IMMORTAL 1: Von Kaizer Lacsam...

By HESYKHIAX

129 13 2

Sa tagal nang paninirahan ko dito sa mundo ngayon lang ako nakatagpo ng isang lalaking na nuknukan ng kaarteh... More

Prolouge
I
II
III
IV
VI
VII
VIII
IX
X

V

2 1 0
By HESYKHIAX

"Bagay sa kanya to kuya no?"nakapili na kasi ako ng babagay na regalo doon sa amo nya na magiging amo ko na din.

"Ay nako ma'am bagay na bagay kaso hindi po tayo sigurado kung tatanggapin yan ni Master Von kasi ayaw na ayaw po talaga non ng mga ganyang bagay."naikwento nga din pala saakin ni kuya na seryoso talaga yung amo nya na magiging amo ko na din kasi nga daw tutok lang yun sa business.Work work work lang daw talaga yun.

"Malay natin kuya diba...Ako palang ang kauna unahang tao na mag-bibigay sa kanya ng cute na ganitong bagay."

"Sige ma'am push nyo yan."

"Push natin to kuya...Ito po ang bayad."inabot ko sa tindera ang bayad at ibinalot nya na din sa paper bag ang nabili ko at ibinigay ito kasabay ng sukli ko.

Medyo may kamahalan pero okay lang kasi ang laki naman ng oras na nawala dahil sa mga kagagahan ko.

"Tara na ma'am...Baka malagot na po talaga tayo kay Master Von."tumango na ako kay kuya at sumakay na ulit kami sa kotse at nag-patuloy na sa pag-byahe.

-

"Wow!Bahay lang to?"tanong ko kay kuya.

"Yes ma'am bahay lang ang tawag ni Master Von dito."sagot ni kuya.

"Wow ha!?Mansyon na ang tawag dito eh!Masyado naman syang pa humble."ani ko.

"Lowkey lang naman po kasi si Master Von."

"Okay...Sa sobrang pagka lowkey nya ay nahiya na ang bahay ko."

Pinababa nya na ako ng kotse at iniwan nya nalang ako doon sa tapat ng NAPAKALAKING PINTUAN! ng BAHAY na kulat white ng amo nya na magiging amo ko na din.

ps.hindi ako galit.

"Tao po?"ani ko habang kumakatok sa NAPAKALAKING PINTUAN ng BAHAY.

Bumukas ang NAPAKALAKING PINTUAN at isang matandang babae ang nakita ko sa loob.

hindi talaga ako galit.

"Ikaw na ba si Hope Alvarez?"tanong nya saakin.

"Opo."nakangiting sagot ko.

"Tuloy iha."ani nya kaya pumasok na ako sa BAHAY.

"Maupo ka muna dyan,pababa naman na si Young Master."ani nya.

Naupo ako sa isang sofa dito at ipi alobot ang buong paningin ko sa BAHAY na ito.

Hiyang hiya talaga yung bahay ko sa bohol.Hindi ako naniniwalang bahay lang ito para sa kanya.Kasi kung kayo ang nandito sa kinaroroonan ko ay mag-mumuka kayong tanga na naka buka ang bunganga dahil sa sobrang laki ng BAHAY kuno na ito.

"Young master von."nabaling ang atensyon ko sa matandang babae na nag papasok saakin dito kanina.Nakayuko sya ngayon habang may isang lalaking bumababa sa hagdan.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang mga muka nya.

"Ikaw!?"Gulat na gulat na sabi ko.

Gulat talaga ako.Kasi hindi ko inaasahan na makikita ko ulit itong lalaking maarte na ito!Napatayo pa nga ako eh.

Oo sya nga yung lalaking maarte doon sa palengke.

Nang makababa sya sa hagdan ay dumiretso sya sa harapan ko.Ang angas pa ng awra nya dahil ang dalawang kamay nya ay nakapasok pa sa bulsa ng pantalon nya at wow lang;ngayon ko lang syang nakita na maayos tignan yung kagalang galang.

Nung nasa palengke kasi sya ay muka syang baliw na naka leather shoes tapos mamalengke lang??diba mukang tanga.

Lalo pa akong naangasan ng tignan nya ako mula ulo hanggang paa.

Nangunot ang noo nya ng ibinalik nya ang tingin nya sa muka ko."You're the girl on palengke.The one who's mataray to me."

"Grabe ang arte mo talaga!"mataray na sabi ko sa kanya.

Inilabas nya ang dalawa nyang kamay at inilagay nya naman ito sa bewang nya tapos bumuga ng marahas na hangin at mukang nag sisimula na syang mainis.

"You're fired!"biglang sigaw nya saakin.

Napahawak din ako sa bewang ko at napabuga din ng hangin at nag sisimula na akong mainis nanaman sa kanya.

"Lakas ng loob mo ah!Boss ba kita!?Maka you're fired ka dyan!Pilingero!"sigaw ko din sa kanya.

"Miss hope tama na po-"

"Hindi po manang!Nang aano tong lalaking maarte na ito eh!"putol ko sa mga sasabihin pa ni manang.

"What!?"ani nya at pilit pinapalaki ang maliit nyang mga mata.

"Maarte ka!"

"Mataray!"

"The more you hate,the more you love."biglang singit ng isang lalaki na kakapasok lang sa pintuan.

"Oi kuya!"tawag ko sa kanya.Yung lalaki kasing kakapasok lang ay si kuyang sumundo saakin.

"Hello ma'am."ani nya at sumaludo pa saakin kaya nginitian ko sya.

"The payment is already at your account."biglang sabi ni lalaking maarte kay kuya.

"Yeah,i know.besides na withdraw ko na HAHA."

"I will pay you again just bring her back to bohol."sabi ni lalaking maarte habang nakaturo pa saakin.

"Why dude?Kakadating palang namin papauwiin mo na sya agad?"

"She's fired."sagot ni maarte.

"Kuya ang kapal ng muka nito oh!Kanina nya pa sinasabi saaking fired ako eh hindi naman sya ang maggiging boss ko diba!?"reklamo ko kay kuya.

"Sya talaga ang boss mo."sagot nya na nagpatawa saakin.

"HAHAHAHAH!Kuya naman wag mo ako masyadong pinapatawa."natatawang sabi ko.

Natigil ako sa pagtawa ng tignan na nila akong tatlo ng seryoso.

"I-ikaw talaga ang b-boss ko?"hindi makapaniwalang tanong ko kay lalaking maarte.

Tinaasan nya lang ako ng kilay at tinalikudan na ako.

"You're fired."sabi nya at umakyat na ulit sa taas.

Nang makabawi ako sa pagkabigla ay sinundan ko sya paakyat buti nalang at hindi pa sya masyadong nakakalayo.

Pero sa sobrang pag-mamadali kong mahabol sya ay may kahindik hindik na pangyayari ang naganap natapilok ako at tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay at unti unti nang lumabo ang paningin ko.

-

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at inilibot ko ang paningin ko.Hindi pamilyar saakin ang lugar kaya pinilit ko ang sarili ko na bumangon mula sa pag-kakahiga pero wala dahil pabangon palang ako ay umiikot na kaagad ang paningin ko.

"Don't force your self."

Napatingin ako sa gilid ko dahil may biglang nagsalita.

"Ikaw pala yan.Anong bang nangyari?"tanong ko kay kuya na nag-sundo saakin.

"Tumama yang ulo mo sa raillings ng hagdana.Medyo malakas kaya nawalan ka ng malay."ani ni kuya.

"Kuya masama ba ang lagay ko?"

"Hindi naman...Okay naman na yang ulo mo.Kailangan mo lang daw ng pahinga."sagot nya.

"And don't call me kuya kase we're on the same age lang naman yata."dugtong nya.

"Okay.Ano bang pangalan mo?"tanong ko sa kanya.Napansin kong kaming dalwa lang pala ang tao dito.

"Antonio Nyx...Love for short."nakangising sabi nya.

Napairap ako sa kalokohan nya.Pinilit ko ang sarili kong tumayo pero nahihilo pa talaga ako.

"I said don't force your self.Tigas ng ulo mo."

"Kailangan kong humingi ng tawad sa lalaking maarte na iyon."

"His name is Von.At tsaka mag-pahinga ka nalang dyan dahil wala ka namang makikitang maarte na lalaki dito dahil may business trip sya sa korea."paliwanag nya kaya sinunod ko nalang dahil bawat try ko tumayo ay nahihilo lang ako.

"Matulog ka nalang ulit.Mamaya namang gabi ay nandito na iyon."

"Nasaan ba ako?"

"Nasa kwarto ka ni lalaking maarte."nanalaki ang mata ko ng madinig ko ang sinabi nya.

"B-bakit dito?Pwede namang doon nalang ako sa sofa."

"Sya ang nagsabi na dito ka daw muna kaya matulog ka nalang ulit.Aalis na ako dahil may meeting din ako."ani nya at tumayo na pero pinigilan ko muna sya sa pag-alis nya.

"May isa pa akong tanong."ani ko.

"Ano yun?"

"Tanggal na ba talaga ako sa trabaho?"tanong ko sa kanya.Serysong seryos kasi si Von kanina nung sinabi nyang tanggal na ako eh.

"Will see."nakangiting sabi nya at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

"Kinakabahan na talaga ako...Napaka gaga mo naman kasi talaga hope eh."inis na sabi ko sa sarili ko at sinabunot bunutan pa ang buhok ko.

Masakit pala kaya itinigil ko na din.Nilibot kong muli ang paningin ko sa kabuuoan mg kwarto.Kaya naman pala puro black ang nakikita ko dito ay kwarto pala ito ng isang lalaki.

"Sino yun?"ani ko ng may makita ako isang frame pero hindi ko makita kung sino ang nandoon sa picture.

At dahil matigas ang muka ko ay pinilit ko talagang tumayo kahit umiikot ng 360 degree ang paningin ko at salamat naman ay nakabangon na din ako sa wakas.

Nilapitan ko ang frame na nakita ko at si lalaking maarte pala ang laman ng picture na iyon pero hindi lang sya nandoon dahil meron pa syang kasamang isang batang lalaki doon tapos isang matandang babae.Parang family picture nila to pero wala nga lang tatay.

Nilibot ko pa ang paningin ko at nakita ko ang mga certificates na naka frame din at nakadikit pa sa ding ding.

"Ang dami ha."manghang sabi ko hanga isa isang tinitignan ang mga certificates nya.Nasa sampung piraso kasi ang naka sabit dito sa ding ding ng kwarto nya.

Ang ganda ng kwarto nya pero halos lahat ng bagay dito ay kulay itim kaya di ko masyadong type kasi ang paborito kong kulay ay pink.Pero magaganda yung mga design dito sa kwarto nya di ko lang talaga type yung kulay.Masyadong Malungkot.

"Wow!"bulalas ko ng makita ko ang napaka raming libro na nakalagay sa estante na mas mataas pa sa tao.Halos umabot na nga ito sa kisame ng kwarto.

Punong puno ang estante ng mga libro na makakapal at mukang mga luma na din.Nilapitan ko ang estante at tinignan ang mga libro.

Kumuha ako ng isang libro at napangiti ako nang mabasa ko ang pamagat ng libro.

"Angel last mission."basa ko sa pamagat na nasa libro.Mukang nakaka hayok basahin ito dahil pamagat palang ay gugustuhin mo na talagang basahin ito.

Binitbit ko ito papuntang kama para doon ito basahin.Naupo ako sa kama ni lalaking maarte at sinimulan ng mag-basa.

-

"Wahhh!Bakit ba kasi kailangang kunin ka pa!"umiiyak na ani ko.

Hindi pa ako tapos mag-basa pero umiiyak na ako.Ang sakit kasi ng nang yari sa lalaki eh.

"What the!?"napatingin ako sa taong pumasok sa kwarto.Agad kong pinunasan ang luha ko ng makita kong si lalaking maarte pala iyon.

Naka polo syang itim at may dalang bag.

bakit bigla yata syang naging gwapo?Ganon ba talaga pag nag-ibang bansa ka??

Lumapit sya saakin at kinuha ang libro pero inagaw ko kaagad ito sa kanya at itinago ito sa likodan ko.

"Give me that."utos nya pero di ko sya pinakinggan.

"Ayoko nga!Hindi pa ako tapos mag-basa."mataray na ani ko at inirapan pa sya.

"You okay now?"

"Oo."

"Then leave!"ani nya at pinilit kunin saaking ang libor at nakuha naman nya.

"S-sorry na.Please,hindi ko naman alam na ikaw pala ang magiging boss ko eh."pag-mamakaawa ko at lumuhod pa talaga ako sa harapan nya.

"Please...Sorry na talaga hindi na mauulit."

"What are you doing?"

"Nag-sosorry?"patanong na ani ko.

Yumuko sya ng kaunti at tinitigan ako sa muka.Kinabahan ako pero hindi ko ipanakita sa kanya.

"Okay you're hired again.But,i don't want any stupid act again."ani nya at tumayo na ng tuwid at lumabas na ng kwarto.

stupid act?

"Ako ba ang tinotukoy nya?"tumayo na ako at nag-tingin pa ng iba nyang mga gamit dito.

Ang dami nyang mga lumang bagay na naka display sa mga estante nya dito at lahat ng ito ay kulay itim.Napansin ko din ang larawan nya na naka sabit sa dingding.

Tinitigan ko ang larawan nya at may napansin akong kakaiba.

Bakit wala syang anino?

Kasi sa picture ay naka tayo sya at nakapamulsa.Muka pang tirik na tirik ang araw dito daw nakikita sa pader ang anino ng kumuha ng litrato sa kanya.Babae pa nga ang itsura ng anino pero sya ay walang anino sa likod nya.

Nag-taka talaga ako ng husto kaya kinuha ko ang picture nya na nakasabit sa dingding at tinitigan pa ito ng maayos.

Maayos naman ako kuha pero wala talaga syang anino.Kahit sa pagitan ng mga braso nya ay wala talaga.

bakit kinikilabutan ako?

itutuloy.......

:]

Continue Reading

You'll Also Like

202K 2.4K 48
Valerie a high ranked mafia business women comes across a little while at the mall , she hasn't seen much Littles around . The high ranked gallone c...
94.9K 2.4K 35
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...
614K 1K 22
Smexy One shots😘 Got deleted twice 3rd times a charm🤦🏻‍♀️😭
221K 4.9K 71
imagines as taylor swift as your mom and travis kelce as your dad