South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.6M 749K 405K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 55

166K 9K 6.2K
By JFstories

MASAKIT ANG ULO KO NANG MAGISING.


I tried to blink my eyes open, but I was still too sleepy. Nakadagdag sa aking antok ang malamig na klima, parang naka AC. Pero kahit malamig, hindi ako giniginaw. Mainit kasi ang sinasandalan ko. Mainit din ang matigas na bagay na nakapulupot sa bewang ko.


Anong oras na ba? Bakit ba parang masakit ng ulo ko? 


Nakaulinig ako ng mga mahihinang usapan mula sa kung saan.


"What do you think?"


The woman's voice was so familiar. Pinag-isipan kong mabuti kung sino siya.


"Hmn, there's nothing not to like in this place," a voice from another woman. Napaka familiar din. "Maaliwalas and good neighborhood."


"Right, Sonya. Lalo mo pang magugustuhan dito once sinimulan na ng aking unico hijo ang pagpapagawa nitong bahay. Siya mismo ang magiging inhinyero nito, don't you know that?"


"Very impressive, Norma."


Napadilat ako nang makatiyak kung kani-kaninong boses ang mga naririnig. Nanlaki ang mga mata ko na kanina'y hindi ko maimulat nang husto.


Wala ako sa kwarto at kama ko. Nang ibaba ko ang paningin ay nakita ko ang kamay na nasa aking tabi. Sa suot na Rolex watch ay nakilala ko si Hugo. 


Nagpa-panic na pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi, but all I could remember was dozing off in his arms while he was carrying me. 


Iginala ko ang paningin sa paligid. Sa footboard ng kama ay naroon ang mga pinaghubaran kong damit kasama ang isang panlalaking long sleeve polo. Nakasampay ang mga ito habang nakatutok sa nakabukas na stand fan sa gilid.


Bumukas ang pinto at bumalandra sa paningin ko ang nakangiting si Mrs. Aguilar. Agad na nabura ang ngiti ng ginang dahil sa nadatnan. "Santisima!"


Pumasok siya loob at nagmamadaling basta na lang isinara ang pinto.


"Tarantado ka talagang bata ka!" pigil ang boses ni Mrs. Aguilar nang lumapit. Pinaghahampas niya si Hugo sa tabi ko.


Gulat namang naalimpungatan ang lalaki kaya napabitiw sa akin. "What the fuck?!"


Nang makakuha ng pagkakataon ay lumayo ako kay Hugo. Hinila ko agad ang kumot para matakpan ang aking dibdib. Nanginginig ako sa pagkawindang sa mga pangyayari.


"Bumangon ka riyan, Hugo Emmanuel! Tarantado ka!" Sinabunutan siya ng mommy niya. "Magpapa-bad shot ka pa sa magiging byenan mo! Dinala ko nga rito para ipagmalaki na may napundar ka nang property, 'tapos ganito maaabutan namin dito?!"


"Ouch, Mom!" Todo salag siya sa mga atake sa kanya ng mommy niya. "What the hell are you doing here?!"


"Bumangon ka riyan! Inaayos ko ang buhay mo pero ikaw, wala ka nang ginawa kundi puro katarantaduhan! Ayusin mo sarili mo!"


Binalingan ako ni Mrs. Aguilar. Nanlilisik ang mga mata niya na tanging ngayon ko lamang nakita.


"And you Sussie, get dressed! Nasa labas ang mama mo at—" Hindi siya nakatapos sa pagsasalita dahil biglang may kumatok mula sa labas ng pinto.


"Norma, ano? Nariyan ba si Hugo? Baka naman sinadya niya lang iwan sa garahe ang kotse niya? Saka may mga basyo ng alak sa dining."


Namutla ang mukha ni Mrs. Aguilar. Hindi siya makasagot kay Mama.


"Norma?" Pumihit pabukas ang doorknob.


Nang bumukas ang pinto ay sabay na nahugot ko ang kumot at ang aking paghinga.


"Sussie?" Gulat na napatitig si Mama sa akin.


Kitang-kita niya ako sa ibabaw ng kama na tanging kumot lang ang takip sa hubad nakatawan. Si Hugo naman ay nasa aking tabi. He was wearing his denim jeans and nothing else. His jet-black hair was slightly disheveled. 


"Sonya..." Lalapitan sana ni Mrs. Aguilar si Mama pero tinalikuran siya ni Mama at pinagsarhan ng pinto.


Nagpa-panic na hinarap ako ni Mrs. Aguilar. "Sussie, magbihis na kayo! Bilisan niyo!"


Bago sundan si Mama ay binalingan niya ulit si Hugo at dinuro.


"Puro sakit ng ulo ang ibinibigay mo sa akin! Ipapahiya mo lang ako, sa matalik na kaibigan ko pa talaga!" Nang lumabas siya ng kwarto ay pabalibag niyang isinara ang pinto.


Naiwan kaming dalawa ni Hugo sa kwarto. Sandali ring namayani ang katahimikikan. Nakayuko siya habang mahinang napapamura.


Nang tumayo na siya ay izinipper niya ang nakabukas na fly ng suot na jeans. Nilapitan ang mga damit ko at ang polo niya na nakasampay sa footboard ng kama. Inuna niyang kapain ang mga damit ko.


"Tuyo na 'to."


Humigpit ang pagkakakuyom ko ng aking mga palad. Yumuko ako para iwasan siya. Ayaw ko siyang kausapin.


He let out a sigh. "Una na ako sa labas, pasasampal muna ako sa mama mo." Kinuha niya ang kanyang long sleeve polo na naiwang nakasampay sa footboard at isinuot kahit gusot.


Nagsisimulang mangilid ang luha sa mga mata ko habang nakababa ako ng tingin. Nang makalabas na si Hugo ng kwarto ay sumubsob ako sa aking mga palad.


Gulong-gulo ako. Halo-halo iyong pakiramdam. Para akong sasabog. Para akong tatakasan ng bait. Gusto kong magwala, pagsasampalin at saktan ang sarili ko. Ilang minutong inubos ko ang sarili sa mahinang paghagulhol.


Tumayo ako sa kama matapos ang ilang minuto. I harshly wiped the tears on my cheeks. Sinubukan kong isuot ang pants pero hindi ko magawa nang maayos. Nanlalabo ang mga mata ko sa luha at nanginginig ang mga kamay ko sa takot at kaba.


Nasa akto akong pinipilit na maisuot ang pants nang bumukas muli ang pinto. Nang tumingala ako ay nakita ko si Hugo na nag-aalalang nakatingin sa akin.


"Kaya mo ba?" Madaling lumapit siya sa akin at maingat na kinuha sa kamay ko ang pants.



Hindi ako kumikibo. Hindi ko siya tinitingnan. Basta nakayuko lang ako at nanghihina habang tumutulo ang mga luha.


"Sussie..." 


Saka ko lang siya tiningala para saluhin ang maglungkot niyang mga mata. May kinuha siyang panyo sa likod na bulsa ng kanyang jeans. Ginamit niya iyon para punasan ang luha ko sa pisngi. Pinagmasdan ko si Hugo. Namumula ang kanang pisngi niya at halatang may sumampal sa kanya.


"This is nothing." Ngumiti siya nang pilit. "But dito mo na lang sana ako sa kabila sampalin just in case maisipan mo."


Nang mabawi ang lakas ay tinabig ko ang kamay niya at tinalikuran siya. Lumakad ako patungo sa pinto, palabas ng kwarto.


Sa sofa ay naabutan ko na umiiyak si Mama habang inaalo siya ni Mrs. Aguilar.


"Sonya, si Sussie..." pagbibigay alam sa kanya ni Mrs. Aguilar.


Napaangat ng mukha si Mama sa akin. Pulang-pula ang mga mata niya nang tumayo sa sofa at lapitan ako. "Sussie..."


Kinuha niya ang kamay ko at masuyong pinisil.


"I am not mad, anak..." garalgal ang boses na sabi niya. "I'm just in shock. Bigla ay hindi ako makapaniwala na dalaga na talaga ang baby ko. Nag-aalala rin ako dahil anak, hindi pa kayo kasal ni Hugo. Hindi ka pa dapat pumapayag sa ganito—"


"Sonya, seryoso naman ang anak ko sa anak mo," sabat ni Mrs. Aguilar.


"Maaari," hinarap siya ni Mama. "But you can not blame me for worrying, Norma! Babae ang sa akin baka nakakalimutan mo! Mas agrabyado rito ang anak ko!"


Tiningnan ko ang mukha ni Mama. Nanikip lalo ang dibdib ko nang makita sa kanya ang sakit, galit at pag-aalala.


Pag-aalala? Bakit siya nag-aalala? Bakit ngayon? Bakit hindi noong bata pa ako? Bakit hindi noong iniwan niya ako? Bakit hindi noon kung kailan kailangang-kailangan ko siya? Seriously,  what was her problem?


Ang tagal niyang wala. Tapos bigla-bigla niyang naisipan na gusto niyang maging nanay ko ngayon?


"Bitiwan mo ako," mahinang sabi ko. She wasn't helping. Lalo niya lang ginugulo ang nararamdaman ko ngayon. Hinila ko ang mga kamay ko pabitiw pagkakahawak niya.


Nagtatakang napatingin siya sa mga mata ko at tila may nakita siya roon na nagpakirot ng puso niya.


"Wala kang karapatang mag-alala para sa akin," bagamat mahina ay mariin ang aking boses. "Kung may dapat mang masaktan, magalit at mag-alala para sa akin, hindi ikaw iyon."


"Sussie, anak..."


"Si Tatay Bear iyon..." Napahikbi ako kasabay nang pamamalisbis ng mga luha sa aking pisngi. "Siya lang ang may karapatan. Ikaw, wala!"


Iniwasan ko ang akmang paghawak niya ulit sa akin. Tinalikuran ko siya at nanakbo ako palabas sa pinto.


"Sussie," narinig kong sigaw ni Hugo.


Hinabol niya ako matapos magpaalam sa dalawang babae. Naabutan niya ako na papalabas ng gate.


"Sussie!" Hinuli niya ang pulso ko.


Hinarap ko siya at sinampal gamit ang isa kong kamay na hindi niya hawak. Hindi ko siya sa kaliwang pisngi sinampal, sa kanan din.


"Bitiwan mo ako!"


"No," matigas na tanggi niya.


"Ano ba, bitiwan mo ako! Uuwi na ako!"


Binuhat niya ako pasampay sa likod niya. Pinaghahampas ko siya sa likod. Hindi niya pa rin ako binibitiwan. Halos mag-hysterical na ako.


"Hugo, nahihilo ako!" Napakapit ako sa polo niya dahil umikot bigla ang paningin ko. Nakaramdam ako ng pagkasuka dahil sa hilo.


Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat ng kanyang kotse. Doon niya ako ibinaba.


"Wag kang susuka, kaka-fully paid ko lang nitong kotse ko."


"I don't care!" Dinukot ko ng dalawa kong daliri ang aking bibig pero agad niya ring nahila ang kamay ko.


"Siraulo ka talaga, Susana!"


"Mas siraulo ka, hindi ka naman nagpapatalo e!" bulyaw ko sa kanya.


"Wag kang pasaway, itatali kita!" banta niya. Kinabitan niya ako ng seatbelt pagkatapos ay binuksan niya ang gate na nasa harapan namin.


Bumalik siya sa bungalow para kunin ang bag ko. Ibinigay niya iyon sa akin.


"Your phone is in there," parang labag pa sa loob na sabi niya.


Nang sumakay na siya sa tabi ko ay hindi na ako nagsalita pa. Nanahimik na ako dahil parang babalikan ang sikmura ko sa hilo nang paandarin niya na ang kotse.


Naalala ko ang phone ko. Kinalkal ko ang aking bag. Kinuha ko ang phone at nanginginig ang daliring tinap ko ang screen nito.


I had fifty missed calls and twenty unread messages.


Ibinaba ko ang phone. Hindi ko magawang buksan ni isa sa mga unread messages na galing lahat sa iisang tao.


Nag-ring ang phone. It was him.


Nakatitig lang ako sa screen ng phone. Hinintay ko na matapos ang call. Sunod-sunod ulit ang messages na dumating pagkatapos. Tila may sariling buhay ang mga daliri ko na tinap ang inbox na isang pagkakamali pala na gawin. Namalayan ko na lang na tumutulo na naman ang mga luha ko habang binabasa ang mga bagong messages.


Message 21
Sexy Aki:
Why aren't you answering? Nag-aalala ako.


Message 22
Sexy Aki:
Nasaan ka? Pupuntahan kita.


Message 23
Sexy Aki:
Are you mad?


Message 24
Sexy Aki:
Have I done something wrong?


Message 25
Sexy Aki:
Kung meron, whatever it is, I'm sorry.


Hindi ko na binasa ang iba dahil hindi ko na kaya. Umiiyak na lang ako habang nanginginig na nakasubsob sa phone ko.


Wala namang kibo si Hugo sa tabi ko. Mahigpit ang hawak niya sa manibela at seryoso ang mga mata niya na nakatuon sa daan.


Nasa Indang na kami nang tumahan ako. Matagal-tagal din nang magsalita siya ulit. "Are you hungry?"


Hindi ko na siya pinagkaabalahang sagutin. Tulala lang ako sa pagtitig sa labas ng bintana ng sasakyan.


"Sussie..."


Tinapunan ko lang siya ng matalim na tingin at pagkatapos ay bumalik na ang mga mata ko sa bintana.


Narinig ko ang pagpapakawala niya ng buntong-hininga. "Nothing happened."


Humigpit ang pagkakahawak ko sa phone nang marinig ang sinabi niya.


"You know, I can't do that to you."


Dama ko ang pait sa boses niya habang nagsasalita.


"Bakit nakahubad ako?" mahina lang ang pagkakatanong ko pero mariin. Hindi pa rin ako sa kanya tumitingin.


"Sussie, nagsuka ka kagabi, pati nga ako ay nasukahan mo.Nilabhan ko sa banyo iyong marumi mong damit. Isinama ko na iyong polo ko dahil nga may suka na rin. Wala naman akong stock na damit dito para pagbihisan natin."


Hindi na ulit ako nagsalita hanggang sa makarating na kami sa General Trias. Sa bahay namin sa Brgy. Pasong Kawayan Dos niya na ako inihatid. Nang huminto na siya sa gilid ng kalsada ay sinubukan ko agad na buksan ang pinto ng kotse, pero ayaw bumukas. Naka-lock!


Nilingon ko siya. "Hugo, bababa na ako."


He let out a deep sigh before looking at me. "Sussie, I love you."


"Buksan mo na ang pinto," malumanay pa rin ang tono ko. Akala ko ay nagkakaintindihan na kami, na hanggang pagkakaibigan lang ang puwede, kaya hinayaan ko siyang manatili sa aking tabi. 


"Susana, hindi mo ba narinig?" malungkot ang boses na tanong niya.


"Sabi ko, buksan mo ito!" Hindi ko na nakayanan. Sa tindi ng emosyon ko ay nahampas ko na ang pinto.


"Susana,'sabi ko, mahal kita."


Tiningnan ko lang siya.


"Susana, tayong dalawa iyong matagal ng magkasama. Tayong dalawa ang naiwan sa isa't isa. Tayong dalawa lang. Bakit parang nakalimutan mo na?"


Nangunot ang noo ko kay Hugo. Parang sinasabi niyang wala na kaming choice kundi ang isa't isa tutal kami lang dalawa ang magkasama noon pa. "Hugo, sa buong pagkakataon ba na magkaibigan tayo ay iyan ang nasa isip mo?" matabang na tanong ko.


Gumuhit ang pait sa mga mata niya. Naiiling na pinindot niya sa harapan ang button para sa lock.


"'Wag ka munang magpapakita sa akin, Hugo." Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pinto ng kotse. Mabilis akong bumaba at pumasok sa gate namin.


Nanginginig ang mga tuhod ko habang naglalakad. Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko si Tatay Bear na nagkakape sa sofa.


"Susana?!" Gulat na napatayo siya gamit ang kanyang saklay. Nagulat siguro siya na hindi pa Sabado ay naririto na ako.


Humakbang ako palapit sa kanya. "Tatay Bear..."


Nang makita ko siya ay saka ko naramdaman kung gaano ako nagsisisi sa lahat ng mga nangyari. Pakiramdam ko, malaki ang naging kasalanan ko sa kanya.


"Anak, anong problema?" Bumakas ang pag-aalala sa mukha niya nang makitang lumuluha ako.


"Sorry po... sorry po, Tatay Bear..." iyak ko sa kanyang balikat. Siya ang pinagkukunan ko ng lakas mula pa noon. Sa kanya ko ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko.


"Hindi ko maunawaan, anak..." Inilayo niya ako sa kanya. "Ano bang nangyari?" Nasa mukha niya ang matinding pag-aalala sa akin. "Bakit ganyan ang ayos mo?" tukoy niya sa gusot kong blouse.


"Tatay Bear, sorry kasi—" Hindi ko naituloy ang pagsasalita nang mula sa kusina ay nakita kong nakatayo si Arkanghel.


Nakatingin siya sa akin. He was wearing a navy blue long sleeve button-down polo without a tie and light grey slim-fit trousers. Nanghina ang mga tuhod ko nang masalo ang kulay abo niyang mga mata.


Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito?!


Napalingon si Tatay Bear kay Arkanghel. "Heto at narito si Totoy. Kanina pa siyang madaling araw rito at hinihintay ka. Hindi ka raw kasi nasagot sa text at tawag niya."


Kanina pa? Galing pa siya sa office kagabi at dumiretso rito? Pero ang alam ko ay nasa condo niya siya kagabi, di ba...


"Alalang-alala sa 'yo iyang si Totoy," dagdag ni Tatay Bear. "May sasabihin nga raw siya sa akin, pero gusto ka raw kasi niya munang kausapin. Ang kaso naman, hindi ka nga niya ma-contact."


Sumisikip ang loob ng dibdib ko habang ang paningin ko ay na kay Arkanghel. Nasasaktan ako kahit wala pa siyang ginagawa o sinasabi. Nasasaktan ako kahit nakatingin lang siya sa akin.


He slowly walked towards me. Nang magsalita siya ay kalmado ang tono. "Saan ka galing?" Even his grey eyes were calm.


"Anak, ikaw ba ay hindi pumasok sa 'yong trabaho? E saan ka nga ba galing?"


Nanunuyo ang lalamunan na sinubukan kong magsalita. "Sa..."


"She's with me, Mang Andres."


Nanigas ang leeg ko nang marinig ang boses ni Hugo mula sa pinto. Sumunod pala siya sa akin.


"Kasama ko ho si Sussie magdamag sa property ko sa Tagaytay." Nakapasok na si Hugo sa sala.


"Anong sinasabi mo, Hugo?" kunot ang noong tanong ni Tatay Bear sa kanya. Magtatanong pa sana ulit si Tatay Bear nang mag-ring ang kanyang phone sa bulsa ng suot na baggy capri pants. Napatingin pa siya sa akin bago niya iyon sagutin.


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan habang pinapanood ang reaksyon ni Tatay Bear. Ilang minuto ang lumipas na hindi siya nagsasalita at nakikinig lang sa kung sino ang tumawag sa kanya. Hindi ko alam kung sino, pero may hinala ako.


Nang ibaba niya ang cellphone ay seryoso at wala na ang bait sa kanyang anyo nang tingnan niya ako. "Tumawag ang mama mo, Susana." Pati ang tono niya ay hindi na malumanay.


Nang lumapit si Hugo sa akin ay hinarang siya ni Arkanghel.


Hahawakan sana ako ni Arkanghel sa pulso nang hilahin ako ni Tatay Bear patungo sa gilid niya.


Nagsalita si Hugo pero ang walang takot niyang mga mata ay nakatutok kay Arkanghel. "Mang Andres, handa ho ako sa kahit anong desisyon niyo para sa amin ni Sussie."


Nang tingnan ko si Arkanghel ay nag-iigting ang kanyang panga habang masama ang titig niya kay Hugo.


"'Toy, umuwi ka muna," mariing sabi ni Tatay Bear sa kanya, Pagkatapos ay hinarap si Hugo. "At ikaw lalaki ka, hintayin natin ang mommy mo at mama ni Susana. Mag-uusap-usap tayo rito."


JF

Continue Reading

You'll Also Like

13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
4.1M 241K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
15.8K 18 1
Pretender Series || Salazar Cousins #2 Blind. A word to describe her. Not literally but figuratively. Why does she keep choosing someone who kept hur...