement. Dahilan para manlaki ang mga mata ni Ynaria.

"Pero--"

Magsasalita pa sana si Ynaria nang putulin ito ni Clement. Mariing siniil ni Clement ang mga labi ng dalaga kapagkuwan ay pumalag ito ngunit kalaunan ay bumigay din. Mga ilang minuto nagtagal ang kanilang halik bago nila ipinaghiwalay sa isa't isa ang kanilang mga labi.

Nagtama ang kanilang mga mata na para bang nag-uusap, mga ilan saglit pa'y ningitian nila ang isa't isa nang parehong ipinagdikit ang kanilang mga noo't muling nagyakapan.

"Masaya akong nagugustuhan mo rin ako." Masayang sambit ni Clement nang kumalas sa pagkakayakap.

"Well, hindi ko itinatanggi." Nakangiti tugon ni Ynaria.

"So, couple na ba tayo?" Pakukumpirma ni Clement.

"Kailangan pa ba magpaligaw? Subukan natin kilalanin ang isa't isa na walang ligawan nangyari." Naghahamong sagot ni Ynaria.

"Deal!" Thumbs up na sambit ni Clement. "Let's go. Ihatid na kita pauwi." Dugtong pa nito.

Walang salitang tumango si Ynaria kapagkuwan pinagsiklop nito ang parehong palad nila ng binata saka sila lumabas ng restaurant.

KINABUKASAN, maagang nagtungo sina Clement at Ynaria sa ospital para sunduin si Trist dahil ma-didischarge na ito. Hawak kamay naglalakad sa pasilyo ng ospital sina Ynaria at Clement kapagkuwan ay biglang bumitaw ang dalaga nang huminto sila sa tapat ng room ni Trist dahilan para magtaka ang binata.

"H'wag muna natin sabihin sa kanila." Nakayukong sambit ni Ynaria.

"Okay, pumapayag akong itago natin ito." Sang-ayon ni Clement dahilan para iangat ni Ynaria ang ulo nito at ngumiti.

"Thank you!" Giit ni Ynaria.

"I love you too.." Mahinang tugon ni Clement dahilan para matawa si Ynaria.

Pigil tawang umiling ng marahan si Clement saka nito binuksan ang pinto ngunit natigilan nang makitang wala sa kinahihigaan nito si Trist. Maging si Ynaria ay napahinto rin nang makuryos ito kung bakit natigilan ang nobyo.

"Titignan ko si Trist baka nasa comfort room lang siya, at ikaw, magtanong ka kung lumabas na ba siya." Utos ni Clement kay Ynaria. Ang tinutukoy ni Clement sa huling sinambit ay si Trist.

"Sige," mabilis na sagot ni Ynaria. Saka nagmamadaling maglakad patungong nurse station. "Ah.. P-Pwedeng matanong?" Pagkuha ni Ynaria sa dalawang babaeng nurse, hindi siya nabigo kung kaya't agad siyang nagtanong. "May nagdischarge ba rito na ang pangalan niya ay Trist Waltz?"

Sa pagkakataong iyon nakaramdam ng kaba si Ynaria nang parehong nagkatinginan sa isa't isa ang dalawang babaeng nurse. Tila may itinatago ang dalawa.

Sa kabilang banda, matapos makumpirma ni Clement na walang Trist sa comfort room agad siyang lumabas ng kwarto para puntahan si George. Nang mahanap ni Clement ang office ni George ay walang-katok na binuksan niya ang pinto. Bumangad sa kanya ang gulat na ekspresyon ng kaibigan.

"Nawawala si Trist!" Nag-aalalang pahayag ni Clement.

"Ano?" Kunot-noong komento ni George, sabay tayo nito sa kinuupuan pero nananatili sa kinatatayuan. "Teka, hindi ba niya sinabi sa'yo?"

Biglang nawala ang pag-aalala ni Clement dahil sa isinambit ni George. "Anong alam mo?" Nagtatakang tanong ni Clement.

"Nagdischarge siya kaninang madaling araw, Clement." Pormal na sagot ni George.

"Bakit hindi mo sa'kin sinabi agad?" Mabilis na sambit ni Clement.

"Sasabihin ko na dapat sa'yo kaya lang nagkaroon ng emergency kaya hindi kita natawagan." Paliwanag ni George.

"Bwisit, bakit hindi ko alam!" Naiinis na turan ni Clement sa kawalan.

Nilapitan ni George si Clement. "May naging problema ba bakit 'di ka niya sinabihan?" Nakukuryos na tanong ni George.

"Hindi ko alam," umiiling na sambit ni Clement. Kapagkuwan hinarap nito si George. "Pero baka alam ko nandoon siya sa bahay niya. Salamat, George." Kalmadong dugtong nito.

Tanging pagtango lang ang itinugon ni George bago napagpasyahan ni Clement na lumabas ng office ni George. Muling binalikan ni Clement ang kwarto ni Trist, kung saan hinihintay siya ng kanyang nobya.

"Alam mo na ba kung nasaan si Trist?" Nag-aalalang bungad ni Ynaria kay Clement. "Sinabi sa'kin ng nurse maaga siyang lumabas."

"Alam ko," tumatangong sambit ni Clement. "Sinabi rin sa'kin ni George."

"Alam ng doctor niya? Bakit 'di niya agad satin sinabi!" Apila ni Ynaria.

"Sinubukan niya kaya lang nagkaroon ng emergency!" Mapang-unawnag turan ni Clement. "Sa ngayon tignan natin kung nandoon siya sa bahay niya."

"Mas mabuti pa nga." Buntong hiningang tugon ni Ynaria.

Hawak-kamay lumabas ng ospital sina Ynaria at Clement, saka sila diretsong sumakay ng sasakyan at tinungo ang daan sa bahay ni Trist.

Nang makarating sa destinasyon ay nagmamadali silang bumaba ng kotse patungo sa tapat ng pintuan ng bahay ni Trist. Lakas loob na kinatok ni Clement ang pinto habang si Ynaria naman ay tila hindi mapakali.

"Trist, nariyan ka ba?!" Sigaw ni Ynaria. May pahid ng pag-aalalang sambit.

Bumukas ang pinto at bumungad sa kanilang harapan si Trist na may hawak ng basong naglalaman ng wine.

"Anong aking maipaglilingkod?" Nakangiting wika ni Trist. "Tuloy kayo sa aking pamamahay." Dugtong pa nito.

Parehong nagkatinginan sa isa't isa sina Ynaria at Clement kapagkuwan napagpasyahan nilang pumasok sa bahay ni Trist.

"Bakit hindi mo ako agad sinabihan na lumabas ka na pala ng ospital?" Tanong ni Ynaria nang makaupo ito sa pahabang sofa habang si Clement naman ay dumiretso ito sa kusina. Samantalang si Trist ay nakatayo lang ito.

"Surprise!" Kunwaring masiglang sambit ni Trist saka ito lumagok ng wine.

Ismid na inirapan ni Ynaria ang ikinikilos ni Trist. "Hindi nakakatuwa ang surprise mo!" Giit ni Ynaria, dahilan para sumeryoso si Trist.

"Ano bang dapat kong gawin ang magmukmok sa isang sulok?" Sarkastikong sambit ni Trist.

"Ano bang problema?" Singit ni Clement mula sa kusina may hawak itong dalawang baso at pitchel na naglalaman ng malamig na tubig.

Pinanuod pa nina Trist at Ynaria si Clement na ilapag ang mga hawak nito sa ibabaw ng lamesita katabi ng bote ng wine.

"Ang problema ko.. siguro matapos ang laro!" Naniningkit na mga matang tugon ni Trist.

"Laro? Anong klase?" Kunot-noong tanong ni Ynaria na may halong pagtataka.

"Trist, ang mabuti pa magpahinga ka na lang," suhestiyon ni Clement. Inalalayan pa nito si Trist na animo'y matutumba na kalasingan. "Tigilan mo na 'yang kakainom, okay? Baka makasama pa iyan sa kalusugan mo."

"Sandali, nagpaparty pa nga tayo 'di ba? Pinapatulog mo na agad ako?" Natatawang giit ni Trist kay Clement. "Alam mo, darating din ang panahon na mararanasan mo rin ang nasa situation ko kung bakit ko ginagawa ang bagay na ito. At sana balang araw mapatawad mo 'ko at maintindihan dahil hindi kaya ng konsensya ko na itago ito!" Duro ni Trist sa dibdib nito. Tila may ikinikimkim na sekreto.

"Tama na, hindi mo alam ang mga pinagsasabi mo!" Suway ni Clement sa lasing na kaibigan.

Pilit na dinadala ni Clement si Trist sa kwarto nito ngunit sadyang pumipiglas si Trist at gusto pa 'ata nito uminom ng wine. Pati si Ynaria ay tinulungan na rin si Clement na dalhin si Trist sa kwarto ngunit masyadong malakas si Trist.

"Sandali nga!" Bulyaw ni Trist dahilan para parehong magulat sina Ynaria at Clement kasabay ng pagbitaw ng mga ito.

"Trist.." Sambit ni Ynaria.

"Clement, hindi mo ba alam kung gaano ako masyadong nagluluksa sa pagkawala ng ating mga kaibigan. Isa-isa silang namamatay!" Mariing paalala ni Trist, sinabayan pa nito ng paghalakhak ngunit kalaunan ay sumeryoso ito habang nakabaling kay Clement. Samantalang si Clement ay umaastang 'di mapakali sa kung ano pang sasabihin ng kaibigan. "Sa palagay mo deserve ko rin bang mamatay katulad nila na may ginawang kasalanan?"

"Tigilan mo na ang kasasabi mo ng walang kwentang bagay!" Nanunuway na sambit ni Clement.

"Isipin mo, sa paanong paraan nga ba ako mamamatay?" Dugtong ni Trist.

Lihim naiyukom ni Clement ang kamao nito dahil sa patuloy pa nitong pagbanggit ng kamatayan.

"Nababaliw ka na sa d'yan sa mga pinag-iisip mo! Magpahinga ka na!" Timping utos ni Clement kay Trist.

"Clement, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Trist!" Komento ni Ynaria.

"Talagang hindi mo maiintindihan," baling ni Trist kay Ynaria. "Alam mo mas bagay ka dalhin sa hukay, kasama--"

Naputol ang sasabihin ni Trist nang bigla itong suntukin ni Clement sa mukha dahilan ng pagbagsak nito kasabay ng mawalan ng malay nito.

"Sinabi nang tumigil ka na!" Humahangos na giit ni Clement.

Naging alerto si Ynaria sa ginawa ni Clement kung kaya't nag-aalalang nilapitan niya ito para pakalmahin nang aambahin na susuntukin ulit si Trist na ngayon ay plakda.

"Tama na, Clement! Hindi na kaya ni Trist bumangon!" Bulyaw ni Ynaria.

Natigilan naman si Clement at hugot hiningang inibaling ang tingin sa ibang direksyon, kasabay ng pagmeywang nito.

"Dalhin na natin siya sa kwarto niya." Prisinta ni Ynaria.

"Ako na," pigil ni Clement kay Ynaria nang akmang hahawakan nito sa paa si Trist. "Dito ka na lang muna."

Wala ng nagawa si Ynaria kundi ay panuorin si Clement na hilahin si Trist papunta sa kwarto nito.

Muling umupo si Ynaria sa pahabang sofa na animo'y problemado kapagkuwan ay natigilan din nang may isang bagay ang nakaagaw sa kanyang atensyon. Tumayo siya't nilapitan ang drawer na naglalaman ng mga picture frame. Naniningkit ang mga matang tinitigan niya ang isang picture frame, saka niya ito hinawakan at inalala kung saan niya nakita ang taong nasa picture.

Biglang nabaliktanaw ni Ynaria ang kanyang panaginip na may humihila sa kanyang paa sa tubig. Bahagya siyang napaatras sa gulat at muntik na niya mabitawan ang hawak na picture frame nang sumulpot sa gilid niya si Clement.

"Siya, si Chris," panimula ni Clement. "Sa aming magkakaibigan siya ang pinakamabait. Nang dahil sa pagkamatay niya ay sumunod ang kambal." Pagkukwento nito.

"Nagkataon lang naman siguro." Nag-aalangan na sagot ni Ynaria. Muling ibinalik nito ang picture frame sa dating pwesto kapagkuwan ay pumihit paharap kay Clement.

"Huwag mong paniniwalaan ang sinasabi ni Trist. Ganoon lang siya kapag may problema." Malumanay na paliwanag ni Clement.

"Naiintindihan ko." Maikling tugon ni Ynaria. Saka ito ngumiti.

HATING-GABI ng magising si Trist, nananatiling nakahiga kapagkuwan ay sinapo nito ang ulo nang kumirot ito. Mariin siyang napapikit na tila may kung anong bumubulong sa kanya. Pagkatapos ay marahan siyang umiling-iling, ramdam din niyang pinagpapawisan siya ng malamig kahit malakas ang hangin na pumapasok sa kanyang kwarto mula sa labas dahil sa nakabukas niyang bintana. Wala sa sariling naiyukom niya ang dalawang palad hawak kumot. Maya't maya ay bigla siyang bumangon kasabay pagdilat ng kanyang mga mata. Naghahangos na hinahabol niya ang kanyang hininga. Ilang saglit pa, humalakhak siya na animo'y mala-demonyo.

MULING bumalik si Clement sa bahay ni Trist para tignan ang kalagayan nito ngunit nang mapansin nito na nakabukas ang pintuan ng bahay ay naghinala siya. Kung kaya't dali-daling nagtungo ito sa kwarto ni Trist pero natigilan din nang madatnang wala na naman ang kanyang kaibigan.

"Nasaan na naman siya nagpunta?" Nag-aalalang sambit ni Clement sa kawalan.

Natatarantang lumabas ng bahay si Clement kapagkuwan ay agad itong sumakay sa sasakyan at pinaharurot patungong Seven Restaurant. At nang marating ang destinasyon ay nagmamadaling pumasok si Clement sa loob. Narinig pa nito ang pagbati ng ilan crew ngunit hindi nito iyon pinansin dahil mas nag-aalala ito para sa kaibigan. Dumiretso si Clement sa opisina ni Trist ngunit ni anino ng kaibigan walang presensya.

Malalim na buntong hiningang inilibot ni Clement ang paningin sa kung saan sulok ng opisina ni Trist, bago niya naisipan tawagan ito ngunit tila yata naka-off ang phone nito.

"Nakakainis! Mukhang naloko na!" Problemadong umiiling na sambit ni Clement. Nakapaymewang pa ito.

Napagpasyahan ni Clement na lumabas ng opisina ni Trist kapagkuwan ay lihim niyang tinignan isa-isa ang mga crew. Present sina Helen, Dylan, Ryan, Paul, Ynaria at... napakunot-noo si Clement nang mapansin na may nawawala isa sa mga ito.

"Si Wendy!" Bulalas na banggit ni Clement.

"Manager Clement, ayos ka lang?" Concern na tanong ni Helen nang lapitan nito si Clement.

"Bakit hindi pumasok si Wendy?" Bungad na tanong ni Clement kay Helen.

"Nagkakapagtaka nga e, nagsasabi naman iyon 'pag hindi papasok," umakto pa itong tila nag-iisip. "Manager Clement, tanungin mo na lang si Ryan baka alam niya." Dagdag suhestiyon nito.

"Hindi na," pagtanggi ni Clement. "Salamat!" Pumeke ito ng ngiti dahilan para ngumiti rin pabalik si Helen at bumalik sa gawain nito.

Problemadong napaupo na lang si Clement sa bakanteng table. Kapagkuwan ay tinitigan nito ang phone kung sakaling tumawag sa kanya ni Trist.

NAGISING na lamang si Wendy nang maramdamang may nagbuhos sa kanya ng mainit na tubig dahilan ng kanyang pagpalahaw dulot ng matinding sakit na para bang siya'y sinusunog. Nagsimula sa kanyang ulo hanggang paa ay tiniis ni Wendy ang hapdi't kirot na kanyang natamo ngunit hindi pa roon nagtatapos, nakagapos ang kanyang mga kamay at paa sa kanyang kinahihigaan kung kaya't 'di niya nagawang bumangon. Ang tanging nagawa na lamang niya ay umiyak habang nagpupumiglas na makawala mula sa pagkakatali ng kanyang mga kamay at paa ngunit kahit anong gawin ni Wendy ay wala siyang napapala.

"Tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ni Wendy sabay hagulhol nito.

Sa mga sandaling iyon ay takot na takot si Wendy, wala siyang ideya kung sino ang gumawa sa kanya. Basta ang alam niya gusto niyang makatakas ngunit sa paanong paraan kung nakatali siya't ang kanyang mga balat ay nalapnos dulot ng pagbuhos sa kanya ng mainit na tubig.

"Sino kang mapangahas na pumasok sa pamamahay ko. Sa oras na makawala ako sisiguraduhin kong makukulong ka sa bilangguan!" Lakas loob na banta ni Wendy.

Inilibot pa ni Wendy ang paningin sa kabuuan ng kanyang kwarto  ngunit wala siyang nakikitang bakas ng anino. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya't iniluwal niyon ang isang lalaking nakasuot ng black jacket, natatakpan ng hood ang kabuuan ng mukha nito kung kaya't 'di niya mahulaan kung sino ang taong ito. Napansin niyang may bitbit ang lalaki ng isang maliit na balde, hindi niya alam kung anong laman niyon ngunit masama ang kanyang kutob.

"S-Sino ka?" Matapang na sambit ni Wendy. Ngunit may pahid ng pagkatakot sa boses nito.

Sa halip na sumagot ang lalaki naglakad ito sa tapat ng paanan ni Wendy at inilapag nito ang bitbit na pulang balde.

"Anong gagawin mo!" Nanlalaking matang turan ni Wendy. "Pakawalan mo ako dito!" Paghuhumirentado nito.

"Gusto kong pahirapan muna kita." Seryosong giit ng lalaki.

Natigilan si Wendy nang mabosesan nito ang tinig ng lalaking nasa harapan niya.

"Ikaw?" 'Di makapaniwalang usal ni Wendy. "Bakit? Bakit mo ginagawa ang bagay na 'to!"

"Kasama ito sa laro," simpleng tugon ng lalaki. "Sa ngayon iisa-isahin ko kayong lahat!"

"Hay*p ka! Pinagkatiwalaan kitang lintik ka!" Galit na bulyaw ni Wendy. "Sabi ko na nga ba ikaw ang may kagagawan sa resort!" Hirit pa nito.

Mapaklang natatawa ang lalaki sa sinabi ni Wendy. "Nakasisiguro ka ba?" Sarkastikong ani ng lalaki.

"Hindi pa ba halata? Ikaw ang nag-aya samin para magawa mo ang binabalak na gusto mo!" Apila ni Wendy.

"Sa pagkakaalam ko ngayon pa lang nagsisimula ang laro, Wendy. Wala akong pakialam kung sino ang may kagagawan sa resort, kaya huwag kang magbibintang na walang katiyakan." Seryosong turan ng lalaki. Mabagal pa nitong binigkas ang dalawang huling salita.

"Hindi ako naniniwala," mariing umiiling na sambit ni Wendy. "Imposibleng magagawa iyon ng multo at--"

Naputol ang sasabihin ni Wendy nang sumandok ang lalaki sa baldeng bitbit nito gamit ang baso saka ito gigil na pinainom ng lalaki ang mainit na tubig kay Wendy. Imbis na lunukin ni Wendy ang mainit na tubig ay hinayaang paglandasin nito sa kanyang balat ang natatapon na tubig at tiisin na lamang ang sakit kahit pa naluluha na siya sa ginagawa ng lalaki sa kanya.

"Ang laki mong t*nga! Hindi ba sapat ang naranasan mo sa resort?" Sambit ng lalaki habang patuloy nitong unti-unting ibinubuhos sa bibig ni Wendy ang mainit na tubig.

Tanging pag-iyak at pakiusap ni Wendy ang nagawa nito gamit ang mga mata para tigilan ng lalaki ang pagpapahirap sa kanya. Lalo na't habang tumatagal pasakit ng pasakit ang kanyang dila't labi. Napahalakhak ang lalaki matapos maubos ang bunubuhos nitong mainit na tubig kay Wendy. Napaubo na lamang si Wendy habang iniluluwa niya ang mainit na tubig ngunit nananatiling nakanganga ang bibig nito dahil sa hapding naramdaman niya sa kanyang dila.

"Bakit hindi mo nilunok? Sayang hindi nasunog ang kaluluwa mo!" Maanghang na dismayadong sambit ng lalaki.

Gustuhin man magsalita ni Wendy ay hindi nito kayang magbigkas ng mga letra, dinadaan na lamang nito sa mistulang pag-ungol ngunit hindi iyon maintindihan ng lalaki.

"Alam mo nagsasayang ka lang ng effort. Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo, para kang pipi." Nang-aasar na sabi ng lalaki kasabay ng pagtawa nito.

Masamang tingin ang ipinukol ni Wendy sa lalaking nagpapahirap sa kanya. Galit na galit siya sa lalaki pero sa pagkakataong iyon ay wala siyang magawa dahil sa mga nakagapos niyang kamay at paa. Dinaan na lamang niya ito sa pag-iyak kahit ramdam na ramdam ang matinding kirot sa kanyang buong katawan.

"Huwag kang mag-alala malapit ka na magpahinga," palalang sambit ng lalaki. "Konting araw lang naman ang hihintayin mo." Dugtong na sabi nito. Saka ito lumabas ng kwarto.

HAPON na nang makarating si Trist sa Seven Restaurant na kanyang pagmamay-ari. Huminto pa si Trist sa tapat ng entrance para humugot ng hininga kapagkuwan ay pumasok siya. Bumungad sa kanyang harapan ang mga empliyado niyang mga nag-aalala.

"Welcome back, Boss Trist!" Sabay-sabay na sabi nina Helen, Dylan, Ryan at Paul. Habang sina Clement at Ynaria ay nakangiti lang.

"Thank you!" Nakangiting tugon ni Trist. "Bumalik na kayo sa inyong gawin." Utos pa nito.

"Boss, hindi pala nakapasok si Wendy," panimula ni Helen. Dahilan para maningkit ang mga mata ni Trist. "Kaso 'di siya tumawag kung nagkaroon ba ng emergency sa kanila." Nag-aalangan na sabi nito.

"Kaya pala, sabi ko parang may kulang sa inyo," komento ni Trist. Binalingan nito ng tingin si Ryan. "Hindi ka ba niya sinabihan?"

"W-Wala Boss.." Sagot ni Ryan, bahagya pa itong umiling.

"Hayaan niyo na baka bukas ay papasok na iyon." Giit ni Trist.

"Siguro nga Boss, tinatawagan namin ang number niya pero mukhang busy yata siya." Hirit pa ni Helen.

"Malalaman rin naman natin bukas kung bakit siya busy." Kibitbalikat ni Trist.

"Paano Boss Trist, balik na kami sa gawain." Ani Paul.

Tanging pagtango lang ang tinugon ni Trist dahilan para magsipagbalik sa gawain ang mga ito, maliban kina Ynaria at Clement na siyang ikinabaling ng tingin ni Trist sa dalawa.

"May kailangan ba kayong dalawa?" Takang tanong ni Trist.

"Nanggaling ako sa bahay mo, wala ka. Kanina pa kita tinatawagan hindi mo sinasagot ang tawag ko. Trist, saan ka ba nagpunta?" Deretsahan usal ni Clement.

"Teka, bakit wala kang sinasabi sa'kin tungkol kay Trist?" Singit na tanong ni Ynaria.

"Dahil ayokong mag-alala kayo, tulad ng nangyari sa'kin kanina. Halos mabaliw ako kakahanap sa kanya." Duro ni Clement kay Trist.

"Ang point ko dito bakit mo itinago samin. Paano kung nawawala nga si Boss?!" Apila ni Ynaria.

"Alam kong maaapektuhan ang mga trabaho niyo dito!" Simpleng mapang-unawang tugon ni Clement.

"So, wala na ba kaming karapatan maging concern sa Boss namin?" Nagpapastikuhang turan ni Ynaria.

"Ynaria, mali ang pagkakaintindi mo--"

"Tama na 'yan," putol ni Trist sa sasabihin ni Clement kay Ynaria. Dahilan para parehong matigilan ang dalawa't hinarap si Trist. "Sasagutin ko na ang tanong mo Clement. Una, may mahalaga akong importanteng sinabi kina George at Fackly. At ang huli, hindi ko alam kung saan ko inilagay ang aking phone sa kasamaang-palad nakasilent ito kaya hindi ko alam kung sino ang mga tumatawag sa'kin." kalmadong paliwanag ni Trist.

"Naiintindihan ko na." Tumatangong tugon ni Clement.

Ningitian ni Trist si Clement kapagkuwan ay walang-salitang naglakad ito patungo sa office nito.



_____
~shitloccah

Seguir leyendo

También te gustarán

5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
13.8K 448 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
4K 120 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...